Stars ☆ Academy

By sheaulyn

8K 281 416

Stars Academy's Code for Success To be successful, one must dedicate themselves to the task at hand. No compl... More

○ v i s i o n a n d m i s s i o n
● f o r m
○ w e l c o m e, i d o l!
● t e s t o f c o u r a g e
○ d e c e i v e
● t i c k t o c k
○ s o l v e d
✿ n o t e b o o k
☀︎ author's note & sneak peek
✿ h a l l o w e e n s p e c i a l

● w a l k i n g i n t h e i r s h o e s

222 17 30
By sheaulyn

Walking in their shoes

----------♪

[ Haru ]

"Ayos ka lang diyan, Kiaske?" Tanong ko sa kakambal ko habang idinidikit ang huling flyer sa pader. Sa wakas, natapos narin namin itong pinapagawa ni Fleija... well, ako tapos na, pero si Kiaske... Ewan ko lang doon.

"Ayos lang ako," ang narinig kong sagot mula sakanya. Napataas ako ng kilay nang mapansin ko na medyo nagiba ang boses niya, dahilan para tignan ko ang likuran ko kung nasaan siya, para lang makita na naghihirap siyang ilagay ang tape para dumikit ang flyer sa pader. Bahagyang napatawa ako sa ginagawa niya para lang idikit lang ang papel. Siya naman ay napatingin sa'kin at tinitigan ako ng masama, para bang kung anong minuto papatayin ako, pero mas lalo akong natawa dahil kahit anong gawin niya para maging nakakatakot, mas lalo siyang nagiging cute. "Huwag ka ngang tumawa diyan at tulungan mo nalang kaya ako."

Tumigil na ako sa pagtawa, at tinulungan ko siya sa pagdikit ng papel. "Sabi mo ayos ka lang," pang-aasar ko. Tinignan niya ako ulit gamit ng kanyang 'death glare' at inayos nalang uli yung poster.

Pagatapos na namin idikit iyon, inayos na namin ang nga gamit namin at naghanda na para bumalik na sa office para sabihin kay Flei na tapos na. Grabe rin, nakakapagod maglakad sa buong school, hindi ko man lang rin nakita kung anong nakasulat doon sa may poster. Hmph.

"Nga pala, Kiaske," pagsimula ko habang naglalakad kami papunta sa office. "Nakita mo ba kung anong nakasulat sa poster na binigay sa'tin ni Flei?"

Napansin ko na parang ngumuso siya ng kaunti, which I find funny. Pero, hindi siya 'yog childish na nguso, parang mas mature pa sa normal na nguso. "As far as I'm concerned, no," ang malamig niyang sagot. Ouch. Paano ba naging cold itong kambal ko? I miss the old Kiaske.

"Pero, meron akong kopya ng poster dito," dagdag niya, pagkatapos ay may kinaklak siya mula sa kanyang bag at ibinigay sa'kin. Ito pala isa sa mga poster na dinidikit namin kanina. "Mukhang may contest na naman na sasalihan ang Stars Academy. Heh, mas mabuti sana kung ang premyo pera para mabayaran narin nating 'yong baboy na iyon."

"Kiaske," humarap ako sakanya nang sabihin niya iyon. "Grabe ka naman kung makapagsalita ka, paano nalang kung narinig ka niya? Baka kung anong gawin niya sa'yo." Napasimangot tuloy ako nang maisip ko kung anong pwedeng mangyari sakanya, ayaw ko naman may mangyaring masama sa kapatid ko. Siya nalang nga ang natitirang pamilya ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala siya.

Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa'kin habang nakakunot ang noo niya. "Bakit? Hindi ba totoo? Kung hindi lang dahil sa matabang baboy na iyon, hindi sana tayo papaalisin doon, hindi sana niya makukuha ang orphanage, at hindi sana magiging spa ang bahay natin! Doesn't that make you angry?!"

