WERE MARRIED? (COMPLETED)

By paujhoe

659K 10.6K 453

Isang hindi inaasahan na pangyayari sa buhay ni Girl na hindi niya alam kung paano at bakit nangyari sa kanya... More

Synopsis
Prologue
one
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
12
13
14
15
16
17
19
20
21
22
23
a/n

18

13K 341 6
By paujhoe

"LET'S GO to the mall"yakag sa kanya ni Daniel.

Nakangiti lang siya habang nakatitig sa gwapong mukha nitong nakatitig din sa kanya. wala pang isang araw silang magkasama pero hulog na hulog na talaga siya dito. Gwapo na ito noong magkachat palang sila, pero mas gwapo ito ngayon na magkasama na silang dalawa.

Para pa din siyang nasa panaginip, kasi talagang magkasama na sila ni Daniel.

"Hey baby"anito pa ng hindi siya nagsasalita.

"Ang what are you going to do in mall?"sabad ni Claude.

Napataas ang kilay niya ng sumabad ito sa kanilang usapan. Hindi niya napansin na nasa tabi na pala nila ito ngayon. Buong akala niya umalis na ito kahapon at hindi na bumalik pa. Pero naalala niya din agad na ginabi lang ng uwi ang lalaki kagabi at sinabing may tinulungan lang na kaibigan.

"I'll gonna buy Rhiane new clothes, shoes and bags she needed. And even her mom"ani naman ni Daniel sa sinabi ni Claude.

Napakunot ang noo niya ng mapansin niyang sobrang seryoso ng dalawa habang nag-uusap. Doon na siya sumabad sa usapan ng dalawa.

"Hoy! ikaw nga Claude wag mong inaaway ang bebe love ko"saway niya kay Claude.

Napatingin naman sa kanya ang lalaki na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Tsupi ka muna, may date kami ng bebe love ko"dagdag pa niya.

"Kahit sa panaginip mo hindi ako papayag na mapag-isa kayong dalawa"pagalit na sagot ni Claude sa kanya.

Nagmartsa na naman ito, the best talaga ang lalaking iyon sa pagwalk out.

Napailing nalang siya, bago binalingan ang nobyo niya na sobrang tamis ng pagkakangiti dito.

Makalipas lang ang ilang minuto naintindihan na niya ang gustong gawin ni Daniel, inaya pa nga niya ang kanyang ina pero ayaw naman nito. paalis na silang dalawa ni Daniel ng biglang sumulpot si Claude na galing sa kung saan.

Napataas na naman ang kilay niya ng makita niyang nakasakay ito sa isang kotse.

"Sakay na"tawag pa nito.

Lalo tuloy tumaas ang isang kilay niya habang nakatitig sa lalaki.

"Hiniram ko ito sa isang kaibigan ko, 'yong tinulungan ko kagabi"paliwanag nito kahit na hindi naman siya nagsasalita.

Bumaba pa si Claude sa sasakyan at umikot sa tapat ng passender seat at ipinagbukas ng pinto. Natuwa naman si Daniel sa ginawa ni Claude, agad itong lumapit sa sasakyan ni Claude at akmang sasakay na ito ng pigilan ni Claude.

"You can take the back seat, Rhiane will be sitting next to me"ani pa ni Claude.

Binalingan siya nito sabay senyas na lumapit na siya, si Daniel naman ay sumakay sa likod. Kaya wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod sa gusto ni Claude, sumakay na din siya.

Panay ang kwento ni Daniel habang nasa biyahe sila samantalang si Claude naman seryosong nagmamaneho lang. dinala sila ni Claude sa isang kilala mall sa kabilang bayan malapit sa kanila.

"Magkita nalang tayo sa parking lot mamaya"taboy niya kay Claude ng makapasok na sila sa mall.

Siyempre naman gusto niyang masolo si Daniel dahil una sa lahat ito ang first ever date nilang dalawa. kung kasama nila si Claude paano siya makakadiskarte kay Daniel ng kiss.

