Gangster's "I Hate You"

بواسطة chuporybeer

146K 1.6K 452

[Keres, the worst girl in the world, brings herself back to life. Life, where happiness exists but pain is un... المزيد

[Prologue]*
Chapter 1 [What Happened?]*
Chapter 2 [Present Time]
Chapter 3 [First Day of School]*
Chapter 3 [First Day of School] (Part two)
Chapter 4 [Batch election. Meet... who?]*
Chapter 5 [Explosion (~~,)]*
Chapter 6 [He's a GC...] (Part one)
Chapter 6 [He's a GC...] (Part two)*
Chapter 7 [Answers to my Questions]*
Chapter 8 [Chismosa]*
Chapter 9 [Déjà vu?]*
Chapter 10 [Bakit sila pa?!]
Chapter 11 [Deadly Desserts]*
Chapter 12 [Baliw -.-]
Chapter 13 [Friday, Fried day!]
Chapter 14 [What's in the eyes.]*
Chapter 15 [Sister]*
Chapter 16 [Change the World =.=]*
Chapter 17 [Wicked Angels]*
Chapter 18 [We did it!]
Chapter 19 [Valentines Day :">]
Chapter 20 [Way back into Love]
Chapter 21 [Say Huwaaat?!]
Chapter 22 [Can't be Moved]
Chapter 23 [What a SURPRISE!]
Chapter 24 [Breakeven]
Chapter 25 [New but Old]
Chapter 26 [Power of Love]
Chapter 27 [Acceptance]
Chapter 28 [A day to remember]
Chapter 29 [Moving Closer]
Chapter 30 [Status: Compl...]*
Chapter 31 [TCC :">]
Chapter 32 [Raise Your Glass]
Chapter 33 [Ow-key? .__.]*
Chapter 34 [The Merge]
Chapter 36 [Realization and Expectations]
Chapter 37 [Starts with the Letter W] (Part1)
Chapter 38 [I Lied] (Part 2)
Chapter 39 [Sing it from the heart]
Chapter 40 [That Ikikikikik >.<]
Chapter 41 [Story of Us]*
Chapter 42 [Ghost]*
Chapter 43 [Guardian Angelsss]
Chapter 44 [Best best best]*
Chapter 45 [Le Visitors]
Chapter 46 [Official]*
Chapter 47 [The Right Time]
Chapter 48 [Suddenly]
Chapter 49 [Freedom]
Chapter 50 [Richard Flores]*
[EPILOGUE]
Special Chapter [New Lives are Formed]

Chapter 35 [CMFT...WLUBMYGF]*

1.6K 15 1
بواسطة chuporybeer

IMPORTANT NOTE:

Grabe. One month na pala akong hindi naga-update. Kaya ito! ^_^ Dalawang chapter :D Mahaba pa. Hoho. SANA PO MAG-VOTE, MAG-COMMENT AT MAG-FAN KAYO. Hohoho. Thank you. God bless :) <3

AY OO NGA PALA! :D May mga hint dito sa susunod na mga mangyayari :) As in sa susunod na susunod pa XD <3

PS: Sorry sa fail kong English. :<

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 [CMFT…WLUBMYGF]

Binagsak ko ang sarili sa kama... pipikit na sana ako kaya lang bigla nalang nag-ring ang phone ko.

"Sino naman kaya to?" =__= Tanong ni Chessa bago sagutin ang phone. Hindi na niya tinignan kung sino iyon.

"Yo!" Panimulang bati niya.

(Chess!)

"Oh Josh! Maka-Chess ah. Haha. Napatawag ka?"

(Uh. Wala. Pwede ka bang pumunta dito sa may park malapit sa school?)

"Ha? Bakit? Anong meron? Saka ano palang nangyari kanina?"

(Basta. Kung gusto mong masagot tanong mo, pumunta ka nalang.)

"Aba! Osige na nga. Papunta na ako. Bye."

(Uy wait! Pakidaanan mo na rin si Claire at Nech. Malapit lang naman sila sa inyo diba? Thank you Chess! Hulog ka ng langit. Bye!)

"Hoy lalak--"

*toot * toot*

Wala nang nagawa si Chessa kundi ang magbihis at umalis.

Kahit gabi na tutuloy pa rin siya. Hindi naman ganoon kalayo ang school. Malamang hindi rin malayo ang park na malapit sa school. At isa pa, kasama naman niya si Claire at Nech na susunduin pa niya. Same village lang naman sila kaya ayos lang na sunduin niya.

"Sis! Grabe ha! Sobra sobrang kapaguran na 'to! Magte-ten na. Biruin mong konting konti nalang talaga nakapikit na ako biglang sigaw mo sa labas ng kwarto ko. Hay nako! Kung hindi lang sana kita best friend baka ikinulong na kita sa aparador ko!" Pagrereklamo ni Claire habang nasa loob sila ng taxi. Si Chessa nakikinig sa kanya at si Nech naman nakapikit. Pinilit lang kasi nila itong sumama.

