One Sided Love ✔️

By Everjoy_Condes

532K 16.5K 1.7K

(COMPLETED) (NAIVE SERIES: Book 2) "If you love someone secretly, accept the possibility that you'll hurt si... More

Thank You, Team JOSHNIC! ❤️
Prologue
OSL Kabanata: 1
OSL Kabanata: 2
OSL Kabanata: 3
OSL Kabanata: 4
OSL Kabanata: 5
OSL Kabanata: 6
OSL Kabanata: 7
OSL Kabanata: 8
OSL Kabanata: 9
OSL Kabanata: 10
OSL Kabanata: 11
OSL Kabanata: 12
OSL Kabanata: 13
OSL Kabanata: 14
OSL Kabanata: 15
OSL Kabanata: 16
OSL Kabanata: 17
OSL Kabanata: 18
OSL Kabanata: 19
OSL Kabanata: 20
OSL Kabanata: 21
OSL Kabanata: 22
OSL Kabanata: 23
OSL Kabanata: 24
OSL Kabanata: 26
OSL Kabanata: 27
OSL Kabanata: 28
OSL Kabanata: 29
OSL Kabanata: 30
OSL Kabanata: 31
OSL Kabanata: 32
One Sided Love: Cast
OSL Kabanata: 33
OSL Kabanata: 34
OSL Kabanata: 35
OSL Kabanata: 36
OSL Kabanata: 37
OSL Kabanata: 38
OSL Kabanata: 39
OSL Kabanata: 40
OSL Kabanata: 41
OSL Kabanata: 42
OSL Kabanata: 43
OSL Kabanata: 44
OSL Kabanata 45: The Finalé ❤️
Naive Series ❤️

OSL Kabanata: 25

8K 345 38
By Everjoy_Condes

Abala sa paggawa ng report si Nicole para sa kanyang aralin bukas, nang biglang marinig niyang tumunog ang kanyang telepono. Wala sa sariling sinagot niya ito nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Hello..." bungad niya rito.

"Nicole..."

Bigla namang kinutuban ang dalaga nang marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya. Hindi niya tiyak, ngunit may kutob siya na boses ni Icarus iyon.

"H-hello, sino 'to?" pagkukunwaring turan ng dalaga rito.

"It's Icarus..." maagap na sambit naman ng binata sa kabilang linya.

Kumabog nang husto ang dibdib ni Nicole, dahil nasigurado niya na tama ang kanyang hinala na si Icarus ang taong kausap niya ngayon sa kabilang linya.

"What do you want?" malamig na turan ng dalaga, dahil aaminin niyang sumama rin ang loob niya rito, dahil sa ginawang pang-iiwan ni Icarus sa kanyang matalik na kaibigang si Raine.

"C-can we meet?" alanganing saad nito, na nakapagpabalik sa kanyang katinuan.

"Whe..." hindi na naituloy ni Nicole ang kanyang sasabihin nang biglang may kumatok sa kanyang pintuan. "Wait lang Icarus..." aniya bago naglakad para buksan ang pintuan.

Bumungad sa kanya ang Inang si Mama Janet, "Anak nasa baba si Josh." anito na mas ikinabigla naman ni Nicole.

"Ahh sige po Ma, sunod na lang po ako sa baba." aniya bago nginitian ito ng alanganin.

Hindi na rin naman sumagot pa si Mama Janet, kaya't walang sabi-sabing binalikan ni Nicole ang kanyang telepono, "Icarus, saka na tayo mag-usap. Marami kang ipapaliwanag sa akin. Kala mo d'yan ahh."

"I know, that's why I wanted to talk to you."

"Bukas after school, kita tayo sa coffeeshop sa labas ng Trinus University."

"Alright, sorry and thank you Nicole."

"Wag ka munang mag-thank you dahil hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo kay Raine. Hangga't wala kang valid reason na sasabihin, kung bakit ka umalis ng walang paalam ay wala rin akong panahon para tanggapin ang sorry mo." dismayadong saad ni Nicole sa binata.

"Haaayyy... I'm ready to tell you everything, but please... Wag mo munang sabihin kahit kanino lalong-lalo na kay Raine na nag-usap tayo." pakiusap ni Icarus sa kabilang linya.

Nakaramdam naman ng awa si Nicole sa dating ng boses ng binata sa kabilang linya. Para itong may dinadala na mabigat sa kanyang kalooban, na gustong-gusto na niyang ibulalas.

"Makakaasa ka... Sana lang hindi magalit sa akin si beshie sa pakikipag-usap ko sayong ito." nakangiwing turan ng dalaga.

"After nating mag-usap, haharapin ko na si Raine."

"You better be... Malaki ang naging epekto ng pag-alis mo sa buhay ni beshie. Kaya gandahan mo ang pagpapaliwanag mo sa kanya."

