If I Fall (Taglish)

By shirlengtearjerky

13.9M 234K 47K

Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017] More

If I Fall
0.5: You're The One That I Want
Chapter 1: First Day High(way to hell) Part 1
Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2
If I Fall Chapter .5 (#2) - You're The One That I Want
Chapter 3: Second Day's The Charm?
Chapter 4: SASSA
Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!
Chapter 6 - Honors Class
Chapter 7 - Uh oh.. Secret Revealed?!
Chapter 8: Ex Marks The Spot
Chapter 9 - What Goes Around Must Come Back Around
Chapter 10: Friday I'm in...?
Chapter 11: The Devil Made Me Do It
Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three
Chapter 13 - Not My Cup of Tea
Chapter 14: Knight in Shining.. NOT!
Chapter 15: A Night Like This
Chapter 16: The Thing With First Impressions
Chapter 17: Picture To Burn
Chapter 18: Academics For Dummies
If I Fall Chapter .5: You're The One That I Want (#3)
If I Fall Chapter 19: Stuck With You
If I Fall Chapter 20: Hot For Hoops, Not For You
If I Fall Chapter 21: August Rush
If I Fall Chapter 22: Tipping Point
If I Fall Chapter 23: The Clash
If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)
If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape
If I Fall Chapter 26: Twelve Hours
If I Fall Chapter 27: No Good Without You
You're The One That I Want Update (#6)
If I Fall Chapter 28: Who's Who
If I Fall Chapter 29: Every Night Is Another Story
If I Fall Chapter 30: To Date Or Not To Date, That Is The Question
If I Fall Chapter 31: Switcheroo
If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony
You're The One That I Want Update #7
If I Fall Chapter 33: Fourth Comings
Chapter 34: Harder To Breathe
Chapter 35: Your Ex Girlfriend Sucks
Chapter 36: Inexpressible Love (n)
Chapter 37: All The Small Things
Chapter 38.1: On The Side Of Me
Chapter 38.2: Please, Please, Please Let Me Get What I Want
Chapter 38.3: Lost In Space
Chapter 38.4: You And I
Chapter 39: October Blues
Chapter 40: Hands All Over
Chapter 41: Pep Rally
Chapter 42: Rumor Has It
Chapter 43: Flashbacks (Vivien)
Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing
Chapter 45: MTF.. BCWSBF?
Chapter 46: What Are You Willing To Lose?
You're The One That I Want Updated #8
Chapter 47: Weights And Measures
Chapter 48: The First Cut Is The Deepest
Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01
Chapter 50: The Unopened Letter To The World
You're The One That I DO NOT Want
Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends
Chapter 52: I Know It's True, But I'm Sorry
Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]
Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]
Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]
Chapter 54: Are You True?
Chapter 55: Turning My Safety Off
Chapter 56: Twenty Three
Chapter 58: (I Just) Died In Your Arms
Chapter 59: Yet
Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out
Chapter 61: Love Is A Losing Game
Chapter 62: Perfect Little Secret
Chapter 63: Bad News For People Who Love Good News
Chapter 64: You Know I'm No Good
Chapter 65: Evidence
Chapter 66: I Can't Lie
Chapter 67: Show Me What I'm Looking For
Chapter 68: Steal Your Heart
Chapter 69: As Long As It Matters
Chapter 70: I Can't Make Me
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)
Chapter 72: I Would Do Anything For You
Chapter 73: Stand By Me
Chapter 74: Forever Young
Chapter 75: Time Of Our Lives
One Last Angry Look
Author's Note: If I Fall Sequel

Chapter 57: Truth, Bitter Truth

105K 2.1K 422
By shirlengtearjerky

Chapter 57: Truth, Bitter Truth

Nothing much to say.

As always, comment and vote if you liked the chapter. Ayos? XD
PS: No softcopies for If I Fall. Sorry :)
-

She can't believe it.

Baka nagkakamali lang sya. Baka iniisip nya na si Lean na lang sana si MRSD kaya ito ang naiimagine nya. Baka figment ng imagination nya ito.

Hindi pwedeng si Lean ay si MRSD. This can't be.

"Barbs, okay ka lang?"

She blinked continuosly. Akala nya imagination pa rin nya yun.

"Lean.. seryoso ba 'to?"

Lean nodded. "Have a seat."

Parang jell-o ang mga tuhod ni Barbs. She.. can't believe it. Mindfck at its finest! Himala pang sumayad ang pwetan nya sa upuan. Her eyes are fixated to the guy in front of her.

Si Le--Mr/s Darcy.

