Jigger Hortaleza

By candiedapple__

3.1K 148 80

Kell, ang tukmol na in love (?) sa babaeng self-proclaimed na retired rakista, magtu-21, Philippines! Jigger... More

Synopsis... daw
Panimula--Tristan Kell Sirculo
One: Pika-pika!
Two: Kitchen Knife
Three: Bakit nga ba walang McDo?
Four: Broken Heart, Gitara, Chaise Lounge
Five: Ang Pahamak na ID
Six: Si Orange at si Longgo
Seven: Feeling ng Namboboso
Eight: YOU LIKE HER!
Ten: Si Ariella at Adrielle
Eleven: Jennifer is the Name
Twelve: Confessions
Thirteen: Picture Perfect
Fourteen: Hugs and Heartbeat
Fifteen: Looking Forward
Interview, Announcement, Recommendation
Special Chapter: Orange Delight
Part 2: Jennifer Hortaleza

Nine: Deadly Weapons: Chains and Frisbee

112 7 3
By candiedapple__

NAKITA NI Kell si Jigger na marahang naglalakad sa hallway ng pinakaunang building ng SMU mula sa main gate. May kagat-kagat itong kung anong pagkain habang ang ulo ay nakapaling, parang may pinagmamasdan.

            Tinawag niya ito. “Jigger!” Ngunit hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Malamang na nakapasak na naman sa tainga nito ang earphone nito at nakikinig sa punk-rock music.

            Tumakbo siya.

            “Kell!” Mula naman sa likuran niya ay tinawag siya ni Haru. Sinundan pala siya nito.

            Nang mabasa niya kasi ang laman ng mensahe sa kanya ni Jigger ay agad siyang nagtatakbo papunta sa main gate dahil ayon dito, nandito na ito sa school nila. Sa school nila mismo! Pasaway na babae. Ang sabi nito ay magpapasundo ito sa kanya!

            Baka na-misinterpret mo ang pagpapasundo niya?

            Natigilan siya. Posible nga kayang na-misinterpret niya ang sinabi nito? Na magpapasundo ito sa kanya hindi mula sa bahay nito at mula lang sa gate ng school?

            Ang tanga niya. Ni hindi niya naisip ang posibilidad na iyon.

            Excited ka kasi masyado, tukmol.

            Humihingal na tumigil siya sa pagtakbo nang makaapak na siya sa hallway ng building A. Sa hindi kalayuan ay nakasandal si Jigger sa haligi at nakayuko. Napakunot ang kanyang noo. Ano ang ginagawa ni Jigger doon?

            Nagsimula na siyang maglakad papalapit dito kaso gumalaw din ito, naglakad at naupo sa likod ng haligi at animated na nakipag-usap sa kung kanino. Ngayon niya rin lang napansin ang isang kadena na nakalatag sa lapag horizontally.

            Nakakapagtaka. Anong ginagawa ng isang kadena sa lapag ng hallway?

            Patibong?

            “Huy, Kell.”

            Pero hindi na naman niya pinansin si Haru at malalaki ang hakbang na tinungo ang kinapupwestuhan ni Jigger. Tumigil siya sa tapat ng haligi at sumandal doon. Tatlong pares ng mga mata ang nag-angat ng tingin sa kanya. Ang isa ay mula sa kabilang bahagi ng hallway katapat ng isang babae na katabi ngayon ni Jigger. Hindi siya maaaring magkamali… Ang dalawang babaeng kasama ni Jigger at may hawak ng magkabilang dulo ng kadena ay walang iba kundi ang mga babaeng nanghuli kay Haru noong nakaraang taon.

            Narinig niya ang pagsinghap ni Haru mula sa kanyang likuran. Nilingon niya ito.

            “Kayo na naman?!” nanlalaki ang mga mata na sigaw nito at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang babae.

            Nakakatakot na ngumisi ang babae na katabi ni Jigger. Hanggang balikat ang wavy nitong buhok at ang mga mata nito ay almond-shaped. “Hi, Haru-Haru. Kumusta?”

            Tumabi sa kanya si Haru at kinikilabutan na pinagmasdan ang kadena. Marahang sinipa nito iyon. “Ito pa rin ang gamit niyo? Nangangalawang na, ah?”

            “Syempre,” sabi naman ng babaeng nasa kabilang side. Mahaba naman ang buhok nito at tuwid, itim na itim, hindi katulad nitong katabi ni Jigger na may streaks ng brown. “Ito ang lucky charm namin ni Diana, marami-rami na ang lumipad na hotties dahil sa kadenang ito.” pagpapatuloy nito saka humagikgik.

            “Korek ka d’yan, Tini.” Itinaas ni Diana ang kanan nitong kamay saka sinabing, “Apir!”

