Don't Wanna Cry • MEANIE

By Wonhwa10001

5.1K 471 170

{Al1 series #1} "When the half of me is gone how can i live as one" "Us in the different system, another form... More

00
01
02
03
04
05
Not An Update
06
07
08
09
10
Not An Update
11
12
Thanks! (edited)
13
14
15
16
17
MEANIE IS SAILING!!!!!!!
18
Ideal Cut in Manila
20
21

19

116 16 0
By Wonhwa10001

Mingyu's

Nasa clinic kami ngayon ni Dr. Cho, siya ang doctor ng buong Seventeen kaya okay lang na makita niya na magkasama kami ni hyung "Wonwoo I already check your blood test, x-ray and CT scan. Everything seems to be normal so you'll be okay, you dont need to worry" sabi ni Dr. Cho

"Alam ko namang okay ako sila appa at manager-nim lang naman ang makulit na gusto pa kong ipa-check up" - Wonwoo hyung

"Syempre hyung para masigurado na okay ka"

"Pati rin pala siya makulit" turo ni hyung sakin

"Hyung naman eh"

Natawa si Dr. Cho dahil samin ni hyung "baka mag away pa kayong dalawa, bibigyan na lang kita ng pain reliever"

"Ay doc may mga bawal bang kainin o gawin si hyung? Ano dapat gawin para lumakas agad siya?"

"Wala namang bawal sakanya tsaka kailangan lang niya ng pahinga" - Dr. Cho

"Pati po pala kada sumasakit ang sikmura ni hyung pinapainom ko pa rin siya nung gamot na nireseta niyo dati, okay lang po ba yun?"

"Wow seriously Mingyu everytime na naka-schedule ang check up niyong lahat pumupunta sila dito ng mag isa, pero pag si Wonwoo palagi kang kasama tas palagi mo ring tinatanong kung ano ang mga kailangan niya. You really love your hyung huh?" - Dr. Cho

Bakit sa tono niya parang may alam siya? "D-doc hindi niyo po sinagot yung tanong ko" pag iiba ko sa topic

Nginitian niya ko "okay lang na i-take niya pa rin yun"

"Mauna na po kami baka may sunod pa kayong patient. Maraming salamat po" sabi ni Wonwoo hyung pag tapos tumayo at mag bow

Tumayo na rin ako at nag bow "salamat po Dr. Cho"

"Sige mag iingat kayo, especially you Wonwoo" - Dr. Cho

Tumango lang si hyung bilang sagot. Paglabas namin ng clinic pareho kaming nag suot ng mask at sumbrero para di kami ganong mapansin "deretso na ba agad tayong campus hyung?" Tanong ko sakanya

"Syempre, kailangan ko pang sunduin si Kyuki" - Wonwoo

"Sainyo ka ulit matutulog?"

"Hindi, dadalin ko si Kyuki kay eomma tapos sasama na ko sainyo pauwi satin" - Wonwoo

Ngumiti ako dahil sa sagot niya, ang sarap naman pakingan nung 'satin' pakiramdam ko nagsasama na kami sa iisang bahay ng kaming dalawa lang

"Bakit nga pala sumama ka pa sakin dito? May pasok ka pa ah" - Wonwoo

"Nag take lang kami ng exam nila Minghao eh sabi pag tapos na pwede na kaming umuwi"

Napahinto si hyung sa paglalakad at tumingin sakin "2 hours pa lang ang lumipas nung pumasok ka bago tayo pumunta dito, ano 2 hours natapos mo yung 4 na exam?"

"Oo hehe"

"Mingyu baka hinulaan mo lang yun" - Wonwoo

"Hindi ah! Binasa kong maigi yun bago ko sagutan"

"Sigurado ka?" - Wonwoo

"Oo naman hyung"

"Kapag ikaw may bagsak sa exam mo, hinding hindi na kita pasasamahin sa susunod na check up ko" - Wonwoo

"Sure ako hyung wala akong bagsak kahit isa"

Pagtapos nun hindi na siya nagsalita, kaya nag lakad na lang kami ng tahimik.




