WAAAAAAAAAAH!! Walang magawa dito sa bahay nila Tasha, isang oras na akong pabalik-balik ng kwarto kaya nahihilo na rin ako. Naghahanap lang naman ako ng malilibangan kaya ngayon nanunood nalang ako ng TV
Discovery Channel nalang ang panunoorin ko at baka hindi pa ako mabored. May malalaman pa ako tungkol sa mundong ito XD
--
Kamusta na kaya si Carmella doon? Ayaw pa naman nung mabored, at wala namang magagawa bahay ni Tasha
“BLACK!!” napukaw ako sa pagsigaw ni Tasha
Tiningnan ko nalang siya, hindi nagpahalatang hindi ako nakikinig sa kanya
“Kanina pa kita kinakausap tapos hindi ka pala nakikinig!” nakacross-arms niyang sabi
“Bakit ba!?” minsan nakakapikon na ang babaeng ito
“I was talking about the color for the event tomorrow, our Engagement Party!” diin niyang sabi
“Tapos?”
“ARGH!! What do you want, this light pink or this dark pink!” sabay pakita niya sakin ng dalawang kulay
“Go with your choice” walang emosyon kong sabi sa kanya
“Fine! Light Pink Tina!” sabi niya sa babaeng kaharap niya si Tina ang mag-aayos ng aming party
Hindi na ako pumili kasi alam kong siya naman ang masusunod lagi kaya lumabas nalang muna ako ng restaurant. Pinabayaan ko nalang siyang magpasya para sa mga desenyo ng party namin, dito narin manggagaling ang magluluto sa mga pagkain at si Carmella ang bahala sa mga desserts
Hirap makasama ang isang taong MAHAL mo tapos hindi pwedeng malaman ng iba dahil ang katotohanan ay MAGPINSAN kayo
Isang bawal na pag-iibigan
“Black!” napatingin ako kay Tasha
“What?”
“I didn’t bring my credit card kasi akala ko bukas pa ang buong bayad kaya iniwan ko nalang. Pakikuha naman oh sa bahay!”
“Oh sige”
Humalik muna siya sa labi ko bago ako umalis
Hindi ko alam kung bakit na parang ang dali kong nakarating sa bahay, nananabik ata ako kay Carmella >__<
Pumasok ako agad sa bahay kaya nakita kong napatayo si Carmella, nabigla at ang pagdating ko pero ang isa sa hindi ko maintindihan ay lumapit ako sa kanya at
Niyakap siya
--
Napatayo ako ng dumating bigla si Black sa bahay, nagulat ako ng lumapit siya sakin at NIYAKAP AKO!!
Gulat na gulata ko kaya feeling ko ay huminto na naman ang takbo ng oras, mahigpit ang pagkakayap niya. Napayakap na rin ako ng mahigpit, miss na miss na miss ko na si Black ng sobra
Napaluha tuloy ako sa sobrang pananabik ko sa kanya, pasensya na po kasi hindi ganoon kadaling kalimutan ang taong un among minahal. Kahit na magpinsan kayo TT__TT
“Sobrang miss kita Carmella!” sabi niya ng magkaharap na kami
“Miss na miss din kita ng sobra Black!” nasabi ko kahit na nababasag na ang boses ko
“Sssh wag ka ng umiyak! Sorry sa nagawa ko” sabi sabay punas ng luha ko
“Saan?”
“Sa mga nagawa ko sayo, yung hindi pagpapansin sayo nung nagkita tayo. Nung sinabi kong wag mong piliin si Ken. Gusto ko lang naman ang ikakabuti mo Carmella!” hinawakan niya ang magkabila kong pisngi
“Wala yun, ayoko din naman malaman ni Tasha at baka masaktan siya. Mas mabuti pa yung ganun para walang problema at yung about kay Ken, wag kang mag-alala hanggang kaibigan lang kami!” hinawakan ko ang kanang kamay niya
“I want the best for you Carmella kahit na hanggang magpinsan lang tayo!” nalungkot ang ekspresyon niya
“Tanggap mo na ba talaga ang katotohanan?” hindi ko mapigilang hindi itanong sa kanya
Gusto ko ding malaman ang side niya about sa nangyari 4 years ago, kahit na nag-usap na kami pero hindi sapat iyon
“Pinilit kong tanggapin, lumayo ako para malimutan natin ang nangyari para makahanap na tayo ng totoong kaligayahan pero hindi ka parin nawawala sa puso ko Carmella, mahal parin kita hanggang ngayon. Bawal ito pero hindi ko kayang kalimutan ka at ang nararamdaman ko sayo Carmella” nangingilid na rin ang luha ni Black
“Ang sakit malaman na pinsan mo ang taong mahal mo, apat na taon akong nangulila sayo Black. Kahit na dalawang taon tayo nag-uusap sa phone or net pero hindi parin sapat yun. Mahal aprin kita mula noon hanggang ngayon Black!” napaluha ako ulit
“Mahal na mahal parin kita Carmella!” sabi niya sabay yakap sakin ng mahigpit
Nababasag na rin ang boses niya
“Mahal na mahal din kita Black!!” humagulgol na ako sa iyak
Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon, saya, lungkot at kaba
Masaya dahil ganun parin ang nararamdaman namin para sa isa’t isa
Lungkot dahil kahit na mahal namin ang isa’t isa ay hindi pwedeng maging kami
Kaba dahil kapag malaman ito ni Tasha ay magagalit siya sakin at kay Black
Hays ang hirap nito!
>________<
--
“Babe are you okay?” napukaw ako sa tanong ni Tasha
“Why?” hindi ko nalang pinahalatang lumilipad ang isipan ko
“Kanina ka pa nakatulala simula ng dumating ka sa restaurant, may nangyari ba!?”
Nasa kwarto ko siya at gabi na
“Wala naman, naiisip ko lang ang magiging kalabasan ng party bukas!” napayakap siya sakin
“Excited much babe? Pero don’t worry everything will be fine!” hinimas-himas niya ang dibdib ko
“Tasha!” hinawakan ko ang kaliwang kamay niya na hinimas ang dibdib ko
“Babe naman, I’m willing to give myself to you and besides we’re engage right?” nagiging seductive na naman si Tasha
“Tasha nakailang ulit ko ng sasabihin na maghintay tayo hanggang sa kasal natin”
“But Black matagal payun, ayaw mo ba sakin, ayaw mo ba sa katawan ko?” ayan na naman siya >_<
“Babe hindi naman sa ganun, I’m being a man here!”
Napatayo ako sa kama na katabi niya kanina, lumapit ako sa may bintana
“Babe I’m so sorry!” yumakap siya sa likod ko
“Babe so let’s stop talking about this okay?” sabi ko ng humarap ako sa kanya
“Okay babe, I love you!” sabay ngiti niya
“I love you too Babe” hinalikan ko siya sa labi
Maya-maya pumunta na siya ng kwarto niya, magkaiba kami ng kwarto kasi nga ayaw kong may mangyari samin. Lalaki ako kaya I need to respect her kahit na ilang beses na niyang hiniling na ibibigay niya sakin ang kanyang katawan
**********************************************************************************************************
Author’s Note
~Thanks for reading!
~Thanks for the votes!
~Thanks for the comments!
~Thanks for adding to your library!
~Thank you so much readers! Mwah! Mwah!
I LOVE YOU ALL ^_________^