May parang kumirot sa puso ko habang pinapanood ko kung paano ilabas niya ang galit niya doon sa lalaking kumuha ng tirahan namin. Ngayon, naalala ko na pala kung bakit nagbago si Kiaske. Ever since nawala sa'min ang tinitirhang orphanage namin, nagbago siya. Kinamuhian niya ang taong iyon, at sinabi niya na balang araw ay pagbabayaran niya ang kanyang ginawa. Binigyan naman kami ng taong iyon ng limang buwan para lang makapag-bayad ng Php 500,000 para hindi niya ipagpatuloy ang proyekto niya at para hindi niya sirain ang orphanage, pero, hanggang ngayon, nahihirapan pa rin kami makahanap ng paraan para bayaran iyon, mas lalo si Kiaske.

"If only I could lay my hands on that fat scum's neck," pagsimula na naman ni Kiaske, ang kanyang mukha bahagyang natatakpan ng kanyang buhok. "I will make sure that man will breath no more. It's all his fault anyway, it's all because of that pig's fault."

Hindi ko matatangging totoo ang sinasabi niya, pero, kung paano niya binitawan ang mga salitang iyon; punong puno ng galit na may halong hinanakit.

I was never the type to be so comforting, pero, I still tries. Inilagay ko ang aking kamay sa kanyang ulo, at ginulo-gulo ito para naman mapunta sa ibang bagay ang kanyang isip. Ngumiti ako, just to show that everything's alright.

"Pabayaan mo, makakahanap tayo ng paraan, tapos, pwede na natin bayaran si Sir Buenaventura para hindi niya sirain ang tahanan natin," panimigurado ko.

Nanatili lang siyang tahimik, at tinignan nalang ang poster mula sa kanyang mga kamay. "Also, it shouldn't be that hard. Magtra-trabaho nalang ako ng extra hours sa restaurant para may extra tayong kita. Pwede naman rin nating ibenta ang ibang gamit na hindi na natin ginagamit-"

"- Or we could join this contest." Tumigil ako sa pagsasalita nang marinig ko ang boses ni Kiaske. Tumingin ako sa poster na kanyang hawak, kung saan nakasulat ang details sa contest.

Sa ibaba, may nakasulat na prizes para sa winners.

Isang deal sa isang sikat na music production company dito sa bansa, at isang milyong piso ang pinapamigay kung sino man ang makakakuha ng unang gantimpala.

Para bang lumiwanag ang mukha ni Kiaske nang mabasa niya ang mga prize na nakahanda, mas lalo nang makita niya na pera nga ang premyo. "Look, Haru! Eto na ata iyon, ang chance natin! At pwede tayo maging sikat kung mananalo tayo sa contest na ito! And, it's national! Makikilala na tayo, hindi pa pangarap natin iyon noong maliit pa tayo."

Tumango ako, at ginulo na naman ang buhok niya. "Sabi ko sa'yo, 'di ba?"

"Yeah, right. Sumali kaya tayo, kuya! Baka manalo tayo! We do have the talent."

"Sige ba. Game ako diyan!"

It was then settled, sasali kami dito sa contest na ito, at sisiguraduhin namin na gagawin namin ang lahat para manalo sa contest na ito, whatever it takes.

-----

[ Fleija ]

"Fleija, pakidala naman ito sa Principal's Office."

"Fleija, may meeting ang mga teachers mamaya sa Faculty room, pakisabi naman sakanila."

"Fleija! Nasaan na 'yong mga posters na ibinigay namin sa'yo? Naidikit na ba?"

"Fleija, I need you right now."

Fleija this, Fleija that. Palagi nalang Fleija. Nakakainis. Nakakapagod. Hindi ba pwedeng ibang tao naman ang gumawa niyang nga trabahong ibinibigay niyo sa'kin? Napapagod rin ako, hindi ako isang robot na pwedeng sumunod nalang sa mga sinasabi niyo.

