KLM. Someday </3

l3zrkSOMEDAY tarafından

239 10 1

Daha Fazla

Aning......Aning......Aning......
K?
K is for KRISHH..... L IS FOR LOVE ♥
klm

KLM. Someday </3

126 5 1
l3zrkSOMEDAY tarafından

Prologue.

Sana ang puso natuturuan na lang. Sana pwede 'tong utusan. Sana pwede na lang na maging katulad mo ko. Sana kaya ko din ipagpalit ang puso ko sa utak ko. Matalino daw ako? Anu yun joke? Ang BOBO ko nga eh, kase mas pinipili ko 'tong puso ko kesa sa utak ko. Mas pinipili kong masaktan para sa babaeng mahal ko. Bobo ko kase puso ko yung pinapagana ko kesa sa utak ko. Bobo ko kase patuloy pa din ako sa paghabol sa taong kinalimutan na ko. Bobo ko kasi pinipilit ko yung sarili ko sa taong hindi ako na ako mahal. Bobo ko kase hindi ko maitanim sa utak ko na hindi mo na ko mahal. Galit ako sa'yo kase hinayaan mo lang ako. Galit ako kase ganung kadali mo lang ako pinakawalan. Galit ako kase lage na lang akong nasasaktan. Galit na galit ako. Pero kapag nakikita na kita, nawawala lahat ng galit sa puso ko.  Mas lamang pa rin ang pagmamahal ko sayo kesa sa galit at sakit na nararamdaman ko. Ang hirap magtago ng nararamdaman. Pwede ba mawala na lang ako? Sana magka-amnesia na lang ako. Sana nga mawala na lang lahat ng memorya sa utak ko :(

-

-

-

--

-

--

 Chapter 1:

Sa bawat aalis, may dadating,

Sa bawat mawawala, may papalit.

Kailangan mo lang silang tanggapin at bigyan ng importansya.

Mico’s  POV

This is it! First day of the class. Meaning, makikita ko na naman ang mga classmates ko. Haysssss, makikita ko na naman ang mga isip bata na yun.Bakit kasi ang talino ko? Nasa highest section tuloy ako. Kasama ko tuloy ang mga nerd na yun. Ohhh. Teka. Landi ko. Di pa pala ako nagpapakilala. Ako pala si Miro Roi Santiago. 3rd year Student of Roosevelt Academy. And guess what, gusto kong magpalipat sa adviser ko sa third section pero ayaw nya. Sabe nya, HINDI! Dito ka lang sa first section! HAHAH. Ano ba yan. Nasa third section pa naman lahat ng friends ko nung first year. Ako na nga lang kulang doon e. Pero wala. Hindi ko na pinilit ang ayaw. Nagtyaga ako sa first section, andun naman ang elementary classmate ko na si “Joshua Vien Veranda”. Okay na din siguro. Naging bestfriend ko naman sya last year so siguro magiging close ulet kami. Ayan na yung teacher namin. Magkatabi na rin kami sa upuan ni JV.

Me: Jv!, Di ba ayan yung teacher na masunget nung second year tayo?

JV: Oo nga noh? Malas naman natin!! -.-

Me: Ok lang yan. Kaya natin yan! Tiwala lang.

JV: Tama, Susuko din saten yan! AHAHAHAHAHAHAH

( Tawa kami ng tawa parehas kasi pinag-uusapan namin yung teacher naming masungit!!)

Ng biglang,

Maam: Hoy Veranda, Santiago! Maghiwalay nga kayo ng upuan! 2nd year kayo pasaway na kayo hanggang ngayon pa rin ba?

Naku. Kilalang-kilala kami ahh? J HAHAHAH

Me & JV: Ahh opo maam!

Ayun. The whole 2 hours e, introduction ng sarili. Naku naman. Kakasawa na. Magkakakilala na kami although may iba na galing sa ibang section dati na napromote sa highest section. Pero majority naman ay mga classmate ko din nung Second year.

Reccess time!!!!!

@Third Section…

Me: Oi pre! Musta na? Tae sayang di ako sa inyo napunta. Nakakainis. Di bale, next year malay nyo J

Cris: Oo nga e. Sama ka na lang samin minsan pag may gala.

Me: Ocge! Appear! J

Cris:  HAHAHAH Osige. Nagbell na! Pasok na ng classroom. Patay ka sa teacher nyo!