Ayun, nagtitigan lang silang dalawa. For 2 minutes.

"Akala ko ba nasa outing ka?" Yan lang ang nasabi ni Barbs, more of nabulong nya.

"Ha? Paki-ulit?"

Medyo nawala ang kaba nya. "Outing ng faculty ngayon diba?"

"Aahh yun ba?" tinanggal na nya ang hood. "Di ako sumama dun. Nasa Ateneo lang ako the whole day."

"Sabi ni Vivien.. kasama ka ra--"

"A white lie. May team building kami sa Ateneo.. so yeah."

Di na kayang tumingin ni Barbs kay Lean kaya ang libro na lang ang tinignan nya. "Of all books.. why One Hundred Years of Solitude?" wala na syang matanong.

"Dahil sa cover. Madaling mapansin." He's right.

"Di ko nga tinapos yan. Medyo boring."

"I know. Muntik ko na ipabasa sa inyo to sa Honors pero alam kong tatamarin kayo."

Sumilip si Barbs sa labas. Buti na lang nasa pinakasulok sila ng Starbucks, walang makakapansin sa kanilang schoolmate.

"Barbs.." he trailed off.

"Are you fcking kidding me, Leandro? Please tell me this is a fcking joke. Kung pinagtitripan nyo lang ako ni Cyrus di t--"

"He has nothing to do with this.. well.. meron..."

"ANO NGA?!" napatingin sa kanila yung crew na napadaan. "Can you please fcking tell me the truth?!"

"Saan mo gusto kong simulan?" sumeryoso na ito.

"Sa simula.. ikaw ba talaga si Mr/s Darcy?"

Tumitig na si Lean sa mga mata ni Barbs. "I am Mr/s Darcy."

"Patunayan mo."

Lean let out a sigh and got his iPhone from his bag. "Para makita mo, sige."

Sinilip ni Barbs ang ginagawa ni Lean sa iPhone nito.

Sht. Maglolog-in sa Wattpad.

Pigil-hininga si Barbs. Mabilis na tinaype ni Lean ang username at password nito.

At nakapasok nga.

"Baka naman hinack mo yan," pabulong na halos ni Barbs.

"Psh. Di ako ganung kadesperado, Barbs. Ano pa?"

Hindi pa rin sya kumbinsido kay Lean. Pwede kasing hinack lang nya ito. But may part sa kanya na naniniwala na si Lean nga yun. Ramdam nya eh.

"Bakit Mr/s Darcy? Bakit Wattpad? Ba--"

"Isa-isa muna, please? Nakakatawa ka kasi eh," pigil na sabi nito.

"Agit na talaga ako dito, Leandro. Masasapak kita."

Sumeryoso ulit si Lean. "Fine. Gusto mo talaga malaman?"

"Kaya nga 'to meetup diba? Yun ang purpose nun."

Lean sighed. Sumasakit ang ulo nya sa katarayan ni Barbs ngayon. "Haay.. Again, I'm MRSD. Author ng Those Three Words. 2 years nako sa Wattpad."

"So.. nagstart ka nung.."

"3rd year college. Actually.. trip trip lang yun. It was my ex girlfriend who told me about Wattpad. Escape from reality nya yun, since sabog na sya sa Architecture. At first sobrang nacocornyhan ako sa Wattpad. Then sa isang subject namin, may project kami na magsulat ng story na malayo sa comfort zone namin. I don't like romance stuff, I rarely read those maliban sa Para Kay B. Ayun.. naisip ko yung kina Tres at Red habang tumirik yung sasakyan ko sa Cainta. What if may ganun nga, allergic sa pheromones? Short story lang talaga sya, kaya nga Those Three Words.. ayun. Kaso nakita ni Anya, my ex.. natuwa sya. And she prodded me to post it in Wattpad. Ayoko naman, ang gay kasi," medyo natawa si Barbs. "To think na lalaki ako at nagsulat ako nun diba? Nakakatawa lang yung prologue. Parang babae."

"Bakit.. MRSD? Alam mo bang ikaw na ang pinakamysterious na author sa Watty?"

"Para may anonimity. Ayoko ngang malaman nila na lalaki ang author nun. Kasi the way I described Tres!"

Tuluyan nang tumawa si Barbs. "Ang mala-Adonis na si Tres! Yeah right, somehow gay."

"Eh saktong may position paper ako about Jane Austen, saktong nasa Pride and Prejudice ako. Ang ginawa ko kasi, alter universe ng Pride. What if lalaki yung nasa position ni Elizabeth vice versa? Parang ganun."

