The Prude Damsel (published/u...

By JuliaFrancineSicat

79.1K 1.5K 20

Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER SIX

5.1K 99 1
By JuliaFrancineSicat

"FREYA! May poging naghahanap sa 'yo sa labas!" tili ni Aika nang pumasok ito ng private office nila.

Pogi? Hindi ba si Ziggy ang tinutukoy nito? Pero kilala naman nito si Ziggy kaya sino naman kaya ang tinutukoy nito?

"Sino raw?" kunot-noong tanong niya rito, curious kung sino ang naghahanap sa kanya.

"Hindi sinabi, eh. Pero baka kamag-anak mo," kibit-balikat nito. "Pakilala mo naman ako. Ang guwapo talaga!" Kinikilig na tumili ito.

Mas lumalim ang kunot sa kanyang noo. Kamag-anak? Ano naman ang kailangan ng mga ito sa kanya? Ni wala nga siyang balita sa mga ito mula nang mamatay ang lola niya.

Lumabas siya upang salubungin ang naghahanap sa kanya. Nagpalinga-linga siya. Tumigil ang kanyang paningin sa isang lalaki na nakaupo malapit sa dulo ng restaurant. Ito lang ang tanging nag-iisang nakaupo roon. Nang mag-angat ito ng tingin at nakita siya ay tumayo ito. Napansin niyang matangkad ito. Sa taas niyang five-six ay halos balikat lang siya nito. Lumapit siya rito.

"Hi, are you Miss Belandres?" anito sa baritonong tinig, nakangiti. Guwapo ang lalaki in a rugged way. Sa suot nitong poloshirt at slacks ay halata ang magandang tindig at pangangatawan nito.

Sa pagtitig niya rito, napagtanto niyang mukha itong pamilyar sa kanya ngunit sigurado siyang hindi niya ito kilala. Dahil kung nakilala na niya ito, malamang na hinding-hindi niya ito makakalimutan. The guy was simply oozing with charisma. Hindi sa attracted siya rito o ano, pero malakas lang talaga kasi ang dating nito.

"Yes, uhm... do I know you?" hindi niya napigilang itanong dito. Pilit niya pa ring inaalala kung nakita na niya ito sa kung saan at nakalimutan lang niya.

Isang makahulugang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Can we speak in somewhere more... private?"

Awtomatikong tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Ano ang tinutumbok ng lalaking ito? Huwag nitong maisip-isip na por que guwapo ito ay basta-basta na lang siya sasama rito. "What do you want to talk about that you want to speak matters privately?" pormal niyang tanong dito. Inayos niya ang kanyang salamin saka humalukipkip.

Sa kanyang pagkainis ay ngumiti pa itong lalo. "Very good. You're not easy to deceive," anito na parang mas sa sarili nito sinasabi iyon kaysa sa kanya. "But I assure you, I'm not a bad guy. I want to talk about some things with regards to your... personal life. Simply put, you are not who you think you are..."

Kumunot ang noo niya. Ano naman kaya ang gusto nitong pag-usapan tungkol sa personal na buhay niya? Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Hindi naman ito mukhang masamang tao. Mukha itong may pinag-aralan.

"Come on, sis. Hindi naman kita re-rape-in, 'no." Magkahalong disgusto at amusement ang nasa mukha nito nang sinabi nito iyon.

Umarko ang kilay niya sa sinabi nito. Bakit may pa-sis-sis pa ito? At dead-ma lang rito ang alindog niya? Bakla ba ito? Muli niya itong tiningnan mula ulo hanggang paa. Walang-wala sa hitsura nito ang maging bakla. Baka closet gay?

Ilang sandali muna siyang nagdalawang-isip bago makapagpasya. Ibinababa niya ang kanyang mga kamay sa pagkakahalukipkip at muling nagsalita. "Fine. Follow me," senyas niya rito bago tinungo ang isa sa mga function room.

Hindi niya alam kung ano ang nakapagpapayag sa kanya upang kausapin ito pero naku-curious siya rito. Meron kasi siyang nakita sa mga mata nito na tila mga sagot sa curiousity niya rito.

"WHAT?!" hindi makapaniwalang tanong ni Freya sa lalaking bisita niyang napag-alaman niyang Tristan Sandoval ang pangalan.

Malayung-malayo sa inaasahan niyang sasabihin nito ang kanyang narinig. At lalung-lalo nang hindi ito closet gay. He called her "sis" not because he was definitely gay but because she was actually his sister, according to him.

Kulang ang sabihing "shocked" siya sa kanyang mga natuklasan. Talagang nawindang siya at tila nayanig ang buo niyang pagkatao nang ikinuwento nito ang mga pangyayari sa buhay niyang wala siyang kaalam-alam.

Bilang patunay sa mga pinagsasasabi nito ay naglabas ito ng mga dokumento ngunit nang makita nitong ayaw niya iyong galawin ay nagkuwento na ito.

