The Prude Damsel (published/u...

JuliaFrancineSicat tarafından

78.2K 1.5K 20

Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil... Daha Fazla

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE

CHAPTER TEN

9.6K 263 14
JuliaFrancineSicat tarafından

NATIGILAN si Freya nang mapagtanto ang kanyang ginawa. She just made a scene on someone's wedding! Nang makita niya kasi si Ziggy na kaagapay ng bride hindi na siya nakapag-isip pa. Awtomatikong bumuka ang bibig niya para magsalita.

Ramdam niya ang titig ng mga tao sa loob ng simbahan na tila nagtataka kung sino siya. Dinig niya ang mga bulung-bulungan ng mga ito. Napangiwi siya sa kahihiyan, wala na siyang magagawa para mabawi ang nasabi niya na.

Ibinaba niya ang kanyang mga kamay na itinakip sa kanyang bibig. "Sorry," mahinang paumanhin niya. Dumako ang tingin niya sa may altar. Parang may bumara sa kanyang lalamunan nang makita niyang papalapit si Ziggy.

Pakiramdam niya ay nanikip din ang dibdib niya nang makitang nakakunot-noo ito na parang naiinis na nakita siya nito doon. Nalaglag ang mga balikat niya nang makitang mukhang wala ng pag-asa na gusto pa siya nitong makita. Unti-unting uminit ang sulok ng mga mata niya. Kaunting-kaunti na lang at pipiyok na siya.

May naramdaman siyang kamay sa kanyang balikat. Paglingon niya, ang seryosong mukha ng kanyang kapatid ang kanyang nabungaran. Nang dumating kasi sila sa simbahan agad siyang sumugod doon na hindi na hinintay pa ang mga ito. Pero siguro nga dapat hindi na lang siya nagpatangay sa bugso ng damdamin, ngayon tuloy lagpak ang puso niya sa kailaliman.

Muli niyang sinulyapan si Ziggy ngunit laking pagsisisi niya nang ginawa niya iyon dahil nakatalikod na ito at naglalakad pabalik sa altar. Hindi na niya napigilang mapaluha. Ayaw na niyang dumagdag sa eskandalong nilikha niya kanina.

Mabilis siyang tumakbo palabas ng simbahan at nang may mamataang taxi sa kalsada, pinara niya iyon at sumakay. Pag-usad ng sasakyan, doon na humulagpos ang lahat ng nararamdaman niyang hinanakit, pagsisisi, at pagkaawa. Hindi niya napigilan ang paghagulhol. Inabutan siya ng driver ng isang box ng tisyu bago muling itinuon ang pansin sa daan. Nakapikit ang mga matang sumandal siya sa upuan. Gusto niya na lang iiyak ang lahat hanggang sa matuyo na ang lahat ng luha niya at isang labasan na lang lahat.

Nang marating ang bahay nila sa Quezon, agad siyang nagkulong siya sa kuwarto. Pabagsak siyang humiga sa kama. Pakiramdam niya ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa. More or less patay na siya. Patay na ang puso niya. Kung dati ay bumalik siya ng Pilipinas na punung-puno ng pag-asa ngayon ay pumutok na parang bula ang pag-asang iyon. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang magmukmok, magluksa, at mapag-isa.

Kahit na bumukas ang pinto ay hindi siya lumingon. Nanatiling siyang nakasubsob sa higaan. Naramdaman niyang may umupo sa higaan ngunit hindi pa rin siya kumibo.

"Balak mo bang magmukmok for the rest of your life?" narinig niyang tanong ng kapatid.

Napaungol siya. Bakit ba hindi nagkaroon ng telepathy ang kapatid niya at hindi nito malaman na gusto niyang mapag-isa?

Ilang sandaling natahimik ito nang muli itong magsalita. "I'm sorry kung s-in-uggest ko kay Dad na pabalikin ka dito. I guess I was a bit at fault kung bakit ka nagkaganyan..."