Me: Asa pa sya. Kaya nya ba ko ? (YABANGGGGG!)

CRIS & ME: (PUMASOK NA SA KANYA-KANYANG ROOM!

Wala naman nangyareng maganda maghapon nakakasawa lang umupo at tumanganga at gumawa ng math activities. Math major kase yung adviser namin and usually, pag first day, wala pang rotation ng teacher.

At eto na MY FAVORITE SUBJECTTTTTTTTTTTTTT J

Uwian naaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa J

Malapit lang naman ang bahay ko sa school so walking distance lang. Kasabay kong umuwi si JV since parehas kami ng way. Habang palabas kami ng gate………

JV: Oyyyyy Mico! Si M ohhhhhhh.

ME: LUL! Wala na kami nyan!

JV: Talaga? Sayang naman.  Pero tignan mo ohh, nakatingin sayo.

Me: Tssssssss. Yaan mo sya.. Paawa effect lang yan.

*FLASHBACK*

Me: Anu ba nagawa ko sayo? Bakit niloko mo ko? Bakit niloko nyo ko? Grabe kayo. Habang nakatalikod pala ako ganyan ginagawa nyo? M! Bakit sa bestfriend ko pa? ha?

M: Miko, Hindi kita niloko. Hin----( di ko na pinatapos)

Me: Wag ka na magpaliwanag, Ilang beses na kita pinagbigyan. Tama na yun. Manloloko ka! Ayoko na sayo!

End of *flashback*

Yeahhright. M is my Ex-Girlfriend. Matagal din kami. Almost one year and two months.  Pero ayoko na sa kanya, manloloko siya eh. It’s been almost 4 months since we broke up. And after nun di na kami nag-usap or nagkatext man lang. Iniiwasan ko na rin.

M: Hi Mico!

Me: LUL! Hi your face. Pero syempre joke lang J Hindi ako masunget.

Me: Hello. Sige uwi na ko.

Iniwan ko na sya dun. Kala nya bati na kami. Asa siya.

Kim’s POV

Woooooooooo! First day ko dito sa Roosevelt Academy pero sila 3rd day na. HAHAHAH. Kung may magagawa lang sana ako for two months, hindi na ko magtitrip na mag-aral dito. Yes I’m just tripping here. Kasi naman, by September, aalis na ko dito sa Philippines and I will go to Italy with mommy and daddy para dun na mag-aral. Eh June pa lang ngayon, so two months pa iintayin ko L Well, san ba yung third section na yun. Si tita kasi e. Sa third section ako nilagay. Hindi pa sa first section.

LAKAD-LAKAD-LAKAD! Ayooon! Yess.! Eto na yung third section. Ayyyy mas madami yung boys sa girls. Errr! Ang gugulo nila. Hmmm. Doon ako uupo sa tabi nung isang girl.

Me: Hi! Pwede ditto ako umupo.

Belle: Sure. Im belle. Ikaw?

Me: Denny Kim Cruz. Kim for short!

Belle: Nice to meet you.

Me: Nice to meet you too.

Belle: Transfer ka ba dito?

Me: Ahh oo (Kahit aalis din ako dito after two months).

Belle: Ahh, Ako din eh.

So transferees pala kami parehas, may nakilala pa kaming dalawang girl. Yung isa yung maliit na cute na si Adel tas yung isa na from province pa daw namely Shane. Transferees din yung two girls. Ano ba tong third section pugad ng transferees. Hehehehe. Well, hindi pa naman daw ito yung totoong section. Sabi nung mga teachers, ang fixed lang daw ay yung first section. Ibig sabihin, pwede pa kami magkahiwalay apat L

Mababait naman yung mga classmate namin dito sa third section. Dami nga nagpakilala saken e. Ganda ko J HAHAH. Yung iba nanghihingi ng papel. Ano ba yan. First week pa lang mga wala ng papel. Gawin daw ba akong supplier. Hmp.

Reccess Time.

Magkakasama kaming lumabas pero mag-isa lang akong bumalik kasi nauna na sila pumunta pa kasi ako sa tita kong guidance counselor. Bago ka makarating sa room namin, dadaanan mo yung room ng first section, pagdaan ko dun. Nakita kong nag-uusap yung classmate ko at yung isa na taga first section ata.

Venus: Hoy Mico! May maganda akong classmate.

