KINGDOM OF IVATRA (Ongoing)

By writist_j

15.8K 4.9K 270

Si Rhia Evenir ay 17 years old na babae na kinukutya sa kanyang anyo. Isang araw ay bigla silang napunta ng m... More

Welcome to Kingdom of Ivatra
Chapter 1: Kingdom Of Ivatra
Chapter 2: Prince Andrexsel
Chapter 3: Rhia
Chapter 5 : Yola and Vire
Chapter 6: Pinuno
Chapter 7: Fear
Chapter 8 : Bravery
Chapter 9: Parusa
Chapter 10 : Kemin
Authors Note
Chapter 11: Panyo
Chapter 12: The Enemy
Chapter 13: Fedrena
Chapter 14 : Ivatran Warrior
Chapter 15: Yakap
Chapter 16: Queen Imarra
Chapter 17: Paglipad
Chapter 18: Outside the Palace
Chapter 19: Magical Flower
Chapter 20: Princess Laraneva
Chapter 21: Haresiya at Haresiyo
Chapter 22: In The Queen's Room
Chapter 23: The Letter
Chapter 24: The Nightmare
Chapter 25: Most Beautiful
Chapter 26: Pagsasanay
Chapter 27: Favorite Song
Chapter 28: Friends
Chapter 29: BestFriend's Secret
Chapter 30: Friends Questions
Chapter 31: Picture
Chapter 32: Pag-uusap
Chapter 33: Mall
Chapter 34: Bisita
Chapter 35: Andrexsel
Chapter 36 : Magical
Chapter 37: Special
Chapter 38: Kakaibang Araw
Chapter 39: First
Chapter 40: Prinsipe
Chapter 41: Kenna
Chapter 42: Pagpupulong
Chapter 43: Inang Reyna
Chapter 44: Garden
Chapter 45: Black Griyan Warrior
Chapter 46: Andrexsel and Rhia
Chapter 47: Happiness and Love
Chapter 48: Decisions
Author's Note
Thankyou Note
Chapter 49: Power
Chapter 50: Pagbabalik
Chapter 51: Bintana
Chapter 52: Si Rhia at ang Reyna
Chapter 53: Ama
Authors' Note

Chapter 4 : Black Kingdom of Griya

558 263 10
By writist_j

Chapter 4 : Black Kingdom of Griya

Dedicated to Fantasystic and mlovej4

Derick's Point of View

Umaga na dito sa Ivatran Warriors Room. Dinalan kami ng almusal ng mga Dasre sa aming kwarto.

"Masarap yung luto nila pero mas masarap ang mga luto ni Rhia" kwento ko sa mga kasama ko sa kwarto na sina Baste at Erno.

"Sino sya? Girlfriend mo? hahaha" nanunuksong tanong ni Baste at namula ang pisngi ko.

" Hahaha Hindi pa. pero gusto ko" namumulang sagot ko.

"Maganda ba sya?" tanong ni Erno.

Nagulat ako sa tanong nya.

"Yes, Oo maganda sya, sya yung pinakamagandang babae, inside and out" sagot ko.

"Ah masarap mga luto nya?" tanong ni Baste.

"Oo, pag pumupunta kami ni Yola sa bahay nila nagluluto sya , ang sarap ng luto nya" sagot ko kay Baste.

"Kababata ko sya, mabait sya at mapagmahal, bata pa lang kami gusto ko na sya" kwento ko.

"Mukha ngang nagmamahal ka ng sobra sa kanya" tukso ni Baste, napangiti ako.

"Nasan sya? " tanong ni Erno.

"Nasa lugar sya ng mga Dasre ngayon" sagot ko, nakaramdam ako ng lungkot at galit.

Di ko sinabi na si Graceno ang nagdala sa kanya dun at nagdala sa amin dito dahil sabi nya ay huwag sasabihin yun sa kahit sinong taga-Kingdom of Ivatra. Nakakainis ang Gracenong yun, Humanda talaga sya sa akin.

"Gusto ka rin ba nya?" tanong ni Erno.

"Hahaha, Oo sa tingin ko she likes me" sagot ko.

"Gwapo ka naman at mabait kaya sigurado gusto ka din nun." sagot ni Erno.

"Alam na ba nya na Mahal mo sya at gusto mo sya" tanong ni Erno.