Taxi. Wala naman kasi silang sari-sariling sasakyan. Si Claire at Nech ayaw. Mas gustong nagco-commute. Si Chessa naman, gaya nga ng sabi niya dati ang alam niya, bawal pa dito sa Pilipinas sa ganoong edad.

"Hay nako Claire. Kahit ako rin. Kakadikit pa lang ng katawan ko sa kama, biglang tumunog yung cellphone ko. Lokong Josh nga yun eh. Binabaan ako. Basta sabi lang niya pumunta sa park." Sabi naman ni Chessa. Noon, pag may nagrereklamo sa kanila, hahayaan lamang ito ni Chessa o patitigilin. Pero ngayon isa siya sa mga nagre-reklamo. Mapapansing iritable talaga siya.

"Ano Josh? Bakit? Nasaan?" Tanong ni Nech. Hindi nalang siya pinansin ng dalawa. 

"Oo nga pala Claire. Nagpalit ka na ng pabango?" Tanong ng dalaga ng maamoy ang mahalimuyak na amoy.

"Huh? Hindi ah. Matagal na to. Ngayon mo lang naamoy? Sabagay. Dalawa kasi ginagamit ko eh. Bakit?"

"Ah wala naman. Ganyan din kasi pabango ko. Yun nga lang, lagi ko namang nakakalimutan gamitin. Haha." Tumawa lang sila at natahimik na.

"Manong dito nalang po. Eto po bayad." Pagka-abot ng pera ay bumaba na agad sila.

Nakita naman nilang naka-upo sa may bleachers ang ibang kaibigan. Tumakbo na agad sila at tinanong kung anong meron.

"Ayun. Kanina, wala kaming naabutan. Ang sabi wala naman palang nangyari kasi bukas na daw. Kumbaga, na-resched. Ewan ko ba." Paliwanag ni Josh.

"Oh? So pupunta tayo bukas?" Tanong naman ni Chessa. Nag-shrug ang mga kaibigan niya bilang tugon sa tanong.

"ANO?! Pinapunta niyo pa kami dito para lang sabihin na-resched yung fight? Ano ba yan! T__T" Naiinis na sabi ni Nech.

"Hindi. Basta. Meron pa. Pero boss. Di ka na muna kasali dito." Sabi ni Mark habang naka-tingin kay Chessa.

"ANO?! Hoy! Aba!-- Aish! Binos-boss mo pa ako -.- So saan ako ngayon?" Wala nang nagawa si Chessa kung hindi ang pumayag nalang. Tignan ba naman siya ng may nakakaawang mata... Besides, may isip na rin ang mga iyon kaya alam na nila ang mga simpleng tama at mali.

"Ah! Yung driver ko nandiyan. Pahatid nalang kita sa inyo." Alok ni Hannah.

"Ano? So pinapalayas niyo talaga ako? Akala ko naman lalayo lang. Hindi na. Sige. Thank you Hannah pero magta-taxi nalang ako. Sige guys. I trust you. Ingat kayo ha!" Dahil sa ayaw magpahatid ni Chessa sa bahay, hinatid nalang siya sa sakayan.

"Oh hija. Bat ganyan mukha mo?" Salubong ng Tita niya na nasa may pinto.

"Ano po? Maganda? Tita, matagal na po." Pamimilosopo ng dalaga.

"Gusto mong palitan ko?" =___= tanong ng tita niya na may nakakatakot na tingin.

"Uy wag tita. Joke lang eh. Kayo talaga. Uh, wala ho. Iniisip ko lang po yung barkada. Naiwan kasi sila sa park eh." Palusot ni Chessa. Pero ang totoo, iniisip niya kung anong pinag-uusapan nila ngayon.

"Ganon ba? Eh bakit mo naman kasi iniwan?"

"Po? Hindi ko po sila iniwan. Pinaalis nga po nila ako eh. Saka wag po kayong mag-alala. Marami sila dun. Ako lang wala." Siya lang wala. Habang naghihintay kasi sila ng masaskyan ni Chessa kanina, tinawagan nila si Luigi para makisali sa usapan. 

"Ganun ba? Hihihi. Nako. Hihi. Hayaan mo na yun. Magpahinga ka nalang dun sa taas!" Utos ng tita niya na may maliwanag na ngiti.

'Malapit na ba birthday ko? Pasko na ba? Kamatayan ko na ba? Ano ba naman to!'

Mga nasa isip ni Chessa habang papaakyat. Hindi niya lubos maisip kung ano ang dahilan ng barkada at pinaalis pa siya doon. Pwedeng may sorpresa sila o may mapanganib na gagawin at ayaw na siyang pasalihin.

