Stuck in the Moment (Stuck Se...

By NerdyIrel

16.8M 209K 42.4K

Meet Kathryn Bernardo, simple pero matalino unlike Daniel Padilla na playboy, heartthrob ng school and may pa... More

Stuck Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
PUBLISHED BOOK

Chapter 41

233K 2.8K 719
By NerdyIrel

Ready? Hahaha. Mixed Emotions sa chapter na ito! ^_^

Enjoy reading!


--------------------


Chapter 41


Kathryn's POV


"Pano mo nalaman?" Tanong ko.

Tinignan niya ako na para bang nasisiraan ako ng ulo.


"Yung kotse niya malamang! Utak mo kath, nasan na? Ay sorry. Wala ka nga palang utak"


Tumawa siya ng tumawa. Baliw lang?

Tss. Kung wala lang ako sa mood, napatay ko na kuya ko.


"Uy, DJ!" Sabi ni Kuya nung lumitaw bigla si Daniel.


"Kuya, si mama?" Tanong niya nung walang sumunod kay Kuya. Inunahan pa ko sa pagsasalita!!!


Teka, Did he just...called my brother, KUYA and my mom as MAMA??

O_O


Laggooottt ka kay Kuya Neil, Daniel!


"Huh? May kinausap lang" Simpleng sagot ni Kuya.


AANNNOO?? Di siya nagalit sa sinabi ni Daniel??

Baka hindi lang niya napansin.


"Yung groceries niyo?" Tanong ko kay kuya. Wala kasi siyang dala kahit ano.

"Na...nandun kay mama"

"Iniwan mo kay mama? IKAW ang may kotse!!"

"Oo nga noh?"


(-_-)

Natawa ng kaunti si Daniel.

Bwisit itong si Kuya! Yung totoo? Paano kaya siya nakaabot ng college eh ganyan siya magisip??

Hahaha. Ang sama ko!


"Balikan mo yun!" Sigaw ko sa kanya.

"Kung sumigaw ka, akala mo ang layo-layo ko sayo! Eh di ikaw ang pumunta dun Kath! Makautos eh!"

"Tss. Kuya! Pwede ba! Walang kotse yung si mama, dapat hindi mo na iniwan"

"May driver nga yun eh----" Bigla siyang tumigil sa pagsasalita.

"May driver? Lakas mong mangarap kuya!"

"Hehehe. Naku, bakit mo ko gustong gusto lumayos? Ano bang pinag-gagagawa niyo ni Daniel? Ha?"


O///////O

"Wala! Bakit? May dapat bang gawin?"


Tumawa bigla si Daniel. Sinabayan pa ni Kuya.

Para silang magkapatid! Parehas kasi silang nakakabwisit!


"Oo nga kuya, may dapat ba kaming gawin?" Dagdag ni DJ.

"Abay malay ko sayo Daniel, bat ka ba nandito?"

"Nanliligaw nga kuya"


O_O

Lantaran?

Wala naman siyang sinabi sakin na pumunta siya dito para manligaw?

Tsaka panliligaw ba yung may kasamang kiss----SHOCKS! Ayoko nang maisip yun! PULANG-PULA na ko dito!


"Eh di ikaw na! Ikaw na talaga! Teka, ano dala mo? Pahinge ako!"

"Ubos na kuya. Si Kathryn eh, matakaw. Inubos yung buong cake"


Nanlaki yung mata ni Kuya Neil tapos sinamaan ako ng tingin.


"Halimaw ka talaga! Di ka man lang nagtira sakin!"

"Bakit? Ikaw ba yung nililigawan??"


Hindi naman sa pagmamayabang kay kuya pero nasabi ko lang yung mga yun dahil wala na kong ibang maisip na isasagot.


"Oh di ikaw na rin! Ikaw na nililigawan! Atleast ako, may girlfriend na ko...eh ikaw? Single ka pa rin!! Hehehe"


"Hoy kuya! Pakielam ko naman kung kayo na ni ate yen. And so what kung single ako? MAGANDA naman ako"


"Sus bakit ka ba lumaking sinungaling? Magsama nga kayong dalawa diyan ni DJ. Hoy, umayos kayo! Wag kayong mag-PBB Teens kung sakali mang naghaharutan kayo----" Tumigil na siya kaagad sa sinasabi niya dahil babatukan ko na siya kaso nakatakbo na siya papunta sa labas.


