Chapter 16
DJ's POV:
Yung bigla akong iniwan ni Kathryn Bernardo? -___- Galing lang nung babaeng yun eh, no? Pasalamat sya, bestfriend ko sya. Hahaha. Makaalis na nga lang din.
CLASSROOM
Pagdating ko sa classroom, nakita ko si Kath kasama si Enrique. Saya nga nila eh. Makasali nga. De, wag na. Baka masira ko pa. Moment nila yun eh. Makaupo na lang. Magpapakaemo ako ngayon. Forever alone eh. XD Makaidlip na nga lang muna.
Maya maya lang...
"DJ. Huy. Andyan na si Miss. Gising na." Nagising ako kay Kath.
"Ha?"
"Sabi ko, andyan na si miss!" Ano ba subject namin ngayon? Algeb diba? Psh. Pinakaayaw kong subject. -_______-
"Oo na." Sabi ko tas bumalik na si Kath sa upuan nya.
FAST FORWARD
DISMISSAL
"Kath! Sabay na tayo!" Sabi ko kay Kath. Naglalakad na sya palabas ng gate eh.
"Tara na!" Sabi nya kaya lumapit na ako, syempre. Hahaha.
"Si Julia, asan?" Tanong ko.
"Kasama si Diego. Ay wait lang! Si Quen pa pala! Hala. Tara Deej, balikan natin si Quen!" Psh. Ba't sasabay pa yun? -__-
"Dito na lang ako. Intayin ko na lang kayo" Sabi ko.
"Sigurado ka?" Kath
"Oo. Sige na. Puntahan mo na yun. Baka mamaya, makaalis na." Sabi ko. Tas pumasok ulit sya ng school. Nakalabas na kasi kami ng school. Kasi naman eh. Minsan ko na nga lang masolo si Kath tapos lagi pang umeepal yang Enrique na yan. Nakakabadtrip.
Tagal naman nun! Asan na ba yun? Baka mamaya iniwan na ako nun! Matext nga!
______________________________________________________________
To: Kath
Kath! Asan ka na?
______________________________________________________________
*bzzt bzzt*
______________________________________________________________
From: Kath
Hala, oo nga pala!! Sorry DJ! Nauna na kami ni Quen ehh. Uwi ka na lang. Ingat pauwi!
______________________________________________________________
Sabi sa inyo iniwan na ako eh. -____- Tss. Makauwi na nga.
DJ's HOUSE
"Nak! Si Kathryn hinahanap ka oh. Nandito sa sala. Puntahan mo na lang" Sigaw ni mama sakin galing sa baba. Nasa kwarto ko ako eh. Naggagawa ng assignments. Hahaha. Sipag ko no?
"Gumagawa ako ng assignments ma! Pakisabi bukas na lang sya pumunta dito" Sigaw ko pabalik. Galit ako sa kanya eh. Iniwan nga kasi ako diba?
"Eh ayaw umalis ni Kathryn eh! Kailangan ka daw nyang kausapin. May importante lang daw syang sasabihin sayo." Sigaw ni mama. Nagsisigawan lang kami ni mama eh. Hahaha! XD
"Papuntahin mo na lang dito, ma!" Sigaw ko pabalik.
*TOK TOK TOK*
"DJ?" Si Kath.
"Pasok" Sabi ko. Pumasok naman na sya.
"Uy DJ."
"..." Kunwari ginagawa ko pa assignment ko kahit tapos na. Galit ako eh.
"Uy. Sorry na oh."
"..."
Kath's POV:
Wala na. Nagtampo na si DJ sakin. :/ Kasi naman eh! Si Quen may kasalanan nito! :((
*FLASHBACK*
"Dito na lang ako. Intayin ko na lang kayo" Sabi ni DJ.
"Sigurado ka?" Ako
"Oo. Sige na. Puntahan mo na yun. Baka mamaya, makaalis na." Sabi ni DJ tapos pumasok ulit ako ng school. Sabi kasi ni Quen sabay daw kami umuwi ngayon.
"Kath! Lika na!" Napatingin ako sa tumawag. Si Quen pala na mukhang nagmamadali.
"H-Ha?"
"Sabi ko, tara na! May mga babae na masyadong naggwapuhan sakin. Hinahabol ako. Tara na!" Sabi nya tas hinila ako palabas sa kabilang gate.