"Ah hindi pa eh pero pag nagkita uli kami, magtatapat na ko sa kanya" sagot ko.

"Oo dapat magtapat ka na, Baka makuha pa sya ng iba sayo" sagot ni Erno na nagpakaba sa akin.

"Hi-hindi ko masabi kasi magbestfriend kami. Kumbaga mahirap kasing magtapat sa matalik mong kaibigan na gusto mo sya at mahal mo sya dahil may friendship kayong iniingatan. Pero i love Rhia very much more than just a friend, at sa tingin ko its time to tell her how much i love her" sagot ko.

"Hahaha, ang sweet naman, swerte naman nya, Gwapo na mabait pa at sobrang love sya ng Boyfriend nya" panunuksong sagot ni Erno.

"Hahaha, Oo Im her Boyfriend, She is mine, Akin lang sya" sagot ko na pulang-pula ang mukha.

Yola's Point of View

Pagkatapos naming kumain ng almusal ay pinalabas kami ng kwarto namin sa Ivatran Warriors Room at pinaupo sa mga upuan.

Nakita kong nag-uusap sina Friyan at Vire. Nakaramdam ako ng selos haha.
Ano ba tong napifeel ko? hindi tama to.

Humarap sina Friyan at mga iba pang pinuno ng Ivatran Warriors sa amin.

"Kamusta mga Ivatran Warriors, handa na ba uli kayo sa inyong pagsasanay." sabi ni Friyan at tumingin sya sa direksyon ko na kinagulat ko. Namula ang pisngi ko.

At inumpisahan na muli namin ang pagsasanay.

Kutsilyo ang kinuha ko para hindi si Vire ang magsanay sa akin dahil sa mga tagapana sya namumuno.
Ngunit laking gulat ko ng lumapit sya sa akin at kumuha din ng kutsilyo.

Nagulat ako ng iamba nya at ipinatama ang kutsilyo sa akin at akoy umiwas ng umiwas sa kanya.
Takot na takot ako sa ginawa nya.

Nakita ito ni Friyan at pinahinto nya si Vire. Lumapit din ang friend ko na si Derick na nag-alala sa akin.

"Vire anong ginagawa mo?, itigil mo yan" saway ni Friyan kay Vire.

"Ito yung tangang pumana kahapon, tapos ngayon kutsilyo gagamitin nya" ang mataray na sagot ni Vire.

"Eh bat naman ipinatama mo sa kanya ang kutsilyo?" tanong ni Friyan.

"Eh tanga sya" mataray uling sagot ni Vire sabay tingin ng masama sa akin.

"Hindi mo dapat ginawa yun, nakakahiya ka ang daming Ivatran Warriors dito, kitang-kita nila ginawa mong kabaliwan" galit na sagot ni Friyan kay Vire.

At nakatingin nga lahat ng Ivatran Warriors na gulat na gulat sa nangyari.

"Ok im sorry " sabi ni Vire at lumayo ito ng konti sa amin ni Friyan.

Tinignan ako ni Friyan, Omg tinitigan nya ko, napatitig din ako sa kanya pero hindi ko rin natagalan at iniwas ko rin agad ang aking tingin sa kanya.

Nakita ito ni Vire at lalo itong nagalit sa akin pero lumayo na ito sa amin para paumpisahan ang pagsasanay sa mga tagapana.

"Patawad sa ginawa ni Vire, masaya akong makilala ka, ano ang iyong pangalan?" tanong ni Friyan na nagpalakas ng sobra ng tibok ng puso ko.

"Ah im, im Yola Laveder" ang sabi ko na kinakabahan at namumula ang pisngi.

"Nice to meet you Yola " sabi ni Friyan.

"Nice to meet you din Friyan" sagot ko

Rhia's Point of View

Naglilinis pa rin ako ng kwarto ng Prinsipe ng ito ay magising.

"Pagluto mo ko ng tanghalian Dasre dalin mo sa Damira Room o Dining Room ng Palasyo. Kakain kami ng Ina kong Reyna na si Queen Imarra" utos ni Prince Andrexsel.

Ay naku utos na naman, napagod na nga ko sa paglilinis ng kwarto nya.

"Sige Kamahalan gagawin ko, wait lang pahinga lang konti" sabi ko na nakakunot ang noo at nakasimangot.

"Oo nagugutom na kasi ko kaya magluto ka na Dasre" utos ng Prinsipe.

