Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Two

2.6K 80 7
By MicxRanjo

   "Doubt thou the stars are fire. Doubt thou the sun doth move

Doubt truth to be a liar. But never doubt I love" 

― William Shakespeare, Hamlet 


"OH, darn it!" Mabilis na bumangon sa pagkakahiga sa kama si Erina nang makita ang oras sa alarm clock na nasa ibabaw ng lamp table. "I did not plan to get stuck in bed." Mabilis siyang lumabas ng silid at bumaba sa sampung baitang ng hagdan na gawa sa marmol. "Hello?" Umalingawngaw sa kabuuan ng sala ang kanyang boses.

"Senyorita Erina, magandang umaga ho." Bungad ng isang dalaga mula sa koridor sa kusina.

Huminto siya sa gitna ng hagdan at napatingin sa dalaga. The girl was skinny. Mahaba ang buhok nito't nakatirintas nang dalawahan. Malapad ang noo't bilugan ang malaki nitong mga mata. Nakasuot ito ng bulaklaking bestida na kulay berde na nakapaloob sa puting apron. Hinuha niya'y magkasing-edad lang silang dalawa.

"Wait, is that you Juliet?" Bago nanlaki ang mga mata sa tuwa at halos talunin ang huling baitang sa pagbaba. "Oh god, it really is you! I miss you so much!" Tsaka ito niyakap at mabilis ding kumalas. "You remember me, right? We used to play when we were kids."

Matipid na ngiti ang iginanti ni Juliet tsaka tumango. "Maligayang pagbabalik, Senyorita Erina."

"What? Come on, it's me." Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "We're friends, call me Erina."

Ngumiti lang uli ito tsaka gumilid upang bigyang daan siya papunta sa kusina. "Ipaghahanda ko na kayo ng pananghalian."

"Oh good 'cause I'm starving. Where is everybody?" Iginala niya ang paningin. "I forgot how huge this villa is. I almost lost my way to my room earlier this morning." Tinawanan niya ang sarili.

"Si Senyor Enrique ay nasa bangko sa bayan, maaga siyang umalis kasama ang mga kapatid mong sina Senyorito Andrew at Matthew. Si Senyora Lucinda naman ay nasa hardin, Senyorita Erina."

Hinarap niya ito, iyong malapit na halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Natigilan ito't halos hindi huminga, nanlaki pa ang mga mata.

"S-senyorita Eri--"

"Erina. Erina. Erina. Isa pa sa senyorita, I will hug you so tight you won't be able to breathe." She opened her arms to show her she was serious.

Natawa ito nang mahina. "Hindi ka pa rin nagbabago, E-Erina, masayahin ka pa rin."

"There, that's the childhood friend I know. It's good to be back, Juliet." Muli niya itong niyakap nang mahigpit. "And I'm really happy to see you again."

"Ikaw rin. Welcome home." Gumanti ito ng yakap.

Nasiyahan siya sa huli nitong tinuran. Masarap iyon sa pandinig. Kung sana lang ay marinig niya rin iyon sa bibig ng mga magulang.

"Anyway, send my lunch to where my mother is, excited na akong makita siya." Tsaka siya humakbang patungo sa hardin.


Maluwang pa rin ang garden, namumutiktik sa iba't ibang mga bulaklak at halaman. Abot tanaw mula roon ang swimming pool, kumikislap ang tubig gawa ng sinag ng araw. Medyo mahangin ngayong araw kaya naman napreskuhan siya. She found her mother trimming the torns off the red roses and arranging them in a vase. Nakatalikod ito sa kanya, nakaupo sa silya.

Her heart throbbed at the sight of her mother's back. She felt the urge to run to her, hug her but stopped herself. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman ang init nito. Ni hindi niya maalala kung ano ba ang pakiramdam na mayakap ng ina. Huminto siya nang may isang metro ang distansiya rito. "Hello, Mama. I'm home."

Natigil sa ere ang ginagawa nito ngunit hindi humarap. Napalunok siya. She endured the feeling of being pinched a hundred times. Face me, please face me, Mama...At katulad noon, heto pa rin siya't nang-aamot nang kaunting atensiyon. Napansin niya ang paghugot nito nang hininga bago marahang pinakawalan, tsaka siya hinarap.

"Erina, gising ka na pala. Kailan ang balik mo sa Amerika?" sa mababang tinig nito.

At thirty-eight, her mom still looked beautiful. Nakapusod ang mahaba at natural na itimang buhok. Her high-profile cheekbones complimented her oval-shaped face. Her brows were perfectly arched. Her full lips were painted red. She was tall at five feet and five inches. Alaga ang katawan nito, hindi payat ngunit hindi rin malaman. One word to describe her was classy with the way she dresses and act, proof that she came from a rich family.

