The Wicked Cinderella

HotNovember23 által

505K 8.4K 1.3K

[BOOK 1, completed, unedited] Wala raw permanente sa mundo kundi pagbabago. Siya na ngayon ang malupit na kon... Több

Notable Notes
Trailer
The Wicked Cinderella
Wicked Chapter One
Wicked Chapter Two
Wicked Chapter Three
Wicked Chapter Four
Wicked Chapter Five
Wicked Chapter Six
Wicked Chapter Seven
Wicked Chapter Eight
Wicked Chapter Nine
Wicked Chapter Ten
Wicked Chapter Eleven
Wicked Chapter Twelve
Wicked Chapter Thirteen
Wicked Chapter Fourteen
Wicked Chapter Fifteen
Wicked Chapter Sixteen
Wicked Chapter Seventeen
Wicked Chapter Eighteen
Wicked Chapter Nineteen
Wicked Chapter Twenty
Wicked Chapter Twenty-One
Wicked Chapter Twenty-Two
Wicked Chapter Twenty-Three
Wicked Chapter Twenty-Four
Wicked Chapter Twenty-Five
Wicked Chapter Twenty-Six
Wicked Chapter Twenty-Eight
Wicked Chapter Twenty-Nine
Wicked Chapter Thirty
Wicked Chapter Thirty-One
Wicked Chapter Thirty-Two
Wicked Chapter Thirty-Three
Wicked Chapter Thirty-Four
Wicked Chapter Thirty-Five
Wicked Chapter Thirty-Six
Wicked Chapter Thirty-Seven
Wicked Chapter Thirty-Eight
Wicked Chapter Thirty-Nine
Wicked Chapter Forty
Wicked Chapter Forty-One
Wicked Chapter Forty-Two
Wicked Chapter Forty-Three
Wicked Chapter Forty-Four
Wicked Chapter Forty-Five
Wicked Chapter Forty-Six
Wicked Chapter Forty-Seven
Wicked Chapter Forty-Eight
Wicked Chapter Forty-Nine
Last Wicked Chapter
ANNOUNCEMENT no. 2

Wicked Chapter Twenty-Seven

7.1K 123 29
HotNovember23 által

Dedicated to AsiAphrodite03 :) Kinilig ako sa comments niya eh. Ito lang ang kaya kong ibigay in return. Salamat talaga! :)

---

Ngayong iniisip ko, parang napakawalang kwenta ng kwentong nagawa ko. Nung una feeling ko ang brilliant ko sa idea ko pero lately, pag nagba-back read ako, nari-realize kong mukha pala itong basura... ang dami kasing "filler chapters" o yung mga tipo ng chapter na wala namang kwenta pero pinost ko pa. Humaba tuloy nang husto. Sa tingin ko nga malabong mapagkasya ko ito sa 50 chapters. Baka umabot ng 60 or 70... ang haba 'no? but anyway, right now, ginagawa ko ang best ko (sa lagay na ito) para mapagtino ang mga nalalabing chapters. 

Syangaps, kahit basura na ang tingin ko sa kwentong ito ni Cinderella, may mga eksena at chapters pa rin akong gusto.. tulad ng isang 'to. Yung first part di ko masyadong bet (pero sinulat ko pa rin... kelangan lang) pero yung banda sa part ng pagdating ni Cindy hanggang sa dulo, feel na feel ko talaga hahahah.

Masasabi kong isa ito sa mga favorite chapters ko. At dahil dyan, sana ambunan n'yo naman ng onting feedback ang kwentong 'to, pwede ba? Nagmamakaawa na ako sa lagay na 'to, patulan n'yo naman!

---

Wicked Chapter Twenty-Seven

"Tama na! Please! Stop it! Ano ba? Tumigil na kayo!"

Panay sigaw ang kayang gawin ni Stephanie. Gusto niyang awatin ang dalawang binata pero hindi niya magawa. Natatakot siyang maipit sa sapakan ng dalawa.

Pasuntok na sana si Prince kay Zach pero ginamit nito ang saklay panghampas sa tagiliran niya. Sinunod-sunod ni Zach ang paghampas ng saklay niya kay Prince hanggang bumagsak ito. Hindi naman makatayo si Prince lalo noong sipa-sipain na siya ni Zach.

"Tama na! Ano ba? Tama na!" ang patuloy na sigaw ni Stephanie. Ni hindi niya maisipang lumapit at itulak ang may pilay na lalaki.

"Tama na!" pakiusap pa niya. "Tumigil ka na! Tigilan mo na si Prince!"