"Wag kang babalik dito!!" Sigaw ko.

"Kausap mo sarili mo! WAHAHAHA" Sigaw niya rin.


Natawa na lang ako tapos sinara ko na yung screen nung pintuan namin.

Si Daniel medyo tumatawa din.


"Ganyan ba kayo lagi ng kuya mo? Asaran ng asaran?"

"Obvious ba? Bwisit yan sa buhay eh" Sinundan niya lang ako nung pumunta ako sa may kitchen.


Nung napatingin ako sa counter, agad ko rin iniwas yung tingin ko.

O/////O


Shocks. Naaalala ko yung nangyare kanina. Aish!!

Kinuha ko na lang yung mga pinagkainan namin kanina tapos dumiretso na ko sa may sink.


"Kaya pala laging pikon..." Asar sakin ni Daniel. Lumingon ako sa kanya tapos nakita ko siyang umupo dun sa may counter. SA LAHAT NAMAN NG UUPUAN, DUN PA TALAGA???!!!


"Hindi ako pikon" Sagot ko.

"Umiyak ka nga nung pinagsuot kita ng t-shirt NOON eh, diba?"

(-_-)


"Sige lang Daniel, ibalik mo pa yung kabadtripan ko sayo NOON..."

"Haha. Peace na!!"

"Peace mo your face, wag na wag kang magpapakita sakin"


Kunwari galit ako kay DJ.

Wala lang...Trip ko lang kasi siya.

Tsaka titignan ko lang kung anong gagawin niya.

^_^


"Psst"

Lumingon ako sa kanya ng nakakunot yung noo.


Nawala bigla yung ngiti sa mukha niya. Di ko na hinayaan pang titigan ako ni Daniel, naghugas na ulit ako ng platito. Baka kasi mamaya, tumawa ako eh, mabuking pa yung trip ko.

Tagal kong hinintay na magsalita siya pero wala. Tahimik lang siya.

(-_-)


"Teka kath, may tatawagan lang ako" Tapos nawala na siya.


Walang kwenta.

Ano ba yan...

Di man lang siya nag-sorry or something.


Bigla akong nawala sa mood ko.

Ewan ko ba.

Siguro nagp-PMS lang ako. Hehehe.


After kong maghugas ng platito, pumunta ako sa sala.

Nakita ko si Daniel na nakaupo lang sa may sofa. Nanunuod siya ng TV.


Ako naman, nakatayo lang dito.

Di ko kasi alam kung uupo rin ako para manuod ng TV or aakyat papuntang kwarto.


Nagdecide akong manuod na lang ng TV. Umupo ako dun sa sofa sa tapat ni Daniel. Kahit kasi medyo badtrip ako kay Daniel, syempre ang panget naman kung iiwan ko yung bisita ko magisa dito.


Galit ba siya?

Nahalata niya kayang pinagtitripan ko lang siya?


Eh kasi naman!!! Tuwing napipikon ako, sorry siya kaagad.

Ngayon? Walang kahit na ano.

Worried tuloy ako.


IKAW KASI KATH EH!

PINAGTRIPAN MO PA SI DANIEL!

EH DI SANA, OKAY PA RIN KAYO!

SANA HINDI NASIRA MOODS NIYO!!


Biglang tumunog yung phone ni Daniel. Tinignan niya yung text message tapos tumingin siya sakin.


"Uhmm, Kath. Uwi na ko"

Titig na titig ako kay DJ nun.


Hindi ko makita sa mga mata niya kung galit ba siya or pinagtitripan niya rin ako.

Para naman siyang hindi galit.

ANO BA YAN! Ang GULO! Galit ba siya or hindi? Ay ewan!


"Di mo man lang ba hihintayin si Mama?"

"Di naman mama mo pinunta ko dito Kath"


(-_-)

"Sabi ko nga"


Tumayo na kami tapos pinatay ko yung TV.

Pagdating sa labas ng gate, humarap siya sakin pero hindi siya tumingin sa mga mata ko.


"Sige Kath, thanks na lang"

Wala pa rin sorry? Wow.


"Hindi. Thank you sa dala mong cake kanina"

"Wala yun. Mauna na ko ha"


Di na ko nagsalita. Bakit? May magagawa pa ba ako? Hmmph.


"Ay kath..." Napatingin ako bigla kay Daniel. Akala ko ba uuwi na siya?

"Oh?"

