WERE MARRIED? (COMPLETED)

Door paujhoe

659K 10.6K 453

Isang hindi inaasahan na pangyayari sa buhay ni Girl na hindi niya alam kung paano at bakit nangyari sa kanya... Meer

Synopsis
Prologue
one
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
a/n

12

12.8K 367 11
Door paujhoe


"NAY, ano wala po ba kayong sasabihin sakin?"desperada na niyang tanong sa kanyang ina.

Malalim na buntong hininga naman ang isinagot sa kanya ng kanyang ina, hindi niya alam kung para saan ang buntong hininga ng kanya ina. Pero mukhang wala namang balak na sabihin ang nanay niya sa kanya, kasi hindi talaga ito nagsasalita.

"Naaksidente ba ako, nabagok ba ang ulo ko? May amnesia ba ako nay? Ano sagutin niyo naman po ako"pagmamakaawa niya dito.

"Hindi anak, wala din akong alam"mahina pero sapat lang para marinig niya ang sinabi ng kanyang ina.

Magsasalita pa sana siya ng tumunog ang cellphone niya. nawala na ang iba pa niyang sasabihin sana dito, natuon na ang atensiyon niya sa cellphone niya. Ang nakakapagtaka pa hindi niya naman hawak ang cellphone niya dahil kahapon pa niya ito hindi makita. Tapos ngayon naririnig niyang nagriring ito, ang nakakapagpataas ng kilay niya parang naririnig niya kasi ito sa bulsa ng nanay niya.

"Nay, cellphone ko ba iyan?"kahit hindi na niya tanungin alam niyang sa kanya.

Wala namang nagawa ang nanay niya at iniabot sa kanya ang cellphone niya.

Nanlalaki ang mata niya ng makitang pangalan ni Daniel ang nakikita niya tumatawag sa kanya ngayon.

"Hello Bebe Love ko"kinakabahan at the same time kinikilig siya.

Nawala lahat ng iniisip niya ngayong makakausap na naman niya ang taong nagbibigay ng katinuan niya sa katawan. Ang nag-iisang lalaking itinitibok ng puso niya.

"Hi, finally you answered your phone"anito.

Mababakas sa boses nito ang inis, kahit hindi niya naintindihan kasi ang bilis na naman nitong magsalita. Alam niya at ramdam niya na naiinis ito ngayon sa kanya.

"Phone, ahh nanay phone hide it poket nanay. Bebe love ko"taranta niyang paliwanag.

Hindi na niya alam kung tama ang sinabi niya, bigla kasi siyang kinabahan. Naalala kasi niya, ngayon ang dating nito. at nang lingunin niya ang orasan alam niya nasa pilipinas na ito ng mga oras na ito.

At nasa bahay pa siya hanggang ngayon, na dapat nasa airport na siya ngayon. Ilang oras pa naman ang gugulin niya para makarating sa Manila para manundo.

"I'm here now, I'm expecting you are here but I guest your not here to pick me up"anito.

Napakamot siya sa ulo. Hindi niya maintindihan, pero sa tono ng pananalita nito alam niya galit ito sa kanya ngayon.

"Going there bebe love, me going there"aniya.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng kwarto niya para magbihis. Kung kinakailangan niyang lumipad lilipad siya para lang makarating agad sa Manila. Pero naisip niya, paano nga naman siya lilipad kung wala naman siyang pakpak.

"No need"sagot naman sa kanya ni Daniel.

Nakahubad na siya, tanging under wear nalang niya ang suot niya ng bumukas ang pinto at pumasok si Claude doon.

"Ay palakang bading!"gulat niyang sigaw.

Hindi niya malaman kung ano ang uunahin niyang takpan sa gulat niya.

"May naghahanap sayo"anito bago siya lumabas ulit ng kwarto.

Nakatitig siya sa pintong nakasara, kung saan lumabas si Claude.

Nang makabawi siya sa gulat agad siyang nagbihis at lumabas ng pinto at hinabol si Claude. Hindi kasi niya naintindihan ang sinasabi nito sa kanya kanina ng bigla nalang itong pumasok sa loob ng kwarto niya.

Pero agad din siyang napahinto ng isang pares ng mata ang masayang nakatitig sa kanya habang nakatayo sa may sala nila. Nakatitig lang ito sa kanya na nakangiti.