Hindi niya kamukha ang ina. Sabi ng kanyang Tia Katerina ay mas hawig daw siya ng kanyang ama. If compared, she would say she looked more like her Tia--same round face, deep set of eyes and heart-shaped lips. Kaya siguro humawig din siya sa ama kasi fraternal twins ang ama at Tia Katerina niya.

"Hindi mo ba ako sasagutin?" Agaw ng ina sa kanyang naligaw na isipan.

"I just came back after so many years, Mama..." She thought her saliva tasted sour, but she still managed to remain her smile. Iyon daw ang best asset niya ayon sa kanyang tiya, ang kanyang matamis na ngiti. "You're sending me back already." Umupo siya sa isa sa mga silyang nasa harapan nito, itinuon ang mga mata sa ibabaw ng lamesang gawa sa binarnisan na mala-higanteng gitnang katawan ng kahoy.

Tinaggal nito ang suot na gloves na proteksyon sa mga tinik ng rosas at inilapag sa mesa. "Ipinatatanong lang ng iyong papa." Hindi tuminging sagot nito.

Bumigat ang pagtusok ng tinidor na kanyang hawak sa adobong karneng baboy na nasa plato na inihatid ni Juliet kanina. "I just came back after all these years." Halos sa sarili niya iyon sinabi.

"Napansin kasi naming one-way lang ang ticket na binili mo kaya bibili na ako ng ticket pabalik para hindi ka magahol sa pagbalik. Mabuti nang maayos iyon nang mas maaga." Dinampot nito ang porcelain cup na may lamang tsaa tsaka humigop habang hawak naman ng isang kamay ang saucer.

Kumakalam ang sikmura niya kanina ngunit ngayon ay nawalan na siya ng ganang kumain. Isinandig niya ang likuran sa upuang kahoy at pinagsawa ang mga mata sa mga orkidyas na may iba't ibang klase at kulay. This was supposed to be home. A home that she looked forward to coming back to and hoped so hard to be more welcoming. Ngunit mukhang kulang pa rin ang mga taong lumipas na nakahiwalay siya sa mga ito.

"Masyadong mahaba ang dalawang buwang bakasyon lalo pa't hindi ka sanay manirahan dito. Bukod sa wala ka namang halos kakilala kundi ang mga katulong, at halos lahat ng kabataan ay nasa bayan dahil nagsimula na ang pasukan. Hindi mo pa pala nakikita sina Andrew at Matthew, kapag kasi araw ng pasukan ay sa bahay sa bayan sila naglalagi para mas malapit sa kanilang pribadong paaralan. Mahigit isang oras kasi ang biyahe mula rito. Maaga silang puma-bayan ngayong araw para manood daw ng parada bukas ng gabi."

"And whose fault is it that I have not met them? You hardly talk to me," halos pabulong niyang tugon habang pinanonood ang dilaw na paruparong lumilipad sa isa sa mga bulaklak.

"Erina, nineteen ka na, dapat ay mas maging responsable ka sa mga kilos at desisyon mo. Sabi ng iyong Tiya Katerina ay hindi mo man lang siya sinabihan na paparito ka. Mas nagulat ang iyong papa na bigla ka na lang pumunta rito. That is very impolite of you. Kahit school vacation pa sa Amerika ay maari ka namang kumuha ng kahit anong extra-curricular activites o anong mapaglilibangan doon."

"We're family, I thought families don't need an excuse to see each other, after all, every parent would jump to the idea to see their precious child who was away for a very long time. But I guess I was wrong. I've always wondered, Mama..." Huminto siya bago isinatinig ang matagal ng katanungang gumugulo sa isipan.

Ibinigay nito ang buong atensiyon sa kanya, hinihintay ang kanyang katanungan. Tila handa ito sa anumang nais niyang malaman. Anak siya nito, ang kaharap at kausap ngunit pakiramdam niya'y isa lamang siya sa mga kakilala nito kung pakitunguhan. Ang kaninang maasim niyang panlasa ay naging mapait. Mapakla siyang ngumiti. "I guess I'm the only one who is not precious in here." Tumayo siya.

"Saan ka pupunta?" Her reaction was uncertain. Para bang kahit anong sabihin niya, ireklamo, isigaw, wala lang. Lalong nagpabigat iyon sa kanyang damdamin. Wala rin itong ipinagkaiba sa ekspresyon ng ama.

"Some place where I can breathe comfortably." Mabilis niyang nilisan ang akala niya'y tahanan na maituturing. Lumabas siya ng tarangkahan, mabilis ang mga hakbang, nais makalayo hanggang sa tumakbo na siya.

Hinayaan niyang tumulo ang mga luhang patuloy sa pagbalong. It was a mistake to come back. There was nothing for her here. She was no family. She was not welcomed here, not then and maybe will never be. And the question remained why.