            Tumawa si Tini at itinaas naman ang kaliwang kamay. “Apir!”

            At nag-apir ang dalawang babae sa ere.

            Napailing-iling na lang siya at pinaikot ang mga mata. Ang dami nang babae na nakatakas mula sa mental, bakit hindi pinapahuli? Dapat ang mga ito ang ikinukulong dahil delikado ang male population sa mga ito.

            “Kayong dalawa d’yan ay umalis.” Narinig niyang sabi ni Jigger sa pagitan ng pagnguya. “Nakaharang kayo sa daan.”

            “Oo nga.” Pagsang-ayon ng dalawang babae rito.

            “Hindi namin makikita ang kung sino mang hinahabol ng mga alagad ko kung haharang kayong dalawa d’yan ni Haru.” Sabi ni Tini.

            “That’s right. Kapag may hindi kami nahuli magiging kasalanan niyong dalawa iyon at kayong dalawa ang ibebenta namin sa marriage booth. Mawawalan kayo ng pahinga at hahalikan niyo ang mga babae, at in between, na gutso kayong pakasalan.” Ngumisi na naman si Diana at pinigilan ni Kell na kilabutan. “Sa lips.”

            Tumawa si Jigger. “Dito ka sa tabi ko, Tristan. Hindi ka pwedeng makulong dahil itu-tour mo pa ako sa buong campus niyo.”

            “Oh, 'yan, listen to your girl, Tristan.”

            Napabuntong-hininga na lang siya saka naupo sa tabi ni Jigger. Si Haru naman ay tumabi kay Tini ngunit nanatili itong nakatayo, sumandal na lang sa pader.

            “Anong ginagawa mo rito?” bulong niya kay Jigger.

            “Naghihintay ng huhulihin, duh?”

            “Kung makapagsalita ka, parang manghuhuli lang kayo ng isda.” Nagbuga siya ng nakukunsuming hangin. “What I mean is dito? Ang sabi mo ay magpapasundo ka sa akin?”

            “Oo nga. Magpapasundo ako sa 'yo. Dito. Sa may gate ng school niyo. Anong akala mo magpapasundo ako sa 'yo mula sa bahay?”

            Boom. Iyon nga kasi talaga ang akala niya. Na sobrang kinukulit niya si Haru para lang ipahiram nito sa kanya ang motor nito.

            “Hay naku, Tristan, manahimik ka na lang d’yan.” Pinaikot nito ang mga mata saka hinarap si Diana at siya ay initsapwera. “So tell me, sino ang huhulihin niyo?”

            He saw Diana shrugged. “Kahit sino na matyempuhan ng mga Criminology student na nakatoka para manghuli. Nagsanib pwersa ang department ko, which is Accountancy by the way, at Criminology para sa jail booth and marriage booth. Ang hinuhuli lang naman namin ay ang mga kasali sa SMU Hotties and Sweeties.”

            “Hotties and sweeties?”

            “Yep. That is a yearly pageant held during the Foundation Week.” Pagpapaliwanag ni Tini. “At ang mga kasali sa pageant na iyon ay pinagbobotohan ng mga estudyante. Kumbaga, the students had the freedom to vote whoever they want to join the pageant.”

            “At walang kakayanang tumanggi ang mga, sa kasamaang palad, naiboto. I pity them.”

            Haru scoffed.

            Tumawa si Tini. She jabbed her thumb towards Haru. “And this guy, Haru Edison was one of the candidates last year.”

            Matamis na ngumiti si Diana saka itinaas ang hawak na kadena. “At sa ganitong paraan namin siya hinuli.”

            “Woah. 'Astig.”

            Siniko niya si Jigger. “Anong astig doon?”

            “'Yong way ng panghuhuli nila.”

            “Walang astig sa paraan nilang iyon.” pagkontra ni Haru.

            “Gusto mong ihampas ko sa 'yo 'tong kadenang hawak ni Miss Diana tapos ay makakatulog ka?” sikmat ni Jigger kay Haru. “Mukhang mas astig 'yon kaysa patirin ka.”

            The stricken look on Haru’s face made Diana and Tini laughed. Kahit siya ay gustong matawa kung hindi lang siya lalaki. Kailangan niyang bigyan ng moral support ang best friend niya! LOL!

            Diana patted Jigger on the back. “I like the way you think, girl. Dito ka mag-aral at sigurado akong magkakasundo tayo. And oh, drop the ‘miss.’ ‘Diana’ na lang.”

            Ngumisi si Jigger at kinagatan muli ang hawak nitong pagkain.

            “Ang tagal nam—” Ang pagrereklamo sanang iyon ni Diana ay naputol dahill tumunog ang cell phone nito. “Hell-o? Oh? Talaga?” Ngumisi ito. “That is sowper coooool! Thanks, Mits! Ahlavya!”