Nagkakaron na ng kulay para kay Barbs ang lahat. Kumakalma na rin sya. "So.. that explains the irregular updates. Almost 2 years na rin ang kwento mo!! Ang tagal!!"

"Wala na kasi akong maisip," nahihiyang confession ni Lean. "Malapit na rin syang matapos, about 10 chapters to go."

"So hindi na sya trip-trip para sa'yo ngayon? Seryoso ka na dyan?"

"Ewan ko. Nag-uupdate ako pag may naisip nako. Depende talaga nakakawalang-gana kasi minsan."

"Ikaw kaya ang pinakatamad na magreply sa lahat! Tambak na MB mo!!"

"Ikaw lang kaya nirereplyan ko. Hindi pa kita kilala nun ah!"

Kinabahan na naman ulit si Barbs. Eto na, seryoso na 'to. "Pano mo nalaman na.. ako si notanotherfairytale? Sabi mo kanina may kinalaman si Casabueno? He's here earlier, nag-usap ba kayo?"

Nagulat naman si Lean, di sya umaacting. "Nasan?" silip agad ito sa labas.

"Earlier nga, bingi. Pano mo ko nakilala?"

"Nung minessage kita.. wala akong clue kung sino ka. Pero may clue ako na taga Charleston ka kasi the way you described things," napayuko tuloy si Barbs. "Ayos nga yun eh! Madali akong nakarelate sa story mo. Si Vivien pala ang nagsuggest sakin na ipabasa yung kwento mo. Sa totoo lang matagal ko nang gustong ipabasa yun sa class kaso nakakagulat naman na biglaan ko na lang yung sabihin, mahalata pa na nagbabasa/nagsusulat ako sa Wattpad. Ayun, she suggested it. Kilig na kilig si Viv sa kwento mo! I can't believe na hindi nya mahalata na ikaw author nun!"

Medyo tumaas ang self-confidence ni Barbs. "Magaling akong magtago eh!!"

"Sige na, ikaw na! Anyway ayun nga. Nung sinabi mong B na lang ang itawag ko sayo, ikaw ang unang pumasok sa isip ko. Pero I told myself imposible. Di ka naman magsusulat ng ganun eh! Mas lumakas ang hunch ko nung Friday, naging defensive ka masyado. Ang akala ko reader ka lang.. tapos after the class.. Cyrus approached me. Tinanong nya kung nakausap ko raw ba ang author. I told him no. Dun nya sinabi na sa tingin nya based sa Charleston yung story at student sa Charleston ang author.. Yun lang."

Hindi naman pala sya nilaglag ni Cyrus! Nakahinga sya dun ng maluwag. dahil dun. "Akala ko pa naman sya nagsabi sa inyo."

"Ha? Alam ba nya na nagsusulat ka sa Wattpad?"

Napanganga si Barbs. Sht, that slipped from her mouth. "Ha? May sinabi ba ako?"

Napangisi na lang si Lean at umiling. "He knows about this. Kelan pa?"

Hesitant sya kung ikukwento ba nya kay Lean ang lahat. Baka kasi maulit uli yung sa kanila ni Cyrus. "Bakit ko ikukwento sayo? Feel mo naman close na tayo."

Tumawa na naman ang teacher. "Sorry, I just want to know. Okay lang kahit hindi mo sabihin sakin. May certain boundaries tayong mga tao, and I respect that. Kung hanggang saan lang ang kaya mong i-give off, sure. I can live with that."

"Alam nya," at last bumigay na sya. "He discovered that nung June pa. Tinulungan nya akong magsulat. Kaya nagbago yung gitna ng YTOTIW."

"Talaga? How nice. He helped you? Tagal na rin pala nun! Almost 6 months nyong tinago yun?"

"Bilangin mo kasi!!!"

"Yung.. essay mo.. is that about him?"

Narinig yun ni Barbs, di pinalagpas ng tenga nya ang detail na yun. "Psh. Hindi ah. General yun. Feeling naman nya diba?"

"Okay ka na ba, Barbs? Hindi ka ba natatakot sakin? Kasi kanina.. you look very pale."

"G@go ka kasi. I thought you're a sex criminal."

O___O "I-i'm a what?"

"Sex criminal," she stated plainly. "Di ka kasi nagpakilala agad. Hayop ka. May hoodie pa? T@ngina ang arte!"

"HAHAHAHAHAHA!!!!" utas na si Lean sa kakatawa. Naiyak na naman to. Dahil sa infectious ang tawang yon, natawa na rin si Barbs.

"G@go wag ka ngang tumawa!" saway nito. "They're looking at us!"