Mico: OHh talaga? Asan? ( sumilip ako sa room nila wala namang tao -___-)

Venus: Tanga! Ayunn ohh parating na.

Mico: Saan? Sabay lingon sa way na tinututo ng daliri ni Venus.

Venus: Tanungin mo pangalan ahh?

Mico: Sige.

Pagdaan ko………..

Mico: Uhhh. Hi! Anung pangalan mo?

Me: Hmmmmmm.. KIM!

Mico: (medyo natawa) Ahh. Ang ganda mo naman ate.

Me: (Bakit kaya natawa to.) Feeling ko nagblush ako kaya di ko na sya sinagot. Pumasok na ko ng room.

Magkatabi kami ng classroom ng first section, yung second section kasi nagruroom sa science laboratory since science major yung adviser nila. Si Mico, top 9 ng first section nung 2nd year sila. Yung mga mokong na classmate kong boys eh mga bestfriends pala nya nung 1st year naman sila, napunta sa first section si Mico kasi top 1 sya nung first year. ( Wow talinong bata!) Si JV yung lageng kasama ni Mico. Eto yung mga narinig ko sa mga classmate ko about kay Mico. Teka bat ako curious sa kanya? Erase! Erase! Erase!

After a week,

Classmate1: Hey Kim! May crush sa’yo to oh.

May itinuro na guy.

Wholeclass:  yieeeeeeeeeeeee! Si Eldin umiibig.

Ang kukulet naman ng mga to. Nakikisakay na nga lang ako e.

RECCESS TIME  na naman…………..

Hindi kami lumabas para kumain sa canteen kasi may kanya-kanya kaming baon. So dito  kami sa classroom. Biglang may pumasok. Tssssssssss. Tresspasser. Nagulat ako kasi si Mico yun. Friend nya din pala si Eldin. Yung admirer ko! HAHAH.

Rence: Mico, kunin mo nga yung number nun para kay eldin. Ayaw kasing ibigay samen e.

Teka teka teka, number ko yun eh. Para kay Eldin daw e diba admirer ko yun.

Mico: Ayy teka, wala akong dalang cellphone nandun sa bag ko e. Wait lang.

Rence:  Wag na! Eto na lang gamitin mo ohh. (inabot yung phone) Sige na kunin mo na.

Mico: Sige, libre nyo kong ice cold Milo pag nakuha ko ah.

Rence: Si Eldin na ang bahala sa’yo! :D

Ayan na sya, lalapit na sya saken, Kukunin na nya yung number ko. Ayyyyttttttttt.

Mico:  Uhm. Kim! Hello.

Me: Hi. (ngiting-kabado)

Mico: Pwede ko bang kunin yung cellphone mo? HAHAHAHHAH de joke lang. Pwede bang kunin ko yung cellphone number mo?

Me: Uhmmm (Di ako makatanggi). Ahh etoo ohh. 0907********

Mico: Ui thanks!

Sabay alis na sya. Bumalik dun sa upuan nila Eldin.

Mico: Ohh eto na. Milo ko ah?

Classmate1: Mamaya. J Si Eldin may sagot nun.

Mico: Oh teka, Kunin ko lang yung cellphone ko. Isesave ko lang number nya.

Classmate1: itetext mo din?

Mico: Oo, masama? Ako naman kumuha ng number nya e.

Ano ba to. Itetext daw nya ko.

Saturday ngayon. It’s been 1 and a half week  since hiningi nya yung number ko. Wala ata syang load. Or nakalimutan nya. Hmmm ano kaya? Ayyyyy bakit ko ba hinihintay.After an hour. Tumunog yung cellphone ko.

How do I breathe? Without you here by my side, How will I sleep when your love brought me to the light. Where do I go? Where the --  Hindi na natapos yung message alert tone ng cp ko kasi binuksan ko na yung message. Pagkabukas ko,

From: 0910********

Hi Kim! Si Mico ito. Remember me? Ako yung kumuha ng number mo.

To: 0910********

Hello. Ahh. Oo naman.. Heheheh

From:MICO(Naisave ko na yung number)

Ayy buti naman. So kamusta?

To: MICO

Okay lang naman.

From: MICO

Ahh. Anung ginagawa mo?

To: MICO

Ahh eto nakasakay sa car.  Uwi ako sa bahay namin sa QC e.

