Million Reasons (ON HOLD)

By DeraTheExplorer

259 32 0

Fordham Brothers Series #01 Who will you choose the damsel in distress or the evil witch? For sure you will... More

Introduction
Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Note

Chapter 9

7 1 0
By DeraTheExplorer

Sara's POV

Napapitlag ako ng may malakas na humampas sa aking lamesa. Inis akong humarap sa kesehodang hudas ito. Pero agad rin iyong nawala ng humarap sa akin ang seryosong mukha ng boss ko.

Kanina pa natapos yung meeting niya at mula kanina hindi niya pa ako pinapatawag. Hindi ko nga alam kung kailangan niya ba talaga ng secretary. Lagpas ala-una na rin kasi at wala akong ginagawa kaya bagot na bagot ako.

"We're going somewhere." Tipid niyang sabi at mabilis na naglakad. Anodaw? Saan daw? Tumingin ako sa papalayo niyang bulto at natauhan ako ng lumingon siya sa akin. Kaya mabilis kong kinuha yung gamit ko.

Sinundan ko siya hanggang sa pumasok kami sa elevator. Tahimik lang kami at walang nagsasalita. Nakakaantok siyang kasama swear. Tumingin ako sa kanya pero seryoso lang ang kanyang mukha.

"A-ahm boss. Saan po ang punta natin?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin kaya napatayo ako ng maayos.

"I have a meeting." Ha? Meeting? Eh nabasa ko yung schedule niya wala naman. Niloloko ba niya ako?

"S-sir. Wala naman po sa schedule niyo na may meeting kayo." Sabi ko. Nanatili siyang tahimik for ilang minutes bago nagsalita. Buti hindi napapanis ang laway niya.

"Are you not informed na maaari akong magkaroon ng biglaang meeting?" Sabi niya. Tumango nalang ako at pekeng ngumiti sa kanya. Benta talaga ang sarcastic smile ko sa kanya eh.

"Okay sir." Sagot ko nalang at natahimik na kami hanggang sa napunta na kami sa parking. Tumigil kami sa isang puting kotse. Mabuti nalang hindi motor ang dala niya ngayon.

Ang buong akala ko ay pagbubuksan niya ako ng pinto pero nagkamali ako dahil nagdiretso siya papasok sa driver seat.

"Tss. Masungit na nga, hindi pa gentleman." Mahina kong bulong at umirap. Ako na mismo ang nagbukas ng pinto sa katabi niya at pumasok. Medyo napalakas ang pagsara ko ng pinto kaya napatingin siya sa akin.

"What are you doing?" Malamig na tanong niya. Walang gana akong humarap sa kanya at pilit na ngumiti. "Sinara yung pinto sir. Gusto mo ulitin ko? Para malaman mo kung paano ko nagawa." Sabi ko. Lalo naman bumusangot ang kanyang mukha. Gwapo nga lagi naman nakabusangot. Tss.

Inabot kami ng halos isang oras bago kami tumigil sa isang cafe. Ako na ang naunang bumaba dahil hindi ko na talaga kayang tagalan ang presensya niya. Jusko! Para akong may kasamang Pipi.

Hindi naman nagtagal at nakasunod rin si Boss. "Let's go." Sabi niya at naglakad na. Sinundan ko nalang siya hanggang sa maupo kami sa isang vacant table malapit sa bintana.

"Sir, sino po ba kameeting niyo today?" Tanong ko.

"Isang client sa constructions." Tipid na sagot niya. Tumango nalang ako. Sa pagkakaalam ko si Sir Terence ang umaasikaso sa ganitong klaseng meeting. He was the CEO of F&A constructions kaya dapat siya ang umaasikaso sa ganitong bagay. Hindi yung inaabala niya ang boss ko kailangan ko pa tuloy pakisamahan ang ugali niya.

"What do you want?" Gulat akong tumingin sa kanya. Bigla-bigla nalang siya nagsasalita dyan. Tiningnan ko yung nasa menu at dahil hindi naman sosyaling tao na nakakapunta sa mga cafe hindi ko alam kung ano ang masarap.

"Espresso nalang." Sagot ko at ngumiti. Mukhang masarap kasi yung pangalan kaya yun ang pinili ko. May mga sinabi pa si boss tungkol Sa inorder niya at nang matapos ay umalis na rin yung waiter. Ang daming demand ng lalaking to.

Hindi rin nagtagal ay dumating na yung order namin. Nang ibinaba ng waiter yung akin ay naamoy ko ang bango ng kapeng ito. Hmm amoy palang mukhang masarap na. Medium cup yung pinili ko kasi alam kong minsan lang ito noh. Saka libre naman ng boss ko. Napatingin naman ako sa inorder ng aking boss na yelo. Kaya naman pala marami siyang sinabi kanina kasi dala-dalawa yung inorder niya. Yung isa ay parang shake na kape na may puting icing sa ibabaw tapos yung isa nasa cup pero yung may bula? Foam yata tawag dun. Mula sa upuan ko ay naamoy ko rin ang kanyang order at masasabi kong mabango rin ito at siguradong masarap.

