Mr. Man In my dreams

By DeeAzelb

71.8K 945 84

one shot Tagalog romance / short love story More

~~~~~~Dos~~~~~~~~
~~~~~Tres~~~~~
~~~~Quatro~~~~~
~~~Finale~~~~
A/N

~~~~~Uno~~~~~~

27K 293 7
By DeeAzelb

"You look so beautiful today Gab. I just can't help but to fall in love with you every day."

Marahan nyang imimulat ang kanyang mga mata saka iginala ang paningin sa kabuuan ng kanyang silid. Naulit na naman pala...

Hindi na nya matandaan kung kelan ito nagsimula, Basta ang alam nya lang matagal tagal na rin itong pabalik balik sa mga panaginip nya.

She's been dreaming of this guy na palaging sinasabi na mahal sya into. This guy who would always make her feel special in her dreams. Ewan nya pero Minsan nakakabaliw na rin dahil kahit anong pilit nya , Hindi nya pa rin masigurado kung sino ba talaga ang lalaking yun. Ang alam nya lang, matagkad ito, maputi, matangos ang I long at higit sa lahat, he has this mesmerizing set of deep brown eyes na hindi nya makakalimutan. Ilang beses nya ng pinilit alalahanin ang mukha ng misteryosong lalaki pero sa tuwing nagigising sya, wala na..wala na syang maalala bukod sa mga features nito.

Baliw na ba ko? Namamaligno?

Dumating na rin sya sa point na main love na rin sa kanya. Nakakatawa ba? Oo, nainlove sya sa isang lalaking hindi nya naman siguradong nag eexist sa mundo. Para na syang tanga na palaging nakatingin sa mukha ng mga lalaking makakasakubong nya hoping she'd finally see him. Pero, wala eh. Negative!

Kaya nga, sabi nya sa sarili ay handa na syang sumuko at Kung hindi ko pa sya makikilala bago matapos ang college life ko, which will be in four months, hindi na nya ipagpapatuloy ang kahibangang ito. Mabubuhay na sya sa reality.

"Gabriella! Bumangon ka na dyan! Malelate ka sa school!" She heard her mom shouted outside her room.

"Anak, hindi kita maihahatid at masusundo today , nasira kase yung makina ng kotse eh plano ko dalhin mamaya sa talyer, mag commute ka na lang muna ha?" Her Mom said matapos ihain sa hapag nyaang toasted breads, hotdogs at orange juice.

"Sige po Ma, Baka malate din nga po pala ko ng uwi today dahil may mga aasikasuhin po ako para sa graduation ko."

"Ah ganun ba? O sya sige, Basta wag ka masyadong magpapagabi. Magdala ka ng payong dahil mukhang masama ang panahon."

Matapos kumain ay agad din syang umalis, kailangan nya kaseng pumasok ng maaga dahil may thesis silang kailangan tapusin ngayong araw.

Shemay! Wala syang makuhang taxi kaya napilitan syang sumakay sa isang air conditioned bus na standing ovation na nga, sobrang siksikan pa! Hindi naman sa maarte sya kaya lang kase, umagang umaga pa lang ang dami ng amoy pawis.

"Ah! Aray!" Daing nya matapos masiksik ng tuluyan ng magpasukan sa bus ang isang grupo ng mga kalalakihan. Nasubsob tuloy sya sa dibdib ng lalaking nasa likuran nya kanina.

"Okay ka lang?" He asked.  Ang ganda n g Boses ni kuya. So mabilis nya iyong tingala to meet his eyes, ang tangkad kase nito. At OMG sobrang gwapo.

"A-ayos lang ako, pasensya na." She said in an apologetic tone. Well, sino ba naman ang hindi mauutal? This guy perfectly fits the word gorgeous! And take note, sobrang bango pa nito.

Halos matunaw ang puso nya ng makitang ngumiti ang lalaki ..kaya naman bago pa nito mahalata ang pamumula ng kanyang mga pisngi ay pinili nyang ilayo na lang ang paningin sa lalaki.

Nangyayare sayo Gab? Nakakita ka lang ng gwapo, kinalimutan mo na yung pangako mong bibigyan mo ng chance si man of your dreams na magpakita sayo until Graduation? Focus Gabby Girl!

Hindi na nya muli pang tiningnan ang lalaki kahit pa nga distracting talaga ang presence at ang nakakahipnotismo nitong pabango. Agad rin syang nakipagsiksikan pababa ng bus without looking back ng tumapat ito sa babaan na di kalayuan sa pinapasukan nyang unibersidad.

"OMG Gab! Naloloka na ko sayo ha, ibig mong sabihin hindi mo pa rin tinatantanan yang sa lalaki sa panaginip mo?" Her bestfriend Jhesy exclaimed when she found out about the dreams again. "I think it's about time you give it up girl. Walang mangyayare dyan promise, sinasayang mo ang chance to be with a real person sa kahahanap sa lalaking likha lang ng imagination mo."

Well, she's got a point.

"Alam mo bes, feeling ko talaga makikilala ko si Mr. Man of my dreams kapag nakaharap ko sya in person eh. Kaya nga, binigyan ko na ng taning yung paghahanap sa kaya diba?"

"Ewan ko sayo girl, kase ako alam ko you're missing out a lot of good opportunities because of that mystery guy. Kagaya na lang ni Adrian na binasted mo dahil sabi mo hindi sya yung the one, when he's really a good catch!"