"E..e sa nakakatawa talaga! Pakshet!! Ako sex criminal? Hahaha!!"

Pinabayaan muna ni Barbs na magsubside ang tawa ni Lean. This meetup's not that bad. At least napanatag ang loob nya na kilala nya si MRSD. She'll freak out pag ibang tao yun. Still, she can't believe na si Lean yun.

"Bakit ang tahimik mo? Siguro nagdadalawang-isip ka pa rin kung ako yun noh?"

"Di ko maiiwasang magduda ano ka ba. Tsaka.. ewan ko sayo."

Sa loob-loob ni Barbs naniniwala sya sa sinasabi ni Lean. Kaso.. natatakot sya. What if hindi na naman 'to totoo? Magtitiwala ba sya ulit kagaya ng dati?

Napangiti na naman si Lean. "Ako rin.. medyo kinakabahan kung tama bang nagpakilala ako sayo. You and your manic impulsiveness. Pero may tiwala ako sa'yo. Parehas tayong lagot."

"Last na talaga 'to Lean, and I want you to answer me truthfully. Ikaw ba talaga si MRSD."

He looked at her straight to the eye. "Di ko alam kung maiintindihan mo 'to ngayon.. pero pag naintindihan mo to sa tamang panahon, sana di ka magalit sakin. Oo, ako si MRSD. Gusto mo i-spoil ko na sayo ang ending?"

Gumaan na dun ang loob ni Barbs for no reason. "Wag na, aabangan ko na lang. Bastusan naman kung ikukwento mo na sakin!"

"Basta Barbs.. ikaw lang ang pinagsabihan ko nito, wala nang iba. Pag kumalat 'to.. alam na."

"Kayong dalawa lang ni Casabueno ang may alam nito ah. Uupakan kita pag kumalat to!!"

"Bakit ako lang? Pano si Cyrus?"

Tumigil sya saglit. "Alam na nya gagawin nya. Di naman madaldal yun. Subukan lang nya..."

"Close pala kayo?"

"Pakyu hindi ah!!" she exclaimed. "Feeling lang nya yun."

Natahimik ulit silang dalawa, digesting all the revelations they've said to each other. Wala silang clue kung hanggang saan aabot tong knowledge nila sa isa't isa, kung magiging close ba sila dahil dito o mas maiilang.

"Tapos na kaya ang program?" tanong ni Lean kay Barbs, pampatanggal tension.

"Di pa yan. Pero sina Rocky na panalo. Ramdam ko yun. Oy, madaya ka!!! Libre mo ko!"

"Sige, order na. Ako na magbabayad."

"Sabi sayo, nasusuhulan ako eh."

Papunta na sa counter ang dalawa, maingat na baka may makakita sa kanila.

"Hoy Lean," pabulong nitong sabi sa teacher. "Your secret's safe with me. I won't let you down."

He smiled. "Capisce, Barbs."

And there goes the night.

-
THE NEXT DAY

MONDAY


Balita sa Charleston ang pagkapanalo ng Meiko sa naganap na Battle of the Bands. Maging sina Rocky, hindi nakapaniwala na sila ang nagchampion.

"Eh kasi namaaaan!! Ang galing mo Bru!" halos alugin na ni Janine ang bestfriend nya. Napatingin na nga ang ibang estudyante sa locker area sa kaingayan nila.

"I can't believe it! Pero thanks, the video's cool! You managed not to shriek or whatever."

"Pigil na pigil naman kasi ako dun teh! And migosh you look so quote expressive unquote last night! Told you para kay ano yung song! Don't dare to deny it!"

Medyo nagsubside ang kasiyahan ni Rocky nun. Ang pagkakaalam nya kasi hindi nanood si Wes ng battle kagabi. Di rin nya alam ang gagawin nya kung nanood ito sa kanila.

"Huuyy bru!!!" todo kaway naman si Janine. "Ano bang iniisip mo dyan?"

"H-ha? Wala! Iniisip ko lang.. sana kunin kami for the prog. Dream come true yun!"

"Tanong mo kaya kay Wes?"

=.= "Janjan naman.."

"What? Ask him professionally! Or better ask Mrs. Yap. Baka mag-away na naman kayo." Napansin ni Janine na balisa si Rocky. Hinila na nya ito papunta sa school gym. "Hay nako bru.. sabi nga ni Vivien.. take time to realize.."

"..that your warmth?"

She laughed, realizing what she just said. "Sorry! Pero tama naman talaga diba? Kausapin mo si Wes, walang mawawala."

