Majestic World: Battle Betwee...

Av JelaaaJels

543K 16.4K 1K

(First book of Majestic Series) Erisha Frost Alvarez, a lady as cold as ice, trying to hide her identity for... Mer

Majestic World: Battle Between Two Kingdoms
WELCOME!
YOUR GUIDE TO MAJESTIQUE
Prologue
Chapter One: Not Normal
Chapter Two: Light Kingdom
Chapter Three: Light University
Chapter Four: The Aurorials
Chapter Five: Professionals
Chapter Six: Trouble
Chapter Seven: 3rd-Ranker
Chapter Eight: Unexpected
Chapter Nine: Bond
Chapter Ten: Princess of Light Kingdom
Chapter Eleven: Damn Hard
Chapter Twelve: Dragons
Chapter Thirteen: Erine
Chapter Fourteen: Perilous Forest
Chapter Fifteen: Eight Aurorials
Chapter Sixteen: Twin Sister
Chapter Seventeen: Training
Chapter Eighteen: Fear
Chapter Nineteen: Kyle
Chapter Twenty: Drunk
Chapter Twenty-One: Meeting the King and Queen
Chapter Twenty-Two: Forest of Draco
Chapter Twenty-Three: Burning Tree
Chapter Twenty-Four: Obsculaes
Chapter Twenty-Five: Necklace
Chapter Twenty-Six: Queen
Chapter Twenty-Seven: Magical Forest
Chapter Twenty-Eight: Frozen
Chapter Twenty-Nine: Mortal World
Chapter Thirty: Transferees
Chapter Thirty-One: Only Mine
Chapter Thirty-Two: Rage
Chapter Thirty-Three: Majestique
Chapter Thirty-Four: Pro
Chapter Thirty-Five: Back Home
Chapter Thirty-Six: Birthday
Chapter Thirty-Seven: Anger
Chapter Thirty-Eight: Mission
Chapter Thirty-Nine: Focus
Chapter Forty: Evelings
Chapter Forty-One: Letter
Chapter Forty-Two: Broken
Chapter Forty-Three: Hatred
Chapter Forty-Five: Caught
Chapter Forty-Six: Dark Side
Chapter Forty-Seven: The Culprit
Chapter Forty-Eight: Sorry
Epilogue

Chapter Forty-Four: Controlled

6.8K 244 31
Av JelaaaJels

ERISHA FROST


Isang linggo na ako rito. Marami na rin akong nalaman dahil kina Aizel na laging tumatambay rito sa kwarto ko. Maski si Rage ay nakita ko rin. Nalaman ko na anak siya ni Forestia at isa siyang prinsipe. Gusto niya akong puntahan, pero pinagbabawalan siya ng kaniyang ina at ni Ruffian.


Sabi nila, nahahati rin ang Dark Kingdom sa limang Territorium.


Tenebrial, ang kapital at sentro rito. Kung saan, ang reyna at ang hari ay si Ruffian at si King Tobias. Ang ibang teritoryo naman ay ang mga Gasse, Fervio, Hadia, at Venuo.


Nasa kastilyo ako sa Tenebrial. Dito rin sila kasalukuyang naninirahan kaya palagi nila akong napupuntahan. Hindi pa ako lumalabas para tingnan ang itsura ng buong lugar. Dinadalhan naman kasi ako ng pagkain dito.


Napahawak ako sa bagay na nasa leeg ko. Sasabog lang naman ito kung tatapak ako sa teritoryo ng mga Celestiales at Mortals, 'di ba?


Tama. Mabilis kong tinapos ang agahan ko at nag-ayos na.


Pupunta ako sa Magical Forest. Hahanapin ko ang dalawang dyosa. Gusto kong itanong kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Gusto kong malaman. Magtatagumpay ba ako sa plano ko? O si Ruffian na naman ang mananalo sa huli?


Nagsuot ako ng itim na jacket. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko buksan ang pinto. Nilibot ko ang tingin sa paligid para makita kung may mga nagbabantay.


Wala.


Tahimik akong naglakad habang palinga-linga. Pinakikiramdaman ko rin ang paligid. Maraming pasilyo akong dinaanan. Maraming beses din akong nagtago nang may mga kawal akong nakita. Natagalan din ako sa paglabas dahil naligaw ako. Hindi naman pangit ang kastilyo, masiyado lang puro kulay itim at violet. Sa totoo lang, maganda ang lahat sa loob. Bukod lang sa mga naninirahan.


