We Meet Again (I met a jerk w...

By HotNovember23

423K 4.4K 885

[COMPLETED] Is love really sweeter the second time around? Will it be that way for Annika and Seven now that... More

We Meet Again
KABANATA I: Trapped
KABANATA II: For Better or For Worse
KABANATA III: Uninvited Guest
KABANATA IV: Guilt
KABANATA V: He's Back
KABANATA VI: A Secret (Unang Bahagi)
KABANATA VI: A Secret (Ikalawang Bahagi)
KABANATA VII: The Past
KABANATA VIII: Sweet Surrender
KABANATA X: 8 Years
KABANATA XI: His Pain
KABANATA XII: Regrets
KABANATA XIII: Breaking Decision
KABANATA XIV: She's Gone
KABANATA XV: Letting Go
HULING KABANATA
Author's Note

KABANATA IX: The Mistress

16.7K 145 22
By HotNovember23

Nagising akong nakaunan sa dibdib ni Seven. Dito sya natulog kagabi, kasama ko. Pero wala kaming ginawang Rated R. Natulog lang talaga kami na magkatabi. Ayaw nya kasing umuwi saka gusto ko pa syang makasama. Nag-dinner kami at nag-celebrate dahil sa pagbabalikan namin. Gabing-gabi na kami nakabalik dito.

Nakangiti kong pinagmasdan si Seven. Ang inosente ng itsura nya pag tulog, parang isang anghel.

Seven, akin ka na lang ha? Wag ka nang babalik pa sa kanya.

Hinaplos ko ang pisngi nya bago ako bumangon. Kaso nung patayo na 'ko, bigla nya 'kong kinabig kaya napahiga ulit ako, tapos ay bigla nya na lang akong niyakap.

"Wag ka munang umalis, dito ka lang." sabi nya habang nakapikit pa.

"Gagawa muna 'ko ng breakfast natin."

"Shh, wag ka magsalita, bumabaho yung hangin."

Bigla akong napasimangot sabay tulak ng noo nya pero hindi ako nakaalis sa yakap nya.

"Napaka mo!"

"Napaka ano? Pakagwapo?" Ngumiti pa sya pero hindi pa rin binubuksan ang mga mata.

Ayan na naman sya, signal number seven sa kayabangan. Naku pasalamat ka mahal kita! >____<!!!

"Kapal mo lang 'no?"

Hindi na sya sumagot, basta hinigpitan nya na lang yung yakap nya sa'kin kaya napasandal na yung noo ko sa dibdib nya. "Annika…"

"Ano?"

"I love you."

Napangiti ako bago sumagot. "I love you too." Hinaplos nya pa ang buhok ko saka ako hinalikan sa noo.

Haay, ang sarap ng ganitong buhay. Para lang kaming mag-asawa. Sana nga ako na lang ang asawa nya.

Kaso hindi eh. :/

*DINGDONG! DINGDONG!*

Ano ba yan, ang aga-aga may istorbo. t(-_-t)

"Teka lang, may tao yata." Sabay tanggal ko sa kamay ni Seven na nakayakap pa rin sa'kin.

"Manalamin ka muna, tulo laway ka pa eh."

Napatingin ako kay Seven. Kapal talaga neto, hindi nya pa nga 'ko nakikita eh. Pero nagdiretso na rin ako sa banyo paglabas ko ng kwarto. Simpleng tao lang kasi ako kaya walang sariling banyo yung kwarto ko. Naghilamos at nag-mouthwash lang muna ako. Matagal ako mag-toothbrush eh. Baka tinubuan na ng ugat yung tao sa labas hindi ko pa pinagbubuksan.

*DINGDONG! DINGDONG!*

"Sandali lang!" sigaw ko sa tao sa likod ng pinto habang nagsusuklay pa. Antae, ang aga-aga nambubulahaw. —_—"

Binuksan ko ang pinto at bago ko pa mapagsino ang maaga kong bisita ay niyakap na nya ako ng pagkahigpit-higpit.