Ayon dito, ay nakababatang kapatid daw siya nito at hindi niya totoong kamag-anak ang kanyang nakagisnang pamilya. Nang araw na ipinanganak siya ay binayaran daw ng malaking halaga ng kapatid ng kanyang ama ang midwife na nagpaanak sa mommy niya upang patayin siya. Malaki raw ang galit ng tiyuhin nila sa ama dahil sa ginawa nitong pagpapalayas sa tiyuhin nila sa kompanya. Nalaman kasi ng kanilang ama na kumukupit ito ng pera at nangmomolestiya ng mga babaeng empleyado. Simula nang maalis ang tiyuhin sa trabaho ay nagkasunud-sunod ang malas sa buhay nito. Kaya ang lahat ng iyon ay sinisi nito sa kanilang ama.

Sa sobrang galit ay binayaran nito ang midwife na nagpaanak sa kanyang tunay na ina, iyon ay walang iba kundi ang nakagisnang Lola Esther niya. Ngunit dahil hindi raw kaya ng Lola Esther niyang kumitil ng buhay, imbes na patayin siya ay kinupkop siya ng mga ito nang hindi na pinapalitan ang pangalan niya maliban na lang sa apelyido. Sinabihan lang nito pagkatapos ang kanyang mga magulang na namatay na siya. At dala ng sobrang kalungkutan, naisipan ng kanyang ama na ibenta ang pinaghirapan nitong kompanya at mamuhay na lang kasama ng buong pamilya sa labas ng bansa. Parang parte na rin daw iyon ng healing process ng kanyang ina.

"I just found out about it recently nang umuwi ako ng Pilipinas five months ago. May nadatnan akong sulat sa dati nating bahay sa Quezon at galing iyon sa Lola Esther mo," paliwanag ni Tristan. "Inamin nito sa sulat ang lahat ng ginawa nito at humihingi ito ng tawad." Inabot nito sa kanya ang isang nakasobreng sulat.

Kinuha niya rito ang sulat sa nanginginig na mga kamay. Sinimulan niyang basahin ang sulat nito. Nang matapos siya ay hinang-hina ang pakiramdam niya. Bakit ganoon? Sa tinagal-tagal ng panahon akala niya ay nag-iisa siya. Akala niya kaya malayo sa kanya ang ibang mga kamag-anak nila ay dahil hindi lang sila gaano nagkakausap. Akala niya tunay ang lahat...

Pero... Hindi siya maaaring magkamaling tunay ang ipinaramdam ng nakagisnang pamilya niya sa kanya. Those were all true. Ramdam na ramdam niya iyon. Kaya nga kahit na dapat na magalit siya sa ginawa ng mga ito ay wala siyang makapang ni katiting na galit sa puso niya. She was still blessed for having them. Naramdaman niyang uminit ang sulok ng mga mata niya. Nang magtama ang tingin nila ng lalaki ay may nabasa siyang pag-alala sa mga mata nito.

Hindi niya napigilang humikbi. Tumayo ito sa kinauupuan nito at linapitan siya. Nang tuluyan na siyang umiyak ay yinakap na siya nito.

"K-kuya?" Para siyang batang iyak lang nang iyak habang inaalo siya nito. Pakiramdam niya gumuho lahat ng depensa niya at ang gusto lang niyang mangyari ay manatili sa yakap ng kapatid. "H-hindi ko kayang magalit sa kanila... They have loved me too... Kaya no'ng nawala sila, akala ko... akala ko kaya ko na ako lang mag-isa... akala ko ako na lang mag-isa..."

"Sshh... It's okay, I'm here..." alo sa kanya ng kuya niya.

Oh how she missed being part of a family. Mula nang maiwan siyang mag-isa akala niya ay kaya niya na siya lang mag-isa. Akala niya kaya niyang walang nararamdamang kalinga mula sa isang kapamilya. Pero ngayong nalaman niyang meron pa siyang kapamilyang tunay na nagmamahal sa kanya ay tila nabuhay muli ang puso niya mula nang mamatay ang Lola Esther niya.

Sandali siyang kumawala sa pagkakayakap nito. "Alam ba ito nina M-Mommy?"

Malungkot itong ngumiti. Binundol ng kaba ang dibdib niya kahit hindi pa ito nagsasalita. "Mom's gone... a few weeks after you were declared dead. May sakit kasi sa puso si Mommy, hindi niya nakayanan ang pagkawala mo kaya..."

"Eh, si D-Daddy?" kinakabahang tanong niya rito.

"Simula nang mamatay si Mommy sinubsob na ni Daddy ang sarili niya sa trabaho at dahil tumatanda na rin siya hindi nakayanan ng katawan niya kaya inatake siya sa puso. Six months ago mula nang mangyari iyon. Ngayon ay okay na siya pero hindi ko na pinayagang magtrabaho pa siya at magpagod. Ako na ang pumalit sa kanya sa tinayo nitong kompanya. And that's what brought me back here in the country."

Nanlumo siya sa nalaman. Unti-unti na namang bumalon ang mga luha sa mga mata niya. "I'm too late..." mahinang usal niya.

Bumuntong-hininga si Tristan. "It's not your fault. I should've come sooner kung alam kong ito ang mangyayari. I should've taken over the business sooner para mas maaga kitang makilala... pero wala na tayong magagawa. Let's just make up for lost time. Nandito pa naman kami ni Dad." Masuyo itong ngumiti.