Akala ko, tuluyan na akong makaaalis pero hindi. Bigla akong nakaramdam ng kuryente na mabilis na dumadaloy sa bawat ugat ko at pinahihina ang kalamnan at katawan ko.


"AHHH!" Napaluhod ako sa lupa.


Shit!


Narinig ko ang mga yabag palapit sa'kin habang tinitiis pa rin ang kuryenteng nagpapahina sa'kin.


"Tatakas ka?!" sigaw ni Ruffian nang tuluyan na siyang makaharap sa'kin. "Hindi pwede. Oras na para magamit kita," nakangising sabi niya saka biglang may sinabog na pulbos sa mukha ko.


Nawala ang kuryente sa katawan ko nang tuluyan kong masinghot ang pulbos. Naramdaman kong parang kumakapal ang ulo ko, hindi maayos ang mga naririnig at nakikita. Para akong lumulutang, parang hindi totoo ang mga nangyayari, parang hindi akin ang katawan ko. Unti-unti ring sumisikip ang dibdib ko hanggang sa hindi ko na alam ang nangyayari sa'kin.


Tiningala ko ang reyna. Walang emosyon ko siyang tiningnan.


"Tumayo ka, prinsesa," utos niya.


Agad akong tumayo habang deretso pa ring nakatingin sa kaniya.


"May iu-utos ang iyong reyna." Nginisian niya ako.




"Ano po iyon, mahal na reyna?"


---


CRYSTAL RAIN


Dalawang linggo na simula nang malaman namin ang lahat.


Naging magulo na simula no'n. Si Queen Seraph, isa siya sa mga nadamay. Kasalukuyang ini-imbestigahan ang pangyayari noon. No'ng namatay si Queen Erine. Si Frost daw ang nagsiwalat ng mga pangyayari noon. May mga ayaw maniwala pero nanggaling daw 'yon kay Queen Erine mismo.


Maski kami. Nakakapag-usap kami pero mas focused kami ngayon sa mga trainings. Hinahanda na nila kami sa isang malaking labanang maaaring maganap kahit na anong oras o araw. Mas delikado pa dahil hawak si Frost ngayon ng Dark Kingdom. Hindi namin alam kung ano ang mga maaaring mangyari.


Si Kaiser. Bumalik sa dating ugali niya at mas lumala pa. Sobrang lamig niyang makitungo ngayon. Mas naging seryoso at tahimik. Pero hindi niya maitatanggi ang lungkot. Nakikita namin 'yon sa mata niya minsan. Hindi namin pinag-uusapan ang nangyari nang makabalik kami. Mahirap. Masiyadong masakit. Hindi namin matanggap.


Si Kyle, nalaman na niya lahat. Nasaktan siya at hindi niya rin matanggap. Lumapit pa siya sa'min noon habang may hawak na isang hugis bilog na yelo. Nakita niya raw 'yon sa kwarto ni Frost na ipinagtaka namin. No'ng dumating kasi kami, hindi na nakauwi pa si Frost sa bahay niya rito, dineretso siya sa Tower of the Damned hanggang sa nakuha na siya ng mga Obsculaes. Hindi namin makita kung may laman ba 'yong yelo. Hindi rin namin mabasag o matunaw kaya hinayaan na lang namin. Pero pinaghihinalaan namin si Kyle. Para kasing may gusto siyang sabihin pero hindi niya matuloy. Nagdadalawang-isip siya.


"Pumunta kaga---"


"Ano 'yon? Bakit hindi mo ituloy?" tanong ni Bliss kay Kyle nang bigla na lang siyang huminto sa pagsasalita at nakatingin lang sa'min.


"Si Ate Frost..."


Tinignan niya kami isa-isa hanggang sa mahinto ang mata niya kay Kaiser na nasa malayo ang tingin. Hinintay namin siyang magpatuloy.


"Ano 'yon, Kyle?" tanong ko.


"May mangyayari ba kay ate Frost? Mawawala ba siya?" nag-aalalang tanong niya. Bakas sa mata ang lungkot.


"Tayo ang mawawala kung hindi siya mawawala," sagot ni Flare.


"Flare," mahinang pagtawag ni Bliss.


"Bakit? Totoo naman ah? Mabuti nang alam niya."


"Hindi naman siguro," sagot ko kay Kyle.


"Hindi. Kagabi kasi... may sinab---" Yumuko siya saka umiling-iling. "Alis na po ako."


