The Prude Damsel (published/u...

By JuliaFrancineSicat

79.1K 1.5K 20

Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER EIGHT

5.6K 107 1
By JuliaFrancineSicat

"BLOOMING ka ngayon, ah? Don't tell me may date na naman kayo ni Ziggy?" nanunuksong tanong ni Aika kay Freya.

Malapad ang naging ngiti niya. "Maybe?" Inilapag niya sa counter ang order ng isang customer at tinawag ang isang waiter. Kanina pa siyang nasa good mood dahil first monthsary nila ni Ziggy. Kanina pa sila nagte-text at mayamaya ay susunduin siya nito dahil may pupuntahan daw sila. Kahit na isang buwan na ang relasyon nila ni Ziggy ay may mga ilang bagay pa rin siyang hindi nasasabi rito tulad na lang ng tungkol sa tunay niyang pamilya. Bukod sa hindi pa sila nagkikita ng kapatid niya ay hindi rin siya makahanap ng tamang oras para masabi rito ang tungkol doon.

Mamaya. Hahanap ako ng tiyempo mamaya.

Pumalatak si Aika. "Grabe talaga ang love virus, nakakapagpabago ng katauhan ng isang tao."

"Ang lalim n'on, ah," natatawang komento niya. Nanahimik ito na ipinagtaka niya. "Ano'ng problema mo?"

"Wala naman. Nakakapanibago lang talaga na makita kang... ganyan," nakangising puna nito.

Ngumisi rin siya. "You're right. Well, ganyan lang talaga siguro ang magagawa ng pag-ibig." Pareho silang natawa. "Kaya ikaw, humanap ka na rin ng taong mamahalin mo."

Umiling ito. "Ayoko. Hanggang crush lang ako." Bumaling ito sa entrance ng restaurant. "O, mukhang nandiyan na ang sundo mo."

Agad na napaharap siya sa entrada ng restaurant. Napangiti siya nang makita si Ziggy na pumasok. Kumaway ito nang makita siya.

Humarap siya kay Aika. "O, pa'no ba 'yan? Mauna na 'ko sa inyo. 'Bye!"

Sinalubong siya ni Ziggy na agad ginagap ang kamay niya. "I miss you," masuyong bati nito.

Ngumiti siya. "So saan tayo?" Pinagbukasan siya nito ng pinto ng sasakyan.

"Sinabi ko na ba sa 'yo na mahal kita?"

Tumawa siya. "Lima sa text, tatlo sa tawag at isa ngayon," nakangising bilang niya. "And I love you too for the ninth time today. Pero saan ba tayo pupunta?"

Sandali siya nitong sinulyapan mula sa manibela. "Secret. Umupo ka na lang diyan at mag-relax."

Ilang minuto silang nasa daan nang bigla itong lumiko sa isang pribadong subdivision. Tumigil ito sa harap ng isang modern-style house. May pinindot itong isang remote control na nagbukas ng gate. Napatanga siya nang makita kung gaano kalaki at kaganda ang lugar. Mukhang mamahalin ang bahay dahil medyo hi-tech ang dating noon. Maraming automatic at de-remote control.

"Bahay mo?"

"Hindi. Sa kapitbahay namin 'to. Ninakaw ko lang ang remote."

"What?!" nanlalaki ang mga matang tanong niya rito.

Malakas itong tumawa. "Joke lang po. Sa 'kin 'to." Inilibot nito ang tingin sa paligid. "Ang ganda, 'no? Magaling kasi ang gumawa," pagyayabang nito.

"Ang sabihin mo, magastos. Eh, sobrang modern at mahal 'ata ng technology na ginamit mo para lang sa gate ng bahay mo. At gate pa lang 'yan, ha. Hindi naman bangko ang bahay mo."

"Mura lang naman ang kuha ko diyan kasi suki ni Caleb ang nagbebenta ng mga 'yan. Kung nakita mo siguro ang bahay ni Caleb hindi mo ako pagagalitan nang ganito," depensa nito.

Umiling siya. "May bangko naman kasi talaga sila Caleb, 'no. Eh, ikaw?"

"Magpapatayo ng bangko."

"Pilosopo."

He chuckled. "Mahal mo naman. Tara na sa loob para ma-tour kita."