Pag dating namin sa parking lot ng campus nagmadali na agad akong kunin yung mga gamit ko "san ka pupunta?" Tanong ni hyung

"May bibilin lang ako hyung"

"Di mo ko sasamahan sunduin si Kyuki?" - Wonwoo

"Pasensya na hyung baka kasi magsara na yung tindahan eh. Magkita na lang tayo mamaya sa office mo" dali dali akong lumabas ng kotse para di na magtanong pa si hyung

Agad akong tumakbo sa building kung nasan ang room ni Chan "Chan!" Tawag ko sakanya nung makita kong palabas na siya ng room niya

"May problema ba?" - Chan

"Tatanong ko lang kung saan ang room ni Jeonu"

"Sa room 310 siya, 3rd floor left wing ah" - Chan

"Sige salamat"

Palakad na sana ako ng hawak niya yung braso ko "hindi ba talaga ako pwedeng sumama sainyo?"

"Chan alam mo namang delikado diba tsaka magagalit si Jeonghan pagnalamang hinayaan kitang sumama"

"Pero bakit ikaw, diba sabi nila wag ka na rin sumama?" - Chan

"Syempre di nila ako mapipigilan"

Lumungkot bigla yung mukha ni Chan kasi alam niyang di na niya ko mapipilit "sige na nga, basta mag ingat kayo"

"Salamat. Paki-aliw na lang si Wonwoo hyung para di niya mapansin na wala kami"

"Sige ako nang bahala kay kuya Wonwoo" - Chan

Matapos namin mag usap pinuntahan ko na si Jeonu sa room niya "Jeonu" tawag ko sakanya mula sa labas ng room niya

Pati mga kaklase niya tumingin sakin pagtawag ko sa pangalan niya. Narinig ko pa yung iba na nagtataka kung bakit kilala ko si Jeonu

Agad na lumapit sakin si Jeonu "Mingyu hyung anong ginagawa mo dito?" Bulong niya

"Nakalimutan mo atang may pupuntahan tayo"

"Akala ko di ka kasama?" - Jeonu

"May problema ka ba sakin ha?"

"Wala ah natanong ko lang naman eh. Tara na pinagtitinginan na tayo" pagkasabi niya napansin kong dumadami na nga yung tao sa hallway na tinitignan kami



Nakarating na kami ni Jeonu sa likod ng school kung san nag iintay sila Seungcheol hyung

"Diba sinabi ko nang wag kang sumama?" Sita agad ni Jeonghan hyung nang makita niya ko

"Diba sinabi ko sasama ako sa ayaw man o sa gusto niyo?"

"Abat-" - Jeonghan

"Yaan mo na hyung, alam mo namang di mo maaawat yan si Mingyu" - Soonyoung

Papunta na kami ngayon sa location kung nasan yung mga bumugbog kay Wonwoo. Kaming mga member at si Jeonu lang ang may alam ng gagawin namin, sigurado kasi pag nalaman ito ni manager Kwon hindi kami papayagan maski si Wonwoo hyung hindi rin niya alam

"Siguraduhin niyong hindi nila makikita ang mukha ninyo. At wag na wag kayong babangit ng pangalan kung nickname okay lang" paalala samin ni Jeonghan habang sinusuot ang mask at sumbrero nya

Nag-ayos na rin kaming lahat para di kami makilala, maliban lang kay Jeonu na ang ginawa lang eh tanggalin ang uniform niya "bakit pangalan ni Wonwoo hyung ang nakalagay sa polo mo?" Sabi ko ng mapansin ko yung name patch sa polo niya

"Bigay sakin ni Wonwoo hyung tong polo nakalimutan kong tanggalin yung pangalan niya" - Jeonu

"Wow mukhang pati pangalan niya gusto mong makuha ah" bulong ko

"May sinasabi ka?" - Jeonu

"Wala sabi ko di pa ba tayo susugod?"

