Anna Magdalena: The Untold St...

By Amiikaaciin

882 54 9

I wish life had an 'UNDO' button -- RON TORRALBA More

Start
Anna Magdalena: The Untold story 1

Anna Magdalena: The Untold Story 2

201 18 5
By Amiikaaciin

Day 296

Muli ay di na pumasok pa si Anna mula nong sinampal niya ako sa buong klase.

kaya wala akong nagawa kundi ang hintayin siya sa gilid ng kalasada kong saan ko siya huling nakita at isinakay sa kotse.

marami akong gustong sabihin,

marami akong gustong aminin,

na Mahal ko siya. mali, dahil mahal na mahal ko pala siya.

Hindi ko alam kung paano o kung bakit, basta naramdaman ko nalang at masaya ako.

dahil sa unang pagkakataon ay naramdaman ko yun.

agad na bumaba ako ng sasakyan nang makita ko ang aura niya, tumawid ako sa kalsada at nilapitan siya.

"A-anna, can we talk?" kinakabahang tanong ko. at the back of my mind, ipinagdasal ko na sana pumayag siya.

"For what?" aniya. nabuhayan ako ng loob.

"sa lahat" nakita kong kumuha ito ng sigarilyo at akmang sisindihan pero kinuha ko yun at inis na tinapon.

rinig ko ang mahina niyang mura na hindi ko usual na naririnig sa kanya kaya napanganga ako.

"Anong lahat?" aniya, tumingin ito sa kanilang side kalsada. nakita kong nagsisitinginan na rin ang ibang mga tao.

"uhh can we talk in private?" mapakla itong ngumisi.

"bakit? nahihiya ka?" hindi ko alam kung dapat ko bang ikasaya na nakikipag usap na ito o hilingin nalang na muling bumalik ang pagiging tahimik nito.

"h-hindi sa ganon k-kaya lang kasi importante ang sasabihin ko sa'yo" pag amin ko.

sumeryuso ito at tiningnan ako.

"dito mo nalang sabihin" aniya. pumikit ako ng mariin saka nag bilng ng ilang beses sa isipan.

"I think.. I .. I like you" nakapikit na pag amin ko. wala akong narinig pa sa kanya kaya mas nilakasan ko pa ang loob ko."No, I don't like you coz I'm already inlove with you" parang nabunutan ako ng tinik sa nasabi ko.

kagaya kanina ay wala akong narinig kaya sabay kong minulat ang mga mata ko at halos magulat ako nangakota ko siyang naglalakad na palayo.

patakbong sinundan ko siya at mabilis na hinila sa braso.

"Bakit mo ako iniwan don? narinig mo ba ang sinabi ko?" malamlam ako nitong tinitigan."ang sabi ko mahal kita"

napasinghap siya sa sinabi ko. hinawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ko at muling nag lakad.

pero muli ko siyang hinawakan at pinigilan.

"ANO BA? BAKIT HINDI KA MAGSALITA? MAHAL NGA KITA" halos iparinig ko yun sa harap ng maraming tao sa lakas ng sigaw ko.

ilang sigundo muna itong natulala, pagkatapos at malakas akong sinampal.

~PAAAAAAK!!~

"Nababaliw ka na!" aniya, nanlaki ang mga mata ko saka dahan dahang tiningnan ang mukha niya."tigilan mo na'to dahil hindi mo alam ang pinagsasabi mo" aniya at iniwan ako.

sumakay ito sa kotseng pula at wala akong ibang nagawa kundi ang manlumo at mapayuko sa sobrang sakit na naramdaman ko.

Day 299

Recollection day namin ngayon. hindi ko alam kung sasali siya o hindi.

simula kasi nong gabing nag-usap kami ay hindi na kami muling nagkita pa.

sa tatlonng araw inamin ko sa kanya n mahal ko siya at lantaran niyang tinanggihan yun ay wala akong ibang ginawa kundi uminom at gabi gabing inaabangan siya sa madilim na eskinitang yun ng sabayle street.

isa isa kaming sumakay sa bus, buntong hiningang umupo ako sa pinakadulo.

may umupo sa kiliran ko at hindi ko pinansinbyun. naglagay ako ng headset sa dalawang tainga at nakinig nalang ng musiko.

