Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 19

5.7K 250 75
By peachxvision

Ginamit ko ang weekend ko para magmukmok sa resulta ng entrance exam ko. Siyempre, doon ako sa second choice ko kung saan ako nakapasa. Malungkot lang kasi, wala namang akong kakilala doon.

Nilamon ako ng lungkot buong weekend. Siguro, ang mas parang ewan doon, mas naisip ko pa kung paano kami mas mag-uusap ni Theo kung siya nasa Diliman, ako naman nasa Manila.

LDR na kami.

Wow naman talaga, self. LDR talaga? Ano, Lan . . . dian Relationship? Wala pa nga yung relationship eh. Ay, meron na pala. Friends nga pala kami. Relationship din naman 'yon di ba? So kapag sinabi kong "in a relationship" ako with Theo, pwede akong sumagot ng oo, pero di nila alam na ang relationship ko with him ay as friends lang. Or more than friends na medyo lovers pero hindi.

Natawa ako sa mga pinagsasasabi ko.

Pagdating ng Lunes, naka-move on na silang lahat. Ako, hindi pa. Nakayuko pa rin ako at iniisip kung bakit ang unfair ng buhay at kung bakit wala akong "unique" na personality.

Ako na—ako na ang pambansang normal.

"Ano ba masama maging normal?" nasabi ko sa salamin.

"Wala. Wala ka lang. Lagi kang in between. Kahit kalian, di ka mapapansin, kasi nga, normal ka lang," sagot ko sa sarili ko.

"Si Theo na nga lang 'yung kumulay ng buhay ko, di pa 'yon ibibigay ng universe? Lord naman," sabi ko ulit sa salamin habang nagbuntonghininga.

Inaayos ko 'yung buhok ko na naka-half-pony. Nakakainis kasi alam kong may tumubong pimple at sa gitna pa talaga ng ilong ko.

"Makisama ka naman," sabi ko. Pinisil ko, pero lalong namula.

Nagmura ako sa harap ng salamin. Wala naman akong choice kundi pumasok pa rin. Ano, mag-a-absent ako dahil lang may tumubong pimple sa gitna ng ilong ko?

Anyway, umagang-umaga, nakita ko na naman si Cat at si Theo na magkasamang pumasok sa gate. Ano bang meron sa kanila? Kung sila na, bakit ang landi pa rin ni Theo sa 'kin? At bakit kasi biglang sumulpot 'yung Cat na 'yon na parang bula sa buhay namin? Ano ba!

Nagtext ako kay Tanya noong recess para sabihing i-meet ako sa canteen. Nakita ko siya na umiinom ng juice at kumakain ng cupcake.

"Ano na, 'te?" tanong ko. "May balita ka ba?"

"Well, una, nagkita daw sila noong bakasyon. Tapos naging close sila," sagot ni Tanya.

"Naging close? Paano naging close?"

"Ewan ko. Ang tinanong ko lang naman kung may something sila ni Theo."

"Seryoso ka ba! Diretsong ganon mo tinanong?"

"Oo."

Nabaliw ako sa sinabi ni Tanya.

"Pero wala ka namang nabanggit about me?"

"Ano ako, shunga? Natural wala. Sinabi ko lang na nakikita ko siya kasama niya lagi tuwing pasukan."

"O tapos?"

"Tapos? Anong tapos?"

"Tapos iyon na?"

"Oo."

Napasandal ako sa upuan. So naging close sila noong bakasyon. So ano, ganon na lang? Sa kabilang dako, naisip ko nab aka nga close lang sila. Friendly naman si Theo eh.

"Eh wait," sabi ko. "Bakit sila nagkakasabay tuwing umaga?"

"Magka-way sila," sagot ni Tanya.

Napalo ko 'yung table. Napatingin 'yung iba.

"Seryoso ba?" bulong ko. "Anak naman ng patis. Pag minalas ka nga naman. Sige, thank you. Balik na ako sa—"

Tumayo ako nang bigla akong pinigil ni Tanya, as in hinawakan niya 'yung kamay ko.

"Ateng," umpisa niya. "Ayaw mo mag-move on na lang?"

Napairap ako. "Eh paano mag mo-move on wala pa ngang nangyayari?"

Binitawan ni Tanya 'yung kamay ko at uminom ng juice bago magsalita. "Diyan sa feelings mo. Move on ka na diyan sa feelings mo."

"Kung kaya ko lang, ginawa ko na. O sige na, balik na ako."

Naglakad ako papuntang classroom. Napaisip ako sa mga sinasabi ni Tanya. Anong ibig niya sabihin na mag move on ako sa feelings ko para kay Theo?

Walang sense.

Pagbalik ko sa classroom, himalang nagbabasa si Theo ng libro.

"Uy, ano 'yan?" tanong ko. Pinakita niya sa 'kin The Graveyard Book ni Neil Gaiman. "Naks, nagbabasa."

"Pinahiram lang sa 'kin. Maganda daw eh."

At nang hindi nag-iisip, bigla kong sinabi, "Nino? Ni Cat?"

