I'm not the only one (ToLine)

By iamcertifiedtorpe

105K 1.7K 136

Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya ang buhay mag-asawa. Dadaan at dadaan kayo sa mga pagsubok na kung saan... More

Note.
Chapter-1
Chapter-2
Chapter-3
Chapter-4
Chapter-5
Chapter-6
Chapter-7
Chapter-8
Chapter-9
Chapter-10
Chapter-11
Chapter-12
Chapter-13
Chapter-14
Chapter-15
Chapter-16
Chapter-17
Chapter-18
Chapter-19
Chapter-20
Chapter-21
Chapter-22
Chapter-23
Chapter-24
Chapter-25
Chapter-26
Chapter-27
Chapter-28
Chapter-29
Chapter-30
Chapter-31
Chapter-32
Chapter-33
Chapter-34
Chapter-35
Chapter-36
Chapter-37
Chapter-38
Chapter-39
Chapter-40
Chapter-41
Chapter-42
Chapter-43
Chapter-44
Chapter-45
Chapter-46
Chapter-47
Chapter-49
Chapter-50
Chapter-51
Chapter-52
Chapter-53
Chapter-54
Chapter-55

Chapter-48

1.4K 45 2
By iamcertifiedtorpe



Diana's POV...



"Hello?" Pabalang kong sabi.


Kainis! Naputol ang tulog ako dahil sa tumawag, pesteng caller na to. Hindi ko na inabala tignan kung sino siya, basta siguraduhin niya lang na importante ang sasabihin niya dahil talaga namang bubungangaan ko siya.


"Ohh.. Bat galit ka? Babatiin lang sana kita ng happy birthday" Si Marian pala.


"Marian siraulo kaba, paanong hindi ako magagalit.. Eh alas onse palang ng gabi dito at saka bukas pa ang birthday ko magkaiba tayo ng oras" Napahilamos nalang ako ng mukha sa inis.


Ang pagod ko kasi galing sa trabaho ngayong araw kaya maaga akong natulog kaso ito naman iistorbohin ako ni Marian.

Simula nang pumasok ako sa trabaho ay dumoble ang pagod ko hinahatid ko pa sa school si Ysabelle at naghahanda ng kakainin namin isama mo pa yung iba gawaing bahay. Kaya nagsabi na ako kela Dad na magpasunod ng makakatulong ko dito since hindi na nga pwede si Manang Gina.


"Hala! Sorry naman.. Hindi na kasi ako makapaghintay na batiin ka" Natatawang saad nito.

Tignan mo to mang-aasar pa.

"Hindi seryoso.. bukod sa pagbati ko sayo ng happy birthday may ichichismiss talaga ako sayo" Saad nito.

"Alam mo kahit mapa local at overseas talaga naman hindi nakakatakas sayo ang chismiss.. Ano ba yun?" Sabi ko naman.


Ibang klase talaga. Top local and global marites ang galawan.


"Eh saka nalang pala siguro.. Matulog kana muna"


"Ang gago mo rin no, gigisingin mo ako tapos hindi mo rin pala sasabihin"


Magsasabi tapos hindi itutuloy. Nakakainis kaya yung ganun. Yung maglalagay kana ng interest tapos biglang mawawala.


"Eto naman napakapikunin"


"Sabihin mo kasi!" Naiinis kong sabi.

Sino kayang matutuwa sa pinaggagawa nitong si Marian.

Literally no one...


"Ahaha! Di ibabalita ko lang sayo na nanganak na si Isabel"

Napatigil naman ako sa sinabi niya.

"Oww.. Kumusta naman, babae ba o lalaki?" Tanong ko nalang nang makabawi.


Kahit naman hindi naging maganda ang ending namin ni Isabel andito parin yung care ko para sa kanya at sa bata. Hindi rin naman kasi biro ang magbuntis at syempre ang magluwal ng sanggol.


