XXXV

163 5 0
                                    

Ang tanong: Anak?


Pushing people away is one of the things I'm good at, probably the only thing I'm good at. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Cyto went silent after I said that I chose Cade, ni hindi niya man lang ako matignan. May pinindot siya sa tabi ng pintuan at ilang minuto lang ay may dumating na na mga guwardiya.

"Take her away. 'Wag niyo na siyang papapasukin dito." The guards took me, Cyto pushed me out of the room and slammed the door. My heart is breaking yet I chose Cade. I know I still love Cyto but I chose to hurt him.

"Alam niyo yung feeling na may choice ka naman pero pinili mo yung mas ikasasakit mo?"

It was a guy from the stage who was holding a bottle of beer performing spoken poetry while Trent played a dramatic piano piece.

"Nagmamahalan kayo pero pinili niyong saktan ang isa't-isa. Nagmamahalan kayo pero pinairal niyo ang pride niyo. Nagmamahalan kayo pero bakit pinili mong mapunta sa iba?"

I tugged my arms from the guard and glared at them.

"I can walk myself out, stop dragging me." Sumulyap ako saglit sa may stage dahil narinig kong pumiyok ang lalaking nags-spoken poetry.

"Nagmamahalan kayo pero--pero..." He cried before he can finish the sentence, "pero hindi niya na din kaya." Some guys helped him get off the stage, probably his friends. Napalingon ako ulit sa pintuan ng silid kung nasaan si Cyto pero pumasok sa isip ko na pinili ko si Cade, hindi siya, hindi ko dapat siya linilingon pa.

Sa sobrang frustration ay kinuha ko ang bote ng alak na nasa tray ng naglalakad na waiter. Nagmukha man akong walang pinag-aralan ay pinanindigan ko na. Bago pa ako habulin ng mga guwardiya ay pumasok na ako sa kotse at inutusan ang driver na mag-drive na.

"Saan po tayo, Ma'am?"

"Condo."

Binasa ko ang label ng alak bago ito ininom. It's one of RTD's wines, R1945. Matapang ang wine na ito at ibinebenta lang sa mga Bar at Club. Itinungga ko ito at agad na gumuhit sa lalamunan ko ang mapait na lasa nito.

"M-Ma'am? Ayos lang po ba kayo?" Umiling ako sa tanong ng driver. Itinaas ko ang mga paa ko at ipinatong sa tuhod ko ang baba ko.

"May asawa na po ba kayo, Manong?" tanong ko habang nakatingin sa kanya, nag-aabang ng sagot.

"Meron."

"Ano po yung pinakamahirap na pinagdaanan niyo bago kayo ikinasal? Noong magnobyo pa kayo?" I smiled when he smiled and started to tell me his story with his wife.

"Sa totoo lang e nagtanan kami. Nagkakilala kami trabahador ng tatay niya ang tatay ko noon. Tuwing weekends noon tumutulong ako sa tatay ko dahil nag-aaral palang ako ng kolehiyo, tapos nakilala ko siya, anak ng amo ng tatay ko." Natawa siya kahit na walang nakakatawa sa ikinwento niya, "Hindi ko naman inakala na gwapo pala ako para mahulog siya sa akin. Kinalaunan ay nahulog na din kami sa isa't isa. Nalaman ng mga magulang niya na may relasyon kami, kaya pinapili nila ako; ang trabaho ng tatay ko na ikinabubuhay namin o hihiwalayan ko ang anak nila. Naging praktikal lang naman ako kaya pinili ko na manatili ang trabaho ng tatay ko." tumawa ulit siya, "Sobra ko siyang nasaktan noon, ayon sa kanya, kaya kahit ako na yung lumalayo e siya yung lumalapit sa akin. Hindi ko alam, guwapo yata ako nung kabataan ko para habulin niya ako kahit na wala siyang kinabukasan sa akin." Natawa na din ako sa sinabi niya.

"Tapos sinabi niyang mahal niya daw ako, sobrang mahal. Kaya ayun, nadala lang kami sa pagmamahalan kaya nabuo ang panganay namin." Nang mai-stuck kami sa traffic ay may kinuha siyang 2x2 picture sa wallet niya at ipinakita sa akin. Halos kaedad lang ni Jared ang babaeng nasa picture, siguro ay ito ang panganay niya.

Curses and KissesKde žijí příběhy. Začni objevovat