Curses and Kisses

By geeeaaamer

12.5K 323 37

Madami na ang mga aktor at aktres na nakatanggap ng Oscar's at Emmy's Award dahil sa galing nila sa pag-arte... More

Before Reading
Beginning
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXIV
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
xliv. a
Cyd Thoren Arevalo
END

XXVIII

183 5 0
By geeeaaamer

Nakabalik ako sa bahay ng mga Arevalo na lutang, buti nga at hindi ako nadisgrasya nang mag-drive ako pabalik, muntik lang. Malamig ang hangin na pumapasok sa basag-basag na bintana. Nang makita 'to ni Sir Calvin ay hindi ko magawang magsinungaling kung paano nabasag ang salamin ng mamahalin niyang sasakyan.

"Cyto did this?" Gulat na sabi niya habang ini-inspeksiyon ang salamin.

"Opo. I'm sorry po, Sir." Tinuro niya ang isang bahagi na iniwasan kong tignan kanina nang ma-stuck ako sa traffic. Dugo iyon. May dugo sa parteng patulis ang basag. I was worried because he hurt himself but I'm worried because the wound might be deep.

"Is he okay? Did someone tend his wound?" Then he looked at me, "are you okay? Sinaktan ka niya ba?"

"Emotionally, yes."

"Hindi naman po."

"Anong nangyari? Bakit niya sinuntok 'to?"

"Nagkasagutan lang po." Simpleng sagot ko. Napahilamos siya saka nagpakawala ng malalim na hininga.

"Ako na ang aayos nito, it's fine. Matulog ka na." Nanatili akong nakatayo sa tabi niya na siyang ipinagtaka niya.

"Sa condo nalang po ako matutulog, gigisingin ko lang po si Sabrina at aalis na kami."

"Hindi na, pagod na naglaro ang anak mo, let her sleep. Dito ka na matulog, baka hanapin ka na naman paggising niya."

"Baka po nakakaistorbo na kami ng anak ko..."

"Come on, you're my son's fiancé, hindi ka magiging istorbo, kayo ng anak mo. Umakyat ka na at matulog, ako na ang bahala dito." Nahihiyang tumango ako.

"Thank you po, Sir."

"Sapphira, it's 'Tito' now, or 'Dad', you'll call me that soon." Ngumiti ako.

"Sure po, Tito. Goodnight po."

———————

I didn't get much sleep when I got to bed. Binabagabag ako ng sinabi ni Cyto. Pinilit ko na makatulog pero maski ipikit ang mga mata ko ay hindi ko pa magawa.

"Mahirap din tanggapin na ikakasal ka na sa taong ipinagkatiwala ko na bantayan ka..."

Ipinagkatiwala? Paanong ipinagkatiwala? Pinabantayan? Kay Cade? Hindi ba't Boss nito si Cade noon? Bakit ang lakas ng loob niyang humingi ng pabor? Why would he ask someone as busy as Cade to keep an eye at me if he just got married to Charis? Hindi ba't siya ang mahal nito? Bakit niya ako pinapabantayan?

Sa sobrang pag-iisip ko ay lumabas ako sa kuwarto para magpahangin sa balcony. Maraming pumapasok na tanong sa isip ko. Nabanggit ni Cade noon na hindi na pipirmahan ni Cyto ang bago niyang kontrata sa Polar Entertainment, hindi ko alam kung nagbago ang isip niya at mananatili nalang dahil artista ang asawa niya, pero nang makita ko siya sa hospital na nakasuot ng doctor's coat, baka hindi na talaga siya pumirma. He's a doctor now? Or is he a pub owner? Cyd's Place is obviously his. Alin sa dalawa ang totoo niyang trabaho?

My phone beeped while I was busy thinking. There's a text sent by Cade and Kuya Seth on the same time.

From: Kuya Seth

Still disappointed dahil hindi mo pa pinapakilala si Sabrina, but congrats. Cade's fine, btw. Ibabalik ko din siya, after a few days, maybe? Tell his parents so they won't suspect that I kidnapped him.

P.S: Favor? Can you go at Urbi's tomorrow? There'll be a driver waiting for you. Just tell them that you have an appointment under my name. Thanks!

From: Cade

Are you asleep? If you are, go to sleep. Now. Thanks for today. Your older brother and I are fine, don't worry about anything.

See you in a few days. Kiss Sabrina for me. Love you.

Kay Kuya ako nag-reply dahil hindi ko pa kayang makipag-usap o text kay Cade sa ngayon. Cyto's words about him are still occupying my mind.

To: Kuya Seth

Where are you taking Cade? And what's Urbi's? Anong gagawin ko dun?

He replied immediately.

From: Kuya Seth

I suppose it's time for a new look? Your ash brown hair looks great on you, but Urbi knows the best look for you!

To: Kuya Seth

Will you pay for it?

From: Kuya Seth

🙄
👍

Pumasok na ako sa kuwarto nang mabasa ang reply ni Kuya, I felt sleepy because of his boring reply. When I thought I was already asleep, Cyto's words kept on playing in my head.

