The Prude Damsel (published/u...

By JuliaFrancineSicat

78.2K 1.5K 20

Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER THREE

6.1K 116 0
By JuliaFrancineSicat

BAGO pa maisipan ni Freya na umalis sa kinatatayuan niya ay naramdamang niya na lang na may humila sa kanya. Napasubsob siya sa mga matitipunong dibdib ng isang lalaki.

Narinig niya ang pagbagsak ng kahon sa dating kinatatayuan niya. Nahulog din ang ilang mga kahong nasagi nito pagbagsak niyon. Narinig niyang may mga nabasag sa loob ng kahon.

She heaved a sigh of relief. Nang maalala ang lumigtas sa kanya ay saka niya lang ito tiningala.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Ziggy na nakakunot-noong nakatingin sa kanya. Bago pa siya makalayo rito ay inulan na siya nito ng mga tanong.

"Okay ka lang ba? May sugat ka ba? Ano ba naman kasi ang ginagawa mo rito? Ang dumi-dumi mo na, o." Dire-diretso ito sa pagsasalita at hindi na siya nakasagot nang bigla-bigla nitong nilinis ang mukha niya gamit ng kamay nito. "Para kang bata. Ang dungis mo." Matamis itong ngumiti sa kanya na tila naaaliw sa madungis niyang anyo.

Nang masilayan niya ang ngiti nito ay biglang lumakas ang pintig ng puso niya. Parang kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. Ilang beses na rin naman niya itong nakitang ngumingiti pero bakit kakaiba yata ang epekto ng ngiti nito ngayon? Naramdaman niyang uminit ang kanyang mukha. Hindi niya alam kung ano ang reaksiyong nakapaskil sa mukha niya. Sana lang ay hindi siya magmukhang tanga sa harap nito.

Natigilan siya sa naisip. Ano ba naman ang pakialam niya sa opinyon nito tungkol sa kanya? Wala nga siyang pakialam kung humarap siya rito na kagigising lang at hindi pa naliligo o nagtu-toothbrush. Bakit ngayon parang nako-conscious siya?

Tumikhim siya para mabawasan ang kanyang kaba. Pinalis niya ang kamay nitong nasa mukha pa rin niya. Sinubukan niyang dumistansiya rito pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanyang beywang.

"O-okay na ako, p-puwede mo na akong bitiwan..." Nakagat niya ang kanyang ibabang labi nang marinig niya ang kanyang sinabi. Bakit ba siya nauutal? That's the first time it happened to her at si Ziggy lang naman ang kaharap niya! Si Ziggy na bakulaw sa paningin niya.

"Hindi ka pa okay. Nanginginig ka pa, eh." Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya at sa pagkakataong iyon, dalawang kamay na nito ang nakayakap sa kanya.

Natauhan siyang bigla sa ginawa nito. Sigurado siyang hindi siya nanginginig sa takot or anything. Tsinatsansingan lang siya ng mokong!

Marahas niya itong itinulak. Pinaningkitan niya ito ng mga mata and gave him that stern look. "Nananantsing ka na, Zigmundo!"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi naman. Pinoprotektahan lang kita." Isang malokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito na nagpatunay sa hinala niyang tsinatsansingan nga siya nito.

"Look, I don't need protecting. I'm fine on—" napatili siya nang may mahulog na kung anong bagay sa kanyang balikat. Sa takot na baka daga iyon, she did the unthinkable... She jumped into Ziggy's arms.

PINIPIGILAN ni Ziggy ang mapangiti nang makita ang reaksiyon ni Freya. Hindi dahil sa nagtititili ito kaya siya napapangiti, iyon ay dahil sa bigla na lang itong tumalon sa kanya. Instinctively, sinalo niya ito. He hugged her close to him.

He pursed his lips tight para mapigilang mapangiti. Nagsimula na siyang mag-alala nang humikbi ito. He never saw her cry. Especially, not in front of him. She was one of those strong-willed woman he knew na hinding-hindi magpapakita ng kahinaan sa mga kaaway nito. And she considers him as one.

Nang patuloy pa rin ito sa paghikbi ay yinakap niya ito nang mas mahigpit. "Sshh... tahan na, Freya... you're gonna be alright..."

Sa kanyang pagkabigla—for the first time ever—ay gumanti ito ng yakap sa kanya. Mabilis siyang napayuko upang siguraduhing hindi siya nananaginip lang. Napangiti siya nang makita itong nakasiksik sa kanyang dibdib, nakapalibot ang mga kamay sa kanyang likuran habang pilit nitong pinipigilan ang paghikbi.

She looks so vulnerable right now. Sa kanyang isip ay parang kulang ang ginagawa niyang pag-alo rito. He wanted to do more but he wasn't exactly sure what he should be doing.