Pinahid niya ang mga luha sa pisngi niya. "Eh, paano kung hindi niya ako magustuhan?"

He chuckled. "Silly. Anak ka rin naman niya. Bakit ka naman hindi magugustuhan?" nakangiting pangungumbinsi nito sa kanya, ginulo pa nito ang buhok niya.

Napangiti na siya. Mahigpit niya itong niyakap. "Thank you for finding me, kuya..."

"I'm so happy to have found you." Hinalikan siya nito sa noo bago ngumisi. "May mauutus-utusan na 'ko ngayon."

Nagkatawanan silang dalawa. Natigil lang sila nang may marinig silang tumikhim malapit sa pintuan. Sabay silang napalingon.

Pakiramdam niya ay gustong tumalon ng puso niya sa tuwa nang makita niya si Ziggy sa may pintuan. Oh, how she wanted to tell him everything. Kaya hindi pa siya gaano nakakapag-isip ay nilapitan na niya ito. Natigil lamang siya nang mapansin ang hitsura nito.

Madilim ang anyo nito. Nakakunot-noong nakatingin ito sa direksiyon ng bisita niya. Bumaling siya sa kapatid. Bakas din ang pagtataka sa mukha nito at tila may bahid ng amusement sa mga mata dala marahil sa reaksiyon ni Ziggy.

"Ziggy, ano'ng ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?" tanong niya rito nang makalapit dito. Tila nagising ito sa malalim na pag-iisip. Nang humarap ito sa kanya ay nakangiti na ito.

"Susunduin sana kita. Ngayon ang gig, remember?" Sumulyap ito sa bisita niya. "But I guess you forgot 'cause I can see that you're a bit... busy."

Nilingon niya ang kuya niya. Nakalapit na ito sa kanya, nakangiting nakatingin kay Ziggy. Mayamaya pa ay umakbay ito sa kanya. Kitang-kita niya ang tuluyang pagkawala ng ngiti sa mga labi ni Ziggy.

Tumikhim siya para mawala ang kakaibang damdamin bumangon sa dibdib niya. Parang nagiging conceited yata siya kung iisipin niyang dahil sa selos kaya ito ganoon. "By the way, Ziggy, this is—"

"Tristan, pare," singit ng kapatid niya sabay abot ng kamay nito dito. Isang nakalolokong ngiti ang nakapaskil sa mga labi nito.

Hindi pa rin ngumingiti si Ziggy nang inabot nito ang nakalahad nitong kamay. Seryosong-seryoso ang anyo nito. "Ziggy," pakilala nito sa sarili nito.

"Well, I guess may lakad pa kayo so I better go."

Natilihan siya nang nagpaalam ang kapatid niyang aalis. Marami pa siyang gustong itanong dito. Marami pa siyang gustong malaman tungkol sa tunay niyang pamilya.

Mukhang napansin naman nito iyon kaya marahan itong tumawa. Pinisil nito ang tungki ng ilong niya. "Don't worry, princess, I'll see you again soon." Hinalikan siya nito sa pisngi bago tumango kay Ziggy at lumabas na ng function room.

Nakapako pa rin ang kanyang tingin sa nilabasan nitong pinto. Napabuntong-hininga siya. Ang dami pang mga bagay na gumugulo sa isip niya. Napasalampak siya ng upo sa silya. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang mga kamay.

Mayamaya ay may naramdaman siyang pumatong sa ulo niya. Napatanga siya at nakita niya si Ziggy na nakatunghay sa kanya. Ngumiti ito ngunit tila hindi iyon umabot sa mga mata nito.

"Gusto mo pa bang tumuloy sa pupuntahan natin?" Sandali itong tumahimik, nang-uusig ang tingin. Tila may nababasa siyang pag-aalinlangan sa mga mata nito. Nag-aalala ba ito na hindi siya sasama rito?

At ano naman ang pakialam niya at mag-alala siya kung sasama ka o hindi? Napailing siya sa naisip. She seems to read too much into things. "Siyempre tuloy tayo. Sinabi ko nang pupunta ako, 'di ba?"

Maluwag na itong ngumiti. "O, tara na at nang mapakita ko na sa 'yo ang ultimate talent ko."

Ipinaikot niya ang kanyang mga mata sa kayabangan nito. "Ewan ko sa 'yo."

Umakbay ito sa kanya. "Basta,hinding-hindi ka magsisisi na sasama ka..."    

Continue Reading

You'll Also Like

79.3K 1.8K 55
Malaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong...
99.3K 720 4
"Hindi na kita hahayaang mawala pa sa paningin ko. I can't be without you." Pagkalipas ng labintatlong taon ay nagkalakas-loob si Lianne na harapin u...
2.1K 61 11
Dahil sa pagpipilit ng ate ni Rona na sumama siya sa concert ng idol nitong si Misha ay nagulo ang dati'y tahimik na buhay niya kapiling ang mga anim...
82.4K 1.5K 10
Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito n...