"Hindi eh. Matagal pa ang birthday ko. At isa pa, masamang damo ako para mamatay ng ganito kaaga. Pasko na? Changgalang yan! September pa lang eh. ADVANCE SILA?! Aish! Pero bakit? Bakit ayaw nila akong pasalihin? Nag-aalala sila o wala silang tiwala sa akin? Ano?!"

"Chessa yung totoo?" Biglang sulpot ni Mae na kakalabas lang ng banyo. Marahil ay naglinis ito.

"Oh Mae! Anjan ka pala. Ano yung totoo?" Tanong niya habang naglalakad palapit kay Mae.

"Yung totoo? PRANING KA? Hahaha." Nagulat naman si Chessa at biglang nag-usok ang ilong.

"MAAAAAAAAEEEE!" Kumaripas na si Mae paakyat sa 3rd floor, hinabol ito ni Chessa hanggang sa rooftop pero ni-lock na ni Mae ang pinto doon kaya di na nakapasok pa si Chessa.

Kapag may free time sila, madalas silang ganyan. Naghahabulan. Minsan sabay kumain. Minsan naman nagk-kwentuhan. Parang magkapatid na rin ang turingan nila. Isa si Mae sa pumuna ng kulang sa buhay ni Chessa. At ganoon din naman si Chessa. Isa siya sa pumalit sa pamilya ni Mae na iniwan niya.

"Hoy Mae! Ayoko na. Buksan mo na to. Pagod na ako." Sabi niya sa pagitan ng pinto.

 "PROMISE?!" Sigaw naman ni Mae na nasa loob.

"Oo nga! Pag hindi ka lumabas dyan, sisirain ko tong pinto!" Wala pang sampung segundo ay bumukas na agad ang pinto. Takot nalang ni Mae sa pagsira ni Chessa ng pinto.

Pumasok din si Chessa. Nawala ang antok nito kaya napagpasyahan niyang tumambay nalang muna doon. Kahit medyo malamok ayos lang dahil mahangin naman.

"Mae hindi mo ba namimiss ang mga magulang mo?" Bigla nalang lumabas sa bibig ni Chessa na ikinagulat din niya. Pareho sila ni Mae na nakatingin sa kalangitan.

"Syempre namimiss din. Yung tunay man o yung umampon sa akin, pareho ko silang namimiss. Ang kaso, hindi ko na alam kung nasaan yung mga umampon sa akin. Yung tunay ko namang mga magulang, kahit gusto ko silang makasama, may parteng nagsasabi sa akin na hindi ito yung tamang panahon. Eh ikaw?" Paliwanag niya.

Napatigil si Chessa. Matagal tagal na rin since huli niyang naisip yung mga magulang niya. Halos makalimutan na niya ito pati ang mga nangyari noon. Hindi niya alam ang isasagot kaya nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago niya maisip ang sagot.

"O-oo. Haha. Namimiss ko na yung dalawang yun! Pero gaya mo, para sa akin, hindi rin ito yung tamang panahon para magkita ulit kami. Malay ko ba diba? Baka ako namimiss sila, tapos sila naman kinamumuhian pa rin ako. Hahaha. Pero ayos lang yun. Sapat na sa akin yung may taong laging nandiyan para sa akin."

"Tama. Haha. Hayaan mo Chessa. May tamang panahon naman para sa lahat eh. Kung hindi mangyayari yung inaasahan natin ibig sabihin hindi yun para sa atin."

"Oo nga naman. Edi ibig sabihin, may tamang panahon din para matapos mo yung pag-aaral mo! :D" Masiglang sabi ni Chessa.

"Huh? Uh... hindi ko alam. Baka hindi yun para sa akin. Parang yung pag-aaral ko kasi, imposible na. Ewan ko."

"Tange!" Sabay batok ni Chessa kay Mae. "Imposible ka jan?! Bata mo pa kaya! Saka last year ka lang naman tumigil diba? NEGA NITO! Osha. Sasabihin ko na nga sayo. Next semester, matutuloy mo na yun."

"WEH?!"

"Yung totoo Mae? Praning ka?" Tanong naman niya kay Mae dahil gulat na gulat ang mukha nito na parang may star pang umikinang sa mata.

"KYAAAAAAAAAH!!! Chessaaaaa! T_T Salamat. Waaaah! Grabe! Thank you talaga. Habambuhay ko tong tatanawin na utang na loob. Promise." Mangiyak-ngiyak na si Mae sa balitang narinig. Sobrang saya niya. Hindi niya akalain na ang imposibleng iniisip niya ay matutupad na.

"Wag sa akin. Kay Tita Alice at kay Tita Ana ka mag-thank you. Pero Mae..." lumungkot ang boses ni Chessa. "Wag-- wag kang aalis dito ha? Wag mo kong iiwan. Wala na akong ate-atehan pag umalis ka."

Eto na naman siya, natatakot maiwan.

*TUGSH!* 

Kung kanina, si Mae ang binatukan ngayon si Mae na ang nambatok kay Chessa.

