I Need A Girl (Completed)

By AnnoyingKimchi

386K 7.9K 207

Stalker turns to a loyal lover that she'd ever have. Story of Veronica "Venia" Laurencio and Callie Gabriel R... More

I Need A Girl
Chapter 1: Something's Not Right
Chapter 2: Who is Who?
Chapter 3: A Gift From Unknown
Chapter 4: Don't Be Scared Of The Dark
Chapter 5: I Don't Feel Safe Anymore
Chapter 6: I Need To Get Out Of Here
Chapter 7: You're Hurting Me
Chapter 8: Let Me Die
Chapter 9: Chance Can Change?
Chapter 10: The Stalker
Chapter 11: Know Me For Who I Am
Chapter 12: I'm Here
Chapter 13: Together
Chapter 14: Just So You Know
Chapter 15: Make Me Feel Better
Chapter 16: Callie, The Pilot
Chapter 17: In Other Words, Get To Know Each Other
Chapter 18: Good In Many Things
Chapter 19: Can I?
Chapter 20: Let Me Hold You Like This
Chapter 21: You're Blushing
Chapter 22: Mr. Rivera's Order
Chapter 23: It's A Date
Chapter 24: My Girlfriend
Chapter 25: The truth is,
Chapter 26: A Nice Company
Chapter 27: What Happened?
Chapter 28: Goodnight
Chapter 29: A Dream Come True
Chapter 30: Never Happened
Chapter 31: Horror Movie
Chapter 32: They're Dating
Chapter 33: You're Back
Chapter 34: You Said What?
Chapter 35: Tell Them or I Will
Chapter 36: The Boyfriend
Chapter 37: Please Understand
Chapter 38: Masquerade Party
Chapter 39: My Mysterious Beautiful Beloved Girlfriend
Chapter 40: I've Seen You Naked
Chapter 41: He's Cole
Chapter 42: Unknown Enemy
Chapter 44: We're Leaving
Chapter 45: Whatever It Takes
Chapter 46: Your Special Day
Chapter 47: White Gold
Chapter 48: Never
Chapter 49: Marry Me
Chapter 50: You're Safe
Chapter 51: Hold on to me
Chapter 52: Do You Still Love Me?
Epilogue
Special Chapter

Chapter 43: Stay With Him

5.7K 135 2
By AnnoyingKimchi

Kinagabihan ay nagpumilit si Callie na umuwi kahit na mahigpit na pinagbilin sa kanya ng mga docto nya na kailangan nyang manatili sa ospital. Sa huli ay ang gusto pa rin ni Callie ang nasunod. Kahit ako ay pinilit sya na sa ospital na manatili pero hindi sya pumayag.

"At least stay at our house, Kuya. We couldn’t risk letting you two stay at your condo. Hindi ka nila napatay kanina, baka mamaya."

Napatingin kami ni Callie kay Cole. He's straight forward at alam ko naman na nag-aalala ito para sa kaligtasan ng kapatid.

"He's right. We have enough securities for our family's safety. Please, Kuya."

Seryoso si Callie na nakatingin sa mga kapatid. Maya pa ay bumaling ito sa akin ng may nagtatanong na mga mata.

"You're coming with me."

Tumango ako. Alam ko iyon. Kahit saan pa kami magpunta ay sasama ako sa kanya.

Mahigpit ang pag-aalis kay Callie sa ospital. Lahat ng mga nagbabantay sa paligid ay alertong alerto sa bawat galaw ng mga tao.

Sakay kami ni Callie sa isang itim na van at sina Cole at Charlene naman ay parehong nasa ibang van kasunod ng sa amin. Buong byahe ay hindi ko nagawang bumitaw sa pagkakahawak kay Callie. Namumutla pa ito at ramdam kong masakit pa rin ang sugat nya. Hindi ko lang talaga alam ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw nyang manatili kami sa ospital. Pumarada ang mga sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Bumukas ang pinto ng kotse at umalalay sina Charlene at Cole na naghihintay sa paglabas namin para maisakay si Callie sa wheelchair.

"Callie, hijo."

Sumalubong sa pagpasok namin ang isang may edad na babae. Humalik sa pisngi nito sina Charlene at Cole. Doon ako nakasigurado na ito ang Mama nila. Maganda sya kahit may katandaan na. Nabawasan ang kaba ko na makita sya nang marealized ko kung gaano kaamo at kabait ang mukha nya. Lumapit sya kay Callie na hindi sya tinitingnan.

"I'll be at my room."