"Ahh lalaki, pero Diana sigurado kabang hindi niyo anak ni Isabel yung bata?" Balik tanong nito sa akin.


Napakunot noo naman ako sa sinabi nito.


"Siya nagsabi na hindi sa amin yun..
At saka anong laban ko duon sa meron talaga?" Sagot ko naman.


Ang weird naman ng tanungan nito.
Mas ito pa ata ang bagong gising kesa sa akin.


"Sira carbon copy mo kasi eh! Pero since nanay na nga ang nagsabi hindi nga inyo baka pinaglihian ka lang niya. Pero grabe naman maglihi si Isabel pangmalakasan."


Possible ba yun?


"Ang sakit din sa part ni Jan kasi hindi niya kamukha. Ahaha!" Dagdag pa nito.

Kung malakas magpatawa itong si Marian mas malakas ito mang-asar hanggang sa mapikon ka.

"Siraulo ka.. Nasaan ang chismiss duon" Reklamo ko.

Ang plain naman ng balita niya nasaan ang spice!?

"Hindi pa kasi tapos atat ka rin no.. So eto na nga yung chismiss. Nabalitaan ko lang na hindi apelyedo ni Jan ang ginamit nung bata kundi Molde" Kwento nito.

Ay hala, Bakit naman kaya?

"Ayan mas masakit yan sa pagiging hindi niya kamukha ang bata.. Bakit naman hindi apelyedo niya ang ginamit?" Ayan ang literal na pain, kasi anak mo tapos hindi ipapagamit pangalan mo diba. Tapos lalaki pa, alam naman natin na ang lalaki ang taga dala ng pangalan ng pamilya niyo hanggang sa susunod na henerasyon.

"Ayun ang hindi ko lang alam"

"Ano ba yan kulang kulang ang chismiss mo" Muling reklamo ko. Ang hilig namang mangbitin nitong si Marian.

"Wala kabang naiisip na dahilan kung bakit?" Tanong nito sa akin.

Anong kinalaman ko naman duon?

"Wala naman ilang buwan na rin kami dito sa Canada.. Besides yung hindi paggamit ng apelyedo ni Jan ay satingin ko labas na kami dyan ni Ysabelle, ibang issue na yan" Sagot ko.

Matagal na kaming wala sa Pilipinas kaya satingin ko wala kaming kinalaman dyan. Besides kung merong issue man ay sila lang din ang nakakaalam.

"Nga naman.. Oh sya ibaba ko na to, babalitaan nalang kita pag alam ko na kung bakit"

"Salamat sa istorbo at sa kulang kulang mong chismiss" Saad ko bakas pa rin sa boses ko ang inis sa pangiistorbo niya sa tulog ko.

"Huwag ka ng matulog ioverthink mo nalang yan"

"Gago! Sana patulugin ka sa sofa ni Jes habang buhay!" Ganti ko naman.

"Hoy! Wala namang -- " Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya ng pinatayan ko na siya ng tawag..

Magdilang angel sana ako para makabawi lang.

Umayos naman na ako ng higa para makatulog ulit dahil anong oras palang, pero nakailang ikot na ata dito sa kama ay hindi ko na makuha kuha ang tulog ko.

Bwisit ka Marian!

Napabugtong hininga nalang ako bago kinuha ulit ang cellphone ko sa may sidetable. Idadaan ko nalang siguro ito sa ritwal para sureball na makatulog ulit, ilang buwan ko na ring hindi nagagawa ito kaya paniguradong naipon na to.

..

Kinabukasan ay nagising ako sa mahinang pag-yugyug sa akin ni Ysabelle.

"Mama Happy Birthday! I love you" Nakangiting bati nito sa akin na ikinangiti ko rin.

She's the best gift I ever had.

"Salamat anak, I love you too" Sagot ko naman bago ito niyakap.

"Mama.. Ano pong wish mo?" Inosenteng tanong nito.