Bumuntong-hininga siya. Bumangon siya sa kama at hinarap ito. "It's not your fault... Siguro nga kasalanan ko kasi hindi ko siya kinausap nang mas maaga. I had my chance three years ago but all I did was run away... Siguro ito na ang parusa sa pagtalikod ko sa kanya noon..."

Nagpakawala ito ng hangin. "I'm sorry..." Mahigpit siya nitong yinakap. Hindi niya napigilang muling mapaiyak. Hinagod na lamang nito ang likod niya at hinayaan siya sa pag-iyak.

HINDI alam ni Freya kung sasagutin ang tawag ni Aika o hindi. Kanina pa tumutunog ang cell phone niya ngunit nagdadalawang-isip siya kung sasagutin niya iyon o hindi. Alam niyang tatanungin lang naman nito kung ano na ang kalagayan niya. Wala pa rin siya sa mood na kausapin o magpaliwanag sa kahit na sino kaya hindi niya sinasagot ang tawag nito.

Ngunit nang muling tumunog ang kanyang cell phone ay hindi na niya napigilang sagutin iyon para tumigil na ito sa pangungulit.

"Wala ako sa mood na sumagot sa mga tanong mo, Ai," agad niyang bungad dito.

Pero imbes na si Aika ang narinig niya, mga taong nagsasagutan ang narinig niya sa kabilang linya.

"Tumigil ka na, Ziggy, ano pa ba magagawa mo? Nasaktan na si Freya at umuwi na siya ng Canada kasama ng kapatid niya kaya huwag ka nang makulit." Narinig niyang sabi ng sa hula niya ay si Jaeda.

Natigilan siya nang marinig ang pangalan ng lalaki. Ano naman ang ginagawa ni Ziggy kasama ni Jaeda? At bakit parang nag-aaway ang mga ito?

"Pero kailangan kong magpaliwanag. Please naman... Sabihin niyo na sa 'kin kung saan ko siya puwedeng puntahan," pagmamakaawa ni Ziggy.

"At para ano? Sasaktan mo na naman siya? No way in hell, Zigmundo," boses ni Aika na mas malakas kumpara sa dalawa.

Ilang segundong katahimikan ang dumaan. Pigil-pigil niya ang kanyang hininga bago may muling nagsalita. "Hindi lang naman siya ang nasaktan..."

Natapos ang tawag sa sinabi ni Ziggy. Sinubukan niyang tawagan si Aika pero cannot be reached na ito. Ganoon din ang cell phone ni Jaeda.

Nagmamadaling lumabas siya ng bahay at nagtungo sa garahe. Isang lugar lang ang naisipan niyang puwedeng puntahan. Ang restaurant. Sana nga lang ay maabutan niya pa ang inaasahang maaabutan doon.

KANINA pa nagpipigil si Ziggy na sakalin sina Aika at Jaeda. Kahit anong pilit at makaawa niya kasi ay ayaw magsalita ng mga ito. Isang araw mula noong kasal ng kapatid niya ay bahagya niyang nalaman ang tungkol sa kapatid ni Freya.

Nang nakita niya ang dalaga sa bukana ng simbahan ay laking tuwa niya ngunit nang makita niya ang lalaking kausap nito sa restaurant at hospital ay ganoon na lang ang pagbangon ng selos at sakit sa dibdib niya. Ikakasal na ang mga ito o baka nga ikinasal na kaya bakit pa ba siya umaasang pupuntahan ni Freya? Kaya buong lakas niya itong tinalikuran at kinalma ang mga bisita para matuloy na ang kasal ng kapatid.

Nang matapos ang kasal laking gulat niya nang makitang naghihintay sa may labas ng simbahan si Tristan. Papalapit ito sa kanya. Walang anu-ano ay bigla na lang siya nitong sinuntok. Napaupo siya sa sahig sa lakas ng suntok nito.

"That's for hurting my sister, you jerk!" Tumalikod na ito at naglakad papalayo. Naiwan siyang tulala. Hanggang sa reception ng kasal ay ganoon pa rin ang isip niya upang maklaruhan sa sinabi nito. Sa pagkakaalam kasi niya ay matagal nang patay ang kapatid ni Freya kaya paano nito naging kapatid si Freya?