Malamig na sabi ni Callie. Tumingin ang matandang babae sa akin at ngumiti. Nginitian ko naman ito pabalik. Tumayo si Callie nang paakyat kami ng hagdan. Nakaalalay lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa kwarto nito. Iniwan na rin kami nina Charlene at Cole nang makapasok kami sa kwarto nya. Di gaya ng kwarto sa condo ay mas malaki ang kwarto nya dito. Inalalayan ko sya hanggang sa maupo sya sa kama. Mahinang mahina ang katawan nya at nananamlay. Mahina nyang tinapik ang espasyo sa tabi. Sumunod ako dito at tahimik na umupo.

"Sorry."

Umiling ako dito bago ngumiti.

"Hindi ka dapat nagsosorry."

"I feel like a burden to you now."

"Wag mong isipin yan. Hindi ka kailanman magiging pabigat sa akin dahil mahal kita. Ang mahalaga ay ligtas ka."

Ngumiti sya ng malapad at sa isang iglap ay nagawang nyang idampi ang labi sa akin.

"I love you too."

Ilang sandali pa ay humikab sya at papikit pikit na ang kaninang mapupungay nyang mga mata. Marahil ay inaantok pa ito dahil sa mga side effects ng mga ininom na gamot kanina.

"I'll just sleep for a while. Will you be okay?"

Tumango ako. Tinulungan ko syang maihiga ang sarili sa kama.

"Sleep beside me later."

Bulong nito nang nakapikit. Maya maya pa ay naging mabagal na ang paghinga nito senyales na nakatulog na sya.

Habang natutulog ay marahan kong hinahaplos ang buhok nya. May benda dito na dahilan daw ng pagkakauntog matapos syang bumagsak sa sahig. May kumatok sa pinto at nang lapitan ko iyon ay nakita ko si Charlene.

"Kumusta sya, Ate?"

"Nakatulog na sya."

Sagot ko. Tumango naman sya bago iniabot nya sa akin ang dalang mga damit.

"I brought you some clothes."

Nagpasalamat naman ako dito at kinuha ang mga iyon at itinabi.

"Handa na nga pala ang dinner, Ate. Kumain na daw tayo sabi ni Mom."

Sumulyap akong muli sa kinarooonan ni Callie bago sumunod kay Charlene papunta sa dining room nila. Patingin tingin ako sa paligid habang naglalakd kami. Malapalasyo ang bahay nila na parang hotel din. Mayaman talaga ang pamilya nila.

Nang makarating kami sa malawak nilang dining room at nakita ko ang matandang babae kanina na busy sa pag-aasikaso sa mga nakahanda sa mesa. Nang-angat sya ng tingin at nagsalubong ang mga mata ko. Ngumiti sya at saka lumapit.

"Good Evening po."

Mas lalong lumawak ang ngiti nya at saka yumakap sa akin.

"It's good to finally meet you Venia, hija. Maraming naikwento si Charlene tungkol sa inyo dalawa ni Callie."

Inaya na nya akong maupo sa tabi at sa harap naman namin ay sina Cole at Charlene.

"What do you think Mom?"

Nakangising tanong ni Charlene dito.

"You're right, anak. She's very simple pero napakaganda nya. I never expect na ganito ang tipo ng Kuya mo, he has a very great taste."

Nag-init ang mag pisngi ko sa narinig kong papuri sa nya sa akin.

"Naku, hija. Don't be shy."

"Oo nga, Ate. Sooner or later, magiging magkapamilya na rin naman tayo."

Sabi Charlene. Nahihiya man ay tumingin ako sa Mama nila at nagpasalamat.

"Salamat po, Mrs. Rivera."

"My bad, hindi pa ako formally nakakapagintroduce. I'm Rio, Cole and Charlene's mom at Callie's step mom. Call me Tita Rio and you're also free to call me Mom."

Masaya ang naging pag-uusap namin sa kainan na para bang walang problema silang kinahaharap. Napatunayan ko kung gaano kabait at mapagkumbaba ng step mom ni Callie. Hindi sya tulad ng ineexpect kong matapobre gaya ng ibang mayayaman. Tulad rin sya ng Mama ni Kyle.

"Sana sa susunod naman ay narito na ang Dad nyo at si Callie."

Ramdam ko ang lungkot nya matapos sabihin iyon. Siguro ay naramdaman din iyon nina Cole at Charlene kaya mabilis nilang naiba ang usapan.

Matapos ang pagkain ay bumalik na rin ako sa kwarto ni Callie para makapaglinis at makapagpalit ng damit. Naabutan ko syang himbing na himbing pa rin sa kama. Lumapit ako sa kinalalagyan ng bag ko para icheck ang cellphone ko. May mga text doon ang mga kaibigan ko na nangangamusta. Nireplyan ko naman sila at sinabi ko na rin na hindi ako makakapasok bukas. Mabuti naman at wala na rin gaanong ginagawa sa school dahil malapit na rin ang graduation.

