Stay awake, Agatha (PUBLISHED...

By Serialsleeper

35.1M 1.2M 570K

Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the... More

Stay awake, Agatha.
Epigraph
1 : Her name is Agatha
2 : That idiot named Cooper
3 : New kid on the ward
4 : Of breakdowns and Ice cream
5 : Menace
6 : That awkward moment
8 : The real Cooper Alvarez
9 : Pushing Daisies?
10 : Stimulants
11 : The Boyfriend Commandments
12 : Stay close and don't let go
13 : It's too late
14 : The Stranger
15 : Long time no see
16 : Stay Away Agatha
17 : The truth about us
18 : The last chance
19 : The real jerks
20 : Because she stayed awake
21 : The Fool's move
22 : Back to square one
23 : Don't forget
24 : To-get-her
25 : Yet another star-crossed couple
26 : Nothing
27 : As long as
28 : Struck by Truth
29 : Three words she just cant say
30 : Nothing's well in farewell
31 : The road to you
Epilogue.
Author's Note
The Lost Chapter
BOOK RELEASE AND BOOK SIGNING EVENT ON DAVAO CITY!

7 : The challenge.

973K 36.7K 20.7K
By Serialsleeper

7.

The Challenge.

Agatha

Time check, its 2:18 am and I still can't sleep. God knows how much I hate sleeping but I kinda want to sleep now dahil paulit-ulit kong naalala ang kahihiyang dahil sa napkin at dahil narin sa sakit ng puson ko. Nakakainis ang utak ko, para bang pinagt-tripan ako. Ayoko na sanang maalala kaso bumabalik talaga sa isipan ko. Wala na nga siguro akong kontrol sa utak ko.

Sa tuwing nate-tense ako wala akong ibang gustong gawin kundi kumain but unfortunately ubos na ang laman ng mini-fridge ko. Siguro naman open ang cafeteria sa baba.

Kinuha ko ang kulay pula kong jacket at itinali ito sa bewang ko just incase lamigin ako o di kaya magka-emergency down there. If you know what I mean. Kinuha ko rin ang polaroid camera ko at isinilid ito sa bulsa ko just in case I get bored, lowbat narin kasi ang ipod ko.

 I love taking photos actually. Ang mga taong kagaya ko na walang kasiguraduhan ang buhay ay walang ibang pwedeng panghawakan kundi mga alaala mula sa mga litrato. Yeah my life sucks. Walang kasiguraduhan ang mga bagay na madadatnan ko sa tuwing magigising ako kaya mas mabuti nang may alaala akong babaunin mula sa nakaraan. I'm sentimental.

Dahan-dahan akong lumabas mula sa kwarto ko, naalala ko kasi ang sabi ni Kuya Leo na bawal kaming lumabas after 10pm. Malapit lang sa quarters niya ang elevator, natatakot akong makita niya ako at pagalitan kaya sa hagdanan na lamang ako dumaan.

Nakakailang hakbang pa lamang ako pababa sa mga hagdan nang mahagip ng paningin ko ang isang lalaking nakaupo sa gitnang hagdan. Nakatalikod siya mula sa akin  pero nakilala ko siya dahil sa suot niyang black beanie. Come to think of it hindi ko pa yata siya nakikitang hindi nakasuot ng beanie niya.

Sa totoo lang, biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nahihiya parin talaga ako sa kanya dahil sa nangyari kanina. I'm greatful pero ang awkward parin talaga. Aakyat nalang sana ako pabalik nang marinig ko siyang suminghap na para bang nahihirapan siyang huminga.

Napalingon ako pabalik sa kanya at nagulat ako nang mapagtanto kong may hawak pala siyang isang kulay brown na paper bag at dito siya humihinga.

"Cooper okay ka lang?" Hindi na ako nag-atubili pang humakbang pababa upang lapitan siya.

Kapwa kami gulat sa isa't-isa. Siya, nagulat, siguro kasi hindi niya inaasahang nandito ako at ako naman heto at gulat na gulat nang makitang napakarami na palang dugo sa sahig.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa para sa kanya lalo na nang malapitan kong makitang nahihirapan siyang huminga na para bang nagha-hyperventilate habang may dugong umaagos mula sa ilong niya.

Hirap siyang magsalita kaya naman itinaas lang niya ang kamay niya na para bang pinapaalis ako. Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao kung aalis ko kaya ang ginawa ko, tumabi ako sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang nanginginig at napakalamig niyang kamay.

Mayroon akong kapatid na may Asthma. Hindi kami close dahil nga parati akong tulog pero kahit papaano may ginagawa ako sa tuwing sinusumpong siya.

Gaya ng ginagawa ko sa kapatid ko, hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya sa mga mata. Nakaramdama ko ng matinding lungkot nang wala akong ibang makita sa mukha ni Cooper kundi sakit at hirap. 

"Cooper hingang malalim!" Giit ko na lamang at sinabayan siya sa paghinga ng malalim.

Nakapako lamang ang mga mata namin ni Cooper sa isa't-isa habang magkasabay kami sa paghinga ng malalim. 

