The Prude Damsel (published/u...

By JuliaFrancineSicat

79.1K 1.5K 20

Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER TWO

7K 138 1
By JuliaFrancineSicat

"SA TINGIN ko maganda 'yong silver and gold para sa motif," suhestiyon ni Freya na tinatapik-tapik ang bolpen sa mesa.

"Para namang pang-oldies ang color," puna ni Aika na nakalukot ang ilong. "Red and pink na lang kaya?" Pinagalaw-galaw nito ang mga kilay.

"Pink? Okay ka lang, Ai? Lalaking-lalaki kaya ang kapatid ko!" Nanlaki ang mga mata ni Jaeda sa suhestiyon ni Aika. "Baka katayin pa ako n'on kapag nakitang pink ang motif!"

"Cute kasi ang pink, eh..." nakangusong protesta nito.

Naitirik niya ang kanyang mga mata sa pagpipilit nito. Seryoso ang mga anyo nina Colette at Jaeda na tila nag-iisip habang si Elise ay nakangisi lang na napapailing sa suhestiyon nito.

"Ano ba kasi ang favorite color ng kuya mo?" tanong ni Colette kay Jaeda.

Sandali itong nag-isip bago sumagot. "Uhm... blue and silver."

"O di, iyon na lang! Blue and silver. Tapos!" ani Colette na pumitik pa sa ere. Sumang-ayon naman sila sa sinabi nito.

"Now that we're done with the motif," sinulyapan ni Jaeda ang checklist na hawak. "Paghatian na lang natin ang mga dapat gawin. Aika, kayo na lang ni Elise ang bahala sa interior. Freya, puwede ikaw na lang ang kumontak kay Ziggy pa—"

"Bakit kailangang ako pa ang kumontak sa kurimaw na iyon?!" protesta niya sa pinapagawa nito sa kanya.

"Huwag ka ngang exag Frey, wala namang mawawala sa 'yo kapag kayong dalawa ni Ziggy ang in-charge sa music and program. Sa pagkakaalam ko ay may banda si Ziggy, sila na lang ang kunin natin for the music. Magaling din naman sila..." pagpapatuloy ni Jaeda sa kabila ng matinding protesta niya.

"Eh, bakit ako pa talaga ang kailangang kumausap sa bakulaw na iyon? Puwede namang si Colette..." hinarap niya si Colette at binigyan ito ng tinging nagsasabing: "Ikaw na lang, please!"

Ayaw niyang magkaroon ng opportunity na makita, makausap, o makadaupang-palad si Ziggy. Kung puwede nga lang ay ipinatapon na niya ito sa Mars para mabawasan ang nagdudulot ng konsumisyon sa buhay niya. Napabuntong-hininga siya. Wala nga naman kasing alam ang mga kaibigan niya tungkol sa ginawa ng lalaki sa kanya noon. Ang alam lang ng mga ito ay asar siya rito at ang magaling na lalaki ay trip lang na asarin siya—which is true on his part.

"Sa food and drinks na ako," sabi ni Colette na halatang nagpipigil na ngumiti. "Huwag ka na kasing magreklamo, Frey, gawin mo na lang. Hindi naman ni-request na pakasalan mo si Ziggy, 'no, kaya huwag kang masyadong OA."

"Right, Frey! All you have to do is talk to Ziggy and then you could go on happily with your life. Para lang naman 'to sa birthday ni Jorick, once a year lang kaya iyon at hindi naman every year sa restaurant natin gaganapin," dagdag pa ni Aika na nakatikwas pa ang isang kamay na nakapatong sa lamesa. Talagang obvious na pinagtutulungan siya ng mga ito.

Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata bago nagpakawala ng malalim na hininga. "Fine," nakakunot-noong humalukipkip siya at hindi na nagsalita pa.

Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mga malokong ngiti sa mga labi ng mga kaibigan habang nagkukunwaring nagsusulat sa kanya-kanyang notepad ng mga ito.

Nang matapos ang meeting nila ay agad siyang pumunta sa likod ng kaha. At inabala ang sarili doon. May isang buwan pa bago ang kaarawan ni Jorick. May less than one month pa siya para makapag-isip kung paano makikipag-coordinate kay Ziggy na hindi ito nakakausap at nakikita. Okay, medyo mahirap ngang makipag-coordinate dito na hindi ito nakikita o nakakausap pero kailangan niyang siguruhin na limited lang ang oras na makakasama niya ito.

She needs to plan ahead para isang bagsakan na lang ang pagpaplano nila. Hindi na niya kailangang magtiis nang matagal tuwing makakasama niya ito.

Napangiti siya sa naisip.

