ALICE { o n g o i n g ...}

By purpleangel23

841K 12.2K 2K

A girl who stranded in the world of unknown; she will discover that this world was different from where she c... More

PROLOGUE
Chapter 1: It is still a Once upon a time
Chapter 2 : The Truth
Chapter 3 : Pagtakas
Chapter 4 : NO TRESPASSING
Chapter 5 : Where am I
Chapter 6 : Helping hand
Chapter 7 : What?
Chapter 8 : Dark Spell
Chapter 9 : Sha magic...
Chapter 10 : Metru Nui
Chapter 11 : Waiting for you
Chapter 12 : Omegas
Chapter 13 : Leprechaun
Chapter 14 : Blood
Chapter 15 : Fairies
Chapter 16 : Sphinx
Chapter 17 : Nokama
Chapter 18 : Counting Dance
Chapter 19 : Hurts
Chapter 20 : Dark Cave
Chapter 21 : Morbuzakh
Chapter 22 : Water Sprite
Chapter 23 : Invisible Cloth
Chapter 24 : Nightmare Jar
Chapter 25 : Little Punishment
Chapter 26 : Telepathy
Chapter 27 : Goblin and Dark Raven
Chapter 28 : Crystal Eye
Chapter 29 : Cyclops
Chapter 30 : Sylph
Chapter 31 : Jealous
Chapter 32 : Totema Famfight
Chapter 33 : Revenge of the Wolf Part 1
Chapter 34 : Revenge of the Wolf part 2
Chapter 35 : Revenge of the Wolf Part 3
Chapter 36 : Black Witch and the Labyrinth Mansion
Chapter 37 : Elitist (Grand Witch)
Chapter 38: Shadow Reaper
Chapter 39 : Cerberus
Chapter 40 : Red Mist
Chapter 41: Maiden Warriors and the Damah Desert
Chapter 42 : Cronos Game 1
Chapter 43 : Cronos Game 2
Chapter 44 : Cronos Game 3
Chapter 45 : Pegasus Necklace
Chapter 46 : Sanctuary Grave
Chapter 47 : Dim Ghost Ship
Chapter 48 : Nation of Spirits
Chapter 49 : Princess Morbuzakh
Chapter 51 : Trust and Acceptance
Chapter 52 : No Mana Zone
Chapter 53 : Kitty Punch
Chapter 54 : I'm not yet ready
Chapter 55 : Mortal World
Chapter 56 : Steps to Hope
Chapter 57: Steps to Hope I
Chapter 58 : Steps to Hope II
CHAPTER 59 : STEP TO HOPE III

Chapter 50 : Gargoyles

7.5K 185 52
By purpleangel23

ALICE P.O.V.

Patungo kami sa kaharian kasama ang prinsesa. Ang dating tinitirhan ng kanyang mga magulang ang Hari’t Reyna Morbuzakh.

Sa buong oras ng paglalakbay namin, nakatuon ang lahat ng atensyon sa prinsesa at prinsepe. Marami silang pinaguusapan na hindi ko magets. Kung sabaga na-O-OP na ako dahil halos lahat tungkol sa kanilang tungkulin dito sa mundong ito.

Pero, hindi ko rin maiwasang makinig sa kanilang kinukwento at pinaguusapan habang naglalakbay.

Ayon kay Prince Azera. Pagkatapos ng pagsugod ng mga Soul Eater at nagkaroon ng kaguluhan hindi na nakita ang angkan at mamamayan ng taga Nation ng Morbuzakh. 

Maraming nagsasabing ang Hari’t Reyna Grewoldt ay namatay sa araw ng pagsugod ng mga Soul Eater, ganun din ang kanilang anak. Ang Prinsesa.

Pero, walang nakakasiguro sa balitang yon.

Ang isa sa nakaligtas sa araw na iyon ay si Ginoong Ducan na may sinasabing tungkol sa propesiya.

Propesiya namuling magbabalik ang angkan ng Morbuzakh dahil sa prinsesang itinakda—ang Archangel Princess.

Si Prinsesa Altheia.

“Nga pala, Prinsesa sa hinaba ng taon, saan kayo namalagi? At nalamang ikaw nga ang prinsesa?”

Magandang tanong yan Montblanc.

“Sa Sylvania.”

Sylvania? Saang mahiwagang lupalop naman yon sa mundong ito?