"Oh, I think you should talk to Chester, too. Makapag-advice ka dyan!"

"Ehh.. at least ako kakausapin ko sya mamaya!"

"Really?! When?"

"Pag.. bumisita tayo mamaya kina Tito Dan! Ako na bahala XD"

"Sure yan?"

"Naman. I will definitely get him back."

-

Awkward naman pumasok si Barbs.

Kasi nakasabay nya sa paglalakad si Chester. "Haaayy nako," she grunted under her breath. "Nakakainis!"

Awkward din si Chester, ramdam pa rin nya ang galit o inis sa kanya ni Barbs. Patawid na sana sya papuntang Charleston nang..

"Hoy Chester, G-tec mo nahulog!!"

Lumingon naman agad ito, at nakita nya ang bestfriend, hawak-hawak ang G-Tec. "T-thanks."

"Psh. Whatever." Nilagpasan na lang nya ito.

"Barbs?"

Dire-diretso pa rin sya sa paglalakad. "Ano?"

"Free ka ba mamaya?"

"Para san? Para nakawan ulit ako ng halik epal ka?"

"N-no.. Uuhh.. Nagising na pala si Papa.."

Agad na humarap si Barbs sa kanya. "Talaga?! Kelan pa?!"

"Saturday night. Ano sabi ka--"

"Punta ako mamaya. Ge." At nauna na sya palakad ng school.

Kahit pano nakahinga na sya ng maluwag sa sinabi ni Barbs sa kanya. Unti-unti na silang nagiging okay.

--

FAST FORWARD: HOSPITAL

At dahil nagrequest sina Rocky, walang Honors nung hapon na yun. They took the time para bisitahin saglit ang tatay ni Chester. Pagdating kasi ng 4:30pm kailangan nang bumalik ng school nina Barbs, Chester at Wes para sa practice for the exhibition game this Friday.


Habang busy sa pagkakamustahan sina Barbs at ang parents ni Chester, inutusan si Chester ng nanay nito na bumili ng snacks sa Ministop.

"Sige na, Janine, samahan mo na si Chester," pakiusap nito. No choice ang dalawa kundi lumakad na.

Mula elevator hanggang sa Ministop walang maayos na usapan ang dalawa. Nagkakahiyaan pa ang mga ito. Si Janine, na plano nang iparinig ang recording nina Jenica, ay biglang kinabahan. Parang di nya kaya na kausapin si Chester.

Pabalik na sila ng hospital nang si Chester na ang nagsalita.

"Nung Friday.. sabi mo ginagamit lang ako nina Jenica. What's up with that?"

Napatigil sa paglalakad si Janine. Di nya inexpect na si Chester na mismo ang masasabi nun sa kanya. "Uhh.. yeah. That's true."

"Look, Ja.. I--"

"You listen to me, okay?" lumipat pa sya sa harap nito para makapag-usap sila ng maayos. "Chester.. ginagamit ka lang nila. I'm sorry pero that's true. Hindi ko to sinasabi para siraan sila sa'yo pero.. it hurts me to see you being used by them. I know di ka maniniwala sakin kaya.. eto, listen to this." Nilabas nya ang iPhone nya at pinlay ang recording.

*faucet opens*

Girl 1: Ano, okay na?

Girl 2: Of course! Napapayag ko syempre!

Girl 3: Nako Jen!! Naeexcite ako! Konti na lang talagaa!

G2: Ako pa? May pagkashunga rin pala sya. I thought he's smart. Biruin mo, pumayag syang gawin ang buong IP natin! *laughs*

G1: Sayang, pogi pa naman!

G1: Kaso tanga!

*laughs*

G3: Konti na lang Jen! I'm so happy for you!

G2: Talaga. Malapit ko na rin maachieve ang gusto ko!

G1: After all.. you got him wrapped around your finger. Kaya na yan!

G2: He even left Ate Janine.. wow. Ganun ata talaga sya kadamaged!

G1: Maganda ka naman teh! Keri yan! *laughs*

Tahimik lang si Chester, ni walang emosyon na makikita sa mukha nya. Nang matapos ang recording, di alam ni Janine kung anong gagawin nya, kung dapat ba syang maging masaya o talo na ba sya.

"Look.. I'm not forcing you to believe me, okay? Sina Fel ang nagsend sakin nyan. Gusto ko lang.. maging maayos ang trato nila sayo. You're a very good friend, Chester. But you are way smarter than this. Believe me, you are. Think about this."

Iniwan ni Janine si Chester na nakatulala sa hospital lobby.