"Ang pangit mo talaga, saksakan ng pangit" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi na kinainis ko ng husto.

"Gusto mong hambalusin kita ng walis Kamahalan" nasagot ko sa sobrang inis at pagod.

Hawak ko kasi ang walis na ginamit ko sa paglilinis hahaha.

"Sige mawawalan ka na ng ulo kasi papupugutan na kita sa tagaparusa ko" sagot nya at ngumisi.

"Hahaha, edi gawin mo" sagot ko.

"Hinahamon mo ko pangit" galit na sagot nya

"Oo yabang, ok lang kahit patayin mo na ko ayos lang sa akin" sabi ko at ngumisi.

"Hahaha kanina iyak ka pa na parang bata ayaw mong mamatay o maparusahan tapos ngayon sasabihin mo patayin ka, Baliw ka pangit" sabi ni Prinsipe ng Kayabangan.

"Umalis ka na sa harap ko Dasre at pagluto mo na ko ng tanghalian hindi yung nakatunganga ka" sabi ng Prinsipe.

"Oo na yabang" sabi ko at binitawan ko ang walis na hawak ko.

"Ok na sa king mamatay ako, kesa patuloy mo kong alilain at insultuhin" sagot ko at sumimangot. Ngumisi naman siya.

At pumunta na ako ng Fedrena Room para lutuin ang pagkain ng Prinsipe ng Kayabangan.

Dinala ko ito sa Damira Room kung saan nandun din ang Ina ni Prince Andrexsel na si Queen Imarra.

Napakaganda nya, Kulay Brown ang buhok nyang mahaba, kulay blue ang mata din nya tulad ni Prince Andrexsel at napakatangos ng ilong. Napakaganda ng kasuotan nya at napakaganda ng korona nya.

Yumuko at nagbigay pugay ako sa kanya. Si Ikayil ang Punong Fedre ang nagluto para sa Reyna.

"Magandang araw po Kamahalan, Queen Imarra." pagbibigay pugay ko sa Reyna. Tumingin lang siya sandali sa akin at nagpatuloy na sa pagkain.

Inihain ko naman ang pagkain ni Prince Andrexsel sa lamesa.

Tumingin sa akin si Prince Andrexsel "Masarap luto mo Dasre Rhia" puri nya sa luto ko na kinagulat ko at nagpamula ng pisngi ko.

"Sige pwede ka ng umalis " sabi ni. Prince Andrexsel.

At umalis na nga ako sa Damira Room.
Niluto ko naman ang aking pagkain at kumain sa Fedrena Room.

***

Naiwang kumakain sa Damira Room sina Prince Andrexsel at Queen Imarra.

"Bago bang Punong Fedre tulad ni Ikayil ang babaeng yun Andrexsel? Bakit hindi na si Ikayil ang nagluto ng pagkain mo?" Tanong ni Queen Imarra.

Nagulat si Prince Andrexsel sa tanong ng Reyna pero natawa siya.

"Si-Siya ang aking Personal na Dasre Mahal kong Ina" sagot ni Prince Andrexsel.

"Personal na Dasre?" Tanong ni Queen Imarra.

"Ah oo Ina" sagot ni Prince Andrexsel at ngumiti.

Hindi na nagsalita si Queen Imarra at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay nagsalita si Prince Andrexsel "Mahal kong Inang Reyna, may ginawa na namang kalokohan ang Black Kingdom of Griya" sabi ng Prinsipe.

Tumayo ang Reyna at nagsalita "Huwag mo muna kong kausapin Andrexsel. Alam mo sa totoo lang ay ayokong kausapin ka, napipilitan lang ako dahil anak kita" sabi ng Reyna at nagteleport ito paalis ng Damira Room.

Naiwan si Prince Andrexsel na malungkot at nakakuyom ang kamao.

***

Bumalik muli ako ng room ni Prince Andrexsel para ituloy ang paglilinis ng room niya.

Biglang sumulpot si Graceno na kinagulat ko "Kamusta Rhia?" tanong ni Graceno.

"Ah Gra-Graceno, Eto ok pa naman, ang sama ng amo mo" sagot ko na nakakunot ang noo at nakasimangot.

"Meron kaming kalaban Rhia, Ang Black Kingdom of Griya, ang Kalabang kaharian ng Kingdom of Ivatra" sabi ni Graceno na kinagulat ko.

