Colors Of Our Love

Da heynabanaba

1.1K 9 4

Hindi ka na sigurado kung anong tama. Hindi ka na sigurado kung anong mali. Hindi ka na sigurado kung pag-ibi... Altro

PROLOGUE
/ONE
/TWO
/THREE
/FOUR
/SIX
/SEVEN
**7.2
/EIGHT
/NINE
/TEN
/ELEVEN
/TWELVE

/FIVE

131 1 0
Da heynabanaba

COLORS OF OUR LOVE by heynabanaba -- All Rights Reserved 2013

---

CHAPTER FIVE

REALLY the first day of school... :)

"Lalalalala..."

Oha! May pa-'lalalalala' pa'ko. Haha! Surf lang. XD Good mood! Ewan ko ba kung bakit. Feeling ko may mangyayaring maganda. *_*

Naglakad ako sa hallway habang nag-lalalala pa rin. Ayos naman yung pakikitungo sa'kin ng mga tao. Parang wala namang epekto yung DMKS na 'yun. (Domus' Must-Know Students) Nagsa-smile din naman sila 'pag nginingitian ko sila. Oha! Ako na Miss Friendly! Ü

Tamang tama lang yung pag-ring ng bell sa pagkahanap ko ng room ko.

"SOFA Rm. 407"

Pumasok  na'ko sa loob then umupo doon sa may bandang gitnang upuan. Ayoko naman kasi sa harapan, mahuhuli ako 'pag natutulog. ^u^ Ayoko din sa likod, masyadong malayo. 

Medyo madami na yung dumating kong classmates. T-in-ry kong mag-approach sa kanila.

"Hi! I'm Cotton."

Ngumiti lang sila at tumungo. Arr! Epekto siguro nung MKS announcement.

Bumalik na lang ako sa upuan ko at tumungo. Napatingala na lang ako nung may dumating na. Teacher ata namin. Nalungkot ako bigla sa nakita ko. Kumpleto na pala kami, pero vacant seats pa rin yung nasa paligid ko. Sa harap, and sa dalawang gilid; walang umupo, walang gustong tumabi sa'kin. T_T Ahuhu. Talagang nilaktawan nila yung mga upuan sa tabi ko eh 'no? Ang samaaaaaaaaa! XC

Lumingon ako sa likod ko. Eh? MAY TAO! MAY TAO SA LIKOD! Yehey! Hindi ako leproso. Hoooo! Kahit papano may lumapit sa'kin. :D

Nginitian ko siya, tapos... ngumiti din siya.

"Hi! I'm Cotton."

Ngumiti lang ulit siya. Haynako! Katulad lang din ng iba. Ngingiti lang, 'di ka naman kakausapin. Tssss. Pero ayos na din yan kesa naman ituring nila 'kong invisible dito. At least.. Okay, the VERY LEAST, they smile back. :\

Wala pang pinagawa sa'min yung professor. In-explain niya lang yung tungkol dun sa gaganaping exhibit. Haynako! Alam ko na yan! Binalot ko na nga yung painting ko di'ba? ^_^ Nag-attendance rin lang siya. Then, nagbigay ng details... blah blah blah! Basta. Madami siyang sinasabi eh. Pero wala naman akong maintindihan. Busy ako sa kakaisip sa mangyayari sa'kin dito. Walang nakausap sa'kin oh! Mababaliw ako nito. >_<

Kinuha ko na lang yung notebook ko then nag-drawing. Nag-drawing ako ng malaking malaking sad emoticon. Hayyyy! Lonely. :'(

"Paglabas ko ng Domus, malamang ganito na itsura ko."

Nagulat ako nung may biglang nilapag na papel sa desk ko. Drawing yun ng happy emoticon tas may nakasulat na "SMILE! :)"

Shoot! Yung tao sa likod! Yung tao sa likod yung nagbigay. Buti naman may kumausap na sa'kin. Well, hindi naman talaga "kausap", pero diba? May nag-approach na sa'kin, sa wakas! :")

Pumilas ako ng paper sa notebook ko then nagsulat ng malaking "THANK YOU!" Inabot ko yun sa kanya ng 'di lumilingon. Syempre, nahiya naman ako. An'daming sinasabi nung prof  sa harapan, tas nakikinig lahat, tas bigla na lang kami magdadaldalan. Baka mapagalitan pa kami.

May inabot ulit siyang piraso ng papel tas may nakalagay na "REED". Oy-oy! Nakikipagkilala siya. May kaibigan na'ko. Lalalalala. Ü

Inabot ko ulit yung paper kung saan nakasulat naman yung name ko, "COTTON". Pagkatapos non, tumabi na siya sa'kin. Lumipat siya don sa upuan sa tabi ko. Nginitian niya ulit ako. Teka? Pipi ba 'to? :P Magkatabi naman na kami ah. Bakit di pa rin nagsasalita? 

