The Prude Damsel (published/u...

By JuliaFrancineSicat

78.2K 1.5K 20

Nang mamatay ang lola ni Freya ay nasanay na siyang mamuhay nang mag-isa. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

PROLOGUE

14.9K 208 1
By JuliaFrancineSicat

"BILISAN mo na at kanina pa naghihintay sina Colette," sigaw ni Freya sa papaakyat na si Jaeda.

"Oo na, oo na. Kumuha ka na lang ng juice sa ref habang naghihintay ka diyan," wika nito bago nagmamadaling pumasok sa kuwarto nito sa ikalawang palapag ng bahay.

Magkikita silang magkakaibigan dahil malapit nang matapos ang summer vacation at sa susunod na pasukan ay magse-second year na sila sa kani-kanilang kurso sa kolehiyo. Accounting ang kursong kinuha niya samantalang Business Administration ang kinuha ni Jaeda kasama nina Elise at Aika. Si Colette naman ay Masscomm ang kinuhang kurso.

Dinaanan na niya si Jaeda dahil malapit lang naman ang bahay nito sa kanila. At tama lang ang naging desisyon niya dahil mukhang hindi pa ito kikilos kung hindi pa niya ito pinuntahan. Matagal pa naman itong mag-ayos.

Umupo na lang siya sa sofa at nagbasa ng mga housekeeping magazine na nakapatong sa katabing rack ng sofa.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang may narinig siyang kotseng huminto sa garahe. Naisip niyang baka ang kuya nito iyon dahil ang mga magulang nito ay nagbakasyon abroad at sa makalawa pa ang uwi.

Ang mga magulang kasi ni Jaeda ang may-ari ng paaralang pinapasukan nila pero kahit hectic ang schedule ay sinusulit ng mga ito ang bakasyon kahit pa sandali lang iyon.

Nakita niyang papasok ng bahay si Jorick. Binati siya nito nang makita siyang nakaupo sa sofa. "O Freya, nandito ka pala. Kumain ka na ba?"

"Tapos na ako. Hinihintay ko lang si Jaeda na matapos mag-ayos. May lakad kasi kami."

Tumango ito. "May lakad na naman pala kayong magkakaibigan. By the way, you know Ziggy, right?" Lumingon ito sa lalaking nasa likod nito na hindi niya namalayang kasama pala nito sa pagpasok.

Napatingin siya sa lalaking kasama nito na nakangiting nakatitig sa kanya. Si Zigmundo "Ziggy" Gatchalian. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa lalaking ito? Ang mga magulang at mga kapatid lang naman nito ang isa sa mga pinakamagagaling na abogado sa buong bansa. Sa pagkakaalam niya ay wala pang naitatalong kaso ang mga iyon. It's a good thing they work for the good side. They strongly believe on justice and they want to bring that justice to those na talagang kailangan iyon.

Well, hindi lang naman ang mga magulang at mga kapatid nito ang sikat. Sa katunayan ay popular din ito sa campus—kasama ng buong barkada nito. They were known as the "Dream Lovers". Masagwa mang pakinggan, iyon talaga ang bansag sa mga ito mainly because they were hot, rich, and gorgeous—definitely the type of guy any girl would dream of as their lover.

Sa grupo, sina Jorick at Rieley ang may pinakamaraming head count ng mga fans, lalung-lalo na ng female population dahil hindi naman tinatanggihan ng mga ito ang mga kababaihang lumalapit sa kanila. In short, mga numero-unong playboy ng grupo ang mga ito. Si Caleb naman ang pinakasuplado sa grupo, pero kahit ganoon ay hindi pa rin maiwasan ng mga babae na lumapit dito dahil hinahangaan ng mga ito ang pagiging guwapo, matalino at pagiging seryoso nito na kung minsan ay nauuwi sa pagiging suplado. Kung ano ang nagustuhan ng mga kababaihan doon ay isa iyong malaking palaisipan sa kanya. Si Jared naman ang pinaka-loyal na type, a one-woman type of guy. Hindi kasi nito pinagsasabay ang mga babaeng nakaka-date nito. Ito na siguro ang lesser evil sa grupo. At kung ito ang lesser evil, si Ziggy naman ang greater evil.

Kung sila na lang siguro ni Ziggy ang natitirang nilalang sa mundo ay hinding-hindi niya pa rin ito papatulan. Mas sikat nga ito kumpara sa iba pero hindi kasi siya mapalagay kapag nasa paligid ito. Guwapo naman ito, matangkad, mestiso, palabiro, medyo pilyo, gitarista sa isang banda, at may pagka-playboy ang aura. O marahil dahil alam niyang playboy sina Jorick kaya somehow parang nahawa na rin ito sa aura ng mga kaibigan.

"Hi, I'm Ziggy." Inalok nito ang kamay upang makipagkamay sa kanya. Ang ngiti nito ay nasasalamin sa mga bilugan nitong mga mata na may mga mahahabang pilikmata. His sensual lips were soft-looking, nakaka-tempt hawakan.

"Freya," tipid niyang sagot habang inaabot ang nakalahad nitong kamay. Ngunit agad niya rin iyong binawi dahil pakiramdam niya ay may live wire doon.

