The Unexpected 19th Century J...

נכתב על ידי salem_ven

197K 5.8K 2.1K

Catherine McKinley in short Cath, isang popular student ng kanilang school una sa lahat maganda at sobrang ta... עוד

-Tauhan, Caracteres, Characters, キャラクター-
Prólogo
Kabanata 1 - El principio de todo
Kabanata 2 - Indio at Prinsesa
Kabanata 3 - Doña Anastacia
Kabanata 4 - Memorya ng Ina
Kabanata 5 - Simbahan ng Polo Santa Clara De Asis
Kabanata 6 - Conoce a la familia Montecillo
Kabanata 7 - Celebración Hacienda Santibañez
Kabanata 8 - Si Diego at Isabella
Kabanata 9 - Debajos de las Estrellas
Kabanata 10 - Cellphone / Selpon
Kabanata 11 - Ikatlong araw ng Nobenaryo
Kabanata 12 - Cueva del Amor
Kabanata 13 - Paraan
Kabanata 14 - Plano at Paano
Kabanata 15 - Pista ng Bayan
Kabanata 16 - Kamatayan
Kabanata 17 - Higanteng Alakdan
Kabanata 18 - Bessy
Kabanata 19 - Masayang Anunsyo
Kabanata 20 - Ang Masamang Balakin
Kabanata 21 - Cris at Cathy
Kabanata 22 - Gobernador Felipe Santiago
Kabanata 23 - Colegio De Santa Maria Magdalena
Kabanata 24 - Inang Madre Adoracion De Avila
Kabanata 25 - Ang Intramuros
Kabanata 26 - Malinaw na sa akin ang lahat
Kabanata 27 - Indio
Kabanata 28 - Kaibigan
Kabanata 29 - Bagong Gobernador ng Bayan
Kabanata 30 - Pagmamalabis sa mga Haciendero
Kabanata 31 - Mga Liham
Kabanata 32 - Ang Pagiinspeksyon
Kabanata 33 - Panauhin
Kabanata 34 - Limang Daang piraso na Balita
Kabanata 35 - Andre, Sian at Alexander
Kabanata 36 - Sinungaling na Gobernador
Kabanata 37 - Limangpung Parusa
Kabanata 38 - Ako ay Sayo at ikaw ay Akin
Kabanata 39 - Pagsubok kay Catherina
Kabanata 41 - Tunay na Catherina?
Kabanata 42 - Bangungot ni Catherina
Kabanata 43 - Ngayon mo Sabihin sa akin
Kabanata 44 - Simula ng Pag-aaklas
Kabanata 45 - Ley Marcial
Kabanata 46 - Ang Pagbagsak
Kabanata 47 - Pamilya Montecillo
Kabanata 48 - Donya Peregrina Mogas y Foncuberta
Kabanata 49 - Donya Hilaria Mondragon
Kabanata 50 - Hindi waring Pangyayari
Kabanata 51 - Louisa Montecillo
Kabanata 52 - Magkahiwalay na Landas
Kabanata 53 - Avellanada mula sa Inglatera
Kabanata 54 - Restaurante Español
Kabanata 55 -Sa Kampo ni Heneral Castellano
Kabanata 56 - Donya Catalina at Luciana
Kabanata 57 - Labanan sa Hacienda Santibanez
Kabanata 58 - Kasulatan
Kabanata 59 - Nasaan ang Mahiwagang Orasan?
Kabanata 60 - Bunyag
Kabanata 61 - Kahihinatnan ni Catherine
Kabanata 62 - Kapalaran ng Nakatakda
Kabanata 63 - Padre Velasco
Kabanata 64 - Para sa Bayan
Kabanata 65 - Epilogo

Kabanata 40 - Catherine, Catherina at Huwad

1.6K 62 20
נכתב על ידי salem_ven

Kabanata 40 - Catherine, Catherina at Huwad

1890

Mansyon nila Crisostomo at Catherina
Ciudad de San Roque


Nagising na lamang ako ng makarinig ako ng mga naguusap at minulat ko ang mata ko sabay bangon ngunit nakaramdam ako ng sakit ng ulo kaya napasapo pa ako sa ulo ko. Napatingin ako sa paligid at napansin ko na nasa kakaibang lugar ako at para nasa loob ako ng isang factory at may malaking orasan sa harapan ko na sa tingin ko ay kasing laki ng isang bahay.

Teka? May orasan naba na kasing laki ng isang bahay? Napalinga linga pa ako at napatingin ako sa likuran ko at napansin ko na parang may makina na umiikot at gumagana hindi ko alam kung anong tawag dito.

..

Hala bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito?

Napatingin pa ako sa harapan at napakunot ang noo ko na mapagtanto ko na may kakaiba sa labas kaya naman lumapit ako dito at tumingin sa labas.

At nanlaki ang mata ko ng makita ko ang nasa kung anong labas.

Teka kwarto ko ko ito ah!? Ngunit bakit napakalaki ng mga gamit? Hala anong nangyayari bakit ganito? Nagsimula na akong kabahan pa ng dahil sa kung anong meron ngayon.

