Yanny and Laurel

By shinomatic

12.6K 515 75

[COMPLETE | BOYXBOY] Samahan sina Gianni "Yanny" Marquez at Laurel James De Guzman sa kanilang nakakaloka at... More

PROLOGUE
LESSON #01
LESSON #02
LESSON #03
LESSON #04
LESSON #05
LESSON #06
LESSON #07
EPILOGUE

LESSON #08

998 37 6
By shinomatic

LESSON #08

[YANNY:]

"M-Ma'am, with all due respect, prefer ko pa rin po na ako ang mag-tutor kay Yanny. Alam kong concern lang po kayo sa performance ko sa klase, pero hindi po kasi ako mapapanatag kapag hindi ko napatunayan na magkakaroon ng improvement si Yanny," biglang sambit ni Laurel sa noo'y naghahanda nang si Ma'am Tapnio.

Matapos kasi nitong sabihin ang naging desisyon niya ay tumayo na ito't nagpaalam na uuwi na. Hanggang ngayon ay tila natameme ako sa naging pahayag nito. Pakiramdam ko pa, parang may nakabara sa lalamunan ko—dahilan para lalo akong matahimik.

Saglit namang hinarap ni Ma'am si Laurel. "Naiintindihan kita, Mr. De Guzman. Wala ka namang kailangang i-prove pa roon. It's just that, masyado namang abuso kung ikaw pa rin ang hahawak sa Remedial Class ni Yanny."

"Wala naman pong problema sa akin iyon, Ma'am, and besides, to tell you honestly, doon po ako nakatira sa bahay nila ngayon. Naisip ko na rin po ito as a sign of giving back sa parents niya, kaya willing po ulit akong maging tutor niya," depensa pa nito.

Nabibigla talaga ako sa pinapakitang concern sa akin ni Laurel. Dahil ba 'to sa naging pag-uusap namin last night? Ibayong kasiyahan naman ang naramdaman ko maisip pa lang iyon. Nakakatuwa lang na handa siyang i-compromise ang iniingatan niyang performance sa school para lang sa akin. Pero on the other note, ayaw kong magpaka-selfish naman. May punto naman si Ma'am Tapnio, kung tutuusin, e. Ang hirap naman nito.

Napapitlag na lamang ako nang biglang magsalita si Erick, na kanina pa nananahimik katulad ko. "Ma'am, 'di ba po, magkakaroon ng Quiz Bee para sa Math Week?"

Napakunot naman ang noo ko roon. What's his point?

Napatango naman si Ma'am. "Yes, Mr. Trinidad. Why?"

"Mayroon po akong proposal, sasali po kami pareho ni Laurel doon at kung sino ang mananalo sa amin ay ang siyang magiging tutor ni Yanny," paliwanag nito, na nagpanganga sa akin.

What the heck? Bakit naman nila gagawin 'yon para sa akin? I mean, alam kong bobo ako academically, pero hindi nila kailangang humantong sa ganoong bagay, ano! Grabe sila!

Napataas tuloy ng kilay si Ma'am. "Simpleng favor lang ang hinihingi ko sa inyo, pero bakit kailangan niyo pang palakihin?"

Si Laurel naman ang sumagot. "Ma'am, hindi lang po kasi ito maliit na bagay, e. Mahal po namin pareho si Yanny, kaya ganito na lang kung pagtaluhan pa namin ito."

"Tama po si Laurel, Ma'am. Sana naman po, pumayag na rin kayo sa proposal ko," sabat naman ni Erick.

Kami ni Ma'am? Pareho kaming napanganga sa fearless statement nilang dalawa. Nakakaloka naman sila! Talagang may declaration of love pang naganap! Ang haba-haba ng hairlaloo ko right now!

Nang maka-recover ay saka pa lamang nag-react si Ma'am. "Kaya naman pala, e. Well, sige, papayag na ako. Bahala kayo sa buhay ninyo."

Napa-yes naman sila pareho. Nakakaloka talaga, sila lang 'yong rivals na nakita ko na imbes na magsuntukan ay patalinuhan ang napili nilang gamitin para sa—err, akin? Chariiiiiiing! Kailan pa ako natutong lumandi? Whatever.

