Caught In A Scandal With Mr...

By foolishlaughter

140K 3.6K 243

*complete* Twitter: use #CIASWMMI Si Alexander Valdez ang pinakagwapong nilalang sa mundo, para sa mga sandam... More

Prologue
Chapter 1: The Meeting
Chapter 2: The Concert
Chapter 3: The Interview
Chapter 4: The Consequence
Chapter 5: The Deal
Chapter 6: The Feud
Chapter 7: The School
Chapter 8: The Stare
Chapter 9: The Coincidence
Chapter 10: The Rumble
Chapter 12: The Offer
Chapter 13: The Answer
Chapter 14: The Contract
Chapter 15: The Internet
Chapter 16: The Riot
Chapter 17: The Visit
Chapter 18: The Chicken
Chapter 19: The Secret
Chapter 20: The Beach
Chapter 21: The Accident
Chapter 22: The Past
Chapter 23: The Escape
Chapter 24: The Questions
Chapter 25: The Breakfast
Chapter 26: The Issue
Chapter 27: The Feelings
Chapter 28: The Mystery
Chapter 29: The Sea
Chapter 30: The Courting
Chapter 31: The Gifts
Chapter 32: The Plan
Chapter 33: The Walk
Chapter 34: The Anxiety
Chapter 35: The Show
Chapter 36: The Truth
Chapter 37: The Confrontation
Chapter 38: The Breadwinner
Chapter 39: The Studio
BOOK 2
Athena: The Goddess of Violence

Chapter 11: The Accident

3.3K 88 3
By foolishlaughter

Teenager ako.

I make foolish and rekless decisions. Pero at the same time, I am young and I make wise decisions. Hindi naman siguro porke this time iniisip ko ang sarili ko ay selfish na agad akong maitatawag. Kung tutuusin, hindi lang naman ito para sa akin. Para rin ito kay Xander, sa mga fans niya at pati na rin sa pamilya ko.

Pero hindi lahat gets ako, hindi lahat naiintindihan ako. At kasama sa mga hindi nakakaintindi sa pinagdadaanan ko ay ang principal ng St. Therese.

"You were wearing the school's uniform!" Galit niyang sigaw sa akin. "Of all places, sa mall pa? Buti sana kung hindi ka naka-uniform e. Now the school is responsible for your misbehavior Miss de Vega. Ang daming nakakita sainyo."

Napayuko na lamang ako. Siguro dahil na rin guilty ako. Nakalimutan ko na naka-uniform ako. Hindi ko man lang nirespeto ang school sa nagawa kong iyon. "Tell me, may iba pa bang student from Westen Heights ang involved sa incident na ito?"

"Wala po." Kaagad kong pagsisinungaling. Hindi ako sigurado kung papaano nakarating sa principal ang mga nangyari. Subalit hinala ko, may kinalaman ang mga fans ni Xander na kasama ko noon sa mall. Mabuti na lang at hindi nila namukhaan yung idol nila.

Huminga siya ng malalim, "Since bago ka palang dito, Miss de  Vega, hindi ko na palalakihin itong issue. Nagawa na rin naming pakalmahin ang media sa nangyari. But, you will still be punished for your misbehavior. You'll be assigned to community service for twenty four hours. I'll have your adviser report your progress. Am I clear?"

"Yes, sir."

"Dimissed." 

Hindi ko na kinailangan pang sabihan ulit. Pagkasabi na pagkasabi pa lamang niya ng 'dismissed' kumaripas na kaagad ako sa pagtakbo palabas ng opisina niya.

Iyon nga lang, pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang nakakasilaw na neon yellow na headband ni Mr. Q. "Hala!" Gulat kong sigaw. "Mr. Q naman!" 

Tinignan ako ng matagal ni Mr. Q, bago niya ako mahinang sapukin. "Ikaw na bata ka, pagkatapos na pagkatapos kitang i-orient, kaagad mo nang sinuway yung rules." Hindi naman siya galit, pero bakas sa boses niya ang disappointment.

"Sorry po, Mr. Q." Paumanhin ko kaagad sa kanya.

"Osya, sya. Halika, wag ka nang mag-attend ng homeroom. Magsimula ka na sa community service mo." Sabi niya. Homeroom nga pala namin sa mga oras na ito. First subject, kaya naman walang ibang estudyanteng nasa labas ng room maliban sakin. "Linisin mo yung mga bintana sa gym. Hanggang recess mo na gawin para dalawang oras kaagad ang tapos, okay lang?"

"Excused po ako sa second subject?"