Hindi namin alam. Gusto namin siyang tanungin pero hindi na niya kami pinuntahan ulit. Hindi rin sinasagot ang mga tawag namin. Hindi rin nagpapakita kina Bliss 'pag hinahanap nila. Saka may isa pang pinagkakaabalahan ang karamihan ngayon. Isang linggo na kasi ang lumipas simula nang may mangyaring kakaiba rito. Iba't-ibang parte ng Light Kingdom ang inaatake. At nababahala ang lahat. Gabi kasi sila umaatake. Hindi namin alam kung ilan ba. Pero kakaiba eh. Magigising na lang ang mga tao na may patay na pala. Marami na rin ang mga nasira.


Ang Garden of Life, ayon, halos mabulok lahat ng halaman. Sa Forest of Draco, nakita nilang maraming dragon ang wala nang buhay. Hindi naman marami ang namatay na tao. Bilang pa lang siguro sa daliri. Pero marami na silang nasisira.


Pareho lang daw ang gumawa ng mga 'yon. Dahil pareho ang mga nangyayari. Nabubulok ang mga halaman at puno. Sira rin ang mga daanan, may itim na itim na lupa ro'n na nagiging dahilan para masira ang mga daan.


Sobra na sila. Hindi na tama.


Nasa Training Room kami at tahimik lang. May mga kaniya-kaniyang iniisip. Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nang biglang bumukas iyon. Sobrang seryoso ang dalawang instructor at parehong magkasalubong ang kilay.


"May iu-utos sa inyo," saad ni Instructor Dionysus.


"May alam na po ba kayo?" tanong ni Bliss. "Sabi ng mga Warriors, kaya raw malaman kung sino-sino ang mga gumawa ah?"


Ang tinutukoy ata niya ay ang mga pag-atake.


"Isa lang ang may kagagawan ng lahat. Iisang babae lang," saad ni Instructor Erielle.


Hindi niya pa nasasabi, parang alam ko na. Pero ayokong maniwala. Hindi niya magagawa 'yon eh. Natahimik kami at walang naglakas ng loob na magtanong.


"Si Frost. Siya lang ang may kagagawan ng lahat. Isa rin siyang Eveling. Iba na siya."


"Hindi," bulong ko. Bahagya akong napailing.


Hindi kami makapaniwala. Isa rin siyang Eveling?


"Hindi niyo na siya makikilala ngayon. Malayo na siya sa Frost na nakilala niyo. Ano pa ba ang aasahan niyo? Siya ang sinumpang bata. Kaya niya tayong tapusin lahat kung kailan niya gustuhin."


Napayuko ako. So, totoo nga ang sinabi ng dalawang dyosa tungkol sa kaniya. Ang sakit lang isipin na baka lahat ng pinakita niya sa'min noon ay hindi rin totoo. Na baka pagpapanggap lang ang lahat.


"Hindi na siya pwedeng hayaan lang na saktan ang mga nilalang dito. Puntahan niyo ang dalawang dyosa. Itanong niyo sa kanila kung ano ang pwedeng gawin para matigil na ang sinumpang bata."


"Matigil?" tanong ni Sky.


"Mapatay. Mapaslang. Kailangan na siyang mawala para sa kaligtasan ng lahat."




Naghanda kami para sa pagpunta sa Magical Forest. Nagbaon kami ng mga pagkain para 'pag natagalan kami sa paghahanap.


"Hindi ko maisip na kaya niyang gawin ang lahat ng ito," nakakunot ang noong saad ni Flare habang naglalakad kami sa Perilous Forest. "Nagpapanggap lang pala siya noon."


"Hindi ko rin inaakala kaya niya palang gawin itong lahat," sabi ni Sky. "Grabe. Ang dami na niyang sinira at pinaslang."


"Pinaparating niya lang na kayang-kaya niyang gawin 'yon kahit na kanino at kahit saan," malamig na saad ni Kaiser. "Inalam niya lang siguro ang kahinaan nating lahat."


Natahimik kami. Tanging mga tunog lang ng mga dahon at damo na natatapakan namin ang maririnig. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala. Ayokong tanggapin.


Nagtaka naman kami nang may nakita sa unahan. Habang palapit nang palapit, unti-unti kaming bumabagal hanggang sa napahinto kami. Anong nangyari rito?


'Yong mga puno, itim na itim. Wala nang dahon. Wala nang halaman. Tapos 'yong lupa, mamasa-masa. Itim na itim din.


"Kumunoy." Napatingin kami kay Travis nang magsalita siya. "'Wag kayong tatapak."