Pero paano kung ayaw n'on makipag-cooperate?

Natigilan siya. Knowing Ziggy, gusto talaga siya nitong asarin kaya malaki ang posibilidad na pahihirapan siya nito.

Napakunot-noo siya. Well, kung iyon man ang gagawin nito, handang-handa siya. Walang pa siyang inuurungang pagsubok. Lalung-lalo na kung si Zigmundo ang pagsubok na iyon. Para siyang tinarakan ng adrenaline sa naisip, kabi-kabila ang kanyang tinrabaho, hindi alintana ang mga nagtatakang tinging ipinukol sa kanya ng mga kaibigan.

NAPANGITI si Ziggy nang mabasa ang text ni Jaeda. Nagpasabi na ito na ang banda niya ang tutugtog sa kaarawan ni Jorick next month. And to his delight, ayon kay Jaeda, si Freya ang napiling—or more like, napilitang—maging in-charge na kausapin siya para makipag-cooperate sa gaganaping selebrasyon. Of course, hindi pa nito alam na naabisuhan na siya ni Jaeda in advance.

Tinutukso kasi sila ni Freya ng mga kaibigan nito. Aaminin niyang unang kita niya pa lang dito ay na-attract na siya agad dito pero nang naglaon ay naaaliw na siya sa tuwing inaasar at tinutukso na niya ito.

Hindi naman siya galit dito o ano pero kasi tuwing aasarin niya ito, she makes that face that he finds... cute. He likes the way her brows would come together and her nose gets wrinkled and she would pout unconsciously—he knows it's unconscious because she fails to scare him even if that is her real intention. Tumatahimik lang naman siya kapag nararamdaman niyang umaabot na ito sa limit nito.

Naiisip niya pa lang ito ay napapangiti na siya. Hindi na siya makapaghintay na makita ito. Tiningnan niya ang relong-pambisig. Quarter to twelve. Malapit nang mag-lunch.

Pinindot niya ang intercom.

"Yes, Sir?" bungad sa kanya ng kanyang sekretarya.

"Anise, what's my schedule for this afternoon?"

"Meron po kayong field inspection sa Marikina at three with Sir Rieley and 'yong group dinner niyo po kina Sir Jorick this coming weekend pinapasabi niya raw pong i-remind ko raw kayo."

Napakunot-noo siya. "Akala ko ba si Caleb ang na-assign na pumunta doon kasama ni Rieley?"

Ang alam niya ay napunta kina Rieley at Caleb ang kliyente nilang balak magpatayo ng isang mall sa Marikina. Kadalasan kasi ay draw lots ang ginagawa nila para sa kani-kanilang mga assignment o kaya naman ay kung ini-request nila ang project o kung sila mismo ang gusto ng mga kliyente nilang gumawa niyon. Kapag major ang project, dalawa ang hahawak ng mga iyon pero kadalasan naman ay lahat sila ang nagbe-brainstorming para sa naturang project kung hindi sila busy sa mga individual projects nila. Kung maliliit na mga proyekto naman ang nakuha nila, kaya na nilang magkanya-kanya roon.

"Eh, kasi po may emergency raw sa kanila si Sir Caleb kaya kayo na lang daw ang sumama kay Sir Rieley."

Napaisip siya. Three pa naman ang appointment niya. May oras pa siyang pumunta sa balak niyang puntahan. Pero naisip niyang puwede rin niyang pakiuasapan sina Rieley at Jorick na pass muna siya sa mga appointments na iyon. Iniisip niya kasing posibleng sa weekend sila mag-uusap ng kapartner niya tungkol sa surprise birthday party ni Jorick kaya baka maging hassle kung dadalo siya sa dinner sa kanila Jorick. Napangiti siya nang maisip na puwede niya pang isingit ang "special appointment" na gusto niyang puntahan. Mas importante at less boring ang panggugulo niya sa taong iyon kaysa sa ibang appointments niya—not that Jorick and Rieley are boring companions. Para sa kanya kasi hindi makukompleto ang araw niya kapag hindi niya nakikita ang pagsusungit ng babaeng iyon.

"Sir?" pukaw sa kanya ni Anise.

"May pupuntahan ako ngayon, Anise. Ikaw na ang bahala dito."

"Ha? Pero, sir, may appointment po kayo mamayang hapon and—"

"Relax, Anise. Babalik ako agad—maybe—or better yet kakausapin ko na lang si Jorick. Kung may maghahanap sa 'kin, tell them to set an appointment or call me directly if it's so important. Got it?" putol niya sa sasabihin nito.

"On-field po ngayon si Sir Jorick. Gagabihin na po siya ng balik," anito.

