Taste of Sky (EL Girls Series...

By VentreCanard

56.4M 2.3M 944K

Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love wi... More

A message from the writer
--
Caelum
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Epilogue
Taste of Sky (Self Published)

Chapter 70

455K 20K 5.3K
By VentreCanard


Chapter 70


Sometimes, have you ever tried asking life? Have you ever tried asking for fairness? Or have you ever asked a lot of whys?

Ang daming bakit sa mundong ito at nagsisimula na akong matakot dahil baka bigla na lamang akong mawala sa mundo na hindi man lang nakakatanggap ng kasagutan.

Minsan kung iisipin, nagsisimula ang lahat sa tanong na bakit? At dahil karamihan rito ay walang kasagutan, magtutuloy-tuloy ang isang katanungan na hahantong sa isang malaking problema.

And that's it, unanswered questions will always lead to series of threatening disasters. Not just the disaster of Earth, but a disaster for oneself.

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang trahedya sa buhay at nasa kanilang mga kamay kung gagamitin nila ito para mas ilubog ang sarili sa lupa o ito ang kanilang gagamitin na siyang matibay na apakan para sa susunod na hakbang ng kanilang buhay.

There were a lot of questions. The questions of the beginning, questions about the tough situations, question about the endless problems and question about those people with unreasonable mind.

Isang napaka-laking katanungan na naging salinlahi sa bawat henerasyon.

Is it fun being selfish? May kaligayahan ba sa kaalamang nakatapak ka ng tao? Would you be happy if you let everyone suffer?

Ilang beses ko nang itinatanong, why? Bakit ganito ang tao? I've been thinking about Shiela Wilson's possible reason, was it still about Commander Mitts and Engr. Wrights?

Talaga ba na handa siyang mamatay nang dahil lamang sa maliit na dahilang ito? Kahit anong isip ko, hindi ako makahanap na maaaring katwiran niya para lamang isangla niya ang buong buhay ng mundo.

This is beyond selfish act, this is murder. Damn it, can't people see this? Selfishness can damn lead to murder.

Nababaliw na si Wilson.

My fist tightened as I looked straight at the blue monitor. Kasalukuyang nakatungo si Shiela Wilson na parang hindi naririnig ang umuulang pagmumura ni Commander Mitts sa kanya.

Ilang beses rin akong napamura sa aking utak.

Isa ito sa pinaka-kinaiinisan kong sitwasyon, those cannibals who were playing to be the victims. Sa likuran ng kanilang pagyuko-yuko at hindi pagsasalita sa harap mismo ng problema, ay ang kanilang kademonyohan sa utak.

If I would be given a chance to have an iron fist of justice, uubusin ang mga katulad ni Shiela. And I won't let them multiply in this world. Ang mga katulad ni Shiela ay walang lugar sa mundo, she can die with her hypocrisy.

Kung hindi pinipigilan ni Engr. Wright si Commander Mitts sa oras na ito ay posibleng kanina pang walang malay si Shiela Wilson. I would probably do the same, but unlike Commander Mitts hindi ko hahayaang may makapigil sa akin. In my years of existence, no one got an opportunity to have a successful escape from my fist.

Lahat ay tumatama sa mukha, basag man o hindi.

Huminga ako nang malalim at pilit kong pinakakalma ang sarili ko. This isn't good, hindi ko hayaang maging ganito ang emosyon ko.

I had been having a hard time dealing with my anger management, simula pa lamang ng bata ako ay problema na ito ng aking mga magulang. Even Alys, alam niyang mabilis uminit ang ulo ko at kahit sino ay hindi gugustuhing napuputol ang aking pisi.

It's been years when I last visited my psychologist. Buong akala ko ay kontrolado ko na ang galit ko, I learned to control my anger before I entered UASA, but it was triggered again when I met the fucking Shiela Wilson.

I thought Pedro's existence was enough to control my anger towards this bitch, pero mukhang hindi mapigilan si Shiela at ang katangahan nito.

"Calm down Mitts!" pilit nang inilalayo ni Engr. Wright si Commander Mitts.

Hindi magsalita si Shiela at mukhang gagamit na ng dahas si Commander Mitts.

"Why stopping her engineer? Kill her." Malamig na sabi ko.

Hindi ko pa man naririnig ang balita, alam kong hindi na ito maganda. And I got a hint that Pedro and Commander Sanders already got the idea.

And here, Commander Mitts and Engr. Wrights, appeared to confirm our damn problem.

Nang marinig ni Shiela Wilson ang sinabi kong mas mabuting pinapatay na siya ay saka lamang siya nag-angat ng tingin sa akin. Sinalubong ko siya ng aking nag-aapoy ng mga mata.

"Behati," ramdam kong lumapit sa akin si Peter. He tried to hold my hand, pero iniwas ko ito.

Pedro just told me a while ago that my cousin, Alys gave him an idea about my case. At naaalala ko pa ang mga sinabi niya sa akin kanina.

"If you're angry, I'll always be here to calm you down. I won't grab your fist to stop you, but I'll grab it and held it gently to feel my lips. Ipinapangako kong sa bawat nag-uumapaw mong galit sa hinaharap, nasa tabi mo ako para halikan ka at pakalmahin. Hindi kita gagalitin, baby. Palagi kitang lalambingin."