"May nakalimutan akong sabihin"


^_^

Magso-sorry na siya. I can feel it!!!


"Ano naman yun DJ?"

"Uhmmm...."


Oh-my-gosh. I knew it!! Di niya ko kayang tiisin! Magso-sorry siya sakin!! Hehe.

Para akong baliw dito. Hahaha. Di ko ma-gets sarili ko.


"I-lock mo yung pintuan niyo ah. Magisa ka lang dito, delikado"


Para akong nabaksakan ng puno dun sa sinabi niya.

Shet. Pride niya grabe!!


Eh bakit ba kasi ako nage-expect ng sorry niya, eh hindi naman talaga kami magkaaway!

Hindi naman talaga ako napikon! Pinagtripan ko lang siya!!!


"Tsaka may isa pa" Bigla siyang lumapit sakin tapos nag-smile.

"Ano na naman yun?" Di na ko tumingin sa kanya.


Hay.

Ano na naman kaya yung sasabihin niya?

Na may naiwan siya sa loob?

Ganun?


"Tignan mo yun" May itinuro siya sa sky.


Ako naman itong uto-uto, tumingin.

Wait, wala akong makita. Nakakasilaw...


Unti-onti akong may nakita.


Helicopter.


"Okay...so???"

"Basta tignan mo lang Kath"


Tinitigan ko muna si DJ.

Kapag ako niloloko lang nito, sasapakin ko siya promise.


Sumunod na lang ako dun sa sinabi niya.

Mukha akong sira ulo dito.


Tapos bigla akong nagulat nung biglang may kumalat na confetti.

Then may lumitaw na lang na balloons. Pink heart balloons.

Dun ko lang narealize na may nakasabit pala sa mga balloons na tarpaulin.


Binasa ko yung nakalagay...


I'm sorry Kathryn


Napatingin ako kaagad kay Daniel. Nakatingin pa rin siya dun sa may sky.


T_T

Naiiyak ako!

First time na may gumawa ng ganun sakin!!!


Ano ba Daniel! Bakit ka ba ganyan ka-sweet?

Di ko tuloy maintindihan nararamdaman ko right now.

Pero alam kong sobra pa yun sa masaya.


Tumingin siya sakin tapos hinawakan niya yung mga kamay ko.

"Kath, I'm so sorry. Promise ko, babawasan ko na yung pangaasar ko sayo"


Medyo natawa ako dun. Babawasan talaga? Hindi kayang tigilan?


"Sorry din Kath dahil parang hindi na kita nirerespeto. Alam kong hindi kita girlfriend pero ginagawa ko pa rin sayo yung mga bagay na hindi ko dapat ginagawa. Yes I love you so much but kissing you----"


"Daniel okay lang naman yun eh---" Tinigil ko rin kaagad yung sinasabi ko. "Actually hindi okay yun"


"Exactly. Kapag kasi kasama kita, wala na kong ibang naiisip kundi ikaw. Promise ko, hinding hindi ko na uulitin yun. Hindi na kita yayakapin or hahalikan unless you allowed me. I'm sorry Kathryn. Will you forgive me?"


Super sincere nung mga eyes niya.

Ano ako? Tanga para hindi ka patawarin?

Ang babaw ko naman masyado kung magtatanim ako ng galit sayo!

From the first place kasi, hindi naman talaga ako galit.


Now I'm guilty.

Super guilty.


"Oo naman"


Okay, malandi na kung malandi pero gusto ko talaga siya yakapin.

Shocks. Buti na lang pinigilan ko sarili ko.

Naiiyak kasi ako!!! TT_TT

Pigil pigil ng iyak kath! Nakakahiya yun!


Ang laki ng ngiti sa mukha ni Daniel.

Haha. ^_^


"Grabe ka naman mag-effort! Simpleng sorry okay na sakin DJ"

"Talaga? Ikaw? Pahirapan kaya magsorry sayo"

"Kelan ka pa nahirapan na hingin yung forgiveness ko? Sige nga! Oh ano? Diba wala?"

"Oh, away na naman tayo niyan. Oo na po. Tama ka na po" Tumawa kami dun. Loko tong si Daniel eh.

"Sige Kath. Siguro naman, okay na tayo noh?"


Tumungo lang ako dun sa tanong niya. Okay na okay!

"Siguro naman hahayaan mo kong sunduan ka bukas ng umaga?"