Biglang bumukas ang pintuan at nakita kong iniluwa nito si Crisostomo na parang higante ang kanyang tangkad at kasama si-- teka ako yung kasama niya na parang pang higante din ang tangkad?

"Mas mabuti kung dito na lang tayo kumain ng ating meryenda aking mahal" wika ni Crisostomo sa babaeng kamukha ko. Paanong naging siya ako!?

"Tama ang iyong naisip aking mahal huwag kang mag abala dahil nagpadala na ako ng pagkain kina Veronica at Lavinia at paakyat na ngayon iyon" wika ng kamukha ko at nagulat ako ng yakapin siya ni Crisostomo at may kung ano namang tumusok sa puso na parang matulis at nakaramdam naman ako ng pagkainis.

"Crisostomo mahal na mahal kita" wika ng kamukha ko at napasimangot ako ng sabihin niya iyon.

HINDI AKO YAN! ITO AKO!

"Crisostomo lumayo ka sa kanya! Dahil hindi ako siya! Isa yang mapagpanggap!" Sigaw ko at kinatok ko pa ng malakas yung salamin na nakaharang sa harapan ko "CRISOSTOMO! HINDI AKO YAN! TUMINGIN KA NAMAN SA AKIN!" Sigaw ko ng malakas at kinakalabog ko pa yung salamin na nasa harapan ko.

Dios mio! Hindi niya ba ako naririnig? Bingi na ba ang aking Crisostomo para hindi niya ako pansinin? Sino ba ang babae na ito upang maging kamukha ko? Wala naman akong naalala na may kakambal ako sa simula pagkabata ko ah?

Sandali nga hindi kaya si Catherina ito at nakabalik na siya sa katawan niya at ako naman ang napaalis?

"HOY! BABAE KA KUNG SINO KA MAN MAGPAKILALA KA!? HOY! GINAGAYA MO PA ANG MAGANDA KONG MUKHA HA!? ANG KAPAL NG MUKHA MONG SABIHAN NG MAHAL SI CRISOSTOMO RH AKIN YAN! AKIN YAN! ANG AKIN AY AKIN LANG!" pagwawala ko ngunit parang wala man lang iba na nakaririnig sa akin at halos mamaos na ako sa sigaw na yun kaso ako lang yata nakaririnig ng sarili kong sigaw "IMPAKTA KA! KUNG SINO KA MANG DOPPELGANGER ITO LANG MASASABI KO SA IYO! YOU'RE NOTHING BUT A SECOND RATE, TRYING HARD, COPYCAT!" Sigaw ko at napaisip ako na parang narinig ko na sa isang pelikula yung sinabi ko na iyon ah? "Ano ba Crisostomo!? Bakit hindi niyo ba ako naririnig? TULONG!" Sigaw ko at napahinto ako ng makita kong pumasok si Lavinia dito sa loob ng kwarto kasama si Veronica at may bitbit silang tray ng pagkain.

"Hindi ba kayo marunong kumatok sa pinto?" Sermon ng kamukha ko dun sa dalawang pumasok at nagkatinginan naman sila at si Veronica at Crisostomo ay nagtaka sa inasal ng kamukha ko.

"P-paumanhin po Señorita Catherina hindi na po mauulit" paghingi ng tawad ni Lavinia at Veronica at napabow pa sila sa akin. Napakunot noo naman si Crisostomo ng dahil dun.

"Hoy hindi ako ganyan kina Veronica at kahit kay Lavinia na karibal ko kay Crisostomo! Hindi ako ganyan kababaw magalit kaya hindi ako iyan! Crisostomo tumingin ka dito sa direksyon ko!" Sigaw ko pa kaso para akong tanga dito na sigaw ng sigaw kaso wala namang pumapansin sa akin.

Nasaan nga ba ako ngayon? Ano bang lugar ito at bakit parang nakakulong ako sa isang bagay at ang liit liit long tignan!? Ano bang nangyari sa akin? Ang huli kong natatandaan ay ng dahil sa isang bata ay hinabol ko ito ngunit napagtanto ko din na isa lamang itong guni-guni.

Nang matapos sermunan ng kamukha ko yung dalawa ay maya maya ay may biglang pumasok mula sa salamin na nasa harapan ko kaya naman napasubsob kaming dalawa at ng makilala ko kung sino siya ay napalaki ang mata ko.

"Catherina!?" tawag ko sa kanya at napatayo siya "Catherina?" Turo ko dun sa kamukha ko na kayakap ni Crisostomo.

"Catherine! Salamat sa Diyos at nakapasok din ako sa mahiwagang orasan na ito" wika niya at tinulungan niya akong makatayo at ngayon ay magkaharap kaming dalawa kaya naman para akong nananalamin.

"Catherina sino ang babae na iyon na kamukha natin? At hindi naman ako iyon ah? At bakit kamikha natin siya!?" Sunod sunod kong tanong kay Catherina at napatingin siya dun sa kamukha namin na itinuro ko.