"I will... Thank you ulit... For talking to me."

"No worries... Oh sige na, bukas na lang tayo chika. Byers!" aniya sa binata.

"Thank you, Nicole. Bye." matapos no'n ay agad pinutol ng dalaga ang linya ng telepono.

Mabilis niyang nilisan ang kanyang silid para harapin si Josh. Dali-dali siyang bumaba ng hagdanan at agad naman niyang nasilayan ang binata na ngayon ay halatang may malalim na iniisip.

Dagli niya itong nilapitan sabay sabing, "Oh anong atin?" pa-cool na bungad niya rito.

Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Josh at kitang-kita ni Nicole ang paghihirap sa itsura nito ngayon. Dala nang matinding pag-aalala'y agad niyang tinabihan ito sa sofa, "Anong nangyari?"

Napatingin naman si Josh sa bukana ng kusina, dahil nakatayo roon si Mama Janet na abala sa kanyang pagluluto ng hapunan.

Nakuha naman agad ni Nicole ang dating ng titig ni Josh. Alam niyang nahihiya ito sa kanyang Ina, kaya't mabilis niyang hinila ang kanang kamay ng binata para dalhin sa garden.

"Spill..." saad ni Nicole nang marating nila ang bench doon na yari sa kahoy. Mabilis na naupo ang dalaga bago pinag-ekis ang kanyang mga hita, na parang naghihintay ng sasabihin ni Josh.

Sandali siyang nilingon ni Josh bago humugot ng malalim na hininga, "Icarus is back." problemadong saad nito bago napasuklay ng kanyang buhok, dahil sa frustration.

Nabigla naman si Nicole sa sinabi ng binata. Naalala niya tuloy ang pinag-usapan nila ni Icarus kanina, kaya't walang sabi-sabing sumagot siya nang, "T-talaga? K-kailan pa?" pakunwaring wika ni Nicole bago nag-iwas ng tingin sa kanhang kaibigan.

Binalingan naman siya ng tingin ni Josh bago tumingala't napapikit ng mariin. Mabilis itong tumabi sa inuupuan ni Nicole, "Raine saw him, kanina noong nasa mall kami." balisang turan nito bago pinagsaklob ang kanyang mga kamay.

Dahan-dahang tiningnan ni Nicole ang binata sabay sabing, "Talaga? Nag-mall kayo?" mapaklang saad ng dalaga rito.


Kunot noong napabaling naman si Josh, nang marinig ang timbre ng pagtatanong na iyon ng dalaga, "Y-yes... Is there something wrong with that?"

"Wala naman, bakit mo naman natanong?" at sa puntong iyon ay si Nicole naman ang napakunot noo sa dating ng pananalita ng binata.

"Nothing... You sounded like a jealous girlfriend, when you said those things." ani Josh bago nagkibit balikat.

"Kapal ahh... Hindi ko pinangarap na maging girlfriend mo noh!" sarkastikong saad ni Nicole bago napairap sa kawalan.

"Hahaha!" halakhak ng binata. "Are you sure about that?" saad ni Josh habang taas baba ang mga kilay na animo'y nang-aasar.

Pinamulahan naman si Nicole dahil doon, "Hala siya! Feel na feel mo naman na gusto kita noon... Uso ang mag-move on Kuya. Tsss..." natatawang sambit ni Nicole rito, ngunit sa loob-loob niya ay gusto na niyang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan.

Mabilis naman siyang hinawakan ni Josh sa magkabilang balikat habang diretso ang tingin sa kanyang mga mata, "Naka-move on ka na nga ba talaga sa akin, Nicnic?" seryosong saad nito, na hindi man lang napuputol ang kanilang mga paningin.

"W-wuy... A-ano bang s-sinasabi mo d'yan?" nauutal na sambit ng dalaga rito.

"Hindi mo na ba talaga ako gusto?" seryosong saad ni Josh, kaya't mas lalong nalilito si Nicole sa mga nangyayari.

"A-ano bang k-klaseng tanong 'yan?" kinakabahang turan pa ng dalaga.

"Just tell me the truth, Nicnic... Naka-move on ka na ba talaga sa akin?"

Sa puntong iyon ay sumeryoso na rin si Nicole rito, "Kung sasabihin ko bang hindi pa, may mababago ba?"

"Oo o hindi lang Nicole."

"Oo! Oo naka-move on na ako sayo, Josh. Dahil mahirap magmahal nang walang kasiguraduhan." matigas na saad ni Nicole habang diretsong nakatangin sa mga mata ng binata.

Nakita niya na biglang nalungkot ang mga mata ni Josh nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Kahit nasasaktan ay mas pinili ni Nicole ang sabihin ang mga bagay na iyon, para ilayo ang kanyang sarili sa kanyang nararamdaman para sa binata.