Tumango siya, "Ako na bahala. Pumunta ka na sa gym, Cade." 

"Sige po, Mr. Q."

***

Hirap na hirap kong dinadala sa mga oras na ito ang timba na may lamang tubig. Nakaipit sa kili-kili ko ang sabon, at hawak ko naman sa isang kamay ang window cleaner. Dahil na rin sa bigat nila, paika-ika na akong naglalakad. 

Sa sobrang kapaguran, pag dating ko sa gym, nabagsak ko nalang sa sahig ang mga dala-dala ko. Napaupo ako sa sahig, hirap sa paghinga. Bukod pa kasi sa nag-igib ako ng tubig, nilako ko pa. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang likuran ng palad ko. Pagkatapos ay kinuha ko na yung liquid soap at binuhos sa timba.

Inilabas ko mula sa bulsa ko ang iPod ko at isinaksak sa tenga ko ang mga earphones. 

Isinawsaw ko yung window cleaner at nagsimula na ngang linisin ang glass windows ng napakalaking gym ng St. Therese.

You shout it out
But I can't hear a word you say
I'm talking loud not saying much
I'm criticized
But all your bullets ricochet
Shoot me down, but I get up

I'm bulletproof, nothing to lose
Fire away, fire away
Ricochet, you take your aim
Fire away, fire away

Nakangiti kong sinabayan ang kanta. Kahit naka-shuffle mode kasi ang iPod ko, eto paring favorite ko ang unang nag-play. 

You shoot me down but I won't fall
I am titanium
You shoot me down but I won't fall
I am titanium

This song suits me the most. Itong kantang ito ang perfect na makakapag-describe sa pinagdadaanan ko. Kung dati, I was just a normal girl, ngayon iba na. Ako na yung most hated girl. Kung dati I had a simple life, ngayon I have a complicated one. 

Bawat kilos ko, bawat galaw ko may sinasabi ang mga tao.

Cut me down
But it's you who'll have further to fall
Ghost town and haunted love
Raise your voice, sticks and stones may break my bones
I'm talking loud not saying much

I'm bulletproof, nothing to lose
Fire away, fire away
Ricochet, you take your aim
Fire away, fire away

 

Na sa dahil lang sa isang pagkakamali, lahat na ng susunod na gagawin ko mali na rin sa paningin nila. Hindi ko hinangad na maging ganito ang buhay ko. Subalit hindi ko rin naman makakaila na may kasalanan din naman ako kung bakit humantong sa ganito ang lahat.

Hindi lamang ako ang apektado. Kasama na diyan ang mga dati kong mga kaibigan pati na rin ang pamilya ko. Minsan ko nang narinig si Mama na nagk-kwento kay Catherine tungkol sa nakaaway niya noong namamalengke siya. Narinig ko na ring napagalitan si Cath dahil may sinabunutan siyang kaklase niya at syempre, yung eksena ni Nichole sa mall. Sa tatlong pangyayari, iisa lamang ang pinag-ugatan. Ako.

Kahit hindi nila sabihin, kahit hindi nila iparinig, alam kong apektado sila. Kahit hindi sila magreklamo, alam kong paminsan ay nakakapagod na rin akong ipagtanggol.

You shoot me down but I won't fall
I am titanium
You shoot me down but I won't fall
I am titanium
I am titanium
I am titanium

Napatigil ako sa pagpupunas ng bintana. Natahimik, napatigil at natahimik. 

Titanium nga ba ako?

Malakas nga ba ako?

Kung malakas ako, bakit hindi ko magawang harapin ang facebook at twitter ko? Kung titanium ako bakit kailangan ko pa ng ibang tao para maipagtanggol ang sarili ko? Kung titanium ako, bakit nasasaktan ako kapag may sinasabi silang mali?

Siguro, Titanium will just be my favorite song. Siguro, hanggang doon na lang iyon.

Hanggang kanta na lang ako. Hanggang pag-awit na lang ako.

Stone-hard, machine gun
Firing at the ones who run
Stone-hard as bulletproof glass

You shoot me down but I won't fall
I am titanium
You shoot me down but I won't fall
I am titanium
You shoot me down but I won't fall
I am titanium
You shoot me down but I won't fall
I am titanium
I am titanium

Pinakinggan ko na lamang ang mga natirang lyrics ng kanta habang itinuloy ang paglilis ng bintana. Nang matapos na ako sa kanang bahagi ng gym, umupo muna ako at nagpahinga.