Well, minsan wala din syang masabi sa pagiging Parang stage mom nitong kaibigan nya eh. Hindi na lang din sya nakipagtalo, may sense din naman kase ang mga sinasabi ng kaibigan.

Natapos ang buong maghapon na hindi na nila muling napag-usapan pa si Mr. Man of her dreams, naging abala na rin kase sila sa brain storming para sa thesis. Hindi nya na nga rin namalayan n isa-isa nang naguwian ng mga kaklase at kasama nya sa grupo.

"Bes, una na ko, ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?" Narinig kong tanong ni Jhesy matapos nitong magligpit ng mga gamit.

"Sige una ka na, may konti pa kong tatapusin eh. Ingat ka." Nakangiti nyang sabi bago ito tuluyang umalis. Halos 2 oras pa ang nagtagal bago nya naisipang umuwi na. Halos wala na rin masyadong tao sa campus at madilim na rin.

"Ang lamig.." Wika nya ng maramdaman ang malamig na simoy ng hanging dulot ng malakas na ulan. Buti na lang nasabihan sya ni mama kanina na masamaang panahon. Hinalungkat nya ang loob ng kanyang g bag para hanapin ang payong pero..shet na malagkit! Hindi nya pala nadala!

"Kainis naman eh, bakit ba yun pa ang nakalimutan ko ngayon?!" Aniya saka iginala ang paningin sa paligid hoping to see someone she knows pero to no avail, wala syang makitang kakilala kahit isa.

So she just decided to play some music at sumandal sa pader , hihintayin nya na lang na humina ang ulan.

(Music: Tagpuan by Moira)

Ang sarap mag emote. Perfect ang scene na to para sa isang romantic love story, hayyy..

At tumigil ang mundo...

Hanggang sa matuon ang kanyang mga mata sa isang lalaking tumatakbo sa gitna ng ulan, patungo sa kanyang direksyon...

Hindi nya alam kung anong pumasok sa utak nya pero hindi na nya nagawa pang alisin dito ang paningin Hanggang sa tuluyan iyong makalapit sa shade na kinaroroonan nya.

"Grabe, ang lakas ng ulan." Narinig nyang anito habang pinupunasan ang mukha.

Parang pamilyar tong lalaking to...

She knew it was rude to stare, pero she just can't stop herself from examining the guys face. She knew she's seen him before...


"Hi, we meet again." Nakangiti nitong wika ng tumingin sa kanya. She was taken aback, halos masamid sya ng marealize na napansin na sya ng lalaki.

"H-ha?"

Napakamot ito sa ulo..
"Sabi ng mommy ko hindi daw ako madaling kalimutan, mukhang nagkamali yata sya. We met earlier, sa bus. Remember?"

Saka nya muling naalala yung kakaibang pakiramdam nga kaninang umaga. Kahit pa nga gusto bang manginig ng mga tuhod nya dahil sa lamig ng panahon ay tinatalo pa rin iyon ng pagiinit ng magkabilang pisngi niya.

"Ah,o-oo nga, ikaw nga yun. A-anong ginagawa mo dito?" She tried her best to look confident kahit pa nga napakahirap gawin niyon habang nakangiti pa rin ito sa kanya.

"Dito rin ako nag-aaral. Paalis na ko kaya lang may nakalimutan ako sa locker ko kaya naisipan kong bumalik. Ikaw? May hinihintay ka ba?"

"Ah, w-wala naman. Nakalimutan kong magdala ng payong." Sagot nya, he's still dripping wet kaya naisip nyang dukutin sa bulsa ang panyo at iabot iyon dito. "Basang bass ka."

She's not sure but something flashed in his eyes. Warmth?

"Thank you. By the way I'm Miguel. 4rth year Architecture student." Inilahad nito ang kamay matapos na abutin ang panyong inalok niya. Atubili many tanggapin ang palad nito, a side of her didn't want to hesitate.

"Gab. 4rth year Engineering student." She smiled. Nawala na yung kaba na naramdaman nya kanina, she felt that she knew this guy before.

"Ahm, pwede mo ba kong hintayin dito? May kukunin lang ako sa loob?"

Gaga ka. Baka serial killer yan si kuya!

Marahan syang tumango. Pero ilang minuto pa lang itong nakakaalis ng huminto sa tapat niya ang kotse ng mama nya.

"Anak! Halika na!" Sigaw nito ng ibaba ang bintana sa tapat driver's seat. Atubili syang lumingon sa entrance ng school na pinasukan ni Miguel, gusto sana nyang hintayin ito kaya lang ayaw nya na lang malaman ng mama nya na pumayag syang makipagusap at maghintay sa isang lalaking kakikilala nya pa lang. She decided to open the car's door at ng tuluyang makasakay ay hindi pa rin nya magawang Alisin ang mga mata sa direksyong panggagalingan ng lalaki. Kaya lang kahit ng tuluyan na silang makalabas sa premises ng school ay hindi nya rin ito nasulyapan pang muli. And she felt sad and guilty about it. Paano kung maghintay ito duon? Nahhh...hindi naman siguro.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
834K 40.2K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
125K 6.9K 41
Porcia Era Hart x Chrisen
55.7K 138 15
SPG