“Sa bayan ng Sylvania!? The Vampires Town?Panong? Pano ka nakarating don?”

Sa pagtatanong ni Prince Azera nagkibit balikat nalang ang Prinsesa. Kahit siya hindi alam kung pano siya nakapunta sa lugar na yon.

Ayon kay Prinsesa Altheia. Kinupkop siya ng babaeng bampira, si Veltra Sy na siyang nagpalaki sa kanya. Alam niya na iba siya sa kanyang kinalalakihan dahil sa kanyang ibang kapangyarihan at kakayahan.

Hanggang sa isang araw sinakop ang bayan ng Sylvania ng mga rebeldeng bampira. Sa araw na yon, nalaman niya ang buong katotohanan na isa siyang Morbuzakh, hindi lang sa kanyang kakaibang kakayahan kundi dahil sa kanyang marka sa kanyang likod.

Marka na isang pagiging Grewoldt at prinsesang itinakda.

Sa kasamaang palad nakuha at ikinulong siya sa mga kamay ng rebeldeng bampira dahil sa pagkakaalam na isa siyang prinsesa.

Nang dumating ang araw ng kanyang pagdala sa sinasabing nilang kamahalan dun na siya nagkaroon ng pagkakataon na tumakas. Saka niya na nakilala si Luke ang lobong nagligtas sa kanya.

Ang kinasupresa ko humingi din siya ng tulong sa magaling na manghuhula na nagngangalang Vhisola. Kaya pala nagkrus ang landas namin ni prinsesa sa lugar ng Metru Nui.

“Hindi ko inaasahan ang balitang yan.”Sabi ng prinsesa na may bahid ng lungkot sa kanyang mukha. Sinabi kasi namin ang nangyari tungkol kay Vhisola.

Habang napapasarap sila ng pagkwento biglang nagiba ang simoy ng hangin, lumamig ito at nagdilim ang kalangitan.

“Uulan ba?” tanong ko sana yon kay Clyde pero abala siya sa kanyang ginagawang tungkulin.

Ang maging TUTA ni Prinsesa Altheia. Sensya na… hindi ko mapigilang mainis.

Si Montblanc nalang ang sumagot sa tanong ko. “Hindi Alice. Tignan mo.” inilahad niya ang kanyang kamay para masapo ang isang butil na kulay puti. “Snow.”

Unting unti nang nagiging puti ang paligid dahil sa maliit na puting bumabagsak sa kalangitan.

“Shh…”pagpapatahimik sa amin ni Martha.

Agad na nakapalibot ang lahat sa prinsesa. Nakaramdam ako ng selos dahil kahit si Clyde promutekta din sa prinsesa. Alam kong tungkulin niya yon pero hindi ko talaga maiwasang magselos.

“Sino yan!? Lumabas ka!” sigaw ni Martha. Meron kasing nagtatago sa likod ng sirang pinto.

Nandito kasi kami napadaan sa abandunadong pamilihan.Teka? Diba abandunado na ang lugar na ito, ibigsabihin walang tao dito. Hindi kaya… 

“Aurochs? Goblin? O Boomer!?”bulalas ni Sha at nagtago agad sa likod ko.

No Way!! Ayoko nang ganung bagay! I’m done with this damn freaking creatures!

Lahat kami nakaabang at nakaposisyon sa paglabas ng tinutukoy ni Martha. Hindi naman naglaon lumabas na sa pintong sira yung tinutukoy ni Martha.

“I-Isang bata?” sabi ni Princess Altheia.

Isang bata na gusgusin ang itsura. Bago pa makalapit ang prinsesa tumakbo na ang bata. “Sandali lang!”sa pagsigaw ni Altheia tumakbo din ito para sundan ang bata.

“Pr… A-Altheia!Sandali!”

Sinundan namin si Altheiasa pagtakbo. Pasaway na prinsesa… alam naman niyang nasa piligro siya, basta nalang lumalayo sa amin.

Hindi naman ganon kalayo ang itinakbo namin.

Sa paghinto ng prinsesa, na pahinto narin kami. May humarang kasi sa amin. Isang grupo na kalalakihan at sa tingin ko may edad na ang mga ito.

“Anong kailangan niyo sa bata?”sabi ng mukhang nakakataas sa kanila.

“May itatanong lang kami kay brownie head pero bigla siyang tumakbo.” Sabi ni Yenma. Brownie Head- kasi brown yung buhok ng bata.

“Ano ba ang itatanong niyo at ako na ang sasagot.” Sabi ng nakakataas sa kanila.

Mukha silang mga mangangaso dahil sa kanilang pananamit.

“Gumagawa ba ng Butter ang butterfly?”humirit si liit— as always.

“Sha!” pagsuway ni Montblanc sa kanya. Hindi na natapos si Sha sa tanong na yan.

“Eh sabi magtanong tayo… siya sasagot... kaya nagtanong ako.Baka sakaling alam niya yung sagot.”Pilosopo ni Sha.

“Hindi yon ang tanong na kailangan niyang sagutin.”

“Ah! Hindi ba?eto. Kung ang tao nagevolve sa pagiging Apes bakit meron paring Apes?”

“ARGH! Sha stop it! Bakit ikaw hindi ka lumalaki!? At hanggang ngayon hindi parin nage-evolve ang mga katulad mo?” inis na sinabi ni Montblanc.

“Ayos lang yon! Kesa naman utak talangka ako!katulad mo!Hmpf!”

We heard a soft chuckle sa likod ng mga lalaki at nakita namin yung bata na nakangiti kina Montblanc at Sha.

Dahil sa mahinang tawa ng bata, natawa na din ang mga grupong kalalakihan.

“Mukhang mahaba ang inyong nilakbay, bakit hindi muna kayo tumuloy sa amin at makapagpahinga kahit saglit.”Ngiting pagaaya ng isang lalaki.

Nagkatinginan muna kami bago tanggapin ang paaanyaya nila sa amin. Hindi naman nagtagal umayon kami sa alok ng lalaki. Dahil siguro gusto din nila Prince Azera malaman kung papaano nagkaroon ng tulad nila dito sa Spirit Nation.

Na napapabalitang ABANDUNADO na ang nation na ito.

Sa pagkaalis namin sa abundanadong pamilihan. Nakarating kami sa isang maliit na baryo, mabibilang mo lang ang mga kabahayan at kahit ang mga nakatira dito.

Napatingin ako sa kalangitan dahil lalong kumapal ang ulap sapat na para matakpan ang maliwanag na kalangitan at lumakas ang pagbagsak ng snow.

Lahat ng taga baryo nagsuot na ng makakapal na damit yari sa balat ng hayop, kabilang narin kami.

“Diba… sabi isolated and abandoned na ang Nation na ito pano nangyari na may isang baryo at may naninirahan pa dito?” pagtataka ni Montblanc.“Manlalakbay ba kayo at hindi niyo sinasadyang mapapadpad kayo sa lugar na ito?”

Tumingin ang lalaki sa mga mata ni Montblanc.

“Hindi…” inayos niya ang kanyang panlamig na suot.“Dito na kami nakatira.”

Nagkatinginan kaming lahat.“Huwag mong sabihing—”       

“Tama.Mamayan kami ng Spirits Nation.”

Nagulat kami sa sinabi ng lalaki. Isa silang mamamayan ng Morbuzakh.Isa silang Morbuzakh.

“Pero pano nangyari yon? Ang balita ay abandoned na ang lugar na ito.” Pagtataka ni Prince Azera.“At wala ng–”

The man chuckled with disappointment. “Masyado kasi kayong nagpapaniwala sa mga gawa gawang balita at sa mabulaklak na salita na nakapaligid sa inyo.”

Lahat kami napaisip sa mga nangyayari. Lalong lalo na si Prince Azera dahil siguro naisip niyang walang nagawa ang kaharian nila na matulungan ang mamayan ng nation.

“Sinadya talagang ipinabalita na abandoned ang lugar na ito.” Sabi ni Clyde.

“Pero bakit?Gagawin nila yon?”

“Yun ang dapat nating alamin.”                                                                                      

Nagulat kami sa isang sigaw.

“GARGOYLES!”

Nagkagulo ang mga taga baryo at nagmadali silang nagtago.Syempre kasama na rin kami sa nakigulo.

“Drocious!”Sa spell na sinabi ng lalaki kinuha kami ng mga puno sa aming paligid at para kaming chameleon na kinuha ang anyo ng puno at ginaya ito.

Narinig ko ang paggrowl ng isang sinasabi nilang Gargoyles at nakarinig kami ng parang isang pagbasak na malaking bato.