Malaki na ang parte sa Perilous Forest na gano'n ang itsura. Napatingin kami sa gilid nang may marinig. May kumakaluskos. Sa kabila naman kami napatingin nang may gumalaw rin sa mga halaman doon.


"Sino 'yan?!" malakas na tanong ni Sky.


Ilang segundo ang lumipas bago tumigil ang pagkaluskos. Napigil ko ang hininga nang makita namin kung sino 'yon. Isang babae.


Iba na ang itsura niya. Parang hindi siya ang Frost na nakilala namin at nakasama. May halo na ng kulay violet ang buhok niyang kulay puti. Maski ang mata niya, gano'n din. Mas lumakas na ang presensya niya ngayon. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Walang emosyon ang mababakas. As in, wala. Tila isa siyang robot. Walang buhay. Walang kahit na anong emosyon ang makikita sa mukha niya habang tinitingnan kami.


Siya ba talaga si Frost? Siya ba talaga 'yong nakasama namin noon?


Napansin ko ang mga sugat niya sa buong katawan. Sobrang dami pero parang wala lang sa kaniya. Naglakad siya palapit sa'min.


"Diyan ka lang kung ayaw mong masaktan," pagbabanta ni Cloud pero hindi siya huminto bagkus ay tinaas niya ang kamay niya.


"Shit!"


Kaniya-kaniya kaming iwas nang magpalabas siya ng yelo. Sunod-sunod ang pag-atake niya sa'min kaya gumamit din kami ng kakayahan namin para maprotektahan ang mga sarili. Tuwing inaatake naman namin siya, hindi pa iyon tumatama sa kaniya, nawawala na lang ang mga 'yon na parang usok. Wala kaming magawa kundi ang depensahan ang sarili namin.


Nagsimula kaming humagis isa-isa nang magsimula siyang tumakbo nang mabilis. Hindi niya kami tinitigilan. Marami na kaming sugat at pasa. Nauubos na ang enerhiya ko. Nanghihina na rin. Iniinda ko rin ang malaking hiwa ko sa hita at braso. Nagdudugo na ang ulo nina Bliss at Sky. Habang may sugat sa tagiliran sina Travis at Cloud. Malaki naman ang sugat ni Flare sa binti. Nang tingnan ko si Kaiser, napapaligiran na siya ng matutulis na yelo na nagmumula sa lupa. Nakatapat iyon sa kaniya. Duguan na rin siya, may malaking sugat sa noo at saksak sa balikat. Pinipilit niya kasi kaming iligtas. Ilang beses na kaming muntik na matuluyan at siya ang sumasalo hanggang kaya niya.


"Frost!" Nawala ang matutulis na yelo nang may humila bigla sa kaniya.


Sina Xavier at Xander.


Pilit siyang nagpupumiglas pero mahigpit lang na kinakapitan ni Xander ang kamay niya habang nilalagyan siya ng power concealer sa palapulsuhan.


"Bitiwan niyo ako!" sigaw niya.


"Frost! Tumigil ka na! Hindi na kaya ng katawan mo!" sigaw sa kaniya ni Xander.


"May kailangan pa akong tapusin! BITIWAN NIYO AKO!"


"Tumigil ka na! Pinapatay mo ang sarili mo!" sigaw ni Xavier.


Nalagyan naman nila ng power concealer si Frost pero patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas kaya nahihirapan ang dalawang kapitan siya.


"Umalis na kayo!" sigaw sa'min ni Xavier. "Baka matuluyan niya kayo! Hindi namin siya mapipigilan lalo na at nasa ilalim siya ng panghihipnotismo ng reyna. Hindi siya magdadalawang-isip ngayon na patayin kayo!"


Natigilan ako. Kaya ba siya ganiyan?


"Bilisan niyo na! Pare-pareho lang kayong mamamatay ngayon! Isang linggo nang walang pahinga si Frost dahil sa mga utos ng reyna! At nanghihina na siya ngayon. 'Pag napatay na niya kayo, paniguradong ubos na rin ang lakas niya, mamatay na siya kapag nagtagal pa 'to!" sigaw ni Xander.


"Iyon ang plano ng reyna! 'Pag nagawa na ni Frost na paslangin kayo, unti-unti namang pinapatay ni Frost ang sarili niya dahil sa kawalan ng pahinga at pagkaubos ng enerhiya! Umalis na kayo!"


"ARGHHH! BITIWAN NIYO AKO!"


Kahit nahihirapan, pinilit naming tumayo at maglakad paalis.