"Hay buhay.."  Bigat na bigat kong sambit. Tumingala ako at tumingin sa ceiling ng gym. Nagsimula kasi ako sa loob. One-fourth pa lamang ng kabuuan ng gym ang nalilinis ko pero sobrang sakit na ng likod at braso ko. May magandang naiidulot naman pala ang pagiging maikli ng palda dito sa St. Therese, presko siya.

Ibinaba ko ang ulo ko at dahil mapagbiro nga naman talaga ang tadhana, isang multo ang tumambad sa akin.

Kinaladkad ko ang pwetan ko palayo sa bintana. "Sheez!" Gulat kong sigaw. "Fudge!"

Humalakhak ang multo sa bintana, hawak-hawak ang tiyan niya habang hinahampas hampas pa ang glass window. Sa sobrang inis ko, tinanggal ko ang dalawang sapatos ko at magkasunod na ibinato ang mga ito sa bintana kung saan siya naroroon. Nang hindi pa rin tumila ang malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa gulat, pati ang dalawang medyas ko ay kinuha ko na at ibinato sa kanya sa sobrang pagkainis. 

Syempre, walang nangyari sa ginawa kong iyon. 

Ano ba kasi ginagawa niya dito? Hindi ba niya naintindihan yung sinabi ko sa kanya kagabi? Kakausapin ko na yung tatay niya mamayang dismissal. Sasabihin ko sa kanya na ayaw ko na. Sasabihin ko sa kanya na hindi na ako makikipag-cooperate. Sasabihin ko na wala nang deal. 

Sumenyas siya gamit ang dalawa niyang kamay. Na para bang sinasabi na wait lang. Ako naman nagmamadaling kinuha ang mga pares ng sapatos at medyas ko.


"Cade." Muli kong nabitawan ang hawak ko dahil sa pagkagulat.

"Ay palaka!"

Narinig ko siyang tumawa kaya naman hinarap ko siya. "Hindi mo ba naiintindihan yung sinabi ko kagabi?"

"Alin? That 'someone like you can never be friends with someone like me'?" Nakangisi niyang tanong. "Muntikan ko nang makalimutan na ako yung artista dahil sa kadramahan mo e. Thought you were an actress right there, could've fooled me." Dagdag pa niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Seryoso ako dun."


"I know, I know. Chill ka lang." Kalma niya sa akin. "Just because I am here, it means na kaibigan mo ko. Right? I am not breaking any of your rules, Cade."

Natunganga ako sandali sa kanya bago muling magsalita, "Anong nahithit mo?" Windang na windang kong tanong sa kanya. Hindi ko na kasi alam kung assuming o feeling ako sa mga oras na ito. Kahit naman anong gawin kong pilit sa kanya na wag akong lapitan, ginagawa niya pa rin. "Gustung-gusto mo talaga siguro na pinaparusahan ako ng mga fans mo no? Tama, yun nga. Ang galing, Xander. Napakagaling." Inis at sarkastiko kong sabi sa kanya.

"It's not like that-"

Tinakpan ko ang tenga ko at parang batang sumigaw-sigaw nang paulit-ulit para hindi ko marinig kung ano man ang sasabihin niya. Palagi na lang. Palagi na lang akong nadadala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Sapat na yung mata niya to utter million words, wag na niya sanang dagdagan pa iyon gamit ang kanyang bibig. Hindi na kaya ng utak ko.

Nakita kong nagsimula siyang humakbang paharap. Sinamaan ko siya ng tingin habang patuloy sa pagsigaw-sigaw ko. Subalit hindi siya tumigil, humakbang ulit siya ng paulit-ulit hanggang sa makarating siya sa harapan ko.

Kinailangan ko pang tumingala para lang makita iyong mukha niya. Siguro, maliban noon sa concert, this is the only time na ganito siya kalapit sa akin. Pero kahit na nakakakaba, hindi ako nagpatinag. Lakas loob ko siyang hinarap. Tumigil na ako sa pagsigaw, pero nakatakip pa rin sa magkabilang tenga ko ang mga palad ko.

Nakita ko siyang huminga ng malalim. Itinaas niya ang braso niya at inilagay sa sa akin. Hinawakan niya muna iyon ng mahigpit bago niya biglang alisin ang mga ito mula sa pagkakatakip sa tenga ko. "You are so childish. Listen to me first."

"Ako pa childish? Ikaw nga tong matigas ang ulo at hindi makarinig e. I told you, layuan mo ako. We don't have to pretend anymore kasi-" Sumbat ko nanaman sa kanya.