Bumaba kasi ang isang Gargoyles, hindi kalayuan sa kinalalagyan namin.Malalapad ang kanilang pakpak at malalaki ang kanilang katawan na gawa sa bato. Ang kanilang mukha ay mahahalintulad sa tigre na may mahahabang pangil.

“Ayan yung nakalaban natin nung nakapagpalaot tayo at sumira ng oasis.”Pagkaka-recognize ni Martha para ibulong sa mga kasamahan niya.

Hindi ko naman kasi kasalanan na napakalaki ng tenga ko para marinig ang bulong ni Martha. Tumingin ako sa gawi ni Clyde para makita kung narinig niya rin ang narinig ko pero sa tingin ko hindi.

Hindi rin naman ako sigurado sa iniisip ko.“A-ah…”

Sumenyas ang lalaki na huwag magingay kaya naudlot ang pagkakatanong ko kay Martha.

Kahit nasa isang pwesto lang ang Gargoyles inuusisa at pinakikiramdaman niya ang paligid.

Hanggang sa hindi naman naglaon lumipad na ang gargoyles sa himpapawid kasama ng kanyang ka-uri.

Duon na kami naglabasan sa aming pinagtataguan.

“Saan pupunta ang mga yon?”Tanong ni Yenma.

“Saan pa ba edi sa lungga nila.” pangasar ni Luke. “Namiss mo sila?Sundan mo sila.”

“Edi Ikaw!” taas kilay niya.“Malakas naman pang amoy mo doggy!”sarcastic na sinabi ni Yenma.

“Mga bantay sila ng Tower of Nomak.”Pagpapa-alam sa amin ng lalaki.

“Tower of Nomak?”

“Isa yung tore.” Sabay turo niya dito.Kitang kita mula dito yung tore. “Na pugad ng mga gargoyles, pagkatapos ng kaguluhan na nangyari dito sa aming Nation.Bigla nalang sila lumitaw, kinukuha ang makita nilang Mobuzakh at idinadala sa tower of Nomak.”

Napaisip ang lalaki.“Pero matagal narin ang nakalipas ng hindi sila nagpapakita.Ngayon nalang ulit sila lumabas at nagroda sa buong paligid.”Tumingin sa amin ang lalaki. “Baka dahil sa inyo kaya sila ulit nagpakita.Nalaman nilang dumating kayo. Bakit ba kayo naparito?”

“Para sa kaharian—”Nilakihan namin ng mata si Sha pero huli na lahat dahil nadulas na siya. Ang daldal kasi!

“A-ah…Hehe..napadpad lang kami dito.” Pagpapalusot pa ni Montblanc.

Naningkit ang mata ng lalaki.“Huwag mo akong lokohin nadulas na siya. Malabong makarating kayo don sa kaharian. Ano ba pakay niyo?”

Ang dami niyong tanong manong.”

Nagulat si Montblanc na hilain ng lalaki ang kwelyo niya. “Dahil.Mahalaga.Sa. Akin. Ang. Kaharian.Kaya.Marami.Akong.Tanong.”Diin na sinabi nito.

“Whoa! Relax lang sir. I don’t mean that.”

“Inutusan lang kami ng Haring Nokama pumunta sa Kaharian ng Morbuzakh kaya kami nandito ay may mahalaga kaming mission.”Pagsasabi ni Prince Azera.

“Haring Nokama… Mission…” tumingin sa aming lahat yung lalaki. Hindi na siya nagtanong sa halip.“Halikayo sumunod kayo sa akin.”

Sa pagsunod namin huminto kami sa isang maliit na pinto para kaming papasok sa bahay ng mga pandak na tao.Pagkapasok namin, bumungad sa amin ang isang may edad na babae.

“Naparito ka Mongzu.”Sabi ng babaeng nakatalikod.

“Hihingi lang ako ng gabay para sa kanila, laban sa mga Gargoyles tutungo sila sa kaharian.”

Tumawa ng mahina ang Ale.“Sa kaharian ng Morbuzakh? Ilang beses kong sinabi sa inyong hindi kayo makakarating don hanggat merong tower of Noma—” napahinto siya ng makita niya si Prince Azera sa kanyang paglingon. Nakatanggal na pala siya ng kanyang maskara.

“Third Prince.”At yumuko siya ng marahan.“Ano bang ginagawa mo! magbigay ka ng galang sa prinsepe.” Agad naman napaluhod ang lalaki na nagngangalang Mongzu.