Gustong gusto ko sabihin iyon, pero paniguradong magagalit lang ang adviser ng SSG pag narinig niyang nagre-reklamo ako. Sa gusto man o sa ayaw ko, kailangan kong gawin ito, bilang P.R.O ng Supreme Student Government ng Stars Academy. Kung pwede lang talagang bumaba sa puwesto ko, dati ko pang ginawa at dapat rin nagpapahinga ako sa klasrum namin, gumuguhit o kaya naman gumagawa ng mga kanta kaisa naman sa ginagawa akong utusan ng mga taong ito.

Nasaan ba ang ibang officers? Hindi ba may sari-sariling mga trabaho iyon. Porke mas mataas ang kanilang posisyon sa'kin ay hindi ibig sabihin na exempted na sila sa kanilang trabaho. Maghintay lang sila, pag nahanap ko ang mga taong iyon, paniguradong lagot sila sa'kin.

Sandali, kalma lang Fleija, hinga ng malalim. Kailangan ko pang dalhin ang mga papeles na ito sa Principal's Office, or I'll be dead meat.

Kumaripas na ako ng takbo papunta sa nasabing bahagi ng eskwelahan, sinisiguradong hindi matumba itong malaking stack ng mga papel sa aking kamay. Wala ako masyadong makita dahil sa taas ng mga papeles na ito. Habang tumatakbo ako ay may nabangga ako sa daan, dahilan para matumba ako palikod at lumipad sa kung saan saan ang mga papel. Brilliant, just, brilliant. Lagot na talaga ako.

Kaisa naman makipag-bangayan pa ako sa nabangga kong tao, kinuha ko nalang ang mga nagkalat na mga papel, pati narin ang mga lumilipad pa sa ere. Laking gulat ko nang makita na ang nabangga ko ay tinulungan ako sa pagpulot ng mga ito. Hinawakan niya ang kalahati habang ako rin ay hawak ang kalahating mga papeles. "Salamat," ang tanging salitang lumabas mula sa aking bibig at sinubukang kunin ang mga papel sa kanyang mga kamay, ngunit, itinaas lang niya ang kanyang mga kamay para hindi ko iyon maabot. "Hindi, ako nalang," sabi naman niya habang hawak hawak ang mga papel.

Tinaasan ko siya ng kilay, at doon ko nalang napansin na si Kenji pala iyon. Secretary of the Supreme Pupil Government, on of the so called bad boys in school, and, henchman of Katzuya (hey, it suits him, he always follows that emo president around school doing some of his dirty work). Sa totoo lang, ayaw na ayaw ko sa balat ng mundo itong lalaking ito. Feeling niya superior siya, mayabang, nakakainis. Siya ang huling taong inisip ko na makakabangga ko.

I despise him, really.

"Kenji, anong ginagawa mo dito?" Buong lakas kong tanong habang nakataas parin ang aking kilay. Matary na kung mataray, wala akong pakealam. "Hindi ba dapat kasama mo si Katzuya, and not here with me?"

Ngumisi lang siya, isang nakakainis na ngisi kung ako ang tatanungin. Ang sarap talagang suntukin itong taong ito ngayon. "Bakit, hindi mo ba ako na-miss?"

Sa kanyang sinabi, sinipa ko siya sa tiyan. Nabitawan niya ang mga papel na hawak niya at napadapa habang hawak hawak ang kanyang tiyan. Mabuti nalang ay nasalo ko ang mga papel bago pa itong tuluyan na mahulog sa sahig. "Asa ka. Letse. Lumayas ka nga sa paningin ko. Panira ka ng araw eh."

"A-ang sakit... hindi mo naman k-kailangan gawin iyon..." Halatang namimilipit sa sakit itong lalaking ito, pero wala akong pakealam. Bahala siya diyan. Die if he has to, I don't give a thing about this guy.

"Kung dadapa ka lang diyan, mas mabuti nalang kung gawin mo ang mga trabaho na binigay sa'yo kung ayaw mong makatikim ng isang suntok mula sa mukha," pagbabanta ko, at naglakad nalang papunta sa Principal's Office which is not that far away from where we are right now.