I'm no expert sa mga ganitong bagay, siguro nga hanggang moral support lang ako but I guess it worked kasi ilang sandali lang ay unti-unti nang bumalik sa normal ang paghinga niya. 

Bigla niya akong binitawan at tumingin siya ng diretso sa mga hagdang pababa. Kinuyumos niya ang paper bag na hawak at itinapon ito habang pinupunasan ang dugong patuloy paring tumutulo mula sa ilong niya gamit ang kamao.

Kinuha ko ang panyong nasa bulsa ko at inabot ito sa kanya.

Muli niya akong tiningnan pero ngayon nakakunot na ang noo niya.

"Take it...." Muli kong iniabot sa kanya ang panyo. Natakot ako kasi para siyang galit kaya pinilit ko na lamang tumawa ng pilit, "Labhan mo lang pagkatapos? hehe." Biro ko.

Imbes na kunin ang panyo ay tinitigan niya lang ako kaya naman ako na mismo ang umagaw sa kamay niyang puno ng dugo at pinunasan ito gamit ang panyo.

"If you're not feeling well you can always tell Kuya Leo." Giit ko ngunit hindi siya sumagot. Sa halip ay napatingin lang siya sa kawalan.

Parang napaka-awkward na kaya tumayo nalang ako at iniwan sa tuhod niya ang panyo ko para siya nalang ang magpunas sa mukha niya. Para naman akong nurse kung ako pa mismo ang gagawa nun.

"Tara sa cafeteria, Libre ko." Nakangiti kong sambit at bumaba na lamang. Naiilang talaga ako kaya hindi na ako nalang siya nilingon at nagpatuloy ako patungong cafeteria.

- - - - - -

Napatingin ako sa paligid. Napakatahimik at iilan lang ang mga okupadong table. Karamihan sa mga nandito ay mga nagkakape. Ang creepy pero imposible naman sigurong may multo dito.

"Bago ka lang ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita dito." Tanong ni Aleng tindera. Halata sa mukha niyang antok na antok pa siya pero nagagawa parin niyang makipag-chikahan.

"Opo. Sana nga makaalis narin ako dito." Biro ko at tinuro na lamang ang mga bibilhin ko. Boring ang mga foods na binebenta nila kaya wala akong choice kundi bumili nalang ng sandwich at water.

Nagulat ako nang bigla na lamang may naglagay ng mga pagkain sa tray ko. Nang tingnan ko, si Cooper pala. Namumutla parin siya gaya kanina pero mas maayos na yata ang lagay niya ngayon.

"Teka sandwich lang ang kaya ng apetite ko!" Giit ko.

"Para yan sa akin. Libre mo diba?" Pilyo nitong sambit at gaya ng nakagawian andun na naman ang ngiti niya habang kagat ang ibabang labi. Weird guy. Kanina ang seryo-seryoso niya tapos ngayon umaariba na naman ang kabaliwan.

Akala ko tutulungan niya ako sa pagdala ng tray kaso ang loko iniwan ako at umupo na sa table na malapit sa bintana. Wala akong magawa kundi irapan na lamang siya. 

Matapos kong bayaran ang mga foods ay kinuha ko na ang tray na puno ng pagkain. Pupunta na sana ako sa table ni Cooper nang muling magsalita si Ale.

"Ang mga lalaking kayang bilhan ng napkin ang mga girlfriend nila ay hindi na dapat pakawalan pa." Muntikan akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa narinig. Hindi ko alam kung iiyak ba ako sa inis o tatawa dahil sa sobrang weird ng sinabi niya. Anong klaseng kasabihan yon!

"Mabuti nalang talaga at dumating ka. Nakakatuwang makita ang batang yan na masaya." Dagdag pa ni Ale kaya napangiwi na lamang ako. Hindi ko alam anong sasabihin kaya dali-dali nalang akong nagpunta sa table ni Cooper.

- - - - 

Napatingin ako sa wall clock. Its almost 3 am pero isang kagat pa lang nagagawa ko sa sandwich ko samantalang si Cooper kanina pa kain ng kain. Hindi na masyadong awkward kasi nagagawa na ulit namin ni Cooper na magbayangan yun nga lang wala parin talaga akong ganang kumain.

"Maraming mga taong gutom na walang pera para bumili ng pagkain. 'Wag kang mag-inarte." Pasaring ni Cooper kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Eh sa wala akong gana." Giit ko at uminom na lamang ng tubig.

"Ba't ka pa nagpunta dito kung wala ka naman palang gana?" Kunot-noong tanong ni Cooper habang ngumunguya pa ng sandwich. Nakakainis talaga siya, ang baboy kumain. Di ba siya nasabihang 'dont talk while your mouth is full?'

"Akala ko masasarap ang pagkain dito. Malay ko bang hospital foods na naman." Naihalukipkip ko na lamang ang braso ko.

"Masasanay ka rin pero nandiyan naman si Kuya Leo. Sabi niya dadalhan niya daw tayo ng fries next week. Maghintay ka nalang." Giit niya kaya napabuntong-hininga na lamang ako at napasandal sa kinauupuan ko.