Si Third pala. Ramdam ko ang malalim nyang paghinga habang yakap nya 'ko. Para syang nabunutan ng tinik na hindi ko maintindihan. Binitawan nya 'ko para iharap sa kanya.

"My God, Nikks! Alalang-alala ako sa'yo kagabi ah?"

Kagabi? Anong meron kagabi?

"May tumawag lang sa'yo tapos hindi ka na bumalik."

Oh noes. Nakalimutan kong ka-date ko nga pala sya kagabi! Shet.

"I tried to call you pero hindi ka sumasagot, pati mga kaibigan mo tinawagan ko pero wala silang alam. Pati telepono dito tinawagan ko pero ring lang nang ring. Pumunta rin ako dito kagabi pero patay naman na lahat ng ilaw. Alalang-alala 'ko sa'yo kagabi, akala ko kung napano ka na."

He guided me down the long sofa. Naupo sya sa tabi ko at hinintay akong magpaliwanag habang mahigpit nyang hawak ang isa kong kamay.

Patay. Anong sasabihin ko? Na umalis ako kasi tinawagan ako ng ex ko? Na nakalimutan kong magpaalam sa kanya kasi excited akong makausap yung ex kong yon?

"Tell me. What's wrong. May nangyari ba?"

Ano? Anong sasabihin ko? Dapat something valid. Utak, mag-isip ka, bilis!

"Uhm… kasi… ano eh… si… si Tito. Si Tito yung tumawag. Sinugod kasi sa ospital si Mama kagabi."

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang palusot kong iyon. Pero mukhang naniwala naman si Third kasi napatango sya at mukhang naghihintay ng sunod kong sasabihin. Alam ni Third ang tungkol sa status namin ni Mama. Alam nya ring may bago nang pamilya si Mama at alam nyang bihira kami magkita o magkaroon ng komunikasyon. Ni hindi pa nga sila nagkakakilala ni Mama eh.

"Masyado akong nagpanic nung malaman ko yun. Kasi alam mo naman, halos hindi na rin kami nagkikita ni Mama. Natakot ako sa nangyari kaya bigla na lang akong pumara ng taxi. Sorry Third. Hindi ko naman sinasadyang iwan ka ng ganun-ganon lang eh. Sorry talaga." Napayuko na lang ako sa hiya.

Napakasinungaling ko.

Napabuntong-hininga sya sabay haplos ng buhok ko. "It's okay. Now I understand." Edi ikaw na understanding na boyfriend. "So how's your mom na?"

"Okay na naman sya. N-Nahimatay lang daw sya… sa… stress." At ako na ang sinungaling na girlfriend.

"Pero sana sinagot mo man lang kahit mga text ko. Nag-alala talaga 'ko sa'yo eh."

"Ah, about that. Ang totoo, dead batt na 'ko kagabi." So far, ito pa lang ang totoo sa mga pinagsasasabi ko. "Tapos nawala na rin sa isip kong tawagan ka sa sobrang pag-aalala ko kay Mama. Sorry talaga."

He squeezed my hand that he was still holding. He was trying to comfort me.

"It's okay. Nga pala, nag-breakfast ka na ba?" sabay tayo nya. "Gusto mo ipagluto kita?"

"Ha? Ah-ah eh—" nagpanic na 'ko nung papunta syang kusina. Naalala ko bigla si Seven. Baka mamaya bigla yung bumaba at makita sya ni Third.

"Third, ano… wag na."

"Oh, done with your breakfast?"

"H-hindi pa. Pero… hi-hindi pa kasi ako nakakapag-grocery kaya wala pang laman yung ref ko. Wala ka ring maihahanda. Ano na lang… ahmm, magbibihis lang muna ako. Hintayin mo 'ko, mabilis lang ako, tapos sa labas na lang tayo mag-breakfast." Tapos nginitian ko sya, umaasang papayag sya sa mungkahi ko pero feeling ko amplastik ng ngiti ko.

Napangiti ako ng totoo nung tumango si Third. Kulang na lang magtatalon ako.

"Ah… osige, aakyat lang ako. Hintayin mo na lang ako ha?" hindi ko na hinintay yung sagot nya at umakyat na agad ako sa kwarto.

