We still (AlyDen

By unknown213vb

91.2K 1.3K 91

Not an ordinary story. More

Intro
Crush ko yan
Meant to be
I trust you.
Promise
Kim's Bday
Regrets
Jealous
I fell in love with my best friend
Set her free
Everything happens for a reason
Why I love you
Busted
I won't give up
Tried. Tired.
Love Sucks
I love you, still.
Been there, done that
Martyr
Author's note
One Point

You Complete Me

3.3K 63 0
By unknown213vb

@ BEG 6:00 AM

Author's POV

Training Time. Sabay ang training nilang dalawa. Sa right side ang VB team at sa left naman ang BB team.

----------------------------------------------------------------------

Alyssa's POV

Kakagising ko lang. Naalala ko sabay pala ang training namin. Nandun siya, makikita ko siya. Ang lungkot isipin, parang nung nakaraan lang ang saya saya namin. Tapos ngayon wala na kami. Haay. Mahal na mahal pa din kita Dennise. :(

Dumiretso na ako ng banyo para makaligo na.

Andito na ako ngayon sa kitchen, para makapag almusal muna bago pumunta ng training. Grabe ang hirap naman kumain.

Yaya: Neng, okay ka lang?

Nagulat ako ng tanungin ako ng aking yaya.

Buti pa siya kinakamusta ako. Samantalang yung parents ko. Haaay!

Alyssa: Opo, okay lang po ako.

Napabuntong hininga naman ako at napansin pala ni Yaya yun.

Yaya: Mahal ka nun. Huwag kang mag alala. Smile na ang alaga ko ha.

Alyssa: Sana nga po Ya, thank you ha. Buti ka pa andiyan para sa akin.

Yaya: Dalaga na alaga ko, ay este binata pala. Hehe. Pwede ba naman kitang iwan? Eh ako nagpalaki sayo eh.

Alyssa: Thank you talaga, nanay. Da best ka po. Alis na ako ha.

Yaya: Sige anak, mag iingat ka.

"Buti pa tong si Yaya mahal ako at inaalagaan, di katulad ng sarili kong ina. Kaya nanay na tawag ko sakanya, 15 years ko na siyang kasama. Siya na halos tumayong nanay para sakin, at siya lang nakakaintindi sakin sa bahay na to."

Nag drive na ako papunta sa training.

Drive..

Drive..

Drive..

Andito na ako. Pag sinswerte ka nga naman, unang bumungad sakin ay si Dennise.

Ang ganda talaga ng mahal ko. Nakakainlove lalo.

Pero papansin ko ba siya? O hindi? Galit to sakin alam ko.

Pero ako hindi magawang magalit sakanya.

Pero may parte sa puso ko na nagtatampo.

Nasaktan din kasi ako. Masakit sobra. Pero hindi ko talaga makuhang magalit.

Bahala na, titiisin ko nalang muna. Masakit pa eh.

Kaya naglalakad nalang ako dirediretso at hindi ko siya pinansin.

Pero tinignan niya ako na para bang gusto akong kausapin. Gusto ko ng bumigay hindi ko kayang makita ang mahal ko na nalulungkot.

Pero hindi kailangan kong tiisin to.

Kaya nag concentrate nalang ako sa aming training.

----------------------------------------------------------------------

Den's POV

Nagising ako na yakap yakap ko ang picture naming dalawa.

Natulog ba ako? Parang hindi. Kasi sobrang nanghihina ako. Parang may sakit, pero wala naman. Ganito pala epekto. Haay. Nakakalungkot isipin.

Ang tanga ko! Ng dahil sa galit ko na walang katuturan nawala ang aking pinakamamahal.

Training pala namin ngayon, at kasabay pa namin sila.

Sana lang pansinin niya ako, alam kong sobra ko siyang nasaktan. Alam kong galit siya sa akin ngayon.

Haay bahala na! Pumunta na akong banyo para maligo.

Andito na ako ngayon sa kusina kumakain,kasama ko ang aking mga teammates.

Ella: Besh? Okay ka lang? Bakit namamaga mata mo?

Den: Okay lang besh, di lang ako nakatulog.

Tapos na kaming kumain at naglalakad na.

Sinadya ko magpahuling maglakad para hindi nila mahalata na nawawala ako sa sarili ko.

Ella: Besh, kilala kita. Alam kong hindi ka okay. Anong problema?

Den: Besh, (napayakap) wala na kami. (Umiiyak)

Napayakap ako at eto na naman umiiyak na naman. Pero agad kong pinunasan ang mga luha ko.

Ella: Huh? Panong nangyari yun?

Den: Kasalanan ko Besh. :(

Ella: Pano? Bakit?