Nabuhayan siya ng loob sa sinabi nito kaya agad siyang dumiretso sa Lé Magnifique sa pag-aakalang matatagpuan niya roon si Freya ngunit nabigo siyang makita ito roon.

Dalawang araw na niyang kinukulit ang mga kaibigan ni Freya ngunit ayaw mag-cooperate ng mga ito. Lagi siyang tinataboy at tinatalikuran ng mga ito. Suko na siya sa mga ito kaya kailangan na niyang humanap ng ibang paraan para magkausap sila ni Freya. Isang tao lang ang pumasok sa isip niya.

Dinampot niya ang kanyang cell phone at may idinial na numero.

"Rieley, I need your mad skills, pare."

"Anong skills? Sa babae o adventure trip? Sure pare, marami akong spare para sa 'yo," pagyayabang nito.

Napailing siya. "Neither, pare. I'll be needing your detective skills though."

"Let me guess... Ipapahanap mo sa 'kin si Freya?"

Napangiti siya. Kahit kailan talaga ay matalas ito. "Will you help me?"

"I'm sure as hell na mangyayari 'to... So I was way ahead of you. I'll meet you at LM."

"Sige, pare. Thank-" Pero bago pa niya natapos ang sasabihin ay nabitawan na niya ang cell phone nang may makitang sasakyang mabilis na papalapit sa sasakyan niya. Gegewang-gewang ang takbo nito.

Mabilis niyang ikinabig ang manibela palayo rito kaya hindi niya nakita ang poste sa harap. Unti-unting dumilim ang lahat hanggang sa nasakop na ng kadilim ang lahat.

MABILIS ang mga hakbang ni Freya sa pasilyo ng Makati Med. Nang pumunta siya ng Lé Magnifique ay hindi na niya naabutan doon si Ziggy ngunit sina Aika, Jaeda, at Rieley ang naroon at nagtatalo. Nang makatanggap ng tawag si Rieley ay ganoon na ang kaba niya noong may nagsabing naaksidente si Ziggy.

Agad siyang pumunta sa nasabing hospital. Halos liparin na niya ang daan papunta roon. Dumiretso siya sa information at tinanong kung saan niya matatagpuan ang hinahanap. Itinuro siya ng nurse sa emergency room kaya mabilis siya roong nagtungo.

May mga nurse at doktor na nagkukumpulan sa isang area ng emergency room. Kinakabahang lumapit siya roon pero tumigil ang tibok ng puso niya ng nakita niyang itinutulak ng mga orderly ang stretcher na may nakatakip na puting bedsheet sa pasyente.

Nanginginig ang mga tuhod na lumapit siya sa stretcher. Ramdam na ramdam niya ang pangangatog ng kanyang mga ngipin.

"Bakit... bakit hindi mo man lang hinintay na makapagpaliwanag ako sa 'yo..." naiiyak na bulong niya rito.

Umatras ang mga nurse at doktor at hinayaan siyang mapag-isa. Nanlulumong napayuko siya sa dibdib nito. "Marami pa akong ipapaliwanag sa 'yo... Hindi ko pa uli nasasabing mahal kita... At kahit na nag-asawa ka na hindi pa rin basta-basta mabubura ang pagmamahal ko sa 'yo. Baka tumandang-dalaga na nga ako... Kasalanan mo 'tong lahat, Zigmundo!"

"Freya?"

"At ngayon naman nai-imagine kong tinatawag mo ako..." Mahinang siyang tumawa. "Minumulto mo na ba ako, Zigmundo?"

"Paano naman kita mumultuhin kung buhay pa ako?"

Marahas siyang napaangat ng ulo. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatayo sa harap niya si Ziggy. May mga galos ito at mukhang iyon lang ang natamo nito.

Muli siyang napayuko sa stretcher. Mabilis siyang lumayo roon nang mapagtantong hindi niya kilala kung sino ang yinayakap at kinakausap niya kanina. Nang tumingin uli siya kay Ziggy ay halatang pinipigilan lang nito ang pagtawa.

