Signs Of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

4.9M 142K 20.3K

Alyssa Gwyneth Calaque or 'Aly' is a typical probinsyana girl. Masipag, madiskarte sa buhay at palabang babae... More

Signs Of Love
Prologue.
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 49

72.1K 1.9K 236
By Ineryss

Signs Of Love

Drunk

"I miss partying!" Nakabusangot na reklamo ng girlfriend ni Tres dito sa kwarto kung saan ako natutulog. Medyo may alam narin ako tungkol sa buhay niya pati na roon sa issue. Siya rin kasi ang palagi kong kasama dito sa bahay. Siya ang nakakakwentuhan ko. Mabait naman siya pero kung ikukumpara kay Chany masyado atang mabait ang babaeng iyon. Basta marunong siyang maging mabait.

"Pati ba pagparty hindi mo na nagagawa simula noong issue?" tanong ko.

Umupo siya sa kama at inayos ang nagulo niyang buhok lalo na iyong bangs niya, inilagay niya iyon sa gilid na mas nagpaganda sa kanya.

"Yep. Pinapaliguan ako ng bashers. Alam mo naman iyong naging past ko sa school. Dahil sa panlalalake ko." Tumawa siya.

Umupo narin ako sa kama at itinigil ang pagbuklat sa magazines. May isang article kasi roon na nafeature silang dalawa ni Tres lalo na't main topic rin iyong kasal ni Dos at ni Addi.

"Ang hirap nga ng sitwasyon mo. Kahit siguro ako ay mababaliw kung ako ang nasa posisyon mo."

Sumimangot siya. "I'm already crazy. Kaya siguro hindi na ako natablan."

Malamang! Sa mga nalaman ko sa kanya masasabi ko talagang nababaliw na siya! Siya ata ang pinakabaliw na babaeng kilala ko!

"Desperada rin," sabi ko.

Naningkit lalo ang mga mata niyang singkit. "Ouch! Ikaw Aly ang bait bait mo pero ang tabas ng dila mo ha!"

Natawa ako na ikinatawa niya narin.

"But seriously, Aly, gusto kong magparty. Total brokenhearted ka naman, tara labas tayo!"

Natigilan ako sandali sa plano niya. Alam niya kasi iyong tungkol sa amin ni Uno. Sinabi ko sa kanya lahat at ipinangako niya naman na sa amin lang iyong dalawa. May tiwala rin naman ako sa kanya na hindi niya iyon ipagsasabi maskin kay Tres.

"Hindi nga ako mahilig sa party."

"Just this once! Try mo maglasing! Believe me masarap yun sa feeling lalo na pag nakikihalubilo kana sa dancefloor!" Excited niyang sabi. Kumikislap pa ang mga mata niya habang nagkukwento.

Ni minsan, hindi ko pa naranasang malasing. Hindi ko pa naranasang uminom. Noong dinala ako ni Addi ay hanggang juice lang naman ako. At wala rin naman sa isip ko ang maglasing pag may problema ako eh sakit sa ulo lang naman ang maibibigay niyan.

"Papayagan ka ba ni Tres?" tanong ko.

Unti-unting sumilay ang makahulugang ngiti sa kanyang labi. Umiling siya.

"He won't allow me that's why we're going to sneak out!"

"Ayoko! Nako, wala pa naman akong pera-"May pera ako!" putol niya sakin. Napatitig ako sandali sa kanya. Hindi kumbinsido sa plano niya ngayon.

Nagpout siya bigla. Ang singkit niyang mga mata ay unti unti nang nagiging parang tuta. Makikita mo ang lungkot roon. Lalo na't ipinagsalikop niya na ang mga daliri niya sa isa't isa.

"Please? Kailangan ko lang talagang pumunta sa Bar..." Pinagkukurap niya ang kanyang mga mata habang pinapaliit ang boses. Akala ko pa naman gusto niya nang magmature. Siguro ay hindi niya talaga maaalis sa sistema ang ganitong ugali niya. Natural na lumalabas iyon sa kanya.

Napabuntong ako ng hininga. Total wala rin naman ang magkapatid dito. Sumama kasi sila kay Tita. Mukhang may emergency sa kompanya nila kaya kailangang tumulong ng dalawa.

Maggagabi na nang lumabas kami ng mansyon. Medyo nag-aalala ako dahil baka pagkaguluhan na naman siya.