Nang makaalis si Ma'am ay sabay namang pagngisi ni Erick kay Laurel. "So inamin mo na rin pala kay Yanny?"

Tumango naman ang isa. "Wala na rin naman ng patutunguhan kung ililihim ko pa 'to."

"Good for you. Alam mo namang gagawin ko ang lahat para kay Yanny, e," sambit ni Erick, sabay lingon sa akin para bigyan ako ng matamis na ngiti.

"Ganoon din ako, pare," nakangising sagot naman ni Laurel dito. Katulad ng una ay nilingon din ako nito at nginitian.

Nauna nang nagpaalam sa amin noon si Erick. Mukhang seryoso nga siya sa naging proposal niya kanina dahil sinabi pa nito na mag-aaral siya ng maigi para matalo si Laurel. Naku, kasalanan ko 'to, e. Parang binibigyan ko pa ng false hope 'yong tao. Kasi naman, ang hirap kaya niyang i-reject! I mean, hindi niya deserve 'yon, e. Kaso nga lang, hindi ko naman magagawang suklian 'yong pagmamahal na ino-offer niya sa akin. Ang hirap naman nito!

"Ehem."

Agad ko namang nilingon itong kasama ko ngayon, na kanina pa nakakunot ang noo. Okay, ano na naman kayang problema nito?

"Oh? Problema mo na naman?" usisa ko rito.

"First, hindi mo man lang napansin ang pagbabago sa hitsura ko. Second, hindi mo man lang ako pinili kanina na maging tutor mo ulit para sana wala ng argument na naganap pa. Last, kailangan talagang lingunin si Erick kahit palayo na 'yong tao?" seryoso nitong pahayag.

Okay? Hindi ako aware na ganito pala 'tong nerd na 'tong magselos. Grabe, ha! Anyway, oo nga pala. Nagpagupit ang loko. Guess what? Bagay na bagay sa kanya ang bago niyang gupit. Nagpalit na rin siya ng salamin. Hindi na 'yong nerdy-ish tingnan. E 'di siya na ang in love!

"First, sorry naman kung hindi ko kaagad napansin dahil nga hindi naman tayo nagkita buong magdamag, at idagdag pa ang nangyari kani-kanina lang. By the way..." Saglit akong tumigil para bigyan siya ng matamis na ngiti. "Ang gwapo mo sa bago mong hairstyle. Next, paano ako magsasalita kanina, e sobra na akong nahihiya sa naging resulta ng exam ko. I mean, parang hindi ako worth it maging tutee ninyo ni Erick. Lalo na sa'yo. Idagdag pa 'yong mga sinabi ni Ma'am na nako-compromise na pala 'yong performance mo sa klase ninyo dahil hati ang oras mo. Sa tingin mo, ano'ng mararamdaman ko roon? Last, naaawa lang ako kay Erick dahil nahihirapan akong i-reject ang pagmamahal niya sa akin. Napaliwanag ko na ba?" sagot ko rito.

Bahagya ko namang napansin ang pagba-blush nito sa sagot ko, kaya natawa naman ako.

"Bahala ka. Hahayaan kitang tumiyempo kung paano mo ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Basta ang pinanghahawakan ko lang ay ang pagmamahal mo sa akin. Iyon lang," aniya.

Matapos niyon ay napagpasyahan na naming sundan si Anika sa Starbucks para sa panlilibreng gagawin ko sa kanya. Buti na lang at pumayag itong kasama ko na sumama. Akala ko kasi, magsisimula na rin 'tong mag-aral para sa Math Quiz Bee, e. Ang sabi ko sa kanya, kahit sinong manalo sa kanila ay dito ako magpapa-tutor. Ako na nga ang tuturuan, ako pa ang mag-iinarte. Ang ganda ko naman yata sa lagay na 'yon, 'no. Chos!

"Ang tagal ninyo, ha!?" natatawang reklamo ng babaita nang makarating kami sa p'westo niya.

Natawa naman ako. "Pasensya naman. Ang dami kasing litanya ni Ma'am Tapnio, e."