"S-so hindi ka patay?"

"Hindi naman ako mukhang transparent... so malamang buhay pa ako," pamimilosopo nito.

Naiinis na nilapitan niya ito at pinaghahampas sa dibdib. "Buwisit ka! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa 'yo! Halos mamatay ako sa pag-alala nang malamang kong naaksidente ka. Kahit kailan buwisit ka talaga! Buwisit!" iyak niya rito habang patuloy sa paghampas sa dibdib nito.

Mahigpit siya nitong niyakap. "I'm sorry... I didn't mean to..."

Sandali siyang nagpakalunod sa yakap nito bago kumalas. Tumikhim siya. "'Asan na ang asawa mo? Hindi ba dapat siya ang nagbabantay sa 'yo?" Humalukipkip siya upang pigilan ang kanyang sarili na muling tumalon sa mga bisig nito at magpayakap na lang.

Kumunot ang noo nito. "Asawa? Kailan pa tayo ikinasal?"

Tumaas ang isang kilay niya. Nagpapatawa ba ito? Eh, kung hambalusin kaya niya ito ng ECG machine at nang magtino ito. "Hindi ka nakakatawa, Zigmundo, kaya tigil-tigilan mo ako," irap niya rito.

Lalong kumunot ang noo nito. Pero makalipas ang ilang sandali ay tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. "The wedding... You thought I was the one who got married. Kaya ka ba..." Pumitik ito sa ere na animo naka-solve ng isang puzzle. Tumikhim ito at muling lumapit sa kanya. Madiin nitong ipinatong ang mga kamay sa kanyang mga balikat na tila nangangamba itong muli siyang lumayo. "It was actually my brother who got married, not me. At kung ikakasal na rin lang naman ako, doon na 'ko sa babaeng handang mag-eskandalo sa loob ng simbahan sa pag-aakalang ikakasal na ako o kaya naman sa babaeng iiyak nang todo-todo sa pag-aakalang patay na ako..." himig-panunukso nito.

Ramdam niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Sinasabi ba nitong siya ang gusto nitong pakasalan? "Pero... pero tinalikuran mo ako noon..." sumbat niya.

Napakamot ito ng ulo. "About that... Uhm... Medyo nagselos kasi ako..."

"Ha?" naguguluhang tanong niya.

Humugot ito ng malalim na hininga. "Nagselos kasi ako sa kapatid mo while not knowing na kapatid mo siya. Hanggang ngayon medyo naguguluhan pa rin ako kung paano ka nagkaroon ng kapatid dahil sa pagkakaalam ko ay patay na siya pero 'yon ang sabi niya at nina Jaeda kaya nagbabakasakali akong totoo ang sinabi niya kaya gusto sana kitang kausapin kaya lang ayaw naman mag-cooperate nina Aika at Jaeda kaya nagpatulong na ako kay Rieley," mabilis at mahabang paliwanag nito.

Napabuntong-hininga siya. Pakiramdam niya ay may nahugot na isang malaking tinik sa dibdib niya nang marinig niyang hindi ito ang ikinasal. Inabot niya ang kamay nito at mahigpit na hinawakan iyon. "I guess kasalanan ko rin kasi hindi ko agad ipinaliwanag sa 'yo ang lahat. Balak ko naman kasing sabihin sa 'yo no'ng monthsary natin kaya lang... kaya lang nagalit ka sa akin nang hindi ko alam ang dahilan... you just... left..." Nakagat niya ang ibabang labi nang maalala ang tagpong iyon sa ospital.

Sa kanyang pagtataka ay sumeryoso ang anyo nito. "Sino ba naman ang hindi magagalit kung nalaman mong ikakasal na sa iba ang girlfriend mo?" Nakangusong humalukipkip ito. "Nasa labas lang ako ng kuwarto at rinig na rinig ko no'ng sabihin niyang ipapakilala ka niya sa ama niya at ikaw naman parang excited pa," sumbat nito.