Naiiyak na noon si Stephanie. Wala siyang magawa kundi ang panoorin ang bawat pagtadyak ng nakasaklay na si Zach sa lalaking mahal niya.

Mabuti at may dalawang lalaking dumating. Mga team mates ni Prince ang mga yon. Nakita sila ni Stephanie at agad siyang sumigaw ng tulong. Nagulat ang dalawa sa nakita. Tumakbo sila palapit para awatin si Zach at ilayo kay Prince.

"Pare, tama na!" sabi ng isa.

"Tang ina! Bitawan n'yo 'ko!" palag ni Zach.

"Gago 'to ah! Tama na sabi eh!"

"Prince!" sigaw na naman ni Stephanie. Agad niyang nilapitan si Prince. Tinulungan niya itong makabangon.

Putok ang kaliwang sulok ng pang-ibabang labi ni Prince. Agad ding lumitaw ang maliit na pasa malapit sa isa niyang kilay.

"Puta! Sabing bitawan n'yo ko eh!" patuloy na pagpupumiglas ni Zach.

"Ano ba!" sigaw ni Stephanie sa dalawa. "Dalhin n'yo na nga yan! Ilayo n'yo siya kay Prince! Mamaya kung ano pang gawin n'yan eh!"

Agad namang sumunod ang dalawa. Pilit nilang kinaladkad ang pipilay-pilay maglakad na si Zach. Naiwan na lang doon si Prince at Stephanie, pati ang saklay ni Zach na nabitawan niya kanina noong may umawat sa kanya.

"My Prince, okay ka lang? Kaya mong tumayo?"

Hindi sumagot si Prince. Itinulak niya pa nga si Stephanie palayo sa kanya at pinilit tumayo mag-isa. Ang kaso ay kumirot ang tagiliran niya. Tinamaan iyon ng saklay ni Zach. Dalawang beses din siyang nasipa ng binata sa parteng iyon. Halos bumagsak si Prince. Mabuti at naalalayan siya ni Stephanie.

"Kapit ka sa'kin. Samahan na kita sa clinic!"

Gusto sana ulit ni Prince na ilayo si Stephanie sa kanya pero hindi na niya magawa. Nakahawak siya sa tagiliran niya at nakaakbay sa balikat ng dalaga. Si Stephanie mismo ang nagsampay ng braso ni Prince paakbay sa kanya.

Wala nang nagawa si Prince nang mag-umpisang maglakad si Stephanie. Sinabayan na lang niya ang bawat hakbang nito. Hindi kalayuan doon ang infirmary kaya narating nila iyon agad.

"Maupo ka muna," sabi ni Stephanie matapos alalayan si Prince pababa sa kama. Wala doon ang school nurse nila.

"Kaya ko na. Umalis ka na."

Napakagat si Stephanie sa kanyang pang-ibabang labi. Hindi niya pinansin ang malamig na tinuran ng binata. Hinanap niya ang first aid kit at bumalik sa tabi ni Prince nang makita iyon.

Kumuha ng bulak at gamot si Stephanie mula sa kit. Palipat-lipat ang tingin niya kay Prince at sa wound solution na inilalagay niya sa hawak na cotton ball.

Itiningala niya ang mukha ni Prince. "Patingin nga."

Agad iniiwas ni Prince ang mukha niya nang subukan ni Stephanie na gamutin ang sugat malapit sa labi niya.

"My Prince?"

"Tama na, umalis ka na."

Hindi nanaman pinansin ni Stephanie ang sinabi ni Prince. Sa halip ay muli niyang sinubukang lapatan ng gamot ang sugat nito.

Napatingin na lang siya kay Prince nang mahigpit siya nitong hawakan sa pulsuhan para pigilan.

"My Prince..." ang tanging nausal ni Stephanie. Nakatitig siya sa mga mata ng binata. Halos blangko ang ekspresyon nito.

Napatingin si Stephanie sa braso niya. Unti-unting humihigpit ang hawak ni Prince sa kanya.

"N-Nasasaktan ako," aniya matapos subukang bawiin ang kanyang kamay ngunit bigo siya. Mahigpit ang hawak ni Prince sa kanya. Naroon pa rin ang tila malamig nitong pagtitig sa kanya.

"Umalis ka na."

"P-Pero..."

"Layuan mo na 'ko."

Marahang umiling si Stephanie. Paulit-ulit niya iyong ginawa. Habang tumatagal ay nanlalabo ang paningin niya. Napupuno na kasi ng luha ang gilid ng mga mata niya.