"Pa'no brod, iwan muna kita rito, kukunin ko lang sa taas 'yong mga plates." Sinabayan niya ng tingin si Jorick nang umakyat ito sa kuwarto nito sa ikalawang palapag na katapat ng kuwarto ni Jaeda.

"So... may gusto ka ba kay Jorick?"

Nakakunot-noong napalingon siya sa nagsalita. Tumaas ang isang kilay niya sa naging tanong nito. "At ano naman sa 'yo kung may gusto ako kay Jorick o wala?" supladang sagot niya rito. Madali lang naman itong sagutin ng "wala" pero nakakairita kasi ang pagtatanong nito. Hindi naman sila close pero mga ganoong bagay na ang itinatanong nito sa kanya.

Nagkibit-balikat ito. "I just want to know who would be my possible rivals."

Napamaang siya sa sagot nito. Tama ba ang dinig niya? "Sira ka ba? Ngayon lang tayo nagkakilala!"

Hinimas nito ang baba at nakunwaring nag-iisip. "Sabi n'ong doctor ko inumin ko lang ang gamot ko at okay na 'ko." Tumangu-tango pa ito. "Yeah, it's a pity na ngayon lang tayo nagkakilala."

Medyo napaatras siya sa sinabi nito. Nagbibiro ba ito? Kahit biro pa iyon, she's not risking it.

Mukhang nahalata naman nito iyon kaya bigla itong tumawa. "Nagbibiro lang ako. I'm definitely sane, nothing to worry about." Tawa pa rin ito nang tawa dahil nanatili lang siya sa kanyang puwesto.

Biglang narinig niya ang boses ni Jorick mula sa itaas. Nilingon niya sa ikalawang palapag si Jorick. Nang ibinaba niya ang kanyang tingin ay nagulat siya nang makitang nakalapit na pala si Ziggy sa kanya.

"Ziggy, hinahanap ko pa 'yong plates. Kumain ka muna diyan."

Muli siyang nag-angat siya ng tingin sa boses na iyon ni Jorick mula sa ikalawang palapag ng bahay. Hindi niya ito nakitang lumabas ng kuwarto nito, marahil ay bumalik na ito doon. Pagbaba niya ng tingin ay laking gulat niya nang bigla na lang siyang dampian ng halik sa mga labi ni Ziggy!

Sa sobrang shock niya ay hindi rumehistro nang mabuti sa isip niya ang mga nangyari at hindi siya nakapag-react agad. Ilang minuto siyang tila naestatwa hanggang sa maabutan sila ni Jaeda sa ibaba.

"O Ziggy, nandito ka pala. Nagmeryenda ka na?" tanong ni Jaeda rito.

"Nabusog na ako sa strawberry," sabay tingin sa kanya at pilyong ngumiti na ang tinutukoy nito ay ang strawberry-flavored lipgloss niya. "Ang sarap pala ng strawberry, 'no?"

Napakunot-noo si Jaeda. "Wala akong natatandaang nagpabili kami ng strawberries. Anyway, alis na kami. 'Bye!" Hinila na siya ni Jaeda palabas ng bahay.

Pagkasakay na pagkasakay nila ng taxi ay tinanong siya ni Jaeda, "Okay ka lang ba, Freya? Mukhang wala ka sa sarili mo."

Sa sinabing nitong iyon ay parang nawala siyang bigla sa trance niya.

"O-okay lang ako. May iniisip lang."

"Pambihira naman iyang iniisip mo, nawawala ka sa sarili," napapalatak na sabi nito. Tumahimik na ito at nagsimulang hanapin sa bag ang cell phone. Nang mahanap ang cell phone ay pinabayaan na siya nito habang abala ito sa pagte-text.

Ipinako niya ang kanyang tingin sa bintana. Biglang uminit ang ulo niya nang maalala ang paghalik sa kanya ni Ziggy. That was her first kiss!

It may not be counted as a real kiss since it was more like a butterfly kiss but it was still a kiss! Her first kiss at that!

Naiinis siya dahil wala man lang siyang ginawa laban dito. She just stood there like a freaking statue instead of slapping, punching, or kicking that bastard!

Saan na ba napunta ang malditang personality niya? Binansagan pa naman siyang "Ice Queen", "Sadistic Princess", "Dragona", "Amazona" at kung anu-ano pa sa campus.

Hindi siya palakibo at palangiti sa campus maliban na lang sa mga kaibigan niya. Pakiramdam daw ng mga tao ay may pader na nakaharang sa kanya at ang hirap tibagin niyon. Para din daw siyang mangangain ng tao kung kakausapin kaya karamihan ay ilag sa kanya. Aaminin niyang pranka siyang klase ng tao. She never sugarcoats her words kaya kahit masakit ay pawang katotohanan naman ang mga sinasabi niya. She didn't care if she was the stereotype Miss Prim-and-Proper dahil ganoon naman kasi siya pinalaki ng lolo't lola niya. She never had time for boys and love. She never really cared about it anyway but...

Mahinang napamura siya nang maalala si Ziggy.

Buwisittalaga ang bakulaw na iyon!    

Continue Reading

You'll Also Like

29.1K 602 14
This one is the story of Ethan Escobar, younger brother of Trisha from The Substitute Date. Please remind me to update. 😁 "You should see a shrink...
81.6K 1.5K 10
Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito n...
1M 32.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...