"Magpahinga muna ko, we're going to have an activity later" sabi ni ma'am. may sinabi pa ito pero nag diridiritso lang ako sa kwarto na naka assigned sa akin.

huminga agad ako sa kamay at pumikit, rinig kung bumukas ang pinto.

"Oh ron ikaw pa la ang makakapartner ko sa silid na'to?" hindi ako umimik sa sinabing yun ng kaklse ko hanggang sa nakatulog ako.

nagising nalang ako nang may kumalabit sa gilid ko.

"Hoy Ron gumising ka na at magsisimula na ang activity" tamad na bumangon ako at inayos ang sarili saka lumabas.

sa pinaka gitna ako umupo at muli ay wala akong pinakinggan sa mga taong ngsasalita sa harapan ning lahat ngayon, itinuon ko nalang ang atensyon ko sa malalaking puno sa labas ng kwartong yun.

narinig kung may ilang beses na tumawag sa apelyido ko at ramdam ko ang pagsiko ng katabi ko.

takang tumingin ako sa gumawa non.

"ikaw na" tumango ako't tumayo saka naglakad papunta sa harapan, iginala ko ang paningin sa lahat ng tao na nandon hanggang sa dumako yun sa taong hindi ko inaakalang makikita ko araw na yun.

napangiti ako.

"I am Ron Torralba, 18 years old. nag-iisang anak pero hindi ako totoong anak" lumingon si Anna Magdalina at nagta ang paningin namin, hindi taliwas ang tensyon sa paligid sa isiniwalat kong katotohanan."sa buong buhay ko hindi pa ako nagmamahal hanggang sa dumating yung araw na may tinitibok na pala ang puso ko, masasabi kong mahal na mahal ko ang taong yun at lahat kaya kong gawin mapatunayan ko lang kung gaano ko siya kamahal" sabi ko, hanggang sa natapos ako sa pagsasalita. tahimik parin ang buong klase.

gumaan ang pakiramdam ko, umupo na ako sa upoan. paminsan minsan ay sumusulyap ako kay Anna Magdalina at muli ay nagtama ang paningin namin.

Day 299

Nakangiti ako habang pinagmamasdam ang babaeng mahal na mahal ako.

rinig ko na naman ang bulongan ng mga kaklase ko at ang matatalim na mga tinging ipinuko nila kay Anna Magdalina.

"Alam kung wala akong karapatang tumayo sa harapan niyo ngayon at sumali sa recollection" may sumigaw ng buti alam mo pero sinuway rin yun ng pareng naroon."pero ito lang ang pagkakataong makakapagsalita ako nang walang kahit na anong takot sa dibdib ko" nagsisimula ng gumaragal ang boses niya, at hindi ko alam kung anong dapat kung gawin.

nangibabaw ang katahimikan nang masimula ng tumulo ang mga luha ng taong mahal ko.

"Ako si Anna Magdalena Tatlong hari, 18 years old" pag uummpisa niya."walang ama pero merong ina, sa sobrang hirap ng buhay ibeninta ako ng aking ina sa isang malayong kamag-anak, trese anyos ako non at bagong usbong bilang isang dalagita" nagsimula na siyang humikbi at wala along ibang nagawa kundi ang maupo at patuloy na makinig."A-akala ko gaganda ang b-buhay ko sa bahay na yun d-dahil yun ang pangakong binitawan ng aking ina b-bago niya ako iniwan pero nagkamali ako dahil ang dating inakala kung langit ay n-naging impyerno" humagulhol na siya pagkatapos non.

tumayo ako at akmang lalapit pero pinigilan niya ako, pinunasan nito ang mukha saka matapang na tiningnan kaming lahat.