"Tama na," pakiusap ni Stephanie. "Tumigil ka na. Itigil mo na 'to. Prince, wag mo naman akong itaboy. Wag mo 'kong itulak palayo sa'yo."

Nabitawan ni Prince ang braso ni Stephanie. Pumikit na lang siya nang sandaling magbagsakan ang mga luha ng dalaga. Ayaw niya talagang nakakakita ng babaeng umiiyak... pero heto siya, nagpapaiyak ng isa.

"Prince... mahal kita."

"Tama na."

"Mahal na mahal kita, Prince!"

Hindi na nakapagpigil si Prince at nasigawan na naman niya ito. "Stephanie ano ba?! Bakit ba ang kulit mo? Hindi ka ba talaga makaintindi?"

"E ikaw? Ba't hindi mo maintindihang mahal na mahal kita at hindi ko kayang mawala ka?"

Napayuko lang ulit si Prince. "I'm sorry."

"Balikan mo na kasi ako, please?"

Pag-iling lang ang naisagot ng binata. Ayaw na niyang lokohin pa si Stephanie. Ayaw na niyang gamitin ito sa pansarili niyang interes. Hindi rin naman gagana. Baliwala. Hindi niya kakayaning kalimutan ang nararamdaman niya kay Cindy kahit subukan pa niya.

"My Prince," naiiyak pa ring sabi ni Stephanie matapos tangkaing hawakan ang binata sa mukha.

Hinawakan lang ulit ni Prince sa braso si Stephanie para pigilan.

"Stop," aniya pa. "Just stop it, okay? Stop."

Umiling lang ulit si Stephanie.

"Stephanie?"

Binawi ni Stephanie ang braso niya mula sa kamay ni Prince sabay akap rito. Ipinagpatuloy niya ang pag-iyak sa balikat nito.

Napabuntong-hininga na lang si Prince. Hinawakan niya si Stephanie sa balikat at sinubukan itong itulak, ang kaso ay ayaw nitong padala.

"Stephanie, tama na. Sinasaktan mo lang ang sarili mo sa ginagawa mo eh."

Umiling si Stephanie sabay bitaw sa yakap niya kay Prince para harapin ito.

"Hindi Prince. Ikaw lang ang nananakit sa'kin. Bakit mo ba kasi 'to ginagawa? Hindi mo na ba talaga 'ko mahal?"

Inilinga ni Prince ang mukha sa ibang direksyon. Ayaw niyang sumagot. Mas gugustuhing niyang manahimik kaysa sumagot.

"My Prince?"

"Tama na."

"I love you."

Hinarap na muli ni Prince ang makulit na babae. "Stephanie?"

Kinuha naman ni Stephanie ang pagkakataon para muling yapusin si Prince. Kasabay rin noon ay ang pagsalubong niya sa labi ng binata.

Ito ang mismong eksenang naabutan ni Cindy nang makarating siya sa infirmary.

Hinihingal siya. Kung dahil ba yon sa pagmamadali niya o sa inis sa naabutan niya ay hindi rin niya sigurado.

"Bastard!" mahinang aniya. Agad siyang naglakad palapit sa dalawa. Hinablot niya ang buhok ni Stephanie at hinatak ito palayo kay Prince.

Nanlaki ang mga mata ni Prince nang makita niya si Cindy. Agad siyang napatayo. "C-Cin—"

Hindi niya manlang nakumpleto sasabihin nang sampalin na siya ng galit na dalaga.

Natulala si Stephanie. Pakiramdam niya nagpapaulit-ulit sa tenga niya ang malutong na pagtama ng palad ni Cindy sa pisngi ni Prince.

Paharap pa lang sana si Prince kay Cindy nang bigla itong tumalikod at magmadaling lumabas ng infirmary.

"Cindy!" sigaw ni Prince sabay hakbang para sundan ang dalaga.

"My Prince!" sigaw naman ni Stephanie. Hinawakan pa niya ang binata sa braso upang pigilan.

Hindi naman nagsalita si Prince. Dali-dali niyang tinanggal ang kamay na nakahawak sa braso niya. Tinalikuran na niya si Stephanie at umalis para habulin si Cindy.

Nagpalinga-linga si Prince sa paligid hanggang makita niya si Cindy. Agad niya itong hinabol. Hindi na niya tinangkang tawagin ito, baka nga naman lalo lang itong magmadaling makalayo.

Nang malapit na siya kay Cindy, hinawakan niya agad ito sa braso para pigilan at paharapin sa kanya.