Hindi ako madalaw ng antok kaya minabuti kong maglibot sa kwarto ni Callie at magtitingin ng mga libro doon. Narinig ko ang mahinang mga katok sa pintuan. Nang silipin ko kung sino ito ay nakita ko naman ang mukha ng step mom ni Callie.

"Gising na ba sya, hija?"

"Mahimbing pa rin po ang tulog nya."

"Mabuti na rin naman kung gayun."

Matapos nyang silipin si Callie ay bumaling naman ito sa akin.

"Pwede ba kitang makausap, hija?"

"Wala pong problema."

Sumunod ako rito at nakarating kami sa isa sa mga bahagi ng bahay nila. Inilahad nya na maupo ako sa sofa na naroon at tumabi naman sya sa akin. Nagulat naman ako ng humawak ito sa mga kamay kong nasa mga hita ko.

"Masaya ako hija at narito ka."

"Kailangan po ako ni Callie at hindi po ako mapapalagay kapag alam kong may masamang nangyari sa kanya."

Huminga sya ng malalim at napapikit. Muli syang nagsalita nang bumaling sya sa akin.

"Maagang nawala ang Mommy ni Callie. Ilang tao matapos noon ay nagpakasal kami ng Dad nya. Simula palang ay alam kong hindi na magaan ang loob nya sa akin, maging sa Dad nya. Inilayo nya ang sarili nya sa amin. Wala naman kaming magawa kundi ang pagkatiwalaan ang mga tauhan ng Dad nya para masigurado ang kaligtasan nya. Natuto syang maging independent. Madalas sya noong mapasali sa gulo at away pero kahit kailan ay hindi sya humingi ng tulong. Hanga ako sa batang iyon. Nag-aral sya at ni minsan hindi sya lumapit sa Dad nya para sa kahit ano. Hanggang sa isang araw.."

Natigilan sya bago dahang dahan na ipinunas ang palad sa luhang lumandas sa kanyang pisngi.

"Alam ng Dad nya na dahil sa ginawa ni Callie ay hinding hindi na nya makokontrol ang buhay nito. It's been 4 years, isa sa mga kaibigan ng Dad nya ang nakipag-usap, mayroon silang anak na babae, younger than him. He knew about the older son, si Callie and he wanted him to marry her daughter. Marami na ang may alam tungkol sa nakatatandang anak, the son who is successful on his own. Somehow, I knew that his Dad is very proud of him. We never contacted him, maliban nalang kina Charlene and Cole, they very fond of their older brother. They are his fans. Kahit hindi ko sya nakakausap, the way Charlene and Cole talks about him. I know he love his step brother and sister. Back to the marriage, alam naman naming hindi papayag si Callie.. And nagulat kami nang dumating sya mismo sa pintuan ng bahay na ito. Masaya ako noon, cause he's finally back. Ang buong akala ko ay papayag ito sa marriage na inoffer sa kanya, masyado imposible at…imposible talaga. Iyon ang unang beses na sinabi nya na may babae na syang papakasalan, that we should stop wasting our time tungkol sa mga marriage proposal na yan. Ako and Dad nya at ang mga kapatid nya, we are very much intrigued about the girl. He's not dating anyone so how come? His Dad try to get some ideas about the girl but they failed. Callie's keeping it to himself. His disappearance for months was the confirmation. He was with you right?"

Tumango ako. Naisip ko na iyon ang mga panahon na magkasama kami. Napatanga ako. Ito yung tinatawag na information overload. Ngayon ko lang nalaman ang mga ito at lalo na ang pagtatangkang pakasal sya sa iba. Napangiti ako sa isip ko. Tagalang pinaglaban nya na hindi sya maaring ipakasal sa iba kung hindi sa babaeng mahal lang nya.

"Everything change noong inatake sa puso ang Dad nya. He has to take his place dahil walang ibang mapagkakatiwalaan sa posisyon na iyon kung hindi sya. But I never knew na…na ang posisyon at responsibilidad na iyon ay ang maglalagay sa kapahamakan ng pamilya namin. How could these people do that?"

Nabasag ang boses nito sa huling parte ng pananalita nya bago sya tuluyan umiyak. Wala akong magawa. Ramdam na ramdam ko ang lungkot at hinanakit nya. Bilang ina nila, masakit sa kanya ang nangyayari. Hindi pa gising ang Dad ni Callie at ngayon ay sya naman napagtangkaan ang buhay nya. Lumapit ako sa kay Mrs. Rio at yumakap sa kanya. Nang mahimasmasan ay muli itong humarap sa akin at masuyo akong tiningnan. Napangiti ako. Kahit paano ay muli kong naramdaman ang pakiramdam ng may ina. Alam ko kung gaano sya kabuting ina sa mga anak nya, maging kay Callie.