"Unang gabi ko sa kwarto ng bahay na yun ay naging masaya ako, pano kasi isang malambot na kama ang hihigaan ko" aniya saka pilit na tumawa."p-pero ang akala kung kamang bigay ng a-angel ay b-bigay pala ng isang demonyo at don pala sa kamang yun madudungisan ang buong pagkatao ko" bumibigat ang dibdib sa mga nalaman ko, gusto kung magwala, manuntok at pumatay ng tao aa nararamdaman ko."I .. I was r-raped t-that night" nangilabot ako sa narinig ko.

She was raped?

hindi ko na kinaya ang nalaman ko at napaluhod nalang ako, kuyom ang kamaong napayuko ako at isa isang nag unahan ang mga luha sa mga mata ko.

rinig ko ang klase klaseng reaction ng lahat ng tao na saksi sa inaming yun ni anna.

"p-patuloy at paulit u-ulit na ganon ang g-ginagawa sa akin at h-hindi pa nakuntito d-dahil minsan ay ipinapagamit r-rin ako ng aking tiyo sa i-iba pang mga kaibigan nito"

Hindi ako makahinga.

"H-hindi ko alam k-kung anong g-gagawin ko n-nang m-mga panahong yun, w-wala akong ibang matakbuhan. mag-isa lang ako"

Please tama na Anna, tama na.

"Hanggang sa isang araw ay n-napadaan ako sa kalsada k-katapat ng skul na'to" aniya. iniangat ko ang puno ng luhang mukha at nakita ko siang mariing nakapikit habang nagsasalita." I t-told myself, g-gusto kong m-mag aral dito, gusto kong m-maranasang maging estudyante sa paaralan na'to" pahina ng pahina ang boses niya, pabigat ng pabigat naman ang dibdib ko pati narin ang mga mata ko.

"Pinilit ko ang tiyo na pag-aralin ako, kahit alam kon na imposible ay umasa pa rin ako. nabuhayan naman ako ng loob ng biglang pumayag ang demonyong taong yun" galit na naas niya pero muli ring napaluha."p-pero m-may kapalit, kailangan kung magtrabaho bilang GRO sa bar ng k-kaibigan niya"

hindi ko na yun kinaya, hilam ang luhang tumayo ako at tumalikod, bumalik ang galit ko nang makita ko ang mukha ng lahat na nakayuko at umiiyak.

"m-masakit, m-marumi, nakakababoy p-pero pumayag ako d-dahil yun lang ang naisip kung paraan para makalayo ako sa lugar na yun. a-alam niyo ba kung gaano ako kasaya at ka excited nong unang araw ng pasukan? abot langit ang tuwang naramdaman ko non d-dahil sa wakas ay magsisimula na ang araw na m-makakaalis ako sa pesteng lugar na kinasadlakad ko. at alam niyo r-rin ba na yung nga gamit na meron ako non bagong bili ko lahat ng yun, ilang sapak, suntok, mura, at gahasa muna ang naranasan ko bago ko nabili ang mga g-gamit ko"

"A-anna, p-please tama na" mahina at umiiyak na pakiusap ko habang nakatalikod sa kanya pero hindi ito nakinig at nagtuloy lang sa pagsasalita.

"p-pero b-baki ganon? ang inaakala kong lugar na tutulong s-sa akin ay w-wala palang pinagkaiba sa tiyo ko na umabuso sa akin" rinig ko na ang ilang hagulhol ng mga kaklase ko."kasi wala k-kayong ibang sinabi kundi bobo ako a-at walang kwenta, alam ko naman yun e. hindi ko naman p-pinangarap na gawin niyo akong m-matalino, ang g-gusto ko lang naman ay matulungan niyo ako sa p-problema ko"

humarap ako sa harapan, napasinghap ako nang makita kong nakatulala na si Anna at parang wala sa sariling nagsasalita.

Anna Magdalena..... 

"H-hanggang sa nalaman n-niyo ang trabaho ko, h-hinusgahan niyo agad ako kahit na bunga lang ang alam niyo at hindi a-ang p-puno, m-masakit, sobrang sakit dito oh" parang batang itinuro nito ang kaliwang dibdib, nagulat ako nang bigla itong ngumiti. yung ngiti ng isang inosenteng dalaga."pero sa unang pagkakataon may nag lakas loob na tanungin ako kung bakit at anong dahilan ko"

Ako ba ang ibig sabihin niya?

hahakbang sana ako muli pero muli ring napatigil.

