THE COLDEST (in major revisio...

By JannaMaePH

719K 13.2K 1K

GENRE: Action, Gangster, School, Secrets, GangLand, GangMaster. Two groups of handsome men carrying extraordi... More

THE COLDEST
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III Flashbacks of how they met. (MACAU escapade)
Kabanata IV. HEIRS OF MILITARY FAMILIES
Kabanata V.
Kabanata VI. Team A vs B and the Mystery Girl
Kabanata VII. Who's M2, the traitor?; And the preparation for Charity's Bday.
Kabanata IX. The INCIDENT.
Kabanata X. Indenial Stage at YZ Gym.
Kabanata XI. I can feel you, Zai.
Kabanata XII. The half reason why SHE'S COLD.
Kabanata XIII. The PAST
Kabanata XIV. She's still the same. ; FLAMES.
Kabanata XV. Aja Ace! AJA! ^___^//
Kabanata XVI. SVU Memorial Hospital
Kabanata XVII. Hospital PART 2
Kabanata XVIII. The ACQUAINTANCE
Kabanata XIX The ACQUAINTANCE PART 2
Kabanata XX. The ACQUAINTANCE PART 3
Kabanata XXI. The TRANFEREES
Kabanata XXII. The TRANSFEREES PART 2
Kabanata XXIII. The UNEXPECTED VISITORS
Kabanata XXIV. UNEXPECTED VISITORS Part 2
Kabanata XXV. UNEXPECTED VISITORS PART 3.
Kabanata XXVI. Strange Call and Threat.
Kabanata XXVII. THE MAFIA HEIRESS Childhood
Kabanata XXVIII. PICTURES SOLD.
Kabanata XXIX Argumentum & Momentum
Kabanata 32 ANG PAGTITIPON
Kabanata 33 Juniper, ang bagong transferee and THE THRUTH.
Kabanata 34 ANG PAGKABALISA ni YUE.
Kabanata 35 QUEZON PROVINCE FIELDTRIP
Kabanata 36 THE CAVE and THE STRANGERS.
Kabanata 37 Renz's Hidden Feelings
Kabanata 38 HEAVEN and HELL.
Kabanata 39: THE RETURN
KABANATA 40 LOTTO
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43 Ang pagdating ng ilang gangster, capo at reaper.
Kabanata 44 He loves me? He loves me not?
IMPORTANT ANNOUNCEMENT

Kabanata VIII.

19.3K 317 16
By JannaMaePH

Zai's PoV

Kinabukasan, maaga akong gumising upang maabutan ko ang Presidente at makapagpaalam sa kanya na aalis ako ngayong araw. Ngunit sa pagkadismaya ko'y hindi pala umuwi ang Presidente dahil may out of town charity gathering syang pinuntahan at marahil ay doon na lang sya nagpalipas ng buong magdamag.

Sa pagkadismaya ay tinungo ko ang silid ng aking ina dito sa mansyon. Akmang hahawak pa lamang ako sa doorknob ay may pumigil na sa akin. "Miss Zaila wag po. Hindi makabubuti sa inyong ina na makita kayo ngayon. Baka po lalo lang lumala ang kondisyob nya." Ang sabi ng private nurse na nag aalaga sa kanya. At akmang hahaplosin nya ang likod ko ngunit..

"Wag." pagtanggi ko. Ayoko ng hinahawakan ako at ayoko rin ng may dumidikit sa akin.

Nakatungo akong sinuot ang jacket ko at tsaka kinuha ang susi ni Storm, ang pangalan ng kotse ko.

Dumiretso na lang ako sa bahay nila Hope at doon nakita ko na ang magandang preparasyon ng mansyon ng mga Tuangco para sa kaarawan ni Charity.

Maaga pa ako at nag-intay pa ng isang oras doon bago dumating sina Nyx. "Zai ang aga mo naman." bungad nya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Hi Zai!" bati naman sa akin nina Mich at Mona.

"Nasaan na si Hope? At ang birthday girl?" tanong naman ni Anton. Tinuro ko ang garden ng mansyon kung saan gaganapin ang birthday ni Charity.

"Wow! Ang gandaaaa." Sabay sabay nilang nasambit pagkakita sa venue. "Tara na sa loob Zai." yaya nila sa akin.