"Baliw! Di ako praning katulad mo noh! Syempre di ako aalis. Kahit naman makakapag-aral na ako, katulong pa rin ako dito at ikaw pa rin ang secretary ko! Dejoke. Ikaw pa rin ang little sister ko!" Nag-hug lang sila pagkatapos ay nagpasya na ring bumaba.

"Oh pano. Matutulog na ako ha. 11pm na rin pala. Sige. Good night na!" Sabi nito kay Mae.

"Sigeee. Haha. Godd night rin! Sweet dreams. Thank you ulit Chessa." Pumasok na si Chessa sa kwarto niya pagkatapos si Mae naman bumaba.

***

 Kinabukasan...

*Yaaaaawn*

 Tinignan ni Chessa ang cellphone para tignan ang oras. 

"9:30. Medyo maaga pa." Tumayo na siya at dumiretso sa banyo. Matapos magbihis ay bumaba na siya.

"Chessa." Tawag ni Mae.

"Oh, Mae."

"Diba sabi mo noon naka-boots ka kapag may gang fights noon sa States. Ibig sabihin meron ngayon? Ikaw laban?" Hindi masabi ni Mae ng maayos ang pangungusap. Nagulat kasi siya. Kahapon naman kasi ay hindi niya ito nakita. Hindi rin niya sigurado kung meron nga ba. Ang natatandaan kasi niya ay leather pants, leather jacket at boots. Pero di naman naka-leather jacket si Chessa.

"Uhmm. Oo meron pero hindi talaga ako kasali. Pupunta lang ako pero I'm not really sure kung makikipag-away din ako. Haha. Don't worry. Hindi ko ipapahamak ang sarili ko. Tutulong lang ako. Osige ha. Hindi na ako kakain. Babye!" Bago pa makapagpaalam si Mae ay tumakbo na si Chessa palabas.

"Chess!" Nakita niya si Mark na naka-dungaw sa van na nakaparada sa kabilang side ng street. Tumawid na siya at agad na sumakay. Nandoon na rin ang ibang kabarkada. Tanging driver lang ni Mark ang nakakatanda doon ngunit wala itong ideya sa lakad ng barkada.

"Manong doon po tayo sa park malapit sa school."

[Claire's POV]

Dumiretso kami sa park. Nag-plano ng kung anu-ano. Matapos naming pumunta sa park ay gumala naman kami sa mall. We did that to kill time. Sino pa ba ang pinaka nakinabang? Edi si Kelly -.- Adik sa damit.

Nandito kami sa quad. ng Bloody Youth ngayon.

“WOHOOOOOO!!!” Sigaw nila. Nila lang. =__= Di kami makasigaw sa kaba. Napakakulit kasi ni Chessa eh.

 

*Flashback*

Pumunta na kami sa BY. Isang oras pa bago maganap ang laban ng schoolmate namin at ng mga hindi kilala pero napakadami na agad ng tao na nakatambay sa labas ng building.

 

Siguro kasi walang pasok kaya ang daming nandito. Kung itatanong kung para saa’t nagpunta kami dito, pipigilan kasi namin yung magaganap na laban.

 

 “Papasok na ba tayo?” Tanong ni Kelly.

 

“Mamaya na. Sasabay tayo sa mga ‘to.” Turo ni Mark sa mga nakatambay sa labas. Karamihan ay mga estudyante rin.

 

Ilang minuto pa kaming naghintay bago kami tuluyang pinapasok ng mga nagbabantay. May inayos daw kasi sa loob.

 

Wala nang natira sa labas dahil lahat nasa loob na. Lahat ba yun pumunta para manood ng laban? O magba-bar lang yung iba? Malay. -.-

 

“Chessa. Tara na. Gusto mo sa backdoor nalang tayo dumaan?” ~ Nech.

“No.” Simpleng sagot ni Chessa na ikinagulat namin.

“What?” ~ Charles

 

Napatigil sandali si Chessa.

  

“You guys are not going… with me.”

 

“Ha?! Wait. What do you mean? Chessa naman!” ~ Josh na gulong-gulo. Pati kami naguguluhan. Anong trip ni Chessa?! T^T

 

“Psh. You know exactly what I mean.” Grabe. Si Chessa pa ba ‘to o ibang tao na? Parang ang taray niya na seryoso. Ah basta! Nakakatakot. >.>

 

“Mianna we went here as a group.” Saway ni Charles.

 

“Yeah. But neither I nor anyone of us said that we’re going to stop them as a group.” Matigas na pagkakasabi niya. Nagagalit na ba siya? T_T?!

 

Di na kami nakapagsalita. Wala eh. Takot na ata kaming lahat. Ginagantihan niya ba kami dahil hindi namin siya sinali kabagi at pinauwi agad?!

 

“Guys, all I need is trust. Don’t ever dare to interfere in the battle. Sorry if I wasn’t able to inform you. Anyway, you could be one of the audiences. See you later guys.” Naglakad na si Chessa papunta siguro sa backdoor.

