ViceRylle: Pansamantala

By nickstah

205K 5.8K 513

What would you do when you accidentally fall for your best friend? Kaya mo kayang ipaglaban ang totoong nara... More

Introduction
Story Of My Life
"I need you now.."
Someone Special
Tampo Moments
Lucky I'm In Love With My Best Friend
Now Playing: Tamang Panahon
Coffee Date
Dedma-zoned
Emergency
Seenzoned
Ang Pagtatagpo
Akin Ka Na Lang
Feb-ibig
Just A Friend
Wag Kang Bibitiw, Bakla.
One Night... Stand?
Happy Birthday
Vice, Surprise.
Deal or No Deal?
Probinsyano
Under The Stars
This Is It Pansit
Reality
Chances
Ang Nakaraan
Darkness
Revelations
Diary

Boys Night Out

8K 207 9
By nickstah

Alas onse na ng gabi nang bigla namang nagring ang cellphone ni Vice. Tumatawag na pala ang kaibigan niyang si Billy.

Billy: Viceral! Asan ka na? Kanina pa kita tinatawagan ah

Vice: Sorry naman ang himbing ng tulog ko eh. 

Billy: Palusot. Sabihin mo nalang kasi na busy kayo ni Ke--

Vice: Gaga! Oo na eto na papunta na ako wag kang echosera! Bye!

Mabilis namang bumangon si Vice para makabihis na. Simpleng black v-neck shirt at maong pants lang ang suot niya ngayon. Hindi katulad ng dati na baklang-bakla kung rumampa si beks. Wala na rin daw kasi siyang oras para makapagmake-up pa, kaya simpleng face powder at lipstick lang siya ngayon.

Kinuha na niya ang kanyang black shoulder bag at agad na nag-abang ng taxi sa labas ng dorm.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na siya ng bar.

Sa Guilly's... 

Saktong pagbaba ni Vice ng taxi ay naabutan niyang may kausap sa telepono niya si Vhong. 

"For sure girlfriend niya na naman yan.." bulong niya sa sarili.

Nilapitan niya agad ito para kilitiin kaya naman nagulat ito at muntik na ihulog ang cellphone sa sahig. Hindi nagtagal at binaba na ni Vhong ang tawag at agad na tinulak si Vice.

"Gago brad. Nanay ko yun ano ka ba naman."

"Ay! Kala ko ba naman jowa problems. Asan si Billy?"

"Di ah. Okay kami.." sagot ni Vhong.

"Di ako tulad mo ngayon. Heartbroken. Nasa loob na. Tara." pang-aasar niya sa kaibigan.

Inirapan nalang siya ni Vice at sumunod na rin ito sa loob. Medyo marami ng tao at halos lahat doon ay estudyante din ng kanilang paaralan. May ibang mga kakilala si Vice pero hindi siya napapansin ng mga ito dahil sa kanyang porma.

Lalake daw ang outfit.

Ilang metro pa ang pagitan at sinigawan na agad ni Billy ang kaibigan.

"Brad!! Gwapo mo!"  nandiri naman ulit si Vice at niyakap nalang ito. "Wala na kasi akong maisusuot. Eto nalang nahanap ko." 

"Pero bagay sa'yo. Gwapo mo pala pag boy ka."

"Yuck! Nako Billy nababakla ka na sakin ah!" 

Umupo na silang tatlo at nag-order na ng maiinom. 

Naging normal naman ang kanilang mga pinag-usapan. From school, family, friends.. They also decided na pumunta rin sa dance floor paminsan-minsan para makapag-enjoy pa lalo kasama ang mga kaibigan nila.

As expected, kahit pormang lalake si Vice ay lumalapit pa rin siya sa mga boys. Pero para sumayaw lang naman. 

Mas nagenjoy pa ang magkaibigan, dahil nandun din sa lugar ang mga kaibigan nilang sina Jugs and Teddy na busy naman sa paghahanap ng mga girls nila. At sa hindi inaasahan, nakita rin ni Vice ang crush niyang si Karylle. 

...kasama ang boyfriend nitong si Yael.

Dinedma nalang ni Vice ang view at pilit na ibigay ang atensyon sa kanyang mga malalapit na kaibigan.

-

-

-

-

-

Hangga't sa dumating na ang alas tres ng umaga at naparami na ang inom ni Vice kaya tuluyan na siyang nalasing. Napagdesisyunan nilang tatlo na bumalik na sa mesa nila para makapagpahinga dahil medyo tipsy na rin si Billy.

Tawang-tawa naman si Billy at Vhong sa kaibigan dahil sa kung anu-ano na ang pinagsasabi nito. 