"'Yong pulbos," narinig kong sabi ni Xavier.


"PAPATAYIN KO KAYO!"


Biglang may humawak sa braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Nilingon ko si Bliss.


"Saglit lang," nanghihinang saad niya.


Tiningnan ko sila isa-isa. Nagtataka ako pati na sina Flare at Sky pero parang iisa ang gustong gawin nina Kaiser, Cloud, at Bliss. Tahimik lang kaming pinanonood ni Travis habang iniinda ang mga sugat niya. Nagtago kami sa mga puno at sinilip ang pwesto ng magkakapatid.


"BITIWAN NIYO AKO!"


"Hawakan mo siya nang mabuti!" utos ni Xavier habang may hawak na isang maliit na lalagyan.


Sinabog niya ang laman no'n sa hangin. Dahan-dahang tumigil sa pagpupumiglas sa Frost hanggang sa nanghihina siyang napaupo sa lapag. Nakatulala lang siya. Bumakas sa mukha niya ang pagod at panghihina. Naghahabol din siya ng hangin at parang nahihirapan huminga. Biglang may tumulong dugo mula sa ilong niya.


"Kaya mo pa? Dadalhin ka---" Natigil sa pagsasalita si Xavier nang hawakan siya bigla ni Frost sa kamay. Nakatingala siya kay Xavier.


"Patayin niyo na ako," nanghihina niyang pakiusap na parang nagmamakaawa na. May tumulong luha sa mata niya. "Kung ako lang din naman ang papatay sa inyo, patayin niyo na lang ako."


"Frost," pagtawag ni Xander.


Tiningnan ni Frost ang parte ng gubat na sira na at walang buhay. Saka siya napatingin sa mga palad niyang nanginginig at marami nang sugat.


"Isa akong halimaw," saad niya.


Lumuhod si Xander saka siya hinawakan sa balikat. "Hindi, Frost. Hindi ka ha---"


"Hindi niyo ba nnaiintindihan kung ano ang kaya kong gawin?" tanong niya. "Kaya kong burahin lahat ng narito ngayon," pahina nang pahina niyang saad.


"Kaya mo pero alam naming hindi mo gagawin," saad ni Xavier. Napapikit si Frost nang mariin saka napahawak sa tapat ng puso niya. "Kaya mo pa ba?"


"Frost," pagtawag ni Xander nang nanatili sa gano'ng posisyon si Frost.


"Ahhh..." daing ng huli na naging dahilan para magsimulang mag-panic sina Xander at Xavier. Bumakas sa mukha ang sakit na nararamdaman niya. "AHHHH!"


"Frost! Shit, tara na!"


Napaayos ako ng tayo nang mawalan ng malay si Frost. Maski si Bliss, gano'n din habang nakatakip sa bibig na pinanonood ang tatlo.


"Shit!" napamura si Xavier saka agad siyang binuhat.


Napatingin kami sa isa pang lalaking dumating. 'Yong lalaking isa sa mga nakaharap namin sa Mortal World. Isa sa mga Evelings.


"Daze," pagtawag ni Xander.


"Anong nangyari?" tanong niya saka nilapitan si Frost. Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha nito. "Malala na ang lagay niya." Hinawakan niya sa kamay si Frost at sa balikat si Xavier habang kumapit din sa kaniya si Xander.


Hindi nagtagal at tuluyan silang nawala. Ang daming tanong ang nasa isip ko ngayon. Masiyadong magulo. Masiyadong komplikado. Nang mapatingin ako kay Kaiser, muli kong nakita ang lungkot sa mata niya pero agad ding nawala.


Sa aming lahat, alam naming siya ang pinaka nahihirapan. Lalo pa at hindi niya naman binabahagi sa'min ang saloobin niya.


❄❄❄




Fortsett Γ₯ les

You'll Also Like

235K 7.3K 36
PAALALA: Hindi pa po ito na-e-edit. Maraming mga mali lalo na sa grammar. Ang plot ay hindi pa ganoon kaayos. *** Si Briella Cabrera A.K.A Bree, isan...
1.2M 34.4K 63
"Ginto siguro to?" Manghang hinawakan ko ang pintuan saka mahinang kinatok-katok. Siguradong malaking pera to pag-naibenta. Kyahhh feeling ko nag twi...
218K 8.1K 57
May Isang babae na hindi kilala na nag transfer sa isang school na puno ng mga mafia at gangster dahil laging syang nakamask ay lagi syang pinag-iini...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...