Pero mukhang hindi nakikinig sa kanya si Claude.

Nakaakbay na sa kanya si Daniel, habang masamang nakatitig naman sa kanila si Claude.

"Hoy!, sabi ko magkita nalang tayo mamaya sa parking lot"pag-uulit niya sa sinabi niya.

Doon naman siya binalingan ni Claude. Ngumisi naman ito bago ito naglakad palapit sa kanila. Ang ikinagulat niya sa mismong gitna nila ni Daniel ito dumaan kaya nagkahiwalay sila ng nobyo niya.

Ang mas nakakagulat pa ng si Claude pa mismo ang umakbay sa kanya ng nakagitna na ito sa kanila.

"No one is allowed to touch my girl"bulong ni Claude kay Daniel na hindi niya narinig masyado.

Nakita niyang nakakunot ang noo ni Daniel habang nagpapalit-palit ang tingin sa kanila ni Claude.

Nagpumiksi siya sa pagkakaakbay sa kanya ni Claude.

"Ano, kainis ka naman hindi ko naman sinabi na sumama ka ah!"singhal niya dito.

Nilingon lang siya nito sabay kurot sa pisngi niya na nakangiti ito. napatulala naman siya sa nakitang ngiti nito sa kanya, napakabihira kasi ng ngiti nito sa kanya. madalas kasi magtatalo lang silang dalawa. nito nalang siya nginitian ni Claude, kapag may kaharap silang mga babaeng nagpapacute dito.

"Ang ganda mo talaga"bulong pa nito sa kanya na alam niya ikinapula ng mukha niya.

"A-ano ka-kamo?"hindi niya alam kung bakit nautal siya.

Hindi niya talaga makuha ang ugali ng lalaking ito. naiinis na siya, baka kung anon a isipin ni Daniel sa kanila ni Claude dahil sa ginagawa nito ngayon.

Nang lingunin niya si Daniel nakita niya ang pagsama ng tingin nito sa kanila ni Claude lalo na kay Claude na nakaakbay pa din sa kanya at ngayon nga'y pilit na siyang inilalayo kay Daniel.

Oh nagseselos na ang bebe love ko!

Pero dapat makaramdam na siya ng tako sa pinapakitang galit ni Daniel, pero parang wala lang sa kanya.

"You're just the cousin here, I'm the fiancé"angal naman ni Daniel.

Nanlaki pa ang mata niya ng agawin siya ni Daniel mula sa pagkakaakbay kay Claude. Nang lingunin niya si Claude kita ang nag-aalab na paningin nito mula kay Daniel na ngayon ay hinihila na siya palayo kay Claude.

Pero hindi pa man sila masyadong nakakalayo kay Claude nakita niya ang pagbabago ng hitsura nito mula sa galit sa para bigla itong nalungkot o parang natakot o baka selos. Ah basta iba iba kasi ang nakita niyang ipinakita ni Claude habang nakatanaw ito sa kanila.

Parang ewan naman ang puso niya, nakaramdam kasi siya ng lungkot habang nakatanaw din kay Claude habang papalayo na sila.

DINALA siya ni Daniel sa mga kilala brand ng mga damit at pinamili siya ng bonggang bongga. Pero wala doon ang atensiyon niya, nakay Claude na alam niyang nakasunod lang sa kanila. Nakikita kasi niya ito kahit saan sila magpunta, pero hindi katulad kanina na nakadikit ito sa kanila ngayon nasa malayo lang. parang bodyguard lang ang peg niya, nakamasid.

Hanggang sa mapagod si Daniel sa kakalibot inaya siya nito na kumain naman daw sila. Pumasok sila sa isang restaurant, pag-upo palang nila agad niya ng hinanap si Claude. Bigla niyang naiisip baka nagugutom na din ito, alam kasi niyang nakasunod lang ito sa kanila. At hindi ito kumain kanina ng agahan sa bahay nila.