 

Kami naman parang statue dahil sa hindi paggalaw. Pero mayamaya ay nag-step by step na rin kami papasok. Oh well. Si Chessa yan. Kanya ang korona. Di na ako kokontra. Eh >_> Katakot kaya!

 

*End of Flashback*

Oh kaya ngayon, ito kami naghihintay sa paglabas ng mga kalahok. Pwe! Kung makasabi ng kalahok akala mo math contest eh. Basta! Natatakot kami. Wala kaming alam eh. Eh si Chessa kaya?

“Pag si Chessa napahamak tatalon talaga ako mula dito papunta sa gitna.” ~ Kelly, na halata mong kinakabahan.

“Para namang kaya mo noh? Pangalawa tayo sa upuan. Tapos yung pinakaharap, isa’t kalahating metro pa yata ang layo mula sa railings. Bago mo pa masagip si Chessa naubusan na siya ng hininga.“ Pango-ngontra naman ni Mark. Napa-irap nalang si Kelly.

Itong part ng BY na to, para siyang arena. Yung mga nilalabanan ng mga bulls. Ang pinagkaiba lang, hindi lupa ang lugar kung saan magsasagupaan. Air-conditioned din tapos may cover sa taas pero transparent. Kumbaga, high class siya. Para nga siyang malawak na gym o kaya stadium. Basta! >.< Pero ang tawag quadrangle. =.= 

(picture ng Quad. sa BY at the right. lol. Para ma-imagine niyo lang :D Sareh Fail.)

“WOHOOOOO!” Sigaw na naman ng mga tao. Naglabasan na kasi sa kanang pinto ang mga lalaking hindi naming kilala. Pero halata sa mga mukha nito na teenagers lang din sila.

“And now, let’s all welcome. THE OTHER GROUP!” Nubayun! Akala ko naman may astig silang pangalan. Parang yung sa amin… Aish! Bat ko nga bay un iniisip? >.<

“KYAAAAAAAH!!!!” Tili ng mga kababaihan. Pati na rin ng mga kalalakihan—este mga nagpapanggap na isa sa kalalakihan.

Kung hindi ako nagkakamali, mga third year ang mga estudyanteng galing sa Thornton na nakikita kong nasa gitna ng quadrangle ngayon. Tama lang naman na tilian sila. Gwapo eh :3

May mga audience din kayang galing sa Thornton? Sana wala dahil kung meron man, lagot na. O kaya sana wala nalang makakilala sa kanila. Maaaring masira ang reputasyon ni Tita Ana at ni Tita Alice tapos baka di na nila masolusyonan yun. Di katulad dati na naipaliwanag nila ang tungkol kay Richard at Chessa. Isa pa, deal yun eh. Eh eto, hindi namin alam.

“LET THE BATTLE BEGIN!!!! MAY THE BEST FIGHTERS WIN!”

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan. Ang tatlong lalaki na galing sa Thornton ay nag umpisa nang maglakad papunta sa gitna. Habang ang lima na hindi ko kilala ay nakatayo pa rin at masama lang ang tingin.

Oo. Tama. Three vs. Five ang laban. Unfair. Napaka unfair. Mas matanda na nga sila, mas madami pa. Hindi naman sobrang tanda. Mga kasing edad ko lang. >.<

Pero kahit na! Hindi pa rin tama yon. Buti sana kung edad lang pero pucha hindi eh! Lamang na nga sa bilang, lamang pa sa laki ng katawan. Pero lamang pa rin yung Thornton pagdating sa itsura.

Wait! Siguro mga bias o kaya nasuhulan yung nag-organize nito. O kaya baka mga g@gong walang magawa sa buhay. Nako!

*BOOGSH!*

Mula sa pagmumuni-muni, nalipat ulit ang atensyon ko sa gitna dahil sa narinig ko.

Pero… pero wala namang nangyari. Pati nga sila (mga fighters) naka-tingin sa ibang direksyon… Direksyon? Sinundan ko ang tinitignan nila. Hindi lang pala nila. Kundi ng lahat.

O__O

“Ch—“ I almost blurted her name. Buti nalang napigilan ko.

“Chessa?”

=____=

Ay oo tama yan! Napigilan ko nga tinuloy naman ni Hannah at Kelly. Nagsabay pa! Buti nalang walang nakarinig o pumansin sa kanila dahil manghang-mangha sila sa nakita.

Isang babaeng naka-boots, naka-leather na pants... naka-loose shirt. Ewan ko ba jan. Dati naman leather jacket ngayon loose shirt nalang. Pero bukod doon, yung buhok niya nakalugay at nakasuot siya ng maskara sa mata. Yung sinusuot ng iba kapag may masquerade party. Basta yun. Parang si Zorro tuloy siya. *u*

Kung hindi ko siya kilala… isa rin ako sa NGANGA. Sa katunayan, misteryosong misteryoso ang peg niya. Nakakatakot din siya. Pero kahit ganoon, nakakamangha pa rin. Alam mong sa likod ng maskara na iyon ay may magandang mukha at kalooban na nakatago.