Napamaang siya rito. Narinig pala nito ang pinag-usapan nilang magkapatid pero nabigyan nga lang nito ng ibang kahulugan ang pag-uusap nilang iyon. Natapik niya ang kanyang noo at hindi niya napigilan ang tumawa. It took three years para lang maging klaro ang lahat sa pagitan nila. Tatlong taon din ang sinayang nila.

"What's so funny?" nakakunot-noong tanong nito.

"You," natatawa pa ring sagot niya. "Bigla-bigla ka na lang kasing nagwo-walkout nang hindi inaalam ang mga bagay-bagay, ayan tuloy, inabot pa tayo ng tatlong taon."

"Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong nito.

"Honey..." Natawa siya nang makitang nanlaki ang mga mata nito sa endearment na ginamit niya. "Huwag kang OA, Zigmundo. Anyway, ang narinig mo no'ng araw na iyon ay tungkol sa pagkikita namin ng tunay kong ama." Nang makita niyang kumunot ang noo nito, napabuntong-hininga siya. "Ganito kasi 'yon..." Inakay niya ito palabas ng hospital. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nagpaliwanag dito ngunit nang matapos siya ay tumatangu-tango na ito.

"So you're saying, kinidnap ka noong baby ka pa lang tapos recently mo lang nalaman ang tungkol sa tunay mong pamilya?" pagkaklaro nito.

Tumango siya.

"So kapatid mo lang talaga si Tristan?"

Muli siyang tumango.

"Hanep! Parang teleserye pala ang buhay mo, hon. Magsulat kaya tayo sa Maalala?"

Siniko niya ito. "Sumeryoso ka nga."

"Joke lang naman..." Tumikhim ito. "Pero... okay na ba tayo?"

Napalunok siya. "Wala ka ba talagang asawa?"

"Sa totoo lang... Ikakasal na ako kaya lang hindi ko pa natatanong 'yong mapapangasawa ko kung payag siyang ipakasal sa 'kin."

Tumaas ang isang kilay niya. "Ah ganoon? Eh di, good luck na lang sa inyo." Mabilis siyang tumayo at nag-walkout.

Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay nahawakan na nito ang kamay niya. "Kahit na ubod siya ng suplada at mukha siyang manang manamit ay siya pa rin ang pipiliin ko..." Patuloy pa rin siya sa tangkang pagkawala sa hawak nito kahit na pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso niya. "Kahit na may pagkasadista siya at mahilig magtatatalak siya at siya pa rin ang pipiliin ko."

Tumigil siya sa pagpupumiglas at nameywang. "Nagrereklamo ka? Eh di, maghanap ka ng ibang-" Pero bago pa niya matapos ang sasabihin ay siniil na siya nito sa isang makapugto-hiningang halik.

Pareho silang habol ang hininga nang maghiwalay sila. "It's funny how big of an impact you have one me. Alam mo ba kung bakit parati kitang kinukulit noon? Sa tuwing makikita kitang nakakunot ang noo mo solve na ako kasi alam kong ako ang nasa isip mo tuwing mangyayari iyon," amin nito.

"Pasalamat ka at mabait pa rin ako at buhay ka pa ngayon."

He chuckled. "Tama. Buti at buhay pa ako para gawin to sa 'yo..." Laking gulat niya nang bigla na lang may tumambad sa harap niya na isang kahita. Inabot nito iyon sa kanya. Nanginginig ang mga kamay na binuksan niya iyon. Ngunit biglang pumutok na parang bula ang antisipasyon niya nang makitang isang pares ng emerald earrings ang nasa kahita.

Hindi naman sa hindi niya gusto iyon. Nadismaya lang siya dahil hindi iyon ang inaasahan niyang makita sa kahita. Napabuntong-hininga siya. Akala niya kasi dahil nagtapat na ito sa kanya, isang singsing at hindi hikaw ang makikita niya roon. Oh well, 'wag ka na lang atat, Freya.

"Peace offering ko sa 'yo."