"Baby"tawag pa nito sa kanya.

Naluluha namang tumakbo siya palapit dito at agad niya itong niyakap ng mahigpit na mahigpit.

"Oh my ghost bebe love ko"aniya pa dito.

"Baka naman oh my God"bulong ni Claude na narinig naman niya.

Inirapan lang niya ito at mas niyakap pa si Daniel sa harapan nito. Hahalikan pa sana siya ni Daniel kaso lang bigla naman inihit ng ubo ang kanyang nanay na kala mo hinihika.

"Nay"nag-aalalang tawag niya sa kanyang ina.

Agad nilang dinulogan ang kanyang ina, maging si Daniel ay lumapit na din sa kanyang nanay na may pag-aalala sa mukha nito.

"Ayos lang ako, anak"kinakapos na turan ng kanyang ina.

Nakahinga naman siya ng maluwag sa naging sagot ng nanay niya. buong akala niya inatake na ng sakit sa puso ang nanay niya ng mga oras na ito.

"Ah Daniel bebe love ko, nanay me"pakilala niya sa kanyang ina sa kanyang nobyo.

"Its my pleasure to meet you madam"magiliw na sagot ni Daniel.

Nakipagkamay pa nga ito sa kanyang ina. Bumaling naman ang atensiyon nito kay Claude na agad niya ikinalaki ng mata niya. bakit nga ba hindi niya agad naisip, nasa loob pala ng bahay nila si Claude. Si Claude pa nga ang sumundo sa kanya sa loob ng kwarto kanina.

"And who is he?"tanong naman ni Daniel sa kanya.

"Ahh..."hindi niya makuha ang maari niyang isagot.

Alam niya tinatanong ni Daniel sa kanya kung sino si Claude. Hindi naman niya alam kung paano niya ipapakilala ang lalaki sa nobyo niya.

"I'm Rhiane Hu--"

"Kasin!"sigaw naman niya.

Tama ba siya ng sinabi niya, ang ingles ba ng pinsan ay Kasin? Alam niya ganoon ang narinig niya minsan na sinabi ng mga klasmayt niya noong nag-aaral pa siya.

"Ah your cousin"masayang bungad naman ni Daniel.

Mukhang naintindihan naman nito ang sinabi niya, nakangiti naman siyang tumingin kay Daniel na nakaakbay naman sa kanya. inilahad ni Daniel ang kamay nito kay Claude.

"I'm glad to meet you, I'm Daniel, Rhiane's fiancé and you are?"pakilala pa ni Daniel kay Claude.

Inirapan naman ni Claude si Daniel at bigla nalang itong nagwalk out. Kita niya din ang biglang pagsama ng itsura nito lalo pa ng ipakilala niya itong pinsan niya kay Daniel.

Eh ano naman ang sasabihin ko kay Daniel, na asawa ko si Claude. Kainis naman kasing buhay ito.

"Look me, bebe love ko. Let me talk okay"aniya dito.

Nakita niyang napakunot ang noo nito sa sinabi niya pero agad din itong ngumiti sa kanya at hinalikan siya sa noo niya.

NAGKAMUSTAHAN lang sila ni Daniel, hindi niya alam kung paano sila nagkakaintindihan na dalawa. Basta tawa lang ng tawa si Daniel habang nagsasalita siya. Sa palagay naman niya wala namang nakakatawa sa mga sinabi niya.

Baka kaya din ito tawa ng tawa panay din kasi ang kurot niya sa pisngi niya, tapos sa pisngi ni Daniel, o kaya naman bigla nalang niyang tutusukin ang tagiliran nito. Pero mas nakakalamang na tatawa ito kapag nagsasalita na siya na hindi niya naman masyadong pansin.

"Rhiane"tawag sa kanya ng kanyang ina.

Nang lingunin niya ang kanyang ina, napansin niyang kanina pa ito parang balisa na hindi maintindihan. Patingin tingin din sa labas ng bahay nila na oara bang may hinihintay itong dadating na tao.

Pero agad din niyang naisip kung ano ang dahilan ng pagkabalisa ng ina niya.

Wala pa kasi si Claude, mula kanina ng magwalk out ito hindi pa ito bumabalik. Malalim na ang gabi kaya siguro hindi mapakali ang nanay niya.