"T-teka, Fleija..." Rinig na rinig ko ang kanyang boses kahit nakalayo na ako ng kaunti. Lumapit naman rin sa'kin ang bwisit na lalaking iyon at sumusunod sa'kin na para bang buntot ng isang aso. "Ginagawa ko naman ang trabaho ko ah. Ang trabahong bantayan ka para siguraduhin kung ginagawa mo ang trabaho mo ng tama."

"Aba, sino naman nagsabi?" Demanda ko. Hindi ko kailangang ng isang baby sitter para tignan ang bawat galaw ko. Nakakainis.

"Malamang, si Katzuya."

Sabi na nga ba eh. 'Yong emo na presidentebg iyon ang may kagagawan nito.

Sarap lang itapon sa isang balon ang mga taong ito.

"Grr... basta, huwag mo ako guluhin kundi, talagang makakafikim ka sa'kin."

"Aye, captain!"

This guy... really.

"Nga pala," nagsalita si Kenji mula sa likod ko. Hindi ko nakang siya pinansin at naglakad nalang. "Sasali ka ba sa Star Circuit Match this year?"

Sa kanyang sinabi, napatigil ako sandali. "Star Circuit Match? Sasali na naman ang school natin doon?"

Tumango siya. "Apparently, yes. Maga-audition ang school around August or September, depende sa kagustuhan nila, at pipili lang ng twenty-five students bilang representatives na sasali sa Star Circuit Match na gaganapin sa December. So, sasali ko o hindi?" Tanong niya ulit.

Star Circuit Match... Heh, it's been a while since I last joined a contest like that.

Ngumisi ako, at humarap sakanya. "Of course I will."

-----

[ Worry ]

Inaayos ko ang mga nagkalat na art supplies sa lamesa ko para sa isang project nang biglang bumukas ang pintuan at pinakita nito si Katzuya na para bang nakakita ng multo. Katulad ng ginagawa namin tuwing dumadating siya, binabati namin itong emo na presidente, at sasagot naman siya gamit ng isang tango o kaya isang simpleng "hi" lang. Pero, para bang wala siyang gana na makipagsalita dahil dinaanan niya ang lahat ng tao at dumiretso siya sa kanyang lamesa na katabi lang ng akin at doon, nagmukmok na siya.

Napataas tuloy ako ng kilay. Anong problema ng lalaking ito at ganyan siya ngayon? Stress? Pagod? Anxiety? DEPRESSION? For dessert's sake, will someone answer me?

Ayon, dahil wala naman sasagot sa'kin, mas mabuti nalang kung itanong ko. "Hoy, Katzuya, anong nangyari sa'yo?" Itinabi ko muna ang hawak kong gunting at lumapit sa lamesa niya. Pilit niyang itago ang kanyang mukha gamit ng dalawang kamay niya na nagsisibling takip. Umiwas siya ng tingin, na ikinainis ko naman dahil para siyang bata kung umasta ngayon. "Wala ka na doon," ang kanyang sagot.

"Sasabihin mo o sasabihin mo?"

"Neither."

"Darn it, Katzuya, just say it already!"

"Sabing ayaw eh."

"Oh come on! Don't keep everything to yourself!"

"Tumigil ka, Worry. Wala ako sa mood ngayon."

"Katzuya, umamin ka, kundi, tatawagin kitang Gaytzuya for the rest of the semester." Oh, 'di ba? Grabe kung makabanta. Wala eh, ganyan talaga.

Inalis naman niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha at humarap na sa'kin. "Subukan mo lang at malalagot ka sa'kin, Dusk!"

Nagbelat ako. "Sabihin mo na kasi! Nakakita ka ba ng multo o ano? O baka naman hinalikan ka naman ni Shade kaya ganyan ka. Oh, wawa ka naman," pang-asar ko sa lalaking ito. Oo, ako lang talaga ang may karapatan para ganyanin ang emo na presidenteng ito. Wala eh, I am his partner, and I have the right to do such things. Mwahaha.