"Order ka na. Dalian mo, ha?" sagot naman niya.

Inirapan ko naman siya, saka tumayo na para mag-order. Hindi ko naman napansin na sinundan pala ako ni Laurel.

"Ako na ang magbabayad," aniya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Paano ang ipon mo? Keep that. Minsan lang 'to."

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Ang ipon, madali lang i-recover. Ang effort ko para sa'yo, hindi isinasantabi."

Ano kaya 'yon? Ang korni niya, ha. Naka-attract pa tuloy kami ng atensyon dahil sa sinabi niya. 'Yong iba, simpleng pagngiti naman ang naging reaksyon. May ilan din namang napataas ang kilay. The heck? Well, kahit nakakaimbiyerna lang, pinili ko na lang na i-ignore sila. After all, buhay ko naman ito; buhay naman namin ito. At kami lang ang p'wedeng kumontrol nito. Nang makapag-order ay agad kaming bumalik sa p'westo namin.

"Thank you, girlush!" masayang reaksyon ni Anika habang inaayos ang pagkakap'westo ng kanyang matcha frappe sa mesa.

Napaikot na lang ako ng mata sa kanya. As usual, umiral na naman ang dugong-IG niya. Ipopost lang naman niya kasi 'yon.

"Girl, huwag ka sa akin magpasalamat. Dito kay Laurel dahil siya ang gumastos nito," sambit ko rito.

Tila nahiya naman siya nang marinig ito. Nahiya marahil dahil hindi naman si Laurel 'yong tipo na gagastos ng malaki para lang sa ganitong mga bagay.

"Okay lang 'yon, Anika. Huwag mo nang isipin 'yon," nakangiting sambit naman ni Laurel.

Napangiti naman ang babae. "Naku, Laurel, ang swerte naman sa'yo ni Gianni. Sana, sagutin ka na niya," natatawa nitong hirit.

"Sana nga." At nagtawanan sila pareho.

Pinagkakaisahan ako ng mga 'to, a.

________________________________________________________

Ilang araw din ang lumipas at sa ilang araw na 'yon ay pinagtuunan ni Laurel ang pagre-review para sa nalalapit na quiz bee. Gayunpaman, hindi naman niya hinayaan na mayroong masayang na araw na hindi kami nakakapag-remedial class. Talagang nag-a-allot siya ng ilang oras para lamang maturuan ako. Nahihiya nga ako sa kanya, e. Hindi naman kasi madali ang sitwasyon niya.

"Hinto muna tayo sa remedial, Laurel. Focus ka muna sa pag-aaral," sambit ko sa kanya habang pauwi na kami sa bahay.

Napakunot naman ang noo niya. "Sayang ang oras kung hihinto tayo. Isa pa, mas gusto ko pa rin na natututukan kita."

Na-touch naman ako roon, pero siyempre, hindi naman ako makasarili, ano.

"Gusto ko ring mag-focus ka sa parating na quiz bee. Ikaw na rin ang nagsabi, gusto mong ikaw pa rin ang mag-tutor sa akin, 'di ba?" ani ko.

Napabuntong-hininga naman siya. "Oo na, panalo ka na. Hinto muna tayo sa remedial mo. Happy?"

Ngumiti naman ako. "Thank you."

"Basta, para sa'yo."

Nabigla naman kami nang maabutan namin sina Mama at Dad na masayang nagkukwentuhan sa sala. Agad naman nila kaming napansin kaya nginitian nila kami, at inaya na maupo kasama nila.

"Ano'ng mayroon?" tanong ko sa kanila.

Ngumiti naman si Dad. "Kinausap kami ng adviser ni Laurel, since kami na nga ang legal guardian niya."

"A-Ano pong sabi, Tito?" tanong naman nitong kasama ko.

Si Mama naman ang sumagot. "Nakapasa ka raw sa UPCAT."

Napanganga naman si Laurel sa narinig. So...nag-take pala siya ng UPCAT? Wow, masaya ako para sa kanya. I mean, ang hirap kayang makapasa roon. About sa fact na magkakahiwalay kami ng school? Wala namang issue sa akin 'yon. After all, hindi naman ako 'yong tipo na makasarili, 'no.