"Daniel, wag na. Sobra sobra na talaga lahat ng ginagawa mo"

"Kath---"

"Wag na. Hahatid din kasi ako ni Kuya eh"

"Okay sige. Basta magingat ka ahh"

"Oo naman. Ikaw din"

"Bale, mauna na ko. Kita na lang tayo bukas?"


Tumungo na lang ulit ako tapos nag-smile ako sa kanya.

"Sige DJ. Buh-bye"

"Bye Kath"


Pinanuod ko siyang lumabas nung gate namin tsaka ako pumasok sa bahay at ni-lock yung pinto.

"AAAAAAAHHHHHHHHH!" Sigaw ko dun sa unan sa may sofa.


PBB TEENS NA KUNG PBB TEENS PERO KINIKILIG TALAGA AKO!

Sobrang pinasaya ako ni DJ.


Ewan ko ba! Talagang ewan!

Super nafa-flattered ako.


Ganyan ba talaga manligaw ang isang padilla?


Kaya pala ang daming naiinlove sa kanya eh.

Kaya pala maraming patay na patay sa kanya.

Kaya pala hinahabol-habol siya ng mga babae.


Every girl would wish for someone like him.


No. Delete that.

Every girl would wish for someone EXACTLY like him. Or him completely.


Sweet. Handsome. Understanding. Medyo pilyo at loko nga lang minsan pero mabait.

Lahat na nasa kanya.


*Kring Kring*

Biglang akong na-distract nung may tumawag sa telepono namin.


"Hello?"

"Uhhmm Kath?"

"Sino po toh?"

"Si bestfriend"

"Oh? Bakit ka napatawag khalil?"

"Sunduin kita bukas ahh"

"Ha? Wag----"


Di ko na rin natapos yung sasabihin ko. Binaba niya na rin kaagad yung phone.

(-_-)


Ano kaya yun.

Wala na naman akong choice!


Pero okay lang. Bestfriend ko naman yun eh.

Na-miss ko na rin naman sumakay sa car niya.

Hehe.

^_^


Daniel's POV


Ang saya ko. Bati na kasi ulit kami.

Oh diba? Nag-promise na kasi ako sa sarili ko na hindi ko hahayaang lumipas ang isang araw na magkaaway pa rin kami.

^_^


Paguwi ko sa bahay, naalala ko si Sofia.

Oo nga pala. Hinihintay na niya kung sasama ba ko. Ako na lang hinihintay niya. Ako na lang.

Hindi siya makapunta-punta sa papa niya dahil wala siyang kasama.


Pagpasok ko, pumunta ako sa TV Room, parang sala din namin. Nakita ko si papa na nanunuod.


"Himala, ang aga mo po yata papa" Nagmano ako sa kanya tapos umupo ako sa sofa sa gilid niya.

"Kaya lang naman ako ginagabi kasi nakikipag dinner meeting pa ko. Wala naman ganun ngayon"

"Ahhh. Pa, may itatanong sana ako"

"Tungkol saan?"

"Tungkol po sa deal natin"


Kumunot yung noo ni papa tapos pinatay niya yung TV.


"Anong tungkol dun DJ?"

"Papa, pwede po bang samahan ko muna si Sofia sa States tapos babalik ako dito to finish my fourth year highschool? Ilang months na lang naman po eh, sayang kung hindi ko pa tatapusin. After nun, I promise Dad. Magaaral ako sa States"


Nagisip si papa tapos umiling.


"Deal is a deal son. Lagi ka na lang nagsasayang ng pera pabalik-balik sa states. Pag trip mong magaral dun, dun ka magaaral. Pagtrip mong magaral dito, uuwi ka. Magbabakasyon ka dun, magbabakasyon ka dito. Namimihasa ka na kasi. I know that you know we're rich pero hindi naman dapat palaging magtapon ng pera"


"Pa. I promise. This would be the last. Just please let me go back kapag sinamahan ko si Sofia. Pa, Months na lang naman ang stay ko dito sa Philippines"

"Bakit ba gustong gusto mo dito? Samantalang dati, kating kati kang bumalik sa US?"


Yumuko ako at bigla kong naalala si Kathryn.


Siya lang.

Siya lang ang dahilan.


"May hindi pa po kasi ako nagagawa..."


Hindi ko pa napapasagot si Kath.

Hindi ko pa siya nagiging girlfriend.

Hindi ko pa siya narinig magsabi ng I love you sakin.


"Is this about Kathryn?"

