The Queen Bee- COMPLETE

By AthenaShih

26.3K 540 14

Valerie Montez is probably one of the most envied girl you'll ever meet. She's beautiful, famous, a trend-set... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue -END-

Chapter 7

1K 27 1
By AthenaShih

 KAAGAD na isinugod sa ospital si Valerie nang maramdaman niyang naninikip na ang kanyang dibdib. Doon ay tinanong siya kung ano ang kanyang kinain upang ma-trigger ang kanyang allergy.

Mayroon kasi siyang allergy sa mga mani, anumang klase iyon at talagang maingat siya sa mga kinakain at sa pagkain sa labas.

Subalit ang naalala lang niya ay wala siyang kinain talaga na kakaiba.

Then she remembered Haley’s face, laughing at her. Masakit iyong pagtawanan ka ng sarili mong best friend.

At naalala niya ang bottled water na binigay nito sa kanya.

Ipinaalam niya sa doktor na mayroong siyang ininom na mineral water at kanila iyong sinuri. Napag-alaman nga na mayroong peanut oil content ang tubig na iyon.

Alam ni Haley na may allergy siya sa mga mani. Hindi niya matanggap na sinabotahe siya ng kanyang matalik na kaibigan.

Matapos ang tatlong araw na pananatili sa ospital at nang makapasok sa eskwelahan ay kinompronta ni Valerie si Haley. Ipinapatawag ito ng kanyang mga magulang sa opisina ng principal pero nakiusap siya na kakausapin muna niya si Haley.

Napansin niya ang pag-iba ng pakikitungo nito sa kanya at ngayon ay mayroon narin itong ibang mga kaibigan na laging kasama.

“Oo! Ako ang naglagay ng peanut oil sa tubig. Kasi gusto ko na mapahiya ka at makaganti!” asik nito.

“Bakit mo ako gagantihan? What did I ever do to you para gusto mo akong balikan at pahiyain?” umiiyak niyang tanong.

“Tingin mo talaga kinaibigan kita dahil gusto ko?” tumawa ito. “I hated you the first time I met you. You were so full of yourself, porke mayaman ka halos lahat na ay tinitingala ka and you get things so easily… it was unfair. Tapos dahil lang ang kompanya nyo ang makakasalba sa negosyo namin ay kailangan ko daw na makipaglapit sayo para pautangin nyo kami.”

Napipi si Valerie sa sinabi nito.

Kaya pala gustong-gusto nito ang pumupunta sa bahay nila at lagi siya nitong inaaya na isama daw ang parents niya na magdinner sa bahay ng mga ito.

“H-hindi ba kayo pinautang ni daddy?” tanong niya.

Haley made a face. “Hindi na importante yon. Ngayon na wala ka nang pakinabang sa akin, tapos na tayo.”

Itinulak siya nito at iniwan.

Kinagabihan ay kinompronta ni Valerie ang ama at itinanong dito ang tungkol sa pamilya ni Haley.

He said that they lent them the money they asked for pero hindi pa nga nababayaran ang una ay muli na naman silang umuutang ng isang napakalaking halaga talaga na sa tingin ng kanyang ama ay hindi naman kayang bayaran ng kanilang kompanya. Until three months ago ay nagsara na ng tuluyan ang kompanya.

And Valerie realized they blamed them for it.

Nagpatuloy sa panghihiya sa kanya si Haley kasama ang mga kaibigan nito sa eskwelahan. Until one day a new girl came and saved her.

When Haley was about to attack her, the girl meddled and fought with Haley.

Ipinatawag sila sa principal’s office. All throughout the interrogations ay pinagtatanggol siya ng babae.

“I’m Calliope Montealegre, you can call me Calla…” pakilala nito gamit ang palakaibigan na ngiti. “A transferee…”

Tinanggap ni Valerie ang kamay na iyon at nakaramdam siya ng kakaibang koneksyon kaagad rito.

Naging sobrang close nila sa isa’t-isa.

She had found a new best friend in the form of Calla.

Well that’s what she thought…

Isang araw nang bumisita si Calla sa kanilang bahay kasama ang mommy at daddy nito ay napansin niya ang kakaibang tensyon sa pagitang ng ina nito at kanyang mommy.