Running was her favorite thing to do. She kept running unknowingly of a place to go. Huminto lang siya nang hindi na siya halos makahinga. Itinukod niya ang mga kamay sa tuhod, humigop nang hangin tsaka ibinuga, paulit-ulit hanggang sa maging normal na uli ang pagtibok ng kanyang puso.

"Where am I?" Iginala niya ang paningin. 'Di yata't naligaw na siya? Pinunasan niya ang pawis na ayaw maampat sa paglitaw sa mukha't katawan. Napatingala siya sa kalangitan, nakapapaso na ang init ng araw. Tiningnan niya ang oras na nasa bisig, "One o'clock?" Kanyang pagatataka. Halos isang oras din siyang tumakbo, natawa siya sa sarili.

Nakita niya ang hilera ng mga puno na nasa burol, umakyat doon upang magtago sa lilim. Natigilan siya nang marinig ang lagaslas ng tubig na umaagos, sinundan niya ang ingay niyon hanggang sa huminto siya sa isang bangin sa likuran ng mga puno. Natuwa siya sa nakita.

"A creek? Wow." Mababa lang ang bangin. Mabilis siyang bumaba roon upang maglaro sa tubig. Hindi na niya tinantiya ang lalim niyon at basta na lang lumusong sa hanggang baywang na tubig. "The water is so clear. This is beautiful," bulong niya sa sarili. Pinanood niya ang mangilan-ngilang mga maliliit na isda na lumalangoy roon.

Pgkuwa'y humiga siya sa gitna ng tubig kung saan ang pinakamalakas na agos. Ipinatong niya ang ulo sa isang bato na may kalakihan. Pumikit siya upang hindi masilaw sa paninilip ng sinag ng araw na hinaharang ng mga sanga't dahon ng mga puno. "Ahh...his is life." Then felt her nerves relaxed.

Isang malakas na pagpukpok ng kung ano ang nagpabalikwas sa kanya. Curious, she stood up and followed the sound. The sound became clearer and louder. Tumigil lang siya nang makita ang isang cottage sa itaas ng creek. A guy was hammering a piece of wood. He was shirtless and wearing some khaki colored half-shorts.

The guy was sweating all over but let it freely drip down to his body. He had short and thick hair that sometimes covered his eyes and he would finger-brushed it up. His skin was as brown as her favorite baked almond. Like his hair, he had thick eyebrows, visible eyelashes, straight-edge nose that highlighted his square jaw line. His muscles were toned rightfully as if it had been sculptured very carefully. He had flat stomach, and the fine dark curly hair to his navel down to his belly made her smirk.


"OH MY GOD!" Nagtatatalon siya nang may maramdamang parang nakadikit sa kanyang binti. "Oh my god! What is that?" Mabilis siyang umakyat sa gilid ng creek paakyat sa kubo tsaka pinagpag ang suot na damit habang naglululundag at sumisigaw pa rin.

"Help me! Hurry!" Pinandilatan niya ang binatang pinanonood kanina na ngayon ay may pagtataka namang nakatitig sa kanya.

Hindi na niya ito mahintay na kumilos sa takot na baka nasa loob na ng kanyang damit ang kung anumang nakadikit sa kanya kanina. She took off her shoes, socks, polo shirt, and her short shorts.



CALEB couldn't believe his eyes. Basta na lang naghubad ng damit ang babaeng nasa harapan na bigla na lang lumitaw. Naroon pa rin ang kanyang pagtataka ngunit naudlot ang nais itanong nang hubarin din nito ang suot na shorts. Mabilis siyang tumalikod. "Anong ginagawa mo?" sa medyo mataas nitong tono dahil sa pagkataranta.

"Something's inside me! Help me find it, hurry!" Nasa tinig ng babae ang takot. Lumapit ito sa kanya, tumigil sa kanyang harapan tsaka nito iniharap ang likuran sa kanya. Itinaas nito ang ibaba ng tank top. "Is it there? Do you see anything?" Halos madikit na ang likuran nito sa kanya.

Hindi na niya naiwasan na huwag itong titigan. Kahit naiilang pa rin, padaka niyang iminulat ang mga mata tsaka hinanap ang ipinapahanap nito.

"Do you see it?" Ulit nito.

"W-wala. Wala akong makita." Tsaka niya mulign iniiwas ang paningin.

"Are you sure?" Lumingon ang babae, napatingin din siya rito, nagtama ang kanilang mga mata.

Tumango siya sa katanungan nito. Nagpatuloy sa pagkapa ang babae sa sarili.

Bumaba ang kanyang paningin sa katawan nito, sa maliit nitong baywang, bilog na pusod at sa itim nitong bikini. Mahaba at sobrang kinis din ang mga hita nito. Pagkuwa'y napansin niya ang maliit na linta sa likuran ng binti nito.

