The Legendary Gamer

By awiruh

7.2K 424 70

Project 2018 hanggang kapag na pag-isipan ko ulit magupdate. Namumuhay lang siya kasama ang kanyang ina sa b... More

The Legendary Gamer
Legendary Gamer's Pro.
TLG 1 : Ang Bida
TLG 2 : Wirdong Ale
TLG 3 : Pagkabuhay
TLG 4 : Phoenix Festa
TLG 5 : Laban Simula
TLG 7 : Taong Tigre
TLG 8 : Syudad Ng Fruba
TLG 9 : Halik
TLG 10 : Gem Of Fruba!
TLG 11 : Dilaw Execute
TLG 12 : Damdamin
TLG 13 : Parke Ng Kadiliman
TLG 14 : Gem Of Blantis
TLG 15 : Syudad Ng Blantis
TLG 16 : Kalungkutan Asul
TLG 17 : Erythros Ang Pulang Buwan
Karmic Potion Spell
TLG 18 : Sveta, Ang Pagtatapos
TLG 19 : Flaire Moiety Academia
TLG 20 : Savage
TLG 21 : Nawala?

TLG 6 : Walo

285 14 0
By awiruh

Guys, kung may makakasalubong kayong Magian Cirques sa Chapter na ito at hindi niyo siya magets... Para po mabigyang linaw kaso advance na, ang Magian Cirques po ay isang Magic Circle iniba ko lang po ang tawag! Maraming salamat!

¥¥¥¥¥

Nandito ako sa taas ng isang abandunadong gusali.

Alam kong walang ganitong lugar sa amin. Madumi ang paligid, lanta ang mga halaman, mas nangingibabaw ang kulay itim. Walang matitingkad na kulay ang iyong makikita.

Mula dito, kitang kita ko ang aming palaruan, kung gaano ito kabaliktaran ng aming mundong kinalakihan.

Gumilid ako dahil naramdaman kong may balang lumipad papunta sa akin. Ng akin itong nailagan, tumalon talon sa iba't ibang bubong ng mga gusali. Alam ko na nakasunod siya saakin habang nagpapaulan ng mga bala.

Bumaba ako sa may kalsada na nakatalikod sa kanya. Naramdaman ko nanaman na nagpaulan ulit siya ng bala kaya humarap na ako at nagpaulan rin.

Tinapat ko ang aking kamay sa kanya. "RAZU BOULETTE- KABOOM!" May lumitaw na Magian Cirques na kulay violet at ang lumabas doon ang Razu Boulette.

Razu Boulette, isa itong enerhiyang kulay pula na pabilog kung lumabas sa Magian Cirques. Nakapagtumama sa sayo ay ikamamatay mo sa loob ng benteng minuto.

Magian Cirques, isa itong pabilog na naikot at may iba't ibang designs at kulay na parang hologram kaso may kapangyarihan. Depende ang designs sa isang Gema at kulay ng kanyang buhok ay siya ding kulay nito.

Nung tumama ito sa kanya ay may malakas na pagsabog ang naganap kasama na ang makapal na usok. Nang mawala ang usok, wala akong nakitang bangkay niya.

'Scield Activate'

Scield, isa itong uri ng kalasag o proteksyon sa ano mang mahika at sa mga nakamamatay na gamit.

Pagkactivate ko pa lamang ng may naramdaman akong may tumamang enerhiyang itim saakin.

'Magian Cirques Stafo, activate.'

Stafo, isa itong uri ng Magian Cirques na kapag tumalon ka sa ere ay may maapakan ka, kaya ikaw ay puwedeng tumayo sa ere.

Tumalon ako sa ere, pataas ng pataas. Hanggang huminto siya kaya napahinto rin ako. Nawala ang makakapal na ulap na nagpapataklob sa aming paglalaban at katawan.

Nakita ko ang pagngisi at sabay pagapapakita ng mga alalang paano ang pagpatay saaking ina. Naramdaman kong nagiba ang kulay ng aking mata.

Ang kulay itim na iris ng aking mata ay naging kulay dugo at ang kulay matingkad na lilang pupil ko ay naging malalim na kulay pink.

"Masasama kayo, ang dapat sa inyo ay MAMATAY!" Hindi ko na kontrolado ang aking sarili, pero alam ko ang aking ginagawa. At ang higit sa lahat ay, hindi ako babalik sa dati hangga't hindi ko siya napapatay.

Marami akong binigkas na mga mahika na nagpahirap sa kanya. Ang dugo ng tangis at paghihinagpis na mabigyan ng hustisiya ang pagkamatay ng aking ina ay nananalantay saakin.