KATATAPOS lang nila Freya maghapunan at nanonood sila ng DVD sa may den. Nakaunan sa kanyang mga hita si Ziggy habang nakapatong ang bowl ng popcorn sa tiyan nito. Nakakatawa mang isipin pero isang Tagalog romantic comedy ang kasalukuyan nilang pinapanood at iyon ay dahil sa suhestiyon ng nobyo.

First monthsary nila at matapos siya nitong i-tour sa sariling bahay nito ay naghanda ito ng hapunan na ito mismo ang nagluto. Nagulat siya dahil hindi niya ini-expect na marunong pala itong magluto. Well, kahit na medyo sumablay nang kaunti ang luto nito dahil kulang sa timpla, medyo sunog o hilaw ay okay lang dahil todo effort naman ito.

Matapos kumain ay nagpumilit itong manood daw sila ng mga paborito nitong pelikula. Nagulat na lang siya nang malamang Tagalog romance movie pala ang papanoorin nila. Madugong pilitan pa ang nangyari bago siya napilit nito na manood ng One More Chance. Wala kasi siyang kahilig-hilig manood ng mga ganoong klase ng pelikula pero dahil kinonsensiya siya nito wala na siyang magawa.

Marami siyang natutuklasan sa tuwing nakakasama niya ito. Tulad na lang ngayon. Tutok na tutok ang mga mata sa pinapanood, bahagyang nakakunot pa ang noo nito na tila naka-concentrate talaga sa pinapanood.

"Ziggy?"

"Hmm?" tanong nito na hindi inaalis ang mga mata sa pinapanood.

"Sigurado ka bang hindi ka bakla?"

Mabilis itong napabangon kaya natapon ang popcorn sa sofa at sahig. "Sinong bakla?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Sa guwapo kong ito mapapagkamalan mo akong bakla?"

"Eh, marami namang guwapo na bakla, ah... So, hindi ka exemption sa mga iyon," panunukso niya pa rito.

"Ah gano'n?" Dahan-dahan itong lumapit sa kanya na parang si Sadako na lumabas ng tv. May kakaibang kislap sa mga mata nito na ikinakaba niya.

Napaatras siya sa kanyang kinauupuan. "Teka, b-binibiro lang naman kita..."

Hindi ito umimik. Sige lang ito sa paglapit sa kanya hanggang sa wala na siyang maatrasan. Nilingon niya ang sa bandang likuran niya. She's definitely trapped. Pagharap niyang muli rito ay nanlaki ang mga mata niya nang makitang gahibla na lang ang distansiya nito sa kanya.

"Z-Ziggy, nasisikipan na ako... U-usog ka naman do'n, o." Kinakabahang umurong pa siya sa sofa which was a big mistake dahil sa mga sumunod na sandali ay nakahiga na siya sa sahig at may mabigat na nakadagan sa kanya.

Pinagkapusan siya ng hininga nang makitang nakadagan si Ziggy sa kanya. Ang isang kamay nito ay nasa likod ng ulo niya habang ang isa ay nakatukod sa gilid niya upang hindi ito tuluyang mahiga sa kanya.

Sigurado siyang pulang-pula na siya nang mga oras na iyon. Kaya kahit na pakiramdam niya ay nasa lalamunan na niya ang kanyang puso ay pilit niya itong itinulak palayo. "T-Tayo ka na, Ziggy... A-ang bigat mo."

Pero imbes na sundin siya lalo pa nitong inilapit ang sarili sa kanya. "You really shouldn't tell a straight guy that he's gay, honey."

"Wha—"

Hindi na niya natuloy ang kayang sasabihin dahil sinakop na nito ang kanyang mga labi. That wasn't the first time they kissed pero pakiramdam niya ay iyon ang unang beses na hinalikan siya nito nang ganoon. It was a gentle yet passionate kiss. Mukhang desidido itong patunayang lalaking-lalaki ito. Para siyang nililipad sa alapaap kaya hindi na niya masyadong namalayan nang kusa nang lumandas ang mga kamay niya sa batok nito.

"I was wrong. You're definitely not gay," hinihingal na bulong niya rito sa pagitan ng mga halik. Parang nawala ang lahat ng inhibitions niya nang mga sandaling iyon. Ibang Freya ang kasalukuyang nasa katauhan niya at ang mga hindi niya nagagawa noon ay hayun at ginagawa niya.