"Hmm.. Syempre good health sa ating lahat, and more projects and investments to come para may pambili ang baby ko ng madaming gusto niyang foods and toys!" Sagot ko naman.

Yun lang naman ang mahihiling ko sa ngayon. Sa mga nangyari sa amin ni Isabel nitong nakaraan duon ko na natutunan lalo na magpasalamat at makuntento sa mga bagay at oras na meron ka. Kasi hindi natin alam ang mga possibleng mangyari bukas at sa mga susunod pa.

"Kasama rin po ba sa wish mo si Mommy Celine?" Muling tanong nito.

Naalala ko nanaman tuloy yung sinabi niya kagabi. Ang bata niya pa para matutunan yang mga crush crush na yan. Hayy..

Sana naman hindi narinig ni Celine yun, nakakahiya kasi.

"Ikaw talagang bata ka.. Gutom lang yan, bumangon na tayo para makakain ka na" Sagot ko nalang bago bumangon tuwang tuwa naman itong sumakay sa likod ko.

"Yieh! Si Mama crush si Mommy Celine.. Ayaw pa aminin!" Pakanta kanta pa nitong sabi.

Naiiling nalang ako sa loob loob ko. Parang ayos lang sa kanya na magkaroon siya agad ng step-mom ahh. Sabagay noong nasa Pilipinas pa kami ay open rin ito kay Awit pero hindi niya ako inaasar katulad ngayon kay Celine.

Tinanghali na pala ako ng gising dahil na rin puyat ako kagabi, pero ayos lang naman siguro ito dahil hindi naman ako gaano maghahanda ngayon dahil wala naman kaming inaasahan na bisita bukod kay Celine. Hindi makakapunta ang mga relatives ko ngayon dahil sa conflict of schedule, pero babawi naman daw sila pag may oras silang maluwag.

Una ko ng hinanda ang makakain muna namin ni Ysabelle, brunch na nga ito actually.

Ding! Dong!

Parehas kaming natigilan ni Ysabelle.

"Ahh.. Ako na po ang magbubukas" Presinta nito bago kumaripas ng takbo.

Malamang si Celine na yan dahil wala nga talaga kaming expected visitor and hindi naman kami nagpadeliver, pero bakit ang aga naman ata niyang dumating. Ang sabi kasi ni Ysabelle 1pm pa raw ito pero 11:24 palang ng umaga.

"Hi, Happy Birthday!" Masayang bati nito bago ako sinalubong ng yakap.

Para naman akong natignan ni Medusa sa mata dahil na estatwa ako sa ginawa niya.

Mukhang nagulat din ito sa ginawa niya kaya bumitaw din ito agad sa akin.

"Ahm.. Sorry na carried away lang ako" Nahihiya nitong sabi.

"O--okay lang" Muntik pa akong mapiyok.

Hindi parin ako maka get over sa nangyari ramdam ko pa sa bawat parte ng katawan ko ang mainit init nitong balat.

"Nga pala binilhan kita ng cake galing kela Ate Pons.. and here regalo ko para sayo" Inabot naman nito ang isang maliit na paper bag.

Yung cake naman na sinasabi niya ay bitbit ni Ysabelle na kasunod niya lang at ngiting ngiti ito ngayon.

I didn't expect na mag-aabala pa silang bilhan ako ng cake at regalo.

"Nako! nag-abala pa kayo.. Okay lang ba if mamaya ko na siya bubuksan" Nahihiya kong sabi at tinanggap ang regalo nito.

Mamaya ko na ito bubuksan for formality na rin, atsaka nagluluto pa kasi ako.

"Sure sure no problem.. Ano bang maitutulong ko dito?" Tanong nito.

"Ahh.. Magbrunch muna kami since tinanghali ako ng gising" Sagot ko habang hinahalo itong sinangag na niluluto ko.

"Hmm.. Total birthday mo ititimpla kita ng kape ngayon" Presinta nito.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Talagang natatandaan nito na gustong gusto yung timpla niya ng kape.

