KRISTEN’S POV
“Kpop Star Search 4.” I told him.
I felt his arms around me somehow stiffened as I mentioned the search’s name, maybe out of surprise.
“Paano ka nakapag-audition?” tanong nya.
Nakakapagtaka nga naman kasi magkasama kami the whole day sa university and before nya umalis for their group practice, tapos na ang audition sa school.
“Si Kayzer, tinulungan nya ako.” I felt his hard breath on my cheek, ipinatong nya kasi ang chin nya sa balikat ko habang patuloy pa ding nakayakap sakin. “Isinama nya ako sa audition hall and made me sing on stage kahit tapos na ang audition, luckily yung mga judges at staffs nasa backstage pa so narinig nila ako.”
Hindi sya nagsalita, halos limang minuto siguro kaming nanatiling tahimik. Maya-maya naramdaman ko na lang ang mabilis na pagdampi ng labi nya sa balikat ko.
“Gusto mo ba talaga?” tanong nya sabay pagkalas ng yakap nya sakin at umupo sya ng maayos sa tabi ko.
“Ha?”
“I mean, ready ka na ba? Handa ka na bang balikan ang dati mong buhay? Balikan ang nakaraan, ang mga alaala ng mga pinagdaanan mo noon, yung masasaya at kahit yung malulungkot. Pati ang mga taong nakasama mo noon, hindi maiiwasan na magkrus ulit ang mga landas nyo. Let’s say Amethyst, they’re under Wave Entertainment which is one of the companies taking part on the search, pwede mo silang makatrabaho ulit kapag ang training camp ginanap sa agency nila.”
Hindi pa man nagsisimula ang search, alam ko na ang magiging takbo nito. Lahat ng pumasa sa auditions, hahatiin sa 3 grupo ng 3 judges from Quest, Wave & Core, the three biggest entertainment companies in South Korea. Every 2 weeks ang pagpapalit ng training camp, if on the first 2 week group 1 will be with Quest, on the next 2 weeks they’ll be with Wave and then Core for another 2. And the top artists of the big 3 will be the coaches of the contestants. They’ll be battling as groups yet be judged and eliminated individually. Eliminations will be done every 2 weeks also hanggang sa isa na lang per group ang matira and go to the finals to compete for the chance to debut with the agency of their choice. Unlike the past seasons na may group category, the 4th season’s looking for a single individual alone, a solo artist who will take Korea and the world by storm.
Matagal akong hindi nakasagot sa mga tanong ni yam. Alam kong hindi nya ako dinidiscourage, sinasabi lamang nya ang mga maaaring mangyari sa pagbabalik ko sa dati kong buhay. Nakarating na kami sa bahay nila hindi pa din kami pareho nagsasalita.
“Sige yam, papasok na ako sa loob.” I felt his kiss on my cheek tapos binuksan na nya ang pintuan ng kotse para lumabas.
“Yam!” tawag ko sa kanya at dali daling lumabas din ng kotse. “Hindi ako sa sasali sa search dahil gusto kong balikan ang mga pangyayari sa nakaraan o ang mga taong naging parte nun. Sasali ako dahil gusto kong simulan ulit buoin ang mga pangarap ko, gusto kong bumuo ng mga bagong alaala at gusto kong ikaw ang kasama ko sa bawat simula ng bagong buhay ko. Tulad ng kasunduan natin noon, we’ll leave the past behind and start anew, together. Sasamahan mo naman ako di ba?”
He’s intently looking at me habang dahan dahan ang paglalakad nya papalapit sa akin. Tumigil sya mismo sa harapan ko at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na bahagyang tumatakip sa mukha ko.
“Hay... Ano pa nga ba? Wala naman akong choice di ba? Ikaw ang boss ko.” sabi nya sabay pisil sa ilong ko.
“Talaga? Sige nga, kiss mo ‘ko.”
“Say please.”
“Please.....” I put my hands on pray position like I’m really pleading. Kung may nakakakita samin, baka nakornihan na sila samin ni Yam.
He made face na parang nagdadalwang isip sya, hindi ko tuloy napigilan magkunot-noo.
“Kung ayaw mo eh di wag. Hmp!” Ang arte nitong dark choco na ‘to, naglalambing na nga eh.