"Chill! That Bar is exclusive! Bawal ang mga media. Plus, may mga friends pa naman ako doon. They're going to be my back-up kung may nangyaring gulo. Trust me Aly!" Niyakap niya ako, para siyang bata na nangungumbinsing payagan nalang ito.

"Oo na! Basta ayokong malasing ah."

Lumiwanag ang mukha niya at tumango tango. Sa suot niyang black dress ay mas lalong lumitaw ang kaputian niya, masasabi mo talagang magaling siyang magdala sa sarili niya. Nakasimpleng white dress lang naman ako na kapit na kapit sa katawan ko at hanggang hita ko lang habang siya naman ay nakaexpose ang likod. Para iyong cocktail dress na may nakapaligid na kumikinang na dyamante.

"Mapapagalitan ka talaga ni Tres," sabi ko sa kanya pagkababa namin ng taxi. Pamilyar sa akin ang lugar lalo na't malinaw kong nakikita ang malaking pangalan ng Bar. Umiilaw ito at lumalabas ang nangyayaring ingay sa loob. Hindi naman gaanong malakas pero masasabi mong may nangyayaring party sa loob.

"Alam ko. Total mamaya pa naman kaya mamaya ko nalang aalahanin." Kumindat siya sa akin at hinila na ako papasok.

She likes having fun. Isa iyon sa alam ko sa kanya. Mahilig siyang sumugal sa mga bagay na alam niyang mananalo siya. Handa niyang itaya ang lahat.

Ang nakakabinging tugtog agad ang sumalubong sa amin. Pamilyar na ako sa loob dahil dito ako dinala ni Addi at dahil narin Bar ito ng magpipinsang Delafuente. Hindi na ako magtataka kung nakita ko rito ang isa sa kanila o ang mga asawa nila. Pero wala na silang panahon sa mga ganito dahil busy na sila sa mga anak nila.

"Woooooh!" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay. Nagsisimula nang gumalaw ang kanyang katawan dahil sa ritmo ng tugtog.

"Let's go Aly! Sa counter tayo!" Hinila niya ako roon. Hindi nabubura ang natamis na ngiti sa kanyang labi.

Napansin ko agad ang pagkatigil ng iba dahil sa kakatitig sa kanya. May iba na nagbubulung-bulungan pa pero may iba naman na namanangha lang talaga sa kanya. Kaya rin siguro pinagtitinginan ako ng ibang lalake.

"Nakatingin narin yung iba sa akin. Masasali ba ako sa issue?" tanong ko sa kanya nang inukupa namin ang dalawang bakanteng stool sa harap ng counter.

"No silly! Maganda ka kaya ka pinagtitinginan. Walang media dito Aly." Natatawa niyang sabi saka itinuon ang atensyon sa harapan. May kung ano siyang sinabing inumin roon.

Ilang sandali lang ay naglapag na ng lemon at maliliit na baso iyong bartender. Eh? Anong klaseng inumin ito at kailangang may lemon?

Ibinigay niya sa akin iyong maliit na basong may laman na.

"Ganito. Sipsipin mo iyong lemon saka mo ito inumin. If you dont like the taste then sumipsip ka lang ulit ng lemon. It will make you feel better." Pagbibigay niya ng instruction sa akin na hindi ko naman gaanong nagegets.

Naging wild ang tugtog dahil sa isang trance music. Ako naman ay nakatitig sa hawak kong shotglass at dinadasalan muna na sana hindi ako malason nito pag ininom ko ng isang lagukan. Mariin akong pumikit at nilagok iyon. Mabilis na nasira ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa hapding dumaloy sa aking lalamunan. Kahit hindi ko maintindihan ang lasa ay inubos ko nalang ito saka ko sinipsip iyong lemon para maalis iyong masamang lasa sa bibig ko.

"How was it?" Natatawa niyang tanong.

"Parang nasunog ang lalamunan ko! Ang hapdi!" Reklamo ko na ikinahagikhik niya lang.

"Congrats, Aly! You have a life now."

Nailing ako sa kanya pero natawa narin. Halos maubos ko iyong ibang lemon sa kakasipsip ko dahil sa pait ng lasa. Ito ba ang gusto nilang inumin! Para akong uminom ng sabon panlaba!