“Pasensya na po sa mga inasal ko kanina. Third Prince.” Sabi ni Mongzu.

He gesture his hand para tumayo ang dalawa.

“Mawalang galang na po Prinsipe.De-Delikado ang pumunta sa Kaharian ng Morbuzakh, pero kung hindi ko kayo mapipigilan kailangan niyong magingat sa mga Gargoyles. Hindi lang Tower of Nomak ang kanilang binabantayan kundi pati ang daan papunta sa kaharian. Kaya huwagna kayong pumunta. Delikado… Mapanganib.”Ang gulo ni Ale.

“K-kayo po ba ang punong namamahala dito?” pagtatanong ni Princess Altheia.

“Ahmm… hindi lang ako magisa kasama ko si Mongzu.Ahmm… kaya langako naging isa sa pinuno dito dahil dati isa ako sa mga assistant ni Headmaster Ducan.” Nabigla kami sa sinabi niya ng kilala niya si Ginoong Ducan.

“Matagal na araw na yun.” kinaway kaway niya ang kanyang kamay na parang naiirita ng maalala niya ang nakaraan. “Hays!Yung siraulong yon. Bastos! Walang modo! Ang sungit akala mo kung sino!” nagkatinginan kami nila Clyde, Prince Azera, Montblanc at Sha.

Mukhang may something sila ni Ginoong Ducan.

“Bilang nakakatanda. Huwag na… huwag na kayong tumuloy. Hindi ko kayo matutulungan.Kahit isa siyang prinsipe hindi niyo kaya ang lakas at dami ng Gargoyles.” Katulad ni Ducan. Paiba iba din ang isip niya.

“Sa tingin ko po alam ninyo ang bagay na ito.” Sabi ni Prinsesa Altheia.

Naglabas siya ng isang kwintas na may hindi pangkaraniwang bato sa gitna nito. Makulay ang nasa loob at parang nakakakita ako ng kalawakan sa loob nito kapag tumititig dito.

Ito ba ang kwintas na nagliwanag na ginamit niya nung nasa Metru Nui kami? Nang masuri ko.Tama yun nga yun.

“It’s a key.”Susi yun?“Pero walang nakakaalam kung para saan ang susi na ito. Ang tanging alam ko lang ay ibinigay ito sa…” napatingin siya kay Princess Altheia. “Oh, My dear princess.”Hinawakan niya ang mukha nito at nagsimula ng maggilid ang luha sa kanyang mata. “Totoo nga.”Niyakap niya ito.

Pero bago pa man siya tuluyang lumuha. Lumuhod ito sa kanyang harapan mas mababa pa sa pagluhod kay Prince Azera. Si Mongzu nakatulala dahil hindi makapaniwala sa kanyang nakikita at nalaman. Nakabalik langsiya sa kanyang ulirat ng tapikin siya ng Ale at lumuhod sa harap ng prinsesa.

“You’re Highness. Princess Morbuzakh.Ako po si Grizel ang inyong linkod.”

“Ako… Mo-Mongzu, You-you’re Highness.”Utal na sabi niya.

Nag-gestures ang princess na tumayo silang dalawa.

Kahit na nandito ako sa pinakasulok at natatakpan nila Montblanc napansin parin ako ni Grizel. “Anong pangalan mo hija?”

“Alice po.”

“You look familiar. Nagkita na ba tayo noon?”

Sa sinabi ng matanda napatingin sila sa akin lahat. Nagtataka naman ako sa sinasabi ni Grizel dahil naun ko lang siya nakita at nakilala.

Umiling ako sa kanya. “Marami lang siguro akong kamukha.”

“Kailangan ko po ang tulong niyo.” Pagbabago ng usapan ng prinsesa.

“Dapat kanina ka pa nagpakilala prinsesa, dahil kahit anong ipagutos mo, karangalang sundin namin yun.”Ngumiti siya sa amin. “Gusto niyo malaman ang plano?”

 

====

Inintay naming huminto ang pagbagsak ng snow at sa pagdilim dun na namin gagawin ang aming plano na makaalpas sa Tower of Nomak para makarating sa kaharian.

“Seriously?This Mud Gum? Nakakadiri!” irita ni Yenma. “Si tanda talaga.”

“Ssh… Yenma huwag ng magreklamo.”Sabi ng Prinsesa.

Kahit ako hindi komportable. Pano kasi puno ng putik ang buong katawan namin para daw hindi kami maamoy at hindi madaling makita ng mga Gargoyles, matalas daw kasi ang kanilang mga mata kahit sa gabi.

Kaya ito, para kaming may… alam niyo na… may pupu sa buong katawan.

“Aray! Pwede ba Montblanc tignan mo yung dinadaanan mo!” muttered ni Luke.

“Sorry naman. Madilim kasi.”

“Hey! Watch your hand!” muttered naman ni Yenma na may halong inis.

“S-sorry… H-hindi ko sinasadya.”

“Naku…nagte-take advantage ka lang dahil madilim. Tsk! Tsk! Tsk! Hindi ko akalaing ganyan ka Montblanc.” Pabirong sinabi ni Luke.

“Siraulo! Baka ikaw yun!Wala ka nanaman sinasabing maganda.”Inis na sinabi ni Montblanc.

“Tumahimik nga kayo!”suway ni Prince Azera.“paghindi kayo tumigil pagbubuhulin ko ang mga dila niyo!”

Dikit Dikit kaming naglalakad at minsan ay pagapang.

Ang nangunguna sa amin ay sina Martha at Clyde dahil sila ang marunong sa mga ganitong bagay at isa pa nakakakita sa dilim si Clyde. Sila mismo ang magsesenyas na pwede na kaming sumunod sa kanila.

Ang sabi ni Grizel. Kapag nakakita kami ng lagusan sumenyas lang kami sa kanila. 

Pagnakaalpas na kami sa pugad ng mga Gargoyles o sa Tower of Nomak may posibilidad na makakarating kami ng ligtas papunta sa kaharian ng Morbuzakh.

“Nandito na tayo.”Martha signals us to be alert.

Halos malapit kami saTower of Nomak. Merong mga Gargoyles sa himpapawid na lumilipad at meron ding nagbabantay sa pinakatutok ng tower para silang mga ibon sa itaas na nagaantay ng mabibigtima.

Isang malaking tore ang pinamumugaran ng mga Gargoyles. Hindi ka basta makakaalpas dahil nagkalat sila at ang nakakainis may malalaking tipak na bato na nakatambak sa paligid.

Mukhang mahihirapan kami sa sitwasyon namin dahil wala kaming makita na anumang lagusan.

“Makakadaan ba tayo?”tanong ko sa kanila.

“Sarado ang lahat ng madadaanan.Talagang hinarangan nila ang bawat sulok na madadaan papunta sa kaharian.” Sabi ni Martha. Ang taas pa naman ng tore talong talo ang taas ng building sa mortal world—ang laki nito. Hindi kami basta makakaakyat kahit sa mga malalaking tipak ng bato.

“Huwag kayong mawalan ng pagasa.Siguradong meron yan.” Sabi ni Princessa Altheia.

“Bakit ganito nalang sila kung magbantay dito sa lugar na ito?” tanong ni Montblanc.

“Kung may maraming nagbabantay? Ang ibigsabihin lang non pinangangalagaan nilang walang makadaan sino man, papunta sa kaharian.” Sabi niMartha.

“Ibinalitang isa ng isolated ang lugar na ito at abandoned na, pero ang totoo meron pang mga ibang mamayang Morbuzakh ang nakatira? At ipinaalam na wala ng Morbuzakh. Hindi kaya… sinasadyang hindi ipaalam ang bagay na ito sa iba’t ibang Nation? Dahil may tinatagong mahalagang bagay sa Kaharian ng Morbuzakh.”Espikulasyon ni Clyde. “Pero ano ang bagay nayon?At sino ang nasa likod nito.”

Parang alam ko kung ano yun. “Ang—” naputol ang sasabihin ko ng mag salita ang prinsesa.

“Ang Portal.” Naunahan niya ko sa aking sasabihin. “Hindi ako pwedeng magkamali.Merong portal sa loob ng kaharian ng Morbuzakh.”

“Tama ang prinsesa, mahalaga sa Morbuzakh ang portal kahit sa ibang nation. Isa namang mahalagang armas naman ng mga Soul Eater ang portal.”

Napansin kong napatingin sa kalangitan ang prinsesa. “Kailangan nating magmadali.”Magmadali para saan? Nacucurious na talaga ako kung ano ba talaga ang mission ng prinsesa.

Akmang aalis sa pwesto si Princess Altheia pero pinigilan ito ni Clyde.