Nung nakalayo na kami,
"Whoo! Buti na lang!" Quen
"Ano ba kasi ginawa mo at hinahabol ka ng mga yun?" Tanong ko
"Masyado ngang nagwapuhan sakin!" Quen
-______-++
"Joke lang! To naman. Sobrang seryoso. Hahaha. Gusto kasi nila akong kausapin. Ewan kung bakit. Tapos sabi ko, sige. Tapos bigla ba naman nahimatay yung isa sa kanila nung nahawakan ko yung kamay. Kaya yun. Ako sinisi nila kaya hinabol nila ako."
"Sus. Tapos sinama mo pa talaga ako? Yan tuloy. Napagod ako." Sabi ko. Nakakahingal kaya. Ang layo ng tinakbo namin. Kayo, try nyo para malaman nyo. =)))) Joke lang. Hahaha.
"Di ko naman sinasadya eh. Sorry na"
"Ok" Sabi ko. Hahahaha =)))))
*bzzt bzzt*
Tinignan ko kung sino yung nagtext. Pagtingin ko,
______________________________________________________________
From: DJ
Kath! Asan ka na?
______________________________________________________________
Si DJ nga pala!! O___O
"Quen! Si DJ naiwan natin sa school!!" Sabi ko bigal kay Quen.
"Ha? Anong naiwan?" Quen. Slow, tss. -______-
"Sasabay sana si DJ pauwi satin eh! Kaso may humahabol sayo tapos dun ka pa sa kabilang gate lumabas! Naghihintay kaya si DJ sa main gate! Yan tuloy, naiwan! Ikaw kasi!" Sabi ko
"Magsorry ka na lang!"
"Ba't ako magsosorry? Ikaw dapat! Ikaw may kasalanan eh!" Sabi ko
"Sige na nga. Pag nakita ko, magsosorry na ako" Sabi ni Quen
"Buti naman" Sabi ko tas nagreply na ako.
______________________________________________________________
From: Kath
Hala, oo nga pala!! Sorry DJ! Nauna na kami ni Quen ehh. Uwi ka na lang. Ingat pauwi!
______________________________________________________________
*END OF FLASHBACK*
"DJaaaay sorry naa!" Sabi ko. Eh ayaw ako pansinin eh! T___T
"..." Sabi sa inyo ayaw akong pansinin eh! T__T
"Hala, sige na please. Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako" Sabi ko. Hindi ko kaya kayang may kaaway ako! Kahit nga si Zharm di ko kayang awayin eh. Bestfriend ko pa kaya? :/
"Talaga?" Sa wakas nagsalita na din siya! Whoo!
"Oo, talaga!" Sabi ko.
"Hmm... Be my girlfriend." Ano daw? Be my---- OHEMEFFGEE. SERYOSO BA SYA?! O___O
"H-Hoy DJ! Seryoso ka ba?!"
"Ayaw mo naman pala eh. Di ko tatanggapin sorry mo." Sabi nya.
"H-Hindi! P-Payag ako!" Sabi ko.
"Oh. Tayo na ah? No going back. We're official."
Ano bang nangyari sa bestfriend ko? Huhuhu. Bakit sya nagkakaganyan..
Pero aminin mo, Kath. Gusto mo din naman maging kayo eh.
DJ's POV:
"DJaaaay sorry naa!" Kath.
"..." Bahala sya. Galit ako sa kanya.
"Hala, sige na please. Gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako" Kath.
"Talaga?" Ako. Wala naman akong maisip na gagawin nya. Ano ba pwede?
"Oo, talaga!"
"Hmm... Be my girlfriend." Shet ano nasabi ko?! O___O
"H-Hoy DJ! Seryoso ka ba?!"
"Ayaw mo naman pala eh. Di ko tatanggapin sorry mo." Edi ituloy na lang yung nasabi ko.
"H-Hindi! P-Payag ako!" Seryoso?!
"Oh. Tayo na ah? No going back. We're official." Sabi ko.
Ano bang nangyayari sakin? Bakit parang... bumilis ata tibok ng puso ko?
_____________________________________________________________________________
A/N: Alam nyo yung kinikilig ako sa harana ni Gino kay Mikay? Grabe lang pagkakilig ko dun! :"""> Tapos ngayon nililigawan na nya si Mikay. Hahaha! :"""> Jao, wag ka na! Hahaha XD
Thank you din po sa mga nagfan at vote ulit. >:D<