"Ano game na? Matagal tagal ko na ring hindi nagagamit tong nunchaku ko" - Minghao

"Ako ngayon na lang ulit mababanat buto ko" - Junhui

"Guys paalala ko lang ah hindi tayo papatay" - Joshua

"Hala hindi ba? Excited pa naman ako kanina" - Jihoon

"Oy Zi grabe ka" - Seungcheol

"Okay okay tama na yan. Tara na't sumugod!" - Jeonghan

"Tara na mga hyung" - Jeonu

"Whooo!!! What time is it now?!" - Soonyoung

Lahat kami napatingin kay Soonyoung dahil sa sinigaw niya "wag kang mag expect na sasagot kami ng 10 hour 10 minute" sagot ko

"Panira kayo, gusto ko isagot niyo 'its sugod time!' kaso wala na sira na yung mood tara na nga!" Sabi ni Soonyoung at nauna ng lumabas ng sasakyan

Lumabas na rin kami, mabuti na lang di ma-tao sa lugar na to kundi bka isipin ng mga makakakita samin eh masasama kaming tao dahil sa itsura namin

"Mga hyung mas mabuti siguro na mauna na ko sa loob baka sakaling mapakiusapan ko sila na ibigay yung cellphone" - Jeonu

"Hindi pwed-"

"Mas mabuti pa nga siguro tutal kilala ka naman nila" - Jun

"Pero kailangan kong ipaghiganti si Wonwoo hyung"

"Wag ka ng kumontra Mingyu" - Seungcheol

Wala na kong nagawa kasi syempre si Coups hyung na nagsabi kailangan kong sumunod sa utos na nakatatanda

Pumasok na sa loob si Jeonu samantalang kami nasa may pinto, nakikinig sa usapan nila sa loob "ang lakas naman ng loob mo na pumunta dito mag isa" sabi ng isang lalake kay Jeonu

"Tss sinong may sabing mag isa ako?" - Jeonu

"Hindi mo kami maloloko nasa Jeju sila Youngbin, baka gusto mong gantihan ka namin dahil sa ginawa mo sa mga kasamahan ko kagabi"

"Ayoko ng gulo okay? Gusto ko lang bawiin yung cellphone na kinuha niyo" - Jeonu

"Ano akala mo samin tanga na susunod na lang sa gusto mo?"

"Pwede ba? Yung cellphone lang ang gusto ko, yung pera isaksak niyo na sa baga niyo" halata na yung pagka-irita sa boses ni Jeonu

"Bakit boyfriend mo ba may ari nun at may mga scandal kayong dalawa?" Narinig kong nagtawanan lahat ng lalake sa loob

Susugod na sana ako kaso hinawakan ni Minghao ang balikat ko "kumalma ka Mingyu" sabi niya

"Hulaan ko bottom yung lalakeng yun no? Kala mo kung sinong matapang patpatin naman" pinagtawanan nanaman nila si Wonwoo hyung kaya di na ko nakapag pigil at sumugod na sa loob

"Wala kayong karapatang pagtawanan ang hyung ko!" Kinuha ko yung malapit na monoblock sa tabi ko at ibinato dun sa nagkukumpulang mga ungas, agad kong pinaulanan ng suntok yung lalakeng nasa harapan ni Jeonu

Habang busy ako sa pagsuntok sa lalakeng bumastos kay hyung, di ko napansin na may pasugod na pala mula sa likod ko buti na lang at napigilan ito agad ni Jeonu "inamo ka pag yan nasaktan patay ka sa libo-libong taong may gusto dyan" rinig kong sabi niya

Matapos kong patumbahin yung isang yun, tumulong ako kay Junhui para pabagsakin yung mga nakapalibot sakanya. Si Jihoon hinahampas ng gitara ang lahat ng humaharang sa daan niya Shit buti na lang pala di natuloy yung paghampas niya sakin dati