Den: May sinabi kasi si Bang sakin, siniraan si Alyssa. Ako naman si tanga, naniwala. Ang sakit ng mga nasabi ko sakanya besh.

Den: Natulak ko siya besh, nasampal. At nakipaghiwalay ako.

Ella: Hala ka! Besh grabe naman yung ginawa mo. Ginawa mo lahat yan ng di pa siya nag eexplain?

Den: oo besh. Tapos sinabi mismo ni Alyssa na noon daw nangyari lahat ng sinabi ni Bang, nung hindi pa kami magkilala.

At hindi ko na napigilan tuluyan na naman akong umiyak.

Ella: Besh, sa totoo lang grabe yung ginawa mo. Kung ako man si Alyssa, masasaktan at magagalit dun.

Den: Besh alam ko, ang tanga ko. :( huli na. Wala na siya sakin :(

Ella: Besh, ssshhh. Tahan na. (Sabay yakap) hindi pa huli besh, kausapin mo siya. Alam kong mahal na mahal ka ni Aly, at mapapatawad ka nun. Yun pa.

Den: Sana nga besh. Sana nga. Mahal na mahal ko din siya.

Ella: Alam ko yun besh. Maayos din yan. Ayusin mo na sarili mo, baka sabihin pa nila pinaiyak kita. Haha

Den. Haha sira. Thank you besh ha.

Inayos ko na ang sarili ko, andito na kami sa BEG.

Nakita ako ni Aly, lalapit sana ako pero natakot ako sa kung anong pwedeng sabihin niya sakin.

Walang expression ang kanyang mukha. Alam kong galit siya sakin. Ramdam ko, ni hindi man lang ako pinansin. (Asa ka naman papansin ka)

Tuluyan na siyang dumiretso sa side nila para makapag training siya.

Heto ako nasa bleachers lang, di mapakali.

Hindi ko maiwasan hindi tumingin sakanya. Seryong seryoso ang mukha niya. Ngayon ko lang nakita na ganito siya katahimik at kaseryoso.

Hindi ako makapag isip. Hindi makapag concentrate. Haay! (Kaya mo to dennise, kaya mo to.) sa isip lang yan.

"Dennise, ano pang tinatayo tayo mo diyan"

Sigawa ni coach, 3x na pala akong tinawag.

Eto na magttraining na ako.


SET..


SPIKE..


DIG..

Pero hindi ko nakuha kaya... Hindi kasi ako nakatingin. Iba kasi tinitignan ko.


Booooom! Boooooooom! Boooom sapul!

Boom! Sapul ako sa mukha. Ang sakit nahihilo ako, pero hindi muna ako gumalaw.

May hinihintay akong lumapit.

ALE: Denden!

Naramdaman ko na tumakbo sila palapit sakin. Pero nakapikit pa din ako.


----------------------------------------------------------------------

Alyssa's POV

Nakita ko si Denden na parang wala sakanyang sarili. Pero hinayaan ko nalang muna. Hindi nalang muna ako tumitingin masyado sakanya para makapag concentrate ako sa training namin.

Pero kinabahan ako bigla. At may narinig akong sumigaw.

"Denden"

Pagtingin ko si Denden, natumba, nawalan ng malay.

Dali dali akong tumakbo papunta sakanya.

Binuhat ko eto, at agad na dinala sa clinic.

Sa mga sandaling yun, hindi ko na inisip lahat ng tampo ko, binalewala ko na lahat yun, ang gusto ko lang ngayon maging okay si Denden.

Nurse: Sige, ihiga mo nalang siya diyan.

Alyssa: Sige po.

Inihiga ko na si Denden. Paalis na sana ako ng biglang hinawakan niya ang aking kamay.

Den: Aly?

Alyssa: Oh? Gising ka naman pala. Sige alis na ako.

Den: Teka lang, Aly.

Biglang tumayo si Den at hinawakan ang aking kamay. Hinila niya ako, at tumakbo ng tumakbo....

Hanggang sa mapadpad kami sa park dito sa Ateneo kung san kami nagkakilala..

Umupo kami pareho. At sabay na nagpabuntong hininga.

Aly: Bakit? Anong gagawin natin dito?

Den: Aly, i'm sorry. I'm really sorry.

Nakatingin lang ako sakanya na walang expression ang aking mukha.

Den: Please? I'm sorry talaga baby. I love you. I miss you.

Hindi pa rin ako kumikibo. At nakatingin pa din ako sakanya.

Den: Aly, magsalita ka naman oh. Hindi ko kayang wala ka, balik ka na sakin. Mahal na mahal kita.

Den: Hindi dapat ako naniwala sakanya. Sana pinakinggan muna kita. Patawarin mo ako.

Den: Ayaw mo na ba sakin? Hindi mo na ba ako mahal?

Umiiyak na siya, hindi ko nanaman matiis. Kaya nagsalita na ako.