Sandali siyang napaisip. Nakalimutan niyang may trabaho nga pala itong tinanggap sa probinsiya. Siguradong late na ito makakarating. Si Jared na lang yata ang natitirang walang on-field assignment maliban sa kanya.

"Sige, si Jared na lang ang kakausapin ko." Isang malokong ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Actually, puwede niya rin lang naman i-text si Jorick at Rieley pero parang mas gusto niya itong asarin at guluhin nang mga oras na iyon.

"Got it. Anything else, sir?"

"I'll call you if something come up, thanks."

Nagmamadaling lumabas siya ng opisina at tinungo ang katapat na opisina ni Jared. Nakasalubong niya ang isang babaeng papalabas ng opisina nito na tila galit na galit. He haven't met her personally pero nakita niya ito sa mga pictures na kasama si Jared noon. Ex-girlfriend ito ng kaibigan at base sa hitsura nito ay hindi nito nagustuhan ang naging resulta ng pag-uusap nito at ng dating nobyo.

Nakita niya ang sekretarya ni Jared na tila kinakabahan sa maaaring mangyari. Malamang ay nagpumilit pumasok si Kelly at hindi nito naabisuhan si Jared. Nginitian niya ito to reassure her somehow that it wasn't entirely her fault.

Kinatok niya ang pintuan ng opisina nito at binuksan iyon. Sumilip siya sa loob at nakita niyang nakaupo si Jared sa mesa nito habang hinihilot ang sentido. Mukhang talagang na-stress ito sa pagdating ni Kelly.

"May giyera bang naganap?" nakangising tanong niya rito.

Napakunot-noo siya. "Ano'ng pinagsasasabi mo?"

"Nakita kong lumabas si Kelly na galit na galit. Mukhang natalo sa lotto ang hitsura." Napapalatak siya.

Napailing na lang ito. "Ano ba ang kailangan mo at sumugod ka rito?"

"Wala lang. Na-miss lang kita, brod." Natawa siya nang pagtaasan siya nito ng kilay. "Pakikiusapan sana kitang sabihan si Jorick na hindi ako makakapunta sa dinner sa bahay nila this weekend."

"Tawagan mo na lang o kaya i-text."

"Walang signal do'n sa site," pagdadahilan niya. Hindi naman siya sigurado kung may signal doon o wala pero kasi ayaw niya lang sumagot sa mga tanong nito kung ano talaga ang gagawin niya. Nakakatamad mag-explain besides baka mamaya madulas siya at may masabi pa siya tungkol sa surprise party nito.

"Ba't hindi mo na lang hintayin ang pagbalik n'on mula sa site?"

"Malamang gabihin na ang mga iyon pagbalik. May date kasi ako ngayon 'tsaka sa weekend," aniya kahit na wala namang kasiguraduhan iyon.

"Ang sabihin mo, gusto mo lang ipagmalaki sa akin na may date ka. At sino naman ang malas na babaeng napilit mong maka-date?" pabirong tanong nito.

He grinned. "Hindi naman masyado, slight lang," he made a gesture with his thumb and forefinger. May isang taong sumagi sa kanyang isipan. "No other than my one and only... tantananantanan... S-E-C-R-E-T!" sinabayan pa niya iyon ng malakas na tawa. Wishful thinking lang siguro niya na magkakaroon siya ng date kasama si Freya. Napapangiti siya tuwing maiisip na makakasama niya ito. There would be lots of time for him to irritate her.

"Wala kang kuwentang kausap." Napapailing na inayos nito ang mga dokumento at blueprints sa lamesa.

Napangiti siya. "Basta ang masasabi ko lang, para siyang dragon pero kung ikukumpara kay Kelly, sa dragon na lang ako kaysa sa monster na parang mangangain ng tao kung hindi makuha ang gusto," nakangising sabi niya rito bago tinungo ang pinto. "O pa'no? Pakisabi na lang kay Jorick, ha? Thanks!"

Hindi pa ito nakakasagot ay lumabas na siya ng opisina. Pasipul-sipol pa siyang lumabas ng building at tinungo ang parking lot.

Pasakay na siya ng kanyang kotse nang maisip ang destinasyon. Mukhang ako 'ata ang pupunta sa giyera, ah... Good luck to me...

NAPABAHING si Freya dahil sa alikabok na tinanggal niya sa isang kahon ng mga plato. Kasalukuyan siyang naglilinis ng stockroom sa restaurant dahil pinalitan na siya ni Jaeda sa may kaha. Hindi niya kasi schedule nang araw na iyon, dahil sa wala naman siyang gagawin sa bahay ay pumunta na lang siya sa restaurant.