"What are you looking at?"tanong sa kaniya ni Daniel.

Nginitian lang niya ito sabay kuha ng menu sa kamay nito. babasahin na sana niya ang mga nakasulat doon ng may biglang umagaw noon sa kamay niya. paglingon niya nakita niya si Claude na nakaupo na sa tabi niya.

"She's allergic in all kinds of seafood"anito habang nakatitig kay Daniel.

Nagkakatitigan ang dalawa, habang siya naman ay papalit palit ang tingin sa dalawang kasama niya.

Hindi kasi niya maintindihan ang pinagsasabi ni Claude, kainis naman kasi. Alam niyang magalit siya sa English pero wag naman kasing sobrang bilis kung magsalita. Doon siya talo eh, alam naman ni Claude iyon.

"Is it true baby?"baling naman sa kanya ni Daniel.

"Ha?"

"Tumayo ka na dyan, Rhiane. Doon tayo sa kabila kakain, puro lamang dagat lang ang sine-serve dito."ani naman ni Claude.

Naguguluhan siyang nagpahila kay Claude ng hilahin siya nito palabas. Paglingon niya sa nobyo niya nakita niyang nakatiim bagang itong nakasunod sa kanila.

"Claude ano ba"angal naman niya dito pero nagpapahila naman siya dito.

"Alam kong hindi ka kumakain ng isda o anong lamang dagat kasi may allergy ka don. Gusto ka yatang mamatay ng sinasabi mong boyfriend"galit na bulong sa kanya ni Claude.

"Kung talagang gusto ka niya dapat inaalam niya lahat ng tungkol sayo, tangina naman oh"dagdag pa nito sa pinakamahinang boses nito.

Nakarating sila sa may food court ng mall, si Claude na mismo ang nag-order ng pagkain para sa kanya. Hindi man mamahalin ang pagkain na inihain sa harapan niya para naman nanubig ang baga niya sa sobrang pagkatakam niya sa ulam na nasa harapan niya.

Mga paborito kasi niya ang mga inorder ni Claude.

Sumunod naman sa kanila si Daniel, hindi niya napansin na kumuha na din pala ng sariling pagkain si Daniel na iba sa inorder ni Claude.

"Kumain ka ng madami, mukhang pagud na pagud ka"bulong sa kanya ni Claude.

Si Claude kasi ang katabi niya, samantalang si Daniel naman ay katapat niya. hindi na nga mapinta ang mukha ni Daniel habang nakatingin sa kanila ni Claude.

Panay lang ang pagsisilbi ni Claude sa kanya na kataka-taka para sa kanya dahil ngayon lang siya inasikaso ni Claude ng ganito simula ng makilala niya. pero magkaganoon man pakiramdam niya matagal na niyang naranasan it okay Claude.

May halong kilig na ewan pa nga ang pakiramdam niya. parang namiss niya ang ganitong mga galawan ni Claude. Ang weird sa pakiramdam na parang kilala ng katawan niya ang mga ginagawang ito ni Claude sa kanya.

"Let's watch a movie"yakag sa kanya ni Daniel matapos silang kumain.

Wala na namang nagawa si Claude ng hilahin siya ni Daniel papunta sa may sinehan ng mall na iyon. dalawang ticket lang din ang binili ni Daniel at hindi talaga nito isinali si Claude.

Palingon lingon naman siya sa likod niya at hinahanap niya si Claude. Ang bilis kasing maglakad ni Daniel kaya talagang naiwanan nila si Claude sa food court.

Pagpasok nila sa sinehan, madilim na dahil kanina pa nagsimula ang palabas. Halos wala siyang makita sa loob ng sinehan, tanging ang paghila sa kanya ni Daniel ang naging guide niya sa loob hanggang sa makahanap ito ng mauupuan nilang dalawa.