"Mauna na kayo."usal ko. Gusto ko munang manatili dito sa labas ng mansyon habang nakasandal kay storm.

"Sige, sunod ka mamaya ha." Sambit ni Mona at pumasok na sila sa loob.

Maya maya pa'y natanaw kong palabas na si Hope ng mansyon nila at dal daling nagtungo sa kinaroroonan ko. "Zaaaaai!" tsk. That loud annoying voice. "Okay, okay hihinaan ko na ang boses ko. 'To naman." aniya dahil umiwas ako sa kanya. "Kanina ka pa daw nandito. Bakit di ka pumapasok?" malungkot ang boses na tanong nya.

"Di bagay sa'yo ang malungkot. Pumasok ka na don. Sudunod na ako."

"Talaga ha?" Pinanlakihan nya ako ng mga mata. Tumango ako bilang tugon. At tsaka tumakbo na syang muli papasok ng bahay.

At biglang nagflashback sa utak ko ang mga sinabi ng mga lalaking nakaitim. Hindi lamang daw sila ang nagmamatyag sa akin kundi may iba pa. At tatraydorin daw ako ng taong iyon.

Nah.. Napailing ako. Hindi maaaring si Hope 'yon.

Pinalis ko muna sa isip ko ang mga agam-agam na iyon at nakisaya muna sa celebration party ni Charity. "Unnie!" patakbong nagtungo sa akin si Charity at akmang yayakapin ako ngunit umiwas ako. "Sorry unnie. Ayaw mo nga pala ng yayakapin ka." malungkot na aniya kaya naman nilabas ko na lamang ang regalo ko sa kanya mula sa pagkakatago sa likod ko. At iniabot sa kanya. "Waaaa! Unnie thaaaank you! I will treasure this promise." aniya at mahigpit na niyakap ang box ng regalo.

Bigla naman nagsalubong ang mga kilay ni Hope at nagpameywang. "Bakit 'yong kay Zai itetreasure mo. Tapos yong regalo ko sa'yo basta mo na lang iniwan kung saan. Huhuhu." emosyonal na reklamo ni Hope at tsaka nag-walk out.

Nilingon ko naman si Charity, "sya ang nag-organisa nitong party mo. Go, say thank you to her." wika ko sa kanya.

"I love unnie Hope too just like how I love you unnie Zai." She explained.

"I know." Tugon ko. Malapad syang ngumiti at tsaka sinundan ang pinsan nyang si Hope.

Nagpatuloy pa ang party ni Charity. At kapansin-pansin na wala syang inimbitang kaklase nya. Tanging malalapit na pamilya lang nya ang naririto at kaming mga kaibigan ni Hope.

Dumating na ang dance number na pinag-ensayuhan nila kahapon at tuwang tuwa si Charity sa ginawa nila. Isa-isa nyang niyakap sila Nyx matapos ang sayaw.

"Ang daya naman Zai. Bakit di ka sumali?" pagrereklamo nila ng mapag-isa na kami sa isang table.

"Nah.. Kaya nyo na 'yon." Sambit ko at tsaka kumuha ng pagkain sa buffet. Nagugutom na ako. Ngubit sa pagtayo kong iyon ay nakaramdam ako ng mga matang nakatingin sa akin. Sinuri ko ang buong paligid ngunit mabilis itong nawala.

Makikilala din kita .. Sambit ko sa isip tsaka nagtuloy sa buffet table. Nakasalubong ko ang mga magulang ni Charity at nakipagkamay sila sa akin. Binati ko rin sila bilang respeto. "Madaming naikukwento ang anak namin tungkol sa iyo Zai." sambit ng eleganteng mommy ni Charity. Simple lang ngunit elegante sa kulay beige gown ang mommy nya. "At wag kang mag-alala lahat ng naikukwento nya sa amin ay magagandang katingian na meron ka. At totoo pa lang napakaganda mong bata." Nailang ako sa mga papuring sinasabi nila dahil ngayon lamang ako nakarinig ng purihin ang physical features ko ng may edad na mga tao. Dahil ultimo pamilya ko ay hindi nasabi sa akin ang mga sinasabi nila. "Salamat sa pagtatanggol sa anak namin. At sa pagiging ate sa kanya." Taos pusong wika daddy ni Charity.

"Walang anuman po." tugon ko.