"Catherine siya na nga ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa mahiwagang orasan na ito na pinagkukulungan mo" napalaki ang mata ko sa sinabi niya teka anong sabi niya mahiwagang orasan na punagkukulungan ko?

"Anong pinagkukulungan ko?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Catherine makinig kang mabuti sa akin ng mabuti..." panimula niya at hinawakan niya ang kamay ko at napatango ako "...nung isang araw na pumunta ako dito upang kamustahin ka dahil napag alamanan ko mula kay Ama at Ina na nalaglag ang batang iyong dinadala ay kaagad akong nagtungo dito ngunit ng makita kita sa likod ng inyong bahay at nagiisa ay may bata kang kasama at hinabol mo ito ngunit nakita ko na unti unting naglaho ang batang hinabol mo at sa tingin ko ay napagkamalan mong guni guni mo lamang iyon, ngunit hindi totoo ang batang nakita mo isang kaluluwa ng bata ang nakita mo at iyon ang kaluluwa ng anak niyong dalawa ni Crisostomo" nang dahil sa mga sinabi niya na iyon ay biglang nagflashback sa utak ko lahat ng nangyari sa akin. oo nga pala nalaglag ang anak ko sa sinapupunan dahil may naghulog sa akin babae na multo at may bata akong hinabol ngunit bigla itong naglaho "Ngunit ng lalapitan na kita ay naramdaman mong may natapakan ka at ito ang mahiwagang orasan nang kunin mo ito ay bigla itong nagliwanag ang buong akala ko ay babalik ka na sa iyong panahon ngunit mali ako dahil laking gulat ko nang higupin ka nang mahiwagang orasan at nang lapitan kita ay nasa loob ka na niyo at hanggang ngayon ay nakakulong ka at ito ang lugar na iyon kung nasaan tayo ngayon" wika niya at parang nalaglag yata ang panga ko sa narinig ko.

"Ano!? Ngunit paano naman ako nakulong sa mahiwagang orasan na ito? Hala paano ako makalalabas nito?" Natataranta kong wika sa kanya at napatingin ako sa labasan at nakita kong hinalikan ni Crisostomo ang babaeng kamukha namin ni Catherina.

Napatakbo ako bigla at kinalabog ko pa ng mas malakas yung salamin na orasan wala na akong pakielam kung mabasag ko man ito o hindi.

"PALABASAN NIYO AKO DITO! KUNG SINO MAN ANG MAY GAWA NITO SA AKIN!" Sigaw ko at kinatok ko pa ng pagkalakas lakas at nilapitan naman ako ni Catherina ngunit hindi ko siya pinansin at nagseselos na ako ng sobra dahil hinalikan ni Crisostomo yung kamukha kong babae na hindi naman ako!

"Catherine kumalma ka dahil hindi ka makalalabas dito kung idadaan mo sa emosyon ang paninibughong nararamdaman mo" wika ni Catherina at napatigil ako.

"Paano naman kasi ako nakulong dito!? Sinong may gawa nitong lahat? Bakit kailangan mangyari sa akin ito ano bang nagawa kong mali para parusahan ako ng ganito at ihiwalay sa taong mahal ko!? Nawalan na nga ako ng anak tapos ikukulong pa ako s amahiwagang orasan na ito upang ilayo kay Crisostomo!?" Galit na galit kong wika at napaupo na lamang ako sabay sapo sa aking mukha at bumuhosna naman ang mga luha ko mula sa mata ko.

"Catherina hindi ko alam kung sino ang babae na kamukha natin na kasama ni Crisostomo o ano ang dahilan kung bakit ka nakulong dito sa mahiwagang orasan na ito ngunit alam kong may galit ang huwad na Catherine na iyan sa iyo at nais niya kayong paghiwalayin ni Crisostomo upang siya ang ibigin nito" wika ni Catherina at napahagulgol na lamang ako bakit ba kasi ang hirap naman ng buhay ko na ito? Ano na ba ang nangyayari bakit ba kailangan akong pagitapan ng ganito? Hindi naman ako naging masamang tao at minamahal ko lang naman si Crisostomo.

Sandali nga....

"Catherina sa tingin mo ba may kinalaman si Lavinia sa lahat ng mga ito?" Tanong ko at tumayo ako ng maayos at hinarap si Catherina.

"Imposibleng si Lavinia ang ating pagbintangan dahil nakita mo naman kanina na napagalitan pa siya ng huwad na Catherine kasama si Veronica kaya hindi natin siya maaring paghinalaan" wika ni Catherina at oo nga pala nakita ko rin si Lavinia kanina na may dalang pagkain kasama si Veronica.

"Ngunit Catherina sino ang mapagpanggap na babae na iyan!? Ano ang dahilan niya upang ikulong ako dito? Sa tingin ko ang babae na iyan ang nagtulak sa akin sa hagdanan kaya ako nahulog at nalaglag ang akin anak" ani ko pa sa kanya.

"Hindi ko alam Catherine dahil wala akong alam kung sino siya ngunit gagawa ako ng paraan upang matuklasan kung sino ang huwad na Catherine na iyon" wika ni Catherina "Maari siguro akong humingi ng tulong kay Doña Tasing at Madre Adoracion upang malaman kung sino ang may kagagawan ng mga ito" wika niya at napakunot noo ako.

"Kay Doña Tasing? Ngunit wala pa siya hanggang ngayon? Hindi ko alam kung nasaan siya dahil ilang buwan na siyang nawawala at hindi nagpapakita"  wika ko at napakamot naman si Catherina sa ulo niya ng sabihin ko iyon.

"Labi na akong nagaalala na rin ako kay Doña Tasing dahil simula ng magpakilala ako sa iyo ay hindi ko na siya nakita pa nakaagtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya?" Wika naman ni Catherina.

Pagkasabi niya nun ay may parang kumislap sa buong orasan at nanlaki ang mata naming dalawa ni Catherina na parang may kung anong itim na  elemento na unti-unting humaharang sa salalim kaya naman napabitaw ako sa kanya at hinipo ko ito.

"Ano ang bagay na iyan!?" Tanong ko at ng hipuin ko ito ay parang na ground ako "ARAY!" sigaw ko at napahawak ako sa kamay ko

"Hinaharangan ng itim na bagay na ito ang mahiwagang orasan upang hindi na makalabasang ang kung sino man na nakakulong dito" salita ni Catherina.

"Kung ganun ay umalis ka na dito Catherina! Lumabas ka na ngayon din!" Wika ko sa kanya at akmang aalis na sana siya ng hawakan niya ang kamay ko kaya naman nagulat ako ng hilahin niya ako "Bakit Catherina!?" Tanong ko at napansin ko na mas bumibilis ang pagkalat nung itim na elemento sa buong salamin ng orasan.

"Hindi ka ba sasama?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman ako makakalabas mula dito dahil hindi naman ako isang kaluluwa" wika ko at kung pwede lang akong makalabas ay sana kanina ko pa ginawa ngunit hindi pwede at nakitq ko na kaunti na lang ay pati siya ay makukulong na kaya itinulak ko na siya palabas ng orasan at bigla naman siyang lumaki na normal na height ng isang tao.

"Huwag kang magalala Catherine dahil gagawa ako ng paraan upang makalabas ka dyan!" Wika ni Catherina.

"Maraming salamat at magiingat ka Catherina!" Wika ko at naglaho na siya na parang bula.

At pagkatapos nun ay tuluyan ng naharangan ng itim na elemento ang salamin at may naaaninag pa naman ako ngunit halos madilim na lang ang nakikita ko mula sa labas at ng subukan kong hawakan yung itim na bumabalot ay nakukuryente pang ako at nasasaktan kaya napaupo na lang ako at napatingin ako sa parang makina ng mahiwagang orasan na ito at umiikot ito na parang isang malaking makina upang umikot ang orasan.

Sino naman kaya ang may gawa nito sa akin? Wala akong idea kung sino at hindi naman daw Lavinia at naoaisip din ako paano naman ako mailalagay ni Lavinia dito? Eh isa lang naman siyang ordinaryong tao at nakasisiguro ako na isang taong may kakaibang kakayahan ang may kagagawan nito kung bakit ako nakakulong dito.

-----------------------------

Habang nagmumuni muni ako dito at wala akong magawa dahil ano bang gagawin ko dito eh hindi nga ako makalabas at ang galing nga kasi hindi ako nakararamdam ng gutom at uhaw kaya ayos lang kung hind ako kumain ng ilang araw ngunit kailangan kong gumawa ng paraan para makalabas dito kaso paano ko sisimulan eh ito pa nga lang na maitim na nakaharang na ito ay nakakukuryente na.

Naramdaman ko na parang may bumuhat sa mahigawang orasan na pinagkukulungan ko ngayon kaya naman napahawak ako sa gilid kasi parang lumilindol eh. At naaninag ko mula sa labas na sinisilip ako ng kamukha kong mapanlinlang.

"Kamusta ang buhay mo diyan Catherina?" Tanong niya sa akin at nakasimangot ako aba siraulo to ah? Tanungin daw ba kung kamusta na ako dito.

"Hoy impakta ka kung sino ka mang demonyita ka! Ano bang nagawa ko sa iyo para gawin mo sa akin ito!? Wala naman akong kasalanan sa iyo ha!? At isa pa bakit tayo magkamukha hind pa naman uso ang plastic surgery sa panahon na ito ah!?" Wika ko sa kanya at napasmirk lang siya sabay tawa na nakaiinis.

"Hindi ko alam ang iyong tinutukoy Catherina ngunit nakatitiyak ko na mapapasa akin ang lahat ng kung anong meron ka lalo na si Crisostomo mabuti na nga lang ay namatqy ang inyong anak ngunit nakapagtataka nga kung bakit hindi ka pa namatay nung hinulog kita sa hagdanan" wika pa niya at napatawa pa siya at hahampasin ko yung salamin ngunit nawala sa loob ko na nakakukuryente ito kaya naman nasaktan ako sabay bawi ng kamay ko.

Nang marinig ko yung sinabi niya na iyon ay para niya akong binuhusan ng may sumilab na apoy sa buong puso ko at nakaramdam ako ng matinding galit sa kanya at yung mata ko pakiramdam ko nagliliyab na.

"NAPAKA HAYOP MO! DEMONYO KA!? ANONG KLASE KA!? BAKIT PINATAY MO ANG ANAK KO!? BAKIT DINAMAY MO PA SIYA!? NANAHIMIK ANG BUHAY NAMIN NGUNIT GINULO MO!" galit na galit kong sigaw sa kanya at binigyan niya lang ako ng nakadedemonyong tawa na mas lalo kong ikinagalit sa kanya.

"Catherina kahit na anong sigaw at pagwawala mo diyan ay ako lang ang makaririnig sa iyo at walang iba ang makakatullas sa iyo ni !aski makaririnig sa iyo kaya kahit lumuha ka pa ng dugo diyan ay walang iba na makatutulong sa iyo" wika niya at naramdaman ko na naman na tumulo ang luha ko at pyung kamay ko ay kating kati nang makasuntok o sampal ng kung sino man.

Kinakain na ako ngayon ng galit ko.

"Sino ka ba? Bakit mo ba ginugulo ang buhay naming dalawa ni Crisoatomo? Ano bang kasalanan ko sa iyo?" Tanong ko sa kanya at napa iling iling lang siya.

"Ako ang iyong kamukha Catherina at ayaw ko lang na maging masaya kayong dalawa at wala ka namang nagawang kasalanan sa akin" wika niya sa akin na ang tono ng boses niya ay sobrang nakaiinis.

"Bobo! Alam kong kamukha kita at siraulo ka ba? Wala naman pala akong kasalanan sa iyo ngunit ginawa mo sa akin ito!? pero syempre mas maganda pa rin ako at AKO ANG TOTOONG MAHAL NI CRISOSTOMO! AKO ANG NAPATIBOK NG PUSO NIYA! AKO ANG PINAKASALAN NIYA AT HIGIT SA LAHAT SIYA ANG NAKAKUHA NG PAGKA BIRHEN "KO" KAYA KAHIT ANONG GAWIN MONG PANLOLOKO SA KANYA AY LULUTANG PA DIN ANG KATOTHANAN NA AKO ANG TUNAY NA CATHERINA, AKO ANG ASAWA AT AKO ANG TUNAY NA MAHAL NIYA! NGUNIT IKAW? MANANATILI KA LANG BILANG ISANG MAPAGPANGGAP NA HUWAD NA KAILANMAN AY HINDI MAMAHALIN NI CRISOSTOMO KAHIT LUMUHA KA PA NG DUGO O MAUBOS ANG REGLA MO SA SOBRANG INGGIT!" Pangre-realtalk ko sa kanya at napansin kong napasimangot siya at mukhang natamaan siya sa mga sinabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin kaunti na lang ay parang sasabog na siya sa galit?

"Isa nga lang akong huwad ngunit hindi ko hahayaan na maging masaya ang buhay niyong dalawa! Kaya hangga't hawak kita Catherina ay tandaan mo na magiging miserable ang iyong buhay at titiyakin ko na hinding hindi ka makalalabas sa orasan na ito!" Wika niya at para namang nonsense yung sagot niya sa akin kaya napasmirk na lang ako.

"Tignan natin HUWAD! at sisiguraduhin ko na sa akin mapupunta si Crisostomo at kaming dalawa ang magsasama ng pang habang buhay!" Mapang asar kong sambit sa kanya at nanggigil lang siya sa akin at padabog niyang inilapag yung mahiwagang orasan na pinagkukulungan ko.

"ARRRGHHH!!! HINDI AKO MAKAPAPAYAG NA MANGYARI ANG LAHAT NG SINASABI MO! KAYA HABANG BUHAY KANG MABUBULOK DIYAN CATHERINA!" sigaw niya sa akin at napatawa pa siya na parang mangkukulam kaya naman napahinga ako ng malalim.

Lahat ng mga sinabi ko sa kanya ay pampatapang lang ng aking kalooban dahil naniniwala ako na makalalabas ako dito at kapag nakalabas ako dito ay kakalbuhin ko ang huwad na iyan at sisiguraduhin ko na pagbabayaran niya ang pagpatay niya sa aming anak ni Crisostomo!

"Catherina? Sino ang iyong kausap?" Narinig kong wika ni Crisostomo at nakita kong mukhang nagulat yung kamukha ko kaya naman napatingin siya kaagad.

"A-ah Crisostomo? Kanina ka pa ba diyan?" Tanong niya at isinara na ni Crisostomo yung pintuan ng kwarto.

"Sa katunayan niyan ay kapapasok ko lamang ng marinig ko na tila may kausap ka?" Paliwana ni Crisostomo.

"OO CRISOSTOMO! MAY KAUSAP IYANG HUWAD NA DEMONYITA NA IYAN!" sigaw ko at hinawakan nung huwad na yun yung orasan kung saan ako nakakulong at itinago ako sa likuran.

"Kausap? Wala naman akong kausap dito aking mahal kaya baka iyon ay guni-guni mo lamang?" Ani naman ng kamukha kong huwad.