From: MICO

Ahh. May bahay pala kayo dun.

To: MICO

Oo J

Di na sya nagreply. So naisipan ko na lang mag GM. Nakalagay  sa GM ko.

 Kung sino yung mga may phone dyan sa bahay, PM me your numbers. I’ll call you J

Nagulat ako kasi nagsend sya ng telephone number niya. Tapos ayun. Pagkarating ko dun, tinawagan ko sya. Nag-usap kami. Mahiyain pala tong isang to. Kasi halos di sya nagsasalita e. Puro ako lang. Naging friends na kami ni Mico. Madalas kami magkatext. Pag nagkikita kami sa school nagkakangitian kami.

END OF JUNE.

Mico’s POV

Buti ang bilis ng araw. Akalain mo yun, end of june na. 9 months na lang bakasyon na! HAHA. Nagkakalipatan na rin ng section. Yung mga transferees napupunta sa lower section. At kami namang first section e hindi kami apektado dun. Apektado lang kami kasi lilipat kami ng classroom -.-  Nalaman kong nilipat pala sa 8th section itong si Kim kasama nung 3 girls na friends nya. How sad. Wala na kong masilayan na magandang face J Pero okay lang, may recess naman. Pwede kaming dumayo sa sa room nila, isasama ko na lang si JV.  After a week, lumipat na kami ng room. Yung teacher kong masunget e. Inayos kami alphabetically pero sa LAST na surname mag-uumpisa. So sa unahan yung mga yun. Zamarro, Veranda. Dito kayo. TOootT . ToooooT. Dito kayo. After mga 3 pa. Ako na. Oh Santiago-Santos dito kayo. Ano? 

Me: Ano katabi kita? Ano ba yan? Sa dinami-dami ng makakatabi ikaw pang bungangera ka -.- Umalis ka dito!

Sya: Kala mo gusto din kitang katabi? Wag ka mag-alala pag si Maam Masunget lang ang teacher tsaka ako uupo dyan.

Me: Mabuti pa nga.

Kaaway ko kase yung Santos na yun e. Ang ingay-ingay kasi lagi pang nakasigaw. Kakainisssssssss!

Nagpatuloy lang yung teacher. Samelle, Reyes, dito kayo.

Hmmm. Si Samelle, ang aking partners in KOPYAHAN nung 2nd year. Siya na lang kaya patabihin ko saken tutal  hindi naman halata kasi parehas kaming S ang apelyido. Kinausap ko sya.

Me: Krishh! Dito ka na lang sa tabi ko! Ayokong katabi yang si Santos e.

Krishh: Ahh ehh baka magalit si Maam.

Me: Sus. Hindi yan! TIWALA LANG J

Krishh: Sige na nga.

YESSS! Hindi na yung bungangera katabi ko. May kakopyahan pa ko J Matalino pa naman tong isang ‘to. Naging close ko si Krishh pati na rin yung  mga friends nyang ISIP BATA! -.- Infairness naman kasi, MASARAP silang kasama, Nakaka enjoy. Tapos alam nyo ba pag tumawa sila ng sabay-sabay hindi ka sa joke matatawa ehh, kundi sa mga tawa nilang pamatay! Promise! Matatawa ka din.  Nagsimula na ang tunay na School Days, Puro Assignments. Group Work, Report. Lintik na yan. Tamad pa naman ako.

Katext ko na din lagi si Kim, nalaman ko na hanggang last week lang pala siya ng August dito, after nun stop na sya kase pupunta na syang Italy para dun na mag-aral. Nagiging close na kami. Lumalalim na ang aming pagtitinginan. J Pero di pa ako inlove sa kanya. Crush pa lang talaga. Hanggang sa one day,

ME: Ui, Si Eldin kawawa naman oh. Pansinin mo naman J

Kim: Aning, Di pwede! Ayoko.

Me: Baliw naman e. Sige na.

Pinipilit ko syang pansinin si Eldin kasi ito naman si Eldin e deads na deads sa kanya. One cold night, may kung anong pumasok sa isip ko na itext si Kim na,

From: MICO

Uhmm, Kim, Pwede ba kong manligaw?

*Puputulin ko po muna J Masyado na po  kasing mahaba yung Chapter 1 . Anyway, Sana po magustuhan nyo po itong chapter 1. Just keep on reading po. Salamat J

Okumaya devam et