            Tini raised a brow. “Ano raw?”

            Excited na nagsalita si Diana. “Stefan Reid. ETA, three minutes.”

            Umayos ng upo ang dalawa at nakita niya ang predatory glint sa mga mata nito habang mas mahigpit na hawak ng mga ito ang magkabilang dulo ng kadena.

            Nagkatinginan sila ni Haru.

            “Stefan Reid?” Haru mouthed at him.

            “Stefan Reid?” tanong ni Jigger kay Tini.

            “Siya lang naman ang isa sa mga Hotties.”

            “Siya ang may pinakamataas na boto mula sa mga estudyante,” dugtong ni Diana. “Sigurado ako na siya ang magiging pinakamabentang groom mamaya. Excited na 'ko. Ho-ho-ho.”

            “Gano’n siya kagwapo para iboto ng mga estudyante?”

            “Yes.”

            “The girls in this school must have a thing for British guys. Half British-half Filipino kasi ang lalaking 'yon. With green eyes and copper colored hair. Ahay, ang gwapo.” Humagikgik si Diana. “At isa ako sa mga masuswerteng nakakita na ng kanyang nakakaakit at nangingintab na abs. Hoo! Drools!”

            Pinanlakihan ni Tini ng mga mata si Diana. “Nakita mo ang abs niya? Kailan?!”

            “Ewan ko. Nakalimutan ko na.” Humalakhak ito nang batuhin ito ni Tini ng isang unidentifiable object. “Aray!”

            “Madamot ka. Hindi mo man lang ako isinama.”

            “Eh, hindi ko naman sinasadya 'yon. Napadaan lang ako no’n sa may locker room ng mga soccer player natin. Katatapos lang yata ng practice nila noon. Whew.” Binalingan ni Diana si Jigger. “Ikaw, kung gusto mong maikasal sa isang Briton kahit kunwari lang? Bibigyan kita ng discount mamaya.”

            Pinaikot ni Kell ang mga mata. The world had gone crazy. Kung ganitong mga klase ng babae ang matitira sa mundo—iyong malalakas ang pagnanasa—ay magpapakabading na lang siya.

            Pinagmasdan niya si Jigger nang matagal itong hindi nagsalita. Hindi niya ito masisisi kung gugustuhin nitong sakyan ang pinagsasabi ni Diana na magpakasal sa Stefan Reid na iyon kahit peke lang. Stefan Reid was the most famous guy around the campus since his first year in the university. Hindi lang kasi good-looks ang mayroon ito. Matalino at friendly, mga bagay na hindi siya.

            But the thought of Jigger getting married in a wedding booth and not him as the groom…? It made his nostrils flare. Hindi niya gusto ang ideya na may ibang lalaking magpapakasal dito—peke man at lalo na kung totoo.

            “Nah,” sa wakas ay sagot nito. Ikinumpas pa ang isang kamay para i-emphasize ang sinabi. “Wala akong hilig sa mga half-half, thank you very much. I much prefer pure Filipinos with dark eyes. Like Tristan here.”

            He stiffened when she patted his cheeks in an affectionate manner. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito.

            Nginisihan siya ni Jigger.  “Besides, hindi lang naman 'yang Stefan na 'yan ang may abs, right, Tristan?”

            “Huh?”

            “Patingin nga ng abs mo,” anito saka hinawakan ang laylayan ng suot niyang itim na T-shirt at saka iyon itinaas—kung hindi lang siya natauhan at napigilan ito.

            “Jigger.” Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan nito. “Behave.”

            Jigger pouted. “'To naman, patingin lang, e.”

            This time, siya naman ang pinagtawanan nila Diana at Tini... at Haru.

            Powtek. Dapat talaga hindi niya pinigilan ang sarili niya na tawanan si Haru kanina. May pa-moral-moral support pa siyang nalalaman para sa best friend. Ano siya ngayon? Edi siya na ang pinagtatawanan.

            Sininghalan niya si Jigger. Pero bago pa siya makapagsalita ulit ay natigilan siya dahil sa mga mabibilis na yabag papalapit sa kinapupwestuhan nila. Sabay-sabay sila ni Jigger at Haru na lumingon sa likod ng pinagkukublihan nilang haligi. Si Tini at Diana naman ay nag-u-usap gamit ang mga mata.

            A few away from them was Stefan Reid, running for his life as fast as he can. Nakapaskil sa mukha nito ang desperasyon na hindi mahuli. Sa likod nito ay tatlong malalaking lalaki na nakasuot ng mga camo pants at itim na T-shirt. Halos nakikita niya ang salitang “determinasyon” sa mga noo ng mga humahabol sa kawawang Briton in green neon lights.