“Princess.Hindi pwede tayo maging padalos dalos.”

Selos alert na naman ako. Iba nanaman kasi ang titig ng prinsesa sa kanya. Tapos gusto kong baliin ang kamay ni Clyde! Hawak kasi niya ang kamay ng prinsesa.

Bumuntong hininga nalang ako at pumikit para mawala na itong nararamdaman ko.

Sa pagdilat ko, napansin kong nakatingin sa akin si Prince Azera at ako na mismo ang umiwas ng tingin.

Kung may portal, may posibilidad na makakauwi ako.

“Dito lang kayo.”Napatingin kami kay Martha. Pipigilan dapat siya ni Clyde pero mabilis siyang kumilos.“Babalik ako.”

Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa nawala na siya dahil sa malalaking bato sa paligid.

Naghintay kami ng ilang minuto at wala pa si Martha.

“Bakit wala pa siya? Baka kung na paano na si Martha.”pagaalala kong sinabi.

“Don’t worry Alice. She can make it.” Pampalakas loob ni Princess Altheia sa akin.

Kaya naghintay pa kami ng ilang segundo at hindi naman nagtagal nagpakita na siya sa amin.

“Nakita ko na.” bungad agad sa amin ni Martha. “There’s a river path under the huge brick stone sa tingin ko tulay yun dati… and I think… yun lang ang tanging daanan.”

“Ano pa ginagawa natin?tara na.” pagaaya ni Montblanc.

“But Wait. We have a problem.”

=====

Nakarating kami ng ligtas sa sinasabi ni Martha na ilog pero gaya nga ng sabi niya merong problema.

Merong dragon na natutulog dito. Sa mismong dapat naming labasan o daanan. Napansin ko ding may kadena siya sa kanyang leeg.

“Bahala na. Basta pagkabangon ng dragon sa kanyang hinihigaan saka tayo papasok sa lagusan.Ready kana ba Yenma?” sabi at tanong ni Martha sa kanya.

Tumungo si Yenma.

Hinitak na niya ang kanyang paboritong pana at sa pagtira niya sa kalangitan naglabas ito ng isang asul na ilaw hudyat na pagkilos nila Grizel.

Dahil sa tirang yon na alarma ang mga Gargoyles. Maya maya… naglabasan ang malalaking boomerang na umiikot sa himpapawid at hindi naman ito naiiwasan ng mga Gorgoyles.

Sa pagtunog ng horn naglabas naman sila ng mga bilog na bagay. Sa pagikot nito ng mabilis sa himpapawid naglabas ito ng mga lubid at nagmistulang lambat para mabihag ang mga Gargoyles.

“Alice!” napalingon ako sa tumawag sa akin. Masyado akong naaliw sa nakikita ko hindi ko namalayang nakatayo na ang dragon at lumilipad na para bang gustong makawala.

Tumalon kami sa ilog na nagpatanggal ng putik sa aming katawan.

Dahil sa kaaliwan ko nahuhuli tuloy ako sa paglangoy at pagsunod sa kanila plus nahihirapan akong igalaw ang paa ko dahil sa aking sugat.

“Groawwww!!!”Nagpanik ako ng makita kong pa-landing sa aking pwesto ang isang Gargoyles.

Sa kamalasan.

“Aaahhhh!!” nakuha ako ng Gargoyles.“Tulong!Clyde! Aaahh!!”

Kita kong nagdadalawang isip siya sa kanyang gagawin, ang ikinalungkot ko ang prinsesa ang kanyang pinili.

Swissss!!

Nahagip ng mata ko ang nagliliwanag na panang itinira ni Prince Azera pero dumaplis ito sa Gargoyles. Hindi ko naman inaasahang nagbuga ng apoy ang dragon deretso sa gargoyles kasabay din nito ang pagtira ng palaso ni Prince Azera.

Napatingin ako sa mata ng Dragon para bang may ipinahihiwatig.

Sa pagbagsak ko sa tubig si Prince Azera mismo ang sumalubong sa akin.

Hinila niya ko palangoy patungo sa mga kasamahan namin.“Frectolus.” May sinabing spell si Prince Azera na nagpabilis ng agos ng tubig.

May gumugulo sa isip ko dahil sa dragon. “Prince Azera! pakawalan mo yung dragon!” Nagtaka siya sa sinabi ko. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit? “Bilis!” agad namang tumira ng ice spells si Prince Azera sa kadena na nagpapurok dito.