"Ha ano? ka-kalaban? may kalaban kayo?" gulat na tanong ko.

"Oo" sagot ni Graceno.

"At ang Dyosa nila na si Evada" sabi pa ni Graceno.

"Ah me-may kalaban kayo, maaari ko bang itanong Graceno bakit kayo naglalaban ng Kingdom na yan?" tanong ko. Tila nakaramdam ako ng takot pati sa pangalan ng Kingdom na yun.

"Paumanhin ngunit hindi ko pa masasagot ang tanong na yan." sagot ni Graceno.

"Ah si-sige, ayos lang Graceno" sabi ko na kinakabahan pa rin.

"Ang Kingdom of Ivatra ay may 6 Country" sabi ni Graceno.

"6 Country?" tanong ko.

"Oo ang Dell Ress Country, Florer Nessa Country, Maviya Mava Country, Dorse Aren Country, Prama Verda Country at Isren Gena Country" sabi ni Graceno.

"Wow" sabi ko na namangha sa narinig.

Naglaho na si Graceno.

"Marami pala kong dapat malaman tungkol sa Kingdom of Ivatra" sabi ko.

Bumalik naman ng kwarto niya si Prince Andrexsel bakas sa mukha niya ang lungkot na kinagulat ko. Humiga agad siya sa kama niya

Tinuloy ko ang paglilinis ng kwarto nya. Pasulyap sulyap ako sa Prinsipe na pinikit na ang mata niya para matulog.

Maya maya ay nagising si Prince Andrexsel at tumayo sya sa kama niya. "Sige magpahinga ka muna pangit, bumalik ka na sa Dasre Room" sabi ni Prince Andrexsel.

"Ah sige Kamahalan" sabi ko at nagteleport agad paalis ng room at nahiga at nakatulog agad dahil sa pagod.

Kinagabihan ay nagluto ako ng pagkain ni Prince Andrexsel at dinala ito sa Damira Room at nagteleport naman ako papunta sa Fedrena Room para magluto at kumain ng pagkain ko.

Pagkakain ko bumalik ako sa room ng Prinsipe, hinanap siya ng aking mata at hindi ko siya makita.

Nagulat ako ng bigla syang sumulpot at tinutukan nya ko ng espada. Nag-invisible pala sya gamit ang medalyon na bigay ni Graceno.

Nakasuot sya ng Ivatran Warriors Armor. Napakagwapo nya at napakakisig tignan na nagpakislap ng mata ko at nagpamula ng pisngi ko.

"A-ano? Anong ginagawa mo Kamahalan? "tanong ko na nagulat at natakot sa ginawa nya.

"Hahaha, Rhia Pangit, natakot ka ba?" tanong nya at ngumisi.

"Gusto mo na kong patayin Kamahalan?" tanong ko at humarap ng may tapang sa kanya na nagpangiti sa kanya

"Takot pa lang yan sa susunod totoo na yan Pangit" sabi nya at ngumisi.

Nanahimik na lang ako kasi baka ituloy ng Baliw na Prinsipe.

"Pupunta tayo ng Ivatran Warriors Room, may nais akong malaman mo Dasreng Pangit hahaha" sabi ni Prince Andrexsel at ngumisi.

"Ivatran Warriors Room nandun yung mga friends ko Kamahalan" sabi ko.

Masaya ako kasi makikita ko ulit at makakasama sina Derick at Yola.

"Wala akong pakialam" sagot nya na kinainis ko.

Nanahimik na lang ako kahit naiinis ako. Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko at napatingin kami sa isat-isa.

"Pupunta tayo ng Ivatran Warriors Room magteteleport tayo" sabi nya at magkahawak kamay kaming pumunta ng Ivatran Warriors Room.

writist_j

Continue Reading

You'll Also Like

431K 18.1K 123
SYPNOSIS Reading Purifying Love made Rachelle D'magiba feel very insulted. The ending that the author had written didn't go well with her expectation...
2.2K 340 23
Mula sa pagmamalaki ng kanyang angkan, naging dulo ng biro si su Mo sa loob ng ilang minuto. Ang dating King of Mercenaries from Earth ay muling isin...
38.2K 661 55
These are just mini stories to do with the artist Yungblud, any requests please comment them happy to do whatever.
1.4M 96.4K 24
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...