"Wow, magandang balita po 'yan!" tuwang-tuwang sambit nito. "Pero, I guess, hindi ko na po ipu-purse ang UP Diliman."

Nagtaka naman kami sa naging pahayag niya. Lalo na si Dad. Sa UP din siya nag-aral, e.

"Bakit naman, hijo? Suportado ka naman namin, e," buong pagtatakang tanong ni Dad dito.

Ngumiti naman ito. "Salamat po sa suporta, Tito, pero mas gusto ko na lang pong dito na lang sa lugar natin mag-aral. Mayroon din naman pong magagandang campus dito, at nag-o-offer din naman po sila ng scholarship," buong paliwanag naman nito.

"Sayang naman 'yong UP, Laurel," ani ko naman.

Ano naman kayang tumatakbo sa isipan nitong nerd na 'to. Nakakaloka siya, e.

Imbes na sagutin ako ay kina Dad ito humarap. "Alam ko pong nasabi ko na po ito sa inyo, pero mahal ko po ang anak ninyo. Ayaw ko pong mahiwalay sa kanya."

Dahil pala sa akin kaya tatanggihan niya ang UP? Nahihibang na ba siya? Dahil sa sama ng loob ko ay pinili ko na lamang na mag-walk out at madaling pumunta sa kwarto ko—namin. Mahal ko siya pero hindi ko kayang ipagkait sa kanya ang pangarap niya. Pero anong ginagawa niya? Bakit pipiliin niya ako, kaysa sa pangarap niya? Alam kong weird lang na imbes na matuwa ako sa declaration niya ay naging emotional pa ako. For the first time since our first encounter, ngayon lang ako nakaramdam ng frustration sa kanya.

Hindi ko napansin na sinundan pala niya ako at heto nga, nasa tabi ko na siya.

"Ayaw mo ba sa naging desisyon ko?" nagtataka nitong tanong.

"Sa tingin mo?" pagalit kong tanong sa kanya. "You chose me over your dream. What the hell, Laurel?"

Napamaang siya roon, pero mahinahon pa rin niya akong sinagot. "Masama bang piliin kong huwag mapalayo sa'yo? Yanny, mahal kita at ikaw lang—kayo ng pamilya mo—ang tinuturing kong pamilya ngayon."

"Ang lame pa rin ng rason mo, Laurel. I mean, magandang opportunity na 'yon, yet pakakawalan mo lang? Tsk!" sambit ko pa.

"Pero—"

"Huwag mo muna akong kausapin. Galit ako sa'yo," sambit ko pa, saka nagmamadaling lumabas sa kwarto namin.

Childish? Bakit, masama na bang magalit dahil lang doon? Hindi lang naman kasi 'yon ang issue ko roon, e. Iniisip ko rin ang sasabihin ng mga tao sa paligid niya. I mean, ano na lang ang magiging reaksyon nila kung malalaman nila na ipagpapalit ni Laurel ang UP para lang sa akin? Hindi ko yata kayang marinig ang mga iyon. Aware akong mataas ang expectations ng mga tao sa kanya. Evident naman iyon sa naging desisyon ni Ma'am Tapnio sa kanya noong nakaraan, e. Ang sa akin lang naman, hindi naman ako aalis, kaya wala naman siyang rason para mag-stay parati sa tabi ko.

Dahil tuloy sa nangyari ay naging mailap ako sa kanya. Hindi ko siya kinakausap kahit pa ilang beses na siyang nag-attempt na gawin iyon. Napapansin din naman iyon nina Mama, ngunit pinili ko na lang na magpalusot. Kahit nga sa mismong araw ng contest nila ay hindi ko siya kinikibo, e.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" tanong niya.

Papunta na kami sa school ngayon at hanggang ngayon ay iniiwasan ko pa rin siya.

Umirap lang ako sa kanya noon, sabay lingon sa bintana ng kotse.

Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. "Fine, mayroon akong proposal sa'yo. Kapag ako ang nanalo sa contest, hahayaan mo akong mag-decide para sa sarili ko. At kapag ako naman ang natalo, hahayaan kitang mag-decide para sa akin—at sa atin."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang huli niyang statement. Pero...huwag muna. Maggagalit-galitan muna ako sa kanya.

"Deal," tipid kong sambit.

Naka-set up na ang venue nang makarating kami roon. Agad naman kaming nakita ni Anika, at inaya muna sa p'westo niya.

"Nakakaloka si Ma'am Tapnio, girl! Pina-excuse ang klase natin para raw sumuporta kina Laurel at Erick!" She exclaimed.

"Gano'n?" ani ko naman.

Tumango naman siya. "Oo, girl! Dahil importanteng araw daw ito para sa'yo! Gosh, kinikilig akiz!"

Napakunot ang noo ko roon. Nakakaloka si Ma'am Tapnio! Talagang pinangalandakan pa sa buong klase ang nangyari noong nakaraan. Jusko!

Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Laurel sa amin dahil nandoon na sa stage ang mga participants. Nandoon na rin si Erick, na kumaway pa sa gawi namin nang mapansin kami.

"Girl, kung ako sa'yo, right after ng contest na 'to, kausapin mo na si Erick. Nakakaawa naman 'yong tao kasi," suhestiyon sa akin ni Anika nang makaupo kami.

Napangiti naman ako. "Noted."

________________________________________________________

Labis ang kaba na nararamdaman ko ngayon. Paano kasi, dalawang tanong na lang ang natitira at lamang si Erick ng isang puntos kay Laurel. Dito pa lang, masasabi kong talagang pinaghandan ng una ang nasabing quiz bee. Kahit si Anika ay kinakabahan din. Nasabi ko rin kasi sa kanya 'yong tungkol sa deal na naganap, e. Maski siya ay nabigla dahil hahantong pala roon si Erick.

"Naku, sino kaya ang mananalo sa kanilang dalawa?" tanong nito sa akin.

Hindi ko na lang siya sinagot noon, since kabado pa rin ako. In-announce na rin ng quiz master ang tanong. Hindi ko na inintindi pa iyon dahil sumasakit lang ang brain cells ko sa hirap ng tanong. Pagkarinig naman ng signal ay mabilis na nag-solve ang lahat ng kasali—including silang dalawa. Isa-isa naman nilang itinaas ang cardboard na hawak nila nang matapos ang alloted time nila. Magkaiba ng sagot sina Laurel at Erick. Nakakakaba naman.

"The answer is..." Saglit na huminto ang quiz master sa pag-aanunsyo. "2,525.33 square meters! Only one got the correct answer."

Mas lalo pa akong kinabahan noon dahil sa pagkakakuha ni Laurel ng tamang sagot. Pantay na sila ngayon ni Erick ng score, at ang huling tanong ang magsisilbi nilang tie breaking question; iyon ay kung makuha ng isa sa kanila ang tamang sagot.

"Nakakaloka, besh! Ayaw nilang patalo!" kumento ni Anika sa akin, sabay yakap sa braso ko.

"Oo nga, e," tipid ko namang kumento.

"Ibang klaseng fight for love 'to! Ang haba ng hairlaloo mo!" biro pa nito.

Natawa naman ako sa kanya. Kasabay niyon ang pag-aanunsyo ng quiz master ng huling tanong. Lahat ng tao sa venue ay labis din ang anticipation na nararamdaman, lalo't dikit talaga ang labanan sa pagitan nina Laurel at Erick. Makikita mo talaga sa expression ng mga mukha nila ang urge na maipanalo ang nasabing quiz bee. Sa pagtatapos ng timer ay sabay nilang itinaas ang card board nila. Lahat ay nabigla sa sagot nilang dalawa.

"Nakakaloka!" Anika exclaimed.

Ako? Halos manlaki ang mata ko sa nakita.

[Itutuloy...]

Continue Reading

You'll Also Like

56.6K 2.6K 31
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
48.9K 1.8K 72
The only memory that Yanny has with Byron Arevalo ay noong ipinahiya sya nito by calling her batang kwago sa seventh birthday ng anak ng family frien...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
20.2K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...