--

WEDNESDAY


Tahimik pa rin sina Barbs at Lean sa mga sikretong nalaman nila sa isa't isa. Ganun pa rin naman ang pakitungo nila sa isa't isa pag kasama ang mga kaklase.

Kaso pag-uwi, magkachat silang madalas. Kwentuhan tungkol sa mga storya nila, sa Wattpad at kung anu-anong librong nabasa nila. Barbs found a new friend in Lean. Oo, kinakabahan pa rin sya sa pwedenh mangyari once na kumalat ang identities nila sa Charleston. That would be so epic, isang maton at isang lalaking teacher, dalawa sa pinakasikat na author sa Wattpad? Marami sigurong tatawa sa kanilang dalawa. At ayaw yon mangyari ni Barbs.

"Kamusta kayo ni Vivien?"

Tanong ni Barbs kay Lean yan one time na nalibre sila sa Honors classroom. Wednesday afternoon, kinausap sya ng estudyante bago pumunta sa mga practice nila.

"Okay naman. Ba't mo natanong?"

Umiling si Barbs. "You mentioned an ex-girfriend. I was just worried."

"Ikaw talaga ! Mga iniisip mo!"

"I'm looking out for my friend."

"Yang sinasabi mo.. malabo yan. I can't have romantic relationships with students."

"Eh sh--"

"She confessed to me," cool na pagkakasabi ni Lean. "And I'm cool with that."

Nganga si Barbs sa sinabi ni Lean. Di sya makapaniwala na nagconfess si Vivien! Si VIVIEN!!! "Anong sinabi mo?"

"Ang sabi nya, naging crush nya ako. Past tense. Nagulat ako, may nagkakacrush pala sakin!"

"Feeling pogi!! Pero Lean.. tulad ng sinabi ko sayo.. if ever man.. ingatan mo yan. Handa akong tumaga ng tao, kahit ikaw pang idol ko." Medyo kinilabutan si Barbs. "Fck did I just say that?"

"Oo na, idol mo na ko! I'm flattered!" sinapok sya ni Barbs. "Seryoso Barbs.. hinanda ko na sarili ko para sa mga gantong sitwasyon. Hindi sa hindi ako magkakagusto sa kanya, pinagbawalan ko ang sarili kong magkagusto sa kanya, sa kahit sino."

Nawirduhan si Barbs sa sinabi ni Lean. "Ang damal mo!! Nakakainis!!"

"Paulit-ulit ka kasi eh! Ayaw mong maniwala sakin."

"Kaibigan ko naman kasi yon, di ko maiwasang mag-alala."

He nodded. "I understand you. Kaya nga may boundaries ako, ayaw kong lagpasan yun. Makakasakit kasi ako ng iba."

"Psh. Drama mo! Importante sakin si Vivien. Handa akong tumaga ng tao pag nasaktan si Vivien, kahit ikaw pa na idol ko." Kinilabutan si Barbs sa sinabi nya. "Fck did I just say that?"

"Shet flattered naman ako dun!" sumeryoso ito. "Ako na nagsasabi sayo, pag dumating ang point na nagkagusto ako sa kanya, ikaw ang unang makakasuntok sa mukha ko."

Nachallenge naman si Barbs dun. "Damal mo!! T@ngina ewan ko sayo!!"

"Honor yun, masapak mo ang delicate face ko!!"

"Pucha no wonder magna cum laude ka nga, ANG DAMI MONG ALAM!!!"

--

After ng practice, dumiretso si Barbs sa hangout nya, ang bridge. Gusto lang nya munang magchill sa bridge bago sya umuwi. Hindi na sya nagulat nang nakita nya si Seth sa usual spot nito.

Nakalimutan na nga nya ang sinabi sa kanya nito nung nakaraan, yung "And I like to hear your voice." Biglang nagflash sa utak nito ang titig sa kanya nito.

"Anong ginagawa mo dyan?"

Nagitla sya nang magsalita si Seth. Nakaupo na pala to.

"Nagpapahangin, pake mo?".

"Ah." Humiga ulit ito.

"Psh, sungit," bulong nya. Pumunta na lang sya sa bridge at naglaro ng Sushi Chop. Di na sya namansin nun nang..

"Gabi na, di ka pa uuwi?"

Akala nya kung sino yun, si Seth lang pala. Tinignan nya ang oras, malapit na palang mag-7:30. "Uuwi ako mamayang 8."

"Late ka ata ngayon?"

She was amused by this sudden talkativeness. "Ba't ang dami mong tanong?"

"Ang tahimik kasi kanina. Di kinaya ng music ko ang katahimikan."