Bumalik ako sa upuan ko at kumuha ng notebook para mag-aral. Nakita kong tumalikod siya.

"Paano mo nalaman?" tanong niya nang natigil siya sa pagbabasa.

"Nakikita ko lang naman kayo every morning," sagot ko habang nagkukunwaring nagbabasa ng notes.

"Nagseselos ang mantika ko?"

"Mantika nino? Mo? Bakit, kailan mo ba ako inangkin?"

WOW! WHAT THE FOX? Dapat nasa utak ko lang 'yon, at hindi ko napansing nasabi ko talaga siya in real life! Ano na, how to be saved from this disgrace?

"Matagal na. Dedma ka kasi," sabi niya.

Binaba ko 'yung notebook ko.

"Ano, na-fa-fall ka na?"

Puta. Sorry sa pagmumura pero, ano, pa-fall stunt na naman niya 'yon?"

"Bakit, bangin ka ba? 'Yung bangin na sobrang dilim, na kapag nalaglag, di na alam kung nasaan na. 'Yun pala, ending na."

"Tanong ba 'yon o statement?"

"Both."

"Uy, problema mo?" binaba niya 'yung libro. "Meron ka?"

"Bakit ba pag nagsusungit ako, nilalagay mo sa mens ko, ha?"

Natawa siya sa pagkabulgar ko. Eh totoo naman eh. "Yang pimple mo, puputok na."

"Pake mo," sabi ko. Kainis 'tong pimple na 'to, isip-isip ko.

"Cute ka pa rin naman kahit may pimple ka," sabi niya.

"Theo, ano ba!"

"Ano nga, nagseselos ka 'no?"

"Kanino ba?"

"Weh."

"Anong weh?"

"Kay Cat? Nagseselos ka kay Cat?"

"Bakit, ano bang meron kayo?"

"Wala."

"O 'yon naman pala eh. In the first place, ano bang meron tayo?"

"Nako, ang mantika ko kumukulo so selos."

"Could you please stop saying mantika ko dahil hindi mo naman ako mantika in the first place. Do you have any evidence na mantika mo ko?"

"You know that a girl's anger is real pag nag-i-Ingles na talaga ano?"

"ANO?!"

"Wala." Bumalik siya sa pagbabasa ng libro. Nagpatuloy ulit ako magbasa nang biglang nakita ko siyang umalis. Naiinis ako dahil ano ba, bakit kami nag-aaway? Sinabi ko namang hindi ako nagseselos, at ano ba kasi karapatan ko magselos, aba?

Nag-ring na ang bell at lahat. Hindi pa rin kami nagpapansinan. Pagdating ng lunch, tiningnan ko 'yung bag ko. Sayang 'yung baon niya, isip-isip ko.

"Oy," bigla niyang sabi.

"Ano?" sagot ko na may nakakunot na noo.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong binigyan ng tatlong pirasong pastillas. "Kanina pa dapat recess 'yan. Eh pag balik ko nag bell na eh."

"Para saan naman 'to?"

"Peace offering. Inaaway mo kasi ako."

"Bakit ako?"

"Oo na, oo na. Hindi ko naman kasi alam kung bakit ka nagsusungit sa 'kin. Bigla na lang nagsusungit ampu—"

"O, ano, ano! Mumurahin mo ko?" Napairap ako at nilagay ko 'yung baunan ko sa harap ko.

"Sabi ko nga mamahalin na lang kita eh."

Binato ko siya ng isang butil ng kanin. "Bat ka ba ganyan, ha? Tingin mo nakakatuwa 'yang mga palandi effect mo?"

Natawa siya at nasalo pa niya 'yung butil ng kanin na binato ko na sinubo niya. Parang ewan. "Kasi kahit anong bato ko sa 'yo, di naman tumatalab eh. Kailan ka ba lalambot, ha?"

Ayan na naman siya sa pagbibiro niya. "Eh ikaw, kailan mo ba ako titiglan?" More like, kailan ka ba magseseryoso sa 'kin? Sabay abot ng baon na hinanda ko para sa kanya.

Nagtawanan na naman kami pareho. Eto na naman 'yung sakit at saya sa pagiging kumportable sa isa't isa.

Nagbuntonghininga ako habang pinagmamasdan siyang kumain ng hinanda kong baon niya.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, bigla siyang nagsalita.

"Si Cat," sabi niya, "kasama ko siya sa bakasyon. Nagulat ako kasi biglang may kakilala ako doon. Tapos nang papunta ako sa school habang papasok ako, biglang nakita ko siya so sinabayan ko na lang."

Tumango lang ako. Hindi ko naman tinatanong, isip-isip ko.

"Wala kang dapat ipagselos doon," dagdag niya.

"Kulit mo rin ano? Hindi nga ako nagsese—" Tapos bigla na naman niya ako tinatapat ng isang kutsarang puno ng kanin at ulam na hinanda ko. Jusko. My heart.

Sinubo ko naman. Putek, ang sweet.