Aly: Alam mo kasi Den, nasaktan ako. Masakit. Hindi ko kasi inaasahan na marinig lahat sayo yun. Sorry pe-------

Hindi ko natuloy ang sasabihin ng takpan ni Den ang aking bibig.

Den: ssshhh! Wag mo nalang ituloy baka hindi ko kayanin pag tinuloy mo. Hindi mo na nga siguro ako mahal at mapapatawad.

Den: Sorry talaga Aly ha, mahal na ma-------

Hindi ko na din pinatuloy. Hindi ko na matiis. Mahal na mahal ko kasi si Den, kaya kong kalimutan lahat para sakanya.

Aly: sssh! Tahan na. Okay na pinapatawad na kita. Hindi naman kita matitiis eh. Mahal na mahal kita. Sorry din baby ha.

Den: (umiiyak at niyakap si Aly) Akala ko hindi mo na ako mahal at mapapatawad.

Aly: Yan kasi eh, ang hilig mo sa akala. Hindi mo muna kasi ako pakinggan. Salita ka kasi ng salita eh. Hahaha.

Hinampas ako nito sa braso, at salubong ang kanyang kilay. Nainis ako lagi nalang dumadapo yung kamay niya sakin.

Aly: Lagi nalang akong sinasaktan ng kamay mo. :((

Den: Aaw, sorry baby. Last na yan, promise. Masakit ba yung sampal ko? Haha.

Aly: Sige, tawa ka pa ha! Masakit yun. Hanggang ngayon masakit pa nga eh. Huhu

Den: OA ha! Kahapon pa yun. Pero halika nga dito.

Lumapit ako, siguro 1 inch nalang ang pagitan ng mukha namin.

Akala ko hahalikan ako sa labi. Hinalikan niya ang magkabilang pisngi ko.

Den: Oh masakit pa ba baby? (Ngiti)

Aly: Hindi. Pero eto masakit oh. (Ngumuso ako)

Den: Eh hindi ko naman sinampal yan. Ikaw ha! Hahaha.

Aly: Eh namiss ka naman ng labi ko. Malungkot siya. Promise. (Baby talk)

Hinalikan ako sa labi ni Den, hindi lang basta halik yun. Medyo torrid.

Alam namin may mga nakatingin na samin, haha. Pero wala kaming pakialam.

Bahala silang mag isip ng kung ano ano.

Basta okay na kami at mahal namin ang isa't isa.

Wala ng makakasira sa amin.

Aly: Baby, can you promise me one thing?

Den: Ano yun?

Aly: Sabihin mo munang "i promise".

Den: I promise baby. Ano ba yun?

Aly: Promise me na hindi ka na basta basta maniniwala sa iba, sa akin lang dapat. Dahil hinding hindi ako mag sisinungaling sayo at wala akong tinatago. At hinding hindi mo na ako iiwanan. Promise ka ulit please? :(

Den: I promise na hindi na talaga kita iiwan. At hindi na ako maniniwala sa sasabihin ng iba. Pero promise mo din na hindi mo ako pagpapalit at iiwan. Plith? :(

Aly: i promise baby, hindi naman mangyayari yun eh. You complete me kaya, i'm nothing without you. I love you so much Denden ko.

Den: (ngiting tagumpay) I love you more Aly ko. Thank you for loving me ha.

Niyakap ko ulit siya at hinalikan ang kanyang noo, ilong, mga pisngi. At huli ang kanyang mga labi.


ALE: Hoy PDA na masyado!!

Napabitaw naman kami ni Den ng marinig yun at tumawa lang kami ng tumawa. At sumigaw ng.

Aly&Den: Inggit lang kayo!


...................................................................................


Sabaw yata ng UD ko. Haha. Sorry pagod eh. Anyways. Guys! VOTE at COMMENT.

Sa mga readers ko! Anong masasabi niyo?

Comment naman kayo para alam ko kung corny na ba at sabaw yung mga UD ko.

Para alam ni Author kung ano yung mga pwedeng gawin. Haha

Thanks na din pala sa mga nagvovote at ng cocoment ha. Sa mga silent readers. Salamat din sainyo. :))

---------------------------------------------------

Ngayon okay na ang AlyDen magtuloy tuloy kaya ito, o maudlot na naman.

ABANGERZ KAYO MALAPIT NA TAYO SA GITNA! :)) mas intense dun guys! Haha

Continue Reading

You'll Also Like

21.6K 1.5K 32
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴
2.1K 156 6
AD in parallel universes. NOTE: All works are fiction. Please separate fiction from reality.
4K 205 11
Aeros, a gangster who fell in love for the first time and ready to change just for the woman he loves. "Dos" was surrounded by rules that could prev...
255K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.