"Sige, mauna na kami. Enjoy yourself." Paalam ng mommy ni Charity. Tumango na lamang ako bilang sagot.

Hope's POV

"Baklang Hope bakit parang wala sa mood si Zai?" tanong ni Nyx sa akin habang nakatitig kay Zai habang kausap nito sina tito at tita.

"Madaming dinadalang problema si Zai mga bakla. At ang mga problemang iyon ay hindi dapat kinakaharap ng isang 17 years old na kagaya nya."

"What do you mean?" Curious na tanong ni Mona. "I mean bakit sya ganoon Hope?"

"Sa murang edad nya noon ay madami na syang pinagdaanan. Nakidnap sya." pagtatapat ni Hope at wari'y emosyonal na binalikan ang nakaraan.Tahimik namang nakikinig ang apat sa kwento nya. "Sa pagkakakidnap sa kanya ay nagulo ang buhay ng mga Wang. Halos ikabaliw 'yon ng mommy nya. Hanggang sa nagkaroon ng anxiety disorder ang mommy nya na nag-trigger into a much more complex disease."

"Anong disease?" curious na tanong ni Anton.

"Schizophrenia." malungkot na tugon ko.

"Ano 'yon?" sabay sabay na tanong nung tatlo maliban kay Anton.

"Alam ko yan. Nabasa ko yan sa isang medical book." pahayag ni Anton.

"Oh ano nga yon bakla?" impatient na tanong ni Nyx.

"Pagkabaliw." At sa pagkakasabing iyon ni Anton ay napa-gasp ang tatlo. Malungkot naman akong tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Anton.

Lahat sila ay nalungkot ng malaman ang sitwasyon ng mommy ni Zai. Maging akong kaibigan ni Zai in past years ay nalulungkot pa rin sa sitwasyong meron si Zai ano pa kaya sila na bago pa lang nakikilala si Zai.

Zai's POV

Gabi ng ng araw na 'yon, nang makaalis ako sa mansyon nila Hope. Sakay kay Storm ay tinahak ko ang daan patungo sa YZ Gym. Di kalayuan ang lugar sa bago kong paaralan. Tinext ako ni Yue at pinapupunta na naman nya ako doon. Sa tapat ng YZ Gym ay nakita kong bukas na rin ang YZ Restaurant at kitang kita ang nagpapasukang mga costumers ng naturang Fast food. Dumadami na ang nagiging costumers ni Yue. Mahusay sya pagdating sa business.

Nang makapasok ako sa YZ Gym ay agad akong binati ni Mel ang nasa front desk. "Hi Miss Zai.." bati nya. At tumango ako sa kanya bilang sagot. Tinuro naman nya agad ang direksyon kung nasaan si Yue.

Tinahak ko ang tinurong direksyon ni Mel at nakita ko sya nakatagilid sya sa akin habang hawak ang isang folder at masuri nyang pinag-aaralan ang nasusulat sa loob noon. Habang si Yannie, isa sa mga assistant dito ay isa-isang may itinuturo sa folder na iyon.

"Ito na ba lahat yun?" tanong nya sa assistant.

"Yes sir." sagot ng huli.

Mataman ko lang silang tinitignan. Hindi ako lumalapit. Yung layo ko ay sapat lang upang marinig ko sila.

"Hindi ka ba talaga magsasalita dyan Zai?" tanong nya na di ko na pinagtakhan. Batid kong kanina nya pa alam na nandito ako. Ibinigay nya ang hawak na folder kay Yannie at agad namang tinanggap ito ng huli.

"Miss Zai.. andyan po pala kayo. Hindi ko po kayo napansin agad. Pasensya na.." hinging paumanhin ni Yannie at dali-daling inayos ang pagkakatayo nya. At nagmamadaling nagpaalam at lumisan sa lugar kung saan kami nakatayo ni Yue.

"Kamusta? May nagsabi sa aking galing ka daw ng Macau at pinatawag ng Supremo." si Yue, myembro din ng Mafia. Kanang kamay ng Supremo ang ama nya. At pinagkakatiwalaan sila ng lubos ng Supremo. Ngunit pinaiiwas na ako sa kanya ng pamilya ko simula ng malaman nilang may kinalaman ito sa nangyaring pagkawala ko noon. Pero hindi ko magagawa ang nais ng pamilya Wang.