Simula kasi nang maipatayo nila ang restaurant ay bumitiw na siya sa tinatrabahuhang accounting firm para mas makapag-concentrate siya sa kanilang business. Kaya parati niya na lang inaabala ang kanyang sarili sa pagpunta sa resto. Ngunit pinagsasabihan din siya ng mga kaibigan niyang magpahinga naman daw paminsan-minsan. Puro na lang kasi trabaho ang iniintindi niya. Kadalasan nga ay tinutukso siya ng mga ito dahil wala raw siyang ka-lovelife-lovelife. Twenty-five na siya pero wala pa rin siyang nagiging nobyo. Wala naman sa kanya iyon. In fact, she find boys troublesome. Especially that specific guy who always get on her nerves. Napailing siya para mapalis ito sa isipan niya. Baka highblood-in na naman siya dahil dito.

Napabahing muli siya nang nagsiliparan ang alikabok sa pinagpag niyang mantel. Sunud-sunod siyang napaubo. Itinakip niya ang kanyang kamay sa mukha. Nakalimutan niyang hawak pa rin niya ang mantel kaya ang alikabok doon ay lumipat sa kanyang mukha. Binitiwan niya ang mantel at pabagsak na umupo sa isang monobloc chair.

Dahil si Jaeda nga kasi ang nakatoka sa araw na iyon ay hindi ito pumayag na siya ang tumao sa may kaha. Ayaw naman siyang paharapin nito sa mga customers dahil baka lang daw matakot sa kasungitan niya. Kaya naghanap na lang siya ng maaari niyang pagkaabalahan na malayo sa mga customers.

Hindi naman sa antisocial siya pero mas gusto niya minsan ang katahimikan tuwing nagsosolo siya. Marami kasi siyang iniisip kahit na mga kaliit-liitang bagay na hindi na dapat isipin ay naiisip niya. Ewan ba niya pero parang always on the go ang utak niya.

Pero ang pinaka-priority sa lahat ng pinag-iisipan niya ay kung paano niya ia-approach si Ziggy. Ilang araw na ang lumipas mula nang sabihan siya ni Jaeda na kausapin niya si Ziggy para makipagtulungan para sa surprise birthday party ni Jorick pero tila wala talaga siyang maisip na paraan kung paano niya ito kakausapin. Tila kapag tuwing ito ang iniisip niya ay hindi siya makapag-isip nang matino. Para bang ayaw itong i-acknowledge ng pag-iisip niya at palaging loading na lang ang utak niya.

Napakunot-noo siya nang may makita siyang maliit na bagay na gumalaw sa pagitan ng mga kahong nasa harap niya. Inaninag niya kung ano iyon, hindi kasi masyadong maliwanag sa stockroom kaya hindi niya makitang mabuti kung ano iyon.

Nanlaki ang mga mata niya nang malaman kung ano iyong gumagalaw. Daga! Hindi lang isa, kundi dalawa! Hindi siya matatakuting tao pero kung may isang bagay rito sa mundo na kinatatakutan niya, daga iyon. Ni hindi nga siya lumalapit tuwing makakakita siya ng hamsters o kaya guinea pig. Noong maliit kasi siya ay nakagat siya ng isang daga, nagkaimpeksiyon iyon dahil hindi niya agad sinabi sa mga magulang niya. Mabuti na lang at naagapan kaya kahit paano ay gumaling ang paa niyang nakagat ng daga. Simula nang araw na iyon ay natatakot na siyang lumapit sa mga daga, parang may psychological effect ang nangyari sa kanya noon.

Mabilis siyang napaatras nang makitaniyang gumalaw muli ang mga daga. Malakas niyang nabunggo ang isang shelf ngmga precious china kaya gumalaw iyon. Mabilis niya iyong hinawakan para hindimatumba at mahulog ang mga china ngunit nang tumingala siya ay isang malakingkahon na nakapatong sa itaas noon ang saktong mahuhulog sa kinatatayuan niya!   

Continue Reading

You'll Also Like

43.9K 791 12
Catchline: "Hindi ako nagbibiro nang sabihin kong mahal kita. Hindi rin ako nagbibiro nang halikan kita. Pasensiya ka na, hindi ko napigilan ang sari...
110K 1.9K 10
Supermodel No. 1 Renjie Osuke, "Ang Model ng Hipon" ng TMA.
91.3K 1.6K 10
Mahalaga kay Anise ang Liberty Hotel account na malaki ang maitutulong sa career niya bilang architect. What she did not expect was that once she got...
104K 1.7K 13
Para makasiguro ang kuya ni Kate na hindi na muling makikipag-date sa lalaking hindi nito gusto para sa kanya, pinakiusapan ng kuya niya ang best fri...