The Prude Damsel (published/u...

By JuliaFrancineSicat

78.2K 1.5K 20

Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER FIVE

5.5K 111 0
By JuliaFrancineSicat

"CONGRATULATIONS!" sabay-sabay na bati nina Freya kay Colette.

Ilang linggo rin ang lumipas mula nang maospital ito dahil sa tama ng bala na natamo nito nang makipag-agawan ito ng baril sa psycho ex-girlfriend ng fiancé nito. Huli na nang nalaman nila ang tungkol sa mga threats na natatanggap nito. Inilihim nitong lahat ng iyon sa kanila. Nagpapasalamat na lang sila na okay na ang lahat sa love life nito. Isang linggo na lang at ikakasal na ito kay Jared Santillan, isa sa mga co-owner ng 5XB architectural firm.

Ngumiti ito. "Thank you, 'wag niyong kalimutan 'yong gift namin, ha?"

"Sure, ilang box ba ng condom ang gusto mong regalo?" tanong ni Aika na may pilyang ngiti sa mga labi.

"Gaga! Umandar na naman ang pagkamanyak mo!" Natatawang hinampas ito ni Colette sa balikat.

"Eh, kailangan niyo rin naman iyan ni Jared in the future, ah," nakalabing saad nito.

"Hay naku, Ai, tigilan mo na si Colette. Mayaman naman si Jared so kayang-kaya na niyang bumili ng supplies nila ni Colette 'pag nakasal na sila," dagdag na biro ni Elise.

"Ba't ba ang beberde ng isip niyo at 'yan ang naging topic?" Napapalatak siya. Sumipsip siya sa straw ng kanyang inumin.

"Kuu... wala namang masama sa sinabi namin, ah... Eh di, kung ayaw mo ng topic namin ikaw na lang at si Ziggy ang pag-usapan natin," nakakalokong ngumiti si Aika na halatang nanunukso.

Nasamid siya. Ilang beses siyang napaubo bago muling nakapagsalita. "Bakit naman napunta sa akin ang usapan, eh, si Colette ang ikakasal dito?" Pinilit niyang magmukhang bale-wala ang sinabi nito.

Matapos ang birthday party ni Jorick, ilang buwan na ang nakalipas, iniwasan na niya nang todo-todo si Ziggy. Tuwing nandiyan ang lalaki ay iiwas siya o kaya lalayo bago pa man siya nito makita. Kapag hindi naman maiwasang makita siya nito ay nagpapaka-civil lang siya rito.

"Oh come on, Frey, obvious naman ang something sa inyo ni Ziggy, eh," singit ni Jaeda na pinipigilang mapabunghalit ng tawa.

"Aminin mo na kasi Frey, ano na ba ang lagay ni Ziggy diyan sa puso mo?" nakangising tanong ni Colette, hindi na marahil napigilan ang curiousity nito.

Biglang tumunog ang doorbell bago pa siya makaangal.

Tumayo si Colette at binuksan ang pinto. Si Jared ang bisita nito. Nakita niya ang malalagkit na titigan ng mga ito. Hindi nga nagtagal ay naghahalikan na ang mga ito.

"Would you two get a room?" sigaw niya mula sa living room kung saan natatanaw niya ang mga ito.

"Huwag ka nang magselos Frey, nandito na ako."

Natigilan siya nang marinig ang tinig na iyon. Kasama pala ni Jared si Ziggy at ngayon nga ay nasa tabi na ito ni Jared.

Inirapan niya lang ito. Tumayo na siya at naglakad palabas. "Kung ikaw rin lang, huwag na. Tatalon na lang ako sa bangin."

"O, Freya, saan ka pupunta?"

"Maghahanap ng bangin."

"Hindi mo naitatanong, 'Bangin' is my middle name so puwedeng-puwede kang mahulog sa 'kin anytime, anywhere, beybeh..." Nag-flying kiss ito. Inirapan niya lang ito. Matapos ang mga nangyari sa birthday party ni Jorick tila c-in-areer na nito ang pagiging love team nila. Palagi siya nitong tinatawag ng kung anu-anong endearments at pinupuntahan na para bang isang masugid na manliligaw.

But she knows better. Alam niyang wala lang iyon sa lalaki. Imposible naman kasing magkagusto ito sa kanya. Maraming babaeng naghahabol dito at ang isang nerd at manang na tulad niya ay walang-wala kumpara sa mga babaeng iyon.

Ang tanging gusto lang sa kanya ni Ziggy ay ang asarin at pikunin siya. Motto na yata nito iyon sa buhay.

Mabilis siyang naglakad patungo sa elevator ngunit bago pa magsara iyon—sa kamalas-malasan niya—ay nakahabol ito sa pagsakay niyon.

Isiniksik niya ang kanyang sarili sa pinakadulo ng elevator para lang malayo rito. Ilang sandali itong nanahimik bago nagsalita.