Ito ang paulit-ulit kong inaalala habang nakatitig ako sa monitor, I should think about Pedro, I should think about calming down.

"I said tell them!" sigaw muli ni Commander Mitts.

Nanatili pa rin tahimik si Shiela Wilson, pansin ko na hindi rin ito makagalaw. Kung hindi ako nagkakamali ay may tali ang kanyang mga kamay.

Ngayon ko lang napagmasdan na wala pala sila sa control room, they're inside a different place.

I don't get the situation right now.

"Why can't you tell us, Commander Mitts? Just let us know, we're not expecting something from her. Please, remove her damn face from the monitor." Muling pagsasalita ko.

Graham Bell and Commander Sanders went in silence. Habang si Pedro ay hinayaan ko nang hawakan ang aking mga kamay.

Hindi ko alam kung tama pa ba na kumuha ako ng impormasyon. Mukhang may nalalaman na si Pedro at Commander Sanders. At wala ang mga itong balak ipaalam sa amin ni Graham Bell.

"Release me," Commander Mitts ordered. Nag-aalingalangan pa si Engr. Wright kung hahayaan niyang makawala si Commander. But I gave him an assurance that Commander Mitts will calm down, basta bigyan lamang ito ng distansya malayo kay Shiela.

"Where are you now?" naunahan ako ni Pedro sa pagtatanong.

Nawala sa camera si Commander Mitts, pero hindi rin nagtagal ay namatay ang video call at ngayon ay mukha na lamang niya ang aming nakikita.

"What happened? How did you take over the controls?" tanong ko.

Bumalik na sa kanyang upuan si Graham Bell at Commander Sanders, kapwa na ang mga ito inabala ang kanilang mga sarili sa pag-pindot sa kanilang mga keyboard.

I checked the whole system, I thought we already had a complete communication recovery but it wasn't working.

"We hacked the UASA control system, it will just last for one hour Behati before everyone discovered that we're the hackers." Abala na ang mga daliri ni Commander Mitts sa pagtipa sa keyboard habang kinakausap kami.

"We already noticed," malamig na sabi ni Peter.

My eyebrows narrowed, anong napansin niya?

"And it's damn too late." Pansin ko na natigilan si Commander Mitts.

"What the—what is really happening Commander Mitts?" pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Nasa likuran na ni Commander si Engr. Wright.

"As what you have seen Behati, we're inside Wright's small quarter. We hacked the UASA data system and communications for a while, we abducted Wilson. Right now, we haven't announced the bomb like information that we just discovered. This will lead a big ruckus inside the whole UASA and it will not cause any greater help for you."

"What did you discover?"

"Shit, I should have done this earlier. My mind is now scattered, I'm sorry." Hinintay namin na may sabihin pa si Commander Mitts, pero wala na itong sinabi.

Sa halip, saglit muling namatay ang monitor hanggang sa may ipakita itong video. It was not clear but we can still recognize the people inside the video.

It was a CCTV footage.

"It was the captured video footage from Wright's recent project, he installed a small camera to monitor the good operation process of the plane." Panimula ni Commander Mitts.

Hindi rin nagtagal ay nakita sa camera si Shiela Wilson at may kasabay ito sa paglalakad. Kung hindi ako nagkakamali ay isa ito sa kanyang mga alipores, kasama rin ito sa Myanmar noon.

"When are you going to tell them?" her assistant asked.

Tumigil sila sa paglalakad at pinili muna nilang mag-usap habang may dalang mga folder at ibang dokumento.

"Maybe few hours before they reached the ideal spot? I will secretly give the information to Armstrong, since he's the Commander he had no choice but to sacrifice and be heroic. At least, he did save the world." Umalingawngaw ang malakas na pagtawa ni Shiela Wilson.

"And I'll proudly receive the every praises and thanks from the whole globe, which I truly deserve. I exerted a lot of effort, I have the intelligence and it's my ability that UASA got a top functional planes inside and outside the planet. It's not the shit woman of hope."

Pakiramdam ko ay lahat ng dugo sa aking katawan ay nagtungo na sa aking ulo. Hindi pa man tuluyang malinaw sa akin, ang marinig na gusto niyang isakripisyo ang lalaking mahal ko para sa kasakiman—tang ina niya.

"What is he going to do?" her damn assistant asked.

"There is no such blaster inside the plane, it's the plane itself. But its self-destruction will cause a great impact that will tear the asteroid in half."

Suminghap ako at nangangatal ang aking mga tuhod. Nanghihina akong humakbang paatras at kusa na lamang tumulo ang aking mga luha habang unti-unti akong lumilingon kay Pedro na hindi makatitig sa akin.

Nanginginig ang mga labi ko kasabay ng kirot sa dibdib ko.

"Peter, this mission is suicide."


--

VentreCanard 

Continue Reading

You'll Also Like

14M 573K 22
Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood ng mga drama sa tv, nakikinig ng music...
182K 7.3K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...
6.8K 187 86
Pagkatapos ng aksidenteng nangyari kay Lena, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanila ni Bryle? Magiging masaya na kaya sila? O lalo lamang gu...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!