After months, it was later on revealed to her that Calla is her half-sister.

That Calla’s mother was his father’s girlfriend first and they had to break-up because of family-business situation and his father had to marry her mother because it will help with their business. But then Calla’s mother was already pregnant but she had chosen not to let her dad know because he was already married to her mother then and eventually they fell in love with each other.

At first it was awkward but later on Valerie started to accept it, until they graduated elementary and went on a different highschool.

On Valerie’s first ballet recital her father failed to attend because he went to Calla’s school’s parent’s day.

Pangalawang beses na hindi nakarating ang daddy niya sa event nila ay noong nagka-award siya matapos manalo sa isang quiz bee at si Calla ay natakbo sa ospital dahil na-sprain ang ankle nito sa kanilang P.E. at mas dumami pa ang pagkakataon na naramdaman ni Valerie na mas pinipili at inuuna ngkanyang ama si Calla.

Doon na nagsimula ang kanyang insecurity. Lagi pa siyang nakukumpara kay Calliope dahil daw napakabait, napakasimple at malambing nito.

Well it isn’t just her… because she has her own character and attributes.

Doon sila nagsimulang magkaroon ng gap.

Minsan pa ay inabutan niya ang kanyang ina na umiiyak dahil nagtalo ito at ang kanyang ama. She heard their conversation and it was about her and Calla and his time. Her mother did not like her father’s reasons kaya nagkasagutan sila.

Isang gabi ay bumisita sina Calla at ang mommy nito sa kanilang bahay para magdinner at pansin niya ang ilangan ng kanilang mga ina.

Hindi napigilan ni Valerie ang mainis kaya nilamigan niya ang pakikitungo sa mag-ina na hindi nagustohan ng kanyang ama at kagalitan siya nito. It resulted to her leaving the house.

Akala ng mommy niya ay pumunta siya sa theatre hall ng kanyang ballet school dahil doon siya madalas magpunta kapag nagkakasamaan sila ng loob ng kanyang ama at ang ginagawa niya ay nagsasayaw ng ballet upang mawala ang stress niya.

Subalit hindi siya roon pumunta. Sa bahay ng kanyang yaya na si Marian siya nagpunta dahil umuwi ito.

Nakatanggap na lamang ng tawag si Valerie na pinapauwi siya dahil ang mama niya ay naaksidente.

Pagkarating nila sa ospital ay kaagad na ngiti ang namutawi sa bibig ng kanyang ina nang makita siya. Pero hindi masuklian ni Valerie ang ngiting iyon sa nakikitang mga apparatus na nakakabit sa kanyang ina at ang namumutla nitong mukha.

“Be brave anak okay? Love your dad and continue dancing for me… I love you so much and I’m sad I can’t see you grow any older.” Bagama’t nakangiti ito ay tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha nito. “I’m sorry at hindi ko na matutupad ang mga plano natin.” She reached and wiped Valerie’s tears. “Kahit hindi ko na mahahawakan ang kamay mo sa debut mo, kahit hindi na kita maihahatid sa altar sa kasal mo… at kahit hindi na kita mayayakap at mahahalikan… don’t miss me because I’m always with you here…” she touched her heart. “I want you to live happily. Don’t lose hope even if you feel like giving up already okay? Kaya mo yan… alam mo na susuportahan kita palagi.” Niyakap ni Valerie ng mahigpit ang ina, “I know one day, you’ll come to understand things more clearly and you’ll have your own judgement. But you have to listen to your heart always… and remember that your daddy and I love you so dearly…” 

When Valerie felt her mother’s grip loosening and the sound of her struggle in breathing stopped… Valerie screamed her mother’s name so loud.

Sabi ng guwardya na nakakita sa kanyang ina nang mag-roving ito ay sobrang dilim sa loob ng theatre at narinig daw niya ang isang boses na parang mayroong tinatawag.

They say she went to the stage at nahulog nang hindi nito napansin na nasa dulo na ito ng stage. Nabagok ang ulo nito.

After the funeral and Valerie noticed na nagbago na ang pakikitungo ng kanyang daddy niya sa kanya.

Somehow she knew why… he blames her for her mother’s death.

Alam niyang minahal ng kanyang mga magulang ang isa’t-isa sa kabila ng katotohanan na ipinagkasundo lang sila.