"Mahirap din tanggapin na ikakasal ka na sa taong ipinagkatiwala ko na bantayan ka..."

Itinakip ko ang unan sa mukha ko at pilit na makatulog.

"Cyd Thoren, ano ba ang gusto mong ipalabas?"

—————————

Agad kong tinawagan ang kapatid ko nang makadating ako sa Urbi's na sinasabi niya. It's a freaking tattoo shop! Bakit niya ako pinapapunta dito? Akala ko pa naman importante, dapat pala ini-search ko nalang 'to bago ako pumayag na pumunta dito.

"Hello?"

"Kuya! Ano ba 'tong Urbi's na 'to? It's a tattoo shop!"

"Calm down, hindi naman kita inuutusan na magpatattoo, there's someone in there that you might want to see. Kung gusto mong magpatattoo, go on, I'll pay. Magaling naman yung tattoo artist."

"Sino ba?" Tanong ko bago pumasok.

"Basta. I'll end this call, baka tumakas si Arevalo." Bago ko pa tanongin kung nasaan sila ay ibinaba na niya ang tawag. Itinago ko nalang ang cellphone ko at inilibot ang tingin sa shop.

I've never been into tattoo shops before but this one looks decent. Imbes na rock music ang naririnig ko ay mga pop songs from the 2000's pa ang naririnig ko, pati na din ang tunog ng tattoo machine. The lobby is clean and the receptionist doesn't look like an emo woman with matching bubblegums. She even has a gentle voice when she asked what was I doing here.

"May appointment ako? Seth Kijamo." Hindi na niya tinignan ang records o ano niya, tinuro niya nalang agad kung saan ako pupunta.

I was led in a small room with a woman preparing something.

"Maupo ka na. Saan natin ilalagay ang tattoo mo?" Nang humarap siya ay saka ko siya nakilala.

"Ate Urbi." I called in a low voice. She froze the moment she saw me. Naiilang ako sa kanya, she looks so much like him.

"Sapphira." She finally spoke. Ibinaba niya ang pen na hawak niya saka ako linapitan at yinakap.

"It's been years! Ngayon lang kita nakita ulit!" Pinilit kong ngumiti hanggang sa humiwalay siya.

"Oo nga. Kamusta ka na, Ate?" Itinaas niya ang kamay niya at kuminang ang isang gintong singsing at may maliit na heartbeat tattoo sa taas nito.

"I'm married. Two children, both boys."

"Wow. Congrats." Ngumiti siya at nagpasalamat. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ang singsing ko.

"Getting married, I see." Hinila niya ako para umupo sa isang upuan. Humila siya ng isang upuan para magkatapat kami.

"Kailan ang kasal?"

"Hindi pa kami nagse-set ng date." Malungkot siyang ngumiti saka tinitigan ulit ang singsing ko.

"Do you still remember Uriah?" Dahan-dahan akong tumango.

"Thank you." Nakangiti niyang sabi.

"Alam mo, noong pa-graduate na siya? Iniisip na niyang pakasalan ka. Pero wala pa siyang trabaho, 'di ka pa nakapagtapos. Bumili pa nga siya ng singsing." Hinawakan niya ang kamay ko saka tumitig sa mata ko.

"Thank you, for not forgetting my brother. You two were perfect for each other. Hindi ko sinasabing hindi kayo dapat magpakasal ng fiancée mo dahil dun. I knew how brokenhearted you were, we all were. Ilang taon na din ang nagdaan pero wala tayong magagawa kundi ang magmove-on, hindi ba?" Tumango ako.

Malungkot ang boses ni Ate Urbi pero pilit na pinapatapang. Noong kami pa ni Uriah, laging si Ate Urbi ang kasama namin na kumakain sa labas, taga-picture o "dakilang third wheel", o mas preferred niyang tawag sa sarili niya. We were close. Pero nang matapos ang libing ni Uriah ay hindi na kami nagkikita. I almost forgot about her, sa sobrang daming taon na ang nagdaan.

"Anyhow, ayokong umiyak, baka sabihin ni Uriah masyado ko siyang namimiss, lokohin pa ako kapag magkita kami sa langit." Sabay kaming natawa sa sinabi niya. Nagkwentuhan pa kami sa mga bagay-bagay, nagkamustahan.

"So, bakit ka nandito? Magpapatattoo ka?" Tinignan ko ang mga tattoo niya na nakikita ko at ang mga imahe ng mga taong nagpa-tattoo sa kanya na nakasabit sa pader.

"Masakit ba?" Natawa siya.

"Aba, siyempre! Lahat ng mga magaganda, nasasaktan sa simula, pero 'pag nasanay, keme nalang sa kanila." I stared at the tattoo on her arm. It says, "Alis Propriis Volat". If I remember correctly, it's Latin for "She flies with her own wings." At nakapalibot sa pulso niya ay ang katagang, "excelsior", na pinasikat ni Stan Lee na ang ibig sabihin ay "ever higher". Tinuro niya ang excelsior.