Agad namang naputol ang kadena dahil sa lakas ng pagkakahila ng dragon dito at saka kami nagpatuloy.

Pero hindi parin napayapa ang loob namin dahil sunod sunod na nagsitungo ang mga Gargoyles sa aming kinalalagyan.

Buti nalang nanduon ang dragon. Walang isang segundo niya itong pina-abo pero dahil sa dami nito meron paring nakalusot na Gargoyles at ang iba sumugod sa dragon.

Lumubog kami sa tubig habang lumalangoy papunta sa lagusan kahit malakas na ang agos ng tubig nasusundan parin kami ng mga Gargoyles at todo iwas kami dahil sa kanilang mga kamay na pilit kaming kinukuha.

Sa pagpapatuloy naming lumangoy nakita na namin ang lagusan. Naunang nakapasok ang ibang kasamahan namin ni Prince Azera.

Subalit nang malapit na kami sa lagusan ni Prince Azera hindi niya inaasang nakuha ng isa sa mga Gargoyles ang paa ng prinsipe. Hinila ito paitaas at hindi nasadyang tumama ang ulo ng prinsipe sa bato.

Umahon ako sa tubig at buong lakas kong inabot ang kamay ng prinsepe. “Third Prince!! Azera!!” sigaw ko pero wala siyang malay.

May Gargoyles na kukuha sa akin pero dahil sa aking sigaw. Isang pwersa ang lumabas sa akin… pwersang nagpabagal ng oras ko.

Kitang kita ko ang unti unting pagkapulbos ng mga Gargoyles. Mula sa pagiging bato naging pinong buhangin ito. Inilipad ng hangin at sumama sa daloy ng tubig.

Bumalik ang aking ulirat ng bumagsak kaming sabay ni Prince Azera sa tubig. Bago pa man ako kumilos tinignan ko muna si Prince Azera kung naapektuhan saaking kapangyarihan.

Sa aking palagay ay hindi naman.

Saka ako nagpadala sa agos at nakapasok sa lagusan bitbit si Prince Azera.Pagkaahon ko sa tubig napahawak ako sa aking kamay dahil sa pagkanginig.

Hindi ito natural na lamig. Sa tingin ko ipekto ito sa pagkagamit ko ng kapangyarihan.

Pagtingin ko sa paligid. Kitang kita na hindi makapasok ang mga Gargoyles dahil sa barrier na nagproprotekta sa buong lugar.

Tama ang sinabi ni Grizel. Ligtas na kami.

“Third Prince!! Alice!!” bungad sa akin ni Montblanc. “Ayos lang ba kayo?”Nilagyan niya ako ng isang kapote.“A-Anong nangyari kay Third Prince?”

“Naabutan kami ng mga Gargoyles, nakuha si Prince Azera at hindi naiwasang mabangga ang ulo niya sa bato.Pakitignan mo siya Yenma.”

Tumungo naman si Yenma sa akin at ginawa ang sinabi ko.

“Ikaw Alice may masakit ba sayo?” pagtatanong ng Prinsesa.

“Wala.Ayos lang ako.”Saka ako tumayo. Habang busy ang lahat dahil sa nangyari sa Prinsepe napansin kong nakatingin sa akin si Clyde.

Hindi ko na alam kung ano ang mga iniisip niya sa akin.

Ako na mismo ang umiwas ng tingin sa kanya at naglakad.

“Alice saan ka pupunta?” tanong ni Montblanc.

“Magpapatuyo lang.” Walang ganang sagot ko sa kanya.

++++++

Thank you so much sa reads and votes pati narin sa walang sawang paghihintay. Peace tayo dahil ang tagal kong nawala. I know you have patience and understanding pagdating sa ganitong bagay. ^__^

Hindi ko naman iiwan toh hanggat hindi natatapos. Masyado lang talaga akong matagal magud.

Dahil sa tagal… binalikan ko pa ang ibang chap ng storya… hehehe alam ganun din kayo ahaha…

Sana magustuhan niyo ang ud ko naun. ^__^

At sana tuloy tuloy na ang ud ko para banzai! Sa akin at nakatapos ako ng isang story. Hehehe…

Pasensya na kayo at pinaghintay ko kayo ng matagal. ^__^

Love you so much guys… and thank you so much!!! Nandyan pa din kayo ^__^

Continue Reading

You'll Also Like

172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...