"Ahaha! Yes please" Sagot ko naman bago pinagpatuloy ang pagluluto.

Mas magiging mabilis siguro ako sa pagluluto dahil may makakatulong na ako.

..


Matapos ang ilang oras ay nag-ayos na kami para sa aktwal na selebrasyon. Nagpicture picture muna kami bago nila ako masayang kinantahan ng happy birthday.

"Make a wish na po Mama!" Excited na saad ni Ysabelle.

Pumikit naman na ako bago nagpasalamat sa panibagong taon ng aking buhay, hiniling ko na sana ligtas at healthy kaming lahat, hiniling ko rin na sana matupad ang mga goals ko sa buhay.

Pagkatapos kong hipan ang kandila ay excited binigay na ni Ysabelle ang mumunti nitong regalo para sa akin. Isang sulat na patago raw nitong ginawa para sa araw na ito.

"Thank you Anak" Naluluha kong sabi bago ito niyakap ng mahigpit.


Bilang isang magulang iba talaga ang haplos sa puso kapag anak mo na ang gumawa ng effort para sayo maliit man yan o malaki.


"Buksan mo na rin ang regalo ko Diana" Si Celine naman, mukhang excited rin ito na mabuksan ko na ang regalo niya para sa akin.


Kinuha ko naman na yung maliit na paper bag, sa itsura palang pakiramdam ko relo ito o any kind of accessories.


"Hindi ko rin talaga ineexpect na reregaluhan mo ako--- Wow! Ang ganda naman nito" Yun nalang ang nasabi ko pagkakita ko sa regalo nito, isang black bracelet na may designs na gold sa gitna for me mukha siyang lucky charm.


"Actually hindi talaga ako gaano fan ng mga lucky charms pero iba ang dating niyan para sa akin nung makita.. And naisip ko bagay rin siya sayo" Kwento nito.

Sinuot ko naman na ang regalo nito and it turns out tama nga si Celine bagay sa akin. At ayon sa paniniwala ng ibang Chinese mas swerte raw ang mga lucky charms kung ireregalo sayo kesa bilhin mo.


"Salamat sa effort niyong dalawa.. Mas naging extra special ang birthday ko dahil sa inyo" Sobrang overwhelmed yung puso ko ngayon dahil sa kanila.

At nakakatuwa lang dahil hindi ko talaga napansin o inaasahan na may supresa sila para sa akin.

Napatigil naman kami ng biglang may nagdoorbell.

"May pinadeliver ka pa ba?" Tanong ko kay Celine.

"Ahh.. Hindi naman, baka may bisita pa kayo" Balik tanong nito sa akin.


Napakibit balikat nalang ako kasi wala naman na akong inaasahan na bisita. Hindi na maaring mga postman ito kasi gabi naman na.


"Hmm.. Wala naman na pero sige ako nalang magbubukas" Tumayo naman na ako at nagtungo sa entrance door.

At pagkabukas ko naman ay nagulat ako sa nakita.

"Uy! Akala ko ba busy kayo?" Hindi makapaniwala kong sabi sa taong nasa harap ko ngayon.


"Ahaha! Syempre bawal kong mamiss ang birthday mo pinsan!" Sinalubong naman ako nito ng mahigpit na yakap.


"Happy Birthday Diana" Bati din ni James na boyfriend ni Kelly.


"Thank you, tara pasok kayo" Aya ko sa kanila papasok.


Mabuti pala nagluto ako kahit papaano dahil may pa suprise pala itong magaling kong pinsan.


"Tita Kelly! Tito James!" Masayang salubong naman ni Ysabelle sa dalawa.


"Hi, Kiddo!"


"Nga pala... Kelly, James this is Celine  teacher ni Ysabelle" Pakilala ko naman sa bawat isa.


Masayang makipagkamay naman si Celine sa dalawa.


"Hi! Nice meeting you Celine, mabait naman ba itong pamangkin ko sa school?" Pabirong tanong ni Kelly.