"I know you would say that... Sorry kung masyado na akong na-late sa pagmamahal mo," madamdaming saad ni Josh bago siya nito nilingon. "Sana noon pa lang nakita ko na kung gaano mo ako kamahal, para hindi tayo pareho nasasaktan."

"H-hindi kita maintindihan." naguguluhang sambit ni Nicole rito.

"Mas maigi nang malabo ang sitwasyon para sa ating dalawa, Nicnic. Mas maigi nang wala tayo sa punto ng isa't isa, para hindi tayo tuluyang magkasakitan pa."

"Tsss... Mas malabo pa sa blurred na nerdy glasses mo noon yang sinasabi mo sa akin Josh. Siguro nga may mga bagay talagang sadyang pinalabo nang sitwasyon, dahil wala naman talagang dapat palinawin sa sitwasyon natin mapa-noon man o ngayon. Dahil wala naman talagang tayo."

"I'm so sorry Nicnic."

"Sus! Puro ka sorry, hindi ka pa ba nagsasawa kakahingi ng tawad sa mga bagay na wala ka namang kinalaman?" sarkastikong saad ni Nicole na siyang nakapag-payuko sa binata.

"Wag ka mag-alala, Josh... Tanggap ko na noon pa man na kahit kailan ay hindi ka magiging akin. Dahil sa una pa lang ay wala naman talagang ikaw at ako, na matatawag nating, tayo." mapaklang saad pa ni Nicole rito.

Nasa ganoong sitwasyon ang dalawa nang biglang narinig nilang nagsalita si Mama Janet sa likod bahay, "Nicnic, nakahain na ang hapunan. Josh tara na't sumabay ka na sa amin."

"Sige po Ma, sunod po kami ni Josh." ani Nicole bago kinawayan ang kanyang Mama Janet.

"Sige Nicnic... Mauna na ako." pamamaalam ni Josh sa dalaga.

"Sus! Ang drama mo, tara na sa loob sabay ka na sa aming kumain."

"M-may lakad pa kasi ako eh."

Mabilis naman itong sinamaan ni Nicole ng tingin sabay sabing, "Kapag hindi ka sumabay sa amin, itatakwil na kita nang tuluyan kasama ang platonic friendship natin." pagbabanta nito sa binata.

Nanlalaki ang mga matang napatango na lang si Josh sa dalaga, dahil hindi naman niya kaya pang mawala pati na ang kanilang pagkakaibigan.

"Good boy, tara na habibi." nakangiting saad ni Nicole bago tinalikuran ang binata.

Naestatwa naman si Josh sa biglang sinabi ni Nicole. Naalala niyang muli, na tinatawag din siya nitong habibi noon. Kaya walang sabi-sabing hinablot niya ang braso nito saka niyakap ng sobrang higpit ang dalaga,

"I knew it... I knew it!"

"S-sinasabi mo d'yan?" naguguluhang saad ni Nicole.

"Nothing... Masaya lang ako."

"Huh?"

Mabilis namang humiwalay si Josh rito bago hinaplos ang pisngi ng dalaga, "Aayusin ko na ang lahat para sa atin, Nicnic."

"H-hindi kita maintindihan."

"Babalikan kita kapag naayos ko na ang lahat." naluluhang sambit ni Josh dito.

"J-josh... Okay ka lang ba?" hindi na naituloy ni Nicole ang kanyang sasabihin nang bigla siyang yakaping muli ng binata.

Bago pa man makapagprotesta ang dalaga ay agad humiwalay si Josh dito sabay sabing, "Thank you Nicnic... Thank you."

"Y-you're welcome? Kahit hindi kita maintindihan." patanong na saad ng dalaga dala ng matinding kalituhan, sa ikinikilos ni Josh ngayon.

Ngumiti lang ito sa kanya...

"Tsss... Ngiti ka pa d'yan, tara na nga sa loob. Nagutom ako sa kakayakap mo, wala ka namang pinupunto kung saan papunta ito." ani Nicole rito.

"In time..."

"Tsss... Ewan! In time, in time..." napapailing na saad ng dalaga bago tuluyang naglakad papasok sa kanilang tahanan.




*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 210 20
Samantha Bliss Cordova is single for a long time. She's too bitter for love. She despises those cheesy interactions especially during Valentines Seas...
284K 4.2K 37
I'm not her bedwarmer nor her boyfriend. It's just her trips. She's just a damn feeler. She's not the girl I liked, not my ideal girl. She's the mos...
2.7K 246 34
𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer...
51.5K 1.3K 53
Harris Neil Dominguez is a Top Star Celebrity in the country ngunit simula ng mamatay ang kasintahan sa malagim na aksidente ay nawalan na rin ito ng...