KathNiel: One Shot Stories

By daffodil-

48.8K 726 123

a compilation of one shot stories starring kathryn bernardo and daniel padilla ((former porebercee)) More

KathNiel: One Shot Stories
#2. Ikaw ang Mahal 'ko!
#3. Bestfriends Forever <3
#4. Paper Plane :">
#5. Too Late
#6. Pick Up Lines
#7. Pick Up Lines II
#8. Gitara <3
#9. Maybe </3
#10. Slow Dance :")
#11. You...

#1. If Happy Ever After did Exist

5K 87 26
By daffodil-

KathNiel: One Shot Stories

#1: If Happy Ever After did Exist

........................................................

 

 

[Kathryn’s POV]

Andito ako ngayon sa park, inaantay ang pinakamamahal ‘kong boyfriend. Si Daniel. Cheesy na kung cheesy eh ba’t ba, 1st anniversary kaya namin ngayon. At kaya nga ako nandito ay dahil sa sinabi niyang dito daw kami magkikita.

Super saya ‘ko ngayon, kasi diba, nakaraos kami ng isang taon. Super duper thankful na ‘ko dun ‘no! Sa dami ba naman ng nangangarap na mapasakanila ang boyfriend ‘ko, sinong hindi matutuwa na naka-isang taon ang relasyon niyo ng walang nanloloko sa pagitan niyo... pero sa pagitan namin, wala nga ba?

 

 

 

Aaminin ‘ko, kahit na naka-one year na kami... ‘di naman ganun ka-okay yung relationship namin. Nung maka-5 months na kasi yung relationship namin eh, andun na yung pagkadalang ng sweetness at andun na din yung pagkadalas ng coldness.

Pero, malaki pa rin yung tiwala ‘ko sakanya. ‘Di naman niya ‘ko lolokohin diba? Mahal naman niya ‘ko eh. Mahal pa nga ba?

 

 

 

Ay Kathryn! Pantanga lang tayo ngayon eh ‘no? Anniversary na anniversary niyo, kung ano-ano pinag-iiisip mo dyan. Kung kailan kayo naka-isang taon at saka ka ba magdududa?

Napabuntong hininga na lang ako.

Dapat masaya ako ngayon, bawal ang bad vides!

Tumingin ako sa wrist watch na suot ‘ko, 3:30pm na pala. Hay, 30minutes ng late si Daniel—alas-tres kasi ang usapan namin—baka natraffic lang, sabado ngayon eh.

Konting hintay pa, panigurado, andito na yun.

1 hour after...

 

 

 

Still, no sign of my boyfriend, no sign of Daniel Padilla; baka nagkaroon lang ng aksidente kaya tumindi lalo yung traffic. Oo, tama, uso pa man din ang aksidente ngayon.

2 hours after...

 

 

 

Wala pa din, hay, baka nasiraan lang siya. Or baka naflat yung gulong ng sasakyan niya kasi matagal na tagal na din yun. Oo, tama, think positive lang Kathryn. Dadating din yun! Yun pa, eh mahal na mahal ‘ka nun.

3 hours after...

 

 

 

Hanggang ngayon wala pa din siya, baka nagkaroon lang ng aberya. Baka ano—uhm, hay... dadating pa ba siya?

Baka hindi nanaman eh.

Ah hindi! Konting hintay pa Kath, panigurado dadating na yun.

4 hours after...

Wala pa din talaga... wala nanaman... hindi nanaman siya sumipot...

Daniel naman eh, paramdam mo namang mahal mo pa din ako. Kasi ako, mahal na mahal pa din kita.

 

 

 

“Oh luha, ‘wag ngayon. Please lang, dadating siya eh... nakakasigurado ako dun.”

Tumingala ako, pinipigilan yung mga luha ‘ko mula sa pagpatak. Ayokong umiyak, ayokong umiyak nanaman... kailangan ‘kong magpakatatag eh, kailangan ‘kong maging matatag para maipaglaban ‘ko yung relasyon namin.

Mahal ‘ko siya eh, mahal na mahal.

 

 

 

***

 

 

 

Nag-antay pa ‘ko ng isa pang oras bago tuluyang lisanin yung lugar,

At saka, gutom na ‘ko ‘no! Babalik din ako dun, mamaya diyan andun na pala si Daniel eh, malay niyo siputin pa niya ‘ko. Malay niyo din may nangyari lang talaga kaya siya na-late ng 5 oras at kalahati. Imposibleng paasahin niya ‘ko sa wala...

Mahal niya nga kasi ako diba?

 

 

 

Nagtuloy na lang ako sa paborito namin kainan. Dito, sa McDonald’s, sa lugar kung saan siya nagtanong sa’kin kung pwede niya ‘ko ligawan. Dito rin yung lugar kung saan ‘ko siya sinagot. Eto rin yung lugar kung saan kami unang nagdate.

Super memorable sa’kin ng lugar na ‘to.

Umorder na ‘ko ng fries at float, eto rin yung favorite naming orderin ni Daniel.

Naghanap na ‘ko ng vacant seat, halos punuan na pala dito—isang table na lang yung nakikita ‘kong bakante eh. Saktong sa tabi pa ng sweet na sweet na couple.

Dahil no choice, dun ako naupo sa table na yun.