Mukhang nahihimbing pa rin si Seven sa kama ko nang pumasok ako sa kwarto. Nakayakap pa sya sa isang unan.

"Hmmm… ready na yung almusal ko?"

Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang nakapikit pa rin. Feeling senyorito naman 'tong isang 'to eh panic na panic na 'ko kanina pa. Pero buti na lang, atlis hindi sya bumaba at  nakita ni Third.

Dumiretso ako sa closet at kumuha ng pamalit na damit habang kinakausap si Seven.

"Seven, sorry, may tao sa baba eh. Kelangan kong asikasuhin. Sa labas na kami kakain, ikaw na lang muna bahala sa sarili mo—"

Natigilan ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang mga brasong yumakap sa'kin mula sa likod.

"Seven, ano—"

"Sino ba yung bwisita mo? Hindi ba pwedeng tayo na lang ang sabay mag-breakfast?"

"Si Third yun. Yung LEGAL na boyfriend ko." nasaktan din ako sa sinabi ko kaya kusa na 'kong kumalas sa yakap nya.

"Annika…"

"Mauna kang makipaghiwalay kay Cassandra at iiwan ko si Third." I turned to face him, "Mas madaling makipag-break sa kanya kesya tumrabaho ng annulment. Seven, malapit na kaming ikasal. Hihiwalayan ko lang si Third kung hiwalay na kayo ng asawa mo. Ayokong maging kabit lang."

"Bigyan mo pa 'ko ng konting oras."

"Hinde. Matagal na 'kong naghintay sa'yo, alam mo yan. Before I exchange vows with Third, kelangan hiwalay na kayo ni Cassandra. Else hinding-hindi na pwedeng maging tayo."

Hindi na sya nakasagot. Hindi ko na rin sya hinintay na makaisip ng isasagot. Lumabas ako ng kwarto dala ang mga pamalit ko. Sa banyo na ako magpapalit ng damit para hindi na kailanganin ni Seven ang lumabas sa kwarto.

Sana seryosohin nya ang sinabi ko. Gusto kong hiwalayan nya na si Cassandra sa lalong madaling panahon. Gusto kong tuluyan na syang bumalik sa'kin.

Ayokong makasal kay Third. Si Seven lang ang gusto ko.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Higit isang linggo na rin mula noong magkaayos kami ni Seven. Nagkikita kami paminsan-minsan pero wala syang sinasabi tungkol sa status nila ni Cassandra. Sana lang talaga gumagawa sya ng paraan para makipaghiwalay. Ayokong maging pangalawa lang. Ayoko ng may kaagaw. Gusto ko akin lang sya.

Kami naman ni Third? Eto, kami pa rin. Ewan ko ba bakit pero hindi ko sya magawang hiwalayan. Siguro para na rin ipakita kay Seven na seryoso akong pakakasal ako kay Third kapag hindi nya pa ginawan ng paraan ang kasal nila ni Cassandra.

:::imetajerkwhosenameisseven:fanfic:wemeetagain:::

"Hello, Raven! Ako si tita Annika." ^____^

Hindi sya sumagot, tumingin sya sa daddy nyang ngumiti naman pabalik sa kanya.

Sinundo namin ni Seven ang anak nya sa school na half-day lang ang klase ngayong araw. Gusto ni Seven na magkakilala na kami ng anak nya at sinamantala namin ang pagkakataong busy si Cassandra. May ka-meeting daw, ma at pa kung sino.

Sa isang family restaurant namin naisipang kumain. Wow ang sarap pakinggan ah? Family? Okay naman ako kay Raven eh. Okay lang sa'king maging  step mom nya in the very near future. Oo, step mom in the very near future. Naniniwala kasi akong malapit na kaming magkabalikan ni Seven. Well, sana nga.

Maya-maya ng onti, lumabas si Seven. May tumawag kasi eh. About business daw kaya umalis muna sya sandali.

"Ahh.. Tita Annika?" panimula ni Raven ilang saglit pag-alis ng tatay nya. Sa wakas at kinausap rin nya ako!