"Hoy sinungaling siyq Crisostomo! Huwag kang maniwala sa kanya! Nandito ako! Ako ang tunay na Catherina!" Sigaw ko pa at nakita ko na pinanggigilan ng huwad yung pagkakahawak sa mahiwagang orasan.

"Mukhang tama ka nga Catherina baka iyon ay guni-guni ko lamang" rinig kong salita ni Crisostomo at mukhang nakahinga ng maluwang itong huwad na ito.

Hay nako Crisostomo! Bakit hindi mo ako mapansin? Nandito ako hello!? Ako ang asawa mo at hindi ang huwad na ito!

--------------------------

Lumipas pa ang ilang linggo ay nandito pa rin ako nakakulong sa mahiwagang orasan na ito at araw araw na pumapasok sa aking isipan na paano ako nakulong sa orasan na ito at si Lola Tasing ang nagbigay nito kay Mommy Sian kaya paanong nalukuban ito ng masamang elemento? At isa pa hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala ang huwad na kamukha ko hindi ko alam kung sino siya at kung paano niya ako naipasok dito sa mahiwagang orasan na ito.

Sa kada araw na umaalis sila ni Crisostomo at nagtutungo sa bayan ay lagi rin akong dinadala ng huwad na ito ngunit hindi niya ako maalis sa bulsa niya kaya wala rin akong makita sa labas dahil puro saya lang ang nakikita ko.

Naramdaman ko na kinukuha ako mula sa bulsa kaya napahawak ako ng maigi para hindi ako matumba at nakita ko na sinisilip na naman ako ng huwad na ito kaya naman napacross arm ako.

"Ano na naman kailangan mo ha? HUWAD!?" Mataray kong tanong sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.

"Ikaw Catherina maari ka bang tumahimik kap nandiyan si Crisostomo? Kung hindi  malilintikan ka sa akin!?" Pagbabanta niya sa akin at napairap lang ako at napatingin ako na wala pala kami sa mansyon at hindi ko alam iung anoing lugar itong pinuntahan nila.

"Bluh bluh bluh? Ano bang pakielam mo kung magingay ako? Bakit hawak mo ba ang sistrma ng katawan ko para pigilan mo? At isa pa kahit ba magwala ako dito magsisigaw na parang baliw ay wala kang pakielam! Kaya TIGILAN MO AKO! bakit natatakot ka ba na baka marinig ako ni Crisostomo at malaman niya na ako ang tun na Catherina?" Tanong ko sa kanya at napangiti naman ako ng nakakaasar sa kanya.

"Manahimik ka! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!" Wika niya at maya maya ay ibinulsa na niya ulit ako ng marinig niyang nandiyan na si Crisostomo.

"Catherina nandiyan ka ba?" Rinig kong wika ni Crisostomo.

"C-crisostomo? Oo nandito ako at nandiyan na ako!" Rinig kong sambit ng huwad na ito kaya naman naramdaman kong naglakad na siya siguro papalapit kay Crisostomo.

"N-nandito ka na pala Catherina may narinig akong kausap mo sino iyon?" Tanong niya sa huwad na Catherina.

"OO AKO YUNG KAUSAP NIYA!" sigaw ko at hinawakan niya ng maigi yung orasan mula sa labas ng bulsa niya.

"Bakit hawak mo ng maigi ang iyong saya aking mahal?" Shocks! Napansin ni Crisostomo na hiwakan ng huwad na ito yung orasan!.

"KASI NGA NANDITO AKO CRISOSTOMO! YUHOO!" sigaw ko pa at maya maya ay parang lumindol siguro padabog na inayos ng huwad na ito yung palda niya muntikan akong masubsob sa kinatatayuan ko.

"Ah iyon ba Crisostomo? May bata lang akong kausap at nananghingi lang ng limos kaya ayun binigyan ko ng iilang sentimo upang makabili ng kanyang pagkain" pagsisinungaling niya.

"Hoy sinungaling kang impakta ka! Ano nagpapakabait ka sa harap ni Crisostomo? HUWAG KANG MANIWALA SA KANYA!" sigaw ko sa kanila at maya maya ay para na anamn lumindol siguro sinasadya nitong bruha na ito na alugin yung palda niya para manahimik ako at hindi makasigaw.

Hayop ka! Kapag talaga nakawala ako dito kakalbuhin kita!

-------------------------

Nang makauwi na sila ni Crisostomo ay padabog akong inihagis ng huwad sa isang tabi kaya naman halos mahilo hilo na ako ng matigil na din ang malalindol na nararamdamn ko. Napakawalang hiya talaga nitong huwad na ito para akong ikinulong sa boteng may laman na tubig tapos inaalog alog ng malakas para mahilo.

"Crisostomo? Bakit hindi tayo magpunta sa europa upang doon magpatuloy at magtayo ng pamilya?" Biglang sambit ng huwad kay Crisostomo at mukhang nagulat naman si Crisostomo sa tinanong ng huwad.