Bumuntong-hininga siya. Nanggigigil na tinapik-tapik niya ang ulo nito na parang bata. "Alam mo, hindi ka na dapat nag-abala. Mukhang mahal 'to, Ziggy..."

Hinawakan nito ang kamay niyang patuloy na tumatapik sa ulo nito. Nanatili silang nakaupo sa bench ng isang parke, magkahawak-kamay at nakatingin sa mga batang naglalaro sa playground. Hindi niya alam kung gaano na sila katagal na nakaupo roon nang maramdaman niyang may isinuksok ito sa daliri niya.

Marahas siyang napalingon dito ngunit patuloy lang ito sa pagtingin sa mga batang naglalaro sa parke. Inangat niya ang kanyang kaliwang kamay at ganoon na lang ang pagtulo ng mga luha niya nang makita ang isang singsing na nakasuot sa palasingsingan niya.

Iyon na ang pinakamagandang singsing na nakita niya sa buong buhay niya. Isang silver ring na may emerald stone na napapalibutan ng maliliit na diyamante ang disenyo niyon. Hindi na niya napigilan ang mapahagulhol. Natatarantang inalo siya ni Ziggy ngunit hindi maawat ang mga luha niya dahil sa sobrang kaligayahan.

"B-bakit ka umiiyak? T-teka lang... ayaw mo ba? Hindi mo ba gusto ang design? Itatapon ko na lang," natatarantang tanong nito na lumuhod na sa harap niya.

Ilang beses siya umiling. "Gusto ko... gustung-gusto ko..." Humarap siya rito at mahigpit na yumakap sa leeg nito. Pero nang maalalang hindi pa ito nagpo-propose nang maayos ay bumitiw siya rito. "Sandali, ayusin mo muna ang proposal mo..."

Napailing ito. "Since nakaluhod na rin lang naman ako..." Inabot nito ang isang kamay niya at matamang tumingin sa mga mata niya. "Fresca Yanika Belandres turned Sandoval, payag ka bang muling palitan ang apelyido mo at gawing Gatchalian para match tayo?" nakangising tanong nito, gumagalaw-galaw pa ang mga kilay.

Natatawang tumango siya. Tumayo ito mula sa pagkakaluhod at muli siyang ikinulong sa yakap at halik nito. Oh how sweet that moment was. Babawiin nila ang tatlong taon nasayang sa pamamagitan ng panghabang-buhay nilang pagsasama.

"Hon, since nasayang na natin ang tatlong taon... I-rush na kaya natin ang kasal para honeymoon na agad..."

Pinong kinurot niya ito sa tagiliran na nagpaigtad dito. "Tumigil ka sa kamanyakan mo."

Napangiwi ito. "Sabi ko nga... Sa kiss na lang muna ako." Pero bago pa siya nito mahalikan ay napansin niya ang isang batang nakamasid sa kanila. Tila lahat ng bata doon ay tumigil sa paglalaro at tumingin na lang sa munting eksena nilang dalawa.

"Prince, kiss the princess na..." ungot ng isang uhuging bata.

Tumawa si Ziggy. "Sorry kids, censored na ang next scene," ani ni Ziggy sa mga bata.

Nagkatawanan silang dalawa. Deep down in her heart she was glad that she got convinced to push through things dahil ngayon ay masayang-masaya siya sa piling nito.

WAKAS

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

49.9K 931 12
PHR #6227 Fil-Am Marie Hautesserres was instantly attracted to Noah. Nakilala niya ang lalaki sa isang family gathering nang umuwi siya sa Pilipinas...
215K 4K 31
This is not my story. I just want to share what I have read to all my co-readers. All credits to the author.
197K 3.5K 26
Unedited version. Romcom. Dawn and Thor. Babaeng na-stress na ng bongga sa buhay Vs lalaking GGSS equals warla! May forever kaya?
60.8K 1.2K 10
"I've always thought that someday you're going to be mine." Erika was a frustrated romance writer. Lahat ng manuscripts niya ay pawang mga reject...