"Opo"


Natawa ng kaunti si Papa.

"Daniel, kilala kita. Right now, you're interested at her. Pero sooner or later, aayaw ka na rin. Papalitan mo na naman yun ng bago"


"Papa, ibahin mo toh. Iba si Kath. Mahal ko siya"

"Sus. Masyado ka pang bata para masabing mahal mo si Kathryn"


"Oh di sige. Hindi na. Pero kailangan ko po talagang bumalik dito. Kailangan kong matapos ang highschool ko. Kailangan kong mag-stay. Pa, please"


"No. I work professional. Nag-deal na tayo na kapag tumungtong yang paa mo sa States, hindi ka na babalik ng Philippines. You'll stay there until you work. Kaya kung gusto mo pang mag-stay dito, wag ka na munang pumunta dun"


"Pero pa, Sofia need----"


"Well then think twice. Sa buhay, hindi ka pwedeng basta-basta magdesisyon. Hindi pwedeng lahat sumasangayon sa mga gusto mo. Hindi pwedeng hawak mo sa leeg ang lahat ng tao. Yes, mayaman tayo at may power pero hindi sa lahat ng oras ay ginagamit ko yun. Lahat ng bagay ay pinagiisipan ng maiigi"


Oo alam kong spoiled ako. Pinalaki akong nakukuha gusto ko. Tapos ngayon sasabihin niyang hindi na pwede? Putek, lokohan tayo?


Bakit ba ayaw niya pa kong bumalik? Tsk.

Tumayo na lang ako at umalis na. AISH!


Kailangan ko si Kath.

Pero kailangan ako ni Sofia.


Ano bang gagawin ko?


"D" napalingon ako nung tinawag ako ni Sofia.

"Bakit?"


Lumapit siya sakin tapos niyakap ako.

"Ano? Punta na tayo ng states?"

"Ya, hindi mo ba talaga kayang magisa?"

"I can't. What if my father died? Tapos wala ka dun? Sino na lang magko-comfort sakin?"

"Pero kasi---"

"Yun lang naman hinihiling ko"

"Ya...."

"What's holding you back D? Si Kath? Hindi ka niya mahal kaya don't waste your time"


Paano niya naman nasabi na hindi ako mahal ni Kath?


"Alam kong hindi ka niya mahal dahil babae din ako. I know what she feels"

Pero hindi naman sila close. Hindi nga sila naguusap masyado.

Porket babae siya, malalaman na niya kung mahal ako ni Kath or hindi?


"Sofia....give me 2 weeks"

"No. Masyado ng matagal! Nagwo-worry na ko kay papa!"

"10 days?"

"I'll give you a week"

"Ya---"


"Sige na naman please! I need my father and I also need you! Alam kong mahirap sayo ito, kaya sorry. Pero DJ, lagi naman akong nasa tabi mo everytime you need me. Ngayon lang ako humiling sayo, alam mo yan"


Week.

7days lang.

7 days with Kathryn na lang.



Kathryn's POV


Kinabukasan...


"GOOOOD MORNING!!" Bati ko kay mama at kuya. Nakaligo na ko, nakabihis na ng uniform. Ayos na lahat. Kakain na lang kulang.


Umupo na ko dun sa usual seat ko tapos kumuha na ko ng waffles. Humigop muna ako ng hot chocolate bago ako tumingin kela kuya.

O_O


"Bakit kayo nakatingin sakin? Something wrong?"

"Ma, sabihin mo nga sakin. Anak mo ba talaga yang katabi ko ngayon?"

"Abay malay ko Neil. Parang hindi nga eh"


0_o

Ano bang pinaguusapan nila mama at kuya! ABA! Trip na naman nila ako?

Whhhaattteevveerrr!


"Ewan ko sa inyo kuya"

"Nagtataka lang kasi kami. Bakit ba good mood ka?"

"Masama?"

"Hindi naman. Mas masama pa rin yung mukha mo...hahahaha"


(-_-)

Kung hindi lang maganda mood ko, natapunan ko na ng hot chocolate si kuya.


"Teka lang ha. May kukunin lang ako sa kitchen" Sabi ni mama tapos umalis na siya.

"Kuya, hindi nga pala ako sasabay ngayon. May susundo sakin"

"Hula ko si DJ. Bakit? Sinagot mo na ba siya? Kayo na ba? Adik din yun noh? Pipili na nga lang ng magiging girlfriend, panget pa"


Sama talaga nitong si Kuya!