"Red!" Kapwa kami napalingon sa pinanggagalingan ng boses. Lalake iyon. Mestiso, matangos ang ilong, matangkad at may magagandang mata.

Napatayo si Red sa kanyang upuan at laglag panga doon sa tumawag sa kanya.

"Oh my gosh, Marco!" Dinamba niya agad iyon ng yakap. Halos iangat pa siya ng lalake dahil sa pagyakap rin nito pabalik sa kanya. Ako naman itong nasisira parin ang ekspresyon ng mukha dahil sa ininom ko. Para akong nahihilo na ewan. Jusko Aly! Nalason ka nga yata!

"I didn't expect you're going to be here after the issue! Sikat na sikat ang apelyido mo." Narinig kong sabi ng lalake.

Narinig ko ang hagikhik ni Red. "Oo nga eh! Don't mind it. Tapos na ako sa pagtatago ko. I just want my old life back! Kahit parang imposible na."

"Come on, Red. Balita ko nakikipagdate kana ulit doon sa isa sa mga lalakeng pinaglaruan mo-" Sinapak niya ito ng mahina sa braso. "You bastard. Huwag mo nang ipaalala. Kung alam ko lang na magiging ganito ay hindi ko na ginawa lahat ng iyon. I'm such a pain in the ass." Nailing si Red.

"You're always a pain in the ass, playgirl." Kinurot nito ang ilong ni Red at isiniksik sa kanyang balikat para yakaping muli.

"I miss you. Buti at naisipan mong umuwi."

"I miss you too."

Humiwalay si Red sa kanya at doon lang ako nilingon. "Anyway, she's my friend, Aly. And Aly, this is Marco my childhood friend."

Ngumiti ako sa kanya. "H-Hi!" Awkward kong pagbati. Inilahad niya naman sa akin ang kamay niya at nakipagshakehands.

"Hey gorgeous." Ngumiti siya sa akin. Si Red naman ganoon rin ang ngiti.

Nakakadalawang baso na ako doon sa ininom ko at hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nakakaya ko nang sabayan ang mga trip ni Red. Hinila niya ako kanina sa dancefloor at sumayaw kaming dalawa. Natatawa ako dahil palagi akong nakakaapak dahil narin sa mali mali kong pagsayaw.

"Maganda ka lang talaga Aly pero wala kang talent sa pagsayaw!" Kantyaw ni Red sa akin.

"May iba diyan magaling sumayaw pero walang ganda. Kaya kwits!" sigaw ko na ikinalingon ng babae sa akin. Matalim ang tingin at halata ang pagkainsulto. Kanina pa kasi siya twerk ng twerk. Nasasagi ng pwet niya ang pwet ko!

"Oops. Hindi ako magaling sa away, Aly! Better shut your mouth." Natatawa akong hinila ni Red paalis sa dancefloor. Gusto ko pa sana kaso hindi ko na makontrol ang sarili ko.

Dinala niya ako doon sa sofa kung nasaan rin iyong iba niya pang mga kaibigan. Kadalasan ay mga lalake. Siguro may dalawang babae pero mas maraming lalake. Pinakilala ako ni Red sa kanila kanina pero nakalimutan ko na ang pangalan nila. Mas close siya sa mga lalake. Iyong dalawang babae ay girlfriend lang ata ng mga kaibigan niya.

"You really lose the game, Red! You're even dating him! Ano, nahulog na ang dakilang heartbreaker? Natuto kana?"

"Shut it, Leeland! I changed!" Natatawang si Red.

Inakbayan siya ni Marco. "This playgirl is trying to be mature now I guess."

"Hell yeah! Mature na ako! Thank God. Cheers guys!"

Kahit hindi ako makarelate sa pag-uusap nila ay nakisali narin ako. Bibigyan rin kasi ako ng bote ng beer. Halo halo na iyong ininom ko. Medyo mapait ito pero hindi kagaya doon sa nauna na para akong nilalason! Sobrang sama ng lasa.

"Red, single pa ba itong si Aly. She's damn gorgeous! Kanina ko pa siya tinititigan!" sabi noong isa na hindi ko na alam kung anong pangalan.

Hindi agad nakasagot si Red. Nagkatinginan pa kaming dalawa. Kahit ako ay hindi alam kung anong isasagot.

"Uhhhh, oo? Single ako." Humalakhak ako sa sarili kong sagot.