Hindi dahil sa kaibigan ko si Yue kaya di ko masunod ang gusto ng pamilya Wang. Hindi lang yun ang dahilan, may mas malalim pa.

"Kanino?" tanong ko. Batid kong alam nya kung sino ang tinutukoy ko.

"Kay Novu." sagot nya.

"Tsk. That Gossip monger." bulong ko.

"Pfft! Ang cute mo lalo na pag ganyang salubong ang kilay mo at may binubulong." sabi nya ng nagpipigil ng tawa.

"Tsk." singhal ko sa kanya.

"Pero mas nakakatawa yung comment mo kay Novu ha. Pfft." tsh.

At lumapit sya sa akin at ginulo ang buhok ko. Agad kong pinalis ang kamay nya sa ulo ko at naupo sa isang bakanteng upuan sa Gym. Ginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng Gym at napansin kong kahit pala gabi na madami pa ring costumers si Yue dito sa Gym at maging sa YZ Restaurant. Hindi nakapagtatakang napatakbo nya ng maayos ang YZ business.

"Ano pala ang dahilan at napadpad dito ang matinik na Girl Gangster ng The Gangland?" tsk. Agad akong tumingin sa paligid at sinuri ito.

"Wag kang mag-alala napag-aralan ko na ang bawat isang profile ng mga costumers dito at wala kahit isa sa kanila." saad nya ng mapansing sinuri ko agad ang paligid namin. At anak ng! Sya ang nagpapunta sa akin dito.

"Tsh. Ikaw ang nagpapunta sa akin dito. At naninigurado lang ako, mahirap na."

"Haha! Oo nga pala. Pagpasensyahan mo na madami akong iniisip nitong mga nakaraang araw." hinging paumanhin nya. "At pinapunta kita dito para sabihin sa'yong dito ka magtatrabaho sa gym matapos ang klase mo." dirediretsong sabi nya at binigyan ko sya ng kunot noong tingin. "Ang available ngayon ay taga linis ng buong gym." sabi nya at kinamayan ako. Tsh..

"Kailan ako magsisimula?" tanong ko na kunot noo pa din. Plano nila 'to ng Supremo alam ko.. Kaya naman batid ko ring kahit tumutol ako'y ipipilit nya ito.

"Talagang tatanggapin mo?" nagtatakang tanong nya.Tumango ako sa kanya bilang sagot. Walang masama kung ang trabaho mo ay taga linis. Marangal na trabaho yun at hindi dapat ikahiya.Ngumiti naman sya at sinabing, "well then, you may start now." saad nya ng may malapad na ngiti. Tumango lang ako sa kanya at sinenyesan syang dadalhin ko lang ang bag ko sa employee's room. Kumaway lang naman sya sa akin bilang sagot.

Bago pa man ako makapasok sa employee's room ay naramdaman kong nagbavibrate ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong denim pants. Kinuha ko ito at tinignan ang caller.

"Bakit?" tanong ko sa kabilang linya.

"Anong bakit?! Hoy Zai dapat Hello ang bati mo. Hindi bakit agad?!"

"Tsk. May gagawin pa ako Hope."

"Ano ba yan? Importante ba yan?" tanong nya sakin sa kabilang linya. "Bigla ka na lang umalis dito sa party." singhal nya sa kabilang linya.

"Oo, importante ito." sagot ko.

"Talaga? Anong gagawin mo ba?" tanong ulit nya. Tsh. Dami tanong. Puro follow-up.

"Work." tanging sagot ko. Gets na nya yan.

"Anooo?!" bulalas nya sa kabilang linya at nailayo ko agad sa aking tenga ang cellphone.

"Ano ka ba naman Zai bakit magwowork ka pa e sinusuportahan ka naman ng pamilya mo diba?"

"Mahabang kwento."at may kinalaman dito ang kabila kong pamilya. Kaya naman hindi ko maaaring ikwento sa kanya.

"Kahit gaano kahaba nakikinig ako. Para saan pa't side kick mo ako." pangongonsensya nya.

"Para suportahan ang sarili ko." pagdadahilan ko at tumahimik sa kabilang linya.

"Kung yan ang gusto mo sige. Pero susuportahan din kita ha. Ok bye!" sabi nya at agad binaba ang cellphone. Weird. Pero what does she mean?