"G-gusto ko siyang sagutin, s-sabihin lahat ng nararamdaman at paghihirap ko p-pero sa huli ay kinain ako ng takot ko na baka... na b-baka pag n-nalaman niya ay layuan rin n-niya ako" muli itong umiyak. umiling ako at mabilis na naglakad papunta sa kanya at niyakap siya.

"h-hindi. hindi" sabi ko. umiyak ito sa akin at nanatili pa sa ganong posisyon pagkatapos at marahan ako nitong itinulak sabay haplos nang mukha ko.

"At sa unang p-pagkakataon naramdaman kong may nagmamahal sa akin lalo na nong sabihin niyang mahal n-niya ako at h-huli na rin na dahil matagal na pala akong nagmamahal ng palihim sa kanya" parang bombang sumabog ang puso kosa nalaman, hindi mapadsidlang tuwa ang nangibabaw. gusto kung sumigaw sa sobrang saya pero agad ring napawi yun nang malakas niya akong itinulak." p-pero hindi pwede" naguluhan ako.

"bakit?" tumayo siya at mabilis na kumaripas ng takbo papasok sa banyo na naroon.

kasabay non ang malakas na alingaw ngaw ng baril ang narinig namin.

~BAAAAANG!!~

binalot ng kaba ang puso ko habang nakatingin sa nakasaradong pinto.

gusto kong igalaw ang mga paa ko pero hindi ko magawa.

nakakabinging tilian ang naririnig ko pero mas nangibabaw ang panlalamig ng katawan at ang pag tigil ng tibok ng puso ko lalo na ng makita ko ang pulang likidong yun mula sa banyo.

"A-anna magdalina, b-bakit?"

Day 299

nakatulalang nakaupo ako sa gilid ng pinto ng banyo kung saan naka handusay ang buong katawan ng taong mahal ko, na may tama ng baril sa ulo at nanlilimahid sa sariling dugo.

"Bakit?" paulit ulit na tanong ko sa sarili.

hanggang sa may isang pulis na lumapit sa akin.

"Ikaw ba si Ron Torralba?" wala sa sariling tumango ako, may inabot itong maliit na sobre sa akin. nakita kong nagsitinginan naman ang ibang mga kaklase ko na hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.

To Ron Torralba.

yan ang nakasulat sa likuran ng papel, pinuno ko muna ng hangin ang dibdib saka nanginginig na ang sulat na yun.

Unang sulat pa lang na nabasa ko ay hindi ko na napigilan ang pamumuo ng mga luha ko.

Dearest Ron,

Alam kung alam mo na ang totoo habang binabasa mo'to.

parang may bumikig sa lalamunan ko at sobrang nanlabo ang paningin ko, nag unahang tumulo ang mga luha ko.

gusto ko lang magpasalamat sa kabutihang ipinaramdam mo sa akin, alam kong ayaw mong makiaalam kaya  nga minsan ay nahuhuli nalang kitang nakamasid sa akin.

hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa nabasa, alam niya pala at nahahalata niya.

Naalala mo ba yung araw na nltinulungan mo akong makalabas sa banyo? sana hindi mo pa nakakalimutan yun.

Silly girl, of course naalala ko yun.

yun ang kauna unahang may tumulong sa akin kaya nga nayakap kita ng wala sa oras, alam kung nagulat ko pero mas nagulat ako dahil gumanti ka ng yakap at aaminin kong sa tanang buhay ko yun ang unang beses na gumaan ang pakiramdam ko.

ako rin, gumaan ang pakiramdam ko sa yakap mong yun Anna Magdalina.

Eh yung yung yayain mo akong makisabay sa'yo papasok?, itinuro mo pa nga yung kotse mo non. alam mo, gusto kong pumayag nong araw na yun, pero sa huli ay nahiya ako sa sobrang gara ng kotse mo kaya umiling nalang ako. sayang noh? kung sana pumayag ako edi sana nakasakay na ako sa magarang kotse sa unang pagkakataon ng buhay ko.