 

“Nagtawag pa kayo?!” Sabay na sambit ng magkabilang grupo sa isa't isa. Nag-echo pa nga ito sa buong quad dahil sobrang tahimik pa rin. Nagulat sila nang marinig ang isa’t isa. Kung nagkatanungan sila, ibig sabihin wala sa kanila ang may kilala sa babae.

Sinabi ng announcer na mamaya na ituloy ang laban ng dalawang grupo at saka lumapit kay Chessa.

“Good evening miss! Naligaw ka ata. Kasi laban nil—Miss. Easy. Ganito nalang ano ang i-itatawag namin s-sayo?” Namutla bigla ang lalaki dahil kinwelyuhan ito ni Chessa.

“I am Keres.” K-keres? >.< Wait. Narinig ko yun?! Hindi naman malakas pagkakasabi niya ah?

Wuuuut?! @_@ Nababaliw na ako? 

Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ko sila Charles. May hawak na something pero tinatago.

“Charles ano yan?” Bulong ko.

“Ssshhh. I simply put a device on Mianna’s hair. Alam ko kasing gagawin niya to. Okay lang na gustuhin niyang mag-isa pero at least maririnig natin yung hindi natin maririnig kung wala to. Here. Join us.” Lumapit ako sa kanila at nag-compress kami. Para tuloy kaming may ibang mundo pero ayos na rin. Kaysa naman marinig nila. In fairness, ayos rin yung arte ni Charles kanina huh.
 

“KERES?! Alam mo miss ay Keres pala! Meron na ring pumuntang Keres dito dati eh. Ikaw ba yun? Kasi alam mo—“ Naputol na naman ang sasabihin ng announcer dahil itinaas ni Chessa ang kamao niya.

“You are getting into my nerves. Stop acting like that before I could kill you. Psh =__= You!” turo ni Chessa doon sa lima. “You stupid bastards! Such a coward.” ~~,

Nako! Alam ko na to. Nang-aasar si Chessa. Susmiyo. Para-paraan nga naman oh.

“COWARD?! Kami pa? Hah! Edi tayo ang maglaban.” Sabi na eh. Sabi na talagaaaa.  Pati sila Hannah, nanlalaki yung mata.

“Huh? Pero…” Magrereklamo pa sana yung tatlo pero inunahan na ito ni Chessa. Binulungan niya. Syempre dahil sa device chuchu na hawak ni Charles, narinig namin. ‘Just go with the flow or else you are dead’ sabi niya. Brr! Nakakatakot talaga siya!

Syempre. Bonggang takot din yung tatlo kaya tumabi na sila. Siguro inisip nila na may atraso yung lima kay Chessa. Pero ang totoo, ililigtas sila nito. Yung announcer din pinalayas ni Chessa. Naguguluhan tuloy lahat.

Nganga na nga sila, duling pa -__- Di na kasi alam yung nangyayari.

“Oh wait! Let’s have a deal.” Nag-nod naman yung five boys with a smirk on their faces. They look confident. But no one could beat Chessa's simple smile yet meaningful.

“Okay here. If I won, these boys will be free. They should never see your ugly faces. If you won, then you have all the choice.” Tek! Ang astig talaga ni Chessa. Kahit di na kami tumingin sa laban nila at makinig nalang kami sa sasabihin niya, kabog na!

***

“Wait. Someone’s calling.” Sabi ni Charles kaya napatigil kami sa paglalakad.

“Oh! Si Mianna.” Nagsilapitan kami bigla kaya ni-loud speaker ni Charles.

“Hello.”

(Drake! Nandito na ako sa kotse. Nasaan na kayo?)

“We’re on our way to the parking lot.”

(Okay okay. See you! Hoy teka! I saw a device on my hair! You naughty!!!)

"Pfft. Haha. Nilagay ko yan para di sila mamatay sa kaba. Ikaw dyan ang naughty."

(Psh. Whatever. Pare-pareho lang tayo. Osige na. Bye!)

- Call Ended –

Anyare sa laban?

As usual, nanalo siya. Grabe nga eh. Nakakatakot talaga. Super. T__T Pero ang galing at ang astig. Yung bawat moves niya may tunog ng hampas sa hangin at may nakakatulog din. IfYouKnowWhatIMean. :3

Hmm. Kailan kaya siya makakahanap ng katapat niya? Nakaranas na kaya si Chessa ng laban na draw yung result? Hay. Siguro yung Deadly desserts. Kaso di ko pa nakikitang maglaban sila eh -___- Saka imposible naman.