"Hanapin na kaya natin ang asawa mo"puno ng pag-aalala ang nanay niya habang nagsasalita.

Nanlalaki ang mata na napatingin naman siya kay Daniel na katabi lang niya. nakatitig ito sa kanya na para bang tinatanong siya kung ano ang sinabi ng kanyang ina. Buti nalang talaga amerkano kaya hindi naintindihan ang nanay niya.

Nginitian lang niya ito bago siya muling bumaling sa kanyang nanay.

"Nay naman, pasalamat ka di ka naintidihan nito"sita niya sa kanyang ina.

"Iintindihin mo pa iyan kaysa sa asawa mo"sermon naman sa kanya ng kanyang ina.

Napairap naman siya, naiinis siya na ewan habang napapatingin na din tuloy siya sa labas ng bahay nila.

Nasaan na ba kasi ang lalaking iyon. paimportante naman kasi.

Tumayo siya at akmang lalabas siya ng bahay nila para sana hanapin ang kinaiinisan niyang lalaki ng walang pakundangan na pumasok naman ito na hindi man lang kumatok ng bahay.

"Nay, pasiyensiya na po. Ginabi ako, may tinulungan lang akong kaibigan nasiraan kasi siya ng sasakyan sa kabilang bayan tinawagan ako para ayusin ang sasakyan niya"paliwanag nito sa kanyang ina.

Inirap irapan lang niya ito ng tumingin naman ito sa kanya. samantalang malalim lang itong napabuntong hininga habang nakatitig sa kanya.

GUSTO NIYANG magwala, pero hindi naman niya magawa. kaya lumabas nalang siya ng bahay nila Rhiane. Hindi naman siya pwedeng magpakita ng galit ngayon kay Rhiane kahit pa sa totoo lang nagseselos na siya kanina ng bigla nalang sumugod ng yakap si Rhiane sa bagong dating na bisita nito.

May ideya na siya kanina na ang bagong dating ay ang foreigner na sinasabing nobyo nito. pero iba pala kapag harap harapan ng makikita mo ang paglalambingan ng dalawa.

Para tuloy gusto niyang isigaw kanina ang lahat ng gusto niyang sabihin. Lalo pa ng ipakilala siya ni Rhiane bilang pinsan lang nito sa lalaking hindi niya na mantadaan ang pangalan.

"Claude"tawag sa kanya ng mga tambay sa tindahan malapit kila Rhiane.

Katanghaliang tapat nag-iinuman na ang mga ito. noong isang araw ang mga ito ang kasama niyang umiinom ng magkasagutan na naman sila ni Rhiane.

"Pre tara inom ulit"aya na naman ng isa pa sa kanya.

Nginitian lang niya ang mga ito bago umiling bilang sagot.

"Next time nalang may pupuntahan lang ako"paalam niya sa mga ito.

Nilagpasan na niya ang mga ito, sa di kalayuan naman nakaparada ang kanyang sasakyan na pinasunod lang niya sa lugar na iyon noong umuwi si Rhiane. Agad niyang pinasidad ang sasakyan at linisan ang lugar na iyon.

May mga pagkakataon na ayaw na niya, na sumusuko na siya sa lahat pero kapag naiisip niya si Rhiane bigla din siyang nakakaisip na kailangan niyang lakasan ang loob niya.

Iniisip niya matatapos din ang lahat ng ito, na darating ang araw babalik din sa kanya si Rhiane. Na maaalala nito ang lahat ng nakaraan nilang dalawa. na magiging masaya silang dalawa gaya ng dati.

Hindi lang niya mapilit ang asawa niya sa ngayon, baka kasi mas lalong magkagulo kung ipipilit nila ang lahat gaya noon. Ayaw na niyang mangyari kay Rhiane ang lahat ng nangyari sa nakaraan.

Ayaw na niyang makitang nahihirapan si Rhiane. 

..................

a/n: 

shocks hindi ko matiis, kahit na hirap akong magtype kasi naghahang ang laptop ko tapos sira pa ang kwyboard nag-update pa din ako. 

sorry sa matagal na maghihintay. 

sana may nagbabasa pa din kahit na naging in-active ako 

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

245K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
201K 4.9K 37
Lion heart series no.2 Neville Stephen Hamilton de Mercedez a ruthless but hot barrister,he was one of Donya Mercedez grandson the most prominent De...