Sana pumayag ka nalang na sumakay non, baka nga ipasyal pa kita kahit san lugar mo gustohin e.

pero ang mas hindi ko makalimutan ay ang pakikinig mo sa akin habang pa sekrito akong kumakanta sa loob ng bodega, akala mo hindi ko alam yun? alam ko kaya, kasi sumilip ako at nakita nga kitang tumatakbo. tsk tsk naughty ron.

napahalkak ako sa parting yun ng sulat.

alam mo bang labis mo akong pinasaya nong araw na pinagtanggol mo ako sa guro natin at sa buong klase. I was there, nasa labas nga lang ako at hindi ko magawang makapasok, nakita ko kung gaano kagalit ang mukha mo and for the first time may nag tanggol sa akin sa lahat ng maraming tao pero sana wag ka na ulit pang nag mura, mas lalo ka kasing nagiging poge e.

ang tuwa't saya sa tuwing nakikita kita at naalala ay may ibang mas malalim na dahilan na pala.

nag uumpisa na palang umusbong ang pag-ibig na kahit sa panaginip ay di ko inaasahang mararamdaman ko.

at sa mismong araw na naamin kong mahal na nga kita ay may nalaman ako.

ilang araw pagkatapos non ay inamin mo ngang mahal mo ako, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil may kapares pala ang nararamdaman ko o magalit at itanong 'bakit ngayon pa?'

pero sa huli ay nangibabaw ang salitang hindi pwede.

kumunot ang noo ko at nagsimula nang bumilis ang tibok ng puso ko.

May ikekwento ako. promised me na babasahin mo hanggang sa dulo?

"promise" anas ko.

Ipinanganak ako nong July 28, 1996. hindi maganda ang buhay habang lumalaki ako. ramdam ko ang paghihirap sa bawat araw na dumaraan sa isang musmos na kagaya ko.

umalis ina nong araw na yun kaya wala akong ibang nagawa kundi ang dalhin ang limang kapatid ko at maghanap ng pagkain.

pero mukhang atang masaklap ang buhay para sa aming mahihirap dahil kahit ni isa ay walang mag bigay ng limos, mas lalo akong naguluhan ng makita ko si Mikko na nagsusuka ng dugo.

hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na yun, kahit ni isa ay walang tumulong, idagdag mo pa ang mga nagugutom na bunganga ng mga nakakabatang kapatid ko.

kaya wala akong ibang nagawa kundi ang iwanan si Mikko sa harapan ng malaking bahay na yun habang sumusuka ng dugo.

muli ay nanubig ang mga mata ko, mas lalong nanginig ang mga kamay ko pati na pagkatao ko.

si mikko ay ang kakambal ko Ron.

paulit ulit na pinagdarasal kong sana ipagamot ng mga tao sa loob ng malaki at marangyang bahay na yun ang kakambal ko.

pero mukhang dininig ata ng panginoon ang dasal at tahimik na hiling ko.

hanggang sa nagmahal ako sa unang pagkakataon at ikaw nga ang nagparamdam sa akin non Ron.

halos hindi ko na kinaya ang huling salitang nakasulat sa papel na yun.

huli na ng malaman kong, minamahal ko na pala ang sarili kapatid na kakambal ko pa.

ikaw ang batang iniwan ko sa araw na yun Ron at ikaw ang batang sinasabi ko sa kwento.

this time, hindi na kinaya ng katawan ko at wala sa sariling napahagulhol nalang ako.

"minahal ko ang sarili kong kapatid?" di makapaniwalang tanong ko sa sarili.

mahal na mahal kita ron pero hindi pwede dahil magkapatid tayo.

"minahal ko ang kakambal ko?"

I'm sorry kung wala ako sa tabi mo para damayan ka, ito lang kasi ang nakikita kong paraan para matigil na ang pag hihirap ko.

"minahal ko ang sariling ate ko?"

I love you ron, I love you.

>>> FIN <<<

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 44.9K 101
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
326M 6.8M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
383K 17.6K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...