Di nya alam kung anong irereact. "Ge. Laro lang ako."

"Kayo ba yung may game sa Friday?"

=.= Naiinis na si Barbs. "Oo. Bakit? Galing ako sa practice kanina."

"Aabsent sana ako."

"Pakialam ko?" nainis na talaga sya. "Pati pag-absent mo ipagpapaalam mo pa? Ibang klase."

"Di ako nagpapaalam sayo, umayos ka dyan."

Nanlamig si Barbs. Nagalit sa kanya si Seth? "Nuxx nagalit ka!!! Omeged emosyon yun!!"

He shrugged. "Psh. Ewan ko sayo. Maglalaro ka?"

"Oo naman, ako kaya team captain ng Ravenettes."

"Di halata sayo. Ayan, may rason nako para di manuod."

"Sinabi ko bang manuod ka?"

"Niyayaya mo ba ako manuod?"

(=o=) "Eeww no!! Wag kang manuod, mamalasin ako sayo."

"Di kita papanuorin. Alam ko namang matatalo kayo. Ikaw pa, loser ka ata."

Di nya alam kung matutuwa ba sya o maiinis sa pinagsasabi sa kanya ni Seth. Masaya sya kasi nagsasalita ito, pero t@ngina lang, mga sinasabi sa kanya!

"Hindi ako loser FYI!! MANOOD KA NG GAME TIGNAN MO MANANALO KAMI!!!"

Napangiti saglit si Seth. "Sabi mo di mo ako yayayain. Loser ka nga."

Loading..

"OH YOU FCKING TRICKED ME!!! HINDI MASAYA!!!! PAKYU KA!!! WAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN SA GAME!!! LECHE!!!"

Nakangiti lang sa kanya si Seth, na parang sinasabi na naisahan kita, Barbara. Sa sobrang galit nya, dali-dali syang umalis sa bridge at umuwi na lang. Sana pala nakipagchat na lang sya kay Lean.

-

THURSDAY

"Sayang.. Thursday pa naman ngayon.."

Halos marindi na si Rocky sa paulit-ulit na pagsasabi nina Janine at Vivien sa linyang yan. Simula kaninang umaga hanggang ngayong lunchbreak pa nila sinasabi yan.

"P*ta ano ba?! Pakialam ko kung Thursday na ngayon?" narindi na rin si Barbs. "Tumahimik nga kayo, game na namin bukas!!"

Di na lang umimik si Rocky. Ayaw na nyang magcomment hangga't di pa nya narerealize ang feelings nya para kay Wes at kay Podi. Pero.. a small part of her misses the "I Like You Thursdays" ni Wes. Ayaw man nyang aminin pero naeexcite sya pag Thursday na.

"Hoy Rachel Anne!!"

Akala nya si Wes yun kaya automatic syang lumingon. Yun pala si Erwan, yung bassist nila. Dali-dali itong pumunta sa table nila.

"Bakit?! What's wrong?"

"Kasama tayo sa prog!!"

Nanlaki ang mga mara ni Rocky sa narinig nya. Kasama sila.. sa prog?!? "Weh!?! Sinong nagsabi?!?"

"Si Tatin!! Approved na raw ni Mrs. Yap!"

Palakpakan naman sina Vivien sa table. "Oyana!! Kasama na kato!! Achievement!!!" malakas na sigaw ni Barbs.

"OMG congrats bru!!" niyakap naman sya ni Janine.

"Omygod!!! At last!! Thanks Wan!! Practice agad tayo later, okay?"

"Sige, sabihan ko na sila ah? Ge!" masayang umalis si Erwan sa table.

"Nako.. dapat si Chester na kasama nyo dyan," sabi ni Vivien. "Para Meiko na talaga!"

"I'll ask him later. Omeged I'm excited!!"

At the back of her head, alam ni Rocky na si Wes ang may dahilan kung bakit napasama sila sa prog. Gusto nya magthank you.. kaso.. pano?

-

Buong araw syang di pinansin ni Wes, mainly dahil busy ito sa pag-aayos ng program para next week. Medyo matamlay tuloy sya.

She decided to go to Town para magrelax at kumain ng Blizzard. Ayaw na nya ng stress.

Kaso.. di talaga maiwasan ang stress. Papunta sya sa may activity center nang.. makasalubong nya si Pepper.

Di sila nakapagsalita pareho, pero for no reason, nainis bigla si Rocky.

"Excuse me," mataray nyang sabi dito.

"Rachel.. wait lang."

"Ayokong makausap ka, Pepper. Just.. go.. will you?"