"Sa europa bakit nais mo bang doon tayo manirahan? Ngunit hindi makapapayag ang iyong magulang pati na rin sila ama at ina" wika ni Crisostomo.

Walang hiyang huwad na ito talaga ilalayo niya pa sa akin si Crisostomo noh? At gusto sa europa pa? Ihagis ko kaya siya papunta sa planetang mars? Nalungkot naman si huwad at kunwari nagtatampo.

"Ngunit ayaw ko na dito sa pilipinas dahil hangga't nandito ako ay patuloy ko pa din na naalala ang masasakit na pangyayari lalo na ang pagkamatay ng ating anak" wika sa kanya at nagpapabebe pa siya nako hindi bagay sa kanya.

"HOY! ayusin mo naman ang pagiinarte mo!? Hindi ako ganyan magpabebe kaya ayusin mo! Gagayqhin mo na nga lang ako mali mali pa ang paggaya mo? Nakaiinsulto ka din ah" sigaw ko at siningkitan ako ng tingin nung huwad kaya binelatan ko pa siya bilang pangaasar.

"Catherina hindi naman natin kailangan pang lumayo pa upang mamuhay at magtayo ng isang pamilya isa pa regalo sa atin ito ng iyong magulang ang aking ama at ina kaya hindi dapat tayo umalis dito at kahit ba may mapait tayong karanasan sa tahanan na ito ay maari pa naman nating palitan iyon ng mga masasayang ala-ala at maari din tayong magtayo pa ng panibagong pamilya na siyang magiging inspirasyon natin upang kalimutan natin ang pagkamatay ng ating anak" paliwana ni Crisostomo at mukhang ayaw ng huwad kaya pabebe to the max naman ang gaga.

"Crisostomo kahit na ba? Hindi mo ba ako mapagbibigyan sa aking kahilingan na sana ay lumayo na tayo sa lugar na ito dahil ayaw ko na dito?" Tanong pa rin ni Huwad.

"HINDI NGA PWEDE ANG KULIT KO NOH? AT ISA PA ASAWA KO IYANG KINAKALANTARI MO! AT KUNG PUPUNTA MAN KAMI NG EUROPA AY SINISIGURADO KO NA AKO NA TUNAY NA MAHAL AT ASAWA NIYA ANG KASAMA NIYA! AT HINDI IKAW NA ISANG HUWAD!" sigaw ko pa at kahit alam kong hindi ako naririnig ni Crisostomo patuloy pa rin ako para magpapansinnat inisin ang huwad na Catherina.

"Catherina hindi maari kaya sana ay huwag ka ng mapilit at isa pa hindi na natin kailangan pang lumayo para sumaya dahil kapag kasama pa lamang kita ay masaya na ako" pagkasabi nun ni Crisostomonay napangiti ako ay Dios mio para sa akin naman yung sinabi niya kaya may karapatan ako para kiligin.

"Oo Crisostomo! Hindi na natin kailangan pang lumayo pa kaya naman huwag kang makinig sa impakta na iyan!" Sigaw ko at sinamaan pa lalo ako ng tingin ni huwad pero binelatan ko lang siya.

"Kung iyan ang gusto mo Crisostomo ay bahala ka diyan sa buhay mo at iisipin ko na lang na hindi ako pinagbigyan ng taong mahal ko sa simpleng pakiusap ko" wika ni huwad at pagalit siyang tumayo.

"Lavinia!?" Tawag ni Huwad kay Lavinia at laagad namang pumasok ng kwarto si Lavinia

"Señorita Catherina? Bakit po?" Tanong niya.

"Lavinia!? Halika sumama ka sa akin at may pupuntahan tayo!" Wika ng huwad at kaagad agad siyang lumabas ng kwarto.

"Saan naman ang iyong punta Catherina?" Paghahabol ni Crisostomo.

"Kung ayaw mong pumayag sa gusto ko ay ako na lang ang aalis at maiwan ka diyan kung nanaisin mo!" Galit na wika ng huwad at napatawa naman ako Dios mio hindi naman ako ganun humiling kapag may gusto akong makuha noh!? Ang kapal din ng mukha ng huwad na iyan.

"Catherina hintayin mo ako huwad mo naman akong iwanan!" Paghahabol ni Crisostomo.

------------------------------

Kinagabihan ay tulog na silang lahat at syempre ako as usual nakakulong pa rin ako dito at bored na bored na din at walang magawa kundi araw araw na panoorin ang kaartihan ng huwad na Catherina.

Dapat hindi lang ako nakaupo dito dapat gumawa din ako ng paraan upang makalabas ako dito o di kaya kahit mapansin man lang ako ni Crisostomo. Napatingin naman ako sa itim na elemento na nakaharang sa salamin at napaisip ako na kung hindi ko ito mahawakan ng aking kamay siguro mahahawakan ko ito kapag may hawak akong isang bagay?

Tumayo ako at kumuha ako ng kung ano dito sa nagpapaandar ng orasan na ito at may nakita akong isang parang turnilyo na malaki at ipinukpok ko muna ito. Siguro pwede na ito.