Pinanood kong makipaglaban si Jeonu, sobrang galing niya parang sanay na sanay siya sa mga ganto "Gyu sa tabi mo!" Sigaw ni Joshua hyung, kakapanood ko kay Jeonu di ko namalayan yung lalake sa tabi ko buti na lang at mabilis akong kumilos kaya naiwasan ko agad yung hawak niyang kahoy pinilipit ko ang kamay niya bago siya ihagis sa pader

Si Minghao hinampas ng nunchaku lahat ng lumalapit sakanya, si Jeonghan at Joshua walang awat na sinusuntok ang mga kalaban nila, si Seungcheol at Soonyoung naman nagamit ang lakas nila sa pagiging black belter sa taekwondo

Ilang minuto ang lumipas at lahat sila mga naka-hilata na sa sahig "Kung binigay niyo agad yung cellphone edi sana di tayo aabot sa ganto" sabi ni Jeonu pagkakuha niya ng cellphone ni hyung sa bulsa nung ungas kanina

"Jihoon san mo nakuha yang gitara nga pala?" - Soonyoung

"Oo nga wala ka namang dala kanina eh" - Junhui

Basta na lang hinagis ni Jihoon yung gitara na kanina eh maayos pa pero ngayon sirang sira na "nakita ko dun sa sulok, mukhang mamahalin kaya ginamit ko"

Pagsakay namin sa sasakyan lahat kami tuwang tuwa feeling namin naka-first win kami "ang galing niyo palang makipaglaban, tas si Mingyu hyung grabe ibang iba yung itsura mo kanina nakakatakot ka sobrang layo sa clumsy Gyu na nakilala ng lahat"

"May problema ka talaga sakin no?"

"Diba sinabi ko na nga wala? Ikaw nga ata tong may problema sakin eh" - Jeonu

Oo malaki problema ko sayo "bat naman ako magkakaproblema sayo?"

"Nga pala ikaw na lang mag bigay nito kay Wonwoo hyung" inabot niya sakin yung cellphone ni hyung

"Salamat sa pag sama samin"

"Wala yun, atleast nakabawi ako sa kabaitan ni Wonwoo hyung sakin" - Jeonu

Bat ba ang bait nitong bwisit na to





Wonwoo's

Paghatid ko kay Kyuki sa restaurant ni eomma dumeretso ulit ako sa campus para sabay sabay na kami ng mga member pauwi, pagpasok ko sa office ko naabutan ko sila Chan na naglalaro ng monopoly "kuya Wonwoo sali ka?" Tanong ni Chan

Umiling ako "di pa ba tayo uuwi?"

"Mamaya na naglalaro pa kami eh" - Seungkwan

"Nasan yung iba?"

"May exam ang 97 line" - Hansol

"Eh bakit nandito si Seokmin? Tsaka si Mingyu kanina pa nakatapos yun ah" napansin kong nagtinginan silang apat "ang hyung line bat wala rin?"

"Hoy! Nakita ko yun nandaya ka!" Sigaw ni Seokmin kay Seungkwan

"Anong ako si Hansol kaya ang madaya!" - Seungkwan

"Huh? Teka di ko pa naman turn ah anong madaya ako?" - Hansol

"Bat nagkulang yung bahay ko sino kumuha nun!" - Chan

Nag away-away na silang apat ni hindi man lang pinansin yung tanong ko, may tinatago sakin tong mga to

"Wonwoo hyung!" Pagharap ko sa pinto sinungaban agad ako ng yakap ni Mingyu "namiss kita"

"Magkasama tayo kanina baka nakakalimutan mo"

Umalis na siya sa pagkakayakap sakin "pero kahit na kahapon kasi di mo ko pinansin magdamag"

"So kasalanan ko?"

"Hindi" - Mingyu

Tinignan ko sila Junhui na kararating lang din "san kayo galing?"