Naramdaman niyang ngumiti ito. "Wanna see how manly I can be?"

Pero bago pa siya makasagot ay tumunog ang cell phone niya. Ngunit patuloy lang sa paghalik sa kanya si Ziggy kaya nadi-distract siya. "Ziggy, sandali... baka importante ang tawag..."

"May tumatawag ba?" kunwa'y seryosong tanong nito habang hinahalikan ang pisngi niya.

Napailing na lang siya. Sinagot niya ang kanina pang tumutunog na aparato. "Hello?"

"Freya? Si Tristan 'to. Sorry kung ngayon lang ako nakatawag... Uhm... Puwede mo ba akong puntahan dito sa hospital ngayon?"

"What? Ano'ng ginagawa mo diyan? Are you okay?" nag-aalalang tanong niya rito. Nakita niyang nagsalubong ang mga kilay ni Ziggy sa tono ng boses niya.

"It's a long story. Okay lang ako since nakakatawag pa naman ako sa 'yo," he chuckled.

Napabuntong-hininga siya. "Fine, text mo na lang sa 'kin kung saang hospital ka naka-confine, paalis na ako." Pinutol na niya ang tawag at kinuha ang kanyang bag.

"Aalis ka na?"

Medyo napapitlag siya ng maalalang kasama niya pala si Ziggy. "Oo. Emergency."

"Ihahatid na kita," paunlak nito.

Ikinawit niya ang kanyang mga braso sa leeg nito. Pumulupot naman sa beywang niya ang mga kamay nito. "There's no need. Thank you for the dinner and the movie." For the first time ever, siya ang unang humalik dito.

Muntikan na siyang hindi tumuloy nang lumalim ang halik nito pero pilit siyang kumawala sa mapanuksong halik nito kahit na pakiramdam niya ay bumigat ang kalooban niya.

"I'll see you tomorrow?" masuyong tanong nito habang hinahaplos ang kanyang pisngi.

Tumango siya, ngumiti. Nang tumunog ang cell phone niya at makatanggap ng text mula sa kapatid ay nagpaalam na siya.

Bumalik ang kaba sa dibdib niya. Mukhang hindi siya mapapanatag hangga't hindi niya nakikita ang kapatid.

"KUYA?" Kinakabahang pumasok siya ng kuwartong sinabi ng kapatid. Dumoble ang kabang iyon nang makitang nakatakip ng puting tela ang nakahiga roon. Karamihan sa mga napapanood niya o di naman kaya sa mga nababasa niyang mga libro kapag ganoon ang eksena ay...

Hindi! Hindi pa patay ang kapatid ko! Tumawag pa nga siya, 'di ba?

Pero hindi mo alam kung ga'no siya kalala nang tumawag siya sa 'yo, kontra ng anti niyang pag-iisip.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kama. Unti-unting uminit ang sulok ng mga mata niya. "K-Kuya..." Hinila niya ang telang tumatakip dito.

"Boo!"

Napatili siya nang biglang bumangon ang kapatid sa kinahihigaan. Nang marinig niyang tumatawa ito ay doon niya napagtanto na binibiro lang siya nito. Sa kabila ng relief na malamang buhay pa ito ay bumangon ang matinding inis dito.

"Kuya naman, eh! Nakakainis ka!" Hinampas niya ito sa balikat, suminghap ito. "Sorry. Ikaw kasi! Huwag na huwag mo akong bibiruin nang gano'n at baka... hindi ko makayanan."

Tila naintindihan naman nito kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon niya. Tumigil ito sa pagtawa at sumeryoso. "Sorry, it was a bad joke."

Tumango siya. Pinahid niya ang namamasang mga mata niya. Mahigpit niya itong niyakap na tinugunan naman nito. "I'm just glad you're okay." Kumawala siya sa pagkakayakap dito. "Ano ba talaga ang nangyari?"

Nagkibit-balikat ito. "I just helped someone who's in trouble kaya nasaksak ako. Buti na lang hindi tumama sa vital organs kaya buhay pa ako," tila walang anumang sagot nito.

Napasinghap siya. "Nahuli na ba ang sumaksak sa 'yo?"