"Bitawan mo nga 'ko!" utos ni Cindy sabay bawi ng sarili sa kamay ni Prince. Tinalikuran niya ito at muling naglakad.

Sumunod din agad si Prince. Hinawakan na naman niya ito at pilit na pinaharap sa kanya.

"Ano ba?!" sigaw ng galit na bruha.

"Makinig ka muna sa'kin, please?" pakiusap ni Prince. "I can explain. Just let me!"

Humalukipkip lang si Cindy sabay irap sa binata. "I'm not listening!"

Naglakad na naman si Cindy. Sumunod lang ulit si Prince. Sa ikatlong pagkakataon ay hinawakan niya si Cindy.

Kusa na itong humarap sa kanya.

"Fuck!" sigaw niya sa binata. "Ano ba? Ba't ba ang kulit mo? Ba't ang bobo mo? Ba't hindi ka makaintindi?"

Bumuntong-hininga lang si Prince. "Shin."

"Tinatawag mo lang akong ganyan pag galit ako. Lagi kang magso-sorry at sasabihing ayaw mong nagagalit ako sa'yo. Pero bakit? Bakit lagi kang gumagawa ng bagay na ikakagalit ko?"

Umiling lang si Prince. "Hindi ko sinasadya. Tama ka, hindi ko gustong—"

"Shut up!" sigaw ni Cindy. "Gusto ko nang umuwi kaya ipag-drive mo 'ko. Pero gusto ko ng katahimikan kaya itikom mo yang bibig mo!"

Hindi na sumagot pa si Prince. Naglakad na lang siya pasunod rito hanggang marating nila ang kotse ng binata doon sa parking lot.

Tulad ng palagi, sa likod umupo si Cindy. Matapos isara ang pinto sa backseat, dumiretso na si Prince sa pwesto niya. Ini-start na niya ang kotse at umalis na sila.

Habang nasa byahe, panay ang sulyap ni Prince kay Cindy gamit ang rearview mirror ng kotse. Alam yon ni Cindy. Hindi siya manhid at naiirita na siya.

"Ano ba?" sigaw niya. Nakasandal ang likod niya sa upuan at magkakrus ang mga braso, maging ang mga binti niya. "Mag-concentrate ka nga sa pagmamaneho. Wag kang tingin nang tingin! Dudukutin ko yang mga mata mo eh!"

"Cindy," simula niya. Pero barado agad siya sa dalaga.

"Ayokong marinig... sinungaling."

"Magpapaliwanag lang ako."

"Mananahimik ka o bababa ako?"

"Magpapaliwanag lang nga ako."

"Ihinto mo 'tong kotse."

Hindi sumunod si Prince. Nagpatuloy lang siya sa sinasabi niya. "Ba't ba ayaw mong makinig?"

"Bababa ako! Ihinto mo 'to!"

"Hindi. Ayoko."

"Sabing ihinto mo eh!"

Napilitan si Prince na itabi na nga muna ang sasakyan. Agad na kinuha ni Cindy ang mga gamit niya at inabot ang seradura ng pinto. Kaso ay naka-lock ito.

"Buksan mo," utos ni Cindy.

Hindi sumunod si Prince. Ni hindi siya umimik. Nakahawak lang siya sa manibela at diretso ang tingin.

"Bingi ka ba? Sabing buksan mo yung pinto eh!"

Humarap si Prince kay Cindy. "Pakinggan mo muna 'ko, pwede?"

"Ayoko!"

"Mabilis lang 'to. Pakinggan mo muna kasi ako."

"Sabing ayoko eh! Manahimik ka nga!"

"Basta. Magpapaliwanag ako. Sinabi ko na, hindi ako nagsisi—"

Hindi naituloy ni Prince ang sasabihin niya. Bigla kasing tinakpan ni Cindy ang sariling mga tenga. Napabuntong-hininga na lang si Prince sabay ayos ng upo. Isinandal niya ang likod sa upuan at asar na hinampas ang manibela.

Kitang-kita iyon ni Cindy pero wala siyang ginawa. Wala siyang pakialam. Galit siya. Talagang galit siya.

"Wala na kami ni Stephanie," wika ni Prince maya-maya. Wala siyang pakialam kahit tinatakpan pa ni Cindy ang dal'wa nitong tenga. Lalakasan na lang niya ang boses niya para marinig siya ng dalaga.

"Wala na talaga kami," pagpapatuloy niya.