"Wala namang masama. Bakit, ako rin naman, nagselos kay Paul."

Buntik ko na ibuga 'yung kinakain ko.

"O, ano, lumaki na 'yang ulo mo?" sabi niya, hindi makatingin sa 'kin.

"Peste ka talaga," sabi ko sa kanya na may ngiti. HAHA. Ano na, bawing-bawi agad? Haha!

"Uy, maraming talong na pinamalengke si Mama," sabi niya bigla. Natawa ako kasi di ko magets 'yung connection.

"O, ano ngayon?"

"Punta ka sa bahay. Luto tayo. Nagcrave ako bigla eh."

"May tao?"

"Natural!" Sabay kurot niya sa pisngi ko.

"Sinisigurado ko lang!"

Tapos inalala na naman naming, for the nth time, 'yung time na may pair work kami at tinanong ko rin 'yon sa kanya.

Excited ako magdismissal dahil iyon nga, pupunta ako sa bahay niya para magluto ng talong para sa dinner.

Dahil oo, langit talaga ang pakiramdam pagkasama ko si Theo. Tipong gandang ganda ako sa sarili ko at nakalimutan kong may pimple nga pala ako sa ilong. Ganong effect.

"Asan mga people?" tanong ko habang kumukha ng itlog sa ref.

"Parating na raw si Mama."

"Sabi mo may tao! Gusto mo isama ko itlog mo dito sa pagbabatil ko?!"

"Grabe!" tawang-tawa niyang sinabi. "Meron ngang tao! Parating pa lang! Di ako ganon, uy!"

"Sorry naman," sabi ko. "Strict ang parents ko, Dong!"

"Wait ka lang diyan," sabi niya habang unti-unti kong binabasag 'yung itlog. Bale, medyo kinikilig ako na ako 'yung naghahanda ng dinner para sa kanila. Ano na ba ako, daughter-in-law na? HAHAHA.

Umakyat siya taas. Di ko alam anong ginawa niya doon, pero pag baba niya, may dala na siyang yellow na apron na may eggplant design.

"Hala! Ang cute!"

"Apron para sa tortang talong fans club!"

Sinuot naming pareho. Natawa ako kasi . . . hello! Magluluto lang ng tortang talong, kailangan pa talaga ng apron? Haha!

"Picture tayo," sabi niya.

"Yan tayo eh. Pampicture na lang ako."

"Grabe siya."

Nagpicture kami. Tipong sobrang close ng mukha namin, na kapag lumingon ako, baka mag-kiss na kami. HAHAHA. Sarap tuloy lumingon. Charot.

How to landi 101.

Pagdating nina Tita, nagbless ako. Feel na feel ko na talaga 'yung pagiging daughter-in-law ko. Siyempre, doon na nila ako pinakain.

Pagkatapos, hinatid na ako ni Theo papunta sa bahay. 'Yung kilig ko, abot na hanggang bubong namin. Ang hirap itago sa magulang kaya tumakbo agad ako sa taas.

Nagbukas ako ng social media. Hindi pa online si Theo. Pero hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at tiningnan ko profile ni Cat.

May guy siya na kasama sa bagong profile picture niya. Tapos kakapalit lang eight hours ago. May nakalagay na heartbeat emoji sa tabi.

Baka naman nagkamali lang talaga ako?

Nagscroll lang ako sa Facebook. Hindi rin naman online si Eli or si Allen or si Tanya para mapagkwentuhan ko. Naisip ko, buhayin na lang 'yung namatay kong blog. Doon ko sinulat 'yung mga nangyari ngayong araw.

Maya-maya, biglang nakita kong nag-online si Theo. Nag offline ako kunwari kasi ayoko namang sabihin niya na sobrang clingy ko.

Napangiti ako bigla nang nakita ko na nag-iba 'yung profile picture niya. Napayakap ako sa unan ko. Ang bibilis magcomment ng iba na akala mo, mundo na talaga nila ang Facebook. Haha!

Oy ano na ba talaga

Please define your relationship

Shet bagay talaga kayo

Is this iz it

Mga ganyang comment. Siyempre, ako naman si kilig.

At natulog ako na may ngiti sa mukha ko.

Pero nawala rin nang pagbukas ko the next day, in-edit niya. Naglagay siya ng caption. Siguro, okay lang kung wala akong nakita beforehand . . . kaso meron eh. O baka . . . overthinking.

O ewan.

'Yung caption lang naman . . .


. . . isang heartbeat na emoji.

Continue Reading

You'll Also Like

179K 11.7K 133
#YChronicles #WabiSabiMM Mayonaka Messages 1 of Y Chronicles, a series collaboration by MNR | cappuchienooo x nayinK x pilosopotasya *** Dahil sa re...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
52.5K 3.7K 10
Wag tumawid. Nakamamatay.
1.4K 307 112
[EPISTOLARY | COMPLETED] Tanya Elisha Ong believes that Lawrence Castañeda is the man of her dreams. That fate and the stars coincided to make their...