I was about to get back to the car when he grabbed me and kissed me on my lips. It was so quick yet so sweet.
“I love you.” He murmurs.
I’m not sure but parang natulala ako. The next thing I know, pauwi na ako sa bahay with a smile on my face and crazily in love.
ZACHARY’S POV
“Congratulations!!!!!!!!!” sabay sabay naming pagbati kay yam kasabay ng pagputok ng mga party poppers. Don’t worry guys, wala kayong atraso kay yam. Hindi pa nya birthday. Haha.
“Oh my God!” she exclaimed. “Anong meron?
Bakas na bakas sa mukha nya ang pagkagulat. Nanatili lang kaming lahat na nakangiti sa kanya.
“Teka! Yam, may kasalanan ka ba sakin? Ano ‘to at nagpaparty ka pa?”
“Oo yam, I’m sorry. I cheated on you.” pagsakay ko sa biro nya na bigla naman nagpasimangot sa kanya. “Hey, ano ka ba? I’m just kidding.”
“It’s not funny.”
Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nya.
“I’m sorry, okay?” Niyakap ko sya ng mahigpit. Ang girlfriend ko talaga mahilig magjoke pero mabilis din mapikon. Well, this’ one of those many things that make me love her even more. Ang cute nya kaya kapag nagseselos or nagtatampo.
“Oy Bear Brand couple nandito pa kami, mamaya na kayo maglambingan.” kantyaw ni Stan kaya nagtawanan ang mga kagrupo kong bugoy.
“Bear Brand?” sabay naming tanong ni Yam. Ang mga ‘to gagawa na lang din lang ng couple name, parang walang connect pa.
“I know! I know!” tuwang tuwa na singit ni Zia sa usapan. Isa sya sa mga pasimuno ng surprise party na ‘to.
“Gatas na choco or Choco na gatas!” sabay sabay pa nilang sinabi tapos nagtawanan na naman.
“Ah... Ganun?” ako.
Inabutan ko ng lata ng softdrinks si yam at patago naming kinalog and then we sprinkled it to them.
Naghahabulan kami habang nagsasabuyan ng softdrinks. Basang basa na kaming lahat nang tumigil kami.
“Para san nga ba ang party na ‘to?” Yam asked again.
“Well, we just wanted to congratulate you for making it to the 2nd round of the Search.” Eid.
“And for having the highest scores from the judges.” Alex.
“Tapos 3rd largest audience votes among 15 contenders.” Dave.
“We’re so proud of you best.” Reesh.
At nagsiyakap na silang lahat kay yam pati na din sina Zia, Tori, Tracey, Tia at Spence.
“Sinabi nyo nang lahat eh, yayakap na lang ako sa girlfriend ko.”
“Sus kuya, may sasabihin ka pa kay Ate Tin eh, nahihiya ka pa dyan.” Zia.
Eto talagang si Zia, spoiler.
“Ooopppsss!!! Mamaya mo na pakiligin ang pinsan ko. Kumain muna tayo.” Tori said. She even pats Yam on the head bago pumunta sa dinning area.
Mabuti na lang okay na okay na silang magpinsan ngayon, medyo nagkatampuhan kasi silang dalawa nang malaman ni Tori na sumali si yam sa search. We all know about her offer before kay yam na magtraining sa Quest LA but she refused. I don’t know exactly kung anong napagusapan nila pero sabi ni yam, nagkaintindihan na sila ni Tori.
Niyaya ko munang maglakad lakad sa garden si yam matapos naming kumain ng dinner.
“Anong gagawin mo this weekend?” I asked her.
“Ummmm... Sa bahay lang. Ikaw?”
“Gotta go grab my tux.”
“Tux?”
“Yeah, for prom.” tapos inilabas ko ang 2 tickets and invitations para sa nalalapit na Valentines Ball/JS Prom.
“Are you asking me to be your date?” natatawang tanong nya sakin.
“Ummm.... Yeah. I already talked to the stylist, ready for fitting na din ang susuotin mo.”
I showed her the photo of the dress from the designer. Her eyes widened as she look at it.
“Oh my God!” she exclaimed. “It’s beautiful.”
“Yeah, just like you.”
She smiled to me.
“And it will be perfect the moment you wear it.”
“Thank you.” at niyakap nya ako ng mahigpit.