"Look, Freya... Hindi ko alam kung bakit galit ka pero—"

"Hindi mo alam? Sigurado ka bang hindi mo alam?" asik niya rito, lahat ng tinitimping galit, pagkainis, at sama ng loob ay unti-unting lumalabas. "Ilang taon kong tiniis ang lahat ng mga pinaggagagawa mo sa 'kin, Ziggy! Akala ko, kaya kong ignorahin lahat ng mga pang-iinis mo pero sumosobra ka na! You're way over the line. Tao rin ako na napapahiya at nasasaktan. Kahit na sabihin pang taong-bato ako ay marunong din akong masaktan..."

Matamang nakatingin lang ito sa kanya bago umangat ang kamay nito sa kanyang pisngi at marahang pinalis ang luhang hindi niya namalayang kumawala sa kanyang mga mata.

Suddenly, she could feel herself sobbing. This is first time since she cried again like this. Ang huling pag-iyak niya ay noong namatay ang lola niya at naiwan na siyang mag-isa sa mundo. She really felt helpless during those times. Wala siyang ibang kasama. Wala siyang karamay. She has no shoulder to cry on...

Naramdaman niyang may mga bisig na yumakap sa kanya. Hinila siya ni Ziggy upang yakapin. Isinandal nito ang kanyang ulo sa dibdib nito at hinayaan lang siyang umiyak at maglabas ng hinanakit. Kahit na nagbukas na ang elevator ay hindi sila natinag. Hindi nila pinansin kahit na may mga pumasok na roon. Para silang may sariling mundo at walang pakialam kahit ano pa ang isipin ng iba.

Nang sila na lang uli sa loob ng elevator ay bahagya siya nitong inilayo sa pagkakayakap. Naghinang ang kanilang mga mata. Tila may nabasa siyang lungkot sa mga mata nito ngunit hindi siya gaanong sigurado.

"I-I'm so sorry, Freya... Hindi ko naman sinasadyang saktan ka... I just did that to... to..." Bumuntong-hininga ito. "I'm so sorry... I promise, I'll change from now on... so, can we start over again as friends?" Isang maamong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

Nabasa niya ang sinseridad sa mga mata nito. Suminghot siya. Mayamaya ay napangiti na rin siya. Maybe it was time to put the past behind them and start anew.

Nang tumango siya ay lumawak na ang pagkakangiti nito. Mahigpit siya nitong niyakap at—surprisingly—gumanti siya sa yakap nito.

She felt at peace just by being in his arms. She's happy na finally ay magiging payapa na rin ang sa pagitan nila ni Ziggy. Pero... aaminin niyang mami-miss niya ang pagiging makulit nito. Slight lang naman.

"AYOKO nito. Sa 'yo na lang," nakangusong reklamo ni Ziggy. Inilagay nito sa plato niya ang iilang carrots na nasa plato nito.

Nasa unit niya sila at magkasabay na nanananghalian. Isang malaking improvement at himala iyon sa buhay niya na nagsasabay siyang kumain ng pananghalian kasama ang isang lalaki. Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataong sumabay siyang kumain kasama ang isang kaibigang lalaki—not that she has a lot. At sino ba naman ang mag-aakala na si Ziggy pa ang lalaking iyon? Ang lalaking matagal na naging tinik sa kanyang lalamunan. Ang lalaking halos noon ay isumpa niya. Pero ngayon ay parang bumaliktad ang ikot ng mundo dahil, heto nga at kasabay niya itong kumain na walang dumadanak na dugo.

Aaminin niyang kumukulo pa rin ang dugo niya rito paminsan-minsan pero nakakasanayan niya na talaga ito. Parang kasama na talaga iyon sa daily routine niya. Which was actually fine with her. She felt at ease when she's with him sometimes. At aaminin niyang hindi na siya naiinis tuwing tinutukso sila ng kung sino mang makasalubong nila. Either, sanay na siya or what kaya ganoon na lang ang naging reaksiyon niya.

"Ano ka ba? Kainin mo 'yan at nang tumalas ang mga mata mo. Para hindi ka tumulad sa 'kin." At ibinalik niya sa plato nito ang mga gulay.

"Ehhh... kakain na lang ako ng maraming-maraming kalabasa, 'wag lang carrots." Nandidiring inilagay na naman nito ang carrots sa plato niya.

"Pareho rin namang gulay ang mga 'yon, ah? Huwag ka nang umangal, babatukan na talaga kita. Isang lipat pa sa plato ko at malalagot ka talaga sa 'kin." Sa huling pagkakataon ay inilagay na niya ang carrots sa plato nito. Tila nandidiring tiningnan lang naman iyon ni Ziggy, hindi malaman ang gagawin.

Lihim siyang napangiti sa hitsura nito. Para itong bata na hindi mapakali sa kinauupuan dahil pilit itong pinapakain ng nanay nito ng gulay.