"Anong sabi ng doctor sayo kanina?" - Seungcheol

Nangunot ang noo ko dahil sa biglang pag iiba ni Seungcheol ng topic "okay lang naman daw si hyung walang butong nabali" si Mingyu na ang sumagot ng tanong

"Mingyu"

"Bakit hyung?" - Mingyu

"Sabi mo kanina may bibilhin ka, nasan yung binili mo?"

"Yun nga eh di ako nakaabot sarado na kasi" - Mingyu

May tinatago talaga sila sakin

"Hi hyung" - Jeonu

Napatingin ako dun sa nagsalita  "nandyan ka pala di kita napansin"

"Andami niyo kasi kaya di mo na ko napansin" - Jeonu

"Kasama ka ba nila kung san man sila galing?"

"Uh hindi ano kasi" - Jeonu

Agad na lumapit si Chan kay Jeonu at may inabot na notebook "tapos ko ng kopyahin yung notes. Salamat"

"Hindi naman kayo magkaklase ah?"

"Eh diba hyung minsan pinapa-seat in ako ni mr. Park sa ibang section? Sakto kasi na dun ako sa room ni Jeonu" - Chan

"Tara umuwi na tayo" - Joshua

Narinig namin na nag-ring ang phone ni Jeonu "sorry sa istorbo ge mag usap lang kayo dyan" lumabas si Jeonu ng office ko para sagutin yung tawag

"Hyung" inabot sakin ni Mingyu yung cellphone ko na ninakaw sakin kagabi

"San mo nakuha to?"

"Sa park kung san ka nabugbog, siguro naiwan nila yan dun" - Mingyu

"Pano mo nalaman na sa park ako nabugbog eh hindi ko naman nabanggit sayo?"

"Hula ko lang, dun ko kasi nakita cellphone mo kaya nag assume ako na dun nga" - Mingyu

"Mga hyung mauna na ko hinahanap na kasi ako sa bahay, kailangan ko pang magpaliwanag" - Jeonu

"Sumabay ka na samin, ako magpapaliwanag sa magulang mo kung san ka natulog"

 



"Coups hyung mauna na lang kayo, susunod na lang ako"

"Nako hyung wag mo na ko samahan sa bahay ako nang bahala" - Jeonu

"Hindi sasamahan kita at ako magsasabi na samin ka natulog"

"Samama din ako hyung" - Mingyu

"Wag na-" - Jeonu

"Hay nako di matatapos yang usapan niyo, Jeonu yaan mo ng sumama yang dalawa. Bilisan niyo na dito lang kami sa labas para sabay sabay tayo sa pag uwi" - Jihoon

"Appa ko lang ang kasama ko dito sa bahay" Di kalakihan ang bahay nila Jeonu, sakto lang ito para sa dalawang tao "Pa! Nandito na ko!" Sigaw ni Jeonu

Mula sa taas ng bahay ay may bumabang isang di katandaang lalake  na halatang iba ang lahi

"Sigurado ka bang appa mo yan?" Tanong ni Mingyu kay Jeonu

"Mingyu" sabi ko nang may pagbabanta

"Wala naman akong masamang ibigsabihin dun hyung, para lang kasing ambata ng itsura niya" - Mingyu

"San ka natulog kagabi ha? Kung umuwi ka ng maaga edi sana di ko nai-lock yung pinto" - appa ni Jeonu

"Pa, nakatulog kasi ako sa garden ng school tas nung pauwi tinulungan ko yung bago kong kaibigan tsaka sa bahay nila ako natulog" - Jeonu

"Hala hyung nagtatagalog sila" - Mingyu

"Pano mo naman nalaman na nagtatagalog sila?"