Tumaas siya ulit, sa bandang maulap at madilim na langit. Binuksan ko ang aking H.G at hinanap ko siya. Dahil sa Itim na enerhiyang kanyang tinama saakin ay madali ko siyang mahahanap gamit ang H.G ko. Ng makita ko ang itim na bilog sa mapa ay agad akong tumalon pataas.

"Razu Boulette...Kaboom!" nagkaroon ng malaking butas ang gitna ng ulap. Tumakbo ako roon at nakita ko siya, hindi lang siya, may kasama pa siyang iba na siya kong ikinangisi.

"Marami-rami din ang mapapatay ko ngayong gabi, maganda ito para sa aking marka."

Dahan dahan kong binaba ang aking kanang kamay na nakabukas ang palad. Lumabas ang aking espada, nang mabuo na ito hinawakan ko itong maigi.

Tinapat ko ang aking kanang kamay sa may pagitnang dibdib at lumitaw ang isang Magian Cirques na may symbolong infinity na nagliliyab sa kulay pula at malalim na pink. Inilayo ko yun sa aking dibdib at itinapat sa espada papuntang pinakadulo nito at binitawan ko. Tinpat ko ang espada sa aking harapan sunod sa kanan, kaliwa at likod ko.

Lumabas doon ang apat na malalaking Magian Cirques parehas ang kulay.

"Game." Lumusob silang lahat saakin ng iba't ibang dereksyon. Inuna ko ang aking harapan, lumusot ako sa Magian Cirques at nilabas sa kaliwang kamay ang aking katana. Ikiniskis ko ang aking parehas na sandata at nagliyab ito ng todo.

"WHAAAHHH!" sabay sabay naming banggit. Umikot ako sabay laslas ng kanilang mga leeg. Nakatapak na ako saaking patterno, pahigang walo ang aking iniikutan habang kinakalaban sila.

Hindi ako umalis sa aking patterno-hindi kailangan, dahil ito ang nagiging gabay ko upang mas mapadali ang aking pagkitil. Sila dapat ang lumapit, hindi ako.

Gusto ko ng magpahinga, istorbo ang mga ito. Dapat ako'y natutulog na saakin nahanap na tuluyan ngayon gabi kung hindi lang umataki ang kupal na yon. Hindi lang yon! Nagdala pa ng kasama!

Tinapat ko ang aking kamay sa Magian Cirques na sa harapan ko. Meron pa kaseng tabihan at likod. Sa kadahilanang gusto ko ng matulog, tatapusin ko na to.

"Killux Bingeu." Bangit ko bago tuluyang lisanin ang lugar na iyon, at nagpatuloy sa paglalakbay.

Killux Bingeu, isang kapangyarihang mahika na puwedeng kumitil ng ilan sa maiksing oras.

Biglang may sumabog sa himpapawid na parang paputok at parang walang nangyari kanina. Yun nga lang, umulan ng dugo. Sa dami ba naman nilang iyon? Halos nasa dalampung daan? Buti nga walang laman na kasami ih.

Tinatanong niyo ba kung bakit hindi lumusob ang nasa magkabilang tabi at likod na ginawan ko ng Magian Cirques kanina? Kung may espasyo para makaalis? Nako! Diyan ka nagkakamali! Dahil, nakasarado o nakalock na ang mga Gemang nakapalibot sa Magian Cirques na iyon! Astig diba? Kaya inuna ko yung nasa unahan ko para may espasyo akong Magian Cirques na magagamit.

"Eight O' Eight." Lumitaw ang isang lalaki sa harapan ko. Nakapantalong grey ito na may butas-butas? Ewan ko, bagong istilo ata to ng pananamit. Tapos naka hoodie itong kulay violet at black. Meron din nakalagay sa dibdib niya na '8th' na may Idem ng ATDC.

"Bakit mo ko tinawag?"

"Oh eh, bakit ka lumitaw?"

"Tinawag mo ko! Malamang sisipot ako dito. Bakit nga?"

"Hanap mo ko ng matutulugan." Utos ko habang tinitingnan ko sa H.G ko ang kaukulang puntos na aking natanggap kanina.

"Ano ako utusan?-Meron diyan malapit na abandunang gusali, doon ka muna magpalipas ng gabi. Ligtas naman doon, walang makakaabala sayo!"

"Tsk. Aangal pa, sasagutin din naman." Meron akong tatlumpu't pitong puntos na natanggap at pitong libong yen. Aba! Magaling! May kaukalang kabayaran pala kapag nakatalo ka ng Gema!