"Hoy! Hindi ko pa po siya boyfriend. Nanliligaw pa nga lang siya eh"

"Sus. Lokohin mo sarili mo"

"Ayaw pa maniwala"

"Sinungaling ka kaya Kath...wahaha"

"Heh! Shut up!!!"

"Haha pikon!!"


Smile Kath. Don't let your panget kuya ruin your mood.

Kumain na lang ako while inaasar pa rin ako ni Kuya. Di na lang ako umiimik. Mukha siyang sira ulong nagsasalita magisa. Hahahaha.


After kong kumain, tumayo na rin ako kaagad.

"Ma, Kuya. Una na ko. Nandyan na si Khalil sa labas"

Sumimangot bigla si Kuya. "Bat si Khalil?"

"Ano namang masama kung siya?"


"Masamang masama. Panget na nga siya, didikit ka pa dun. Ano na kayang itsura niyo? Panget-squared? Hahaha. Ma, bakit ba naaksidente pagmumukha ni Kath? HAHAHA"

Binatukan ko nga si kuya. Kanina pa namumuro sakin yan eh!


"BYE MAMA!"


Paglabas ko ng gate, saktong kakadating lang ng kotse ni khalil.

"Morning bestfriend!"

"Morning" Sagot ko.


Umupo na ko sa may shotgun seat tapos nag-drive na siya.

"Tagal na nating hindi lumalabas"

"Oo nga eh"

"Ano? Labas tayo mamayang uwian?"

"Wag today. May lakad ako Khalil"


Sa totoo lang, wala naman talaga.

Tinatamad lang talaga ako.


"Ah ganun? Sige, siguro bukas na lang..."

Di na lang ako umimik. Malay ko ba kung may lakad ako bukas or wala. Sana lang wag akong tamarin ^_^ hehe.


Pagdating sa school, medyo ang onti pa lang ng tao. Sabay kami ni Khalil na kumuha nung books namin sa locker.

Naghiwalay din naman kami kaagad. Syempre magkaiba kami ng room sa first subject.


On the way to English room, biglang may naglakad sa gilid ko.

Di ko pinansin. Tapos may sumabay na isang lalake ulit sa may left ko naman.

Tinignan ko silang dalawa pero hindi naman nila ako pinansin.


Teka nga.

Tumigil ako sa paglalakad. Napatigil din sila.

0_o


Tumalikod na ko para magiba ng way. Alam kong sinusundan nila ako.

Shet. Wala pa kong kasabay sa hallway right now!!


Sino ba kasi sila? Anong kailangan nila sakin??

Habang naglalakad, may lalake dun na sasalubong sakin. Shocks! TATLO NA SILA!


ISIP KATH! ISIP!

Sigaw ka kaya? Walang papansin sayo. Wala pang tao masyado!!

Takbo? Aabutan ka rin nila?

Makipagaway? As if naman kaya mo sila Kath!


Bigla kong napansin yung CR. For sure, dito...hindi nila ako masusundan.

Pagpasok ko sa loob, ni-lock ko yung door, to be sure na rin na hindi nila ako papasukin dito.

Natatakot na ko!!


Kinuha ko yung phone ko and tatawagan ko na dapat sila Julia pero naalala kong hindi ako nakapagpa-load!! TULONG!!


Ano Kath? Dito ka na lang forever?

Papasok ka pa!! Kailangan mo na lumabas!! Kaso natatakot talaga ako eh!

TT_TT


No Kath. Hindi ka nila sinusundan.

Baka nagkataon lang.

Be strong! Kaya mo yan!!


Paglabas ko ng CR, bigla na lang may nagtakip ng bibig ko gamit yung handkerchief.

Nagpumiglas pa ko pero nahihilo na ako....


Napapikit na ko at nawalan ng malay.


------------------------------


A/N: "Life isn't fair"


Hala! Sweet pa naman nila kaso....

May something. O_O


Aww. Ngayon ko lang na-realize. Chapter 41 na ito. It means, 9 chaps na lang, BOOK 2 na! @_@

Hehehe.


Hope you'll vote and comment or be a fan! ^_^

Continue Reading

You'll Also Like

25.9K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.7K 153 6
Hi! This is a compilation of my short stories, sobrang short na kaya mong tapusin within minutes hehe. I posted these in my facebook already so gusto...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...