"Nakita ko na."

"What? What is it? Where?" Muling nanlaki ang mga mata ng babae.

May kinuha siya sa sulok ng kubo tsaka bumalik at lumapit rito. "Huwag kang gagalaw, bubudburan ko ng asin 'yang lintang nakakapit sa 'yo."

"Wait, what?" Nanlaki ang mga mata nito nang makita rin iyon.

"Linta."

"Linta? What is that?" Napangiwi ito.

"Leech sa English."

"Oh. Take it out, hurry!"

"Hahawakan kita para ipahid ang asin." Hingi niya ng permiso.

"Am I going to die?" Idinikit nito ang mga braso sa dibdib habang ang mga kamay ay nakasalampak sa mga pisngi.

Hindi muna siya umimik. Pagkatapos niyang budburan ng asin ang linta ay agad itong bumitaw pagkatapos nang ilang segundo. Sinuri niya ang parteng sinipsipan nito, mukhang hindi naman malala. Pagkuwa'y tumayo na siya. May kinuha uli at pagbalik ay iniabot ang sabon sa babae. "Hugasan mo ng sabon at tubig."

"Am I okay now?" Bumaba ang mga kamay nito sa tagiliran upang tingnan ang binti.

"Oo. Hugasan mo lang. Hindi ka naman siguro allergic sa linta, ano?"

"No."

Saglit silang nagtitigan. Nanantiya ang mga tingin nito. Hindi niya matanto kung ngingiti ba ito o iiyak. Pagkuwan ay sumilay ang isang matamis na ngiti kasabay nang paglitaw ng biloy nito sa pisngi. Binawi niya ang paningin tsaka tumikhim. "B-banlawan mo na iyan." Turo pa niya sa binti nito. Agad naman itong tumalima.

Nanatili siya sa pagkakatayo habang pinagmamasdan ang estrangherang bigla na lang sumulpot sa kanyang harapan. Basta na lang nito ginamit ang tubig na nasa boteng dala niya at 'yon ang ginamit nito sa paghugas. Napailing pa s'ya nang ubusin nito iyon, isang litro ng tubig.

Nang bumalik ito'y nagpasalamat at ngumiti sa kanya. Hindi niya naiwasang suriin ang bilugan nitong mukha, malalim na mga mata, hugis pusong mga labi, katamtamang tangos ng ilong, alagang mga ngipin at gayundin ang isang biloy na lumitaw nang ngumiti ito. Maikli ang buhok nito na lagpas tainga na lalong nagpatingkad sa maganda nitong leeg at collarbone. Mabilis niyang iniiwas ang tingin bago pa muling dumako ang kanyang mga mata sa dibdib nito.

"Isuot mo na iyang damit na hinubad mo."

"Oh, okay." Mahinang tawa nito. "Is this your cottage? Do you live here?"

Bumalik siya sa ginagawa kanina. Kinuha niya ang lubid tsaka pinagdugtong-dugtong ang mga iyon. "Oo, at hindi sa ikalawang tanong." Hindi siya lumingon.

"What are you doing?" Naramdaman niya ang paglapit nito. Doon lang din niya nalanghap ang kung anumang pabangong gamit nito, magaan iyon sa pang-amoy, masarap singhutin.

"Hagdanan."

"Haddanan?"

Napatingin siya rito dahil sa maling pagbigkas nito. "Hagdanan. Ladder."

"That's what I said, hadganan. Made of rope?"

Napakunot siya ng noo, natitigan ito, pagkuwa'y umiling na lang. "Oo, isasabit ko sa gilid ng kubo pababa sa tubig."

"Oh, that is interesting. I like it."

Tumigil siya sa ginagawa. Tiningnan uli ito. "Hindi ka taga-rito ano?"

Tumaas ang isa nitong kilay, umismid, suminghal bago nagpakawala nang malalim na hininga. "To be honest, I don't know. I was born here but...I grew up somewhere else, oceans away from my family."

"Kaya ba hindi ka nagtatagalog? Hindi ka ba marunong?"

"I understand more than I can speak. My Tia Katerina taught me how to."

Natigilan siya sa narinig na pangalan, napaisip, inalala sa isipan kung saan nabasa ang pangalang iyon, hanggang sa magbalik sa isipan kung saan nga. Masusi niyang pinag-aralan ang mukha ng katabi, may ilang katanungang nais maglaro sa isipan. Tumikhim muna siya bago nagsalita uli.

"A-ano na nga uli 'yong pangalan?"



A/N:

Hi! I appreciate you all for coming here, please leave this chapter a vote and reaction, masisiyahan po ako nang sobra.

Thanks!

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
7.4M 207K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
757K 26.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.