            Mabilis tumakbo ni Stefan Reid, no doubt dahil soccer player ito. Ngunit walang kwenta ang pagiging mabilis ng isang tao kung hindi ito aware sa mga nangyayari sa paligid nito. Katulad na lang ng pagbibilang nang sabay ni Tini at Diana ng “one, two, three!” saka sabay na hinila ang magkabilang dulo ng kadena at umangat iyon sa ere.

            At nangyari na ang dapat na mangyari.

            One second, Stefan Reid was running and in the next? He was on his front on the floor, cursing. Ouch.

            “Okay! Three down, four hotties to go!” nagagalak na sabi ni Diana.

            “You!” sigaw ni Stefan kay Diana.

            Inosente nitong pinalaki ang mga mata. “Me?”

            Stefan grunted when he was pulled up from the floor with Tini cuffing his hands.

            “Totoong posas 'yan?” tanong ni Jigger kay Tini.

            “Yep.”

            “Oy, ikulong na 'yan.” Itinulak ni Diana si Stefan.

            “Damn it.” Pumiksi-piksi ito.

            “Ang sexy ng lalaking gwapo na nagmumura, yes? You dunat worry, Mister Reid. Your friend, Stanley, was caught a while ago kaya hindi ka malulungkot sa loob ng bilangguan.” Muli nitong itinulak si Stefan. “Okay, move!”

            At walang lingon-likod na iniwan sila ni Tini, Diana, and friends.

            Napailing-iling na lang siya at nilingon si Jigger na ngayon ay may panibagong binuksan na pagkain. “Nag-enjoy ka ba sa panonood ng lalaking nag-dive sa sahig?” tanong niya.

            Kinagatan muna nito ang pagkain—na tinapay pala—saka siya sinagot kahit puno ang bunganga nito. “Very much.”

            Napabuntong-hininga na lang siya saka tumayo. Pinagpag niya ang kanyang puwetan at tiningnan si Haru na nakatingin kay Jigger… at si Jigger ay sarap na sarap sa pagkakaupo sa lapag habang nanguya.

            Inilahad niya ang kamay dito. “Tara na. Itu-tour pa kita 'di ba?”

            Tiningala siya nito saka siya nginitian. Iyong ngiting may kakayahang ubusin ang lahat ng hangin sa baga niya. Okay, so he was now going to admit that he really liked her. Inabot nito ang isang kamay sa kanya saka niya ito hinila patayo.

            Itinuro niya si Haru. “Jigger, si Haru. Kaibigan ko.”

            “Straw hat ni Luffy 'yang suot mo, 'no?”

            Haru patted his straw hat while smiling. “Yep.”

            “Cool… Gusto mo?” Sabay alok nito kay Haru ng kinakain nito.

            At syempre, dahil si Haru ay matakaw… “Oo naman. Pagkain 'yan, e. Ano ba 'yan?”

            “Pineapple cake.”

            “Masarap 'to?”

            “Syempre.”

            “Ako ba hindi mo aalukin?”

            Pinagmasdan siya ni Jigger at nakikita niyang pinag-i-isipan nitong mabuti kung bibigyan ba siya o hindi. Umiling ito. “Nope.”

            “What? Ang daya! Ako ang kaibigan mo bakit hindi mo 'ko bibigyan?”

            “Dahil hindi mo pa nagagawa ang dapat mong gawin.” Maarteng tinalikuran siya nito, whipping her hair, hips swaying. “At iyon ay ang i-tour ako sa buong SMU!”

            Lagpak ang balikat na pinagmasdan niya ang papalayo nitong pigura.

            “And all this time I thought that the Jigger you were saying was a boy.” Komento ni Haru mula sa kanyang tabi. Inalok siya nito ng pineapple cake na bigay ni Jigger.

            Tinanggihan niya iyon. “Kulang pa nga sa 'yo 'yan. Jigger, hintay!”

            Tumigil naman ito saka siya nilingon. “Aba, bilis, Tristan. We don’t have all day!”

            Natawa siya pero agad ding namatay ang tawang iyon nang marinig niya ang sigawan ng mga tao malapit sa kanila ng “Tabi! Tabi!” Mabilis na nilingon niya ang direksyon na pinagmulan ng ingay at nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Isang mabilis at humahagibis na berdeng Frisbee ang papunta sa direksyon ni Jigger!

            Shit!

            Dahil siguro sa adrenaline o hindi naman kaya ay dahil na rin sa pagkakaroon niya ng gusto rito ay ayaw niya itong masaktan, parang kidlat sa bilis na nalapitan niya si Jigger at itinulak ito.

            Ang noo na naman niya ang nagdusa. Siya ang natamaan ng Frisbee sa noo. And there’s blood… and there’s blackness.

            Okay lang. Mamamatay siyang isang bayani. ­Babay.

Continue Reading

You'll Also Like

5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
46.8K 3.5K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