Hinalikan niya ito sa noo habang pinapatahan niya pa rin ito. Umangat ang mukha nito and they lock gazes. He could feel himself being pulled into those pair of innocent-looking eyes. He couldn't resist caressing her ethereal face, so he did. He caressed her arched cheekbones down to her lips.

Napalunok siya nang maramdaman ang mga labi nito. They were soft as he last remembered it. And he would bet that it would taste sweet like the first time he tasted it.

When he got to see her eyes once more he just couldn't bear it. Unti-unting bumaba ang kanyang ulo. Sa kanyang pasasalamat at pagtataka ay mukhang wala naman itong balak na upakan siya.

He closed his eyes when his face was inches from hers and waited for that moment to happen.

"Ziggy! Nakita mo na ba si Freya?" sigaw ni Jaeda na narinig niyang papalapit sa kanilang kinaroroonan.

Tila natauhan naman si Freya. Agad itong lumayo sa kanya at tila hinihingal na sapo nito ang dibdib. Mabilis itong lumabas ng stockroom at naiwan siyang nakatingin lamang dito.

Jaeda naman... ang galing mong t-um-iming! Mariin niyang naipikit ang kanyang mga mata dahil sa naudlot sanang mangyayari.

WHAT the hell was I thinking?!

Pagkalabas na pagkalabas ni Freya ng stockroom ay dumiretso siya sa kusina upang maiwasan si Jaeda at ang mga customers. Hindi niya pinansin ang mga nagtatakang tinging ipinukol ng mga tao doon pagpasok niya. Nakapagtataka nga naman kasi minsan lang siya nagpupupunta sa kusina. Si Colette ang madalas na makita doon kasi may alam ito sa pagluluto. Kumuha kasi ito ng mga culinary lessons pagka-graduate nila. Hilig kasi talaga nito ang pagluluto.

Tinungo niya ang lababo kung saan merong mga nakatambak na mga maruruming plato. Isinuot niya ang mga guwantes na nakapatong sa gripo at nagsimulang maghugas ng mga nakatambak na mga plato.

"Ma'am Freya, kami na lang po diyan..." nag-aalangang sabi ni Sasha, ang head chef nila.

Hindi siya tumugon. Nag-concentrate lang siya sa paghuhugas. Inis na kinuskos niya ang mga plato. Hindi niya iyon tinantanan kahit na natanggal na ang mga sebo sa mga iyon.

Naramdaman niyang nakatingin lang sa kanya ang mga tauhan doon. Kung natatakot man ang mga ito sa kanya ay wala siyang pakialam. Kailangan niya ngayong magpalabas ng stress.

Naramdaman na lang niyang may kamay na pumatong sa kanyang balikat. "Freya, tama na 'yan. Hayaan mo na sa mga tauhan ang trabahong 'yan. Inaagawan mo na sila ng trabaho, eh," pigil sa kanya ni Mon, ang nakatatandang pinsan ni Aika at sous chef nila, seryoso ang mukha nito na tila alam nitong may gumugulo sa isip niya.

Hindi niya ito pinansin ngunit nang hapitin siya nito para yakapin ay napabuntong-hininga na lamang siya. Ito lang ang tanging lalaking hindi gaano natakot sa kanya. Magaan din naman ang loob niya kay Mon dahil nakikita niya ang kanyang yumaong nakatatandang kapatid dito. Kung tratuhin kasi sila nito ay mga nakababatang kapatid maliban na lang kay Sasha na kabangayan nito sa lahat ng bagay at kay Colette na "ultimate crush" daw nito.

Bumitiw ito sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya. Inayos muna nito ang salamin niya bago siya tinanong. "Ano ba ang nangyari?"

Umiling siya. "Tatapusin ko na lang ito." Tinapos niyang hugasan ang platong hawak-hawak. Tahimik siyang lumabas ng kusina nang makita niyang papalapit si Jaeda.

"Nandito ka lang pala, akala ko nasa stockroom ka. Doon ko pa naman pinapunta si Ziggy kanina," anito.

Napakunot-noo siya. Naguluhan siya sa sinabi nito. Hindi ba nito alam na nakasama niya si Ziggy sa stockroom kanina? Kung ganoon hindi pa nagsusumbong ang kurimaw na iyon kay Jaeda? O baka naman hindi pa sila nito nagkikita? Pero hindi imposible iyon and knowing him, ipagkakalat nito ang nangyari—or more like, muntikang mangyari—kanina sa stockroom para lang mapahiya siya.

Kahit naguguluhan siya ay hindi niya iyon ipinahalata rito. "Bakit mo pinapunta si Ziggy sa stockroom?"

"Hinahanap ka kasi niya kanina. Mag-uusap daw kayo tungkol sa party ni Kuya," nakangiting tugon nito.

Napataas ang isang kilay niya. Paano naman nalaman ni Ziggy na balak niya talaga itong kausapin tungkol sa birthday party ni Jorick? Matamang tiningnan niya ang kaibigan. Hindi niya gusto ang pagkakangiti nito. Parang may alam ito na hindi niya alam. She eyed her suspiciously, tumawa ito.