Nagsipulan sila.

"Cheers for that!" Inangat noong nagtanong sa akin kung single pa ba ako ang kanyang bote kaya nakipagcheers narin ako. Kapwa kami natawa.

Nawalan ako ng hiya at nakikipagtawanan narin sa kanila. Pinagkukwento nila ako tungkol sa buhay ko kaya nagkwento ako sa mga pinaggagawa ko sa bukid. Hindi nga sila makapaniwala.

"So you're a farmer?" tanong ni Klint.

"She's not just a farmer, man! She's a hot farmer!" Sabi naman ni Leeland na ikinatawa ko.

"Hot talaga ako! Kayo pa naman magtanim sa tirik na araw hindi ba kayo magiging hot! Buti na nga lang at hindi ako nasusunog!" Natatawa kong sabi na ikinatawa narin nila.

Hindi ko na halos nakuha ang sinabi sa akin ni Red nang tumayo siya at alalayan ni Marco. Basta ay itinuturo niya lang iyong sa may cr. Tumango nalang ako at nakipagdaldalan ulit sa mga kaibigan niya.

"Meron bang cheater dito sa inyo?" biglaan kong tanong na ikinatigil nila.

"We're all loyal, Aly. Loyal kami sa mga babae," Troye.

"Yep, loyal siya sa lahat ng kanyang babae." Pagsiwalat ni Leeland na ikinatawa ulit namin.

"Ah, cheater pala itong si Troye. Isa ka rin palang animal katulad noong kilala ko! Nakatali na nga pumapatol pa sa akin!"

"Aba't sino yan, Aly! I'll punch and kick his balls!" matapang na sabi ni Troye. Sinuntok niya pa ang palad niya.

Sa gumugulong kong paningin ay may bigla akong naaninag na pamilyar na mukha ni Uno. Bigla nalang itong lumitaw.

Itinuro ko siya. "Kamukha niya oh! Kamukha niya iyong animal na cheater!"

Napatingala sila sa lalakeng seryosong nakatayo sa kanilang harapan.

"You're kidding me, Aly. That's Uno." Halos pabulong na sabi sa akin ni Klint.

"Oo si Uno! Kilala mo iyong dakilang animal na iyon, Klint?" Tumawa ako at pumalakpak. Ang talim sa mga mata ng kamukha ni Uno ay hindi nagbabago. Para siyang galit ngunit kalmado lang. Pero nakakapilipit ng tiyan iyong madilim niyang ekspresyon.

"Man... I don't wanna die yet," bulong ni Troye na hindi nakaligtas sa aming pandinig habang nagugulat sa imahe ni Uno.

"You want to kick my balls?" Seryosong tanong ni Uno kay Troye na mabilis na umiling habang namumutla.

"I-I was just joking-"Sabi mo sisipain mo ang mga bola niya! Sige na go! Ishoot mo ishoot mo na ang balls! Go!" Sigaw ko at pumalakpak.

Nahilot ni Klint ang kanyang sintido habang ang iilan ay naiiling at si Troye naman ay pinandidilatan ako at sinisenyasang tumahimik. Hindi ko iyon magets kaya ngumiwi ako.

"We didn't touch her man. We're just talking with her. Plus, she said she's single-" Si Leeland na natigil dahil nangibabaw agad ang boses ni Uno.

"She's my girl," he said with finality kaya natutop ang kanilang mga bibig.

Napanguso ako. Kinuha ang bote at inangat sa ere kasabay ng pagtayo ko. Halos mawalan pa ako ng balanse pero naitukod ko ang aking kamay sa sofa at tumayong muli.

"Cheers sa dakilang animal na si Uno!"

Imbes na makipagcheers sila sa akin ay hindi na sila umiimik at iniiwas na ang tingin sa akin. Kinuha ni Uno iyong bote saka ako hinila paalis doon sa sofa.

"H-Hoy! Teka! Iinom pa ako!" Nagpumiglas ako kaso sa sobrang higpit at lakas ng pagkakahawak niya sa akin ay hindi ko man lang makalas ang kamay ko. Hindi ko iyon mabawi.

"Who told you to drink in this fucking Bar, Alyssa? With those bastards?" Galit niyang tanong.