"Tapos bukas ng umaga, dumayo ka sa syudad ng Fruba at bumili ng kakailangan mo sa paglalakbay. Wag kang magalala, ligtas ang syudad na iyon." Tumango na lang ako.

Isa palang taga Dusk Owl Academy ang aking napatay! Kala ko madami na, isa lang pala. Tsk, puppets talaga ng mga taga Ailk D.O ibang klase-madaling masira. Pfft.

"Wag mong maliitin ang mga alagang puppets ng mga taga Ailk D.O. Nagkataong mahina lang ang iyong nakalaban kanina." Napasimangot naman ako.

"Paano mo nala-"

"Dahil patawa tawa ka pa diyan habang tinitingnan mo ang datos." Eh? Paano niya ulit na laman ang datos? Hindi niya nga to tinitingnan eh!

"Teka-ROBOT KA NO! NAKO! TA-"

"Gema ako. Isa akong Gema. Lul mo!" Nakita niya siguro sa mukha ko ang pagaalinlangan kaya kumuha siya ng dagger at hiniwa ang palad. Nakita ko na tumulo, ang pulang likido doon. Okay, Gema na siya.

"Oh? Naniniwala ka na? Oh sige, magpahinga ka na't aalis na ako. Paa-" Hindi ko siya hinayaang makaalis, kaya hinigit ko ang kanyang braso at tinahak ang sinasabi niyang abandunang gusali.

Naghanap ako ng malinis at tagong lugar, tsaka nilabas sa Inventum ang panlatag at pangunang lunas. Tinapik ko yung tabihan ko habang nakatingin sa kanya. Kaya wala siyang magawa kundi, umupo doon.

Kinuha ko ang alcohol at ibinuhos sa kanyang sugatang palad. Pagkatapos ay binuhusan ko ng betadine at tsaka nilangyan ng bulak. Nirolyo ko sa kanyang kamay ang telang puti at pagkatapos ay tinapik tapik ko pa ng kaunti.

Binuksan ko ulit ang inventum ko't binalik ang pangunang lunas tsaka nilabas ang aking kumot at unan. Ramdam kong di pa siya naalis kaya, tiningnan ko siya't tinaasan ng kilay.

"Maraming salamat. Uyyy-Concern naman siya saakin." Habang may ngiting nakakaloko.

"Tse. Nek-nek mo!" Napatawa siya ng bahagya. "Nga pala, paano mo nalaman yung nakapaloob sa datos kanina? Di mo nga sinilip yun!" Kuryos kong tanong.

"Ah yun ba? Nakakonnekta na kasi ako sayo-sa lahat lahat. Maging sa mga mapersonal mong buhay." Ngumiti siya ng mapait. Nak ng tokwa! Mabibisto ako nito!

"Ah-Eh-Hindi naman to alam ng mga taga headquarters ng paaralang Central Academia?"

"Hindi. Kami lang talaga ang may alam. Bale magrereport lang kami tungkol sa inyong ugali, pagkilos at mga ano pang ginagawa. Wag kang mag-alala, kakampi mo ko!"

"Mapagkakatiwalaan ba kita?"

"Aba'y syempre! Dahil simula sumali ka sa pagsahang ito, ay akin ka na! At ako'y sayo. Pagnatalo ka sa larong ito, di na natin pagmamay-ari ang isa't isa. Paparusahan pa kita. Hihihe." May pataas-baa pa ng kilay ang luko.

"Tch. Oh, sige alis ka. Tutulog na ako."

"Sige, tawagin mo lang ulit ako pag kailangan mo ako! Just call my number and I'll be there.~ Salamat ulit!" Biglaang naglaho. Luko, talaga yun kahit kailan.

Siguro sa ngayon, kailangan ko munang magtiwala sa kanya. Kahit labag sa loob kong magtiwala ulit sa iba pang Gema's, susubukan ko.

Susubukan ko.

¥¥¥¥¥¥

Henwo, Meachiavian readers! Nagbabalik si ako! Tagal din since last update. Kaya di ako naguupdate kase:

1. Writer's block.
2. Tinatamad.
3. Tamad talaga ako.

Writer's block? Ilang months? Grabe talag self ha! Tamad ka lang talaga.

Patawad sa matagal ng paguupdate, sususbukan kong magsipag.

Susubukan ko lang ha!

©Meachiavellian

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 226K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...
20.8M 764K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
61.8M 1.7M 40
She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang lumipat sa bagong school sa gitna ng ka...
8.4K 1K 60
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...