Kinuha ko na ang tasa ko at inamoy pa ito bago inumin. Pero sa unang patak palang nito sa aking dila ay mabilis akong napangiwi. Anak ng tokneneng ang pait naman ng kapeng ito! Mapanlinlang ang amoy ng kapeng ito! Wooh! Napaka-pait. Hindi ko pa naman hilig ang mapapait na pagkain at mas lalo na kung inumin. Jusko.

Tiningnan ko yung hawak kong mug. Anak ng tokwa ang dami nito paano ko to mauubos? Sinubukan ko siyang inumin ulit pero sa bawat lagok ko ay parang gusto kong sumuka. Hindi ko kaya ang pait.

Ibinaba ko ang aking tasa at nanlulumong tumingin dito. Bakit? Bakit kailangan maging sobrang pait ng unang inumin na naorder ko sa isang mamahaling cafe?

Pero sayang kasi eh.. Pipilitin ko nalang. Hahawakan ko na sana ang tasa ng ilayo ito sa akin ni boss. Pero mas nakakagulat ang nakikita ko sa kanya. Holy mother of cheese, bahagya siyang nakangisi at aaminin ko ang gwapo!

"Don't drink it if you don't like the taste." Sabi niya at iniabot sa akin yung parang shake na kape.

"Here, it's not bitter." Sabi niya. Gulat ko namang kinuha yung iniaabot niya habang mangha paring nakatingin sa kanya. Mas lalo naman siyang natawa sa akin. "You look like shit." Napangiti na rin ako at hindi inintindi ang sinabi niya. Basta ang gwapo niyang tumawa. Ahihi.

'You look like shit.' Nagflashback sa akin ang sinabi niya kaya naglaho ang aking ngiti. Minura niya ba ako? At sinabi niyang mukha akong shit?! Tae yun diba? Mukha ba akong tae?

"What?" Tanong niya.

Ngumisi ako at sumagot."You look like a shit too." Sagot ko. Muli namang naging seryoso ang mukha niya.

"What?" Wala na ba siyang alam na sabihin kundi what?

"Huwag mo nga ako ma what-what." Sabi ko at kinurot ang kanyang pisngi. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko kaya natawa ako. Hindi ko lang napigilang gawin yun ang cute kasi niya eh.

"You know boss. You're more handsome when you smile." Sabi ko. Matagal siyang nakatanga sa akin at walang reaksyon. Pero hindi naman malamig yung mga mata niya sadyang parang natulala lang siya.

"I know I'm handsome since birth." Sagot niya at sumimsim ng kape. Nanlaki naman ang aking mata dahil sa salitang kanyang binitawan.

"Anak ng tokneneng. Sinaniban ka ba boss?" Hindi makapaniwala kong sabi. Bigla kasing humangin ang aura ni boss.

"I just state a fact. Gusto mo ba ulitin ko?" Sabi niya. Mabilis ko namang kinapa yung kanyang noo at tiningnan kung may lagnat ba siya. Pero normal naman yung temperature niya kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Wala ka namang lagnat. Anong meron?" Sabi ko.

"I just want to introduce my self formally to you." Natigilan ako sa sinabi niya.

"We met yesterday and I know we both have our bad impression to eachother. And we both misunderstood the situation." Seryosong sabi niya pero this time magaan na ang paraan niya ng pagsasalita. Totoo naman ang sinabi niya. Mula kahapon talagang puro bad impressions ang mga nakita ko.

"Just like I said. You're really bad in timing Ms. Kapayapaan." Natawa naman ako sa sinabi niya. Siguro nga mali lang talaga ang timing ko. Tumingin ako sa kanya at tumayo.

"Hi, sir. Ako nga po pala si Sara Jade Kapayapaan mula sa Pamantasan ng lungsod ng Maynila. Intern po ako sa HR department pero naging secretary niyo pansamantala. I hope we can work together happily." Sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. Yung gwapo at magaang ngiti.

"Ms. Kapayapaan i'm Justin Kurt Fordham the CEO of F&A companies." Sabi niya at naglahad ng kamay. Inabot ko naman ito at nagshake hands kami. Pagkatapos ay naupo na ako at nakangiting sumimsim ng ibinigay niya. Hmm. Ansarap neto.

"Anong tawag dito? Ang sarap."

"Coffee Frappé." Sagot niya. Tumango nalang ako. Ang sarap namang ng coffee frappé. Muli akong tumingin kay boss.

"Pwede naman pala tayong magkasundo eh." Sabi ko.

"It was just you who're stubborn." Tipid na sagot niya.

"Hindi ah!"

"Really?" Umiling-iling siya at ininom ang kanyang kape. Isang bagay lang na hindi magbabago sa kanya. Siguro sadyang tipid siya kung sumagot.

Pero atleast hindi na kami warlahan ng boss ko. Tama nga yung kasabihan ni tatay. Kung may away idaan sa ma'kapeng usapan. Dahil wala ng mas sasarap sa pag-uusap habang may kapeng mainit sa iyong harapan.

Ayos diba? Brainy ni tatay.

Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 179K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
137K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...