Kaagad akong lumapit sa salamin na nahaharangan ng itim na elemento at napa sign or the cross naman ako sana gumana itong pinaplano ko Lord tulungan niyo po ako.

Hinampas ko ng malakas yung itim na elemento ngunit mali yata ako ng akala dahil tumilapon lang yung pinanghampas ko ng turnilyo ngunit nagproduce naman ito ng malaking galabog kaya naman naramdaman ko na parang umusod itong orasan.

Naaninag ko na parang nagising si Crisostomo kaya naman inukit ko yung paghampas sa itim na elemeto at kahit na lumilindol ang paligid ko ay inulit ulit ko lang ito at sa huling paghampas ko ay parang nahulog yung orasan sa lapag at pagtingin ko sa labas ay tama nga ang hinala ko at nahulog ako.

Nakita ko naman na tumayo si Crisostomo at kinukusot kusot pa niya ang kanyang mata.

"CRISOSTOMO! NANDITO AKO!" Sigaw ko at hinampas ko pa ng isang beses yung itim na elemmento kaya naman nakita kong napatingin siya sa direksyon ko.

Pinulot naman niya ako at napatingin pa ito sa orasan.

"Bakit tila ang dumi ng oras na ito ni Catherina? Hindi na halos makita ang mga numero" wika ni Crisostomo at ngayon ay tinitignan niya ng maigi yung mahiwagang orasan kung saan ako nakakulong.

"CRISOSTOMO! PANSININ MO AKO! NANDITO AKO AT ALAM KONG HINDI MO AKO NARIRINIG NGUNIT ALAM KO NA ANG PUSO MO ANG SIYANG MAKARIRINIG!" sigaw ko pa sa kanya at nararamdaman kong napapaluha na ako at kaunti na lang eh babagsak na yung luha ko "CRISOSTOMO NANDITO AKO SA HARAPAN MO! AKO ANG TUNAY NA CATHERINA!" naiiyak kong sambit at hinampas ko ulit yung itim na elemento kaya feeling ko lumindol ulit at parang akong nalaglag mula sa itaas.

Naramdaman ko naman na parang pinulot ulit ako
At nakita ko mula sa labas ang mukha ni Crisostomo.

"Crisostomo! Nahihilo na ako! Ano ba hindi mo ba ako mapapansin!?" Sigaw kong tanong sa kanya at hinampas ko ulit yung itim na elemento.

"Nakapagtataka kung bakit gumagalaw ang bagay na ito ano bang meron sa loob nito?" Salita niya at maya maya ay nanlaki ang mata ko ng mabuksan niya na parang pintuan yung salamin ng orasan at pagkakataon ko na sana ito upang makalabas ngunit hindi pa rin ako makalabas dahil may kung anong humaharang sa akin para makalabas.

Nilinis ni Crisostomo yung salamin gamit ng kanyang daliri at nawala naman yung itim na elemento na nakaharang dito.

"Nakapagtataka kung paano napasukan ng alikabok ang orasan na ito napakadumi pala nito?" Bulong niya sa sarili niya at naiinis na ako kasi hindi ako  makita kita ni Crisostomo.

"ARGHHH! GANUN NA BA AKO KALIIT UPANG HINDI MO MAKITA HOY! CRISOSTOMO!" Naiinis kong sigaw at sa gigil ko ay binato ko siya ng turnilyo at nagulat ako ng tamaan siya sa mukha niya.

"Aray ko po saan galing yun?" Salita niya at nasalo niya yung turnilyong binato ko at napangiti ako kaya naman binato ko ulit siya ng kung anong spare parts ng orasan basta tumama sa mukha niya "Aray ko po! Dito sa loob ng orasan nangggaling ang mga ito?" Salita niya at tinignan niya ng maigi yung orasan na hawak niya at nagka eye to eye kami.

"CRISOSTOMO! ANO BA!? NANDITO AKO!" todong sigaw ko na at napakaway kaway pa ako bahala na kung mag mukha akong tanga.

Binato ko ulit siya at tumama naman ito sa ilong niya at napakunot noo naman sya.

"C-catherina?"

-------------------------

~ Nandito ako at alam kong hindi mo ako naririnig, ngunit alam ko na ang puso mo ang siyang makaririnig~

-------------------------

Chapter 40! HUHUHUHU PATAWAD SA INYO KUNG NAPAKATAGAL KO BAGO MAGUPDATE😭😭😭  napakabusy lang kasi sa school works kaya asahan ang mala pagong na paguupdate pero sana subaybayan niyo parin😍😊






















































המשך קריאה

You'll Also Like

22.1K 683 184
A famous student and model Charity Villaruel was involved in a scandal video that leads to their classmate's death. Find out how the story unfolds o...
8.4M 33.8K 8
This is my first story. Don't expect too much. Marami pong grammatical error at mga typo. Salamat. 😊 *** Highest ranking achieved: #1 in Fantasy By:...
127K 3.9K 44
Almost perfect na ang buhay ni Lou, maganda, matalino, a family who cares for her, a best friend na supportive at a lover na mahal na mahal sya. Ngu...
2.9M 96.9K 88
More than just a gangster story. COMPLETED