"Oo, sa katunayan nga achiever siya" Rinig kong sagot naman ni Celine.

Abala kasi ako sa kuha ng plato para sa dalawa para makakain na kami.

"Eh.. Yung nanay kumusta naman?" Rinig ko pang tanong nito.

"Ikaw Kelly kung ano anong tinatanong mo dyan ha. Tara kumain na muna tayo.. Sakto lang din pala ang dating niyo kakasimula lang namin" Putol ko sa kung ano mang pag-uusapan nila.

Pasimple naman akong binigyan ng nakakalokong ngiti ni Kelly. Hindi ko nalang iyon pinansin at tinuon ang sarili sa pagkain.

"Nga pala Diana dito pala kami matutulog ni James.. Baka abutan kami ng snow, at saka alam mo naman hindi kompleto ang birthday kung walang inuman"

Oo nga pala, napanuod ko sa balita na ngayon pala ang simula ng winter season dito.

"Sige.. Sakto malinis yung isang room dito, kaso wala akong stock ng drinks hindi niyo naman kasi sinabi na pupunta kayo" Sagot ko naman.

Wine lang ang meron ako dito, kilala ko pamandin itong pinsan ko na hard drinker.


"Don't worry prepared kami.. Nasa kotse pa yung alak" Parang expected nito wala akong stock.

"Wow! Kesa yung may birthday ang magpapainom yung bisita" Natutuwa kong sabi.

Nakasanay na kasi na tuwing birthday o kahit anong okasyon yung nag-imbita ang bangka sa inuman.

"Ganun talaga iba na ang panahon.. Sama ka sa amin magshot Celine ha?" Aya nito kay Celine.


"Ahm.. Sige" Payag naman nung isa.


Nako. Mukhang hindi ako iinom ngayon dahil ihahatid ko pa si Celine mamaya mahirap naman kung magtataxi ito ng nakainom pero hindi naman papayag si Kelly na hindi ako uminom. Hayy bahala na kung anong mangyayari.


Nagkwentuhan pa kami ng kung ano ano habang kumakain, more on kamustahan at tungkol sa mga pamilya namin sa Pilipinas, meron ding mga tanong si Kelly kay Celine way daw para makilala pa niya ito ng lubos.


"Agh! Sa wakas na tapos din!!" Saad ko habang nag-iinat inat pa, kakatapos lang namin maglinis ng mga pinagkainan namin kanina. Nauna ng natulog yung magjowa dahil pagod daw sila sa biyahe kaya agad nalasing at si Ysabelle naman ay tulog na rin sa kwarto namin. Kaya kaming dalawa nalang ni Celine ang natira at nag-ayos dito.


"Inaantok ka naba?" Tanong ko sa kanya, napagpasyahan namin na dito na muna siya magpalipas ng gabi dahil ilang minuto nalang ay uulan na ng snow. Pero dahil occupied na yung isang room dito at ginawa ko namang storage room yung isa pa tabi tabi kaming matutulog ni Celine. Nakakahiya naman kung sa sala ko ito papatulugin diba.


"Hmm.. Sakto lang, namamahay kasi ako" Sagot nito, kung malamlam na ang mata ni Celine pag normal ito ngayon mas lumamam ang mata nito at nakainom siya, namumula rin ang magkabila niyang pisngi.


Ang cute niya.


"Gusto mo ba inom pa tayo? Pampatulog lang" Aya ko, para makabilis rin itong matulog.


"Sige ba" Payag naman nito, agad naman akong kumuha ng wine at baso namin.


Sa may balcony na namin piniling uminom para maabutan naman ang unang pagpatak ng snow.


Nakahalatian na namin yung isang bote ng wine at halos 15 minutos na kaming nandito sa labas nang may napansin si Celine.


"Ayan, nagsisimula na!" Masayang sabi nito at tuwang tuwa na pumunta sa labas para masaksihan ng buo ang pagsisimula ng winter.