"Pipi ka ba? Uhmmm... Uhmmm..."

Sumenyas-senyas pa'ko kasi baka bingi din siya. ^_^v

"Haha."

Tumawa siya ng mahina. Okay, hindi siya pipi. Wait, wait. OMGsh. OMGsh. Ang ganda ng boses miya. Eeeeeeeeeee! >o< Kinikilig ako? Empff. 

"Makinig muna tayo. Baka mapagalitan tayo eh."

"Ah. Sige-sige."

Nagja-jot down pala siya ng notes tungkol sa mga sinasabi nung prof namin. Rh? kelangan ba yun? Errr. Kokopya na lang ako sa kanya mamaya. Friends naman na kami eh :)) haha.

Natapos na yung klase, at nun lang kami nagkapakilanlan ng pormal.

"Reed. Reed Salas."

"Cotton. Cornelia Antoniette Preston."

Nag-shake hands kami, after non. Feeling ko nag-blusg ako. Shocks! >_< Sorry naman. Ngayon lang ako naka-meet ng lalaking labas. :D Oo, promise! All-girl school kasi yung pinasukan ko since kindergarten, As in yung strict all-girl school. Kaya gan'to ako katuwang-tuwa. Tapos gan'to pa yung buena mano diba? Aaah! Ang cute niya kase eh. Blue eyes, red kissable lips, flawless sk . . 

"Cotton?"

Naputol yung pag-iisip ko nung tinatawag niya na yung pangalan ko. Feeling ko sa haba na mga naiisip ko, ang tagal na nung hand shake. Nailang siguro siya. Ah! Nakakahiya >,<

"Ay. sorry!"

"Haha. Ok lang"

Talaga? Okay lang? Pwede isa pa? :)))

"Uy. Salamat hah? Ikaw lang nag-approach sakin dito eh. Yung iba dito. Mga zombies ata."

"Haha. Oo nga eh. Sabay tayo mag-recess? Wala pa 'kong kakilala dito eh."

"Sure."

Aww. Ang cute niya talaga, lalo na pag nagsa-smile siya.

"Oh. Yan na yung prof natin."

May dumating na ulit na teacher. Di ko muna siya dinaldal kasi busy pa siya sa pagja-jot down ng notes. Ginaya ko na lang rin siya. Awww. Pala-aral siya. :)))

Tatlong classes pa yung tinapos namin. Konting kwentuhan in between. Pagdating ng recess, niligpit na namin yung mga gamit namin...

"Uhmmm... Saan mo gustong kumain, Cotton?"

"Hah? Kahit saan. May kwek-kwek ba dito? Gusto mo ba 'yon?"

"Oo namen. Eh, kaso wala non dito."

"Ah, ganun ba? Sayang naman."

Grade school pa'ko nung huli akong nakakain non. Nagustuhan ko talaga lasa niya. well, itlog lang naman yon na binalot sa orange na harina pero yung atmosphere 'pag nakain ka di'ba?... Yung tutusok-tusok ka don. Basta! Ang hirap naman i-explain XD. Basta, gusto ko kumain non. ^u^ Ang weird ko, ya!

"Eh, pero pwede tayong lumabas ng academy kung gusto mo talaga non."

"Talaga?"

Parang umabot sa bunbunan ko yung smile ko non.  Ambait-bait-bait-bait niya naman. :D

"Oo naman. Pero magmomotor lang tayo. Ayos lang ba?"

"Ah, ok lang. Eh pero baka naaabala kita?"

"Nye? Hindi 'no. Ano ka ba? Magkaibigan naman tayo di'ba?"

"Ah. Oo nga :)"

Nag-smile siya at nag-smile na lang din ako. Ang bait niya talaga. Lalo akong nafo-fall sa kanya eh. HAHA! Agad-agad?

Nagpunta na kami don sa parking-an ng mga motorbikes then kinuha niya yung kanya. Tag-isa kami ng helmet. Pink yung akin. 

"Malapit lang naman yun pero mag-helmet pa rin tayo para safe."

"Pink? Lagi ka sigurong may kasabay na babae 'no?" 

Pabiro kong tanong. Siguro may girlfriend na siya? 

"Ah, oo."

Hah? OO? Ayy. Ano ba yan? Ang sad naman non. Meron na pala, ehe! 

"Sa kapatid ko 'yan. Lagi ko na ring dinadala in case madaanan ko siya pauwi."

Ahhhhh. Kapatid naman pala eh. :")

"Ah. favorite niya pink?"

"Naku! Sobra!"

Tinurn-on niya na yung engine.

"Angkas ka na."

Umangkas na'ko. Hindi ko alam kung saan ako kakapit. Nakakahiya naman eh. Doon na lang ako sa likod ko kumapit, don sa may parang nakausli don. 