At siya ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang ina. Dahil sa kanyang pag-alis ng gabing iyon.

Pero ang dahilan ng kanyang pag-alis ay ang totoong dahilan kung bakit dito humantong ang lahat.

Si Calla at ang ina nito. Kung bakit pa kasi nagpakita ang mga ito, hindi sana sila masisira. And Valerie had sworn to hate Calliope Montealegre until her last breath. 

0-0

SOMEHOW Troy finally understood where all Valerie’s wrath and angst came from.

“Now I can’t trust just anybody anymore, I don’t need a friend if they will just betray and fool me again.” Naiyukom ni Valerie ang kamao sa mga alaala na nanariwa sa kanya. “They used me, they’ve wounded me… they created this monster in me, and this monster will make sure that she wont be hurt by anybody again.” Tiningala ni Valerie si Troy, ngangungusap ang kanyang mga mata. “But you’re an exception… You won’t betray me right? Ikaw nalang ang natitirang kakampi ko.”

Hinila ni Troy si Valerie palapit pa sa katawan nito upang maramdaman nito na hindi ito nag-iisa. Bagama’t nakikisimpatya siya sa pinagdaanan ni Valerie ay gusto parin niya itong turuan na makapagpatawad dahil naniniwala siya na kapag natutonan nitong patawarin ang mga taong sa tingin nito ay nagkasala rito ay magiging mas mapayapa at mas tahimik ang puso nito.

He wants her to be completely happy. It’s his newfound mission.

“This is where we first met, do you remember?” tanong ni Troy.

Tumango si Valerie. Nakasandal ang kanyang ulo sa dibdib nito. She felt so much at peace that she could stay like that forever. She can ever hear his heart beat.

“It’s like déjà vu.” Valerie commented.

“Eto ang mas déjà vu…”

Mabilis na pinangko ni Troy si Valerie at tumakbo papunta ng pool.

Napatili si Valerie bago niya naisara ang bibig nang bumagsak na sila sa napakalamig na tubig.

Minutes later ay para na ulit silang mga bata na dalawa, naglalaro ng habulan nagwiwisikan at punong-puno ng kanilang mga boses at tawanan ang rooftop pool.

Nang sinalakay na sila ng lamig ay saka lang naisip na umahon na. Kaso lang nang umahon na at tamaan ng hangin ay mas naramdaman niValerie ang ginaw at hindi napigil ang panginginig.

“Ginaw-ginaw…” anya at lilingunin na lamang sana si Troy nang maramdaman niya ang mga braso at kamay nito na yumapos sa kanya mula sa likod.

“You’re trembling.” Ani Troy at hinigpitan ang yakap na iyon upang pagpayapain ang katawan ni Valerie mula sa panginginig.

Troy’s body was wet but it did not hinder the warmth that escaped from him to travel to her own body.

“You okay now? We must hurry inside so we co-,” natigil si Troy sa pagsasalita nang maramdaman naman niya nang hawakan ni Valerie ang mga kamay niya na nakapalibot dito at iginiya iyon upang mas higpitan pa ang yakap niya rito. “Val?” untag ni Troy.

“Troy I like you…” she said. Naramdaman ni Valerie na parang nanigas si Troy.

Kaagad na pumihit si Valerie upang makaharap ito, hindi na niya alintana ang lamig at ang hiya dahil ito na ang pagkakataon niya. Pagkakataon na ipaalam dito ang totoo niyang nararamdaman at ang pagkakataon din na malaman ang talagang tingin ni Troy sa kanya.

“Troy?” untag ni Valerie.

Troy looked away but Valerie still managed to notice his jaw tightened as he clenches his teetch.

“Troy?” nanghina na ang boses ni Valerie. Tinubuan siya ng matinding kaba. Natatakot siya…

Oh no, please don’t tell me you still doesn’t feel the same way?

Nanubig ang mga mata ni Valerie.

I can’t lose you Troy… no…

With determination, Valerie reached for Troy’s nape and pulled him towards her.

When Valerie felt that their lips have already touched for the first time ay kaagad niyang ipinikit ang mga mata.

What’s next? What’s next after the lips touches?