"Bitiw nga!" Hindi ko pinakinggan ang kanyang tanong at hinila ang kamay ko. Naduduwal rin ako sa kanyang panghihila. Umiikot ang aking paningin at pakiramdam ko ay umiikot na ang paligid.

"Nasusuka ako!" sigaw ko na ikinatigil niya at nilingon ako. Galit ang mukha pero nangingibabaw ang pag-aalala.

Nailing siya. Hinila ako sa ibang direksyon imbes na lalabas na kami.

Takip takip ko ang aking bibig at pinipigilang maduwal. Nang matanaw ko ang girl's cr ay mabilis akong tumakbo papasok at sumuka sa sink.

"Shit! N-Nalason ata ako!" mangiyak-ngiyak kong sabi. "Dahil iyon sa masamang lasang ininom ko! Grabe ang sakit sa lalamunan!" reklamo ko pagkatapos kong sumuka ng marami. Nasa likuran ko naman si Uno. Hinihimas ang aking likod.

"Lasing ka hindi nalason," sabi niya, kalmado ang mukha pero hindi nawawala ang galit sa mga mata.

"Nalason ako animal!" sigaw ko sa kanya, tinitingnan ang ekspresyon niya sa salamin. Hawak niya ang buhok ko para hindi iyon maging sabagal sa pagsuka ko.

"Don't act like you're the one who's mad here, Aly. Hindi ako natutuwa."

Napakurap ako roon. Sa mukha niya nga, para siyang nagtitimping magalit ng matindi.

"Stay here. I'll get you a bottle of water."

Pinunasan ko ang aking labi at tumango. Medyo kinakabahan dahil sa inaasal niya.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Kahit na pinainom ako ni Uno ng tubig at nasa loob na ng kanyang sasakyan ay hindi parin nawawala iyong weirdong pakiramdam ko. Para akong lalagnatin na ewan.

"Nalason ata ako..." reklamo ko habang hawak ang ulo kong parang mabibiak na. Tahimik si Uno sa pagmamaneho hanggang sa hindi ko na alam ang nangyari.

Nagising nalang ako na inilalapag niya na ako sa isang malambot na kama. Siya mismo ang nag-alis ng suot kong heel.

"I can't believe you'd be like this, Aly. You're not into this stuff. Since when did you learn partying and drinking, stubborn girl?" tanong niya. Sa sobrang lapit ng kanyang mukha ay naamoy ko na ang mint na nanggagaling sa kanyang bibig. Tumatama narin sa aking pisngi ang kanyang hininga.

Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata. Nakita ko siyang nakayuko habang ang isang kamay ay nakatukod sa headboard ng kama.

Imbes na magsalita ay tanging titig lamang ang naibigay ko. Ang mga mata ng lalakeng hindi ko kailanman maiaalis sa sistema ko. Parang may kung anong bumubutas sa aking puso habang patagal nang patagal ang paninitig ko sa kanya.

"Let's talk about this tomorrow. Just rest." Tumayo siya ng tuwid. "Sa labas lang ako."

Aalis na sana ito kung hindi lang may lumabas na kung ano sa bibig ko. Mga salitang hindi ko na napigilan pa.

"Di mo kayang manatili dito dahil magkakasala ka sa asawa mo?" Pekeng tawa ang naidugtong ko sa aking tanong.

Bumalik muli si Uno. Mabilis ang paghakbang makarating lang muli sa aking direksyon. Yumuko siya hanggang sa naramdaman ko nalang ang nahuhulog niyang labi sa akin at ginagawaran ako ng malalim na halik. Sa sobrang lalim ay halos mapapikit ako.

"I'm not married yet unless you say yes to me."

Wala na akong maalala pa bago ako tuluyang mahulog sa mahimbing na pagtulog. Basta ang malinaw lang sa akin ay hinalikan ako ni Uno. Dala ng kalasingan ay hindi ko na matandaan iyong sinabi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 133K 60
The "cold" Irah Buenaventura is having a crush with a snob Delafuente that will push her to trick him in order to get him. She's willing to play all...
461K 12.5K 120
Magui was the most innocent and purest Ongpauco. Not until she started writing letters about how she felt, sealed it, and hid it in a box since the d...
6.8M 180K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
3.5M 12.4K 5
Addison Kailey Heira is an ultimate badass. Sariling desisyon niya lang ang sinusunod niya. That's her law. Mahilig siyang takasan ang isang bagay na...