"Kapit ka na, Cotton."

"Hah? Wag na. Dito na'ko hahawak."

"Ano ka ba? Wala akong pampaospital sa'yo pag nahulog ka jan."

"Ay. Sige na nga."

 [Reed's POV]

 "Ano ka ba? Wala akong pampaospital sa'yo pag nahulog ka jan."

Nag-insist na'ko na kumapit siya. Baka nga mahulog talaga siya. Madami pa namang humps palabas.

"Ay. Sige na nga."

S-in-lide niya yung kamay niya sa may tagiliran ko. Napangiti ako. Ewan ko ba, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya. kanina, nginitian niya ko eh. Nung una, nag-aalangan ako na makipagkilala sa kanya. MKS kasi siya eh. Sabi kasi nila, karamihan talaga doon sa mga MKS, medyo "mean girls" yung dating. Kasi nga di'ba? Matataas yung antas nila dito sa academy. Mga anak-mayaman eh. Pero etong si Cotton, hindi ganun eh. Sa mga nakita ko kanina, mabait naman siya. In-approach niya yung mga tao sa room, napaka-enthusiastic niya. Kaso takot yung mga tao sa kanya. Pero nung nakita ko siyang malungkot, may vibe na nag-push sa'kin na lapitan siya at kilalanin. 

"Uhmm. R-Reed!"

Medyo nagkakasigawan na kami dahil sa ingay ng motor.

"Oh?"

"sabi mo favorite ng kapatid mo yung pink? Ako rin."

"Ah, ganun ba? Sigurado ako magkakasundo kayo. Minsan punta ka sa bahay?"

Naku! Pag nagkakilala sila ni Maggie, RIOT! XD

"Ahaha. Sure! Ikaw din, punta ka sa'min."

Nagderetso na kami doon sa food stalls.

"Dito na tayo."

Tinabi ko muna yung motor habang siya, lumilibot-libot doon sa mga stores. Puro mga franchise stores yun eh, kaya malinis naman yung mga yun.

"Barya-balls station. Dun ba tayo pupunta?"

Binasa niya yung signage then excited na hinila niya 'ko don. Di niya na'ko hinintay sumagot. Bumili na kami ng makakain namin, tas umupo don sa mga tables don.

"Reed, thanks hah? Ngayon na lang ulit ako nakakain nito. Promise!"

Nag-sign pa siya ng "promise, cross my heart!" habang punung-puno yung bibig niya.

"Haha. Ayos lang yun. I enjoy your company. Ang kulit mo! Para akong may kasamang bata, hehe."

"Ah-eh. Sorry."

"Nye? Ano ka ba? Di'ba ang sabi ko, 'I enjoy your company'? Bat parang lumungkot ka jan?"

"Ah, wala naman. Pasensha na ah. Para lang akong ewan. Ngayon lang kasi ako naging gan'to ka-free. Well, hindi ko alam kung free na talaga ako. Baka may paparazzi jan sa tabi-tabi."

Humalumbaba siya tas bumuntong-hininga. Yun yung mahirap sa MKS eh. Yung mat ng lahat parang naka-super glue na sa kanila.

"Siguro bukas, 'pag nakita mo na yung photo natin sa bulletin na may caption ng kung anumang issue, lalayuan mo na'ko."

Sumimangot siya habang nakatingin sa'kin.

"Cotton, ano ka ba? Sa tingin mo lalapit ako sa'yo kung hindi totoo yung pakikipagkaibigan ko sa'yo? Ayaw naman siguro nilang mabaliw yung prinsesa nila dito di'ba? Mahirap makipag-usap sa wala. Baka mag-end up ka jan na nakikipag-usap sa mga emoticons mo."

"Haha! Thank you talaga, Reed. So, you're my bestie #3?"

NAgtaka ako sa sinabi niya. Bestie #3? Okaay. Bestfriend pero bat may number pa?

"Ah, sure! Bestie #3! Pero bakit #3?"

"Eh, kase..."

"Hmm?"

"Eh kase, pangatlo ka lang sa mga kaibigan ko. Pangatlo lang. Hayyy! Nakakahiya naman 'to oh!"

"Hah? Eh ayos lang yan, Sabihin mo na. Hindi naman kita ma-gets eh."

Napakamot na lang ako sa ulo ko sa sinasabi niya.

"Eh kase...tatlo lang kayong kaibigan ko. Well, #2 ka pala, kasi mas sensible ka naman kesa dun sa isa."

"Oh? Eh, ayos lang yan! Odiba, dapat masaya ka? Tatlo na kami! Eh, sino yung dalawa?"

"Si Beanna, my bestie #1, friend ko na siya since bata pa kami. And yung isa, yung kaibigan kong DILAW.

Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...