Dumiretso na kami sa kotse kung nasaan si Chessa. Alam ko na kasunod nito... Parteh parteh! XD

Ay... di pala (__.__") Kasi ano eh! Nvm. ^^

***

"Hatid ka na namin." Mungkahi ni Mark. Nagkatinginan naman silang lahat. 

"Hoy! Mga tingin niyo ah! Anong balak niyo?! Abaaaa.." Napansin kasi ni Chessa na tila may pag-uusap na nagaganap sa pagitan ng pagtitinginan ng mga kaibigan. At hindi niya alam kung ano iyon.

"Wala ah. Chine-check ko lang kung merong aapila na ikaw yung unang ihatid." Maingat na paliwanag ng binata.

"Psh! Di niyo ko maloloko. Dati naman nagyayaya kayong kumain. Bahala nga kayo. Sige na. Pagod na rin ako eh."

"Sus! Gutom ka lang eh!" Pang-aasar naman ni Kelly.

"Tuuuut! Di ah! Tara na. Hatid niyo na ako." Hinatid na nila si Chessa. 

Wala naman silang ibang magagawa kundi intindihin ang isa't isa. Nang makarating sila sa bahay ni Chessa, nagpasalamat, nagpaalam at bumaba na agad ang dalaga. 

"Chessa!" Tawag ni Mae nang makita ang dalaga. 

"Yo!"

"Anong tininda mo?" Napakunot naman ang noo ng dalaga.

"Huh? I didn't sell anything."

"Di nga? Para ka kasing nalugi eh. Dejk. May pagkain sa table. Kakaluto lang ni Ate Sol doon. Kumain ka muna tapos magpahinga ka na."

"Adik. Kala ko naman kung ano. Psh. Sige. Thank you." Kumain na siya at gaya nga ng sabi ni Mae, nagpahinga.

**10:00 PM

* TOK! TOK! *

"Chessa?! *knocks* Chessa! May pinapasabi yung mga kaibigan mo! Importante daw!"

"Mmmm..." Bumangon si Chessa at binuksan ang pinto. "Ano po yun Tita?"

"Ay nako! Bat ngayon ka lang gumising? Sabi ng mga kaibigan mo, pumunta ka daw sa park! Ay ewan ko ba! Sobrang importante daw eh. Dalian mo na. Goooo." Nagulantang naman si Chessa kaya nagmadali na siya.

Nagulat nalang siya paglabas niya ng bahay, nandoon na yung driver nila at nakahanda na ang sasakyan.

"Tara na po mam." Pinagbuksan siya nito. Na-weirduhan naman siya pero di nalang niya inintindi.

"Mam andito na po tayo!" Nakita niya si Manong na ngiting-ngiti. Parang tita niya lang kanina.

"Sige po. Salamat. Mauna na po kayo. Ako na bahala dito. Ingat manong!"Bumaba na siya at pumunta sa park.

"Nasaan sila?" -____- tanong niya ng walang makitang marka ng mga kaibigan. Naglakad-lakad siya.

"WANNA BE THE IT GIRL!"

"Ay gaga!" Sigaw niya ng may biglang sumulpot mula sa gilid ng puno at tumalon papunta sa kanya. "Claire! Ginulat mo ko! Bat ka nandiyan?!" Hindi naman sumagot si Claire at nginitian lang siya.

"UGH! What's wrong with you guys?! Si Tita at si manong, ganyan kanina. At ngayon, pati ba naman ikaw?! May iba pa bang baliw ngayon?" Imbis na sagutin ni Claire ang tanong niya, tumingin lang siya sa direksyon sa likod ni Chessa... kaya naman napatingin na din si Chessa.

"O.M.G. SERIOUSLY?!" >____<

Nakita niya kasi si Jm, Hannah, Nech at Josh sa likod niya. Nakangiti din ito. Hindi lang basta ngiti kundi mga ngiting aso.

 "Hi Chessa! :D"

"Guys. Srsly." =____= 

*BOOOOOM*  O___O

Nagulat sila nang may narinig na sumabog. May ilan pa ngang sumigaw. Napapikit nalang si Chessa at pagmulat nalang ng mata niya, wala na ang mga kaibigan niya.

"Guys?! Claire? Nech? Hannah? Uy nasaan kayo? Seryoso kasi!" Nagpaikot-ikot lang si Chessa pero wala naman siyang nakita. Konti nalang ang nakikita niyang tao sa park. At malayo pa sa kanya.

"Shit! Ano ba to?! Argh! Anong trip to?!!" Yan nalang ang nasabi niya ng biglang namatay ang mga ilaw. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya.

Maya maya, may biglang umilaw na kung ano malapit sa fountain. Agad naman niya itong pinuntahan. Pagtingin niya, maliit na flashlight. Pagkatapos, mayroon siyang nakitang papel kung saan nakapatong ang flashlight kanina.