"Gwapo ko.. Mas gwapo pa ako sa inyo!" sabi ni Vice sabay inom ng tequila. "Perfect ako eh!! Pareho na tayo!!!". Bigla namang naisipan ni Vhong na tanungin na si Vice tungkol sa kanyang dinaramdam ngayon. Medyo nabo-bother na kasi sila lately kay Vice. Hindi na ito maingay, kaya naramdaman din nila na may pinagdadaanan nga ito.

Kinuha na ni Vhong ang isang shot glass at inabot ulit ito kay Vice dahil kanina pa rin naman ito humihingi ng mas maraming alak, sabay tanong. "Ano ba problema mo ngayon brad? Alam mo namang andito lang kami ni Kuys Billy para tulungan ka.". Kinuha naman ni Vice ang baso at ininom agad ang alak. "Ayoko na kay Kevin.". Nang marinig ni Billy ay muntik na niyang itapon ang hawak na bote ng beer.

 "Teka. Ano?!" pagtatanong ulit ni Billy pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Vice. 

"Bingi ka ba? Ayaw ko na nga kay Kevin.."  sagot ulit ni Vice. Unti-unti namang lumalapit si Billy kay Vice para mas marinig niya ito dahil mas malakas na ngayon ang music sa loob ng bar. "Bakit nga?"  

"Iba na gusto ko.."  

"Sino?"

"Si K--....." 

"Ha?!"  parang magkadikit na ang tenga ni Billy at labi ni Vice ngayon dahil sa sobrang ingay. 

"Si..." 

-

-

-

-

-

Nilingon naman ni Billy si Vice at nakita niya nalang na nakatulog na ito. Napailing na lang si Vhong dahil sa hindi na naman nila nahuli ang kaibigan. Gusto man sana nilang tulungan 'to, pero di rin nila magawa dahil ayaw naman nito sabihin ang pinagdadaanan.

"Wala na brad. Knock out na si Jose Marie. Iuwi na natin 'to" sabi ni Vhong. Kaya tumayo na rin si Billy at inalalayan na rin ang kaibigan sa pagbubuhat kay Vice. 

Sumakay na sila sa sasakyan ni Vhong at mabilis namang umalis ng bar. Hinatid na ni Vhong ang dalawang kaibigan dahil siya na lang ang hindi natamaan sa gabing 'yon.

Kinabukasan... 

Minulat ni Vice ang kanyang mga mata at binungad naman siya ng isang sakit ng ulo. "Ahhh!! Tang*na!" pasigaw niyang sabi habang nakahawak sa ulo niya. Bumangon na agad siya at tumakbo sa banyo para magsuka. 

Pagkatapos ay kumuha na siya ng gamot na maiinom para mawala na ang hangover na nararamdaman. Tiningnan naman niya ang cellphone niya, at nakita niyang nagtext ang kaibigan na si Vhong.

"Brad, pahinga ka muna ah baka magkasakit ka. May utang ka pang kwento samin ni Billy!" 

Sinubukan naman niyang alalahanin ang mga nangyari nung nakaraang gabi, pero talagang wala siyang maalala sa sobrang kalasingan. 

"Teh, late ka na inuwi ng mga jowa mo kagabi. San ba kayo galing?" tanong ng roommate niyang si IC. Napainom naman si Vice ng tubig dahil wala talaga siyang alam sa mga nangyari kagabi. "Ang alam ko lang, pumunta ako ng Guilly's tapos wala na. Nalasing na ako eh." pinagtawanan naman siya ni IC. 

"Bilis mong tamaan!" 

Binalewala nalang 'to ni Vice at agad namang kumuha ng damit para makaligo na dahil sobrang lagkit pa rin niya. 

Habang naliligo, ay ilang beses namang nagri-ring ang telepono niya. Kaya mas binilisan niya ang pagligo dahil mukhang importante ang tawag na yun. Well actually, hindi pa siya nakatapos ay agad na siyang lumabas ng banyo at nakita niya ito:

1 text message and 17 missed calls from Karylle 

 

Bumilis naman ang pagtibok ng puso niya. Binasa agad niya ang text..

"Vice, I need you now. Please." 

Nataranta naman si Vice at mabilis na bumalik sa banyo, at nagpalit ng damit para mapuntahan ang kaibigan. 

Continue Reading

You'll Also Like

36.2K 1.2K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
113K 5.6K 62
They say things happen for a reason, so if that's the case there's a reason why I fall inlove with you? but falling inlove with you means taking a ri...
2.7K 52 17
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...