"Inayos na iyon ng taong tinulungan ko." Sumeryoso ang anyo nito makalipas ang ilang segundong katahimikan. "Actually, kaya kita pinapunta rito ay dahil may kailangan akong hinging pabor sa 'yo."

Kumunot ang noo niya. "Kung kakayanin ko naman, why not?"

Malungkot itong ngumiti. "You do know that our father is not in a good condition, right? Kaya ko siya pinatigil sa pagtatrabaho at pinalitan sa posisyon niya. Pero ngayong ganito ang kondisyon ko hindi ako puwedeng bumalik ng Canada na ganito ang hitsura ko. Baka atakihin lang sa puso si Dad..."

Napangiwi siya nang mapagmasdang mabuti ang anyo nito. May mga pasa sa mukha, naka-brace and kamay at may arm sling sa balikat, may iba't ibang gasgas at pasa rin ito sa ibang parte ng katawan nito.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "So you're saying that I should help you in your business?"

"Our business, dear sis. To say it directly, gusto ko sanang ipakilala ka kay Dad at para na rin makatulong ka sa family business..."

Napatanga siya rito. "You want me to meet him? P-pero..."

Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Don't worry, hindi naman nangangain ng tao si Dad. He would be glad to accept you to our family."

Pero kung papayag siya, paano na si Ziggy? Makakaya niya bang iwanan ito para makilala ang kanyang tunay na pamilya? Parang biglang sumikip ang dibdib niya sa isipang iyon. Pero baka maintindihan din naman ni Ziggy ang sitwasyon kung nasabi na niya rito ang lahat-lahat.

Napabuntong-hininga siya, tumangu-tango. "Pag-iisipan ko... Magpahinga ka na."

Tahimik siyang lumabas ng silid. Pagpihit niya ay laking gulat niya nang makitang nakatayo roon si Ziggy. Madilim ang anyo nito at hindi maipinta ang mukha.

"Z-Ziggy, ano'ng ginagawa mo rito?"

Itinaas nito ang isang pink na paper bag. "Nakalimutan mo sa bahay. But I think hindi mo na kailangan 'yan. Itapon mo na lang kung gusto mo," walang kangiti-ngiting sabi nito. Pagkatapos ay mabilis itong tumalikod at iniwan na siya.

"Ziggy, sandali!"

Ngunit hindi na ito lumingon pa. Dire-diretso lang ito sa paglakad hanggang sa hindi na niya ito natanaw pa.

Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari. Ano ba ang ikinagalit sa kanya ni Ziggy? Hindi niya lubos maisip kung paano ang isang masayang okasyon ay nauwi sa gaanong pangyayari.

Niyuko niya ang hawak na paper bag. Nanginginig ang mga kamay niya nang buksan niya iyon. Nakagat niya ang ibabang labi nang makita ang laman. Isang teddy bear keychain na may pangalan ni Ziggy sa bandang dibdib. Inabot niya ang kasamang card. To be with you, forever.

Nanghihinang napaupo siya sa sahig. Nanlabo ang mga mata niya sa mga luhang dumadaloy doon.

Is it a sign? Hindi ba puwedeng pagsabayin niya ang kanyang pamilya at taong mahal niya? Napahagulhol siya sa sobrang sakit ng kalooban niya. Parang tinatadtad nang pinung-pino ang kanyang puso.

Tinanggal niya ang kanyang salamin, pinahid ang mga luha. Ilang beses siyang huminga nang malalim. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na nakaupo roon pero nakapagpasya na siya. It was a very hard decision to do pero desidido na siya.

Shewould leave her heart to the man who stole it.   

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 7.5K 10
Denise Monica Vega is COLD. HEARTLESS. BITCH. Lahat nalang na masamang katangian, nasa kanya na. They don't know that behind those bad traits of hers...
77.1K 1.4K 11
Binansagan si Casey sa kanilang university na "beauty with no brains." Kabilang siya sa tinaguriang "The Loser's Club." Hindi lang niya minsang nari...
218K 4.1K 31
This is not my story. I just want to share what I have read to all my co-readers. All credits to the author.
102K 1.5K 13
This novel was published by Precious Pages Corporation under Precious Hearts Romances imprint, 30 September 2009. Catchline: "Ang gusto ko, kung saa...