"I know you’re a part of this change of him. Isa ka sa may pinakamalaking naitulong sa pagbabago na iyon. You make him a better man each and every day. And I want you hija to stay with him…always. Patuloy mo syang mahalin. Wag na wag kang magsasawa, kasi kailangan na kailangan ka nya."

"Kahit hindi nyo na po sabihin, handa po ako. Nandito ako para sa kanya, hindi ko sya iiwan kahit sya na mismo ang magbigay ng dahilan para iwan ko sya."




Maging ako ay hindi nakaligtas sa paggugwardiya. Kasakasama ko sila sa pagpasok at pag-uwi dahil sa mansyon na rin ako tumutuloy.

"Callie's right hija. He wants his family safe, you're more than a family to him. For him, you're…his everything."

Napaangat ako ng tingin sa Mom ni Callie. Kanina lang ay pinagtalunan namin ito ni Callie dahil ayaw nyang magtrabaho pa ako. Gusto nyang bantayan ako ng mga bodyguards sa school. Kahit paano ko ipilit na walang may ibang nakakaalam ng koneksyon ko sa kanya ay nagmatigas pa rin sya. Ayoko naman makipagtalo sa kanya ng matagal. Sumasakit pa ang sugat nya kahit na lumakas na at katawan nya at nakakapaglakad na sya ng maayos.

"Gusto ko naman pong intindihin iyon, kaso hindi talaga ko masanay sa ganito. Ayoko ko po."

Hindi naman sa ipinagmamayabang ko na kaya ko ang sarili ko, syempre natatakot pa rin ako. Pwede rin akong maging dahilan para masaktan sila pero hindi lang talaga ito ang inaasahan ko.

Lumapit sya sa akin ay hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"I know it's very hard for you hija to adjust to the situation but together we can get through this. Let's just trust each other. Always remember that he loves you and he wants the best for you."

Bigla akong naguilty sa mga sinabi ko kanina kay Callie. Alam ko naman iyon eh, pero hindi ko lang talaga makontrol ang katigasan ng ulo ko. Mahal ko si Callie, hindi naman makakasama na gawin ko to para sa taong mahal ko diba? Kaunting sakripisyo para sa aming dalawa?

Natigilan kami nang marinig namin ang mahina katok sa nakabukas na sliding door ng veranda. Doon ko nakita si Callie na seryoso nakatingin sa amin.

"Yes, Son?"

Tipid na ngumiti si Callie sa Mom nya at bumaling naman sa akin.

"Can I talk to her?"

Ngumiti ang Mom nya sa aming pareho at bumitaw sa pagkakahawak sa akin.

"Alright. I guess I have to leave you both."

Humalik ito sa pisngi ko bago umalis. Hindi pa man ito nakakalayo ay muli itong tinawag nia Callie na para ikinagulat nya ng husto.

"Mom?"

Nakita ko kung paano mamilog ang mag mata nya nang humarap sa anak.

"Y..yes?"

Hindi ako maaring magkamali nang makita kong kumislap ang mga mata nito.

"Thanks."

Iyon lang sinabi ni Callie pero sobrang laki ng ngiting  ibinigay sa kanya ng Mom nya, maging sa akin bago sya tuluyan lumabas.

"I never call her Mom."

Narinig kong sabi nya habang nakatingin pa rin sa direksyon kung saan dumaan ang Mom nya.

"Why now?"

Doon sya bumaling sa akin. Tipid syang napangiti habang humahaplos sa pisngi ko.

"I don't know. I just like seeing you comfortable with her."

"Na..narinig mo ba ang sinabi ko?"

"I heard…every single thing. I'm sorry."

Umiling ako. Hindi naman sya dapat magsorry.

"Wag kang magsorry, ako ang dapat humingi ng tawad. Nag-away pa tayo tungkol sa bagay na ito. Nahihirapan akong magdesisyon, oo, pero kapag naiisip ko na mahal kita at kailangan ko 'tong gawing para sa ating dalawa ay naliliwanagan ako. I'm sorry."

Doon ko naramdaman ang mahigpit na pagkakayakap nya. Napapikit ako matapos maamoy ang pabango nyang gustong gusto ko. Nags arap sa pakiramdam ng ganito.

"Thank you for understanding babe, thank you."

"You should also thank your mom. Mabait sya."

Sabi ko habang nananatilign nakayakap sa kanya.

"I know, baby. I know."

Narinig kong bulong nya.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 57 23
An Heiress falls for her Bodyguard. Copyright © 2020 August
136K 2.5K 54
Inspired By: Forevermore. Kiana Lei Guevarra is a new student and also, a scholar from CMF University - one of the most popular and well-known univer...
127K 9.2K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
6.9K 139 62
Luxwell Delavrin is a famous actor nowadays. Everything is in his, million of fans, luxury life, overflowing talent, wealth, fame, a good image in pu...