"Gaga, hindi. Ang hilig mo rin sa Gay's love, ano?" Tanong niya, halatang naiirita na sa kakulitan ko.

"Excuse me, it's called Yaoi, not Gay's love. Not all boys that fall in love with another boy is gay. Geez, spot the difference, Katzuya. It's already obvious." Geh, ako na ang wagas kung maka-Ingles.

"Isang beses ka pa mag-Ingles at talagang kakalimutan ko na isa kang babae."

"Just spill the beans, already!" Ipinatong ko ang ulo ko sa lamesa niya at ngumuso. Ngayon lang ito at walang aangal. Kung sino man ang umangal ay makakatikim ng bamboo sword ko. Nyahaha.

Napabuntog hininga siya. "Alright, you win." Yes! I did it! Go me!

Para bang may kinuha siya mula sa kanyang bulsa ar itinapon sa'kin. Na-catch ko naman ito nang walang hirap at pinagmasdan ang bagay na nasa kamay ko. Selpon lang pala ni Katzuya, at nakalagay pa sa isang recording [1] ng pinaka-recent na taong tumawag sakanya which is... an unknown number?

"Tumawag siya, Worry," pagsisimula niya. "Tumawag ang bwisit na iyon mula sa Korea. Gusto daw niya makipagkita sa'tin."

... What?

Nakakapagtaka ang sinabi ni Katzuya. Sinabi nalang niya sa'kin na pakinggan ko nalang ang recording sa phone niya, sinunod ko naman ang kanyang utos kaya pinindot ko ang play button.

Isang mababang boses ang una kong narinig.

"Kamusta na, Kat~zu~ya~ Masayaka ba sa iyong buhay diyan?"

I know this voice... very well. Ah, eto pala boses ng walangyang naglalakad na kesong iyon.

Sumunod na narinig ko ay ang boses ni Katzuya.

"Anong kailangan mo sa'kin?"

"Cold mo! Bawala ba kitang kamustahin?"

"Sabihin mo lang sa'kin ang kailangan mo at nang tantanan mo na ako... Eden."

"Napaka-cold mo pa rin. Tumawag lang ako para sabihin na babalik na ako mula Korea. And~ Narinig ko na magkakalaban ang school niyo at ang school ng kapatid ko sa Star Circuit Match na gaganapin this year! Kaya inisipan kong bumisita diyan sa Pilipinas."

Napatingin ako kay Katzuya, and gave him a "Are you serious?" look. Tumango lang siya, at sinabing makinig nalang ako.

"So? Pake ko? At hindi ba sinasabi mo 'yan sa kapatid mo?"

"Akala ko baka na-miss mo na ako? Gusto ko nga sana makipag-kita sa inyo eh. Masama ba iyon?"

"Letse."

"Love you too! "

"Tumigil ka, Keso."

"Gwapong keso naman."

"Tumigil ka sabi."

"Oo na po~ Sungit much."

Hindi ko mapigilan na tumawa sa kalokohan nilang dalawa. Alam niyo, bagay talaga itong keso at itong emo na ito. Now if only they could...

"Shouldn't you be leaving by now?"

"Ay, bakit? Ayaw mo na ba sa'kin, Katzuya? Kaya mo ako tinataboy? Teka, huwag mong sabihin pinagpalit mo na ako?! Uwaah! Katzuya hates me now! At nangbabae pa!"

"Letse."

"Love you too, Katzuya! Yay, mahal niya pa rin ako!"

"Tanga, tumigil ka na sabi. At sino naman nagsabi na nambabae ako?! At kailan naman tayo nagkaroon ng relasyon?!"

"Joke lang naman! Sige na nga, aalis na ako. I'll see you on the twenty-fifth! Paki kamusta nalang ako kina Worry! Love lots!"

"Alam mo, kung makapagsalit ka, para kang bakla."

"Ouch! Makaalis na nga. Ay, bago nga pala 'yon...

Katzuya, be prepared, because you're going down. Ayon lang, bye!"

