Chapter 34

65.7K 2.1K 146
                                    

Signs Of Love

Pagkatapos Iwanan

Nagugulat ang buo kong sistema sa lahat ng nalaman. Ang biglang pagbait sa akin ni Tita, ang rason na si Uno na ang may-ari ng lupain. Kaya siguro nagoon na siya makitungo sa akin dahil nakuha niya na lahat ng gusto niya. Napangasawa na ng anak niya ang lalakeng naging dahilan ng pag-aaway namin ni Lhuella noon kaya ganoon narin ang galit sa akin ni Tita dahil mas kampi siya sa anak niya.

Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang lahat. Kung paano ipapasok sa kokote ko isa-isa. Para akong mababaliw at gusto nalang bumalik sa syudad at kalimutan lahat ng nadatnan rito.

Nanatili ako sa loob ng aking kwarto. Umiiyak dahil sa mga nangyayari. Sobrang layo ng imahinasyon ko sa pagbalik ko kaysa sa nangyayari ngayon. Pinunasan ko ang panibagong luhang tumulo nang makarinig ako ng katok.

"Dinner." Narinig kong malamig na sambit nito sa labas.

"W-Wala akong gana," sambit ko sa namamaos na boses. Medyo nilakasan ko pa iyon para lang marinig niya.

Humiga ako sa aking kama at niyakap ang unan. Sumisinghot ako at parang isang teenager na hindi pinansin ng kanyang crush sa eskwelahan kanina kaya ngayon ay nagdadrama na. Pero nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto ay mabilis rin akong napaupo. Pumasok si Uno dala dala iyong mga susi. May duplicate pala siya.

"Pati ba naman privacy ko ay sa'yo rin?" matabang kong tanong. Napatitig siya sandali sa aking mga mata pero kalaunan ay nag-iwas rin ng tingin.

"Lumabas ka at kumain," tanging sinabi niya.

"W-Wala akong gana, Uno," paliwanag ko, hindi maiwasang manginig ang boses dahil sa ikinukubling luha.

"Inuutusan kitang kumain, hindi magreklamo," aniya.

Napabuntong ako ng hininga. Naubos na ang aking lakas sa pakikipagtalo sa kanya kanina kaya mas pipiliin ko nalang sundin ito kaysa naman mas humaba pa ang pagdedebatehan naming dalawa.

Lumabas ako ng kwarto at sinundan siya sa kusina. Ang tanging naririnig lamang na tunog doon ay ang mga kubyertos naming nagsasalpukan sa isa't isa. May steak at gulay sa lamesa. May ibang dish rin na hindi pamilyar sa akin. Na sa bawat pagkuha ko ng pagkain ay nakasunod ang tingin niya. Pati sa pagsubo ay napapanguya siya ng dahan dahan para tingnan ang aking ekspresyon. Masarap pero hindi na iyon umabot sa aking mukha. Naninibago ako dahil ibang Uno na ang kasama ko.

M-May anak na kaya sila ng pinsan ko? Gusto ko sana iyong itanong kaso may parte rin sa akin ang ayaw marinig ang kanyang sagot, ang totoo.

Nasa pagkain nalang ang aking tingin. Napansin ko sa kanyang kamay na wala namang singsing roon. Nabuhayan ako ng loob pero may parte parin sa akin ang nasasaktan.

Napunta ang aking mga mata sa kanyang kamay at tinunton ang kanyang daliri. Walang singsing doon. Ba't hindi niya suot?

Tahimik na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Kaya siguro hindi ko rin makuha ang mga senyales na iyon dahil alam ng Langit na masasaktan lamang ako pag umasa ako sa isang bagay na hindi rin naman para sa akin. Hindi na ako makikialam kung masaya rin naman silang dalawa. Ililibing ko nalang sa limot ang nararamdaman ko para kay Uno. Ibabaon ko iyon kasama ng magaganda naming alaala.

Lumabas ako ng bahay. Malamig pero nakakaya naman. Kausap ko si Addi sa kabilang linya. Kanina pa kasi ako naghahanap ng signal hanggang sa umabot ako rito sa pinakadulo ng lupain. Sobrang layo ko na sa Rest house.

"How are you? Nabawi mo na ang lupa niyo?" tanong ni Addi sa kabilang linya.

"Malapit na. Iyong Tita ko kasi may inaasikaso pa kaya hindi ko rin agad mabawi ang lupa." Pagsisinungaling ko kay Addi. Ayokong makadisturbo sa kanya. Dahil sa oras na nalaman niyang may malaki akong problema ay hindi iyon magdadalawang isip na pumunta rito.

Signs Of Love (Buenaventura Series #2)Where stories live. Discover now