Ayaw papigil ni Pepper. "Please lang? Give me some time. I just wanna say something."

"Ano nga? You're wasting my time!"

"I.." huminga muna sya ng malalim. "I'm here for Wes. Pwede ka bang makinig sakin?"

"Wow," she laughed. "So pati ikaw nakisama na rin sa trip nya? Ano naman nakalagay sa script mo?"

"Hindi nya ako pinadala dito or what. Nagulat nga ako na nandito ka rin."

"Narinig ko na yan!" Aalis na sana sya nang magsalita ulit si Pepper.

"Huli kaming nag-usap nung.. huli akong pumunta dito sa school. Magkagalit nga kaming dalawa."

"Tapos?"

Huminga ng malalim si Pepper. "Rache.. he's really in love with you. I'm not joking."

"Then what?"

"I broke up with him because of you. Alam mo bang kahit nung kami pa.. palagi na lang ikaw ang pinag-uusapan namin? Kaya nga nainis ako sa'yo eh. I liked him so much tapos.. puro ikaw na lang. I can't blame him for liking you. Hindi ko naman kontrolado ang feelings nya."

May something sa sinabi ni Pepper na gustong paniwalaan ni Rocky. Kaso.. she's Pepper. Ayaw nyang maniwala dito. "P-pepper.. Ka--"

"Bakit ayaw mo ba syang pagbigyan? Alam mo bang.. he restrained himself from snatching you from Podi. Ayaw nya nang ganun, kasi gusto nyang mahulog ka rin sa kanya, na mahalin mo rin sya tulad ng kung pano ka nya minahal."


"That's not true. All of these years.. puro pang-aasar na lang ang pinakita nya sakin. How come suddenly he likes me? Kalokohan!"

Napangiti na rin si Pepper. "Trust me Rachel, matagal na yan. Matagal pa sa inaakala mo. Pero nung una di pa sya sure kasi.. basta. At feel nya wala syang pag-asa sayo."

"....."

"Di.. di ka ba naaawa sa kanya? Matagal na syang nagsusuffer. I mean.. kung wala ka nang feelings for Podi.. bakit di mo pa rin makausap si Wes? Bakit ka pa naguguluhan?"

Normally ayaw ni Rocky na madaling matunaw ang ice cream nya, pero ngayon na nandito sya sa sitwasyon na to, di na nya pinansin yun.

"Pepper.. how will I know?"

"Don't tell me I told you this.. but.. Sige na nga! He gave you that Foo Fighters CD right?"

"Yeah.. nung Grade 6. Bakit?"

"Basta.. hanggang dun na lang ang masasabi ko sa'yo. Goodluck, Rachel. Boto ako sa'yo para kay Wes; actually kami ni Pods."

"Haaa? Si Podi?" gulat na gulat sya.

"Don't mind that. Pano, I have to go. Nagawa ko na rin ang purpose ko."

Iniwan sya ni Pepper na mag-isa, na nagtataka sa mga pinagsasabi ni Pepper.

-

Sa school naman..


"NASAN SI CYRUS?"


Narinig ni Barbs na sumigaw si Wes nang mapadaan ito sa gym. Sumilip sya sa Ravens, hindi pa pala ito nagpapractice.

"Nyeta.. ba't biglang nawala yun? Wala rin sya sa Honors diba?" tanong ni Wes kay Chester.

"Wala sya kanina.. actually wala rin sya nung lunchbreak."

Oo nga, narealize ni Barbs na wala si Cyrus simula nung lunch. Akala nya nakatambay lang ito sa rooftop. Imposible namang di umattend ng practice to, game na bukas.

Teka, bakit nga ba nya pinoproblema si Cyrus? Umalis na sya sa may gym at pumunta sa MPH. Napadaan sya sa office ni Rons, napansin nya kasi na nandun si Lean. May kausap sa phone.

"Lean? Hoy. Nagkakagulo na yung team mo dun!"

Di gumalaw ang teacher kaya pinasok na nya ito.

"Lean! Hoy!" kinalabit na nya ito, sakto namang binaba na ni Lean ang phone. "Nagkakagulo na sila dun! Nawawala si Casabueno. Asan yun?"

"..."

"Huy Lean! Pakshet mamansin ka naman! Yung team mo! Pati yung captain nawawala! Asan si Cyrus?"

"He's not here."

"Bakit? Game na bukas! Pa--"


"His grandmother died."

Continue Reading

You'll Also Like

11M 110K 79
Published under Pop Fiction (2014)
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
32M 775K 136
Published by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [Completed]