Valerie now understood why the one who initiates first should be the one who’s experienced because in her case, she’s totally lost. Lost in the moment and lost in love because she knows they should already be moving but she just doesn’t know how and yet it feels as though she is already melting with just a contact.

Kamuntikan nang sumuko si Valerie subalit biglang gumalaw ang mga labi ni Troy.

It felt like he was nibbling with her lips. Troy’s hand tightened around her waist, his kisses is coaxing her to respond and his other hand behind her head is pushing her closer to him.

Valerie imitated the way Troy moves and later on found out that by doing so, she was already responding to him.

Troy angled and Valerie suddenly felt she was loosing air so she opened her mouth to gasp some more air but Troy took that chance to plunge his tongue inside her mouth and when it touched hers she felt like fainting.

Sa gulat ay napasinghap si Valerie at nagtunog daing iyon. Napahawak si Valerie sa balikat ni Troy habang ang isang kamay sa batok nito ay napasabunot sa buhok nito. Natakot kasi siya na baka bumagsak siya dahil pakiramdam niya ay nalusaw na ang lahat ng buto niya sa katawan.

Subalit sa higpit ng yakap ni Troy ay kumalma si Valerie as she started to realize the things that caused a rumpus in her entire system. Indeed it was true that a passionate kiss can awaken so many nerves in ones body and cause a riot.

The chilling air, the sound of the night and all the emotions Valerie had gathered this afternoon that even made her cry was all forgotten.

There’s only him and her and their kisses.

Nakaramdam si Valerie ng kahungkagan nang iwanan ni Troy ang kanyang mga labi at gumapang ang halik nito sa kanyang pisngi.

“Troy…” sa gitna ng kanyang singhap ay nausal niya ang pangalan nito.

 0-0

PAGKARINIG sa pangalan ay kaagad na rumagasa ang natitirang katinuan ni Troy pabalik sa kanyang utak.

He felt as though he had been struck by a lightning as he reviewed his action.

Kaagad siyang dumistansya kay Valerie at tinalikuran ito upang itago rito ang mukha.

Bagaman at gustong-gusto nya ang pakiramdam na hatid ng halik na pinagsaluhan nila ni Valerie ay kaagad siyag sinalakay ng konsensya niya.

Wala siyang plano sa ngayon na palagpasin mula sa pagiging magkaibigan lamang ang relasyon nila ni Valerie at dahil sa ginawa niyaay baka mapaasa lang niya ito.

“Troy?” narinig niyang tawag ni Valerie. Marahil ay nagtaka ito sa kanyang inakto.

Troy composed himself and managed a smile when he turned back to Valerie.

“I’ll walk you to your quarters... may curfew tayo remember?” aniya at napansin na napakunot-noo si Valerie at magsasalita sana nang nagpasiuna na siyang maglakad. “Let’s go!”

 0-0

HI!” isang masiglang bati ng lalake na nakilala niya kahapon, si Ren.

“Hello.” Wala sa loob na ganting bati ni Valerie.

Tinitigan siya ni Ren, “Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi? Were you crying overnight?” tanong nito.

“Huh? No, why?” balik-tanong niya.

“Namamaga kasi ang mga mata mo and there are dark circles around them…” ani Ren.

Napahawak sa sariling mukha si Valerie. Hindi niya masyadong natingnan ang sarili sa salamin kanina dahil wala siya sa mood. Masyado kasi siyang nag-isip.

Inisip niya ang naging reaksyon ni Troy matapos ang nangyari kahapon. Pakiramdam niya ay hindi nito nagustohan ang ginawa niya. For her to do the first move must have been a real turn-off.

Muling nalalaglag ang mga balikat niya.

Pagkaliko nila sa hallway papunta ng canteen para mag-breakfast ay napalingon siya sa pamilyar na pigura ng dalawang taong nakatayo sa kabilang bahagi ng pool area.

Namilog ang mga mata ni Valerie kasabay ang isang singhap.

It was Troy and Calliope seriously talking!

Continue Reading

You'll Also Like

42.2K 2.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
3.3K 72 40
Jordan Quintos, ang babaeng laging sawi sa pagibig. Laging nasasaktan, niloloko at pinapaasa. Chance Alvarez, ang lalaking ubod ng suplado pero may...
48.9K 474 11
When love becomes too painful, will you hold on or will you let go?
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...