Ibinaba na ni Cindy ang mga kamay niya. "Wala na kayo pero nakikipaghalikan ka pa rin sa kanya? Ah, sabagay, kahit nga si Aya—"

"Aaminin ko, hinalikan ko nga si Aya. Pero si Stephanie... siya lang ang may gusto non! Nagulat ako nung bigla niya 'kong halikan kaya hindi na 'ko nakaiwas. Tapos na kami. Siya lang yung makulit!"

"Ah, so anong pinapalabas mo? Heartthrob ka? Na ang gwapo mo kaya hinahabol-habol ka niya ganon?"

"Wala 'kong sinasabing ganon, Cindy."

"Tinawag mo na naman akong Cindy. Ang hina mo talaga."

Hindi na pinansin pa ni Prince ang pang-iinsulto ni Cindy. Ang mahalaga ay nasabi na niya ang sasabihin niya. Alam niyang malinis na ngayon ang pangalan niya. Alam rin niyang maya-maya ay huhupa na rin ang galit ng mahal niyang prinsesa.

"Sorry. Pero iiwasan ko na talaga si Stephanie. Kaya wag ka nang magalit."

"Tama na," mahinang sabi ni Cindy. Para siyang naubusan ng lakas na sumigaw. "Nakakadiri na."

Hindi maituloy ni Cindy ang sasabihin dahil kinikilabutan talaga siya. Gusto niya sanang sabihing para lang silang magkasintahang nagkatampuhan dahil sa ibang babae.

Magkasintahan. Parang gusto niyang masuka. Ni hindi niya nga maisip kung paanong sumagi ang kalokohang iyon sa utak niya.

"Tumahimik ka na lang dyan. Mag-drive ka na ulit at gusto ko na talagang umuwi."

Napangiti na lang si Prince. Tuluyan nang kumalma ang boses ng kanyang prinsesa. Pinaandar na ulit niya ang sasakyan. Ilang minuto na lang silang nagbyahe bago silang nakauwi.

Bumaba na si Prince ng kotse at pinagbuksan ng pinto ang bruhang Cinderella.

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Cindy. Noon niya lang napansin ang mga sugat sa mukha ng lalaki.

Lumingon si Prince sa ibang direksyon para itago ang mukha. Tinakpan niya pa ang pumutok na bahagi ng labi niya gamit ang kanan niyang hinlalaki.

"Wala 'to," aniya. "Halika na sa loob."

Nauna nang maglakad si Prince. Halatang-halata ni Cindy na gusto nitong umiwas.

"Ah! Naalala ko na. Sinugod ka raw ni Zach?"

Napatingin si Prince kay Cindy. "Ba't nakangiti ka?"

"Wala ka nang pake dun! Ano nga? Totoo? Balita ko nakasaklay daw siya ngayon eh? Anong ginawa mo? Dapat nilumpo mo na nang tuluyan!"

Lihim na napangiti na lang si Prince. Natutuwa siyang isiping wala na talagang pakialam si Cindy kay Zach. Nakakapagtaka iyon dahil si Zach ang unang naging nobyo ni Cindy. Pero anu't-anoman, ang mahalaga ay masaya ngayon ang kanyang prinsesa.

"Ano na? Ba't di ka nagsasalita?"

"Wala 'kong ginawa."

"Wala? Binangasan ka niya tapos wala kang ginawa? Tanga-tanga ka talaga 'no—aray!"

Palibhasa puro siya dada, hindi napansin ni Cindy nang huminto si Prince sa paglalakad. Nauuna ito sa kanya kaya nang tumigil ito, tumama siya  sa malapad nitong likuran.

"Ano ba? Ba't bigla-bigla kang humihinto?"

"M-Ma..." usal ni Prince.

"Ma? Ma ka dyan!" sagot ni Cindy sabay lakad na ulit. Nilagpasan niya si Prince. Diretso ang tingin niya noon. Napatigil na lang din siya nang makita ang isang babaeng nakaupo sa single sofa. Nakatalikod ito sa kanila pero kilala niya kung sino ito.

Sa kanilang magulo't labu-labong bersyon ng kwento ni Cinderella, ang babaeng iyon ang maituturin ni Cindy bilang kanyang malupit na madrasta, si Regina Madrid-Merced, ang ina ni Prince.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

32.6K 1.7K 78
Requiem series 5 He's not a prince. She's not a princess. Fairytales are bullshits. There's no such thing as happy endings.
92.1K 5.3K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
12.5K 927 30
Noong 2009, pangarap ni Armaign ang maging abogado tulad ng kaniyang ama. Kasama ang kaniyang best friend na si Diana at ang kaniyang nemesis na si D...
720K 25.8K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.