"What's with that look?" natatawang tanong nito sa kanya.

"I don't like the way you're smiling," nagdududang sagot niya rito.

"What? Ganito naman talaga ako ngumiti, ah," depensa nito na halatang pinipigilan ang pagtawa.

Naitirik niya ang kanyang mga mata. "Ewan ko sa 'yo."

Naisip niyang kailangan na nga siguro niyang harapin si Ziggy para matapos na ang preparasyon nila sa surprise party ni Jorick. Bakit ba siya matatakot dito in the first place? Ito dapat ang matakot sa kanya.

"So nasaan na ang kumag?" nakahalukipkip na tanong niya kay Jaeda.

May tumikhim sa kanyang likuran. Paglingon niya ay nakita niyang nakangiti si Ziggy sa kanya. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, bumilis ang tibok ng puso niya. Mukhang kinakabahan pa siya sa nangyari kanina. Na-traumatized ba siya? Mukhang exaggerated naman yata iyon.

Bakit ka naman kakabahan, aber? Si Zigmundo lang 'yan, Freya!

She hid her emotions and faced him fully. "Ano'ng nginingiti mo diyan? Bilisan mo na at nang matapos tayo agad." Tumalikod siya rito at naglakad papalayo.

"Freya!" Napalingon siya nang tawagin siya ni Jaeda. "Sa labas na kayo mag-usap. Magulo dito sa loob. Hindi kayo magkakapag-concentrate."

Napakunot-noo siya. "Hindi naman—"

"Basta sa labas na kayo mag-usap. Kung kailangan ko pa kayong kaladkarin palabas gagawin ko," mariing utos nito, seryoso ang anyo.

Hindi na siya nakapagsalita dahil hinila na siya ni Ziggy palabas. "Tara na para walang dumanak na dugo." Napansin niyang tila natutuwa ito. Or was it just her imagination?

Kahit na gusto niyang magprotesta ay hindi na lang niya ginawa. Nakalabas na sila sa restaurant nang mapansin niyang hawak-hawak pa rin ni Ziggy ang kamay niya. Mabilis niyang hinaklit ang kamay mula rito. Didiretso na sana siya sa pinagparadahan ng kotse niya nang pigilan siya nito.

"My car's this way," anito sabay turo sa kinaroroonan ng isang silver Montero.

Tumaas ang isang kilay niya. "And my car's this way." Turo niya sa pinagparadahan ng sasakyan niya.

"We'll take my car," suhestiyon nito.

"Says who? I prefer to take mine, thank you."

"I believe you can't."

Napakunot-noo siya. Binabantaan ba siya nito? "At bakit naman hindi?" Nakapameywang na tanong niya rito.

"You simply can't drive your car in that condition." Inginuso nito ang gulong ng kotse niya.

Nagdalawang-isip siya kung lilingunin niya ang itinuro nito—mahirap na, ilang beses na rin kasi siyang nabiktima ng panloloko nito. Pero na-curious pa rin siya. Nagtatakang sinundan niya ng tingin at itinuro nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may flat tire siya.

Agad dumako ang tingin niya kay Ziggy. "Ikaw na naman ang may kagagawan nito, 'no?" akusa niya rito. Naiinis na tinampal niya ito sa balikat.

Napa-"aray" ito. "What? Bakit ako? Wala naman akong ginagawa, ah... Magkasabay kaya tayong lumabas," depensa nito habang hinihimas-himas ang nasaktang balikat.

Napaisip siya sa sinabi nito. Bigla siyang nakonsensiya. May punto nga ito. Baka hindi niya lang namalayan kanina na may flat na pala siya.

Inirapan niya ito. Tila hindi kaya ng pride niya ang mag-"sorry" dito. "Whatever, bilisan na lang natin ang pagpaplano para matapos na tayo agad." Nauna na siyang naglakad patungo sa sasakyan nito.

"Yes!" mahinang sambit nito ngunit narinig pa rin niya iyon.

Hindi niya napigilang mapangiti sa turan nito. Para itong bata na napagbigyan ng nanay na pumunta sa gusto nitong puntahan. Tila wala na siyang pakialam kung may kinalaman nga talaga ito sa nangyari sa kotse niya o wala.

Nakakapagodrin namang mag-drive... pangungumbinsi niya sa kanyang sarili.    

Continue Reading

You'll Also Like

81.6K 1.5K 10
Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito n...
166K 2.6K 10
Minsan sa buhay ni Celine ay nagmahal siya ng isang Ethan Agoncillo. Guwapo, matalino, mayaman at higit sa lahat, palaging nasa tabi niya kapag kaila...
34.9K 893 12
"This won't work, Skip. Magbreak na tayo." Iyon ang eksaktong mga salita na sinabi ni Fawn kay Skipper limang taon na ang nakakaraan. Ngunit sadya ng...