KABANATA VI: A Secret (Ikalawang Bahagi)

17K 164 19
                                    

Napapikit ako't napalunok. Parang nanghina ang kamay ko na halos mabitawan ko na ang cellphone ko. Kahit papaano, may kasalanan din ako kay Annika. Kung sana sinabi ko sa kanya ang totoo…

"Seven, please lang. Siguro nga alam ko ang dahilan mo pero nagkamali ka pa rin. Sinaktan mo pa rin sya. Seven, huli ka na. Tigilan mo na si Annika. Masaya na sya. Masaya kay Third."

"Hindi totoo yan, Yuri. Mahal pa rin ako ni Annika."

"Tama na. Hindi pa ba sapat yung ginawa mong pananakit sa kanya dati?"

"Yuri magpapaulit-ulit lang ba tayo?"

"Seven, you had the choice back then. Pero pinili mong magsinungaling sa kanya."

"What are you saying? You know I didn't had the choice!"

"You had," I insisted. "Pinilit kita dati. Sabi ko wag mo syang iwan. Sabi ko protektahan mo sya at ang relasyon nyo. Pinagkatiwala ko sya sa'yo, sabi ko ipaglaban mo sya pero hindi mo ginawa. Iniwan mo sya."

"I know. Nagkamali ako. Kaya nga ako bumalik eh. Para itama ang lahat."

"Itama? Uulitin ko. Huli ka na. Kaya tumigil ka na. Lalo mo lang sasaktan si Annika. Seven, kahit pa malaman nya ang totoo, wala nang magbabago. Kasal ka na. Pamilyado ka na. Nasaktan mo na sya. Yung nagawa mong pagkakamali, hinding-hindi mo na maitatama kahit kailan kaya tigilan mo na ang kaibigan ko. Hayaan mo na syang maging masaya." Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Seven. Binabaan ko na sya ng telepono.

Umikot ako para tunguhin ang elevator pero nakita ko na lang si Annika sa likuran ko, nakatulala sa'kin habang hawak ang isa sa mga paper bag ko, mukhang naiwan ko iyon sa office nya kaya sinundan nya 'ko.

Narinig nya ba lahat?

"Yuri," halos mapaatras ako nang sabihin nya ang pangalan ko. "Si Seven… sya yung kausap mo di ba? Ano bang alam mo?"

"Annika…"

"May alam ka di ba? Tungkol sa ginagawa ngayon ni Seven." Humakbang sya papalapit.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

"Yuri narinig kita!" tumaas ang boses nya, nabitawan nya ang paper bag nang hawakan nya ang mga braso ko para yugyugin ako. "Sabihin mo ang totoo. Ano bang alam mo? Bakit ako dati hiniwalayan ni Seven?!"

"Annika," tinanggal ko ang mga kamay nya sa'kin saka umiling. Nahihirapan sya ngayon, alam ko. Pero kahit sabihin ko ang totoo, wala na syang magagawa. Nangyari na ang nangyari. Wala nang magbabago. Lalo lang silang magkakamali. Kung magmamahalan pa sila ngayon, isa na yong malaking kasalanan. "It's too late."

"I DON'T CARE!" sumigaw ulit sya habang marahas na umiling, nakita ko na lang ang mabilis na pag-agos ng saganang luha mula sa mga mata ni Annika. "Yuri, mahal ko pa sya."

This can't be.

"Mahal ko pa si Seven."

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo. Hindi pwedeng sa'kin manggaling. Kung magsasabi ako, sana noon pa. Nangako ako dati kay Seven. Hindi ako magsasalita.

::imetajerkwhosenameisseven:fanfic:wemeetagain::

Change of

Point of View:

-SEVEN ASTUTE-

Naputol na ang tawag ni Yuri kaya hindi na 'ko nakapagsalita. Di bale na, wala akong obligasyong magpaliwanag sa kanya. Kay Annika. Sa kanya ako dapat magpaliwanag. Kung bakit ba kasi hindi ko pa sinabi ang totoo sa kanya kagabi?

Bumalik na lang ako sa trabaho.

Later…

"Welcome home, honey!" Sinalubong ako ng yakap at halik sa pisngi ng asawa ko pero hindi ko sya pinansin. Pinagkibit-balikat nya naman ang malamig na pakikitungo ko sa kanya. Kinuha nya ang dala kong brief case at naunang maglakad. Sumunod ako sa kanya habang niluluwagan ang necktie ko.

"Dinner's ready. Niluto ko yung paborito mong ulam."

"Pagod ako, gusto kong magpahinga." Sabi ko saka humakbang paakyat ng hagdan.

"Seven may problema ba? You've been so cold towards me lately."

Hinarap ko sya. Nasa ibaba sya ng hagdan at ilang hakbang na ang pagitan naming dalawa. "Si Annika. Nakita ko si Annika."

"Seven?"

"Tinatanong mo kung anong problema di ba? Pinoproblema kong kasama kita."

Hindi na 'ko magsisinungaling pa. Pagod na 'ko. Pagod na 'kong magpanggap sa harap nya. Ayoko nang lokohin pati ang sarili ko. Pinilit kong kalimutan si Annika pero hindi ko nagawa. At ayoko nang sumubok pa.

"May problema ako. At ikaw yun. Kung sana hindi na lang kita pinakasalan noon."

"Seven?!" naibagsak nya ang briefcase ko. "Bakit mo sinasabi yan?" nagsimulang mangilid ang luha nya. "Sabi mo mahal mo 'ko?" tuluyan na syang napaiyak.

Sinabi kong mahal ko sya? Oo tama. Sinabi ko nga yon. Iyon ang pinakamalaking kasinungalingang sinabi ko buong buhay ko.

"Mahal?" napangiti ako, sarcastically. "Hindi pa ba obvious? Nagsinungaling lang ako sa'yo."

Napayuko sya. "Pero bakit?"

"Wag mo nang itanong, masasaktan ka lang lalo." Tinalikuran ko na sya para umakyat sa kwarto namin. Hindi ako doon matutulog, magpapalit lang ako ng damit. Mas gusto kong matulog sa guest room kaysa makatabi pa ulit sya. Simula noong makita ko si Annika sa elevator, muling tumibok ang puso ko para sa kanya – ang puso kong matagal nang namatay simula noong magkahiwalay kami. Noong araw ding yon, naging malamig ang pakikitungo ko kay Cassandra.

"Seven please, don't do this to me!" naramdaman ko na lang na nakayakap na sya sa'kin mula sa likod.

Agad kong tinanggal ang kamay nyang nakapulupot sa katawan ko saka ko sya hinarap at kinausap:  "Cassandra, wag kang OA. Hindi naman kita hihiwalayan eh." Hindi PA. Sakaling hindi ako patawarin ni Annika, tatanggapin ko ang pananatili sa kasal na ito bilang parusa ko.

"Gusto ko lang ng space mula sa'yo."

"But soon you're gonna leave me, right? For her?!"

"Mommy, daddy, bakit kayo nag-aaway?" napalingon kami ni Cassandra sa likuran ko nang marinig namin ang tila umiiyak na boses ni Raven, ang anak naming nauna pang ipanganak bago ang break up ko  with Annika.

— SUSUNDAN

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon