Living With a Vampire | ✓

JosevfTheGreat tarafından

1.2M 37.6K 13.8K

I was astonished because he's an untypical person you can interact with but the last thing I knew he's with m... Daha Fazla

CAST
Synopsis
LWAV 1
LWAV 2
LWAV 3
LWAV 4
LWAV 5
LWAV 6
LWAV 7
LWAV 8
LWAV 9
LWAV 10
LWAV 11
LWAV 12
LWAV 13
LWAV 14
LWAV 15
LWAV 16
LWAV 17
LWAV 18
LWAV 19
LWAV 20
LWAV 21
LWAV 22
LWAV 23
LWAV 24
LWAV 25
LWAV 26
LWAV 27
LWAV 28
LWAV 29
LWAV 30
LWAV 31
LWAV 32
LWAV 33
LWAV 34
LWAV 35
LWAV 36
LWAV 37
LWAV 38
LWAV 39
LWAV 40
LWAV 41
LWAV 42
LWAV 43
LWAV 44
LWAV 45
LWAV 46
LWAV 47
LWAV 48
LWAV 49
LWAV 50
LWAV 51
Chapter 52 & 53
LWAV 54
LWAV 56
LWAV 57
LWAV 58
LWAV 59
Epilogue
New Story!

LWAV 55

7.4K 224 136
JosevfTheGreat tarafından


Chapter 55: Changes

Aubrey's POV

Sa bawat pagpatak ng tubig mula sa kalangitan kasabay nito ang aking malalim na pag-iisip, kung bakit habang tumatagal unti-unting lumalamig?

Dahan-dahan ang bawat hakbang ko, at pinagmamasadan ang bawat pagtalsik ng tubig sa sahig.

Dahil iniwanan ako ni Teylan at nauna siya sa office nang wala man lang iniiwang salita sa'kin. Dahil maulan ngayon ay naisipan kong magsuot ng coat at boots, mala-koreana ang pormahan natin ngayon.

"Miss?" napatingin ako sa lalaking kinalabit ako.

"Taken na ako, hindi tayo magwowork out so huwag mo na ako landiin." sabi ko at bahagyang ngumiti.

Napakunot ang noo niya at biglang natawa, "Nalaglag kasi itong folder sa dala-dala mo, so would you mind na kuhanin?" sabi niya.

Kinuha ko agad at ngumiti sakaniya, "Diyan din 'yan nagsisimula, sa simpleng pag-abot tapos kukunin mo na 'yong number ko tapos iiwanan mo rin naman ako." sabi ko at ngumiti.

"Advance ka mag-isip." sabi niya at ngumiti.

Umirap nalang ako at iniwanan siya ro'n. Nag-iisip nga 'di ba, alangan naman mag-iisip ka lang sa isang sitwasyon lang.

Pagkarating ko ro'n, nasa isang table si Teylan at si Kyla. Bahagyang nakangiti si Teylan habang nakatingin kay Kyla, at gano'n din si Kyla.

Lumunok muna ako bago naglakad kahit hindi ko alam kung makakayanan ko pa ba gumalaw dahil nararamdaman ko ang bigat sa aking puso, na baka sa iilang sandali nalamang ay maaring bumagsak nalang ang luha ko.

Tumikhim ako dahilan para mapatingin silang dalawa sa direksyon ko.

"Good morning Aubrey." sabi ni Kyla at nakangiti pa.

"What's good in morning, kung ikaw at ang boyfriend ko ang makikita ko sa umaga at nagngingitian pa kayo." sabi ko at nilagpasan sila.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko, pero I cannot control my temper lalo na at medyo nararamdaman ko na nanlalamig sa'kin si Teylan, bakit hindi ko sulitin at sunugin ko itong babaeng 'to.

Naramdaman ko agad ang presensya ni Teylan sa likuran ko, "Can we talk?" iyang ang mga katagang, makakaramdam ka ng kaba sa iyong dibdib.

Kakaupo ko lang eh, papatayuin nanaman ako. Sinundan ko siya sa terrace, huminga siya nang malalim at tumingin sa mga mata ko. Kahit kailan talaga ang ganda ng mga mata—

"Don't praise my eyes." sabi niya kaya napatigil ako.