Hope's POV

Matapos kong ibaba ang tawag ay napatulala pa ako sa cellphone ko at nasambit na.. "Siguro ay may problema na naman sya. Tsk. Di na natapos ang mga isipin nya." Hindi pa nga nya tapos hanapan ng hustisya ang nangyari kay tita Celine. Mabait na babae si tita Celine at sya ang mommy ni Zai. Hindi na nalaman pa kung sino ang nasa ilalim ng nangyari sa kanya dahil sa mga maling kwento ni Silver.

Binaliktad nya ang mga pangyayari sa totoong nangyari kay tita Celine. Hindi naman malaman kung ano ang totoo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si tita Celine. Pinalabas nyang mafia daw ang may kagagawan. At malakas ang kutob namin ni Zai na may mali sa mga statement ni Silver. Si Silver ay pinsan ni tita Celine at alam kong may lihim na inggit ito sa pinsan nya dahil si tita Celine ay lumaki sa mayamang pamilya samantalang si Silver ay hindi. Kaya naman sa kagustuhan naming mag-imbestiga ay lalong napasama ang samahan ng pamilya nila. Maging ako ay ayaw ng papuntahin doon ni Silver. At si Zai.. Ang maangas na si Zai ay ayaw ng paniwalaan ng pamilya nya. Wala daw itong ebidensya at pawang kasinungalingan lang ang sinasabi. Kaya mula noon nagkaroon na ng gap ang pamilya nila.

Ang dating masaya at buong pamilya ay onti-onting nasisira ng dahil sa mga kasinungalingang ipinapasok ni Silver sa lolo ni Zai.

At ang labis na ipinagtataka ko ay sa tuwing masasaksihan kong pinagsasalitaan ni Silver si Zai ay lumalabas sa bibig nya ang salitang..

Mafia.

Noong una ay hindi ko sya maintindihan ngunit ng i-search ko ang salitang yun ay hindi ako makapaniwala sa lumabas na result.

At isa ang tumatak sa isip ko, na ang Mafia ay hindi mabubuting tao. Organisasyon ng mga makapangyarihan at mayaman ngunit masasamang tao.

Paano nasabi ni Silver na kabilang doon si Zai?

Sa tanong kung yan ay namuo ang mga isipin na..

Maaaring kabaligtaran na naman ang lahat.

At ang totoong kasapi sa Mafia ay si..

Silver.

Sa pagbabalik tanaw ko'y nalakad ko na pala ang subdivision namin at nakarating na sa tapat ng isang convenient store. Tapos naman na ang party ni Charity at umalis na rin sina Nyx kaya malaya na akong makaalis sa mansyon. Hawak ko pa rin ang cellphone ko at nakatutok doon ang paningin ko kaya naman hindi ko namalayang may kasalubong na ako.. At nagkabanggaan kami."Ikaw na naman!" sambit naming pareho na nakaturo sa isa't isa.

"Destiny eh?"ngumiti sya ng nakakaloko.

"Destiny your face!" asik ko sa kanya at sinabing, "tabi nga!" nakaharang kasi sya sa daan papasok ng convenient store. Simula ng malaman kong sya pala ang stranger na tumatawag at nagtetext sa akin ay nabwisit na ako sa kanya.

"Miss Amplifier." tawag nya sa akin. The eff!

"Hoy! Misterrr pwede ba wag mo ko sundan. At hindi amplifier ang pangalan ko. Tse!" at nilagpasan ko sya. Kapal ng pes e.

"Alam mo mas bagay sa'yo ang pangalang amplifier. Maingay ka kasi.." sabi nya at kinuha ang cup noodles na nag-iisa na.. ang bulalo flavor ko!

"Aish!" naiinis na nagmaktol ako doon. At tinignan ng masama ang Enzo na 'yon ngunit nakatakbo na sya! The eff again!! Arrrgh!

Umuwi ako ng bahay na malungkot dahil WALA ANG BULALO FLAVOR CUP NOODLES KOOOO! Pinagbabato ko ang mga unang makita ko. Nakakainis ka Enzo! Nakakainis ka talaga. Makikita moooo. Nagtitimping maktol ko sa isip hanggang sa dalawin na ako ng antok.

itutuloy ..

Continue Reading

You'll Also Like

23.3M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
6.3M 325K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
2.8M 72.6K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
1.1M 35.8K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...