"Ano yun?" ^____^

"Close po ba kayo ni daddy? I mean, do you know his secrets?"

"Secrets?" natatawa naman ako sa batang 'to. "Anong klaseng secret ba gusto mong malaman? Baka alam ni Tita Annika." ^___^ haha, Sisipsip muna 'ko sa bata. Pampa-good shot lang.

"Kilala mo ba yung other girl ni daddy?"

Halos mabato ako sa tanong nya. 

Whew, ba't ang init dito? Pinagpawisan ako bigla!

"I believe dad has another girl. I heard mom and dad one night. Sabi ni daddy hindi nya daw totoong mahal si mommy. Mommy asked daddy if he would leave her… for her? I don't know kung sino yung her that mommy mentioned. Tita Annika, do you know her?"

Parang umurong yung dila ko. Kilala ko kung sino ang babaeng tinutukoy nya. Ako yun eh.

"Ayokong iwan kami ni daddy."

Iwan?

Ako rin. Ayoko ring maiwang mag-isa. Alam ko ang pakiramdam. Mahirap. Kaya nga ginagawa ko ang lahat ng ito para maangking muli si Seven.

"I hate daddy. Lately lagi nya na lang iniiwasan si mommy simula nun. I know they're not okay.  Sinasaktan nya si mommy, he makes her cry. Kawawa tuloy si mommy. From the time I saw them fighting, they became distant to each other. They don't even sleep on the same room like before. Then sometimes, pag pupuntahan ko si mommy sa room nila, I hear her cry."

Jusko. Ano bang pinaggagagawa ko?

Ang tanda ko na pero wala pa rin pala 'kong pinagkatandaan?

Akala ko alam ko ang ginagawa ko pero hindi pa rin pala. Annika, bakit nagpabulag ka na naman sa pagkamakasarili mo? Oo, gusto mo lang maging masaya, pero kailangan mo ba talagang manakit ng iba?

"Parang every night na lang yata kung umiyak si mommy. Gusto kong tanungin si daddy pero natatakot ako. Naiinis talaga 'ko sa kanya. Ang sama nya. Sinasaktan nya si mommy. I hate him. Even that girl. It's all her fault."

Yeah right, it's all my fault. Nakakahiya talaga 'ko.

Teka… isang martir na babaeng gabi-gabing umiiyak dahil sa pambababae ng asawa nya at isang anak na galit sa walang kwenta nyang ama? Sounds familiar. Totoo kaya yung kasabihang history repeats itself? O baka mas tamang sabihing we repeat history?

Seven, manang-mana ka yata sa ama mo.

Hindi ko na sinamahang kumain sina Seven. Hinintay ko lang syang bumalik sa mesa namin at nagpaalam na 'ko. Nagpalusot na lang ako na may emergency pero ang totoo, nahihiya ako kay Raven. Sa ibang lugar na lang ako nag-lunch tapos ay bumalik na agad ako sa trabaho.

Laking gulat ko na lang nang madatnan ko sa salon ko ang isang babaeng kanina pa raw naghihintay sa pagdating ko, si Cassandra.

Mabuti na rin siguro 'to. Gusto ko rin syang makausap. Pero sa kabila ng pang-uusig sa'kin ng kunsensya ko, hindi ako hihingi ng sorry. Ipaglalaban ko pa rin si Seven.

 — SUSUNDAN


guess what's on the external link??

may isa pa 'kong IMAJWNIS FF, one shot lang, sana po ay basahin ninyo salamats ^_______________^

Continue Reading

You'll Also Like

220 64 12
Sheryn Ladezma is perfectly flawed, but despite that, she has Kyle, her almost perfect boy friend, but her high school relationship with Kyle failed...
131K 2.5K 29
Are you willing to sacrifice your friendship for love?
39.4K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
420K 10.6K 44
"Ikaw ba ay isang fan girl? Kung ganoon, makaka-relate ka sa kuwento ko. Ako si Cassiopeia Cheng, at isa akong fan girl."