"Si Uriah ang naglagay nito sa akin. Kilala mo naman siya, masyadong fan ni Stan Lee." Mahina akong natawa saka napahawak sa braso ko. Habang tinititigan ang mga tatto niya ay napaisip ako.

"Magpapatattoo ako."

"Sure ka?" Nakangising tanong niya.

"Oo naman. Si Kuya naman ang magbabayad." Tumayo na siya para ihanda ang tattoo set niya. Pinaupo niya ako malapit doon saka nagbigay ng clear book na naglalaman ng mga tattoo ideas pero wala doon ang nasa isip ko.

"I want something in Latin too." Sabi ko saka tinuro ang isang tattoo design na may magandang font, "yung parang ganito ang font."

"Anong Latin phrase ang gusto mo?" Nag-isip ako ng malalim at inalala ang mga nabasa kong Latin phrases. Pero sa halip na Latin phrases ang maalala ko ay ang sinabi ni Cyto ang naalala ko.

"Mahirap din tanggapin na ikakasal ka na sa taong ipinagkatiwala ko na bantayan ka..."

Napapikit ako ng mariin. Then the right phrase came into my mind.

"Atrox melior dulcissima veritas mendaciis." Napasipol siya habang nagsu-suot ng gloves.

"Ang lalim naman. First timer ka palang, baby girl, baka di mo kayanin ang sakit." Aniya.

"I've experienced worse."

"Saan mo gustong ilagay." Agad kong itinuro ang braso ko. Nang kapain niya ito ay napasimangot siya.

"Naks naman, walang kataba-taba. Hiyang-hiya yung Mommy fats ko sa'yo." May mga ipinahid muna siya sa braso ko bago umalis. Pagkabalik niya ay may hawak siyang papel na parang pagtr-trace-an niya ata. It has the phrase that I said with the font I chose.

"My mga bitter na mga lalaki na nagpunta dito dati, ito ang pinili."
Kwento niya. I looked away when I sensed that she's going to start. Iniwasan kong mapasigaw nang maidikit ang needle sa braso ko. It was excruciating. Hindi ko alam kung napaluha ako dahil sa pagkagat ko sa labi ko. Mahigpit na ang kapit ko sa malambot na kamay ng upuan. It was long. I should've picked a shorter phrase like esto quod es, or fiat lux, bakit yung mahaba pa ang naisip ko?

Hindi ko alam kung gaano katagal akong pigil na sumisigaw pero alam ko na namumutla na ako nang sabihin niyang tapos na siya. Kumuha siya ng salamin at pinakita sa akin ang namumula kong balat na may tattoo na. Atrox melior dulcissima veritas mendaciis. The bitter truth is better than the sweetest lie. Cyto made me think of that phrase.

Ate Urbi laughed at my flushed face. Sinabi niya na para daw natatae ang mukha ko habang tina-tattoo-han niya ako. Masakit ang magpatattoo, hindi na ako babalik dito kahit kailan.

"Akala ko ba, you've experienced worse? Bakit parang nawalan ka ng dugo?" Sabay tawa niya pa.

I don't know how I managed to stay long at Ate Urbi's shop, pero nanatili ako hanggang sa mag-close sila. Bago niya isarado ang shop ay may envelop siyang ibinigay sa akin.

"Nice seeing you again, Phira! You have my number, tawag tawag nalang!" She shouted before riding her motorbike then rode it as fast as she can.

Nakangiting pumasok nalang ako sa kotse at humingi ng tawad sa driver dahil sa sobrang tagal ko sa loob. Nakangiti pa din ako kahit na na-stuck kami sa traffic. Tinignan ko nalang ang envelop at puro picture ito ni Uriah nung nabubuhay pa siya. I almost forgot his handsome face. His charming smile can make my heart melt every time. Nandito pa ang class picture ni Uriah noong high school palang siya at noong college siya. Hinanap ko siya sa mga class pictures at natawa dahil sa mukha niya noon.

Pero hindi lang si Uriah ang nahanap ko. Sa isang wacky shot ng buong klase ay sobrang pamilyar ng lalaking naka-akbay sa kanya at halatang close silang dalawa dahil nakaturo pa sila sa isa't-isa. May mga wallet size pa silang mga picture at mas malinaw pa iyon kesa sa mga class picture nila.

His brown eyes seemed like he was looking at mine, saying "do you recognize me?"

Nawala ang ngiti ko nang makita ang date ng class picture nila. It was the year of their graduation. The year where all the people in the class picture I'm holding died. Except for one. Uriah was obviously not the lone survivor.

Agad kong ibinalik ang class picture saka tinitigan ang wallet size na picture nilang dalawa ni Uriah.

I remember that the lone survivor of the accident was the batch's Summa Cum Laude. It was none other than Cade Bennet Arevalo.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 35.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
10.2K 731 14
C O M P L E T E D WARNING: Extreme misogyny, sex trafficking, graphic content, disturbing pictures, murder, violence, vulgar words
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
645 165 43
Capes Series 1 In a world where mankind was born with superhuman abilities, in Summit City, they were called an abomination-the people who don't belo...