Nang hindi pa rin ito natinag ay tinusok na niya ang gulay at iniumang sa bibig ito. "O, gusto mo pa talagang pinipilit, eh."

Mariin nitong itinikom ang bibig. Para talagang itong bata na may sabay pailing-iling pa. At dahil parang nabuhay sa kanya ang kanyang maternal instinct ay talagang hindi niya ito tinigilan hanggang sa kainin nito iyon.

"Ah, ayaw mo, ha? Sige, magkalimutan na lang tayo..." kunwa'y banta niya rito na sinabayan niya ng pag-arte na tatayo na sa kinauupuan niya. At gaya ng inaasahan niya. Mabilis siya nitong pinigilan. Pilit niyang itinago ang isang ngiti at nagpatuloy sa pagsusungit. "O, ano?"

"'Eto naman..." Napalunok ito. "Kakainin na..." napipilitang sabi nito sabay kamot sa ulo.

Bumalik siya sa pagkakaupo at hinintay itong kainin ang pagkain. Kitang-kita niya nang napalunok ito at talaga namang kaunting-kaunti na lang at matatawa na siya.

Nang isinubo nito ang carrots ay hindi na niya napigilang matawa. Mukha kasi itong nakainom ng isang galong suka. Tawa pa rin siya nang tawa hanggang sa matapos itong kumain. Natigil lang siya nang maramdaman niyang nakatitig na lang ito sa kanya. Parang na-conscious siyang bigla.

Tumikhim siya para mawala ang tawa sa lalamunan niya. Hindi niya pa rin napigilang mapangiti kahit na pinipilit niyang huwag nang tumawa.

Nanatiling nakamasid lang si Ziggy sa kanya. Ilang segundo itong hindi nagsalita bago sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi nito. "Kung ang pagkain ko lang pala ng carrots ang makakapagpatawa sa 'yo nang ganyan sana matagal ko nang tiniis kumain ng mga iyon. Meron ka ba diyan sa ref? Akina at nang marinig ko uli 'yong tawa mo."

"May isang kilo sa vegetable compartment. Help yourself."

Napangiwi ito. Tila hindi nito ini-expect na sasakyan niya ang sinabi nito. Tumayo na siya upang magligpit ng pinagkainan.

Masarap pala ang feeling kapag nakakahirit siya rito. Makapag-practice nga... Napangisi siya sa naisip.

"Uy, nood ka naman ng gig namin sa Biyernes, o. Para naman may moral support ako," ungot ni Ziggy sa kanya na tumayo na rin para tulungan siyang maghugas ng pinagkainan.

Nalukot ang ilong niya. "Alam mo namang hindi ako pumupunta sa mga ganyan. Saka, marami ka ng moral supporters, 'no, kaya hindi na ako kailangan do'n," nakaingos na wika niya rito. Uminit ang ulo niya nang maisip ang mga babaeng nagkukumahog na magpapansin dito. Ilang beses na rin naman niya nasaksihan ang ganoon kaya alam na alam niyang marami ang naghahabol dito. Hindi na nito kailangan ang moral support niya dahil mukhang handang-handa namang sumuporta ang mga babaeng iyon dito. It might not even be moral support that they might be willing to give. Ipinilig niya ang kanyang ulo sa mga naiisip.

"Siyempre, iba pa rin kung ikaw ang makikita ko roon, 'no. Sige na, punta ka na... Please..." nakangusong pakiusap nito, pinagsalikop nito ang mga kamay nito at nag-beautiful eyes sa harap niya.

Mukhang natorete naman siya sa narinig. Iba raw siya sa mga babaeng tagasuporta nito. Parang biglang nilipad ang puso sa sinabi nitong iyon. Nagmumukha kasi siyang... espesyal para dito.

Todo-todo ang pagpigil niya para huwag umalpas ang isang ngiti sa mga labi niya. Bumuntong-hininga siya para magmukhang napipilitan lang siya. "Okay, okay. Manonood na ako..."

Aaminin niyang kapag tinanggihan niya ito ay siya rin naman ang mahihirapan. Lately kasi ay parang nahihirapan na siyang tanggihan ito sa mga requests nito. Kaya kahit na nagpapakipot pa siya minsan sa huli ay papayag na rin naman siya. She even had this crazy idea na baka nagkaka-crush na siya rito.

Peroaaminin niyang she's starting to like him as time goes by. There seems to benothing wrong with that, right?   

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
29.8K 1.1K 19
Alam ni Trisha na ang mga katulad ni Juan Crisostomo o "Juice" ang dapat iwasan ng mga katulad niyang dakila ang tingin sa pag-ibig. Juice was very h...
29.1K 602 14
This one is the story of Ethan Escobar, younger brother of Trisha from The Substitute Date. Please remind me to update. 😁 "You should see a shrink...