Doon na tumigil ang recording. Hindi ko mapigilan na isipin ang sinabi ng lalaking iyon. Wow ah, may gana pang iyon sabihin na matatalo kami. Baka nakalimutan niya kung sino kami. Hindi kami nagpapatalo, kahit sino man iyan.

"So, babalik na siya," napangiti ako nang maalala na bibisita ang lalaking iyon dito. "Heh, I can't wait to get my hands on that cheese."

"Sabihin mo lang kasi crush mo 'yong naglalakad na milagrong iyon." Kinuha na ni Katzuya selpon niya sa'kin at ibinulsa na sa kanyang bulsa (malamang sa malamang). Para bang nairita ako nang sabihin niya na crush ko 'yong lalaking iyon. Aba't... kapal rin ng mukha eh.

Kaya ang ginawa ko ay... kinuha ko ang crinumple na papel mula sa lamesa ko at itinapon ito sa kanya. Head shot pa! Woohoo! Go me!

"Crush ka diyan, baka ikaw! Kinikilig ka lang kasi sinabihan ka ni Milags ng "I love you"! Nyahahaha!"

"Tangna, tumigil ka Worry, hindi ka na nakakatuwa."

"Sino ba nagsabi na nagpapatawa ako?" Boom panes.

"Magpasalamat ka babae ka kundi, nasapak pa kita, dati pa."

"Tse," sabi ko nalang at bumalik sa lamesa ko para ayusin ang mga nagkalat na bagay.

Si Katzuya, ang dakilang pikon, bumalik nalang siya sa kanyang lamesa para ayusin kung ano man papeles ang binigay sakanya ni Ma'am Phammy. Ako naman, tinapon na lahat ng kalat at inilagay sa bag ko lahat ng mga gamit ko. Wala na akong ibang gagawin kaya inisipan ko nalang tignan kapatid ko kung sakaling may kalokohan na ginawa iyon. Seriously, sometimes that brother of mine can be a pain.

"Katzuya, aalis muna ako. Ikaw na bahala dito," paalam ko sakanya. Nagtungo na ako papunta sa pintuan. May pahabol naman itong Gaytzuya na ito bago pa ako makalabas.

"Nga pala, Worry. Si Fear nasa clinic daw, nahimatay. Ewan ko ba kung bakit."

Para bang tumigil ang mundo ko nang marinig ang sinabi niya. Dali dali akong tumakbo papunta sa clinic, kung nasaan ang kapatid ko. Hindi ko mapigilan na mag-alala, pada bang bumilis ang tibok ng puso ko, hindi sa kilig, hindi sa saya, kundi sa takot. Ano bang nangyari sa kapatid ko, ang tanong ko sa sarili habang papunta doon sa kinaroroonan niya. Sana ayos lang siya, sana hindi na naman nangyari iyon.

The last thing I want is my brother getting hurt.

Hindi ko na pala namalayan na nasa harap na pala ako ng pintuan ng clinic. Nagdasal ako bigla, na sana ayos naman ang kapatid ko, bago ako pumasok doon. Tahimik ang kuwarto, ang mga tao doon ay napatingin sa taong bigla nalang pumasok - at ako iyon. Nakita ko doon ang mga palaging kasama ni Fear, at si Fear mismo, na nakaupo sa isang kama. Lahat ng kaba ko nawala nang makita na ayos lang siya at walang galos o sugat sa kanyang katawan.

"Ate, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Fear. Hindi ako sumagot agad, niyakap ko nalang siya ng mahigpit. Tinago ko ang mukha ko sa kanyang braso, para hindi niya makita na malapit na I'm on the verge of tears.

May tumakip sa likod ko, si Fear lang pala. "Ate... may problema ba?" Tanong niya ulit.

Hinigpitan ko lang lalo ang yakap ko sakanya, bago sumagot. "Wala, huwag mo ako pansinin."

Ramdam ko na ngumiti siya at binalik ang yakap.

"Ako nga dapat nagtatanong," inalis ko ang mukha ko sa kanyang braso at tinignan siya sa mata. "Ano nangyari sa'yo at nahimatay ka? Sinabi sa'kin ni Katzuya, at alam mo ba kung gaano ako nag-alala para sa'yo?! Ano bang nangyari, Fear?! Sabihin mo nga sa'kin!"

"A-ah! Teka, ate! Huwag m-mo nga ako yugyogin! Nahihilo ako!"

Tinigil ko ang pagyugyog ko sakanya, ni hindi ko na nga napansin na niyuyogyog ko na itong lalaking ito. At ang loko, nahimatay ulit. Letse naman, paano ko malalaman kung bakit siya nahimatay kung nahimatay na naman siya.

"Kayo, alam niyo ba kung paano nahimatay itong lalaking ito?" Humarap ako sa mga kasamahan niya na kanina pang tahimik, para bang natatakot sa'kin, bakit naman sila matatakot sa'kin? Hindi naman ako nangangagat ah.

"Kaeri," humarap ako sakanya, mapansin na para bang hindi siya mapakali. "Alam mo ba kung anong nangyari." Take note, hindi ako nagtatanong, dinedemanda ko.

Pilit naman niyang matahimik, tinakpan pa niya ang kanyang bibig para lang matahimik, pero, hindi na niya mapigilan, napasigas siya bigla.

"Woah, kalma," sabi ko, pero parang mas lalo siyang na-excite.

"KasinamanpokaninahabangmagkasamakamisiEclipsebiglanglumapitsa'mintaposnamansiFearinawaysiyataposbiglanalangsilanagkahalikanat-- KYAAAAAAAAH! I cannot! Ang puso ko!" At ang loka, nahimatay rin.

Ano bang meron at halos lahat ng mga tao nahihimatay ngayon?

"Let me get this straight, nagkahalikan sina Eclipse at si Fear... ulit?" Tanong ko. Tumango lang sila.

What. In. Blazes.

Hindi ko mapigilan na matawa. Nagkahalikan itong kapatid ko at si Eclipse? Pfft... nice going. Sayang wala ako doon para makita mismo.

Pasalamat nalang sa Diyos dahil walang ibang nangyari sakanya, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mayroon ngang nangyari sakanya.

Ayaw ko na may mangyari sakanya, pagkatapos nang nangyari kay ate.

Gagawin ko ang lahat para lang maprotektahan ang mga taong mahal ko. No matter what it takes. It is my duty.

And I never back down on my duty.

----------♪

Date completed: September 28, 2014 ; 11:23 AM

A/N: Sorry na po. Late update. :< Busy kasi. Sorry na po talaga. Ajujujuju. Enewey, sana nagustuhan niyo po ito. :D Siguro baka next week na naman ako makakpag-UD. Busy at tsaka, mabagal ang net. Amfufu. Someone really needs to fix this society of ours before I go bananas. Nyahaha. Joke.

[1] Hahaha! Ewan ko ba kung saan ko 'yon nakuha. XD Naglalaro ako ng Ace Attorney tapos nabasa ko na 'yong mga phones nila doon pwede mag-record ng kahit anong tawag.

And~ Sino nga ba ang ating featured star sa Stars Academy? Malamang nasa side na hahaha. :D Si Katzuya siyempre! Sino pa ba? XD At ang nanalo ay si~ Tenenenenenen~ Si @Shadeofbluee! Siya unang nakahula (sa FB pa ata niya nahula XD).

[ Katzuya on the side with character song (putcha, wala akong mahanap na magandang CV kaya ayan nalang lol XD) ----------> ]

Ayun lang, babayuuuuu~ XD

Continue Reading

You'll Also Like

19.5K 1.1K 26
Siya si Pangga Tong, effortlessly beautiful daw siya sabi ng iba. Kahit hindi magpapansin ay papansinin pa rin siya dahil sa taglay niyang ganda. Pak...
613K 30.1K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
5.2M 183K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...