"Nakalimutan mo ba hyung nung bata pa ko tumira kami dati sa Pilipinas kaya naiintindihan ko salita nila" - Mingyu

"Oh anong nangyari dito sa kasama mo bakit mukhang nabugbog? Wag mong sabihin na ikaw gumawa nito?" Napatingin kami kay Mr. Vega ng bigla siyang mag korean

"Anong ako? Tsaka bat naman ako magdadala sa bahay ng taong binugbog ko?" - Jeonu

Lumingon sakin si mr. Vega "umamin ka siya ba gumawa nyan sayo?" Turo niya kay Jeonu "wag kang matakot kay Jeonu akong bahala dyan"

"Hindi po, kung di nga po kay Jeonu baka nasa ospital na ko ngayon. Tsaka nga po pala sa bahay po namin siya natulog kagabi, ako rin po yung dahilan kaya di siya nakauwi agad kaya sorry po"

"Wag ka mag sorry, maganda naman pala ang dahilan kung bat di siya nakauwi eh" - mr. Vega

"Mabait na bata po si Jeonu kaya sana po wag niyo siyang pagalitan"

Ginulo ni mr. Vega ang buhok ni Jeonu "mga gantong tao dapat kinakaibigan mo hindi tulad ni Youngbin" tumingin ito kay Mingyu "napaka-tangkad naman nitong kasama niyo"

"Ay hehe salamat po" - Mingyu

"Kamukha mo yung napapanood ko sa tv yung ano member ng Seventeen nga ba yun?" - mr. Vega

"Pa siya yun" - Jeonu

Nanlaki ang mata ni mr. Vega "di nga?"

"Opo ako po yun, ako po si Kim Mingyu " - Mingyu

"May artista pala tayong bisita eh, itong isa artista rin ba to?" Turo sakin ni mr. Vega

"Opo-" hinawakan ko agad ang kamay ni Mingyu bago pa niya matapos yung sasabihin niya

"Hindi po"

"Nako sayang ka dapat nag aartista ka, sayang ang itsura mo bagay pa naman pang model" - mr. Vega

"Next time po siguro itatry ko"

"Ano nga pangalan mo?" - mr. Vega

"Wonwoo, Jeon Wonwoo"

"Jeon Wonwoo? Parang pamilyar yung pangalan mo" - mr. Vega

"Syempre Pa nababasa mo yung apilido niya sa mga gamit ko sa school, pamilya niya may ari ng Jeon Kwon University" - Jeonu

"Siguro nga, teka kumain na ba kayo?" - mr. Vega

"Nako wag na po kailangan na rin po namin umuwi, may nag iintay po kasi samin sa labas"

"Ganun ba oh sige mag ingat kayo pag uwi" - mr. Vega

"Nice meeting you po mr. Vega" nag bow ako sakanya

"Tito na lang, tito Nicolas" - mr. Vega

"Mauna na po kami tito Nicolas"

Hanggang sa makalabas kami ng bahay napansin kong ang pagiging tahimik ni Mingyu "ang tahimik mo ata?"

"P-pagod lang siguro" - Mingyu

Pag lapit namin sa sasakyan agad itong bumukas at mukha agad ni Soonyoung ang bumungad samin na wagas kung maka-ngiti "ano na naman problema mo?" Tanong ko sakanya

"Bat mag ka-holding hands kayo?" Naka-ngising sabi nito

Agad akong napatingin sa kamay ko na mahigpit na naka-hawak kay Mingyu, binitawan ko ang kamay niya at pumasok na sa loob "umuwi na tayo"


~~~~~~~~
Kagabi ko pa sana to ipu-publish kaso nakapatay ang wifi ng kapitbahay 😂😂😂😂😂 sorry sa fight scene di talaga ako marunong sa mga ganun

Continue Reading

You'll Also Like

381K 8.9K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
972K 43.5K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
113K 4.6K 12
Veronica, the Duchess of Audovera, was known as the most beautiful woman yet to know nothing but arrogance and luxury. One day, when her husband, the...
3.3K 28 11
When🐶(Aiah) has a 0 body count but one day it change because of her bff 🦊(mikha)