Habang kumakain, naririnig ‘ko yung sweetness nung mag-jowa. Asar lang uy, pero yung girl lang yun naririnig ‘kong nagsasalita. Tawa lang ng tawa si boy eh, grabe nga, parang pareho yung tawa ni boy at ni Daniel.

 

 

 

“Super duper swerte ‘ko talaga sa’yo, babe.” Sabi nung girl, hay nako, kung andito lang si Dan—

“Ako din naman eh, sobrang swerte ‘ko din na maging boyfriend mo. I love you.”

OH MY GOSH.

K-kilala ‘ko yung... yung b-boses na yun...

Kay... kay Daniel na boses yun. ‘Di ako p-pwedeng magkamali.

 

 

 

Dahan-dahan akong napalingon sa’kanila... and boom, patuloy na sa pag-agos yung luha ‘ko.

Sht.

“D-daniel...” tawag ‘ko sakanya.

 

 

 

“Kath?” napalingon sya sa’kin, bakas ang pagkagulat sa mukha niya.

 

 

 

“Babe, sino siya?” tanong sa’kanya nung babaeng kasama niya. Lungyuuh, babe ‘ko yan eh. AKIN YAN! Akin pa nga ba?

 

 

 

Ah basta! Mahal ako ni Daniel, mahal niya ‘ko... mahal niya ‘ko.

 

 

 

Napalingon si Daniel dun sa babae, please... sabihin mong ako yung girlfriend mo... sabihin mong—

“Ah wala, friend ‘ko lang.”

Yung mga salitang yun, parang matutulis na kutsilyo na paulit-ulit sumaksak sa puso ‘ko. Ang sakit...sobra.

‘Di ‘ko na nakaya, lumabas na ‘ko dun at patakbong tinungo ang park.

Hindi eh, hindi. Imposible, hindi si Daniel yun... hindi siya yun. Magkikita pa kami sa park eh...

Kaso, ng marating ‘ko yung park. Wala, wala pa ding tao... wala pa din si Daniel.

Napa-upo na ‘ko sa lapag at dun na ‘ko nagbreak down. Ang sakit kasi eh, ang sakit-sakit—ang sakit ng pakiramdam na binalewala niya yung relasyon niyo.

Sobrang sa’kit.

Kasabay pa ng pag-agos ng luha ‘ko eh ang pagbuhos ng ulan. Sobrang lakas ng ulan pero wala akong pakialam, ‘di pa rin ako natinag sa kinauupuan ‘ko. Ano naman kung magkasakit ako diba? Matutumbasan ba nun ang sakit na nararamdaman ‘ko ngayon?

May hihigit pa ba sa sakit na nararamdaman ‘ko ngayon?

 

 

 

Napatingala na lang ako ng hindi na ako nababasa ng ulan kahit na patuloy pa rin ito sa pagbuhos. At doon, nakita ‘ko ang taong mahal na mahal ‘ko... si Daniel.

 

 

 

Dali-dali akong tumayo at niyakap siya.

“Dumating ka... *sob* sabi ‘ko na nga ba hindi ikaw yung nasa McDonald’s kanina eh. *sob*Kasi hindi mo ‘ko kayang lokohin diba? *sob* Kasi mahal mo ‘ko diba? *sob* Diba?”

Yakap-yakap ‘ko siya pero... he’s not hugging me back.

“Mahal mo pa rin ako diba? Daniel, ako pa rin naman diba? Ako pa rin naman ang laman ng puso mo diba? Diba!?” mas lalong lumakas ang pagbuhos ng ulang kasabay ng walang humpay na pag-agos ng luha ‘ko.

“I’m sorry...”

 

 

 

“Sorry!? Sorry, ha, Daniel!? Ginawa ‘ko naman lahat diba? Ginawa ‘ko naman lahat para maging perfect girlfriend mo! Minahal naman kita diba!? Kulang pa ba ha!? Kulang pa ba lahat ng efforts at sakripisyo ‘ko!? Ha, Daniel! Kulang pa ba...”

Kumalas ako sa pagkakayakap ‘ko sakanya at hinarap siya.

“Sorry...”

 

 

 

“Anong gayuma ba ang binigay sa’yo ng babaeng yun ha!? Ano!? Bakit... bakit mo ‘to nagawa?”

“Sorry... pero, pero mahal ‘ko siya. Mahal ‘ko si Steph.”

 

 

 

“No! Hindi! Hindi... tayo pa diba? Anniversary pa nga na’tin diba?”

 

 

 

“Let’s end this...” and with that, iniwan niya na ‘ko.

Iniwan niya ‘kong luhaan at basag-basag ang puso.

Kala ‘ko ba uso ang happy ever after? Kala ‘ko ba nag-eexist yun? Pero bakit ganito, bakit ako nasasaktan ng ganito?

 

 

 

If happy ever after did exist... bakit ako umiiyak? Bakit nagkapiraso-piraso ang puso ‘ko? Bakit... bakit iniwan ako ng taong mahal na mahal ‘ko?

 

 

 

----END----

...................................................................

[EDITED] :”)

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
10.6K 1.6K 43
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...
8.9K 407 26
Nalilito na ako kung saan nga ba ang tahanan ko, sa bahay ko o ikaw mismo. Craye patiently waited for her love of her life but Justine decided to wal...
16.4K 1.2K 29
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