"Sundan mo ang mga ballpen. Make sure na hindi mo magagalaw... Huh?!" Iyon ang nabasa ni Chessa sa papel. Itinapat niya sa baba ang flashlight at may nakitang ballpen. Mga ballpen na magkakalapit lang. Sinundan niya ito with care dahil iyon ang nakalagay sa papel.

"Dami naman nito! Tek! Oh! Bat papel na to? Ibig sabihin tapos na?!" o.O Papel ang nakita ni Chessa na nasa pinakahuling linya. Pinulot niya ito nang mapansing may nakasulat. Binasa niya ito gamit ang flashlight na napulot kanina.

"C...M...F...T... Huh?" Napaisip naman si Chessa sa mga binasang mga letra na mga nakasulat sa bawat pahina ng papel. Nilipat niya pa ulit ito.

"W...L...U...B...M...Y...G...F...?... Anak ng tokwa! Ano ba naman to?! Niloloko ba ko nito? Aish! >.<"

"Ashshshshhshhshshshs..." May narinig si Chessa na kung anong tunog kaya naman napatalikod siya. Bigla nalang niya nakita ang kaninang ballpen na may ilaw na. Bukod doon, naka-form ito ng isang mensahe...

"Shems." Saad ng dalaga.

"Chessa!" Narinig niyang sigaw mula sa isang parte ng park. Di niya alam kung sino iyon dahil madilim pa rin. Tanging yung mga ballpen nalang ang nagbibigay ng ilaw.

"Mianna!" Sigaw naman sa iba.

"Fortalejo!"

"Twein!" Yun ang huling sigaw na narinig niya pagkatapos biglang tumahimik.

"Will you be my girlfriend?" Bigla niyang narinig ang boses na malapit lang sa kanya. Ang boses... na alam niya kung sino ang may-ari. Ang nag-iisang boses na kahit kailan, nagpapakilabot sa kanya.

"Y-yung mga letter na nakasulat sa papel... yung formation ng ballpens... yung mga sigaw... iisa ang ibig sabihin. Iisang message." Sambit ni Chessa ng pumasok sa isip niya ang lahat. Nag-umpisa nang bumukas ang ilang ilaw. Pero di katulad kanina, dim ito ngayon.

"D-drake..." Sambit niya nang makita ang pasimuno ng lahat. "Is this the reason why..."

"Yes. The reason why we asked you to go home last night. The reason why we didn't ask you to eat a while ago. And the reason why all the people around you acted weird." 

*o* Ganyan nalang ang naging itsura ni Chessa.

"Sooo..." Sambit ni Charles. Alam niyang naghihintay ito ng sagot. Hindi lang siya kundi pati na rin ang mga kaibigan. Wala man ito sa harap nila o di man nila ito nakikita dahil sa dim na ilaw, alam ni Chessa na nasa paligid lang ang mga ito at nagmamasid.

"No." Sagot ni Chessa. Hindi naman maipinta ang mukha ni Charles. "Haha. You. need. to. court. me. first." :P

Nagliwanag naman ang mukha ni Charles na kanina'y di maipinta.

":D Challenge accepted!" Nakarinig naman sila ng ilang hiyawan. "Tara na! Let's eat."

Kumain na sila kasama ang barkada. Binigyan din nila ang ilang tao sa park na tumulong kanina sa mga ginawa nila. Matapos yon ay inihatid na ni Charles si Chessa sa bahay.

"Good night Mianna, my future girlfriend." Naka-smirk pa ang binata habang sinasabi yon.

"Psh. Don't be so sure. Haha. Make me say yes, Charles Drake Thornton Efron. Good night!" Pagkatapos non ay pumasok na si Chessa sa bahay.

Naabutan naman niya ang tita na nakasilip sa bintana.

"Tita. Okay na po. Nandito na po ako. Wala na po kayong masisilip dyan." Napaharap naman bigla ang tita niya.

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Ahahaha. Ikaw talaga oh. Ahahaha. Pero Chessa... Kayo na? Hahaha." (^_^)>

"Tita! Naka-drugs ka ata eh. Syempre hindi yun agad-agad noh! Grabe naman. Sige na po tita. Aakyat na po ako. Good night."

"Sus! Pakipot effect ka pa?! Uso pa yun? Ay bahala ka. Haha. Osha. Good night. Balitaan mo ko lagi ha!" Napatawa na lang ang dalaga sa sinabi ng tiyahin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

351K 18.5K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.5M 41K 43
WHEN MR.COLD GUY FELL IN LOVE Written by: jpinky18 All rights reserved. Copyright © 2015-2016 -- Paano ba mainlove ang isang lalake na ubod ng sungit...
211K 1.1K 7
Siya si Alexandria Reyes. Ang babaeng walang pahinga. Dakilang raketera ng century. Kung saan pwedeng kumita nandun din ang lola niyo. Sale...
54.8K 1.5K 54
What will happen if The Bobo Meets The Gago ??? What if the Poor meets the Rich ..? Matututunan ba nilang mahalin ang isat isa ?? Does their relation...