Tinitigan niya ako ng nakakunot ang dalawang kilay kaya naman napatigil ako sa pagsasalita. "How come you're so brave when it comes in confronting me? Bakit kapag fans ko na, you're weak?"

Kahit na inosente ang kanyang pagkakatanong, hindi ko naman maiwasang ma-offend sa sinabi niya. "Hindi ako weak." Mariin kong sagot. "Ano lang-ano.."

"What?" Maangas niyang hamon na ituloy ko ang sinasabi ko.

Napakagat na lamang ako sa labi ko, "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Second subject pa lang ah. Paano ka nakalabas?" Nakapamewang kong tanong sa kanya.

"Ako si Xander Valdez, there is nothing I can't do."

"Ah talaga? Edi umalis ka dito, bumalik ka sa room. Layuan mo ko. Tutal sabi mo rin naman, there is nothing you can't do." 

Natahimik siya sa sinabi kong iyon. "Why do you hate me that much? Ano bang ginawa ko sayo? Can't you see that I'm trying? Hindi ka ba talaga appreciative, or are you really just that selfish na sarili mo lang ang iniisip mo?" 

"So iniisip mo talaga na para sa akin lang tong ginagawa ko?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ba pweding para sayo rin to? Hindi ba pwede na para kina Mama, Catherine at Nichole din to? Hindi ba talaga pwede na para sa akin naman tong gagawin ko? Selfish ba talaga akong matatawag kung gusto ko lang na takasan yung mga mata at bibig ng mga taga-hanga mo?" 

"It's not my fault na hindi mo sila kayang harapin. If the issue is with my fans, then why do you act like ako yung pinakakinasusuklaman mong tao?" 

Ako naman ang natahimik sa sinabi niyang iyon. "I am not my fans. Hindi ako in favor sa mga ginagawa nila sayo, but somehow they really aren't the one to blame. Sa inaasta mo ngayon, I'm starting to think na ikaw lang talaga ang dapat na sisihin. A girl who's afraid to be responsible of her own misdeeds."

"Nasan na yung Cade na nakilala ko nung concert ko?" Pahabol pa niya.

Para akong sinampal sa sinabi niya, at para naman akong sinuntok doon sa tinanong niya. Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko pagkatapos lumabas ng mga salitang iyon sa bibig niya. 

Nasaan na nga ba yung Cade de Vega na yun?

"Ako pala yung madrama sa lagay na to no?" Biro ko sa kanya. Subalit ni hindi man lang gumalaw ng kahit konti ang mga labi niya. Seryoso ngang talaga siya sa kanyang mga sinabi.

It was a lame attempt para kahit papaano ay gumaan ang atmosphere. Hindi nga lang ito gumana sa isang seryosong Xander.

"It's something that you have to think about." Sabi lang niya. Pagkatapos ay yumuko siya at kinuha ang timba at window cleaner. "I'll help. I am the reason kung bakit ka nagco-community service ngayon."

Minsan ko nang nasabi na bipolar si Xander. Sa mga oras na ito, muling kong sasabihin iyon. Bipolar si Xander. Hindi ko talaga siya ma-gets. One moment, inis siya, tapos biglang galit, tapos seryoso, tapos mapagkawang-gawa. Masyado siyang mabilis na magpalit ng mood, hindi ako makasunod.

"Kaya ko nang mag-isa." Sabi ko sa kanya.

"Edi kaya mo rin kapag dalawa." Nakangiti niya namang sagot.

Napanga-nga ako sa sinabi niya. Hindi ko kinaya ang pagiging pilosopo niya. "Iniiwasan nga kita, di ba?" 

"Wag na nga kasi. Wala rin naming matutulong yun sa sitwasyon nating dalawa." Maikli lang niyang sagot at nagsimula na siyang maglakad patungo sa kaliwang side ng gym habang buhat-buhat ang window cleaner at timba.

Kaya naman kaagad ko siyang hinabol para pigilan siya at bawiin mula sa kanya ang mga gamit kong panglinis.

Hindi ko alam kung papaano nangyari. Subalit, bigla na lamang umikot ang paligid pagkatapos kong makaramdam ng basa mula sa paa ko. 

Ang huli kong nalang na naalala ay ang matinding sakit sa likod ng ulo ko.




Twitter: use #CIASWMMI

Don't forget to vote!


Continue Reading

You'll Also Like

20.7K 1.1K 29
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
63K 1.9K 53
(A love story behind Philippine History) I'm Celestine Alfaro, 18 years of age I love books ,I hate boys and I'm NBSB dahil daw sa aking mala maldita...
11.2K 932 91
Basahin ang Dead Or Alive Volume 1