May naalala tuloy ako. Noon kasing bata pa ako, sa tuwing gusto namin ng midnight snack ay may pinupuntahan kaming lugar ng pamilya ko para kumain. Malapit lang yata 'yon dito. Mapuntahan nga 'yon.

"Coops samahan mo naman ako please." Pakiusap ko kaya agad siyang tumigil kumain habang nakakunot ang noo.

"Saan?" Tanong niya.

"Basta!" Giit ko.

"Saan nga?" 

"Basta nga!"

"Sa labas ba? Bawal tayong magpunta sa labas. Pagagalitan tayo Agatha, di mo ba alam 'yon?" Kunot-noo niyang sambit kaya tumango-tango na lamang ako.

"Tara habang wala pa ang guard." Sabi pa niya sabay turo sa exit kaya dali-dali kaming nagtatakbo palabas.

- - - - - - -

Pagbaba namin ng taxi ay napangiti ako nang makitang nandito parin pala ang paborito kong kainan.

"'Agatha seryoso ka ba dito?" Tanong ni Cooper habang nakangiwi. Arte.

"Manong Taguro's Mamihan. Open 24 hours. Serving the best bulalo since 1990! Of course I am! I love this place and for sure magugustuhan mo 'to!" Taas-noo kong sambit at agad na siyang hinila papasok upang umorder.

Pinagtitinginan kaming lahat dahil sa suot naming damit pampasyente pero wala akong pakialam. Miss na miss ko na ang bulalo at mami nila dito.

"Sure ka bang safe ang pagkain dito?" Bulong ni Cooper na para bang nagdadalawang-isip. Palibhasa buong buhay niya halos doon niya ginugol sa ospital kaya heto at natatakot sumubok ng bagong bagay.

"Just trust me on this Coops. They serve the best bulalo." Giit ko.

"Bulalo? Sabi nga sa pangalan mamihan to diba?" Kunot-noo niyang tanong.

"Just shut-up." Biro ko at umuorder na lamang. 

- - - - -

Napangiwi ako habang pinagmamasdan siya. Kanina wala siyang ibang ginawa kundi magreklamo at magtanong. Nag-aalala siyang baka madumi ang pagkain dito, kesyo baka masyado daw masebo at bumara sa puso niya. Kalalakeng tao, ang arte pero tingnan mo naman ngayon, halos higupin na niya mismo ang isang bowl ng bulalo at nakaka 4 extra rice na siya. 

Kinuha ko ang camera ko at kinunan siya ng litrato. Nagulat yata siya sa flash kaya agad siyang tumigil kumain.

"Stalker ba kita Agatha?" Kunot noo niyang tanong matapos lumunok.

"Nope. Never. Asa ka pa." Taas noo kong sambit habang ipinapaypay ang litrato nang sa gayon ay tuluyang lumitaw ang imahe nito.

Napangiti ako nang tuluyan kong masilayan ko na ang imahe ni Cooper na takam na takam sa pagkain. Agad itong inabot sa kanya.

"Its always good to keep memories. May picture din ako noong first time akong dinala dito ng parents ko kaso yun nga lang nawala, nilagay ko kasi yun sa wallet ko tapos may lecheng nagnakaw nang mawalan ako ng malay sa gitna ng daan." Kwento ko at nagpatuloy sa pagkuha ng litrato sa paigid.

"It doesnt have to be first." Biglang inagaw ni Cooper ang camera at ako ang kinunan niya ng litrato. Nakakainis! Stolen shot kaya ayun pinagtawanan niya pa ako ng todo.

Nagulat kami nang lumapit sa amin ang isang may-edad ng waitress na may dala pang extra rice para sa amin. 

"Mukhang ang saya iyo ah? Gusto niyo kunan ko kayo ng litrato ng magkasama?" Tanong ni Ale kaya agad kaming nagkatinginan ni Cooper.

"Atleast may remembrance ako kasama ang isang tuod." Pang-aasar ni Cooper at agad na inabot kay Ale ang camera at kinunan niya kami ni Cooper ng lirato.

- - - - -

"Dude you just ate 5 bowls! 5! Hindi ba sumasakit ang tiyan mo?" Hindi ko maiwasang mapangiwi lalong-lalo na't kumakain parin si Cooper ng pang-anim niyang bowl ng bulalo.

"Tss. Wala ka atang bilib sa akin? Sobra pa sa anim ang kaya ko! Kahit 100 kayang-kaya ko!" Taas-noo niyang pagmamayabang kaya napasinghal na lamang ako at tinaasan siya ng kilay.

"Talaga lang ha?" Sarcastic kong sambit.

"Isa ba yang hamon Agatha?" Nakangisi niyang sambit.

"Kaya mo ba?" Tanong ko.

"Oo naman! Sige ganito, ipinapangako ko sa'yo. Bago ako mamamatay makakaubos ako ng Isang-daang order ng bulalo!" Pagmamalaki niya kaya natawa na lamang ako.

- - - - -- - 

K's Note : Pambawi sa matagal na update :)

END OF CHAPTER 7

Thanks for reading!

Vote and Comment <3333

Continue Reading

You'll Also Like

345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
624K 40.8K 162
Hi, bebi! An epistolary.
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...