"Bakit mo naman iyon sinabi sakaniya, tinutulungan niya lang naman ako sa paperworks ko." sabi niya.

"Kasi gusto ko, ngayon ako naman ang magtatanong. Bakit hindi ka sa'kin nagpatulong, bakit iniwanan mo ako sa bahay, bakit ang cold mo, bakit feeling ko hindi mo na ako mahal, bakit feeling ko ayaw mo na ako, bakit nararamdaman ko na gusto mo na ako layuan, bakit?" sabi ko.

"I don't know." sabi niya.

Gusto kong isigaw sa pagmumukha niya na nahihirapan ako sa ginagawa niya, nahihirapan ako dahil hindi ko alam kung okay pa ba kami o hindi na.

Kung bakit sa bawat paglipas ng umaga, lamig at poot ang sumasalubong sa bawat araw.
Kung bakit naninibago sa bagong anyo, na tinataglay ng kinikilala mong tao.
Kung bakit biglang nagbago?

Bakit nga ba? Bakit mo ba ako gustong iwanan? Kahit hindi mo sabihin, iyon ang nararamdaman ko. Ayokong asahang tama ang aking konklusyon pero nararamdaman kong, iyon ang gusto mong ipahiwatig.

"Sabihin mo nga sa'kin Teylan." sabi ko at muli siyang tiningnan sa mata.

"Mahal mo pa ba ako?"

Sa bawat segundong pumapatak ay siya ring pagsimula nang agos ng aking luha. Nagdadalawang isip siya sa isasagot, na nangangahulugang naguguluhan.

"Just please answer yes or no." sabi ko.

"Yes." sabi niya.

"Pero bakit ka nang lalamig? Nasasaktan ako Teylan." sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko.

"Hindi ko alam Aubrey, naguguluhan din ako sa nararamdaman ko." sabi niya.

"Pero bakit mukhang handa ka ulit pumasok sa ibang relasyon? Nakakasawa ba ako, ano nga ba ang mali sa'kin? Nagkamali ba ako?" sabi ko.

"No you didn't." sabi niya.

"I was..." sabi niya at huminga nang malalim, "I'm sorry pero I want to break up with you." sabi niya at diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Parang nabasag ang aking puso sa narinig, hindi ko maigalaw ang kahit anumang bahagi ng katawan ko, tanging naririnig ko lang ay ang malakas kong paghikbi.

"I'm sorry." sabi niya at niyakap ako.

Kaya pala, hindi na siya tumatabi sa'kin kapag natutulog. Kaya pala, hindi na niya ako sinasabayan sa pagkain. Kaya pala, hindi na kami sabay pumasok. Kaya pala, hindi na niya hinahanap ang yakap ko. Kaya pala.

Humiwalay siya sa yakap, "After one week, mabubuhay na ulit si Darryll. Pupunta ako sa bahay kapag nagising na siya, pero sa ngayon aalis na muna ako sa bahay." sabi niya.

"Pwede itanong kung bakit?" sabi ko. Trying to keep my tears from bursting.

"I don't know, ayokong lokohin ang sarili ko na sinasabi ko pa rin na mahal kita kahit parang hindi na." sabi niya.

"Dahil ba ito kay Phoenix? Sorry Teylan kung may nagawa man ako pero please huwag naman ganito, huwag mo akong iwanan kasi ikaw nalang iyong meron ako tapos iiwanan mo rin ako." sabi ko at kinuha ang kamay niya.

Unti-unti niyang tinanggal ang pagkakahawak ko, "I'm sorry." sabi niya.

At do'n nagtatapos ang aming storya.

.......











Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

2.3K 367 66
Eli made a mistake that he would never forget. But it will became worst when he met the girl who happened to be connected from his past. He fell in l...
2.5M 55.9K 55
[Completed] One True Love Series #3 Paano kung ang nakatakdang ipakasal sa'yo ay babae rin ang gusto? Maagaw mo kaya ang puso niya? O malugmok ka na...
194K 4.8K 48
Kung may karapatan lang mamili ng kanilang gustong maging tadhana ang bawat tao isa siguro ako sa pipiliing ibahin ang tadhana ko na maging isang har...
147K 13.4K 113
ABS Adventures - 10/21/2022 - 02/08/2023