Sa may pinakadulo sila nakapwesto ni Daniel, wala na halos makakapansin sa kanila doon dahil dulo na nga.

Pagkaupong pagkaupo palang niya agad siyang niyapos ni Daniel at walang Sali-saling hinalikan siya nito sa labi niya. nanlalaki ang mata niya habang nakatitig siya sa mukha ni Daniel na nakapikit habang sinasalakay nito ang labi niya.

Hindi ito ang unang halik niya, pero ito ang unang beses na naglapat ang mga labi nila ni Daniel.

Pero di ba dapat maexcite siya, matuwa siya, kiligin siya. Pero bakit ganon ang pakiramdam niya, para siyang nakokonsensiyang ewan.

Tapos biglang pumasok sa isip niya si Claude.

Kung paano sila maghalikan na dalawa, kung gaano kainit ang mga labi ni Claude na humahalik sa kanya.

Mariing napapikit naman siya sa isiping iyon.

Mali, mali ito.

Bumaba ang labi ni Daniel sa bandang panga niya, naramdaman niya ang kamay nito sa isang dibdib niya. nanlaki ang mata niya sa pagkabigla, naitulak niya ito pero sapat lang para mahiwalay ito sa kanya.

"Hey! What's wrong?"angil nito sa kanya.

Kahit madilim sa parte kung nasaan sila kita niya kung paano ito tumingin sa kanya na parang nairita sa ginawa niyang pagtulak dito.

"Me...ahhh.."hindi niya alam kung paano niya sasabihin ang nasa isip niya.

Mali hindi niya pala kayang magsalita sa sobrang pagkabigla niya sa ginawa nito sa kanya.

Naglikot bigla ang paningin niya, para siyang humihingi ng saklolo sa kahit na sino.

Pero wala naman pumapansin sa kanila dahil busy ang mga tao sa panonoood. Tanging si Daniel lang ang wala naman yatang pakialam sa pinapanood nila dapat.

"Rhiane!"mababa pero puno ng diin na tawag sa kanya ng isang kilalang boses.

Naging mas malikot ang pag-ikot ng ulo niya, pilit na hinahanap ang pinanggalingan ng boses.

Pero hindi pa man siya nakakalingon ng mabuti ng muling sapuhin ni Daniel ang mukha niya at pilit na naman siyang halikan nito sa mga labi niya. hindi naman siya makapaglaban dito dahil ano ba ang laban niya sa laki ng tao na ito. isa pa baka pagtawanan lang siya ng mga tao kapag pumiglas siya, kapag nalaman ng mga ito na fiancé niya ang lalaking ito.

"Tangina!"muli niyang narinig ang boses na iyon.

Kahit na nakalapat ang labi nila ni Daniel nakagawa niyang ilinga ang paningin niya sa ibang gawi para hanapin ang taong nagsasalita. Sa bandang kanan niya nakita niya si Claude nakatayo sa di kalayuan.

Dahil sa medyo maliwanag ang scene sa pinapalabas na pelikula kita niya kung paano siya tignan ni Claude. Nanlilisik ang mata nito habang nakatitig sa kanila ni Daniel.

Naluha siya na kaysa lapitan sila ni Claude umalis nalang ito at hindi na lumingon man lang sa gawi nila. 

Continue Reading

You'll Also Like

20.5K 695 20
DJC Series #1: Ylaina Alexandrea Austria She was raised by a snatcher. Kahit anong bagay ay kaya niyang makuha gamit ang mga itinuro sa kaniya ng kan...
5.2K 958 28
Love truly can wait until you find the right man in your life. Don't pressure yourself to find him, wait until he comes to you and treat you like a q...
249K 5.9K 29
Leonardo Joshua De Gracia.The self-proclaimed most handsome in the family,if not in the world.He's known for being the MVP when it comes to girls in...
344K 8.6K 23
Haciendero Series II The Erros Gabriel and Ana Brenda Arenas Story The kind of love that once was lost but finally found in a song