Sobrang nakakamangha makita ang mga puting puti na nyeba na dahan dahang nasisibagsakan sa lupa. Para tuloy kaming bumabalik sa pagkabata na tuwang tuwa makakita ng snow, lahat siguro ng batang laki sa tropical country ay panigurado isa ito sa mga pangarap nila.


"First-time mo ba maka experience nito?" Tanong nito.


"Yung first snow sa winter season? Yes first time ko to" Sagot ko naman.


Ang sobrang amaze masaksihan ang ganitong season.

Tinapik naman ako nito sa balikat.


"Well isave mo na ito sa core memory mo kasi sobrang memorable nito"


Napangiti naman ako sa sinabi niya, well tama siya this scene is really worth to keep.


"Yeah.. Tama ka" Segunda ko naman bago kinuha ang cellphone ko sa bulsa at nagplay ng isang music. Perfect by Ed Sheeran.


"Pwede ba kitang maisayaw?" Magalang kong tanong habang nakalahad ang aking kamay.


Nakangiti naman niya itong tinanggap. Kahit kabado ay marahan kong ipinatong ang kamay ko sa magkabilang bewang nito habang ang mga kamay naman nito ay nakadantay sa batok ko.

Kung romantic na ang dancing under the rain mas romantic naman ang dancing under the snow.

Tahimik lang kaming dalawa habang dahan dahang sumasabay sa rhythm ng kanta. Tahimik ko lang din pinapakiramdaman ang puso kong parang sasabog na sa lakas ng pintig nito.

Parehas kaya kami ng nararamdaman?

Aminin ko man o sa hindi kitang kita na may epekto na talaga sa akin si Celine, na may nabubuo na akong feelings para sa kanya, nung mga una ay indenial pa ako dahil galing ako sa masakit na break up.


"Celine.." Masuyo kong tawag sa pangalan nito bago ito hinila papalipit sa akin para yakapin.


"Hmmm?" Tugon naman nito habang patuloy pa rin kami sa pagsayaw.


"Thank you for everything.. Sobrang laki ng tinulong mo sa akin-- sa amin ng ni Ysabelle simula palang" Pagpapasalamat ko. Malaki ang naging parte niya sa naging buhay namin dito sa Canada.


"Walang anuman Diana.. Salamat sa inyo ni Ysabelle dahil binigyan niyo ng kakaibang kulay ang mundo ko" Tugon nito.

Humiwalay naman ako ng kaunti sa kanya para makita ang kanyang mga mukha pero mas nakatawag pansin sa akin ang mapupula nitong labi. Palihim naman akong napalunok dahil kanina ko pa talaga napapansin yung mga labi niya, at hindi ko maintindihan pero may kung anong pwersa ang tumutulak sa akin para tikman sila.


Hindi ko na kaya tiisin pa to!


Marahan kong hinawakan ang kaliwang  pisngi nito kasabay nun ang unti unti kong paglapit sa kanya para abutin ang labi nito na kanina pa ako tinatawag.

Mas lalong nagwala ang damdamin ko nang maramdaman ko na ang labi nito sa akin, Grabe napakalambot ng labi niya.

Alam kong mali itong ginawa ko kaya sa loob loob ko ay tahimik akong naghihintay na itulak niya at bigyan ng isang sampal pero hindi ko inaasahan na  isang mainit na tugon ang isinagot nito sa akin.

That's my que para palalim pa ang halik na iyon.

________________________________...

Ilang gabi ko ng sinusulat to ng nakakatulugan ko ahahaha!

Also please do support my new story po.

Thank you for reading and supporting.

Continue Reading

You'll Also Like

234K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
Beauty and Harots By L

General Fiction

161K 4.8K 188
More of MikChel one shots/ short series.
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
32.2K 1.3K 42
"I wish that I had let myself be happier. -Kaori Oinuma, 27 years old.